Sa sandaling ito, nanginig ang katawan ng waiter.‘Imposibleng babae siya ni Mr. Robbins, ‘di ba? Kung ganon, ang kept man na ito…”Nakasulat sa buong mukha niya ang mga saloobin niya. Halos hindi niya mapigilan ang mga ito.Hindi naman nagmamadali si Harvey.‘Ginamit ni Jake Surrey ang mga koneksyon niya sa mga higher-up ng York Enterprise para mapalapit kay Mandy. And problema, wala naman magiging magandang kahihinatnan sa kanya iyon..'Sa sandaling dumating ang waiter, sinabi sa kanya ni Harvey, “Hindi ba sinabi mo na hindi ako makakadalo ng auction nang walang invitation? Bakit ka nandito, para pabalikin ako? Anong klaseng biro ba ako sa inyo?”Tila sumisigaw sa kanyang loob ang waiter.‘Ikaw na kaawa-awang kept man! No, ikaw na manloloko! Ang kapal ng mukha mong magpakitang-gilas pa rin! Kung hindi dahil kay Mr. Robbins, wala kang mga kwalipikasyon upang walisin ang mga sahig sa banyo ng Mountain Top Villa!'Subalit, hindi siya nangahas na ipakita ang kayang mga emosyon.
Ang kanyang malamig at eleganteng kilos ay nagpakita ng isang natatanging kaakit-akit na imahe, ngunit ang kanyang ngiti ay pumukaw at nagpa-excite sa maraming puso.Nang tumingin siya sa paligid ni Dawson Robbins, nakita niya si Harvey York at naguluhan.‘Anong klaseng reputasyon meron si Dawson Robbins? Bakit may hampaslupang lalaking malapit sa kanya?’Alam ni Rosalie kung paano umiikot ang mundo. Pinigilan niya ang sarili sa pagtatanong tungkol sa lalaki.Sa puntong ito, nakapasok na sa hall sina Jake Surrey at Mandy Zimmer. Si Wyatt Johnson naman, ay hindi pa. Napanganga siya sa nakakamanghang itsura ni Rosalie. Naglakad siya, at biglang tumawa.“Oh? Hindi ko inakala na nandito pa pala ang live-in son-in-law ng pamilya Zimmer! Masiglang sinabi ni Wyatt, papalapit. “Hindi ba pinalayas ka kanina? Paano mo nagawang bumalik?”“Mr. Robbins, magandang binibini… Ang lalaking ito ay ang live-in son-in-law ng pamilya Zimmer na sikat sa buong Niumhi. Hindi ko alam kung paano siya naka
Malamig na tumawa si Wyatt Johnson.“Hindi mo ako kailangang pasalamatan. Kahit umalis ka ngayon, kailangan kong ipagbigay-alam sa mga Zimmer tungkol sa magnanakaw na mula sa kanilang pamilya na pumunta dito para dungisan ang mga mata ko. Kulang ito kung hindi ako hihingi ng paliwanag sa kanila."“Syempre, bibigyan kita ng pagkakataon. Gumapang ka at magmakaawa, at kakalimutan ko ito. Anong masasabi mo?”Ngumiti si Harvey York nang walang sinasabi, walang planong bigyan ng sagot si Wyatt.Hindi na mapigilan pa ni Dawson Robbins ang kanyang sarili at sumabog sa galit, “Mr. Johnson, nasiraan ka na ba ng bait?”Matagal nang nais ni Dawson na mapalapit kay Harvey, pero walang naging pagkakataon. Ang pag-imbita sa kanya sa Mountain Top Auction ay ginawa niya lamang para humingi ng tawad.Alam niyang isang discreet na tao si Harvey York, kung kaya't nakatayo lamang siya sa gilid sa buong oras. Ngunit nang makita niyang iniinsulto si Harvey, hindi niya na ito matiis pa.“Mr. Robbins, s
Kung patuloy silang mag aaway, An mga Naiswells ay maaaring mahirapan din. Hindi ito importante para kay Rosalie Naiswell. Kung sabagay, ang rason bakit sila nadoon ay walang iba kung hindi para sa auction“Miss Naiswell, maghintay muna kayo sandali...” Si Wyatt Johnson ay kinabahan.‘Tumanggap ako ng sampal mula sayo. Paano ko na lang hahayaan iyong ng ganun na lang?’Sa sandaling iyon, nakahabol na siya kay Rosalie habang tumatalikod. Sinabi niya ng may pangit na ekspresyon, “Dawson, tapos ka na ngayon. Intayin mo lang. Bukas, ililipat ko ang pera ng pamilya palabas ng bangko. Hindi ka na magiging CEO ng bangko pagkatapos noon!”Sa sandaling iyon, si Dawson Robbins ay hindi man lang tinignan si Wyatt. Subalit, tumalikod siya at tumingin kay Harvey York. Tapos huminga siya ng malalim at sinabi, “Mr. York, padalos dalos ako at hindi ko pinigilan ang aking sarili. Patawarin mo sana ako.”Ngumiti ng bahagya si Harvey at sinabi, “Kung wala kang gagawin ng may ibang taong pinagalitan
Kahit na si Rosalie Naiswell ay nanlalamig at tahimik na babae, si Mandy Zimmer sa kabilang banda, ay natural na nakakaakit na babae. Ang dalawang babae ay nakaupo doon ng magkasama na parang dalawang magandang bulaklak. Ito ay nakakatuwang tanawin, tulad ng isang kilalang painting sa buong mundo.Ngunit si Harvey York ay kaswal na umupo doon at kaagad niyang sinira ang bihira at magandang tanawin.Sa sandaling iyon, parehong si Jake Surrey at Wyatt Johnson ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa kanilang ekspresyon sa mukha.“Ikaw ay isa lang live-in son-in-law. Paano ka nakapasok dito? Staff! Anong problema sa inyong auction dito? Paano niyo na lang nagawang papasukin ang isang tao na walang invitation card na makapasok sa auction house? Hindi ba’t nilalabag ninyo ang mga patakaran at mga regulasyon dito?” Tanong ni Jake.“Tama iyan! Mayroong nagiisip na maaari niyang matamasa ang parehong trato tulad ng sa amin matapos siyang maging live-in son-in-law. Sa huli, hindi niya alam na
Kaagad, si Jake Surrey ay nagpadala ng text message kay Cecilia Zachary.Tumingin si Cecilia sa kanyang phone. Kahit na siya ay medyo walang magawa, tumayo pa din siya. Tapos ngumiti siya at sinabi, “Mandy, huwag kang umupo sa tabi ng walang kwentang basura natatakot ako na maapektuhan ka niya ng kanyang kahirapan at kamalasan. Kailangan mo ng swerte ngayon. Makipagpalitan ka ng upuan sa akin. Mamaya, si Mr. Surrey ay gusto kang niyang ipakilala sa mga supperior mula sa York Enterprise.”Tumugon si Mandy Zimmer ng walang pagdadalawang isip, “Hayaan mo na ito. Uupo na lang ako dito.”Sa sandaling iyon, si Mandy ay nasa nakakailang na sitwasyon. Ngunit kakaiba man, nakita niya ang kanyang sarili na mas komportable at mas kalmado, na nakaupo kasama si Harvey York kumpara ng nakaupo siya katabi ni Jake.Ang klase ng komportable na pakiramdam ay walang kinalaman sa yaman. Ito ay pakiramdam na kailangan niyang bumalik sa kanyang sarili bahay at ngayon siya ay nakahiga sa kanyang sariling
"Dear, mukhang hindi mo kailangang umalis kasama ang sinungaling na 'to ngayong gabi. Dahil hindi naman niya kilala yung CEO ng York Enterprise, wala siyang silbi. Bakit hindi ka na lang sumama sakin bukas para makilala mo yung kaklase ko—si Yvonne? Mas maganda yun." Ang sabi ni Harvey York kay Mandy Zimmer. "Talaga? Maganda yun!" Mukhang nasiyahan ng husto si Mandy. Si Yvonne Xavier ang secretary ng CEO ng York Enterprise. Kung makakausap nila siya, magiging mas madali para sa kanila na makilala ang ilan sa mga mataas na tao sa York Enterprise. Bahagyang sumama ang ekspresyon ng mukha ni Jake Surrey. Pero medyo napailing si Cecilia Zachary, gusto niyang iparating kay Jake na lumalabas ang tunay niyang intensyon. Hindi niya magagawang baligtarin ang sitwasyon kahit na ano pa ang sabihin niya. Sa mga oras na yun, napuno na ang auction house. Sa huli, dumagsa ang libo-libong tao sa lugar. Masasabing sikat talaga ang Mountain Top Auction na 'to. Pagkalipas ng ilang sandali, nagsim
Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Cecilia Zachary. Totoong may gusto siya kay Jake. Subalit, interesado lang si Jake Surrey kay Mandy Zimmer, at hindi siya mabait sa kanya. Lagi siyang nasasaktan dahil dito. Kung hindi dahil dun, siguradong matagal na niyang ipinilit ang sarili niya sa isang mayaman at gwapong lalaki. Bakit pa niya ipapakilala si Jake kay Mandy kung ganun? "Harvey, hindi mo nga mabigay yung mga bagay na gusto ng asawa mo. Pwede ba wag ka nang magpanggap. Nakakainis ka na!" Ang sabi ni Cecilia, at nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Harvey, Cecilia, pwede ba tumahimik na kayo." Noong makita niya ang nangyari, namroblema si Mandy. Matagal nang ayaw ni Cecilia kay Harvey York. Hindi siya sinasagot ni Harvey dati, kaya tumitigil siya sa pagsasalita pagkatapos niyang laiitin si Harvey. Nitong mga nakaraang araw, halatang hindi na gaya ng dati si Harvey at ilang beses na napahiya si Cecilia dahil sa pagtatalo nila. Sa tabi nila, bahagyang ngumiti si Jake, at may
"Ipapaintindi ko sa buong mundo!”"Ang paglabag sa Wah of Water ay nangangahulugang paglabag sa kabuuan ng Island Nations! At ang pagsalungat sa bansa ay nangangahulugang pagsalungat sa World Civilization Department!"Kaming mga Islander ay hindi papayag sa anumang uri ng kahihiyan!”Mabilis na itinaas ni Alani ang kanyang kamay.Ang mga tao ng Country H ay walang masabi. Pati ang mga tao sa Evermore ay nakatingin kay Alani na may kakaibang mga ekspresyon.‘Hindi mo mapapatunayan ang lahat ng iyon kahit pa talunin mo si Harvey ngayon, hindi ba…? Mga Islander na hindi papayag sa kahihiyan? Ano bang kalokohan ito…’Siyempre, walang magtatangkang pabagsakin si Alani sa mga sandaling iyon.Ang mga Islander ay labis na naiinis sa mga sinabi niya."Hayop ka! Kaming mga Islander ay malalakas! Hindi namin kailanman pinapayagan ang kahihiyan!”Bumuntong-hininga si Harvey."Tama na ang satsat. Atakihin mo na lang ako.“At Prince, kailangan kong ianunsyo mo ang isang bagay…”"Dahil ito
Pak!Sa isang iglap lamang, isang nakakatakot na alon ang kumalat. Mga bitak na kahawig ng mga sapot ng gagamba ang nabuo sa pagitan nina Alani at Harvey.Tumuloy si Harvey nang walang kahit isang tunog.Si Alani, sa kabilang banda, ay nagpagulong-gulong sa hangin ng ilang beses bago natumba sa lupa. Masaya siya nang tumayo muli, tila walang sugat.Nagtinginan ang mga Islanders bago sila sumigaw nang malakas. Sa kanilang mga mata, nagawa ni Alani na manatiling buo matapos magturok ng gamot. Ibig sabihin nito ay nagtagumpay ang kanilang eksperimento!Sa tulong ng gamot, makakalikha ang Island Nations ng isang di-mapipigilang hukbo!Magagawa nilang bumuo ng isang napakalaking alyansa ng Far East!Maaari nilang sakupin ang mundo! Hindi na ito magiging pangarap para sa kanila!“Magpanggap ka pa, Harvey!” sabi ni Alani."Iyon ang Ashura’s Palm ng Abito Way! Sinumang tamaan nito ay magkakaroon ng pagkasira ng kanilang mga internal na organ bago mamatay!"Okay ka lang ngayon dahil sa
Hindi man lang pinansin ni Harvey si Wanda, na nanatiling nakapako sa kanyang pwesto."Hindi na mahalaga kung sino ang nasa likod nito. Ikaw talaga ang gumagawa ng gulo ngayon, Alani."Pinapapunta mo ang mga makapangyarihang Indiano laban sa akin pagkatapos marinig ang aking pangalan... Pero bukod sa pagpapadala sa kanila sa kamatayan nila, ano sa tingin mo ang nakamit mo dito?“Atakihin mo ako kung talagang kaya mo."Hinahayaan mo si Wanda at ang iba pa na makipaglaban sa’kin para lang mapabagsak ko sila, di ba?"Kasapi ka din ng Evermore! Sa Evermore, bawat isa sa inyo ay magkakumpitensya."Basta't mapabagsak mo ang mga nangungunang talento ng mas batang henerasyon sa Far East... Magiging pinuno ka ng teritoryo ng Evermore sa Far East!"Hinala ko na binigyan ka rin ng permiso ng pamilyang maharlika para gawin ito! Marahil ang Island Nations ay sinusubukang makuha ang kabuuan ng Evermore mismo..."Kung ganoon, malamang na sobrang lungkot ng Evermore. Kailangan nitong magtrabaho
”Hayy…”Isang nakakakilabot na boses ang narinig.Isang babaeng nakasuot ng tradisyonal na damit ng India ang biglang lumabas mula sa karamihan. Naka-suot siya ng scarf sa mukha na bahagyang nagpapakita ng kanyang balat. May malinaw na tanaw sa kanyang baywang, at may nakadikit na Cat’s Eye Stone sa kanyang pusod.Naglalabas siya ng nakakapreskong amoy habang siya'y lumalabas. Amoy siya ng malamig na simoy ng hangin sa dalampasigan, na nahuhumaling ang lahat sa kanya.Hawak niya ang isang scimitar na puno ng alahas. Sa kabila ng kanyang mahinahong asal, ang kanyang ekspresyon ay matindi. Sa madaling salita, ang babae ay isang rosas na natatakpan ng mga tinik.“At sino ka naman?” Tanong ni Harvey, habang nakatingin sa babaeng Indiyano.Ngumiti ang babae; ang kanyang mga mata ay kayang bumihag ng puso.Ako si Wanda Garcia mula sa India.Nandito ako para matutunan ang inyong paraan ng pakikipaglaban. Gayunpaman, handa akong ipagkaloob sa iyo ang anumang kahilingan kung susuko ka at p
Walang ginawang espesyal si Harvey.Ito ay isang malinis at simpleng atake. Nakikita ng lahat na pinupuntirya niya mismo ang ulo ni Shinsuke.Maraming mga Islander ang nagpakita ng paghamak, iniisip na nagmamayabang si Harvey at talagang hindi kahanga-hanga.Gayunpaman, tanging si Shinsuke lamang ang nakakita sa tunay na kapangyarihan ni Harvey.Ang kanyang atake ay simple, ngunit ang bilis lamang nito ay sapat na upang takutin ang sinuman. Ang ulo ni Shinsuke ay mabibiyak sa gitna kapag tinamaan siya nito!Nang maisip niya ito, biglang siyang nanginig. Agad niyang inipon ang kanyang lakas at winasiwas ang kanyang espada, sinubukan niyang harangin ang atake ni Harvey.Clang!Agad na nabali ang custom-made na espada ni Shinsuke. Malinaw na ang lakas ng atake ni Harvey ay higit pa sa inaasahan ni Shinsuke.Swoosh!Huminto si Harvey sa kanyang pag-atake nang malapit na ang espada sa ulo ni Shinsuke."Kulang pa ang lakas mo. Ni hindi mo kayang saluhin ang isang atake.”Nanigas si
Bumuntong-hininga si Harvey."Nasa kalagitnaan ka na ng pagiging isang God of War, pero heto ka pa rin at umiinom ng droga. Hindi mo ba kayang bitawan 'yan?”Akala ni Harvey na alam na niya ang lakas ni Shinsuke, pero mas malakas pa siya kaysa sa inaasahan niya. Base sa mga namumulang mga mata at gutom na gutom na ekspresyon ni Shinsuke, wala nang ibang paliwanag.Alam ni Harvey na ang mga Islander ay may kinalaman sa mga ninja, onmyoji, conjurer, at martial artist. Nakapag-imbento sila ng iba't ibang kakaibang bagay dahil sa kanilang pinagsamang mga talento.Gayunpaman, hindi niya akalain na kahit na ang isang tao na may pambihirang lakas ay gagamit ng droga.Gayunpaman, sapat na ito upang ipakita kung gaano talaga kagusto ng Island Nations ang pagbagsak ng Country H. Hindi sila titigil para lang makamit ang layuning iyon.“Halika!”Lumamig ang tingin ni Shinsuke matapos niyang makita si Harvey na umatras. Suminghal siya, pagkatapos ay muli siyang humakbang at muling inihanda a
"Ipapaintindi ko sa'yo na ginawa mo ang pinakamasamang desisyon sa buong buhay mo!" Sigaw ni Seb, ang kanyang boses ay magaspang.Ang kanyang mukha ay puno ng galit. Sa parehong oras, nagsisimula na siyang magsisi sa kanyang desisyon.Nagtataka siya kung bakit siya tumayo upang labanan si Harvey sa simula pa lang. Kung sana ay pinilit na lang niya si Harvey sa likod ng mga eksena, siya sana ay gagantimpalaan kapag natapos na ang lahat.Ngayon na siya'y naparalisa, ano pa ang halaga ng gantimpala kahit na mahuli si Harvey?"Ang mga sorcerer, laban sa akin?"Nagpakita si Harvey ng isang mapaghambog na ekspresyon.“Tanungin mo si Kylen kung mangangahas siya.”Pagkatapos ay hindi pinansin ni Harvey si Seb, at pinunasan ang kanyang kamay gamit ang ilang tisyu."Sino pa ang nandiyan? Kung ito lang ang meron ka, hindi mo makakamit ang hustisyang nararapat sayo. Kailangan mo rin akong bigyan ng paliwanag tungkol sa sitwasyon."Huwag kang masyadong magyabang, Harvey."Si Shinsuke, na
“Venom Strike!”Tapos na si Seb sa paggamit ng mga trick; pumalakpak siya, pagkatapos ay tumakbo diretso kay Harvey.Isang masangsang na amoy ang sumingaw sa sandaling magdikit ang kanyang mga kamay. Ang kanyang mga kamay ay natatakpan ng lason. Sinumang mahawakan nito ay makakaranas ng impiyernong sakit.Sa harap ng mabilis na atake ni Seb, kalmadong tinapakan ni Harvey ang lupa.Crack!Isang piraso ng mga guho ang tumama diretso sa lalamunan ni Seb. Mabilis ang pag-atake.Nakita ito, walang magawa si Seb kundi umatras na may galit na ekspresyon.Naniniwala siya na si Harvey ay talagang napakababa. Hindi siya hinarap ni Harvey nang harapan, at gumamit pa ng mga palihim na taktika para sirain ang kanyang killer move!Kailangang ipagtanggol ni Seb ang kanyang sarili laban kay Harvey. Humakbang siya paatras, saka inilagay ang kanyang mga kamay sa harap niya.Clack!Isang piraso ng mga guho ang tumama mismo sa kamay ni Seb. Narinig ang tunog ng mga buto na bumabagsak. Ang napaka
”Mag-iingat ka, Sir York!"Ang mga sorcerer ng South Sea ay gumagamit ng lason at miasma!"Mahawakan ka lang niya, at patay ka na!"Agad na nagsalita si Rachel; dahil siya ay isang mataas na opisyal ng Longmen, mayroon siyang kaalaman tungkol sa mga sorcerer.Ang kanilang katayuan sa South Sea ay hindi bababa sa kasing taas ng mga sagradong lugar ng pagsasanay sa martial arts. Higit sa lahat, ang kanilang mga pamamaraan ay karaniwang lampas sa pag-unawa. Mamamatay ang mga tao sa kanila nang hindi man lang alam kung bakit.Pinagmasdan ni Harvey ang paligid bago siya maglakad nang walang pakialam.Hiss!Isang makamandag na ahas ang bumagsak sa lugar kung saan siya nakatayo; naiwasan niya ang atake nang sandaling humakbang siya.Nabigla si Seb, at muli siyang nagpakita."Paano nangyari iyon? Paano mo nagawang iwasan ang Psyche Fog?!”Ang kanyang itim na usok ay isang ilusyon lamang. Nakapagtanim na siya ng isang nakakalason na bagay, at itinago ito sa paligid ni Harvey. At gayun