Share

Kabanata 148

Author: A Potato-Loving Wolf
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56
"Dear, mukhang hindi mo kailangang umalis kasama ang sinungaling na 'to ngayong gabi. Dahil hindi naman niya kilala yung CEO ng York Enterprise, wala siyang silbi. Bakit hindi ka na lang sumama sakin bukas para makilala mo yung kaklase ko—si Yvonne? Mas maganda yun." Ang sabi ni Harvey York kay Mandy Zimmer.

"Talaga? Maganda yun!" Mukhang nasiyahan ng husto si Mandy. Si Yvonne Xavier ang secretary ng CEO ng York Enterprise. Kung makakausap nila siya, magiging mas madali para sa kanila na makilala ang ilan sa mga mataas na tao sa York Enterprise.

Bahagyang sumama ang ekspresyon ng mukha ni Jake Surrey. Pero medyo napailing si Cecilia Zachary, gusto niyang iparating kay Jake na lumalabas ang tunay niyang intensyon. Hindi niya magagawang baligtarin ang sitwasyon kahit na ano pa ang sabihin niya.

Sa mga oras na yun, napuno na ang auction house. Sa huli, dumagsa ang libo-libong tao sa lugar. Masasabing sikat talaga ang Mountain Top Auction na 'to.

Pagkalipas ng ilang sandali, nagsim
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 149

    Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Cecilia Zachary. Totoong may gusto siya kay Jake. Subalit, interesado lang si Jake Surrey kay Mandy Zimmer, at hindi siya mabait sa kanya. Lagi siyang nasasaktan dahil dito. Kung hindi dahil dun, siguradong matagal na niyang ipinilit ang sarili niya sa isang mayaman at gwapong lalaki. Bakit pa niya ipapakilala si Jake kay Mandy kung ganun? "Harvey, hindi mo nga mabigay yung mga bagay na gusto ng asawa mo. Pwede ba wag ka nang magpanggap. Nakakainis ka na!" Ang sabi ni Cecilia, at nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Harvey, Cecilia, pwede ba tumahimik na kayo." Noong makita niya ang nangyari, namroblema si Mandy. Matagal nang ayaw ni Cecilia kay Harvey York. Hindi siya sinasagot ni Harvey dati, kaya tumitigil siya sa pagsasalita pagkatapos niyang laiitin si Harvey. Nitong mga nakaraang araw, halatang hindi na gaya ng dati si Harvey at ilang beses na napahiya si Cecilia dahil sa pagtatalo nila. Sa tabi nila, bahagyang ngumiti si Jake, at may

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 150

    Bahagyang nainis si Mandy Zimmer. Noong una, nagawang maglabas ng malaking halaga ni Jake para sa kanya, at natuwa siya dahil dito. Ngunit masama ang loob niya ngayon at naiinis siya dahil laging iniinsulto ni Jake Surrey si Harvey York. Kahit na mahirap lang si Harvey, at isa lang siyang live-in son-in-law, siya lang ang gumagawa ng mga gawaing bahay sa loob ng tatlong taon. Buong puso niyang hinarap ang lahat ng pagsubok sa buhay niya. Kahit na hindi siya matanggap ni Mandy noong umpisa, nagsisimula na niyang mapansin ang kabutihan ni Harvey. Isa pa, mapapahiya siya kapag iniinsulto ng ganun ang asawa niya sa harap ng maraming tao kahit na gaano pa kasama ang asawa niya. Sa sandaling iyon, sumimangot si mandy at sinabing, "Mr. Surrey, bawiin mo ang sinabi mo at humingi ka ng tawad kay Harvey." "Gusto mo akong humingi ng tawad sa kanya?" Humalakhak si Jake. "Yung totoo, ginagawa ko lang 'to para sa kapakanan mo. Mandy, walang pangarap ang lalaking 'to, pero napakayabang niya.

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 151

    Hindi iyon itinanggi ni Mandy Zimmer, at bahagya lamang siyang tumango.Inabot ni Harvey York ang maliit na kamay ni Mandy. Ngumiti siya at sinabi, “Bilang asawa mo, ibibigay ko iyon sa iyo bilang regalo!”Saglit na napatigil si Mandy, dahil hindi niya alam kung paano siya sasagot. Subalit, tumingin si Rosalie Naswell kay Harvey, at hindi niya mapigilang mapabuntong hininga.‘Ayos lang kung hindi niya kaya. Pero hindi siya marunong magpanggap. Pag-aari na ng mga York ang bagay na iyon. Paano pa kaya makukuha iyan ng iba?’‘Live-in son-in-law ka lang. Meron ka bang karapatan?’***“Susunod, ipapa-suction natin ang sixth lot. Tungkol sa lot na ito, hindi rin kayang ma-identify ng mga appraiser namin ang authenticity nito. Pero narinig naming pambihira ang pinanggalingan ng item na ito. Ladies and gentlemen, welcome kayo para lumapit at i-access ito. Pagkatapos, pwede kayong mag-desisyon kung gusto niyong mag-bid sa lot na ito…”Sa sandaling iyon, nagningning ang mga mata ng babaen

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 152

    “Walang duda, wala masyadong pinagkaiba ang painting na ito sa authentic. Pakiramdam ko ay may sobrang gandang klase ng pagkopya na ginawa sa mga sumunod na henerasyon. Isa pa, posibleng na-produce ito sa panahon natin. Bukod dito, baka isa itong produktong binebenta online. Baka hindi fifteen dollars ang halaga nito…” Sabi ni Wyatt Johnson.Sa parehong oras, tumingin siya sa auctioneer at sinabi, “Binibini, hindi ko sinusubukang sirain ang krediblidad ng auction house dito. Nagsasabi lamang ako ng katotohanan. Sana hindi niyo ito alintana.”Ngumiti ang auctioneer at sinabi, “Ayaw rin ng mga auctioneers na maglakas-loob na ii-confirm ang authenticity nito. Lumalabas palang matagal na panahon nang nahati sa dalawa ang authentic na painting. Dati, akala ko ay isa itong painting na nakopya nang maayos, kaya hindi nangahas ang mga appraiser na kumpirmahin ang authenticity nito. Lumalabas palang hindi na namin kailangang i-assess ang kalidad nito, at pwede nating direkta sabihing hindi it

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 153

    Walang kahit anong kalokohang sinabi si Harvey York. Sinubukan niya lamang kunin ang pera mula sa kanyang bulsa. Matapos ang ilang sandali, nakahanap lamang siya ng fifteen dollars. Pagkatapos ay binigay niya ang fifteen dollars sa auctioneer, na tila hirap bitawan ang pera.Hindi niya mapigilan iyon. Pagkatapos ng lahat, mayroon lamang siyang fifteen dollars na cash sa kanya sa ngayon.Isang malakas na tawanan ang narinig.“Nakakatawa talaga ito! Meron nga talagang binili ang ‘The Rocky Mountains, Lander’s Peak’ sa halagang fifteen dollars lamang!”“Masyado kang maingat sa pagtatago. Natatakot ka bang mawalan ng pera?”“Kaya natatakot kang mawalan ng pera. Mukhang fifteen dollars lang meron ka, hindi ba?”“Harvey, kailangan mong alagaan ang painting na iyan. Bibisitahin ka namin kapag libre kami para lang i-assess iyan. Kung sabagay, isa iyang legendary renowned world painting na nagkakahalagang fifteen dollars!” Tumawa ang taong iyon pagkatapos.Parehong tumawa sina Jake Surre

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 154

    Habang sinasabi iyon ni Jake Surrey, tila ang kanyang masamang plano ay matagumpay. Hangga’t pinapahiya si Harvey York, tiyak na gagamitin niya ang pagkakataong iyon.Ngumiti si Harvey at dahan-dahang sinabi, “Ladies and gentlemen, sigurado akong kilala niyo si Albert Bierstadt na isa sa mga pinakatanyag na landscape painter na pinakakilala sa kanyang marangyang, nakamamanghang na mga tanawin ng mga bundok. Ang mga watercolor painting na ginawa niya ay talagang pambihira, simple pero malalim. Isa pa, ang kanyang style ay batay sa maingat na detalyadong painting na may romantic at glowing na lighting. Iyon ay ang legendary na luminous technique. Ginawa nitong magnipiko, elegante, at boundless ang mga painting niya… Pakitingnan ito. Hindi ba ang painting na ito ay eksakto sa kung paano ko ito inilarawan?Narinig ng iba kung paanong makatuwiran at lohikal ang sinabi ni Harvey. Sa sandaling iyon, sinulyapan nila ang painying nang hindi namamalayan. Napagtanto nila na ang painting ay eksa

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 155

    Ang "Plum Authenticity Twist" ay isang natatanging kasanayan ng isang kilalang master ng appraising noong 1900s. Napabalitang hangga't kumilos ang master sa kanyang sarili, literal na malalaman ng master ang pagiging authentic ng anumang mga antigo at sikat na painting.Sa panahong ito, iilang tao na lang ang may alam sa technique na ito. Ang dahilan kung kaya alam ni Rosalie Naiswell ito ay dahil sa kanyang lolo na alam din ang technique na ito. Subalit, nangako si Senior Naiswell sa taong nagturo sa kanya ng technique. Nangako siyang hindi ipapasa sa iba ang technique na iyon. Kung kaya, siya lamang ang nag-iisa sa mga Naiswell na naka-master sa technique na iyon.Ngayon, ang “Plum Authenticity Twist” ay taglay ng isang live-in son-in-law. Pakiramdam ni Rosalie ay isang kabaliwan iyon at nananaginip siya.“Ano? Ang Plub Authenticity Twist?”Maraming taong naroroon ang narinig ang sinabi ni Rosalie. Bahagya siyang napagitil. Ibig sabihin ba nito ay hindi lang basta nagpapalabas an

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 156

    Sa sandaling iyon, nagbago ang facial expression ni Wyatt Johnson. Naglakad siya palapit at malamig na sinabi, “Sa tingin ko ay peke pa rin ang painting na ito. Kung tutuusin, replica lang ito na kuhang kuha ang orihinal. Miss Naiswell, hindi ba isang expert master sa appraising ang lolo mo? Maaari ba tayong humingi ng tulong sa kanya, upang tingnan ito?”Nang marinig iyon, nanginig si Rosalie Naiswell. Mas malalim na ang paghanga niya kay Wyatt ngayon. ‘Totoo yan. Sa oras na tulad nito, maging siya ay hindi kayang kumpirmahin ang authenticity ng “The Rocky Mountains, Lander’s Peak”. Baka ang tanging paraan lang ay humingi ng tulong sa lolo ko, para malaman ang authenticity niyon. Isa pa, nagawa ni Wyatt na manatiling kalmado sa ganitong sitwasyon. Sapat na iyon para patunayan na talagang pambihira siyang lalaki!’Sa sandaling iyon, huminga nang malalim si Rosalie, lumapit at nagsalita, “Kung ganon, kakausapin ko si lolo ko para tingnan ang painting na ito at makita ang authenticity

Latest chapter

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 4956

    Sa tapang ni Kairi Patel, hindi makapaniwala ang mga tao na hahayaan niyang maupo ang kanyang boyfriend sa halip na siya.Napakahalaga talaga siguro ng lalaking ito para sa kanya.Agad na nagdilim ang mukha ni Abe Masato.Muling umupo si Greta Lee sa kanyang upuan bago siya nagsalita."Kayong lahat, isinama ni Kairi ang kanyang boyfriend para makilala natin siya ngayon."Siguraduhin ninyong bibigyan niyo sila ng mga kamangha-manghang regalo kapag nagpakasal sila!"Nabalitaan ko na binibigyan ni Kairi ng maraming pera ang boyfriend niya! Dapat din natin siyang tulungan!"Kung hindi, hindi tatanggapin ng dalawang ‘yun ang mga regalo natin!"Natigilan ang lahat bago sila natauhan. Ang kanilang mga tingin kay Harvey York ay unti-unting naging mapanghusga.Syempre, akala nila isa lang siyang alalay.Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Aldo John nang makita niya si Harvey. Nakilala niya siya noong sandaling iyon.Tumayo siya, magsasalita sana siya, ngunit umiling si Harvey, na par

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 4955

    Ang lalaki ay nakasandal sa sopa na nakapatong ang mga paa, na natural na naging sentro ng atensyon ng mga tao.Si Harvey York ay kumunot ang noo sa lalaki. Ang kanyang kagandahan at kabaitan ay may kasamang di-masukat na lungkot at kasamaan.Sa wakas, ang pinakabata at pinaka-kahanga-hangang onmyoji ng pamilya Tsuchimikado ay hindi magiging isang ordinaryong tao.Habang naglalakad sa paligid ng kahon, inilipat ni Kairi Patel ang kanyang tingin sa isang tao bago nagpakita ng kakaibang ekspresyon."Bakit nandito rin si Aldo John?""Hindi ba lumpo na siya?"Tumingin si Harvey sa isang batang lalaki na nakasuot ng suit.Hindi siya mukhang matanda. Mukhang banayad siya nang umupo siya sa tabi ni Abe Masato, na para bang siya rin ay nasa mataas na posisyon.Naramdaman ni Harvey na pamilyar ang tao hanggang sa sa wakas ay naalala niya.Ito ang parehong tao na humingi ng tulong para hindi magwala noon sa Flutwell.Si Aldo John mismo.Ang liit ng mundo. Hindi niya inaasahan na makik

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 4954

    "Walang kahulugan sa akin ang mga salitang iyon, Kairi. Dapat mong sabihin ‘yan kay Young Master Abe mamaya,” malamig na sinabi ni Greta Lee.Pagkatapos, tiningnan niya si Harvey York bago tumawa ng malamig."Hindi ko alam kung sino ka, bata!"Pero binabalaan kita! May mga taong hindi mo dapat banggain!"Alam kong mas mahalaga sayo ang pera kaysa sa sarili mong buhay!"Kung alam mo ang makabubuti para sa'yo, kunin mo ito at umalis ka na!"Kung hindi, hindi mo magugustuhan ang kahihinatnan nito!"Kinuha ni Greta ang isang bunton ng pera mula sa kanyang handbag bago ito ihinagis sa lupa.Dumilim ang mukha ni Kairi Patel, ngunit bahagya lamang siyang ngumiti nang tumingin siya kay Harvey.Habang binabastos ni Greta si Kairi, tinatapak-tapakan din niya si Harvey.“Honey…"Sinusubukan niya akong palayasin gamit ang pera.""Hindi niya nga alam kung gaano kalaki ang ibinibigay mong baon sa akin araw-araw."Nagsalita si Harvey habang nakangiti kay Kairi."Gusto niyang malaman kun

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 4953

    Tumingin si Harvey York sa ibang direksyon matapos makita ang nakakaakit na ngiti ni Kairi Patel.Suminghal si Kairi, nagmamaktol siya dahil sa walang pusong lalaki sa harap niya bago niya ipinarada ang kotse. Pagkatapos ay pumasok na ang dalawa sa clubhouse.Ito ang lugar na paboritong bisitahin ng mga turista sa Golden Sands. Hindi lamang mga mamahaling sasakyan ang nakaparada sa paligid, kundi marami ring mga kakaibang tao ang makikita na kasama ang kanilang mga kasintahan habang masayang nagkukwentuhan.Hindi hilig ni Harvey ang mga ganitong atmospera pero wala siyang sinabi tungkol dito dahil may layunin siya sa isip niya.Pagkatapos tumawag ni Kairi, dinala niya si Harvey sa pinakamalalim na box ng lugar.Isang babae na nakasuot ng isang dress at may eleganteng makeup ang matagal nang naghihintay.Mabilis siyang lumapit nang makita niyang dumating si Kairi."Sa wakas nandito ka na!"Hinihintay ka ng lahat!"Ayaw ni Young Master Abe Masato na umorder ng kahit anong pagkai

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 4952

    Napahinto si Harvey York bago siya natawa, nagtataka siya kung nakatakda ba siyang magpanggap bilang boyfriend ng iba kamakailan.Pinuntahan siya ni Penny Jackson noon. Pinuntahan siya ni Cedric Lopez para gumawa ng gulo pagkatapos nun.Dahil humingi ng tulong si Kairi Patel, malamang na isa itong malaking bagay."Ano? Tumatanggi ka kahit na tinulungan mo si Penny?"Natural na alam ni Kairi ang tungkol dito. Lumapit siya sa tabi ni Harvey bago bumulong sa kanyang tainga."Nagmamakaawa siya na magpanggap kang boyfriend niya..."“Pero iba ako.”"Kung kilala mo ang taong ayaw ko...""Ikaw ang magmamakaawa sa’kin."Pinatunog ni Harvey ang kanyang dila."Hindi ko alam ang tungkol diyan. Hindi ako yung tipo na magmamakaawa.”"Ang taong iyon ay kabilang sa Tsuchimikado family. Isa siyang exchange student mula sa Kyoto University."Ang pangalan niya ay Abe Masato.""Bukod sa siya ang pinaka maningning na bituin sa larangan ng pulitika ng Island Nations, at ang pinakabatang advisor

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 4951

    ”Wala nang kwenta ang Foster family ngayon?" “Pabalik na sa Shaddol si Amora Foster?" Hindi makapaniwala si Blaine John.“Natalo si Cedric Lopez, at ngayon hinihiling din niya na magpaliwanag ang John family?" Tinakpan ni Kensley Quinlan ang namumulang bakat ng kamay sa maganda niyang mukha gamit ng kanyang mga kamay at huminga siya ng malalim.“Tama ‘yun.“At kung hindi ako nagkakamali, malaki rin ang kinalaman ni Harvey York sa pag-angat ni Amora sa kapangyarihan.“Malamang nakikipagtulungan siya ngayon sa kanya.“Mahihirapan tayong galawin siya pagkatapos nito…“Young Master John, ikinalulungkot ko na kailangan nating ipagpaliban ang mga plano natin sa kanya pansamantala…“Dapat ba natin itong ipaalam sa mga nakakataas at humingi ng backup?”Nagpakita ng malungkot na ekspresyon si Blaine.“Ipaalam? Paano natin ipapaalam sa kanila ang tungkol dito?“Sasabihin natin sa kanila na dinala natin ang buong pwersa natin dito para lang bugbugin ng live-in son-in-law na ‘yun?

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 4950

    Dumilim ang mukha ni Amora Foster.“At paano kung hindi?”"Hindi siya mamamatay," sagot ni Harvey York.“Pero muling papasok ang sumpa sa kanyang katawan.”“Magiging gulay siya sa buong buhay niya kung ganun ang mangyayari.”"Huwag kang mag-alala. Papalagayin kong bumisita si Castiel Foster tuwing taon.”"Libre ang serbisyo, siyempre. Baka pakainin mo si Castiel para may dahilan kayong magkasama.”"Medyo mapagbigay naman ako."Nagpakita si Amora ng naguguluhang ekspresyon.“Salamat, Master York,” sabi niya nang tahimik.Siya ay isang matalinong tao. Alam niya kung bakit ginagawa lahat ito ni Harvey.Wala nang pagkakataon ang pamilya Foster na labanan si Harvey.Sa huli, si Brayan Foster ay maaari lamang umasa sa kanya kung nais niyang mamuhay ng magandang buhay.Sinasabi nga, hindi naman pinabayaan ni Amora ito.Ang kanyang pag-angat ay masyadong biglaan. Ang natitirang bahagi ng pamilya ay hindi magdadalawang-isip na labanan siya.Ang simpleng galaw ni Harvey ay sapat n

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 4949

    "Maraming pera at mga yaman ito. Ang ganitong kayamanan ay maaaring gawing katapat ng isang ordinaryong tao ang isang bansa…"Pero mukha ba akong tao na kailangan pa ng ganoon?"Si Amora Foster ay natigilan na may kakaibang ekspresyon."Walang pakialam kung sinusubukan mo akong lokohin.""Basta't gawin mo nang maayos ang trabaho ko, makakatulong pa ako sa pamilya sa mga pagsubok bilang pangunahing shareholder.""Kung lalabanan mo ako, madali kong makokontrol ang pamilya tulad ng ginawa ko sa iyong ama.""Kung gusto ko, maaari ko ring alisin ang pamilya mula sa nangungunang sampung pamilya.""Naiintindihan mo ba ako?"Sa ugali ni Amora, magliliparan siya sa paligid habang sumisigaw kay Harvey York dahil sa mga salitang iyon...Pero sa hindi malamang dahilan, naniwala siya na ang sinabi ni Harvey ay totoo!Naniniwala siya na kung gugustuhin niya, kayang-kaya niyang sirain ang pamilya sa loob lamang ng ilang minuto!“Naiintindihan ko!" sigaw niya, habang kumikibot ang kanyang m

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 4948

    Sa wakas itinikom na ni Amora Foster ang kanyang bibig.Isang pakiramdam ng katapatan ang agad na pumalit sa paghihiganti laban kay Harvey York. Nagpasya siyang sumama sa kanya hanggang sa pinakamasakit na dulo.“Salamat sa pagtitiwala sa akin, Master York!" sigaw niya nang masigla."Pero sa tingin ko, wala akong sapat na kapangyarihan para kumbinsihin ang buong pamilya...""Tulad ng sinabi mo, natatakot akong hindi susuportahan ng pamilya ang hindi tamang pag-angat ko."Hinaplos ni Harvey ang mukha ni Amora na may ngiti."Huwag kalimutan, ako ang pinakamahusay na eksperto sa geomancy sa lungsod.""Destinado kang mapunta sa mataas na posisyon."Maging tiwala sa sarili mo."Bumalik ka at kausapin mo ang iyong ama."Sabihin mo sa kanya na makinig sa iyo kung gusto niyang ipamuhay ang natitirang bahagi ng kanyang buhay sa karangalan at kayamanan."Makikinabang tayong tatlo dito."Malakas na inalog ni Amora ang kanyang kamay, na hindi pinapansin ang kanyang mga sugat."Huwag m

DMCA.com Protection Status