Sa hall ng main residence ng mga Yates. "Papa, Mama. Anong nangyayari? Bakit kayo nagmamadali?" Tanong ni Harvey. "Hindi ako sigurado, pero tinawagan ako ng mga Yates kaninang umaga at sinabi nila sa'kin na may malaki silang iaanunsyo." "Sa tingin ko baka naghahanda sila na ibalik sa'tin ang parte ng shares ng Silver Nimbus Company!" Nasabik si Lilian. "Tama! Lalo na't ang mga Yates ang family-in-law ninyo. Siguro nahanap na nila ang konsensya nila at hindi nila matiis na makita tayong nakatira sa kalsada!" Sobrang nasabik din si Simon. Hindi siya makatulog nang maayos nitong nagdaang ilang araw. Nag-aalala siya kung saan siya dedepende sa hinaharap para mabuhay, pero may pag-asa pa rin pala talaga! Palihim na bumulong si Mandy sa tainga ni Harvey, "Darling, dapat mong gamitin ang pagkakataong ito para pasalamatan sina Tito at ang iba pa ngayong araw. Sa tingin ko alam nila na nagtatayo tayo ng street stalls at naaawa sila. Kaya binigyan nila tayo ng pag-asa." Natural
Hindi makapaniwala si Lilian habang nakatingin kay Grandma Yates. Ang babaeng iyon ay ang ina mismo ni Lilian, pero paano niya nagagawang magsabi ng ganito? Nag-imbita pa siya ng mga mamamahayag para sa bagay na ito! Napakawalang-awa nito! Sobrang natakot si Simon na umabot sa puntong namutla ang kanyang mukha. Masyadong seryoso ang bagay na ito. Baka mawalan pa sila ng pag-asa na magmalimos ng pagkain pagkatapos nito! Samantala, hindi makapaniwala si Mandy sa kanyang narinig. Kinuha na nga ng kanyang lola at tito ang kanyang shares na nagkakahalagang tatlong daang milyong dolyar, pero hindi pa rin nila bibigyan ng paraan na mabuhay ang pamilya nila. Ang pinakaimportanteng bagay pa rito ay inanunsyo pa nila ito sa publiko ay pinaalam sa buong mundo. Katumbas nito ay sinabi nila sa lahat na hindi na sinusuportahan ng Yates family ang pamilya ni Mandy mula ngayon. "Lola, Tito, bakit?!" "Hindi ba tinulungan niyo pa kami kahapon?!" "Bakit niyo kami tinatrato nang ganito
Tumawa ang lahat pagkatapos tumayo si Harvey para magsalita. Sa mga mata ng mga Yates, walang katayuan sina Mandy at ang kanyang pamilya. Mas mababa pa si Harvey kaysa sa kanila! "Grandma Yates, Keith. Naniniwala ka ba na pagsisisihan niyo ang ginawa niyo ngayon?" "Ang top-rated na Yates family?" Sabi ni Harvey nang nakangisi. "Ikinakatakot ko na hindi niyo mapapanatili ang kadakilaan ng pagiging isang first-rated!" "Ang kapal ng mukha mo!" Malamig na sumagot si Keith. "Ang lakas ng loob mong sumpain ang top-rated na Yates family nang ganito! Pasaway ka!" "Gusto mong magsisi ang Yates family? Imposible!" "Ngayon na nasa kamay na namin ang lahat ng shares ni Mandy, nasa'min na ang lahat ng awtoridad at karangyaan sa mundo! Paano kaming magsisisi?!" "Hindi maiintindihan ng isang basurang live-in na kagaya mo kung gaano na kalakas ang Yates family ngayon!" Tumawa ang mga Yates. Sa kanilang mga mata, si Harvey ay isa lamang baliw. "Manahimik kayo!" Sa sandaling iyon, na
Hindi nagtagal ay umalis na sila Harvey at ang tatlo. Ang sinabi niya bago siya umalis ay puno nga ng malakas na determinasyon. Pero para sabihin niyang hindi nila kailangan ang suporta ng mga Yates? Ang pagsama sa top-rated na Yates family ang pinakamalaking kadakilaan na matatanggap ng pamilya nila! "Hindi talaga tumitigil sa pagyayabang ang basurang live-in na yun kahit na walang magawa ang buong pamilya niya!" "Hayaan mo siyang magsalita! Wala naman nang kinalaman sa'tin ang pamilyang iyon!" "Baka mapatay pa siya dahil sa bibig niya! Kung ganun, makakahinga tayo nang maluwag!" "Ang sarap sa pakiramdam na magpalayas ng isang malas na lalaki!" "Mula ngayon, ang Yates family ay opisyal nang magiging isang top-rated family!" “Hahahaha…!”Tumawa muli ang Yates family sa pinakamalakas at aroganteng paraan. Alam mismo ni Mr. Barker ang gagawin sa sandaling ito. Kaagad siyang lumapit para sumipsip sa mga Yates. "Congratulations, Madam Yates, Sir Yates! Ang Yates fami
Matagal na naghirap ang pamilya nila Mandy. Wala silang magawa kundi ang magtago sa kanilang bahay at hindi sila makalabas. Buti na lang darating na sa susunod na araw ang Ceremony of Changing Defenses ng militar ng South Light. Buong araw lang nasa balita si Mandy at ang pamilya niya bago ganapin ang seremonya. Samantala, sa loob ng manor ng Leo family…Naghanda ng regalo si Chris Leo.Pinapunta niya si Jessie Tate at inilabas ang regalo.“Commander Tate, ano sa tingin mo kung ibigay ko ito sa Head Commander bukas?” Tanong ni Chris habang nakahalukipkip ang kanyang braso. Tinignan ito ni Jessie bago sumagot, “Magaling. Ang Head Coach ay mula sa militar. Maaaring retirado na siya, pero magugustahan niya ang ganitiong bagay.”“Magaling, napakagaling.”Tumawa si Chris. “Oo nga pala, kumusta na ang tungkol sa pagiging saksi ng Head Coach sa kasal ko?”Ngumiti si Jessie.“Walang problema. Nakausap ko na si Ethan Hunt mula sa Sword Camp. Sabi niya nakausap na niya ang Head
Nanumbalik ang kulay sa mukha ni Carson Cloude pagkatapos marinig ang sinabi ni Grandma Yates.Ngumiti si Callum Robbins. “May plano ka ba para bukas, Grandma Yates?”Sumagot si Grandma Yates, “Ang Ceremony of Changing Defenses ay gaganapin sa hall ng gobyerno ng South Light. Bukod kay Bellamy Blake ang bagong naatasang maging first-in-command ng South Light’s military, si Oskar Armstrong at ang Head Coach ay dadalo rin sa ceremony.” “Bukas, aayusin ni Keith ang pwesto ng lahat. Kapag nangyari ‘yun, nakasalalay sa kakayahan niyo kung makukuha niyo ba o hindi ang suporta ng Head Coach.”Nagalak si Callum at Carson sa mga salitang ito.Alam nila ang tungkol sa alamat ng Head Coach. Nanguha pa sila ng impormasyon mula sa mga tao sa militar para maunawaan ang katayuan ng Head Coach.Kung magagamit nila ang pagkakataong ito para makilala ang Head Coach, edi ang Robbins family, Cloude family at ang Yates family ay hindi na kailangan pang umasa sa iba. “Hmph! ‘Pag nangyari ‘yun,
Nitong alas nueve ng umaga.Nagsuot ng pormal na kasuotan si Harvey, tapos ginising niya si Mandy kasama na ang iba. “Dad, Mom, Mandy. Dapat magsuot din kayo nang pormal. Dadalhin ko kayo sa isang lugar para magpahinga. Nagtaka sila Mandy. Ngunit hindi nila kailangang magtrabaho at wala rin silang kailangang puntahan. Dahil si Harvey na ang nagsabi, nagsuot sila ng pormal na kasuotan at sumakay sa kotse nang hindi nagtatanong. ‘Di nagtagal, bumiyahe si Harvey sa direksyon ng bagong distrito ng Buckwood. Hindi ito pinansin ni Mandy. Ang bagong distrito ng Buckwood ay ang bagong gawang lugar na may ilang mga ahensya ng pamahalaan kasama na ang ilang mga komersyal na gusali. Akala niya gusto lang siyang dalhin ni Harvey sa bilihan para maglibang. Hindi nagtagal, naramdaman ni Mandy na parang may kakaiba. Nakakita siya ng mga sundalong may armas na nagbabantay sa mga kalsada. Mayroon ring ilang mga mamahaling kotseng dumadaan, kasama ng malalaking mga kulay berdeng buggy
”Hm? Kayo? Bakit nandito ang pamilya mo?” Isang nagtatakang boses ang maririnig mula sa gilid.Lumingon si Mandy at ang pamilya niya at nakita ang mga Yates na palapit nang may malalaking hakbang. Wala doon si Keith Yates, ngunit ang taong nangunguna sa mga Yates ay si Grandma Yates mismo. Ang taong nakatayo sa tabi niya ay isang nakakaakit na babaeng may kayumangging buhok, si Phoebe Yates. Nag-aaral siya sa America noon at kakabalik lang nitong nakaraang dalawang araw. Sinundo siya ng mga Yates pagkatapos makababa ng eroplano nitong umaga. Kahti na maganda si Phoebe, ang manipis niyang labi at parang may usok na mata ay nagbigay sa kanya ng anyong parang seryoso. Ngumiti si Phoebe at nagsalita. “Diba ikaw si Mandy Zimmer? Balita ko si Grandma Yates mismo ang nagpalayas sa buong pamilya mo! Ang kapal ng mukha mong magpakita sa lugar na ito?” “Isa ba itong lugar na pwedeng puntahan ng mga askal na tulad mo?” Tumawa nang malakas ang mga Yates sa sinabi ni Phoebe. To