"Sam dinner na tayo! Kanina ka pa diyan nakaharap sa folder na dala-dala mo."
IBINABA ni Samantha ang folder na hawak niya kung saan naroon ang proposal ng Homeland para sa KRE, hindi maisip ni Samantha paano niya makakausap ang CEO nito kung wala siyang appointment. Sinubukan niya kanina pero decline lang ang appointment niya, pakiramdam ni Samantha sa task niya ngayon sasakit ang ulo niya. "Mama, kain na po tayo." ani ni Milo na di niya pansin na nakalapit na sa kaniya at kinuha ang kaliwang kamay niya at hinila na siya. Napangiting nagpahila si Samantha sa kaniyang anak at sabay na silang nagpunta sa mesa kung saan si Shaina ang nakatokang magluto ng hapunan nila. "Ano ba 'yung hawak mong folder at titig na titig ka?" tanong ni Shaina habang nilalagyan nito ng kanin at ulamang plato ni Milo. "Proposal documents siya, need na kasi mag expand ng Homeland kaya kailangan nila ng lupa for another branch, kaya lang 'yung Real Estate na gusto nilang kuhanan ng lupa ay ayaw makipag meet up sa boss ko." sagot ni Samantha na nagsalin ng tubig sa baso at ibinigay iyon kay Milo. "Anak careful sa pagkain, and bawal may tira okay?" "Yes mama!" "Eh bakit nasa iyo ang proposal documents?" kunot noong tanong ni Shaina. "Sa akin kasi ibinigay ang task na mapapayag ang CEO ng King Real Estate sa proposal ng Homeland, kaya lang hindi ko alam kung paanong approach ang gagawin ko." sagot ni Samantha. "What? Agent ka lang nila di'ba, so bakit sayo binigay ang ganiyang trabaho? Besides, King Real Estate? Eh bali-balitang halimaw daw ang CEO niyan despites na may guwapo 'yang mukha. Devil in Disguise kung tawagin." ani ni Shaina na bahagyang ikinatawa ni Samantha. "Ang judgemental mo, Shaina." "Sinasabi ko lang ang naririnig ko." "Sabi ng kasamahan ko sa trabaho masungit daw ito, pero baka exagerrated lang ang sinasbai nila na halimaw ang ugali nito. Huwag tayo magbase sa mga sinasabi lang ng ibang tao." nagsalin na si Samantha ng pagkain sa plato niya habang kinuha ni Shaina ang binili niyang dessert at nilapag iyon sa mesa. "So ano? Kung ibinigay na sayo ang task na mapapayag ang CEO ng KRE, paano?" tanong ni Shaina na bahagyang ikinabuntong hininga ni Samantha. "Nag iisip pa nga ako ng strategy, kailangan kong maclose deal ito para sa Homeland." ani ni Samantha ng marinig nila ang pagtunog ng kanilang doorbell. "At sinong magdo-dorbell sa harapan ng bahay natin?" tumayo si Shaina sa pagkaka-upo niya at nagtungo sa pintuan. Nang buksan niya ang pinto ay bumungad si Nathan na may dalang bowl ng ulam at nakangiti sa kanila. "Good evening." "Si handsome kapitbahay pala ang bisita natin Sam, at may dala pang ulam. Pasok ka pogi." ngiting ani ni Shaina na ikinatayo ni Samantha. "Oh Nathan..." "I brought sinigang na hipon naparami ag luto ko kaya naisipan kong dalhan kayo."ngiting ani ni Nathan na si Shaina ang kumuha ng bowl na dala nito. "Nag-abala ka pa, paborito ito ni Sam kaya lang allergic si Milo sa hipon kaya hanggat maari no hipon dito sa bahay. But don't worry, hinfi ito masasayanh dahil ako ang kakain nito." dali-daling bumalik si Shaina sa kusima upang isalin sa ibang lagayan ang dalang ulam ni Nathan para sa kanila. "I'm sorry." "Ano ka ba ayos lang, hindi ka naman aware sa allergy ni Milo. Iniiwasan ko ng bumili ng hipon dahil naisugod ko ang anak ko sa ospital because of that. Kahit paborito ko ang hipon mas mahalaga naman ang health ng anak ko." pahayag ni Samantha. "I knew someone na allergic din sa hipon like your son, akala niya sinadya ko 'yun kaya mas lalong lumayo ang loob niya sa akin." ani ni Nathan. "A friend?" "May step-brother. Pasensya na ulit, next time ibang ulam nalang ang dadalhin ko." "Oh? So may next visit ka pala, napaka friendly mo naman palang kapitbahay." pagsingit ni Shaina na ikinalingon dito at ikinairap niya dto "Mag behave ka nga diyan, Shaina," "Pinupuri ko ng--- hindi nalang itinuloy ni Shaina ang sasabihin pa niya at nilapitan nalang si Milo upang pakainin. "Pagpasensyahan mo na ang kaibigan ko, sadyang minsan ay kung ano-ano amg lalabas sa bibig niya. "pahayag ni Samantha. "It's okay, anyway good night." saad ni Nathan na nilingon si Milo. "Milo!" tawag ni Nathan na ikinalingon ni Milo sa kaniya. "Play tayo next time, see you buddy." saad pa ni Nathan na ikinakaway ni Milo sa kaniya bago niya binalikan ng tingin si Nathan na bago pa makabalik sa bahay nito at agad inabot ni Shaina ang dala niyong bowl. "Dalawang araw palang natin siya nagiging kapitbahay pero feeling close na sayo at kay Milo, hindi kaya tipo ka niya?" ani ni Shaina na agad ikinalingon ni Samantha sa kaniya. "Shaina! Gusto lang makipag kaibigan nung tao kung ano-ano ang naiisip mo. Besides, sinong magkakagusto sa akin gayong hindi na ako dalaga at may anak na ako." "Madami kaya, naging nanay ka lang pero single ka at maganda at masapag kaya for sure marami parin na magkakagusto sayo, example si poging kapitbahay."pahayag ni Shaina na ikinailing ni Samantha sa kaniya. "Ikaw talaga, kung ano-anong naiisip mo." naglakad na pabalik si Samantha sa mesa ng mapansin niyang nakatingin si Milo sa kaniya. "Oh anak bakit ganiyan ka makatingin kay mama?" "Okay lang po sa akin mama na may magkagusto sa inyo, pero kung ako po ang tatanungin, gusto ko parin po na makita at magkaayos kayo ng totoo ko pong tatay." ani ni Milo na ikinawalan ng imik ni Samantha sa sinabi ng anak. "Milo hindi ba nasabi na ni mama mo sayo na wala na ang tata---" "Ang ibig sabihin po ba ng wala na ay nasa heaven na ang daddy ko? Pero kung wala lang po siya at iniwan kami ni mama, puwede po ba natin siyang hanapin at tanungin bakit niya po kami iniwan ni mama." ani ni Milo na ikinalingon ni Shaina kay Samantha na nakatingin sa matalino niyang anak. Sa edad na pitong taon ay nababatid niyang maraming tanong ang kaniyang anak, at hindi manhid si Samantha upang hindi mapansin na gustong makita ni Milo ang tunay nitong ama. Pero ang problema ni Samantha ay wala siyang ideya kung sino ang ama ni Milo, one night stand lang ang nangyari sa kanila at hindi pa niya nakita ang mukha dahil dali-dali siyang umalis ng hotel kung saan may nangyari sa kanila, at naibigay niya ajg pagkababae niya sa isang estranghero. "Milo bata ka pa para maunawaan ang mga nangyari, hindi ka ba masaya na tayo lang ang magkasama with ninang Shaina mo?" ani ni Samantha. "Masaya naman po, pero sa tuwing sinusundo ng mga tatay nila ang mga kaklase ko, naiinggit po ako." pahayag ni Milo na ikinatayo ni Samantha sa kinauupuan niya at pagkalapit niya kay Milo ay niyakap nalang niya ang kaniyang ina. Batid nina Samantha na nangungulila ang kaniyang anak sa kalinga at pagmamahal ng isang ama. Pero hindi iyon maibibigay ni Samantha dahil estranghero sila sa isa't-isa ng ama ni Milo. KINABUKASAN, sabay na hinatid ni Shaina at Samantha sa school nito. Malawak ang ngiting kinawayan niya ang kaniyang anak hanggang tuluyan na itong makapasok sa loob. "Sigurado ka bang pitong taong gulang lang ang anak mo? Hindi ako maka moved on sa mga tanong niya kagabi tungkol sa tatay niya." pahayag ni Shaina na ikinabuntong hininga ni Samantha. "Hindi ko masisisi si Milo, lumaki siyang walang nasisilayan na ama. Natural sa kaniya na magtanong at maghanap sa tatay niya, pero paano ko sasabihin kay Milo na nabuo pang siya dahil sa pagkakamali ng nanay niya? Na hindi ko kilala ang tatay niya dahil naka one night stand ko lang ito. Masasaktan si Milo, at ayokong saktan ang anak ko." "Pero hindi habang buhay ay itatago mo kay Milo ang totoo, malalaman at malalaman niya iyon pag lumaki na siya." ani ni Shaina na ikinalingon ni Samantha sa kaniya. "Mas mabuting walang alam si Milo, okay naman kami kahit hindi niya makilala ang tatay niya. Sasakay nalang ako sa bus, magkaibabg way ang pupuntahan natin kaya kita nalang tayo sa bahay mamaya." pahayag ni Samantha na iniwan na si Shaina at pumara ng taxi na nakita niya. Hindi masyadong nakatulog si Samantha dahil iniisip niya ang mga sinabi ng anak niya, pero ayaw niyang isipin pa ang tungkol doon dahil wala naman siyang magagawa. Isinantabi nalang muna ni Samantha ang pag-iisip niya sa kaniyang anak at nag focus sa lakad niya ngayon. Papunta siya ngayon sa King Real Estate upang sadyain ang CEO nito, alam niyang kailangan niya ng appointed para kitain siya nito pero hindi iyon inaaccept at decline lagi ang request nila. Kaya napag-isipan ni Samantha na puntahan na ito at personal na pakiusapan. Isang oras ang naging biyahe niya ng makarating na siya sa tapat ng malaki at mataas na building ng King Real Estate. Maraming tao ang pumapasok sa loob na sa tingin niya ay mga employee nito, bago magimg agent si Samantha sa Homeland ay sinubukan niyang mag-apply dito, pero decline ang application niya dahil hindi niya tinago na may anak na siya sa pagkadalaga, main reason bakit hindi siya tinanggap. "Sana this time hindi na nila ako i-reject." ani ni Samantha na huminga ng malalim bago naglakad papasok sa loob kung saan agad siyang hinarang ng guwardiya. "Excuse me ma'am, ano pong kailangan nila?" "Hello sir, ako po si Samantha Ferrer from Homeland Condominium Village, narito po ako para makausap ag CEO ng KRE." sagot ni Samantha. "May appointment po ba kayo?" "Wa-wala pero---" "Pasensya na miss, hindi kita mapapapasok dahil wala kayong appointment. Kung gusto niyo makausap ang CEO dito, tumawag po kayo sa secretary niya for appointment." ani ng guwardiya. Paano ko gagawin 'yun eh na reject na nga ako. saad ng isipan ni Samantha na malapad niyang nginitian ang guard. "Sige na sir, pagbigyan niyo nalang po ako na makausap ang CEO. May proposal lang po ako na gustong ipakita sa kaniya."pakiusap ni Samantha na ikinakamot mg guard sa batok nito. "Pasensya na talaga ma'am, kung papapasukin kasi kita ng walang appointment ako naman ang tatanggalin sa trabaho. Balik nalang kayo pag may appoitnment na kayo." saad ng guwardiya. Expected ni Samantha na hindi magiging madali ang lahat kahit personal na siyang nagtungo sa KRE, pero ayaw niyang pumasok sa Homeland ng walang nangyayari sa ipinunta niya. Kaya ng mawala ang atensyon ng guard sa kaniya dahil sa ilang employee na nagpacheck ng ID's ng mga ito, ay ginawa iyon na chance ni Samantha upang patakbong pumuslit sa loob nh building. "Hoy ma'am! Sandali bawal kayo pumasok!" sigaw ng guard kay Samantha na kinabahan sa sarili niyang ginawa. Takbo ng takbo si Samantha at ng lumingon siya sa likuran niya ay hinahabol siya ng guard kaya mas kinabahan si Samantha. Alam niyang tresspassing siya pero ang ginawa niya ang tanging way para pakinggan siya ng CEO ng King Real Estate. Napatili at paupong bumagsak nalang si Samantha ng mabunggo siya sa isang matigas na dibdib na bahagya niyang ikinangiwi dahil sa pagkakasalampak niya sa sahig. Pinamulhan pa siya ng mukha dahil sa hiya dahil napansin niya nakatingin sa kaniya lahat ng mga tao sa KRE. "Ma'am sinabi na kasing bawal puma---" "What's happening here?" Naputol ang sasabihin ng guard ng makilala nito kung sino ang nakabungguan ni Samantha. "B-boss...." ani ng guard na dahan-dahag ikinatingala ni Samantha upang tingnan ang nakabungguan niya kung saan tumambad sa mga mata niya ang lalaking hindi niya inaasahan na makikita niyang muli. "Ikaw?! Ikaw 'yung Cereal Stealer?!" bulaslas na turo pa ni Samantha dito na plain lang ang tingin na binibigay sa kaniya. "And who are you exactly?" seryosong tanong nito na mabilis na ikinatayo ni Samantha kahit nananakit ang balakang niya. "Nakalimutan mo na? Sa grocery store? Inagaw mo ang cereal na ako ang unang dumampot pero inagaw mo sa akin. Teka? Anong ginagawa mo dito? Employee ka ba rito?" ani ni Samantha na ikinataas lang ng kilay nito sa kaniya. "Excuse me miss, he's not employee here. He's the boss and CEO of King Real Estate. Siya si Grey Harrison." pagpapakilala ng lalaking natatandaan ni Samantha. "S-siya ang CEO ng King Real Estate? Seryoso?" gulat at hindi makapaniwalang bulaslas ni Samantha. "Pasensya na boss, pinagbawalan ko na siyang pumasok kaya lang biglang pumuslit papasok sa loob." explain ng guwardiya. "That's incompetent of you. You let a stranger enter my fvcking building, are you reallu doing your job here?" seryosong ani nito sa guwardiya. "Te-teka lang, hindi mo kailangang pagalitan si manong guar---" "And you woman, i can sue you for tresspassing in my property. The hell are you?" putol ba baling nito sa kaniya. Pigil si Samantha na maasar sa ugali ng kaharap niya lalo pa at nalaman iyang ang cereal stealer at CEO ng KRE ay iisa. "Ako si Samantha Ferrer, from Homeland Condomi---" "So that pathetic company still persuing what is already decline many times." putol muling ani nito na nilingon ang guard. "Take him out to my company, I don't want a bug enter in my fvcking building. Ask the Cleaning department to wash the tiles of my company that this woman set her feet." ani nito na ikinainis ni Samantha dahil sa lantarang pamamahiya at pangbaba nito sa kaniya. "Grabe naman ang nilalabas ng bibig mo, Mr. Harrison. Pinalaki ka bang maayos ng magulang mo at ganiyan ka makitungo sa ibang tao? Hindi na ako nagtataka kung bakit Devil in disguise ang tawag sayo ng mga tao, may ugali ka kasing hindi kanais-nais!" inis na singhal ni Samantha dito na ikinasinghap ng mga employee dahil sa binibitawang salita ni Samantha sa boss nila. "Kung hindi lang kailangan ng Homeland ng bagong lupa to expand our scope at kung hindi lang ikaw ang Real Estate na kailangan namin hindi ako magpapakahirap na pilitin kang makipag usap sa amin for our proposal! We ask for a meet up, dinaan namin sa process na gusto yet you always give us rejection, wala man lang chance."singhal pa ni Samantha na plain na tingin lang ang binibigay ni Grey sa kaniya. "Are you done? Who cares about your fvcking whinning about my rejection, the reason why i rejected the homeland is because i don't like to have them as my client. Why? Because homeland is part of the incident happened twelve years ago, who thousands of life was killed because of their poor and incompetent survailing construction of their shity building. So why would I connect my estate to that kind of company huh?" seryosong pahayag ni Grey na ikinawalan ng imik ni Samantha dahil ngayon niya lang narinig ang tungkol sa sinabi ni Grey patungkol sa homeland. "Hi-hindi 'yan totoo...." "And you are fool, woman. Now leave my company and never ever set your filthy feet on my property." ani ni Grey na nilagpasan na si Samantha at dere-deretsong lumabas ng sarili niyang kumpanya kasunod ng secretary niya. "Halika na ma'am, lumabas ka na." pakiusap ng guard na mabilis na ikinatakbo ni Samantha palabas ng KRE. Kakapasok lang ni Grey sa backseat ng kotse niya ng tapunan niya ng tingin si Samantha na nagmamadaling pumara ng taxi at umalis sa lugar na 'yun na ikinaingos ni Grey. "Stupid woman."PAGKARATING na pagkarating ni Samantha sa Homeland ay dere-deretso siyang nagtungo sa opisina ng kaniyang boss. Nang makarating siya ay dali-dali siyang pumasok kung saan napatingin sa kaniya ang boss niyang nasa kalagitnaan ng pakikipag-usap sa mga stock holders ng negosyo nito."Ms. Ferrer? What are you doing here without knocking the door?" kunot noong tanong ng boss niya na ikinalapit niya sa kinauupuan nito habang nakatingin sa kaniya ang mga ka meeting nito."Sabihin niyo po sa akin boss? Totoo po ba ang sinabi ni Mr. Harrison tungkol sa pagkakamatay ng ilang mga trabahador ng Homeland noon dahil sa hindi maayos na survailance ng construction?" Deretsahang pag-uusisa ni Samantha na kita niya ang gulat sa ekspresyon ng boss niya, na sandali pang napalingon sa mga stock holder nito na nakunot ang mga noo."Ano bang sinasabi mo Ms. Ferrer? Excuse me for a while." ani ng boss niya na agad na tumayo at hinila siya palabas ng opisina nito."Hindi ka dapat pumapasok sa opisina ko at ku
"Ano?! Nag resign ka na sa Homeland?!"Agad na tinakpan ni Samantha ang tenga ng kaniyang anak na si Milo dahil sa malakas na pagkakasigaw ni Shaina."Tita Sha, it's not good po to shout lalo po at narito ako, di po ba?" ani ni Milo na tinakpan ni Shaina ang bibig niya at dahan-dahan na bumalik sa pagkaka-upo niya."Sorry Milo, nagulat lang ako sa binalita ni mama mo.""Milo anak, bakit di ka muna mag play sa labas. But hindi ka lalayo okay?" ngiting ani ni Samantha sa anak na ngiting tumango bago bumaba sa sofa at naglakad na palabas ng bahay nila."Samantha! Bakit ka nag resign sa trabaho mo? Homeland is your dream company tapos nag resign ka?" agad na pagkonsulta ni Shaina sa kaniya."May dahilan ako Shaina, mabigat sa akin na umalisnsa Homeland. Nagtrabaho ako sa kanila ng pitong taon kaya mahirap sa aking umalis pero, nang malaman ko amg nagawa nila noon parang hindi ko na kayang magtrabaho pa sa kanila.""Huh? Bakit ano bang nalaman mo tungkol sa kanila?""Nagkaroon ng insidente
"Thank you for trusting me ma'am and sir, hindi po kayo magsisisi na kumuha kayo ng unit dito sa homeland.""Thank you also for being our agent, ang galing mo. Now let's close the deal?"Masaya at hindi makapaniwala si Samantha na nakapag close siya ng deal sa isang bigating kliyente nila upang bumili ng pinakamahal at malaking unit na inaalok nila sa homeland Condominium Village.For Samantha, this is her first biggest achievement na nakuha niya simula ng magtrabaho siya sa Homeland seven years ago. Her patience, and effort pays off, at hindi rin niya makukuha ang chance na 'yun kung hindi siya tinulungan ng management na nagbigay ng tiwala sa kaniya."Really?! Oh my gosh Sam, that's call for a celebration! Sakto it's my day off kaya makakapagluto ako ng puwede nating kainin dito sa bahay. I am happy for you."Napangiti si Samantha sa pagbati ng kaniyang bestfriend na kausap niya sa kabilang linya, after ng pirmahan ng kontrata ay agad na tinawagan ni Samantha ang kaibigan niya upang
GREY HARRISON, one of the billionaire bachelor from forbes, a half-American, half-filipino na nagmamay-ari ng malalaking port hindi lang sa pilipinas, kundi sa apat pang bansa sa Asia. Owning the biggest real estate from America, kung saan nakapag tayo siya ng branch sa pilipinas, guwapo, matipuno at malakas ang dating na lahat ng mga babae ay nagkakagusto sa kaniya, at gustong mapalapit sa kaniya. A man whose mind is focus on his business, yet a man who can't start and end his day without eating his favorite cereal. Nang makarating ang kosteng sinasakyan ni Grey sa tapat ng kaniyang kumpanya at agad siyang pinagbuksan ng pintuan security guard. Grey elegantly leaves his car while holding the cereal na nabili niya sa grocery store. Pagkapasok ni Grey sa loob ay dere-deretso siyang sumakay ng elevator kasunod ang kaniyang secretary. "Next time, Carteciano, order all boxes of this cereal and bring them to my penthouse so i won't encounter a woman who tries to snatch it from me." ser
HINDI MAPAKALI si Samantha sa pagkakaupo niya sa backseat ng taxi na sinasakyan niya papasok sa kaniyang trabaho. Hindi niya expected na maabutan siya ng traffic sa umaga after niyang maihatid sa day care center ang kaniyang anak na si Milo. Samantha already send notice of her late sa kaniyang boss, yet hindi parin niya magawang mag-alala dahil ayaw na ayaw ni Samantha na nala-late siya sa pagpasok ng kaniyang trabaho, hindi lang natantsa ni Samantha ang traffic kaya napang-abutan siya. "Manong wala bang ibang route para makaiwas tayo sa traffic?" tanong ni Samantha sa taxi driver na lumingon sa kaniya. "Pasensya na ma'am, naipit na po tayo sa traffic hindi na po tayo makakaliko nito. Pasensya na rin po dahil hindi ko nalaman agad na may traffic sa highway na ito." "It's okay lang po manong, huwag niyo pong sisihin ang sarili niyo. Hindi naman po natin expected na magiging ganito ang traffic." ani ni Samantha. Alam ni Samantha na mas matatagalan siya kung hihintayin niyang umusad