Home / Romance / My Uncle is My Daddy! / Chapter 01- Milo's Mother

Share

My Uncle is My Daddy!
My Uncle is My Daddy!
Author: Rhenkakoi

Chapter 01- Milo's Mother

"Thank you for trusting me ma'am and sir, hindi po kayo magsisisi na kumuha kayo ng unit dito sa homeland."

"Thank you also for being our agent, ang galing mo. Now let's close the deal?"

Masaya at hindi makapaniwala si Samantha na nakapag close siya ng deal sa isang bigating kliyente nila upang bumili ng pinakamahal at malaking unit na inaalok nila sa homeland Condominium Village.

For Samantha, this is her first biggest achievement na nakuha niya simula ng magtrabaho siya sa Homeland seven years ago. Her patience, and effort pays off, at hindi rin niya makukuha ang chance na 'yun kung hindi siya tinulungan ng management na nagbigay ng tiwala sa kaniya.

"Really?! Oh my gosh Sam, that's call for a celebration! Sakto it's my day off kaya makakapagluto ako ng puwede nating kainin dito sa bahay. I am happy for you."

Napangiti si Samantha sa pagbati ng kaniyang bestfriend na kausap niya sa kabilang linya, after ng pirmahan ng kontrata ay agad na tinawagan ni Samantha ang kaibigan niya upang ibalita ang achievements niya. At katulad ng expectation niya, alam niyang magiging masaya ito para sa kaniya.

Shaina, her bestfriend since college ay laging nakasuporta sa kaniya. Until now, sa iisang bahay sila nakatira kaya minsan may mga chismiss silang naririnig tungkol sa kanila na hindi nalang nila pinapansin. Most of their neighbors ay iniisip na may relasyon sila, pero alam nina Samantha na may ganitong kaduming mentality ang ilan sa mga pilipino kaya pinababayaan nalang nila. Mag explain man sila, alam nikang hindi rin naman maniniwala ang mga ito.

Bakit sila hinuhusgahan ng mga nakapaligid sa kanila? Those people judge them because of their closeness, because of their sweet gestures at sa tuwing nakakarinig sila ng mga bagay patungkol sa kanilang dalawa tinatawanan nalang nila.

"Thank you, Shaina, hanggang ngayon para parin akong nasa cloud nine. Hindi ako makapaniwala na magagawa kong i-close ang malaking deal na ito, gusto kong maiyak pero i need to calm myself."

"It happens because of your hardwork, even nung college tayo. You really pour your efforts for everything until makuha mo 'yung goal mo. It's just...."

"...nag fail ako dahil sa katangahan ko." pagpapatuloy ni Samantha sa sasabihin ni Shaina.

"Samantha Ferrer, hindi ba at sinabi ko na sayo na kalimutan mo na ang part na 'yan? You are starting dwell again from the past, alam kong mahirap paring kalimutan pero your failure is just a stumbling block for you to be a better person. And see, ganun lang kabilis sa mga magulang mo na kalimutan ka for almost seven years just because of one mistake na hindi nila maunawaan."

"Sorry Shaina, humantong na naman tayo sa ganiyang usapan. Maaga siguro akong makakauwi ngayon, bibili narin ako ng ibang makakain natin." saad ni Samantha na pinutol na ang usapang alam niyang magbabalik sa kaniya sa masakit niyang nakaraan.

"Sige na, see you later bestfriend. Susunduin ko pa ang little patotie natin."

Nang mawala na sa kabilang linya si Shaina ay huminga ng malalim si Samantha at inayos ang kaniyang sarili. Sumakay na siya sa golf cart upang makabalik na sa main office. Nang makarating na siya sa main office ay binati siya ng mga katrabaho niya, napuri din siya ng kanilang boss kaya hindi mawala ang ngiti sa labi ni Samantha.

At dahil maaga siyang nakapag out sa trabahi ay dumaretso na si Samantha sa grocery store upang mamili ng mga puwede pa nilang kainin sa bahay nila, at pasalubong sa nag-iisang dahilan bakit ginagawa lahat ni Samantha.

Nang makarating siya sa isang stante kung saan naroon ang favorite cereal ng kaniyang one and only, ay akmang kukuha na siya ng isang box na matigilan siya dahil may isa pang kamay na humawak sa cereal na kukunin niya na agad niyang ikinalingon. At natigilan si Samantha dahil isang guwapong nilalang, na may mahabang buhok ang kaagawan niya sa cereal na hawak niya.

Ngayon lang naka-encounter si Samantha ng isang lalaking mas ikinaguwapo ang hanggang balikat na haba ng buhok nito, dumagdag pa sa kaguwapuhan nito ang suit na suot nito na halatang mahal ang presyo.

"Are you done staring at me? Because if yes, can you take off your hand to my cereal." seryosong ani ng baritinong boses nito na agad ikinabalik sa huwisyo ni Samantha at ikinalingon sa cereal na iyon nalang ang natitirang flavor ng cereal na kailangan niya.

"Sorry pero nauna kasi ako na kunin ang cereal na 'to, may ibang flavor pa naman ng cereal diyan kaya paubaya mo na ito sa akin." may galang na ani ni Samantha na kita niyang ikinasalubong ng kilay ng guwapong nilalang sa harapan niya.

"I don't like other flavor, this one is my favorite."

"Favorite din kasi ito ng anak ko, kung may ganitong flavor pa naman ay hindi na ako makikipag agawan sayo." ngiting ani ni Samantha ng makita niyang may lumapit na isang lalaking naka-suit sa guwapong lalaking kaharap niya at bumulong dito.

"Tss! That's reason why i disgust commitment, they will fvcking demand." rinig ni Samantha na ani nito ng magulat siya ng maagaw ng guwapong lalaki ang cereal na hawak niya at deretsong tinalikuran siya at naglakad paalis.

"Hey! Akin 'ya---" napigilan si Samantha sa tangka niyang paghabol sa lalaki ng harangin siya ng lalaking nakasuit at inabutan siya ng dalawang libo.

"Let it slide ms. That cereal is paborito talagang kainin ng boss ko, I apologize but please understand." saad nito bago hinabol ang boss nito at naiwan si Samantha na hindi na nakapalag sa kinatatayuan niya kung saan napababa ang tingin niya sa perang binigay sa kaniya.

"That rude unmannered jerk! Ako ang unang humawak sa box ng cereal na 'yun eh!" inis na sambit ni Samantha na naiinis na nilagay ang perang binigay sa kaniya sa estante ng mga cereal at naglakad na paalis at pumunta na sa ibang station na bibilhin niya.

Hanggang pag-uwi ay hindi mawala ang inis ni Samantha sa lalaking nang-agaw ng cereal sa kaniya, ang mas nagpadagdag ng inis niya ay naubos na ang ganoong flavor sa ibang store na dinaanan niya kaya umuwi siyang bagsak ang mga balikat.

"Akin 'yun eh." reklamo pang bulong ni Samantha na hindi maka move on sa pagkawala ng cereal niya.

"Mama!"

Napalingon si Samanta sa isang cute na batang lalaki na tumatakbo palapit sa kaniya, ang inis ni Samantha ay agad nawala ng salubungin siya nito at bigyan siya ng mahigpit na yakap.

"Kamusta ang baby ko?"

"I got an A from my quizes!" excited nag pagbabalita nito na ikinahalik ni Samantha sa mapipintog nitong pisngi na ikahagikgik nito.

"Very good naman ang baby ko, mama is so proud of you."

"Did you get me a prize mama?" ngiting ani nito na bahagyang nabawasan ang ngiti ni Samantha.

Her seven years old son, na matalino at mabait na bata ay walang ibang hinihingi sa kaniya kundi ang favorite cereal nito na nawala sa mga kamay ni Samantha dahil sa isang lalaking talagang hindi nagpaubaya sa kaniya.

"Sorry anak, hindi nakabili si mama ng favorite cereal mo."

"It's okay mama, don't be sad. May isang box pa naman po sa cabinet eh." ani nito na ikinahalik ni Samantha sa noo ng kaniyang anak.

"Ang understanding talaga ng anak ko, pangako ni mama bibili ako ng madaming favorite mong cereal para hindi ka na maubusan." ani ni Samantha na ikinahawak na niya sa kamay ng anak niya at naglakad na sila papasok sa bahay.

"Humahaba na ang hair mo anak, pagupit ka na?" kumentong pansin ni Samantha sa may kahabaan ng buhok ng kaniyang anak.

"I like my hair mama, please don't cut it." nagpapa cute na hiling ng anak niya na alam ni Samantha na hindi niya matatanggihan.

"Okay pero itatali natin 'yan lalo na pag papasok ka na sa school mo, okay?"

"Okay!"

Milo, her son is one of the best decision Samantha ever choose. Hindi nagsisisi si Samantha na noong pinapili siya ng kaniyang mga magulang ay ang nasa sinapupunan niya ang kaniyang pinili. Looking at her seven years old son, alam ni Samantha na tama ang ginawa niya kahit ang kapalit ay ang pagtatakwil ng kaniyang mga magulang.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status