Rosi's POVABALA ako sa pagsusubo ng pagkain kay Seven nang dumating sa mansion si Tita Tuwad. Mabilis nitong nakuha ang atensyon namin ni Inay dahil sa hitsura nito na halatang nagmamadali."Ay! Magandang morning! I'm always on time talaga for breakfast! Nasaan si Papa Hanz, girl?""Hindi ko alam, e. Umalis nang maaga. Ang sabi, may importanteng pupuntahan.""E, how about your itay or kapatid? Maaga pa, nowhere to be seen na naman sina Manong Lito at Gio?""Ewan ko nga ba sa mag-amang iyon! Laging wala!" si Inay ang sumagot. Halata ang irita sa mukha nito. "Bakit ka nga pala nandito, Tuwad?""Ay, wala naman, mother dear. Makikipagtsismisan lang sa anak n'yo!" Bumaling sa akin si Tita Tuwad at kinuha ang kamay ko. "Halika! May ichichika ako!""Bakit hindi mo na lang dito itsismis iyan, ha? Iparinig mo naman sa akin."Tumawa nang malakas si Tita Tuwad. "Ay, hindi ho puwede! Para lang ito sa mga magagandang dilag at fresh! Katulad namin! Kayo po kasi, tuyot na.""Aba't! Sira ulo ka, ah!
Rosi's POVPAGKALABAS ko ng silid, wala sa paligid sina Tita Tuwad at Seven. Siguro ay nasa rancho na naman. Madali kong kinuha ang paper bag na iniwan ni Tita sa may sala.Natigilan naman ako sa paghakbang nang biglang lumabas mula sa living room si Inay at makahulugang tumingin sa akin mula ulo hanggang paa."May bibilhin lang po ako para kay Seven.""Puwede mo naman iutos sa katulong, ah?""Ako na lang ho.""Teka, may bibilhin lang, ayos na ayos ka? May pa-makeup at dress pa?""Inay, sandali lang ho ako."Nagmadali na akong lumabas para wala na itong masabi. Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa manggahan ng mga Hernandez. Malayo pa, natanaw ko na si Mr. Santiban na nakasilong sa isa sa mga puno at kumakain ng mangga. Agad akong bumaba at patakbong lumapit dito."N-nahuli ba ako?"Humarap ito sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Napangiti pa ito. "Wow. Uhm, are you going somewhere after this?""Ha? Hindi. Bakit?""Masyado kang maganda."Napabuntonghininga ako sa sinab
Rosi's POVHALOS mawalan ako ng balanse habang pilit na kinakaladkad ni Hanz papunta sa mansion. Sinusubukan akong kumawala sa mahigpit niyang pagkakahawak sa aking braso pero lalo niya lang ako sinasaktan."Hanz, bitiwan mo ako! Ano ba!"Nang makarating kami sa tapat ng pinto, pabalya niya itong binuksan at walang pag-ingat akong itinulak sa loob. Bumagsak ako sa sahig dahil sa lakas nang pagkakatulak niya sa akin. Hindi ko na napigilan ang mapahagulhol nang maramdaman ang pananakit ng katawan ko dahil sa ginawa nito.Naririnig ko ang mga boses nina Ina at Itay na nag-uusap sa malawak na sala kaya alam kong nakita ng mga ito ang nangyari."Rosi!""Hanz! Anong ibig sabihin nito!"Pinilit kong tumayo nang marinig ang pag-aalala sa boses ng mga ito. Nang humarap ako kay Hanz ay malakas na sampal ang sinalubong niya sa akin. Muli akong bumagsak sa sahig sa mismong harap nina Inay at Itay."Hanz, tama na! Bakit mo sinasaktan si Rosi!""Malandi iyang anak n'yo!""Hanz, hijo, ano bang nangy
Sixto's POV"Guess who's here?"Natigilan ako sa pag-inom ng alak nang marinig ang boses na iyon. Nagtatakang lumingon ako sa gawi ng pinto at nakita ang paborito kong pinsan. Si Alas."Bro!" Mabilis akong tumayo at lumapit dito. "What are you doing here, man? Huwag mo sabihin sa aking pinapunta ka ni Mama?""Nope. I'm here to escape from my dad.""Bakit? Nagtalo na naman kayo ni Tito?""Hindi naman, but lately, he's getting into my nerves.""Because of the wedding?""Oo! Pilitin ka ba namang magpakasal sa babaeng hindi mo na nga kilala, pangit pa!" Natigilan ito sandali at napailing sa akin. "Oh, I'm sorry. I didn't mean—""No offense taken."He let out a deep sigh ang shook his head. "I mean, bro, she's not that ugly, but... kapag hindi ko tipo, hindi na maganda sa paningin ko. That's why I'm here, para takasan silang lahat. Lalo na ang babaeng iyon."Dumiretso ito sa mini bar ng hotel suite kung saan ako namamalagi at saka nagsalin ng matapang na alak sa isang baso."Maaga pa, ah.
Rosi's POVYAKAP ko ang sarili ko habang nakaupo sa garden at nakatingin sa kawalan. Maaga pa ay umalis na si Hanz kanina. Mukhang galit pa rin ito at nagmamadali."Oh! Anong nangyari sa mukha mo!"Natigilan ako nang marinig ang gulat na boses ni Tita Tuwad. Namasa agad ang gilid ng mga mata ko nang lapitan ako nito at hinagod sa likod."Binugbog ako ni Hanz.""Ano?! Na naman?! Ano na naman ang dahilan ngayon?""Nakita niya ako kasama si Mr. Santiban.""Iyon lang?!" Ilang beses itong umiling. "Sumusobra na sa pagka-OA iyang—""Naghahalikan kami."Natigilan ito dahil sa gulat. Bigla itong napatingin sa akin, pero hindi ko alam kung naaawa ba ito, natutuwa o ano. Sari-sari ang reaksyon sa mukha nito."Nakipaghalikan ka kay Mr. Santiban, out in the open?! Jusko naman, girl! Dapat kumuha kayo ng kuwarto para walang nakakita sa inyo!"Bumuntonghininga ako at pumikit sa mga narinig. Hindi ko na alam kung anong gagawin sa buhay ko. Kahit sina Inay, walang nagawa para ipagtanggol ako dahil si
Rosi's POVKANINA pa ako nandito sa loob ng kuwarto at nakatulala sa kawalan, habang si Seven ay naglalaro sa tabi ko. Nagsasalita rin ito ng mga random na words at mukhang nag-e-enjoy kahit wala ako sa sarili.Anong sabi nito? Cheat with him? Gamitin ko siya para gumanti kay Hanz? Nasisiraan na yata siya ng bait!Sumandal ako sa headboard ng kama at niyakap ang unan sa dibdib ko. Napahawak ako sa labi ko at pumikit. Bigla kong naalala ang paglalapat ng mga labi namin ni Mr. Santiban. Ang mga labi nitong parang alak na nakakahilo sa tuwing natitikman ko.Hindi ko mapigilan ang hindi bumuntonghininga. Alam kong mali, pero bakit parang may nagtutulak sa akin na gawin ang gusto niya?I shook my head and turned to face my son. Abala pa rin itong naglalaro ng dalawang maliliit na airplane. Itong cute na baby na ito, ito ang pinakaapektado oras na inuna ko ang sarili ko."Mama, fly! Airplane!""Gusto mong sumakay tayo ng airplane, baby?"Binitiwan niya ang mga laruan niyang eroplano at tuwa
Sixto's POVI'M inside the kitchen and was busy preparing my own food when Inay Gina entered my hotel suite. Nakangiti ito at may dalang mga basket ng prutas."May nagpadala na naman sa iyo, anak.""You can take it if you want, inay.""Pero bigay ito ng mga tagahanga mo, mga taong sumusuporta sa iyo."Mula sa niluluto ko ay nilingon ko ito. Sinenyas ko ang mga regalo sa living area na napabayaan ko na dahil sa dami."Masasayang lang iyan.""Ang dami naman kasi ng mga tagahanga mo, anak. Ang dami mo tuloy regalo."Itinuon ko muli ang atensyon ko sa ginagawa ko. Natatawa namang lumapit sa akin si Inay Gina."Dapat pinatawag mo ako para ako ang nakapagluto para sa iyo.""Ayos lang, inay. Gusto ko, ako naman ang magluluto ngayon. You should stay and call Jan, para sabay tayong kumain tatlo.""Oh, sige. Tatawagan ko si Jan. Ah, teka, nasaan nga pala ang pinsan mo? Hindi ko siya nakikita. Umuwi na ba?""Nakipag-party kagabi. Pagkatapos, hindi ko na alam. Hindi pa umuuwi.""Nako, pagsabihan
Rosi's POVMALAKAS ang kabog ng dibdib ko nang marinig ang pagbukas ng pinto ng mansion at ang pagbati nina Itay at Hanz kay Mr. Santiban. Nasa kitchen ako at tumutulong sa mga kasambahay sa paghahanda ng mga pagkain, pero ang totoo ay umiiwas ako sa kanila.Ewan ko ba. Mas kinakabahan pa yata akong harapin si Sixto knowing na nasa paligid lang si Hanz, kaysa sa binabalak naming pagpapakain dito ng bawal sa kaniya. If he's really Sixto, delikado ang buhay nito. Pero siguro naman, may dala siyang gamot?"Ma'am, okay lang po kayo?" Lumapit sa akin ang isang katulong at nagtatakang tumingin sa mukha ko."Oo. Bakit mo naman naitanong?""E, ma'am, namumutla ho kasi kayo. Walang kulay ang mukha n'yo."Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa sinabi niya. "Ah, masama lang ang pakiramdam ko. S-sandali, magbabanyo lang ako. Pakidala na sa dining room ang mga pagkain, ha?""Yes, Ma'am Rosi."Lumabas ako at dumiretso sa pasilyo patungo sa powder room. Hindi pa ako nakakalapit sa pinto ng banyo, nakar
Strawberry's POV"Cinnamon."Mula sa malaking salamin sa harap ko, lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses. Napatayo ako nang makita kung sino ito."Monday."Banayad ang ngiti sa labi niya nang lapitan ako. "I heard the operation was a success... I'm glad."Napangiti ako sa sinabi niya. Wala na akong nakikitang galit sa mga mata niya at napakagaan ng pakiramdam."Salamat.""Narinig ko rin na ngayon ang kasal n'yo ni Seven."Naglaho ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang mariin na paglunok niya na parang nagpipigil na lang siyang maluha."Kasal na kami dati, pero gusto niyang ulitin namin. Ngayon daw, sa harap na ng... pamilya natin."Nginitian niya ako. "It's sad I won't get to witness my sister's wedding. I can't... "Inabutan niya ako ng isang maliit na kahon. Tinanggap ko iyon at binuksan. Silver bracelet na may nakasulat na Monday & Cinnamon. Pinakita niya sa akin ang suot niya na kapareha nito."I was a teenager when I personally made this. Para sa atin. This is my wedding gif
Seven's POVHINDI makapaniwala sina Tito Aamon at Tita Candy sa narinig. Lalong nagliyab sa galit ang mga mata ni Tita at inaway na ang babaeng si Pasing."Nagsisinungaling ka! Ilabas mo ang tunay naming anak! Ilabas mo si Cinnamon ko!" Hawak na nito sa damit si Pasing."Sandali lang ho!" Pilit na kumawala si Pasing at galit na tiningnan ito. "Hindi ako nagsisinungaling!"Malakas na sampal ang iginante ni Tita Candy rito. "Anong akala mo sa amin? Tanga?! Siguro, kakuntsaba mo ang babaeng iyan! Gusto n'yo kaming perahan! Tama?!""Ay, teka lang naman, madam. Kaya nga ho hinanap ko kayo nang kusa, para maisauli sa inyo ang anak n'yo! Matanda na ho ako, gusto ko lang ituwid ang pagkakamali ko."Muntikan na naman itong sampalin ni Tita Candy pero napigilan na ito ni Tito. "Hon, huminahon ka! Hindi tayo nandito para maghanap ng gulo.""Huminahon? Ninakaw ng babaeng iyan ang anak natin! Gusto mo akong huminahon? Ipapakulong kita! Mabubulok ka sa bilangguan!" pagbabanta ni Tita Candy at dinur
Seven's POVDAHAN-DAHAN kaming pumasok sa silid, puno ng pag-ingat na hindi makagawa ng ingay at magising ang prinsesa naming mahimbing ang tulog. Naglalakad kami patungo sa kama, titig na titig ako sa mga mata ni Strawberry.Though unable to see, her beautiful eyes were filled with love and longing. I caressed her cheek, wiping away a tear that flowed from her eyes."Mahal kita, mahal na mahal kita, Strawberry," masuyo kong bulong, habang humahalik ako sa kanyang mga labi.Matapos kong hubarin ang lahat ng suot namin at hinayaan itong mahulog sa sahig, ikinulong ko siya sa mga bisig ko. Our hands began to explore each other's bodies, caressing every part that we desired to feel."Seven... ""Shhh." Hinagkan ko siya sa noo bago inihiga sa kama.I kissed her cheek, then moved to her lips, down to her neck, her chest, and her stomach. My breath grew heavier with the intense desire I was feeling.Sa pagitan ng mga halik at mga hagod namin sa isa't isa, inumpisahan kong pumuwesto sa pagit
Seven's POVHAWAK ko ang kamay ni Strawberry habang pinagmamasdan ang pagtakbo ni Serenity sa paligid. Katatapos lang namin magsimba tatlo, at ngayon ay nasa carnival na kami para sana sumakay ng rides, pero may nakitang lobo ang prinsesa namin at nagpupumilit magpabili."Nanay! Gusto ko iyong kulay pink!""Pink?" tanong ko sa kaniya na agad niyang tinanguan. "Oh, manong, pink daw ang gusto. Ibigay mo na lahat ng pink diyan."Marahan akong hinampas ni Strawberry sa braso. "Manong, isa lang po.""Baby, I can buy all these balloons for our princes.""Hindi porke kaya mo, gagawin mo. Hindi naman nakakain iyan. Isa lang ang bilhin mo."Napangiti ako sa mga sinabi niya. Tumingin ako sa anak namin at nakitang ngumiti rin ito."Paano ba iyan, anak? Isang lang daw.""Okay lang, papa! Para makabili naman ang ibang may paboritong kulay na pink!"Natatawa kong ginulo ang buhok nito. Pagkatapos namin bumili ng lobo, lumapit naman kami sa nagbebenta ng hotdog at popcorn."Papa, gusto ko rin ng fri
Seven's POV“Serenity!” Natigilan ako nang marinig ang boses ni Strawberry. Agad akong lumabas mula sa bahay na tinutuluyan ko, katapat lang ito ng karinderya.“Huwag mo na habulin! Serenity!" Gustong sumunod ni Strawberry sa anak namin, pero hindi magawa at nangangapa na lang sa kinatatayuan.Sinundan ko ng tingin ang anak namin. Hinahabol niya iyong nakabisikletang lalaki. Mabilis akong tumakbo para pigilan si Serenity. May bitbit na sampaguita ang lalaking nakabisikleta. Duda ko ay sinabi nitong bibili, pero hindi binayaran si Serenity.Sa kagustuhang maabutan iyong lalaki, hindi napansin ni Serenity ang sunod-sunod na pagbusina ng sasakyang paparating. Nang makitang mabubundol na ng paparating na kotse ang anak ko, halos itapon ko na ang sarili ko sa kaniya. Wala na akong pakialam. Niyakap ko si Serenity. Hindi bale nang ako ang mapuruhan, huwag lang ang anak ko.Napapikit ako habang yakap-yakap si Serenity, ilan sandali pa ay saka ko lang namalayang nagawa pa palang huminto ng s
Seven's POVNATIGAGAL ako. Hindi ko na magawang kumurap pa habang nakatitig sa mukha ng batang nasa harap ko. Nakasuot ito ng over-size na damit at medyo marungis ang mukha. Tila para na itong batang palaboy-laboy. Kumuyom ang kamao ko. Anong nangyari sa anak ko? Anong nangyari sa kanila ni Strawberry?Halos tumigil sa pagtibok ang puso ko nang matuon sa akin ang paningin ng bata. Matagal niya akong tiningnan bago sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Patakbo siyang lumapit sa kotse ko."Hello po! Gusto n'yo po bili ng sampaguita?"Lumabas ako ng kotse at lumuhod sa harap niya. Ngayon na mas malapit na siya sa akin, saka ko lang nakikita ang pagkakamukha nila ni Lolo Tres.Napangiti ako. She's really my daughter, she's my daughter."Serenity?"Napasinghap ang bata at mabilis na lumingon sa karinderya. "Tawag ako ni Nanay!"Natigilan ako nang bigla itong tumakbo papunta sa karinderya. Ang boses na iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makilala kung kanino galing ang boses.Strawberry.
Seven's POVHINDING-HINDI maayos ang gulong ito kung hindi ko tutuldukan ang ugat ng problema. Kailangan kong bitiwan ang ibang bagay kung talagang gusto kong ipaglaban ang babaeng mahal ko at ang supling na nasa sinapupunan niya. Kahit pa ang ibig sabihin no'n ay mawala sa akin ang lahat. “I'm sorry, but I can't do this," matapang kong saad habang tinitingnan sila isa-isa. Nandito sa Santiban Mansion ang mga magulang namin ni Monday. Pinapunta ko sila para matapos na ito. “What did you say? Sixto, ano na naman ito?!” nanggagalaiti na binalingan agad ng ama ni Monday ang ama ko.“Huminahon nga kayo!” awat ni Mama na mabilis na tumayo at lumapit sa akin. "Please, hayaan na natin ang mga bata. Huwag na tayong makialam sa kanila!""Huwag makialam?" Tumayo si Tita Candy. "Nasasabi mo iyan dahil hindi anak mo ang nasa peligro ang buhay!""Doctor ang kailangan ng anak mo, Tita, hindi ako."Natahimik sila sa sinabi ko. "Anong sabi? How dare you!""Kailangan n'yo siyang tulungan. Monday is
Seven's POVNASA hospital ako sa loob ng private room ni Monday at nakaupo sa tabi ng kama niya. Malalim ang iniisp ko habang siya ay nakatitig sa kawalan at patuloy ang pag-agos ng mga luha sa pisngi.She was sleeping just a while ago. Nakakatulog siya nang maayos kapag nandito ako. Noong wala ako ay nagwawala siya at hindi makakain.I decided to leave the island after I got a phone call from Tito Aamon. Wala na akong balak na balikan pa si Monday, pero nang isumbat na ni Tito ang lahat ng naitulong niya sa amin at nang pagbantaan na rin niya ang buhay ni Papa, napilitan akong sumunod.Agad na bumuti ang lagay ni Monday nang dumating ako, but I can't stop myself and went to the mansion after I received a text from Rico.Nasa mansion na raw si Strawberry at ligtas na nakabalik. Nagpanggap akong kukuha ng mga damit, pero ang totoo ay gusto ko lang siyang makita. And fuck me, I made her cry again. Dahil sa kagustuhan kong makita siya, napaiyak ko na naman siya.Suddenly, the image of a
Strawberry's POVMATAGAL kong hawak ang PT habang nakatingin kay Rico. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang nakikita sa mukha niya, naguguluhan siya na parang nababahala. Pero isa lang ang siguro, masayang-masaya ako."You're pregnant," ani Rico sa mahinang tinig.Wala sa sariling napatango ako. Hinawakan ko ang aking tiyan kung saan may sumisibol nang buhay—ang bunga ng pagmamahalan namin ni Seven."This will complicate everything," narinig kong sabi ni Rico sa sarili niya.Inilingan ko siya. Naluluha akong ngumiti. "Itong baby na ito... ito ang magpapabalik sa akin ng papa niya."Lumambot ang mukha ni Rico nang makita ang katuwaan sa mukha ko. Alam ko naman na nag-aalala lang siya, pero hindi ako magpapadaig sa takot. Ngayon pa ba? Ngayon pa na magkakaroon na kami ng baby ni Seven?"Paano kung... hindi ka pa rin niya piliin?"Banayad akong ngumiti. "Pipiliin niya ako, Rico. Alam kong matutuwa siya sa magandang balita.""Strawberry, hindi mo alam kung anong nangyayari ngayon kay Sev