Rosi's POVNAPAKURAP-KURAP ako habang nakatingin sa mukha ni Mr. Santiban. Nilapitan ito ni Mayor Kulas at w-in-elcome sa party.Namalik-mata ba ako kanina? Nakita ko itong ngumiti sa akin. Pero sa isang kurap lang, nakatingin na ito sa iba at seryoso ang mukha.Napadaing ako nang mahina nang hablutin ni Hanz ang braso ko. "Will you stop staring at him? Napaghahalataan ang kalandian mo."Binawi ko ang braso ko at nagbaba na lang ng tingin. Hindi ko na ito pinatulan dahil nasa public place kami. Umupo na ang lahat nang makitang nakaupo na sina Mr. Santiban at Mayor Kulas sa iisang table.Bakit parang pamilyar ito sa akin? Hindi ang kaniyang mukha, pero ang tindig, ang pangangatawan at... ang mga mata niya. Parang nakita ko na noon?Bago nagsimula ang party, pumunta sa pinakagitna si Mayor Kulas at nagbigay ng speech bilang bagong halal na mayor. Nag-aalala akong tumingin kay Hanz at nakita itong sunod-sunod na lumagok ng alak. Masama ang tingin nito kay Kulas."Hanz, maaga pa. Baka mal
Rosi's POV"Mama. Mama."Napatingin ako kay Seven nang makita itong hawak ang laruan niyang airplane at ipinapakita sa akin. Napangiti ako habang pinagmamasdan ito."Mama, fly." Pinalipad niya sa ere ang laruang airplane habang hawak ito at nakangiting pinaikot-ikot iyon.Halos mapuno ang puso ko sa isiping magiging piloto ito balang-araw. At gagawin ko ang lahat para lang matupad iyon, kahit pa ang habang-buhay na pagtiisan ang magaspang na ugali ni Hanz. Dito ako natulog sa kuwarto ni Seven dahil kagabi ko pa iniiwasan si Hanz. Panigurado kasing magtatalo na naman kami dahil sa nangyari sa party.Nasa kalagitnaan pa ako nang malalim na pag-iisip, narinig ko na ang mabibigat na yabag mula sa likuran. Naramdaman ko rin ang mga matang nakatitig sa akin."Hindi pa tayo nakakapag-usap."Tumigil ako sa pagtutupi ng mga damit ni Seven at hinarap si Hanz. Madilim na agad ang mukha nito nang lapitan ako."Mag-usap tungkol saan?""Baka akala mo, nakalimutan ko na ang mga titig na binibigay m
Rosi's POVNATIGILAN kaming lahat sa narinig. Si Tita Tuwad ay napasinghap pa.Bigla naman itong tumawa. "Nagbibiro lang ako."Napasulyap sa akin si Hanz bago muling binalingan si Mr. Santiban. "Hindi kami nakikipagbiruan!"Mabilis ko itong hinawakan sa braso. Si Inay rin ay pumagitna sa dalawa at pilit siyang pinapakalma."It's just a joke. Bakit ka nagagalit? I don't mean any harm.""Umalis ka na sa pamamahay ko!""Hanz, huminahon ka." Mahigpit ko siyang hinawakan sa kamay. Napalunok ako nang maramdaman ang panginginig ng kamay nito tanda ng labis na pagkainis."I guess I'm not welcome here. Should I just invite you to eat outside then?""Are you inviting my woman to eat with you?""Oh, no." Napatingin ako kay Mr. Santiban nang iangat nito ang dalawang kamay sa ere habang umiiling. "I was talking to Mrs. Uson.""Ako?""Hindi namin kailangan makipagkita sa iyo!" si Hanz ang sumagot. Namumula pa rin ito nang dahil sa inis."Gusto ko sanang pag-usapan ang tungkol sa villa. The payment
Rosi's POVNAKASUOT na ng formal attire si Hanz at naghahanda na para umalis. Nang matapos ito sa pag-aayos, lumapit ako sa kaniya at tumingkayad. Ginawaran ko ito ng halik sa pisngi.Natigilan ako nang makitang sumama ang tingin nito sa akin. He grabbedy arm and pulled me towards him."Tandaan mo ang bilin ko, huwag na huwag kang sasama sa dinner mamaya!""Oo na." Binawi ko ang braso ko at dumistansya rito.Sa sandaling makaalis ito ng bahay, agad akong nagbihis at nag-ayos para sumama kay inay."Ikaw talaga, pinagbawalan ka na nga ni Hanz na sumama, sumama ka pa rin. Kaya kayo nag-aaway, e. Matigas din ang bungo mo.""Inay, gusto ko hong malaman kung mabuting tao ang makakabili sa villa. Isa pa, sa pangalan ko po iniwan ang Villa Hernandez. Hindi n'yo iyon maibebenta nang wala ako."Nailing na lang si Inay habang nag-aantay kami sa pagdating ng sundong ipapadala ni Mr. Santiban."Nasaan nga po pala si Itay? Dapat kasama natin siya ngayon.""Hay nako! Ayon! Nakikipag-tsismis kung saa
Rosi's POVKAUUWI lang namin mula sa restaurant. Hinatid kami pabalik ng mismong driver ni Mr. Santiban. Tulala pa rin ako dahil ayaw mawala sa isip ko ang mga nangyari kanina.Pagkatapos kaming mahuli ni Inay sa ganoong akto, parang wala lang na ngumiti si Mr. Santiban at sinabing nag-uusap lang kami. Hindi na nagsalita si Inay kanina, pero alam kong gigisahin na naman ako nito pag-uwi namin.Hindi ko alam kung maiinis, magagalit o masusuklam ako sa lalaking iyon. Pangmomolestiya ang ginawa niya kanina! Napabuntonghininga na lang ako nang maalala ang dulot ng ginawa nito sa katawan ko. Nagustuhan ko ba talaga iyon? Ni minsan, hindi ko ito naramdaman kay Hanz.Nag-init na naman ako nang maalala ang ginawa niya."Hanz! Nakauwi ka na pala, hijo!"Natigilan ako sa malalim na pag-iisip nang marinig ang sinabi ni Itay. Nag-angat ako ng paningin sa pinto ng mansion at nakitang nakatayo roon si Hanz. Masama ang tingin sa akin."Nakabalik na kayo. So, how's the dinner?""Ayos naman, hijo! Nag
Rosi's POVABALA ako sa pagsusubo ng pagkain kay Seven nang dumating sa mansion si Tita Tuwad. Mabilis nitong nakuha ang atensyon namin ni Inay dahil sa hitsura nito na halatang nagmamadali."Ay! Magandang morning! I'm always on time talaga for breakfast! Nasaan si Papa Hanz, girl?""Hindi ko alam, e. Umalis nang maaga. Ang sabi, may importanteng pupuntahan.""E, how about your itay or kapatid? Maaga pa, nowhere to be seen na naman sina Manong Lito at Gio?""Ewan ko nga ba sa mag-amang iyon! Laging wala!" si Inay ang sumagot. Halata ang irita sa mukha nito. "Bakit ka nga pala nandito, Tuwad?""Ay, wala naman, mother dear. Makikipagtsismisan lang sa anak n'yo!" Bumaling sa akin si Tita Tuwad at kinuha ang kamay ko. "Halika! May ichichika ako!""Bakit hindi mo na lang dito itsismis iyan, ha? Iparinig mo naman sa akin."Tumawa nang malakas si Tita Tuwad. "Ay, hindi ho puwede! Para lang ito sa mga magagandang dilag at fresh! Katulad namin! Kayo po kasi, tuyot na.""Aba't! Sira ulo ka, ah!
Rosi's POVPAGKALABAS ko ng silid, wala sa paligid sina Tita Tuwad at Seven. Siguro ay nasa rancho na naman. Madali kong kinuha ang paper bag na iniwan ni Tita sa may sala.Natigilan naman ako sa paghakbang nang biglang lumabas mula sa living room si Inay at makahulugang tumingin sa akin mula ulo hanggang paa."May bibilhin lang po ako para kay Seven.""Puwede mo naman iutos sa katulong, ah?""Ako na lang ho.""Teka, may bibilhin lang, ayos na ayos ka? May pa-makeup at dress pa?""Inay, sandali lang ho ako."Nagmadali na akong lumabas para wala na itong masabi. Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa manggahan ng mga Hernandez. Malayo pa, natanaw ko na si Mr. Santiban na nakasilong sa isa sa mga puno at kumakain ng mangga. Agad akong bumaba at patakbong lumapit dito."N-nahuli ba ako?"Humarap ito sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Napangiti pa ito. "Wow. Uhm, are you going somewhere after this?""Ha? Hindi. Bakit?""Masyado kang maganda."Napabuntonghininga ako sa sinab
Rosi's POVHALOS mawalan ako ng balanse habang pilit na kinakaladkad ni Hanz papunta sa mansion. Sinusubukan akong kumawala sa mahigpit niyang pagkakahawak sa aking braso pero lalo niya lang ako sinasaktan."Hanz, bitiwan mo ako! Ano ba!"Nang makarating kami sa tapat ng pinto, pabalya niya itong binuksan at walang pag-ingat akong itinulak sa loob. Bumagsak ako sa sahig dahil sa lakas nang pagkakatulak niya sa akin. Hindi ko na napigilan ang mapahagulhol nang maramdaman ang pananakit ng katawan ko dahil sa ginawa nito.Naririnig ko ang mga boses nina Ina at Itay na nag-uusap sa malawak na sala kaya alam kong nakita ng mga ito ang nangyari."Rosi!""Hanz! Anong ibig sabihin nito!"Pinilit kong tumayo nang marinig ang pag-aalala sa boses ng mga ito. Nang humarap ako kay Hanz ay malakas na sampal ang sinalubong niya sa akin. Muli akong bumagsak sa sahig sa mismong harap nina Inay at Itay."Hanz, tama na! Bakit mo sinasaktan si Rosi!""Malandi iyang anak n'yo!""Hanz, hijo, ano bang nangy
Strawberry's POV"Cinnamon."Mula sa malaking salamin sa harap ko, lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses. Napatayo ako nang makita kung sino ito."Monday."Banayad ang ngiti sa labi niya nang lapitan ako. "I heard the operation was a success... I'm glad."Napangiti ako sa sinabi niya. Wala na akong nakikitang galit sa mga mata niya at napakagaan ng pakiramdam."Salamat.""Narinig ko rin na ngayon ang kasal n'yo ni Seven."Naglaho ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang mariin na paglunok niya na parang nagpipigil na lang siyang maluha."Kasal na kami dati, pero gusto niyang ulitin namin. Ngayon daw, sa harap na ng... pamilya natin."Nginitian niya ako. "It's sad I won't get to witness my sister's wedding. I can't... "Inabutan niya ako ng isang maliit na kahon. Tinanggap ko iyon at binuksan. Silver bracelet na may nakasulat na Monday & Cinnamon. Pinakita niya sa akin ang suot niya na kapareha nito."I was a teenager when I personally made this. Para sa atin. This is my wedding gif
Seven's POVHINDI makapaniwala sina Tito Aamon at Tita Candy sa narinig. Lalong nagliyab sa galit ang mga mata ni Tita at inaway na ang babaeng si Pasing."Nagsisinungaling ka! Ilabas mo ang tunay naming anak! Ilabas mo si Cinnamon ko!" Hawak na nito sa damit si Pasing."Sandali lang ho!" Pilit na kumawala si Pasing at galit na tiningnan ito. "Hindi ako nagsisinungaling!"Malakas na sampal ang iginante ni Tita Candy rito. "Anong akala mo sa amin? Tanga?! Siguro, kakuntsaba mo ang babaeng iyan! Gusto n'yo kaming perahan! Tama?!""Ay, teka lang naman, madam. Kaya nga ho hinanap ko kayo nang kusa, para maisauli sa inyo ang anak n'yo! Matanda na ho ako, gusto ko lang ituwid ang pagkakamali ko."Muntikan na naman itong sampalin ni Tita Candy pero napigilan na ito ni Tito. "Hon, huminahon ka! Hindi tayo nandito para maghanap ng gulo.""Huminahon? Ninakaw ng babaeng iyan ang anak natin! Gusto mo akong huminahon? Ipapakulong kita! Mabubulok ka sa bilangguan!" pagbabanta ni Tita Candy at dinur
Seven's POVDAHAN-DAHAN kaming pumasok sa silid, puno ng pag-ingat na hindi makagawa ng ingay at magising ang prinsesa naming mahimbing ang tulog. Naglalakad kami patungo sa kama, titig na titig ako sa mga mata ni Strawberry.Though unable to see, her beautiful eyes were filled with love and longing. I caressed her cheek, wiping away a tear that flowed from her eyes."Mahal kita, mahal na mahal kita, Strawberry," masuyo kong bulong, habang humahalik ako sa kanyang mga labi.Matapos kong hubarin ang lahat ng suot namin at hinayaan itong mahulog sa sahig, ikinulong ko siya sa mga bisig ko. Our hands began to explore each other's bodies, caressing every part that we desired to feel."Seven... ""Shhh." Hinagkan ko siya sa noo bago inihiga sa kama.I kissed her cheek, then moved to her lips, down to her neck, her chest, and her stomach. My breath grew heavier with the intense desire I was feeling.Sa pagitan ng mga halik at mga hagod namin sa isa't isa, inumpisahan kong pumuwesto sa pagit
Seven's POVHAWAK ko ang kamay ni Strawberry habang pinagmamasdan ang pagtakbo ni Serenity sa paligid. Katatapos lang namin magsimba tatlo, at ngayon ay nasa carnival na kami para sana sumakay ng rides, pero may nakitang lobo ang prinsesa namin at nagpupumilit magpabili."Nanay! Gusto ko iyong kulay pink!""Pink?" tanong ko sa kaniya na agad niyang tinanguan. "Oh, manong, pink daw ang gusto. Ibigay mo na lahat ng pink diyan."Marahan akong hinampas ni Strawberry sa braso. "Manong, isa lang po.""Baby, I can buy all these balloons for our princes.""Hindi porke kaya mo, gagawin mo. Hindi naman nakakain iyan. Isa lang ang bilhin mo."Napangiti ako sa mga sinabi niya. Tumingin ako sa anak namin at nakitang ngumiti rin ito."Paano ba iyan, anak? Isang lang daw.""Okay lang, papa! Para makabili naman ang ibang may paboritong kulay na pink!"Natatawa kong ginulo ang buhok nito. Pagkatapos namin bumili ng lobo, lumapit naman kami sa nagbebenta ng hotdog at popcorn."Papa, gusto ko rin ng fri
Seven's POV“Serenity!” Natigilan ako nang marinig ang boses ni Strawberry. Agad akong lumabas mula sa bahay na tinutuluyan ko, katapat lang ito ng karinderya.“Huwag mo na habulin! Serenity!" Gustong sumunod ni Strawberry sa anak namin, pero hindi magawa at nangangapa na lang sa kinatatayuan.Sinundan ko ng tingin ang anak namin. Hinahabol niya iyong nakabisikletang lalaki. Mabilis akong tumakbo para pigilan si Serenity. May bitbit na sampaguita ang lalaking nakabisikleta. Duda ko ay sinabi nitong bibili, pero hindi binayaran si Serenity.Sa kagustuhang maabutan iyong lalaki, hindi napansin ni Serenity ang sunod-sunod na pagbusina ng sasakyang paparating. Nang makitang mabubundol na ng paparating na kotse ang anak ko, halos itapon ko na ang sarili ko sa kaniya. Wala na akong pakialam. Niyakap ko si Serenity. Hindi bale nang ako ang mapuruhan, huwag lang ang anak ko.Napapikit ako habang yakap-yakap si Serenity, ilan sandali pa ay saka ko lang namalayang nagawa pa palang huminto ng s
Seven's POVNATIGAGAL ako. Hindi ko na magawang kumurap pa habang nakatitig sa mukha ng batang nasa harap ko. Nakasuot ito ng over-size na damit at medyo marungis ang mukha. Tila para na itong batang palaboy-laboy. Kumuyom ang kamao ko. Anong nangyari sa anak ko? Anong nangyari sa kanila ni Strawberry?Halos tumigil sa pagtibok ang puso ko nang matuon sa akin ang paningin ng bata. Matagal niya akong tiningnan bago sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Patakbo siyang lumapit sa kotse ko."Hello po! Gusto n'yo po bili ng sampaguita?"Lumabas ako ng kotse at lumuhod sa harap niya. Ngayon na mas malapit na siya sa akin, saka ko lang nakikita ang pagkakamukha nila ni Lolo Tres.Napangiti ako. She's really my daughter, she's my daughter."Serenity?"Napasinghap ang bata at mabilis na lumingon sa karinderya. "Tawag ako ni Nanay!"Natigilan ako nang bigla itong tumakbo papunta sa karinderya. Ang boses na iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makilala kung kanino galing ang boses.Strawberry.
Seven's POVHINDING-HINDI maayos ang gulong ito kung hindi ko tutuldukan ang ugat ng problema. Kailangan kong bitiwan ang ibang bagay kung talagang gusto kong ipaglaban ang babaeng mahal ko at ang supling na nasa sinapupunan niya. Kahit pa ang ibig sabihin no'n ay mawala sa akin ang lahat. “I'm sorry, but I can't do this," matapang kong saad habang tinitingnan sila isa-isa. Nandito sa Santiban Mansion ang mga magulang namin ni Monday. Pinapunta ko sila para matapos na ito. “What did you say? Sixto, ano na naman ito?!” nanggagalaiti na binalingan agad ng ama ni Monday ang ama ko.“Huminahon nga kayo!” awat ni Mama na mabilis na tumayo at lumapit sa akin. "Please, hayaan na natin ang mga bata. Huwag na tayong makialam sa kanila!""Huwag makialam?" Tumayo si Tita Candy. "Nasasabi mo iyan dahil hindi anak mo ang nasa peligro ang buhay!""Doctor ang kailangan ng anak mo, Tita, hindi ako."Natahimik sila sa sinabi ko. "Anong sabi? How dare you!""Kailangan n'yo siyang tulungan. Monday is
Seven's POVNASA hospital ako sa loob ng private room ni Monday at nakaupo sa tabi ng kama niya. Malalim ang iniisp ko habang siya ay nakatitig sa kawalan at patuloy ang pag-agos ng mga luha sa pisngi.She was sleeping just a while ago. Nakakatulog siya nang maayos kapag nandito ako. Noong wala ako ay nagwawala siya at hindi makakain.I decided to leave the island after I got a phone call from Tito Aamon. Wala na akong balak na balikan pa si Monday, pero nang isumbat na ni Tito ang lahat ng naitulong niya sa amin at nang pagbantaan na rin niya ang buhay ni Papa, napilitan akong sumunod.Agad na bumuti ang lagay ni Monday nang dumating ako, but I can't stop myself and went to the mansion after I received a text from Rico.Nasa mansion na raw si Strawberry at ligtas na nakabalik. Nagpanggap akong kukuha ng mga damit, pero ang totoo ay gusto ko lang siyang makita. And fuck me, I made her cry again. Dahil sa kagustuhan kong makita siya, napaiyak ko na naman siya.Suddenly, the image of a
Strawberry's POVMATAGAL kong hawak ang PT habang nakatingin kay Rico. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang nakikita sa mukha niya, naguguluhan siya na parang nababahala. Pero isa lang ang siguro, masayang-masaya ako."You're pregnant," ani Rico sa mahinang tinig.Wala sa sariling napatango ako. Hinawakan ko ang aking tiyan kung saan may sumisibol nang buhay—ang bunga ng pagmamahalan namin ni Seven."This will complicate everything," narinig kong sabi ni Rico sa sarili niya.Inilingan ko siya. Naluluha akong ngumiti. "Itong baby na ito... ito ang magpapabalik sa akin ng papa niya."Lumambot ang mukha ni Rico nang makita ang katuwaan sa mukha ko. Alam ko naman na nag-aalala lang siya, pero hindi ako magpapadaig sa takot. Ngayon pa ba? Ngayon pa na magkakaroon na kami ng baby ni Seven?"Paano kung... hindi ka pa rin niya piliin?"Banayad akong ngumiti. "Pipiliin niya ako, Rico. Alam kong matutuwa siya sa magandang balita.""Strawberry, hindi mo alam kung anong nangyayari ngayon kay Sev