"Silang, what's this? What kind of work is this?" pasigaw na tanong sa'kin ng napaka-bait kong Boss. Ako na naman ang nakita niya.
Sarap niyang sagutin ng 'Sir, bulag ka ba? 'Di mo nakikita? Papel! Sangkatutak na papel yan!' Pero as if namang masabi ko 'yun sa kanya. Nakakainis siya.Wala na 'kong ibang nagawa kundi ang yumuko na lang sa harap niya. Ganito talaga siya sa akin. Konting kibot lang, sinisigawan na ako. Sarap maging mangkukulam nang dahil sa kanya.
Ang pinaka-kinaiinisan ko sa lahat ng ginawa niya ay ang palayaw na binigay niya sa akin, Silang. Gosh! Ginawa pa akong katipunera nito, di niya pa binuo na Gabriela Silang. Oo, Gabriela ang pangalan ko. Gabriela De Guzman kasing luma ng pangalan ko ang sense of fashion ko. Kasing common ng apelyido ko ang mukha ko, walang kadating-dating.
"What? You're not going to say anything? You're not going to defend yourself?" Galit pa rin na tanong niya.
Wala na ba siyang ibang alam gawin kundi ang magalit sa akin at sigawan ako? Langya! Nung minsang nag-paliwanag ako ang sagot niya sa akin.' Reasons again, I don't wanna hear your reasons. Can you just do your job!' Haay, ewan ko ba kung bakit di pa ako sinisesante ng taong 'to. 'Yun na lang kaya ang hinihintay ko. Kaso nanghihinayang rin ako sa sasahurin ko.
Sarap niyang sipain sa mukha! Ayy! Correction sipain lang pala, 'wag na sa mukha. Sayang ang gandang lalaki niya kung sisipain ko lang ang mukha niya. Oo na gwapo siya, pero 'yon lang ang maganda sa kanya. Napakasungit niya lalong-lalo na pagdating sa akin.
Di dapat ako mapapagalitan ngayon kundi dahil sa mga bruha kong colleagues. Di lang sa school may mga pabebe, pati rin dito sa office. Sila dapat ang gumagawa ng mga paperworks kaso inuna ang mag-party, kaya ako ang sumalo ng lahat. May ginawa naman sila na isa-submit namin, ang kaso sa akin pa lang di na 'yon papasa. Babaguhin ko sana iyon kaso wala nang oras dahil late na rin naibigay sa'kin.
Kailan ba matatapos 'tong kadadada ng boss kong dinaig pa ang pari sa simbahan sa haba ng sermon. Sumasakit na ang eardrums ko sa kasisigaw niya.
Kinakausap ko pa ang sarili ko nang biglang itapon ng boss ko sa akin ang folder na i-sinubmit ko sa kanya. Nagliparan ang mga papel mula dito. Ramdam ko ang pag-taas ng blood pressure ko dahil sa ginawa niya.
Sarap mag Super Saiyan three! Kung dragon lang ako, kanina ko pa binugahan ng apoy 'tong nasa harap ko at nang maging abo.
"What, you're just gonna bow your head down and won't say anything?" tanong niya.
Binging-bingi na ako sa kasisigaw niya. Sobra na ang ginawa niya, kaya napuno na ako. Inangat ko ang tingin ko sa kanya tinitigan siya nang masama.
"Ano, mag-sasalita ka na? magpapaliwanag ka na?" sarcastic na sabi niya sa akin. "You're wasting my time," habol pa niya.
Aba! Siya lang ba ang nag-sasayang ng oras? Kung kanina pa siya tumigil sa panenermon niya eh di hindi nasayang ang oras namin pareho. Bahagya akong umupo sa sahig upang pulutin ang mga papel na nagkalat. Isinilid ko ulit ang mga 'yon pabalik sa loob ng folder saka tumayo ng tuwid.
Binalik ko ang tingin sa kanya, pareho kaming nakatitig sa isa't-isa nakatayo ako habang siya naman ay prenteng nakaupo sa swivel chair. Tanging ang desk niya lang ang pumapagitan sa amin. Sinasadya niya atang inisin ako, I'll give him what he wants. Wala na akong pakielam kahit boss ko pa siya, sinagad niya na ang pasensya ko. Binato ko rin sa kanya ang folder na hawak ko gaya nang ginawa niya kanina.
Nagulat siya sa ginawa ko, di niya inasahan na gagawin ko iyon. Wala na akong pake kung bukas wala na akong trabaho. May savings naman ako, mabubuhay na ako kahit ilang buwan pa akong maging ambay.
"Ang saya batuhin ng folder no sir? Quits na tayo, tsk!" Sarcastic na sabi ko habang nakataas ang isang kilay.
Hindi ko na hinintay kung may sasabihin pa siya matapos ang ginawa ko. Dali-dali akong lumabas ng opisina niya. Nakatitig ang halos lahat ng officemates ko pag-labas ko sa opisina ng boss ko, marahil narinig nila ang pani-nermon nito sa'kin. Kulang pa nga yung ginawa ko sa kanya kung tutuusin.
Napa-buntong hininga na lamang ako at binalewala ang mga bulungan nila, dumiretso na lamang ako sa cubicle ko. Noon ko lang naramdaman ang pang-hihina ng mga tuhod ko dahil sa kaba. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding, ilang minuto na lang ay mag-uuwian na. Parang gusto ko nang tumakbo paalis sa opisinang ito.
Agad-agad akong tumayo nang pumatak ang oras ng uwian. Wala akong sinayang na sandali, bitbit ang bag ko ay naglakad ako patungo sa glass door ng department namin. Itutulak ko na sana iyon nang biglang may humablot sa braso ko, ko dahilan para mahinto ako sa paglalakad.
Hinarap ko kung sino iyon, nakita ko ang boss kong pulang-pula ang mukha sa galit. Maharas kong binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.
Ano na naman ba ang gusto nito?
"Who gave you the right to do that to me?" sigaw niya ulit, tinutukoy niya marahil ang pag-tapon ko ng folder sa kanya. Nakuha niyon ang atensiyon ng buong department.
Siya pa may ganang magalit ehh ginaya ko lang ang ginawa niya sa akin. Mukhang balak pa ata niya akong ipahiya sa lahat.
"Same question here sir, who gave you the right to do that to me?" Matapang na sagot ko sa kanya.
"Do not do unto others, what you don't want others do unto you, Sir." Pagtataas ko pa ng kilay sa kanya.
Bakit ako matatakot? Mag-reresign na ako bukas.
Nakita ko ang pagbabago sa expression ng kanyang mukha tila lumambot iyon. Naririnig ko ang mga bulong-bulungan ng mga officemates ko, sikat na naman ako.
"Ano sir, may sasabihin ka pa ba? Kasi uuwi na ako." Pagtataray ko.
Sa totoo lang dehado ako kapag pinatulan niya ako, sa agwat ba naman ng height namin wala na akong laban. Ang laking tao niya samantalang ako petite lang, magdadasal na lang ako para sa buhay ko.
Hinahintay ko na sabihin na niya ang katagang 'you're fired' para maka-sagot ako ng 'I resign' at maka-alis na. Imbis na iyon ang sabihin niya ay iba ang lumabas sa bibig niya.
"Go to work tomorrow." Nakangiting sabi niya sa akin. Sa sobrang tamis ng ngiti niya ay nakakaumay na.
This mean troublefor me.
"Di pa ba ako fired?" nagtatakang tanong ko, habang nakatingin sa kanya.
"Why would I do that?" Naka-ngisi pa ring sagot niya. Kinikilabutan ako sa ngiti niyang 'yon.
"I'm giving you a promotion, since the position is vacant. I appoint you as my new secretary." Nakangiti pa rin siya habang sinasabi iyon.
Tatanggi na sana ako at sasabihin na mag-reresign na ako nang mag-salita siyang muli. "I'll double your salary," sabi niya.
"Ha?" Di ako makapaniwala sa sinasabi niya.
Ano raw? Kailan pa siya nagkaroon ng secretary? Pero doble ang sasahurin ko, sayang pag tinanggihan ko. Langya ano naman binabalak nito?
Kapag pumayag ako ibig sabihin 'non lagi na akong nakabuntot sa kanya. Oras-oras ko siyang makakasama. Wala na nga akong social life lalo pang mawawalan. Mag-proprotesta na sana ako, kaso inunahan niya na akong makalabas ng glass door.
Ilang minuto akong nanatili sa kinatatayuan ko, pakurap-kurap ang mata na inaalala ang mga nangyari. Mag-file na kaya ako ng resignation bukas? Kaso ayaw kong mag-patalo sa kanya, para kasing china-challenge niya ako. Gagawin ko 'to para sa dobleng sahod.
Lord tulungan mo ako please.
End of Chapter One
Disclaimer
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
The moral right of the author has been asserted. All rights reserved.
Warning
Plagiarism is stealing other people’s words and ideas and passing them off as your own.
Plagiarism is a serious offense. Plagiarism is a crime.
"Iyon ang nangyari bakla kaya, ayun di ko alam anong mangyayari sa akin bukas. Mag-novena ka nga para sa akin," sabi ko sa aking kaibigan.Imbis na umuwi ay mas pinili kong makipag-kwentuhan sa aking kaibigan. Andito kami sa cofee shop na nasa ground
Ano nga ba ang sabi niya? look my best.Ginawa ko naman ang gusto niya iba nga lang siguro ang best para sa kanya.Halos mag-kasunod lang kami dumating sa office, bago pa ako makapwesto sa cubicle ko ay sinenyasan niya ako na sumunod sa kanya.
Dumating kami saChi Haorestaurant, naka-book na ang boss ko kahapon pa. Finollow-up ko lang ang reservation namin kaninang umaga. Maaga kaming nakarating sa meeting place wala pa roon ang client na i-mimeet ng boss ko.Wala kaming imikan ng boss ko habang hinihintay ang pagdating ni Mr. Chen. Ilang minuto pa ay dumating na si Mr. Chen at may dalawa siyang kasama. Agad kaming tumayo ng boss ko para batiin sila. Kung di ako nag-kakamali isa sa kanila
Paglabas ko ng club na iyon ay hinayaan ko ang sarili kong mga paa na dalhin ako sa kung saan man. Tuliro akong nakayuko habang inaalala ang mga panyayari. Ramdam ko pa rin ang malakas na pintig ng puso ko dahil sa galit. Bitbit ang bag at blazer ko ay nagpatuloy lang ako sa pag-lalakad.Why did I let my guard down?Paanokungsobrang
Sobrang sakit ng ulo ko nang magising ako, napaupo ako sa kama at agad hinanap ang bag ko. Kinapa ko sa loob no'n ang cellphone ko, laking gulat ko nang makita ko kung anong oras na. Nanlaki ang mga mata ko dahil alas dos na ng hapon. Saka ko napansin na hindi ko kwarto ito at lalong hindi ko kama ang tinulugan ko. Napasigaw ako sa taranta, napatakip ako ng kumot sa sarili ko. Kung anu-ano na ang tumakbo sa utak ko baka may kumidnap sa akin tapos dinal ako rito.Bigla na lamang bumukas ang pinto ng kw
Di ko alam ang gagawin ko nang maiwan kaming dalawa ng boss ko roon. Napatingin ako sa pagkain na nakapatong sa coffee table. Kumuha ako ng pinggan at nilagyan iyon ng spaghetti, wala talaga akong balak kanina na pansinin ang boss ko, kaya lang nakakahiya naman kong di ko siya na di alukin na kumain. Kaya ang pinggan na may spaghetti na supposedly para sa akin ay iniabot ko sa kanya.
Habang nasa loob ng kotse ay di ako mapakali panay ang tapik ko ng aking paa. Di ko alam koung paano ko haharapin ang galit ni kuya. Minsan ko lang siya nakitang magalit at naging dahilan pa 'yun para mapatawag siya sa guidance office nung elementary. Sinuntok niya kasi ang classmate kong inaasar ako lagi na hindi kami magkapatid dahil di kami magkamukha. Sana lang ay di ako makakita ng suntukan mamaya.My brother is usually cheerful and kind kapag ako ang kasama niya, di ko lang alam kung gnun din siya kap
Wow!Di ko alam kung anong nangyari sa kuya ko, kanina lang ang bigat ng awra niya pero ngayon hindi na. Kasama namin nagyon na nagdidinner ang boss ko, nimbitahan kasi siya ni kuya dahil inabutan na siya ng gabi sa bahay.Panay ang bu
I just got home from work and saw Gab in the living room. She noticed me, looked my way and just gave me a wry smile while she seated at in front of the TV trying to make herself busy but from the way I see she just cried.I know it hurts, when you've waited for it and once you have it will be gone in a matter of seconds.
I thought we could keep my pregnancy at least after the trimester, unfortunately my friends found out."Ms. Gab nag-check na kayo?" tanong ni Rhea habang nasa loob kami ng C.R."Ha?" pagmamaang-maangan ko, kahit alam ko na ang tinutukoy niya.
"Ang Cute!" nanggigigil sa tuwa na sabi ni Rhea habang nakatingin kami sa mga babies na nasa nursery ward.Ewan ko ba bakit kami nagawi dito? Dadalawin dapat namin si Arce dahil na-ospital ito pero heto kami ngayon.Sinikap kong wag tumingin sa mga babies. B
This day filled my heart with joy and gladness. Everything went according to plan and I could see that our visitors were happy.Arce catch the bouquet of flowers and I can't remember who was the guy who got the garter. Lahat sila ay nagchicheer habang sinusuot sa hita ni Arce ang garter.
As much as we want to get married in Batanes, we decided to do it here instead since it will cost us much more."We strongly want it to be a family and friends gathering," sabi ni Xavier."I understand that, so there will be 100 guests aside from the entourage," paniniguro ni Megha
Akala ko ang araw na ito ay ka pareho lang ng mga ordinaryong araw ko sa trabaho. But everything started to be different when I accidentally forwarded the layout of the wedding invitation to our group email.Nung una ay nagtataka ako bakit ako tinitignan ng mga nakakasalubong kong empleyado, hanggang makarating ako sa loob ng opisina ko.
I was back in the office at di ko namalayan na sports fest na namin. Yes our company come up with it for welfare raw ng employees. Pero di ko maintindihan bakit ako nasama dito. I always made sure na iba ang magiging representative ng group namin. Well sinamantala ata ng mga staff ko ang pag li-leave ko at napag kaisahang maging representative ng department namin.Nag stretching ako kunwari habang ang mga ka department ko ang nagchicheer sa amin. There are four groups and each group consist of ten members f
Sa kamalas-malasan ko ay hindi ako nagising ng maaga."Bakit ka nakangiti?" kunot noong tanong ko. Habang nakaupo sa passenger seat ng kotse niya."I'm happy," simpleng sagot niya.
Nagising ako nang naramdaman kong wala na si Xavier sa tabi Ko. Napabangon ako at naupo sa kamaWas it all just a dream?I looked around the room but my eyes can't see him. I was