Sobrang sakit ng ulo ko nang magising ako, napaupo ako sa kama at agad hinanap ang bag ko. Kinapa ko sa loob no'n ang cellphone ko, laking gulat ko nang makita ko kung anong oras na. Nanlaki ang mga mata ko dahil alas dos na ng hapon. Saka ko napansin na hindi ko kwarto ito at lalong hindi ko kama ang tinulugan ko. Napasigaw ako sa taranta, napatakip ako ng kumot sa sarili ko. Kung anu-ano na ang tumakbo sa utak ko baka may kumidnap sa akin tapos dinal ako rito.
Bigla na lamang bumukas ang pinto ng kwarto at niluwa si Donna na humahangos.
"Besh, Anong problema? Bakit ka sumisigaw?" tanong niya habang naghahabol ng hininga
Agad siyang lumapit sa akin at umupo sa tabi ko.
Ibig sabihin andito ako sa bahay ni Donna?
Inalala ko ang nangyari kagabi, medyo malabo pero naaalala ko na hinalikan ko siya. Bigla akong nahiya sa sarili ko.
"Hoy! Gising ka na ba talaga?" tanong niya sa akin.
Nagbalik naman sa katinuan ang utak ko. Di ko maiwasan ang tumingin sa kanya at maasiwa.
"Magkatabi ba tayong natulog?" nag-aalalang tanong ko, baka kasi may nagyari sa amin sa sobrang kalasingan ko.
"Hindi noh, anong tingin mo sa akin? duh!" Tanggi niya habang nakataas ang isang kilay.
"Bakla, para kang tanga. Ano may naalala kang kahihiyan na ginawa mo kagabi noh?" usisa niya sa akin.
Nagpapanggap
basiyanawalasiyangalam? o inaasar lang niya ako?"Nakakahiya talaga ginawa ko sayo. Di na talaga ako iinom," sabi ko sa kanya at di makatingin ng diretso. Napakunot naman siya ng noo at tila nagtataka.
"May tama ka pa rin ba, anong pinagsasabi mo?" tanong niya sa akin na parang wlang ideya kung ano ang sinasabi ko.
"Kunwari ka pang nakalimutan mo, siguro ayaw mo lang alalahanin kasi nandidiri ka." Paratang ko sa kanya.
"Ha?" nagtataka pa ring tanong niya.
Napabuntong hininga na lamang ako at walang nagawa kundi ipaalala sa kanya.
"Diba sinundo mo ako kagabi, tapos nag-drama ako kasi may nagnakaw ng first ko sa club tapos, hinalikan kita," sabi ko sa kanya.
Nanlaki ang mata niya at parang may napagtanto. Bigla siyang napatayo at napatili na parang kinikilig.
Anong problema nito.
"OMG! Bakla!" sigaw niya.
Nagtataka ako sa ginagawa niya, bakit ba siya kinikilig? Crush ba ako nito o ano?
"Oh bakit parang kinikilig ka diyan? Tanong ko sa kanya.
"Bakla!" sigaw pa rin niya.
"Ano ba?" inis na sigaw ko sa kanya.
"Bakla!OMG!"
Isa pang sigaw niya at babatuhin ko na siya ng unan.
"Bakit ka ba tumitili?" Narinding tanong ko sa kanya, waleng ka-edi-ediya kung kung bakit siya kinikilig.
"Gabriela De Guzman! hindi ako ang hinalikan mo," sabi niya at di rin nawawala ang kilig sa mukha niya.
"Hindi ikaw? Sino na namang estranghero ang hinalikan ko?" Nanlulumong tanong ko.
"Si Sir Xavier," sabi niya.
"Bakit naman napasok sa usapan ang impaktong 'yun?" Inis na tanong ko.
"Ang ibig kong sabihin, si Sir Xavier ang hinalikan mo at hindi ako. Hindi ako ang sumundo sayo kundi siya." Kinikilig na paliwanag niya.
"Ha?Paano nangyari yun? Paano naging siya ehh ikaw ang tinext ko kagabi." Di naniniwalang sabi ko sa kanya.
Kinuha kong muli ang cellphone ko at tinignan ang messages ko.
"Wala kang tinext sa akin," kumento niya habang hinahanap ko ang message ko sa kanya kagabi.
"Weh, paano ako napunta dito?" pilit ko pa rin hinahanap ang message ko sa kanya.
"Tignan mo may message ako sa--"
Di ko na natapos ang sasabihin ko nang makita kong hindi ko sa kanya na send ang message ko kundi sa boss ko. Pakiramdam ko ay lalong sumakit ang ulo ko.
"Paano ako napunta dito?" tanong ko sa kanya, di ko matanggap ang katotohanan na di nga siya ang tinext ko.
"Tinawagan ako ni sir Xavier, nakita niya siguro yung number ko diyan sa phone mo," sagot niya sa akin.
"Tapos tinanong niya kung pwede ka niyang dalhin dito sa bahay, pumayag naman ako," kwento niya sa akin.
Naniniwala na akong hindi nga si Donna ang sumundo sa akin at ang hinalikan ko. Mas lalo tuloy akong nahiya para sa sarili ko.
"Besh! Anong gagawin ko?" nahihiyang tanong ko sa kanya.
"Saan?"
"Sa boss ko?"
"Ligawan mo," biro niya.
"Beks naman eh," pagmamaktol ko.
"Ehh diba nga sabi mo sa mapapang-asawa mo lang ibibigay ang first kiss mo. Since ninakawan mo siya ng halik considerd first kiss mo siya, kaya kelangan mo siyang mapangasawa. H'wag mo sabihin sa aking aarte ka pa," singhal niya.
As if naman gagawin ko ang suggestion niya.
"Ikaw pa talaga namili ng first kiss mo, sana all."
"He is not my first kiss,"sabi ko sa kanya.
"Ha, ehh sino? Bakit di mo kinikwento sa akin? Kelan pa yan, bestfriend mo ba talaga ako?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin.
"Siyempre bestfriend kita, kaya lang--"
"Kaya lang ano? Paano nangyari yun," putol nya sa sinasabi ko.
Napakamot na lang ako ng akong ulo at kinwento sa kanya ang nangyari kagabi.
"OMG! Bakla ka, nakadalawa ka sa isang gabi." Di ko alam kung nakikisimpatya siya o natutwa sa nangyari.
"Huwag ka nga mag-react diyan na parang natuwa ako sa nangyari." Naiiratang sabi ko sa kanya.
"Sabihin mo nga sa akin, sino ang may mas malambot na labi?" panunudyo niya sa akin.
Bwisit! kaibigan ko ba talaga 'to?
"Sira ulo!Tigil tigilan mo ako puro ka kalokohan!" singhal ko sa kanya.
Bumaba ako sa kama.
"Makaligo na nga lang, pahiram ng twalya at damit," sabi ko sa kanya.
Tumayo siya at may kinuha sa loob ng ng aparador. Inabot niya sa akin ang isang twalya at Tshirt at pinag-liiting jogging pants.
"Kasya naman siguro sa'yo 'yan, magkasing-sexy naman tayo." biro niya.
Hindi ito ang unang beses na nakapunta ako sa bahay nila ng tita niya kaya alam ko na ang pasikot-sikot sa loob ng bahay nila.
Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso papuntang banyo, nakasalubong ko rin ang tita at binati ito at muling naglakad.
Pumasok ako sa loob ng banyo at nag-hubad. Binuksan ko ang shower hanggang sa maramdaman ko ang pagdaloy nito sa buo kong katawan. Napakaginhawa sa pakiramdam ng tubig. Di ko pa rin maiwasan isipin ang mga nangyari kagabi.
Siraulo
katalaga Gabriela, anonggagawinmo'pagnagkita kayo ng boss mo? Itonabaang sign para mag resign ka? Hindi yun papayag magresign ako, paborito ako nungpagalitan, Mag-awolnalangkaya ako? Hindirinpwedepanira ng records.Ang impaktong 'yun ba talaga ang hinalikan ko?
Napahawak ako sa labi ko at inalala ang ginawa kong paghalik sa kanya.
"Haay naku Gabriela, itigil mo yan!" Saway ko sa aking sarili.
Kung mag-tatagal pa ako sa pagligo ay baka kung ano pa ang maisip ko kaya binilisan ko na ang paglilinis sa katawan ko. Kasyang kasya sa akin ang damit na pinahiram ni Donna. Pagkatapos kong magbihis ay naglakad ako pabalik sa kwarto, ngunit wala na roon si Donna. Inilapag ko lang ang gamit ko sa ibabawa ng kama at isinabit ang twalya sa hanger na nakasabit sa hawakan ng aparador.
Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa sala baka sakaling andun si Donna.Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang boss na nakaupo sa sofa at kausap ang tita ni Donna. Mabuti na lang at nakaharap siya sa direksyon ni tita liza, at di iya nakita ang reaksyon sa mukha ko nang makita siya. Andun din si Donna naka-upo sa kabilang dulo ng sofa at nanonood sa tv.
Naramdaman niya marahil ang presensya ko at napatingin siya sa direksyon ng kinatatayuan ko. Tinitigan ko siya, tinanong ko siya kung anong ginagawa ng boss ko rito, naintindihan niya naman ang nais kong iparating kahit di ako nagsalita. Nagkibit balikat siya upang iparating sa akin na hindi niya din alam ang dahilan.
Sinenyasan niya ako na lumapit sa kanila, napansin iyon ng boss ko kaya nabaling ang tingin nito sa kinaroroonan ko. Sinadya kong di siya tignan at nagsimulang maglakad palapit kay Donna. Nang makalapit ako sa kanila ay hinila niya ako upang umupo sa espasyo sa pagitan nila ng boss ko.
"Andito na pala ang hinihintay mo hijo, mag-merienda na kayo at may gagawin pa ako sa kwarto. Dominador ikaw na ang mag-asikaso sa mga bisita natin," sabi ni tita Liza at tumayo papunta sa kinaroroonan ng mga kwarto.
"Si tita Liza talaga, donna nga diba." reklamo ni Donna.
"Kumain lang kayo diyan ha, may bibilhin lang ako sa labas." Biglang paalam ni Donna.
Napatingin ako kay Donna, 'Ano to iiwan mo kaming dalawa rito' Yan ang ipinarating ko sa kanya gamit ang titig ko. Alam ko na nagdadahilan lang ang kaibigan ko para makaalis. May binabalak siya kaya niya kami gustong iwan ng boss ko rito.
Bago ko pa siya mapigilan ay kumaripas na siya ng lakad patungo sa pintuan, kumindat pa siya sa akin bago tuluyang lumabas.
End of Chapter Six
Di ko alam ang gagawin ko nang maiwan kaming dalawa ng boss ko roon. Napatingin ako sa pagkain na nakapatong sa coffee table. Kumuha ako ng pinggan at nilagyan iyon ng spaghetti, wala talaga akong balak kanina na pansinin ang boss ko, kaya lang nakakahiya naman kong di ko siya na di alukin na kumain. Kaya ang pinggan na may spaghetti na supposedly para sa akin ay iniabot ko sa kanya.
Habang nasa loob ng kotse ay di ako mapakali panay ang tapik ko ng aking paa. Di ko alam koung paano ko haharapin ang galit ni kuya. Minsan ko lang siya nakitang magalit at naging dahilan pa 'yun para mapatawag siya sa guidance office nung elementary. Sinuntok niya kasi ang classmate kong inaasar ako lagi na hindi kami magkapatid dahil di kami magkamukha. Sana lang ay di ako makakita ng suntukan mamaya.My brother is usually cheerful and kind kapag ako ang kasama niya, di ko lang alam kung gnun din siya kap
Wow!Di ko alam kung anong nangyari sa kuya ko, kanina lang ang bigat ng awra niya pero ngayon hindi na. Kasama namin nagyon na nagdidinner ang boss ko, nimbitahan kasi siya ni kuya dahil inabutan na siya ng gabi sa bahay.Panay ang bu
Maaga akong pumasok sa office, ganun din si boss kaya naisipan kong timplahan siya ng kape. Pagpasok ko sa opisina niya ay nagulat ako sa nakita at nabitawan ko ang tray na hawak ko na naglalaman ng tasa ng kape .Umalingawangaw ang sa buong kwarto ang tunog ng pagtama ng tray sa sahig at pagkabasag ng tasa. Naramdaman ko ang pag tilamsik ng mainit na kape sa paa ko ngunit binalewala ko lang hapdi nu'n. Nakatoon lamang ang atensyon ko sa lalaking kausap ng boss ko.Hindi ko makakalimutan ang mukhang 'yun, sigurado
Hindi ko inasahan na makakasabay namin mag-lunch ni Donna ang boss ko at si Nick. Paano ba naman kasi itong si Donna makakita lang ng gwapo bumibigay na.Nagulat ako nang mapansin ko ang pagpasok ng boss ko sa pintuan ng fastfood chain kung nasaan kami ni Donna. Kasama niya pa rin ang lalaking kabute, napansin niya akong naktingin sa kanya kaya dire-diretso silang naglakad patungo sa table namin.
Maaga akong dumating sa office napansin ko ang pagkukumpulan ng mga office mates ko at nagbubulungan ng malakas.Nagbulungan pa sila ehh dinig na dinig naman ang ingay nila.Dinaanan ko lamang sila at pumasok ako sa office namin ng boss ko. Pagka-patong k
Hindi ako ginulo ni Nick simula kahapon, mabuti na din 'yun nang matahimik ang buhay ko.Maagang umuwi ngayon ang boss ko dahil may imi-meet daw siyang friends.Akalain niyo 'yun mga kaibigan pala ang impaktong 'yun.Wala namang schedule ng meeting bukas kaya di ako ganun ka-busy, chill lang kumbaga.
Kung dati haggard na akong dumadating sa office, feeling ko ay mas haggard pa ako ngayon. Di kasi ako nakatulog ng maayos kaiisip sa nangyari sa office kagabi. Panay ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa tuwing naaalala ko ang sandaling muntik ko ng halikan si Nick. Iba ang pakiramdam niyon di tulad nung gabing hinalikan niya ako sa club at nakainom.May kakaiba sa kung paano niya ako tinitigan kahapon at muntik na akong raydurin ng sarili kong katawan. Ayaw ko man aminin ngunit sa mga oras na 'yon ay nagawa niya akong maa
I just got home from work and saw Gab in the living room. She noticed me, looked my way and just gave me a wry smile while she seated at in front of the TV trying to make herself busy but from the way I see she just cried.I know it hurts, when you've waited for it and once you have it will be gone in a matter of seconds.
I thought we could keep my pregnancy at least after the trimester, unfortunately my friends found out."Ms. Gab nag-check na kayo?" tanong ni Rhea habang nasa loob kami ng C.R."Ha?" pagmamaang-maangan ko, kahit alam ko na ang tinutukoy niya.
"Ang Cute!" nanggigigil sa tuwa na sabi ni Rhea habang nakatingin kami sa mga babies na nasa nursery ward.Ewan ko ba bakit kami nagawi dito? Dadalawin dapat namin si Arce dahil na-ospital ito pero heto kami ngayon.Sinikap kong wag tumingin sa mga babies. B
This day filled my heart with joy and gladness. Everything went according to plan and I could see that our visitors were happy.Arce catch the bouquet of flowers and I can't remember who was the guy who got the garter. Lahat sila ay nagchicheer habang sinusuot sa hita ni Arce ang garter.
As much as we want to get married in Batanes, we decided to do it here instead since it will cost us much more."We strongly want it to be a family and friends gathering," sabi ni Xavier."I understand that, so there will be 100 guests aside from the entourage," paniniguro ni Megha
Akala ko ang araw na ito ay ka pareho lang ng mga ordinaryong araw ko sa trabaho. But everything started to be different when I accidentally forwarded the layout of the wedding invitation to our group email.Nung una ay nagtataka ako bakit ako tinitignan ng mga nakakasalubong kong empleyado, hanggang makarating ako sa loob ng opisina ko.
I was back in the office at di ko namalayan na sports fest na namin. Yes our company come up with it for welfare raw ng employees. Pero di ko maintindihan bakit ako nasama dito. I always made sure na iba ang magiging representative ng group namin. Well sinamantala ata ng mga staff ko ang pag li-leave ko at napag kaisahang maging representative ng department namin.Nag stretching ako kunwari habang ang mga ka department ko ang nagchicheer sa amin. There are four groups and each group consist of ten members f
Sa kamalas-malasan ko ay hindi ako nagising ng maaga."Bakit ka nakangiti?" kunot noong tanong ko. Habang nakaupo sa passenger seat ng kotse niya."I'm happy," simpleng sagot niya.
Nagising ako nang naramdaman kong wala na si Xavier sa tabi Ko. Napabangon ako at naupo sa kamaWas it all just a dream?I looked around the room but my eyes can't see him. I was