Ano nga ba ang sabi niya? look my best. Ginawa ko naman ang gusto niya iba nga lang siguro ang best para sa kanya.
Halos mag-kasunod lang kami dumating sa office, bago pa ako makapwesto sa cubicle ko ay sinenyasan niya ako na sumunod sa kanya.
Pumasok kami sa loob ng opisina niya at doon ko napansin ang pagbabago sa loob nito, ibang-iba ang itsura nito ngayon sa dating itsura nito kahapon. Pagpasok mo sa loob ay mayroon ng reception area mayroon ng sofa at coffee table doon at bookshelf, kung saan pwede maupo ang mga naghihintay na bisita. May isa pang kwarto roon na gawa sa salamin ang pader kung saan naroon ang working place ng boss ko. Mayroon pang isang set ulit ng sofa sa gilid nun na parang sala namin sa bahay. May roller blinds iyon na automatic na nagsasara at nagbubukas gamit ang remote, malamang ay for privacy purposes.
"That will be your new working area." Turo niya sa isang cubicle sa gilid katapat ng sofa set.
Lumapit ako roon, may desk na at naka set-up na rin ang computer doon, naroon na rin ang mga gamit ko at roll-in cabinet, mas malaki iyon kumpara sa cubicle ko. Masasabi kong mas gusto ko ang bago kong working area.
Hindi ko pa nananamnam ang bago kong mesa nang tawagin niya akong muli.
"I told you last night to look your best today, right?" Salubong ang kilay na sabi niya.
Nagsisimula na naman siyang pagalitan ako.
Ehh, ano
ba ang gusto nito? Ito naang best look nakayakongi-pull-off. Decent namanangsuot ko... I think so?Bahagya siyang lumapit sa akin at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.
"Is this your best look? Loose black slacks and floral pink blouse," Nanunuyang sabi niya.
Anong trip nito
ehhsadito ako comportable, walanamankaming dress code bakit ba siya nakiki-elam?"Sir may kulang pa sinabi mo, black blazer to match my black slacks." pang-aasar ko sa kanya.
"I think wala naman pong problema sa suot ko," sabi ko.
"Tsk!" Dinig ko mula sa kanya.
"That's what you think, try to consider what people will say if they find out your my secretary." Pag-papaintindi niya sa akin.
"Pake ko po sa kanila?" Pag-mamatigas ko.
"When I say others, I mean our future clients." Paglilinaw niya.
Napaisip tuloy ako sa sinabi niya. Kung opinyon niya iyon ay wala akong pake, pero kung sa clients malaki ang problema ko. Di ko naman kasalanan maging secretary niya, siya lang 'tong nag-appoint sa akin. Siya talaga ang may kasalanan ng lahat.
"Magpalit ka na lang kaya ng secretary mo? Para di mo na problemahin ang damit ko," suhestiyon ko sa kanya.
Umasta siyang babatukan ako kaya napailag ako.
"Bakit kasi di na lang si Ivy or si Rica ang ginawa mong secretary." Tukoy ko sa mga officemates kong mga fashionista.
Bigla siyang natawa sa sinabi ko, nabaliw na ata.
"What made you think that they fit the job?" nakataas ang isang kilay na tanong niya sa akin.
"Those girls do nothing but to keep themselves look pretty, instead of doing their job."
Sabagay may point siya dun, ako nga madalas ang gumagawa ng trabaho nila.
"Ehh anong gusto mong gawin ko sir, lumabas ng office at mag-shopping ng bagong damit? Wala na po tayong oras, mag-aalas siete na po, mag-sisimula na po ang meeting niyo." Paalala ko sa kanya.
"It's not a managament meeting, it's a meeting with our new client and it starts at seven pm." Nakakalokong ngiti niya.
Napailing ako nang mapag-tanto ko ang sinabi niya.
Langya
naman oh! Lakastalaga man trip ng taong to.Eh di sana naka-idlip pa ako alas otso pa naman ang umpisa ng office hours namin. Bakit ang ang aga niya magpagising? Sayang yung puyat ko!
"Mamayang gabi pa pala ang meeting, maaga pa sir pwede po umidlip muna?" Inis na sabi ko.
"No, were going somewhere," sabi niya sa akin.
"Saan tayo pupunta?" takang tanong ko.
Yung totoo di man lang ba niya ako pauupuin sa bago kong desk?
"Let's get you something to wear for tonight," sagot naman niya.
"Nang ganito kaaga?" Lalo akong nahiwagaan sa sinasabi niya.
"I expected how you'll look this morning so I prepared in advance."
Tumalikod siya sa akin at bahagyang lumayo saka kinuha sa bulsa ang cellphone niya at may tinawagan.
Saglit lang ang pag-uusap nila, at wala akong naintindihan.
Muli niya akong hinarap hanag binabalik sa bulsa niya ang kanyang cellphone.
"Let's go," sabi niya sa akin at saka ako sinenyasan na sumunod sa kanya.
Paglabas namin sa opisina niya ay wala pa rin ang mga officemates ko, nakahinga ako ng maluwag.
Wala akong nagawa kundi ang sundan siya kahit pa wala akong idea kung saan kami papunta. Sumakay kami sa elevator at pinindot niya ang button pababa sa ground floor. Naka-tingin lamang ako sa floor indicator ng elevator hanggang sa makarating kami sa ground floor.
Iba't ibang shops ang nasa ground floor ng building na kinaroroonan ng office namin may kainan, bookstore, tindahan ng damit, mini-mart, at may 7 eleven. Sa dinami-rami ng nakikita ko ay wala pa rin akong idea kung saan niya ako dadalhin. Patuloy lang siya sa paglalakad, ako naman ay nakabuntot lang sa kanya na parang aso.
Huminto siya bigla sa paglalakad at muntik pa akong mabunggo sa likuran niya, napaatras ako palayo sa kanya.
Napatingin ako sa paligid at nakita ko kung nasaan kami. Nasa harapan kami ng Kirei, isa ito sa magagandang clothing line sa Pilipinas. Magaganda ang mga design ng mga damit at sapatos na ibinibenta nila, nagtitinda rin sila ng mga bag at accessories.
Bakit andito kami?
Bigla na lamang may lumabas na magandang babae mula sa pinto at binati ang boss ko. Napasilip naman ako mula sa likuran ng boss ko para makita kung sino siya. Tumambad sa akin ang isang magandang babae, matangkad ito at maganda ang tindig. Balingkinitan rin ang pangangatawan niya.
Bagay sa kanya ang suot niyang lady suit. Lalo siyang nagmukhang sophisticated sa paningin ko.
Girlfriend niya ba ito?
"Tumatawag ka lang talaga kapag may kailangan ka sa'kin." Inis na sabi nito sa boss ko.
Nginitian lang siya ng boss ko.
"Siya ba ang bibihisan ko?" tukoy niya sa akin.
Anong bibihisan ang sinasabi nito?
"Yes, she's the one," sagot naman ng boss ko.
I'm the one? May iba bang ibig sabihin 'yun?
"Don't worry, akong bahala sa kanya insan," sabi nito.
"Hi I'm Jillian, pinsan ni Xavier at ang may ari ng Kirei apparel." Pakilala niya sa akin.
"I'm Gabriela, at boss ko siya." Tukoy ko sa boss ko.
Makikipag-kamay sana ako nang bigla siya ng makpag-beso sa akin.
"Enough with the introductions." Tila naiinip na sabi ng boss ko.
Kahit kailan talaga!
"Pasok na tayo sa loob." Paanyaya ni miss Jillian sa amin.
Sinundan namin siya nang boss ko.
Di ko maiwasan ang mamangha sa mga naka-display na damit at sapatos sa loob ng shop na 'yun.
"Umupo muna kayo," alok ni Ms. Jillian sa amin.
Naupo naman kami ng boss ko sa sofa na nagsisilbing waiting are ng mga costomers. Saglit kaming iniwan ni Ms. Jillian kaya nagkaroon ako ng oras na ilibot ang paningin ko sa buong shop.
Napakaganda ng chandelier na nakasabit sa kisame, napaka-elegante ng mga muebles na gamit nila para akong nasa victorian era dahil sa vibe ng shop nila.
Ilang saglit pa ay bumalik na si Ms. Jillian at ngayon ay di na siya nag-iisa. Kung di ako nagkakamali ay staff siya ng botique na ito.
"Ms. Gabriela, sumunod po kayo sa akin," sabi nito.
"Bakit?"
"Just follow her." Utos ng boss ko na prenteng naka-de-kwatro sa tabi ko.
"Do I really need to do this?" Nakakunot noong tanong ko sa kanya.
"Would I waste my time if you don't?" Balik niya ng tanong sa akin.
Tsk! Buti pa siya
paupo-upolangsa sofa sitting like a boss. Well, apparently he is my boss.Sinundan ko ang staff at nagpunta kasi sa fitting area, di ako nasabihan may dress rehearsal pa lang magaganap.
Napagod ako sa papalit na pagsusuot ng mga damit, at pagbalandra sa harap ni Ms. Jillian at ng boss ko.
Sa dinami-dami nang isinukat ko ay anim lang ang nagustuhan nilang dalawa.
Nagulat na lang ako nang bilhin iyon ng boss ko para sa akin. Pinapili rin niya sa Ms. Jillian ng susuotin kong sapatos.
Nanlalaki pa rin ang mata ko sa dami ng binili niyang damit para sa akin. Nakasakay kami sa elevator pabalik sa opisina. Nakatingin lang ako sa mga hawak kong shopping bag.
Di naman siguro ito bawasa sa sweldo ko noh?
" Wear the black one tonight," biglang sabi niya sabay baba sa elevator dahil nasa floor na kami ng opisina namin.
Napakabilis niyang maglakad dahilan para maging malayo ang agwat namin sa isa't isa. Napatakbo na lang ako para maabutan siya.
Pagpasok sa department namin ay nag-goodmorning ang mga officemates ko sa kanya.
Naka-yuko akong nakasunod sa kanya. Buti nila lamang di pinansin ng mga office mates ko ang mga dala ko. Magkasunod kaming pumasok sa opisina niya.
Inilapag ko sa ilalim ng desk ang mga dalang paperbags at saka pumasok sa working area ng boss ko. Wala kasi akong idea kung anong gagawin ko sa first day ko bilang secretary niya. Ang alam ko lang ay kailangan kong i-check ang schedule niya today.
"Sir, pwede ko po bang makuha ang schedule niyo?" tanong ko sa kanya. May kinuha naman siyang tablet sa roll-in kabinet niya.
"Take this, andiyan lahat ng schedule ko for today and nextweek. Ikaw na rin ang mag-update niyan." Tumango ako sa kanya. Tsaka ako bumalik sa table ko.
Tinignan ko ang laman ng schedule niya, maliban sa dinner meeting with Mr. Chen ay wala na siyang schedule ngayon. Kaya may panahon siya para pumirma ng mga document at magbasa ng proposals.
Maya't-maya akong tumatawa sa telepono niya para mag-tanong ng mga bagay di ko alam.
Napaka-busy niya palang tao paano siya nakatagal ng walang secretary?
Alas singko na ng hapon nang matapos ako sa aking ginagawa. Ang boss ko naman ay lumabas na at sinabihan akong maghanda na para sa meeting, magkita raw kami sa lobby.
Dahil kailangan kong mag-ayos para sa meeting ay inistorbo ko ang kaibigan kong si Donna. Habang inaayusan niya ako ay naikwento ko ang nangyari kaninang umaga.
"Bongga ka ghorl! Nakalibreng outfit ka na at sa Kerei pa talaga! Kainggit ka ghorl, ikaw na! Pwede akin na lang yan pagkatapos mong gamitin?" tanong niya habang nilalagyan ako ng make-up.
"Kung kasya sayo, ano bang meron sa black dress na 'to?" tukoy ko sa suot ko.
"Ang ganda kaya, ang sexy pero di malaswa. In fairness may taste siya sa damit, I love him na!" Maarteng sabi niya na ginagaya ang boses ni Kris Aquino.
Maganda naman talaga ang suot kong dress, it's a bodycon dress with cap sleeves and asymmetrical neckline, okay lang rin sa akin ang haba nito.
"Puro ka kalokohan,tapos ka na ba?"tanong ko sa kanya.
"Oo besh, mukha ka ng mamahalin, mag-lagay ka na lang ng red lipstick." suhestiyon niya habang inaabot sa akin ang maliit na salamin para makita ko ang naging itsura ko.
"Kelangan talaga red? Di ba ako magmumukhang aswang diyan?" alangan na tanong ko sa kanya.
"Puro ka kalokohan, humarap ka na nga ulit sa akin, ako na ang mag-lalagay sa'yo ng lipstick." Utos niya sa akin.
Sinunod ko naman siya dahil dito siya magaling, sumasideline rin kasi siya make-up artist.
Muli niyang inabot sa akin ang salamin para makita ang itsura ko. Napakagaling niya talaga, kahit papaano ay napaganda niya ako.
"Ang galing mo talaga beks!" puri ko sa gawa niya.
"Kunwari ako ang fairy god mother mo " Biro niya, sabay wasiwas sa hawak niyang lipstick na para talagang isang fairy.
"Thank you beks! Ililibre kita ng kape sa susunod," sabi ko sa kanya.
"Nanuhol ka pa, gumora ka na ghorl baka iwan ka pa ng boss mo." Pagtataboy niya sa akin.
"Bye bakla!" Paalam ko at nagmadaling umalis ng department nila.
Saktong alas-sais ay nasa labas na ng lobby ang boss ko lulang ng pulang Porsche Panamera AG na kotse niya.
Lumapit ako sa kotse niya at sumakay roon. Di na ako umasang pag-buksan niya ako ng pinto, 'di nga niya pinansin ang pinagbago ng itsura ko. Sayang ang effort pero di naman ako nagpaganda dahil sa kanya kundi dahil sa clients na imi-meet namin. Sinuot ko na lang ulit ang blazer na dala ko.
Basta ang alam ko maganda ako ngayong gabi.
End of Chapter Three
Dumating kami saChi Haorestaurant, naka-book na ang boss ko kahapon pa. Finollow-up ko lang ang reservation namin kaninang umaga. Maaga kaming nakarating sa meeting place wala pa roon ang client na i-mimeet ng boss ko.Wala kaming imikan ng boss ko habang hinihintay ang pagdating ni Mr. Chen. Ilang minuto pa ay dumating na si Mr. Chen at may dalawa siyang kasama. Agad kaming tumayo ng boss ko para batiin sila. Kung di ako nag-kakamali isa sa kanila
Paglabas ko ng club na iyon ay hinayaan ko ang sarili kong mga paa na dalhin ako sa kung saan man. Tuliro akong nakayuko habang inaalala ang mga panyayari. Ramdam ko pa rin ang malakas na pintig ng puso ko dahil sa galit. Bitbit ang bag at blazer ko ay nagpatuloy lang ako sa pag-lalakad.Why did I let my guard down?Paanokungsobrang
Sobrang sakit ng ulo ko nang magising ako, napaupo ako sa kama at agad hinanap ang bag ko. Kinapa ko sa loob no'n ang cellphone ko, laking gulat ko nang makita ko kung anong oras na. Nanlaki ang mga mata ko dahil alas dos na ng hapon. Saka ko napansin na hindi ko kwarto ito at lalong hindi ko kama ang tinulugan ko. Napasigaw ako sa taranta, napatakip ako ng kumot sa sarili ko. Kung anu-ano na ang tumakbo sa utak ko baka may kumidnap sa akin tapos dinal ako rito.Bigla na lamang bumukas ang pinto ng kw
Di ko alam ang gagawin ko nang maiwan kaming dalawa ng boss ko roon. Napatingin ako sa pagkain na nakapatong sa coffee table. Kumuha ako ng pinggan at nilagyan iyon ng spaghetti, wala talaga akong balak kanina na pansinin ang boss ko, kaya lang nakakahiya naman kong di ko siya na di alukin na kumain. Kaya ang pinggan na may spaghetti na supposedly para sa akin ay iniabot ko sa kanya.
Habang nasa loob ng kotse ay di ako mapakali panay ang tapik ko ng aking paa. Di ko alam koung paano ko haharapin ang galit ni kuya. Minsan ko lang siya nakitang magalit at naging dahilan pa 'yun para mapatawag siya sa guidance office nung elementary. Sinuntok niya kasi ang classmate kong inaasar ako lagi na hindi kami magkapatid dahil di kami magkamukha. Sana lang ay di ako makakita ng suntukan mamaya.My brother is usually cheerful and kind kapag ako ang kasama niya, di ko lang alam kung gnun din siya kap
Wow!Di ko alam kung anong nangyari sa kuya ko, kanina lang ang bigat ng awra niya pero ngayon hindi na. Kasama namin nagyon na nagdidinner ang boss ko, nimbitahan kasi siya ni kuya dahil inabutan na siya ng gabi sa bahay.Panay ang bu
Maaga akong pumasok sa office, ganun din si boss kaya naisipan kong timplahan siya ng kape. Pagpasok ko sa opisina niya ay nagulat ako sa nakita at nabitawan ko ang tray na hawak ko na naglalaman ng tasa ng kape .Umalingawangaw ang sa buong kwarto ang tunog ng pagtama ng tray sa sahig at pagkabasag ng tasa. Naramdaman ko ang pag tilamsik ng mainit na kape sa paa ko ngunit binalewala ko lang hapdi nu'n. Nakatoon lamang ang atensyon ko sa lalaking kausap ng boss ko.Hindi ko makakalimutan ang mukhang 'yun, sigurado
Hindi ko inasahan na makakasabay namin mag-lunch ni Donna ang boss ko at si Nick. Paano ba naman kasi itong si Donna makakita lang ng gwapo bumibigay na.Nagulat ako nang mapansin ko ang pagpasok ng boss ko sa pintuan ng fastfood chain kung nasaan kami ni Donna. Kasama niya pa rin ang lalaking kabute, napansin niya akong naktingin sa kanya kaya dire-diretso silang naglakad patungo sa table namin.
I just got home from work and saw Gab in the living room. She noticed me, looked my way and just gave me a wry smile while she seated at in front of the TV trying to make herself busy but from the way I see she just cried.I know it hurts, when you've waited for it and once you have it will be gone in a matter of seconds.
I thought we could keep my pregnancy at least after the trimester, unfortunately my friends found out."Ms. Gab nag-check na kayo?" tanong ni Rhea habang nasa loob kami ng C.R."Ha?" pagmamaang-maangan ko, kahit alam ko na ang tinutukoy niya.
"Ang Cute!" nanggigigil sa tuwa na sabi ni Rhea habang nakatingin kami sa mga babies na nasa nursery ward.Ewan ko ba bakit kami nagawi dito? Dadalawin dapat namin si Arce dahil na-ospital ito pero heto kami ngayon.Sinikap kong wag tumingin sa mga babies. B
This day filled my heart with joy and gladness. Everything went according to plan and I could see that our visitors were happy.Arce catch the bouquet of flowers and I can't remember who was the guy who got the garter. Lahat sila ay nagchicheer habang sinusuot sa hita ni Arce ang garter.
As much as we want to get married in Batanes, we decided to do it here instead since it will cost us much more."We strongly want it to be a family and friends gathering," sabi ni Xavier."I understand that, so there will be 100 guests aside from the entourage," paniniguro ni Megha
Akala ko ang araw na ito ay ka pareho lang ng mga ordinaryong araw ko sa trabaho. But everything started to be different when I accidentally forwarded the layout of the wedding invitation to our group email.Nung una ay nagtataka ako bakit ako tinitignan ng mga nakakasalubong kong empleyado, hanggang makarating ako sa loob ng opisina ko.
I was back in the office at di ko namalayan na sports fest na namin. Yes our company come up with it for welfare raw ng employees. Pero di ko maintindihan bakit ako nasama dito. I always made sure na iba ang magiging representative ng group namin. Well sinamantala ata ng mga staff ko ang pag li-leave ko at napag kaisahang maging representative ng department namin.Nag stretching ako kunwari habang ang mga ka department ko ang nagchicheer sa amin. There are four groups and each group consist of ten members f
Sa kamalas-malasan ko ay hindi ako nagising ng maaga."Bakit ka nakangiti?" kunot noong tanong ko. Habang nakaupo sa passenger seat ng kotse niya."I'm happy," simpleng sagot niya.
Nagising ako nang naramdaman kong wala na si Xavier sa tabi Ko. Napabangon ako at naupo sa kamaWas it all just a dream?I looked around the room but my eyes can't see him. I was