Share

My Sweetest Downfall (Tagalog)
My Sweetest Downfall (Tagalog)
Author: Chel Aguirre

Chapter 1

Author: Chel Aguirre
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Abot tainga ang ngiti ni Hope habang nakatanaw sa labas ng bintana ng eroplanong sinasakyan kasama si Zeke; ang kan'yang best friend at manager.

"I can't believe we're finally getting home!" bulalas niya nang marinig sa intercom ang boses ng kanilang piloto na nagsasabing malapit na sila sa kanilang destinasyon. Hindi niya napigilang mapapalakpak sa labis na tuwa.

"You're being too loud, Hope. Baka makilala ka ng mga pasahero. Gusto mo bang dumugin tayo ng mga fan mo rito?" masungit na saway sa kaniya ni Zeke.

Bahagya niya namang ibinaba ang suot na cap upang matakpan ang kan'yang mukha sa pangambang baka magkatotoo nga ang sinabi ni Zeke. She knew that whatever comes out of Zeke's mouth, always comes true.

Muli siyang napalingon kay Zeke nang tawagin siya nito. Without a word, marahan na iniipit nito sa kan'yang tainga ang ilan sa mga hibla ng kan'yang mahabang buhok at sinuotan siya ng itim na face mask para itago ang kan'yang mukha . "Don't forget to wear your sunglasses later when we get off the plane," he reminded her.

"Opo, Mommy," pabiro niyang tugon. "But don't you think na mas lalo pa akong makakakuha ng atensyon kung ganito ang ayos ko?"

Naisip ni Zeke na may punto rin naman si Hope subalit naisip rin nito na mas ligtas para rito ang itago na lang nito ang mukha sa lahat. "No, hide your face from everyone at all cost," maawtoridad nitong sabi na sinunod naman ni Hope.

It's been nearly a decade since Hope flew abroad to pursue her dream of becoming a well-known actress. Now that that has been accomplished and almost everyone in the world knows her, she wishes to return to her hometown and continue her career there.

Bukod sa na-mi-miss na niya ang buhay sa kinalakihang lugar, ang isa sa mga nagtulak sa kan'ya upang umuwi ay ang pangungulila niya kay Isaac.

Si Isaac ay anak ng matalik na kaibigan ng kan'yang ina at siya rin ang kauna-unahang lalaki na bumihag sa kan'yang puso. Bagama't mas bata siya ng apat na taon kay Isaac, hindi iyon naging hadlang para hindi niya ito magustuhan. Noon pa man ay na-imagine niya na na ito na ang lalaking makakasama niya sa pagtanda at kasamang bubuo ng pamilya kahit pa hindi naman sila nito gaanong malapit sa isa't isa. Madalas ay palihim niya lang itong sinusulyapan sa kanilang dating paaralan o kaya naman ay sumasama siya sa kan'yang Mommy Hilda sa tuwing bibisita ito sa kan'yang Tita Lorna na siyang ina ni Isaac.

Bagama't matagal siyang nalayo kay Isaac, kailan man ay hindi siya nakalimot dito. Ipinangako niya sa sarili noon na oras na matupad niya na ang kan'yang pangarap at mayroon na siyang maipagmamalaki rito ay babalikan niya ito.

*****

Tumatakbong lumabas ng airport si Hope upang maghanap ng taxi na kan'yang sasakyan patungo sa Duncan Mills Hospital kung saan nagtatrabaho si Isaac bilang isang surgeon.

"Will you please stop running, lady," hinihingal na saway ni Zeke. Tulak-tulak nito ang kanilang mga bagahe na nakasakay sa trolley.

"Will you be fine without me, Zeke?" tanong niya rito nang may taxi driver na kumaway sa kan'ya.

"I should be the one asking you that_. Wait, what do you mean?" Kunot-noo siyang tiningnan ni Zeke.

"I need to stop by somewhere else," tugon niya, saka kinawayan ang driver at sinenyasan ito na lumapit sa kan'ya. Katulad ng payo sa kan'ya kanina ni Zeke, nagsuot siya ng sunglasses at kan'ya ring inayos na ang suot na cap at face mask.

Hindi niya man sabihin kay Zeke kung saan talaga siya pupunta ay tiyak na nito kung sino talaga ang sasadyain niya.

"Don't you think na mas excited ka pa yatang makita ang Isaac na 'yon kaysa sa pamilya mong matagal na naghintay sa pag-uwi mo?" tila nangongonsensyang sabi nito na tinawanan niya lang.

"Kiss them for me, Zeke. I'll see you later," paalam niya na lang, saka sumakay na ng taxi.

Mabilis na dinukot ni Zeke ang kaniyang phone sa bulsa at kinunan ng litrato ang plate number ng papalayo nang taxi. Pagkatapos itong makunan ng larawan ay wala na siyang ibang nagawa kundi sundan na lang ito ng tingin. Napabuntong-hininga siya. "Ingat."

*****

Matingkad na amoy ang sumalubong kay Hope nang pumasok siya sa entrance ng Duncan Mills Hospital. Iyon 'yong karaniwang naaamoy sa loob ng ospital katulad na lang ng disinfectant.

Walang pagsidlan ang tuwang nararamdaman ni Hope sapagkat ilang sandali na lang ay makikita niya nang muli si Isaac.

Sa paglipas ng bawat sandali ay palakas nang palakas ang kabog ng kan'yang dibdib dahil sa pinaghalong excitement at kaba.

Nagsimula na siyang mag-ikot-ikot sa loob ng ospital at pasimpleng tinitingnan ang mga doctor na nakakasalubong. Umaasa na isa sa kanila ay si Isaac. Subalit lumipas na ang ilang minuto, hindi niya pa rin ito nakikita.

Nagyuko siya ng ulo nang mapansin na may ilan nang tumitingin sa kaniya. Kinabahan siya bigla kasi baka may nakakakilala na sa kaniya. Wala pa naman si Zeke para alalayan siya.

Nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad habang nakayuko pa rin. Paliko na siya sa isang pasilyo nang bigla na lang siyang may nakabanggang isang lalaki. Nang mag-angat siya ng tingin ay natigagal siya at pinagpulahan ng mukha nang matuklasan kung sino iyon. "Isaac?"

May pagtataka siyang tinitigan ng lalaki. "Hope?"

Kaagad na kinapa ni Hope ang mukhang natatakpan ng face mask. Labis-labis ang tuwang kan'yang naramdaman nang nakilala siya nito sa kabila ng face mask na suot.

"H-hi, kumusta ka na?" nahihiyang sabi niya rito.

Sa paglipas ng panahon ay mas lalo pang naging guwapo sa kan'yang paningin si Isaac. Mas tumangkad pa ito at naroon pa rin ang matinding sex appeal nito na tiyak niyang kinahuhumalingan ng mga babaeng nakakakilala rito.

Lumabas ang isang biloy ni Isaac sa pisngi nang ngitian siya nito. Isinuksok nito ang parehong kamay sa bulsa ng suot nitong puting coat. "I'm doing great. Umm... Bakit ka nga pala nandito?"

Bahagya siyang nakaramdam ng lungkot sa naging tugon nito dahil ni hindi man lang siya kinumusta nito. Sa bagay, hindi naman sila close nito kaya ano naman ang aasahan niya?

"Haven't you seen the news? Umuwi ako kasi may mga project na in-o-offer sila sa akin dito," sagot niya na lamang.

Natawa si Isaac. "No, ang ibig kong sabihin, bakit nandito ka sa ospital?"

Napangiwi siya dahil sa pagkapahiya. "Ah, sorry..." Nag-isip kung anong palusot ang sasabihin kung bakit siya naroroon. "Ummm... My friend is sick. Binisita ko lang."

"I see." Tumango-tango si Isaac na mukhang naniwala naman sa kasinungalingan niya.

Ilang sandali silang natahimik at tiningnan lang ang isa't isa. Mabilis na iniiwas niya ang tingin kay Isaac at iniyuko ang ulo sa pangambang baka mahalata nito ang kan'yang nararamdaman. Matagal na panahon niyang itinago ang nararamdaman para rito at hindi pa siya handang ipaalam dito iyon.

"Ikaw, kumusta ka na?" pagbasag ni Isaac sa nakakailang na katahimikan.

"I'm fine. Medyo busy lang sa schedule."

"Oo nga eh, napanood ko sa balita," tugon nito at naiilang na ngumiti. Para itong napipilitan lang na makipag-usap sa kaniya.

Isang alanganing tawa na lamang ang itinugon niya dahil maging siya ay nailang na rin. Napansin niya rin na madalas itong luminga-linga at panaka-nakang sinusulyapan ang suot na relo. Naisip niya na baka naaabala na niya ito.

Magpapaalam na sana siya nang may kinawayan si Isaac sa kan'yang likuran. Sinundan niya ng tingin ang kinakawayan nito at nakita ang isang babaeng nurse na naglalakad palapit sa kanila. Binati niya naman ito nang huminto ito sa kanilang tapat.

Mukhang nakilala naman siya ng babae dahil kitang-kita niya ang gulat sa mukha nito nang titigan siya nito.

"Miss Hope Vasquez?"

"Hello po," bahagya niyang iniyuko ang ulo at binati ang nurse.

"Anak siya ng best friend ni Mama," pakilala sa kan'ya ni Isaac sa nurse.

Napansin niya na medyo malapit sa isa't isa si Isaac at ang babaeng kaharap base sa paraan ng pag-uusap at pagtititigan ng mga ito. Dahil do'n, hindi niya na napigil ang sariling magtanong. "Is she your friend?"

Kitang-kita niya ang biglang pagkinang ng mga mata ni Isaac habang nakatitig sa nurse. Ni minsan ay hindi niya pa nakita ang ganoong klaseng kislap sa mga mata nito noon.

Nakangiti siyang nilingon ni Isaac sabay hinawakan ang kamay ng nurse.

"Hope, this is Angenette... My girlfriend."

Related chapters

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 2

    "Cut!" sigaw ng Director matapos hindi bitawan ni Hope ang linyang dapat sanang isasagot niya sa kan'yang kaeksena."Sorry po, Direk!" paumanhin ni Hope.Dahil sa tila wala sa kondisyon si Hope ay nagpasya ang kanilang direktor na mag-break muna. Nilapitan ni Zeke si Hope at dinampian ng ice pack ang namumula at halos namamaga na nitong pisngi dahil sa eksena nitong sampalan kanina."Does it hurt?" tanong niya kay Hope."Wala lang 'to kumpara sa wasak ko ngayong puso," sagot ni Hope na ikinatawa niya. "Don't laugh. My heart is literally aching right now, Zeke."Tumigil siya sa pagtawa nang mapansin ang lungkot sa mga mata ni Hope. Nitong mga nakaraang araw ay napansin niya rin na tila naging matamlay ito."You know that you can always tell me anything." Naupo siya sa tabi nito habang dinadampian pa rin ang pisngi nito ng ice pack.Bumuntong-hininga si Hope. "Zeke, my first love has finally come to an end." Napakunot-noo siya. "Bakit?"Pilit ang mga ngiting tumingin si Hope sa kaniyan

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 3

    "I'm so sorry, hindi na dapat tayo pumunta sa 'min." Hinawakan nang mahigpit ni Isaac ang kamay ni Angenette. Hindi niya lubos akalain na aabot sa punto na ipahihiya ito ng kan'yang mga magulang sa harapan mismo ng ibang tao.Pagkatapos ng mainit nilang sagutan ng kan'yang mga magulang, nagpasya siyang umalis kasama si Angenette. Dinala niya ito sa park kung saan sila madalas na tumambay noon upang mapagaan ang pakiramdam nito.Naupo sila sa isang bench at doon pansamantalang nagpahinga.Tumingala si Angenette at tiningnan ang mga bituin sa kalangitan. "She's beautiful," mahinang sabi nito."Ha?"Nilingon siya nito sa kan'yang tabi. "Si Hope."Inalala niya ang hitsura ni Hope. Kumpara kay Angenette, higit na mas maganda nga ito rito. Bukod sa mestiza ay napaka elegante rin nitong tingnan mula ulo hanggang paa samantalang si Angenette naman ay simple lamang. Subalit sa kabila ng magagandang katangiang iyon ni Hope ay hindi niyon nakuha ang interes niya. Para sa kan'ya, si Angenette ang

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 4

    Tahimik lamang na kumakain ng tanghalian sina Angenette at Isaac sa cafeteria ng kanilang ospital.Bagama't sinabi ni Angenette kay Isaac na balewala lang sa kan'ya ang mga paratang sa kan'ya ng mga magulang nito, sa loob-loob niya ay nasasaktan pa rin siya sa mga sinasabi nito. Hindi niya rin maiwasang ma-insicure sa tuwing sumasagi sa isip niya si Hope. Bukod sa napakaganda nito at napakabait ay nagmula rin ito sa mayamang pamilya. Kaya naiintindihan niya rin kung bakit ito ang gusto ng mga magulang ni Isaac.Nahinto siya sa pagmumuni-muni nang mapansing nakatulala lang si Isaac at halos hindi ginagalaw ang pagkain. Tila ba napakalayo rin ng iniisip nito."Isaac," tawag niya rito.Nag-angat naman ng mukha si Isaac nang marinig na tinawag siya ni Angenette. Pangit man pakinggan, kahit na ito ang kasama niya ay si Hope naman ang laman ng isip niya ngayon. Hindi pa rin kasi mawala sa isip niya ang ginawa nitong pag-amin sa nararamdaman nito para sa kan'ya noong nakaraan. "Ano'ng iniisi

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 5.1

    Matinding pananakit nang ulo ang gumising kay Angenette kinaumagahan matapos ang kanilang reunion party. Nakapikit niyang kinapa ang kaniyang cell phone sa bedside table subalit nagtaka siya nang mapagtantong walang mesa sa tabi ng kan'yang kama. Unti-unti niyang idinilat ang mga mata at laking gulat niya nang mapagtantong nasa ibang kwarto siya. Maraming nagkalat na mga lata at bote ng beer sa sahig. Tila binuhusan ng malamig na tubig si Angenette nang makita niya ang kan'yang bag, itim na dress at underwear na nakakalat sa sahig. Saka niya lamang napansin na wala pala siya ni isang suot na damit sa katawan at tanging ang puting kumot lamang ang nakabalot dito.Unti-unting bumalik sa kan'ya ang mga nangyari nang nakaraang gabing. She was with Gilbert.Napalingon siya sa kabilang panig ng kama at doon ay natagpuan niya ang nahihimbing pa ring si Gilbert.Tinakpan niya ang kan'yang bibig at napaiyak sa napagtanto. Hindi siya makapaniwala na isinuko niya ang sarili rito. Naaalala niya

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 5.2

    Nakangising ibinaba ni Gilbert ang cell phone matapos pagbantaan si Angenette.Maraming problema ngayon si Gilbert at isa na roon ang pagkalubog sa utang. Subalit nang malaman na medyo nakakaangat-angat na si Angenette sa buhay ay naisip niyang marahil ito na ang sagot sa kan'yang mga problema."Mukhang masaya ka yata ngayon, Gilbert ah," puna sa kan'ya ng isa sa mga mekanikong katrabaho niya sa talyer.Tumawa siya at saka tiningnan ang mga larawan nila ni Angenette sa kan'yang cell phone. "Oo, talagang masaya ako kasi mukhang tumama na ako sa wakas sa jackpot ngayon."*****Nasa loob ngayon si Angenette sa kanilang banyo. Nanginginig ang kan'yang mga kamay habang mahigpit na hawak ang kan'yang pregnancy test kit. Hindi pa man niya nakikita ang resulta ay nagsisimula na naman siyang umiyak.Unti-unti niyang pinihit paharap ang pregnancy test at mas napaiyak nang makitang mayroon itong dalawang guhit."Hindi." Tinakpan niya ang kan'yang bibig upang pigilin ang sarili na humagulhol.Bigl

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 6

    "Please don't forget to deliver those flowers to this address. Kailangang makarating ang mga bulaklak na 'yan sa tamang oras," mahigpit na bilin ni Isaac sa babaeng empleyado sa paboritong flowershop ni Angenette. Muli niyang nilingon ang iba't ibang klase ng mga imported na bulaklak na nakalagay sa mga basket, sa tabi ng glass wall. "You see, I'm going to propose to my girlfriend tonight kaya gusto kong maayos ang lahat.""Naku, para pala ito sa isang espesyal na okasyon. Huwag kang mag-alala, Sir, sisiguraduhin kong maayos ang lahat," magiliw na tugon ng babae.Napangiti naman siya at pinasalamatan ito.Nagbabayad na si Isaac ng bill nang may panibagong costumer na pumasok sa loob ng shop. Kitang-kita niya kung paano kumislap ang mga mata ng kaharap niyang empleyado habang nakatingin sa bagong dating. Nilingon niya ang kapwa costumer at napangiti nang makilala niya kung sino ito. Si Zeke."It's you again," wika niya.Alanganin namang ngumiti si Zeke sa kaniya at hinubad ang suot na s

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 7.1

    Bumungad kay Hope ang seryosong mukha ni Zeke nang pumasok siya sa kanilang dinning room."Where have you been? Nag-order na ako ng mga pagkain kasi ang tagal mo," nakasimangot na sabi sa kaniya ni Zeke.Bagama't sobrang sama na ng pakiramdam niya matapos masaksihan ang inihahandang proposal ni Isaac para kay Angenette, pinilit pa rin niyang pasiglahin ang anyo at nginitian si Zeke. Ayaw niyang masira ang inihanda nitong dinner para sa kaniya lalo pa't sobra-sobra ang effort na ginagawa nito para pagaanin ang loob niya."I'm sorry, naligaw kasi ako," sabi niya na may bahid din naman ng katotohanan. Kung hindi nga naman siya naligaw edi sana hindi niya nakita si Isaac. Ang totoong dahilan kung bakit siya natagalan, dumaan muna siya sa restroom at doon umiyak nang umiyak. Mabuti na lang at lagi siyang may dalang make-up kung kaya't naikubli niya ang namumugto niyang mga mata.Tumayo si Zeke at hinila ang bakanteng upuan para sa kaniya. Pinasalamatan niya naman ito nang nakaupo na siya."

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 7.2

    "Nakikiramay kami, Angenette."Maraming mga tao ang naglalabas-masok sa chapel kung saan nakalagak ang labi ng Lola Esme ni Angenette. Ang karamihan sa mga ito ay mga kaklase ni Angenette noon at mga katrabaho niya sa Duncan Mills Hospital.Hindi maawat sa pag-agos ang mga luha ni Angenette. Hindi niya matanggap na wala na ang taong nagpalaki at nag-aruga sa kaniya. Dahil sa nangyari nang gabing iyon ay inatake sa puso ang kaniyang Lola at sa kasamaang palad ay hindi na ito umabot pa nang buhay sa ospital. Ang lalo pang mas nakapagpapabigat sa kalooban niya ay ang katotohanan na siya ang naging dahilan ng pagkamatay nito.Nakayuko si Angenette habang nakaupo sa mahabang upuan sa tabi ng kabaong ng kaniyang Lola. Nag-angat lamang siya ng mukha nang lumitaw sa kaniyang harapan ang isang kamay na may hawak na isang cup ng tubig.Mas lalong bumigat ang nararamdaman niya anang makilala kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na iyon. Si Isaac. Seryosong nakatayo sa kan'yang harapan si Isaac.

Latest chapter

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 50

    Tahimik na naupo si Isaac sa hapag-kainan habang si Hope naman ay nauna na sa kaniyang kumain ng agahan. Pagkatapos ng nakita niya kagabi ay hindi niya nagawang makatulog nang mahimbing. Hanggang sa panaginip ay dala-dala niya ang imahe ni Hope na nakahalik sa pisngi ni Doc Kevin."Isaac, hindi mo ba gusto ang breakfast? Pwede kitang ipaghanda ng bago," wika ni Hope nang mapansin na hindi niya man lang ginagalaw ang pagkain.Tinitigan niya si Hope. Gusto niya itong tanungin ng tungkol sa nakita niya subalit nag-aalangan siya. Baka kasi kung saan mapunta ang usapan nila kung uusisain niya ito tungkol do'n. Bukod do'n, pakiramdam niya'y wala siyang karapatang husgahan ito pagkatapos ng mga kasalanan niya rito noon."May dumi ba ako sa mukha? Bakit mo ako tinititigan nang ganiyan?" naiilang ang tawa na sabi pa ni Hope.Pilit at tipid niya na lamang itong nginitian, saka umiling. Nagpasya siyang huwag na lamang itong tanungin sa nakita. Maaari rin kasing wala namang ibang ibig sabihin iyo

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 49

    "I'm home," matipid ang ngiti na bati ni Hope kay Isaac nang datnan niya ito sa kanilang living room. Sa halip na batiin siya pabalik ay nanatili lamang na tahimik si Isaac habang seryoso ang tingin sa kaniya. Tumayo ito sa pagkakaupo sa sofa at hinarap siya. "Honey?""You're with him again. Bakit parang napapadalas naman yata masyado ang pagkikita ninyo?" Bakas ang disappointment sa mukha at tono ng pananalita nito.Sakay ng wheelchair, nilapitan niya ito. "Isaac, alam mo naman na friends na kami ni Kevin, so normal lang naman na magkita kami paminsan-minsan. Isa pa, wala ka naman dapat ipag-alala. You guys are colleagues.""Wala nga ba dapat akong ipag-alala?"Naniningkit ang mga mata na tiningala niya ang asawa. "What are you trying to imply?"Marahas na bumuntonghininga si Isaac, saka umiling-iling. "Wala," matipid at walang gana nitong sagot, saka naglakad na paakyat sa kanilang silid. "I'm tired. Magpapahinga na ako."Walang kaemo-emosyon namang sinundan ng tingin ni Hope si Isa

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 48

    Walang paglagyan ang tuwa ni Doc Kevin nang makatanggap ng tawag mula kay Hope. Hindi malinaw sa kaniya ang dahilan kung bakit gusto nitong makipagkita sa kaniya ngayon subalit hindi niya na iniisip iyon; ang mahalaga makikita at makakasama niya ulit si Hope ngayon. Dali-dali siyang nag-out sa trabaho at nakipagkita na kay Hope. Sinundo niya ito sa isang bus stop. "I'm glad you called. Alam mo, I had so many patients today, sobrang nakakapagod. Mabuti na nga lang, e, puro out patient lang. Kung nagkantaon na mayroon akong surgery today, naku, baka hindi ko nagawang makipagkita sa 'yo ngayon," kwento niya habang nagmamaneho. "Doc Kevin." Nilingon niya si Hope sa shotgun seat. "Yes?" balik niya rito. Napansin niya na tila nag-aalangan ito. Medyo kinabahan siya sa hindi niya malamang dahilan. "Are you stalking me?" biglang tanong nito. Nagulat siya at bahagyang bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib. Napalunok siya. Nagpasya siyang itabi ang minamanehong sasakyan pagkatapos, alangani

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 47

    "So, what you're trying to say is itong number one fan kong ito at si Doctor Kevin ay iisa? Hmmm, hindi kaya nagkataon lang na bumili rin si Doc Kevin ng pink roses para sa girlfriend niya?" Naihilamos ni Zeke ang palad sa mukha pagkatapos ng sinabi ni Hope. Sa kabila kasi ng mga ebidensiya na inilalatag niya rito ay hanap pa rin ito nang hanap ng posibleng rason para luminis ang imahe ng Doctor Kevin na iyon. "What about their handwriting? Are you still just going to shrugged it off kahit obvious naman na pareho nilang sulat-kamay 'yan?" May bahid na ng inis sa boses ni Zeke. Nakanguso namang napatangu-tango si Hope habang pinagkukumpara ang mga sulat ng fan niya sa sulat ni Doctor Kevin doon sa table napkin. "Yeah, they do look similar... Pero—" "Hope, please, stop... Alam ko na nakikita mo rin kung ano ang nakikita ko." "Okay, let's say na si Doc Kevin nga itong fan ko? So what? What's wrong with being my fan?" Napaawang ang bibig ni Zeke sa narinig. "You're joking, right?" "

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 46

    "Should I tell her? Pero paano kung lumayo siya kapag sinabi ko na alam ko na ang totoo?" natutulirong tanong ni Zeke sa sarili. Nasa coffee shop siya ngayon. Nakaugalian niya nang dumaan doon upang bumili ng kape bago siya pumasok sa trabaho. Halos ilang gabi na siyang napupuyat kaiisip sa dahilan kung bakit kailangang magsinungaling ni Hope sa kaniya at sa pamilya nito tungkol sa pagkakaroon nito ng amnesia. Isa lamang kasi ang naiisip niyang posibleng dahilan kaya ginagawa nito iyon, walang iba kundi dahil sa may pinaplano ito laban sa asawa nitong si Isaac. Hindi maiwasan ni Zeke ang ma-guilty dahil pinag-iisipan niya nang ganoon si Hope. Kilalang-kilala niya kasi ito at wala sa personalidad nito ang gumanti sa kapwa. Pero iba kasi ang sitwasyon nito ngayon. Masyado itong nasaktan sa mga nangyari noon at kahit sinumang makaranas ng naranasan nito noon ay talagang makakaisip gumawa ng masama laban sa mga nanakit dito. Bukod do'n, para kay Zeke ay sapat na rin ang mga nakita ni

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 45

    "Hope honey, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang mapagtaasan ka ng boses kanina. Sobra lang talaga kasi akong nag-alala," sinserong paghingi ng tawad ni Isaac kay Hope. Nasa loob sila ngayon ng kanilang silid at magkahiwalay na nakaupo sa magkabilang gilid ng kama. Patuloy pa rin sa paghikbi si Hope at hindi pinapansin si Isaac. Maingat na sumampa sa kama si Isaac at umusog palapit kay Hope. Niyakap niya ito mula sa likuran. "Sorry na, please?" malambing niyang bulong sa asawa pagkatapos, ipinatong niya ang baba sa balikat nito. "I wasn't able to take your calls kasi nasa operating room ako." Umiiyak na umismid si Hope. "Hindi mo ba nabasa ang text ko?" Naguluhan naman si Isaac dahil wala siyang naaalalang text message na natanggap mula rito. Hinugot niya mula sa bulsa ng pantalon ang kaniyang cell phone at nakumpirma na wala talaga siyang natanggap na text. Ipinakita niya ang cell phone kay Hope. Napahinto naman agad sa pag-iyak si Hope at nagtatakang kinuha sa kaniya ang cell phone

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 44

    "Baka mauna pa akong matunaw dito sa ice cream ko sa katititig mo," puna kay Zeke ni Hope sa gitna ng pagnanamnam nito sa kinakaing strawberry ice cream. Nasa isa silang sikat na ice cream shop, malapit sa agency nina Zeke. Saka lamang huminto sa pagtitig si Zeke kay Hope nang punahin nito. Bumaling siya sa kaniyang mint chocolate ice cream na halos hindi man lang niya nagalaw dahil sa malalim na pag-iisip. Inaalala pa rin kasi niya iyong natuklasan niya kay Hope. Matipid na nginitian ni Zeke si Hope. "Masama na ba ngayon na tingnan ko ang best friend ko?" Ikinunot ni Hope ang ilong pagkatapos, pabiro siyang inismiran. "Hindi naman basta lang tingin ang ginagawa mo eh." Tumawa nang mahina si Zeke, saka sumandal sa kaniyang upuan. "Did I made you feel uncomfortable?" "Hindi naman, just curious kung ano'ng tumatakbo sa isip mo habang nakatitig ka sa mukha ko. Did I became a lot more beautiful over time, huh, Zeke?" may bahid pagbibiro na tugon naman ni Hope. Nangingiti namang dinam

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 43

    Karamihan sa mga bisita sa resort ay nagpasya nang umalis pagkatapos ng insidenteng pagkahulog ni Hope sa swimming pool. Nasa likod pa rin ng bahay si Zeke, nakaupo sa isang tabi habang malalim ang iniisip. "Bakit uwi na sila? Marami pa foods o," sabi ni Timmy kay Zeke nang mapansin din nito na nagsisialisan na ang mga tao. "Stop talking to me, young man, I'm thinking," seryosong sabi ni Zeke kay Timmy. Napanguso naman ang bata at napaismid sa lamig ng pakikitungo niya rito. Kanina habang nag-uusap sina Hope at Angenette ay pinanonood niya ang mga ito. Kitang-kita niya ang buong pangyayari. Habang wala kay Hope ang tingin ni Angenette, nakita ni Zeke na sinadya ni Hope na magpatihulog sa swimming pool. Kung ano ang dahilan kung bakit nito ginawa iyon ay kutob niyang dahil iyon sa naghihiganti ito kay Angenette. Gusto nitong siraan ito sa mga taon roon sa party. Malinaw na ngayon kay Zeke na walang amnesia si Hope. Naguguluhan siya kung bakit nito kailangan magsinungaling sa kanil

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 42.2

    "Natulala ka na diyan. First time seeing me feeding a child?" natatawang tanong kay Zeke ni Hope. Sinusubuan na ngayon nito si Timmy para hindi na ito maging makalat sa pagkain. Saka lang natauhan si Zeke nang bumaling na ulit sa kaniya si Hope at kinausap siya. Ginawa niya ang lahat upang magmukhang natural sa harapan nito at pilit na isinantabi muna ang mga gumugulo sa isip. Nginitian niya si Hope at tinanguan. "Yeah, I think wala pa talagang instance na nakita kita with a kid." Bahagyang kumunot ang noo ni Hope subalit nakangiti pa rin. "Really? Not even once?" Tumango ulit siya. "As far as I remember." Tumangu-tango din naman si Hope. Napansin ni Zeke na tila biglang tumamlay at lumungkot ang ngiti nito. "What's wrong?" tanong niya, saka nilapitan ito. "I know masama ang mainggit pero I can't helped it, Zeke. Naiinggit ako kay Angenette kasi may Timmy na siya. Matagal na kaming mag-asawa ni Isaac pero kami wala pa rin," bagsak ang mga balikat na paliwanag sa kaniya ni Hope s

DMCA.com Protection Status