Share

Chapter 4

Author: Chel Aguirre
last update Last Updated: 2022-06-28 14:43:54

Tahimik lamang na kumakain ng tanghalian sina Angenette at Isaac sa cafeteria ng kanilang ospital.

Bagama't sinabi ni Angenette kay Isaac na balewala lang sa kan'ya ang mga paratang sa kan'ya ng mga magulang nito, sa loob-loob niya ay nasasaktan pa rin siya sa mga sinasabi nito. Hindi niya rin maiwasang ma-insicure sa tuwing sumasagi sa isip niya si Hope. Bukod sa napakaganda nito at napakabait ay nagmula rin ito sa mayamang pamilya. Kaya naiintindihan niya rin kung bakit ito ang gusto ng mga magulang ni Isaac.

Nahinto siya sa pagmumuni-muni nang mapansing nakatulala lang si Isaac at halos hindi ginagalaw ang pagkain. Tila ba napakalayo rin ng iniisip nito.

"Isaac," tawag niya rito.

Nag-angat naman ng mukha si Isaac nang marinig na tinawag siya ni Angenette. Pangit man pakinggan, kahit na ito ang kasama niya ay si Hope naman ang laman ng isip niya ngayon. Hindi pa rin kasi mawala sa isip niya ang ginawa nitong pag-amin sa nararamdaman nito para sa kan'ya noong nakaraan.

"Ano'ng iniisip mo?" tanong ni Angenette sa kan'ya.

"Nothing," pagsisinungaling niya.

"You seem distracted," puna nito.

"Tapos ka nang kumain?" pag-iiba niya na lang ng usapan. Tiningnan niya ang tray ni Angenette na wala ng laman.

Halata ni Angenette na may bumabagabag kay Isaac pero hindi na lang siya masyadong nag-usisa pa. Inisip niya na lamang na marahil ay ang mga magulang na naman ang iniisip nito.

Tinanguan ni Angenette si Isaac. Napatingin siya sa kan'yang cell phone na nakapatong sa mesa nang nag-vibrate iyon.

May na-recieve siyang mensahe mula sa dati niyang kaklase noong highschool. Ayon dito ay magkakaroon sila ng reunion sa susunod na linggo at nagkataon na sa day off niya natapat iyon.

Hindi siya mahilig sa party pero dahil sa masyado siyang na-stress sa sitwasyon nila ni Isaac, naisip niya na mainam siguro na dumalo na lang siya sa pagtitipong iyon para pansamantala siyang makalimot.

Tiningnan niya si Isaac upang tanungin kung gusto nitong sumama subalit nakatulala na naman ito. Naalala niya na hindi rin pala ito mahilig sa mga ganoong klaseng pagtitipon kaya hindi niya na lang sinabi rito.

"Isaac, you're spacing out again." Nakangiti niyang pinitik sa noo si Isaac.

Hinimas ni Isaac ang namumulang noo. "Angenette, pakasal na kaya tayo?" bigla nitong tanong.

Natawa siya bigla. "Yan ba ang dahilan kung bakit lutang ka ngayon?"

"Hindi mo naman sinagot ang tanong ko." Umirap si Isaac at parang batang nagtatampo nang medyo umusli ang nguso nito. Minsan talaga ay bigla na lang lumalabas ang childish side nito.

Isinandal niya ang likod sa upuan at tinitigang maigi si Isaac. "Alam mo naman kung gaano kita kagustong pakasalan, Isaac di ba? Pero bago 'yan, gusto ko sana munang makuha ang basbas ng mga magulang mo. Ayaw kong bumuo tayo ng sarili nating pamilya nang magkagalit kayo ng Mama't Papa mo."

Matipid namang napangiti si Isaac dahil sa naging tugon ni Angenette. Isa sa mga nagustuhan niya rito ang prinsipyo nito at ang respeto nito sa kan'yang mga magulang sa kabila ng hindi tamang pagtrato ng mga ito sa kan'ya.

"You know? You just made me fall in love with you again," nakangiti niyang sabi, saka kinindatan ito.

*****

Pumunta si Angenette sa isang boutique upang bumili ng maaaring isuot niya sa kanilang reunion party. Dahil hindi siya ang tipo ng babae na mahilig mag-shopping, medyo nahirapan siya sa pamimili ng damit.

Nagpasya na siyang umalis na lang nang wala siyang nagustuhang bilhin subalit hindi pa man niya tuluyang nararating ang pintuan ay nakita niya nang pumasok si Hope kasama ang isang binata na sa tingin niya ay isang model dahil sa kisig at tindig nito.

Iiwasan niya na lang sana ang mga ito subalit hindi siya nakatakas sa paningin ni Hope.

"Angenette?" Bahagyang ibinaba ni Hope ang suot na sunglasses at tinitigan siya.

"Hope." Naiilang niyang nginitian ito.

"Hi, are you here to shop?" nakangiting tanong sa kaniya ni Hope.

"Obviously, Hope," wika naman ng lalaking kasama nito.

Inirapan ni Hope ang lalaki bago ibinalik ang tingin sa kaniya.

"This is Zeke, my best friend," pagpapakilala nito sa lalaking kasama sa kaniya.

"Nice to meet you." Zeke reach out his hand to her for a hand shake.

Nakangiti niya namang tinanggap ang kamay nito. Medyo nagulat siya nang sabihin ni Hope na best friend niya ito. Buong akala niya kasi ay boyfriend nito ito dahil bagay na bagay silang tingnan.

"Kung hindi mo sinabing best friend mo siya, iisipin ko sanang boyfriend mo siya," komento niya na ikinagulat ni Hope

"What? No!" namimilog ang mga matang bulalas ni Hope.

"She's not my type," walang kaemo-emosyong tugon naman ni Zeke dahilan para mapairap na muli si Hope.

"You're not my type either," mataray na tugon dito ni Hope.

Natawa siya sa naging asta ng dalawa. The two really look cute together.

"Are you leaving already?" usisa ni Hope sa kaniya.

Tumango siya at nilingon ang mga damit na nakasabit sa estante. "Wala akong nagustuhan eh."

"Really? So far, itong boutique na 'to ang pinaka nagustuhan ko rito sa Duncan Mills. I like their designs."

Tumango na lamang siya at naiilang na ngumiti. "Gano'n ba?"

"Hmmm... Gusto mo bang tulungan kitang pumili ng damit?" Hope offered.

Nahihiyang nagpalipat-lipat ang tingin niya kina Hope at Zeke. Naisip niyang baka makaabala lang siya sa mga ito.

Dahil sa wala siyang gaanong alam sa tamang damit na dapat isuot sa kanilang okasyon ay pinalis niya na ang kaniyang mga agam-agam. Hope offered her help so marahil hindi naman ito nagmamadali kaya pumayag na siya sa offer nito.

Nang pumayag si Angenette ay kaagad nang nagtungo si Hope sa mga estante at pumili ng damit na tingin niya babagay rito.

"May date ba kayo ni Isaac?" tanong niya habang namimili sa dalawang dress na hawak. Kulay pula ang kan'yang nasa kaliwa at itim naman ang nasa kanan.

"Isaac?" gulat na sabi ni Zeke nang marinig ang sinabi niya. Nakaupo ito sa couch habang hinihintay sila ni Angenette na matapos sa pag-sho-shopping.

Nginitian niya ito at marahang tinanguan. "She's Isaac's girlfriend."

Kasabay ng pagtaas ng kilay ni Zeke ang pag-angat ng isang sulok ng labi niya. Hindi niya maintindihan kung paano nagagawa ni Hope na tulungan si Angenette gayong ito pala ang karibal nito sa pagmamahal ni Isaac. Malapit na yata niyang paniwalaan ang sinasabi ng mga tagahanga nito na isa itong anghel na bumaba sa langit dahil sa sobra nitong bait.

"Wala kaming date ni Isaac," nakangiting sagot ni Angenette kay Hope. "May reunion party kami ng mga kaklase ko this coming week kaso wala akong damit sa bahay na magandang isuot para sa pagtitipong iyon."

"Sounds fun." Ibinalik na ni Hope ang pulang dress sa estante at iniabot kay Angenette ang itim na dress. "I think this will look good on you."

Tinanggap naman ni Angenette ang damit at sinukat na iyon sa fitting room. Noong una ay duda siya na babagay sa kan'ya ang dress dahil napakagara nitong tingnan ngunit nang maisuot niya na ay sobra niya itong nagustuhan. Totoo nga ang sinabi ni Hope, the dress looks good on her.

Napangiti naman si Hope nang lumabas na siyang suot ang damit.

"I knew it," anito. Humakbang ito palapit sa kan'ya at inilapag sa sahig ang isang itim at mukhang mamahalin na sandals. "Try this on."

"Ha? Naku, hindi na, Hope. Itong dress lang naman ang bibilhin ko," umiiling-iling niyang sabi.

"Sayang naman. I already paid for that," Hope pouted.

Nagulat siya. "Ha?!"

"Isaac is our family friend and naisip ko, simula nang bumalik ako rito wala man lang akong naibigay na pasalubong sa kan'ya. Just consider it as a gift from me, Angenette. Siguro naman okay lang kay Isaac na 'yong girlfriend niya na lang ang niregaluhan ko..." huminto saglit si Hope at nakangiting nagpakawala ng buntonghininga. "That will look good on your dress. At isa pa, ayon do'n sa napanood ko, good shoes will bring you to good places."

Napakagat-labi siya habang tinitingnan ang magandang sandals. Ayaw niya namang magmukhang pakipot kaya sinunod niya na si Hope. Nahihiya niyang sinukat iyon.

"Perfect!" bulalas ni Hope at pumalakpak pa nang naisuot niya na ang sandals.

The sandals fit her feet perfectly.

"Thank you, Hope." Hinawakan niya ang kamay nito.

"You're welcome." Nakangiti naman itong tumango at pinisil ang kamay niya.

Napansin niya na biglang lumungkot ang mga mata ni Hope habang nakatingin sa suot niyang sandals. Gusto niya sanang tanungin kung okay lang ba ito subalit lumapit na sa kanila si Zeke.

"We have to go," seryosong pagkakasabi ni Zeke kay Hope. Napansin kasi nito na may ilan ng mga taong pinagtitinginan si Hope.

Hindi na sila nagkapaalaman nang maayos ni Hope nang hilahin na ito ni Zeke palabas ng boutique.

*****

Pasado alas siete na ng gabi nang makarating si Angenette sa venue ng pagdadausan ng kanilang party. Sa labas palang ng resto bar ay rinig na rinig niya na ang ingay ng mga tao sa loob.

Pagkapasok niya pa lang ay sinalubong na siya ng yakap ng mga dating kaklase. Ang ilan sa mga ito ay kasama ang kanilang mga partners. Hindi niya naiwasang mainggit sa mga ito.

Masaya ang naging pagtitipon nilang dating magkakaklase. Pagkatapos kumain, ang ilan sa kanila ay pumunta sa rooftop upang magpahangin at ang iba naman ay dumeretso sa counter table upang kumuha ng mga nakalalasing na inumin.

Masayang nakikipagkwentuhan si Angenette sa mga kasama nang bigla na lang dumating si Gilbert, ang dati niyang kasintahan.

Nang tumabi sa kan'ya si Gilbert ay kinatyawan sila ng mga kaibigan. Dahil do'n ay nakaramdam siya ng pagkailang.

Hindi naging maganda ang hiwalayan nila noon ni Gilbert. Bigla na lang kasi siya nitong iniwan dahil may iba na itong nagustuhan. Naka-move on na rin naman siya pero hindi na kasi siya komportable na makasama ito.

"Huwag nga kayong mang-asar, mamaya n'yan eh magalit ang boyfriend nitong si Angenette," kunwaring saway ni Gilbert subalit sa loob-loob nito ay gusto nito ang atensyong ipinupukol sa kanila ngayon ng mga kaklase.

"Naku! Wala 'yang boyfriend si Angenette. Kung meron, bakit naman siya hahayaan nitong pumunta rito nang mag-isa lang?!" tumatawang sabi ng isa sa kasama nila sa table.

"I-I have a boyfriend," pag-amin ni Angenette. "Hindi lang siya nakarating kasi busy siya."

Hindi nila napansin ang biglang paglaho ng mga ngiti ni Gilbert.

"Talaga ba?!"

Tila ba hindi naniniwala kay Angenette ang mga kasama.

"Tama na nga 'yan! Let's just play a game!" suhestiyon ni Gilbert na agad namang sinang-ayunan ng lahat.

Sa kanilang laro, napagdesisyunan nilang ang matatalo ay iinom ng limang shots ng beer.

Naglaro sila ng limang set ng iba't ibang game at sa limang laro na iyon ay tatlong beses na natalo si Angenette.

Halos lungayngay na si Angenette sa kan'yang kinauupuan sa labis na kalasingan nang tapusin nila ang laro. Panay kantyaw na sa kan'ya ang mga kaklase subalit tila hindi na malinaw na rumerehistro sa kan'yang pandinig ang mga sinasabi nito.

Hinanap niya ang kan'yang cell phone upang tawagan si Isaac para magpasundo ngunit nakapagtatakang parang bulang nawala ang kan'yang bag sa tabi.

"Guys, have you seen my bag?" tanong niya subalit ni isa walang sumagot sa kan'ya.

Tumayo siya upang hanapin ang bag subalit bigla siyang nawalan ng balanse at muntik nang sumubsob sa sahig kung hindi lang siya nasapo ni Gilbert. Nakapulupot ang isang braso nito sa kan'yang baywang.

"You're drunk," bulong sa kan'ya ni Gilbert.

Dahil sa nanlalabong paningin, hindi napansin ni Angenette ang makahulugang ngisi ni Gilbert.

Hindi na namalayan ni Angenette nang isakay siya ni Gilbert sa luma nitong van.

Nang makasakay sa driver's seat, ilang sandali munang malaswang sinuyod ng tingin ni Gilbert ang kabuuan ni Angenette. Sa isang iglap ay hindi niya napigil ang sariling halikan ito sa labi.

Napangisi si Gilbert nang umungol at ginatihan din ni Angenette ang kanyang mga halik.

"Isaac..."

Huminto siya sa paghalik nang marinig ang sinabi ni Angenette.

"Is that his name?" Nakangising sabi niya bago nagpatuloy sa paghalik sa walang kamalay-malay na si Angenette.

Related chapters

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 5.1

    Matinding pananakit nang ulo ang gumising kay Angenette kinaumagahan matapos ang kanilang reunion party. Nakapikit niyang kinapa ang kaniyang cell phone sa bedside table subalit nagtaka siya nang mapagtantong walang mesa sa tabi ng kan'yang kama. Unti-unti niyang idinilat ang mga mata at laking gulat niya nang mapagtantong nasa ibang kwarto siya. Maraming nagkalat na mga lata at bote ng beer sa sahig. Tila binuhusan ng malamig na tubig si Angenette nang makita niya ang kan'yang bag, itim na dress at underwear na nakakalat sa sahig. Saka niya lamang napansin na wala pala siya ni isang suot na damit sa katawan at tanging ang puting kumot lamang ang nakabalot dito.Unti-unting bumalik sa kan'ya ang mga nangyari nang nakaraang gabing. She was with Gilbert.Napalingon siya sa kabilang panig ng kama at doon ay natagpuan niya ang nahihimbing pa ring si Gilbert.Tinakpan niya ang kan'yang bibig at napaiyak sa napagtanto. Hindi siya makapaniwala na isinuko niya ang sarili rito. Naaalala niya

    Last Updated : 2022-06-28
  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 5.2

    Nakangising ibinaba ni Gilbert ang cell phone matapos pagbantaan si Angenette.Maraming problema ngayon si Gilbert at isa na roon ang pagkalubog sa utang. Subalit nang malaman na medyo nakakaangat-angat na si Angenette sa buhay ay naisip niyang marahil ito na ang sagot sa kan'yang mga problema."Mukhang masaya ka yata ngayon, Gilbert ah," puna sa kan'ya ng isa sa mga mekanikong katrabaho niya sa talyer.Tumawa siya at saka tiningnan ang mga larawan nila ni Angenette sa kan'yang cell phone. "Oo, talagang masaya ako kasi mukhang tumama na ako sa wakas sa jackpot ngayon."*****Nasa loob ngayon si Angenette sa kanilang banyo. Nanginginig ang kan'yang mga kamay habang mahigpit na hawak ang kan'yang pregnancy test kit. Hindi pa man niya nakikita ang resulta ay nagsisimula na naman siyang umiyak.Unti-unti niyang pinihit paharap ang pregnancy test at mas napaiyak nang makitang mayroon itong dalawang guhit."Hindi." Tinakpan niya ang kan'yang bibig upang pigilin ang sarili na humagulhol.Bigl

    Last Updated : 2022-06-28
  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 6

    "Please don't forget to deliver those flowers to this address. Kailangang makarating ang mga bulaklak na 'yan sa tamang oras," mahigpit na bilin ni Isaac sa babaeng empleyado sa paboritong flowershop ni Angenette. Muli niyang nilingon ang iba't ibang klase ng mga imported na bulaklak na nakalagay sa mga basket, sa tabi ng glass wall. "You see, I'm going to propose to my girlfriend tonight kaya gusto kong maayos ang lahat.""Naku, para pala ito sa isang espesyal na okasyon. Huwag kang mag-alala, Sir, sisiguraduhin kong maayos ang lahat," magiliw na tugon ng babae.Napangiti naman siya at pinasalamatan ito.Nagbabayad na si Isaac ng bill nang may panibagong costumer na pumasok sa loob ng shop. Kitang-kita niya kung paano kumislap ang mga mata ng kaharap niyang empleyado habang nakatingin sa bagong dating. Nilingon niya ang kapwa costumer at napangiti nang makilala niya kung sino ito. Si Zeke."It's you again," wika niya.Alanganin namang ngumiti si Zeke sa kaniya at hinubad ang suot na s

    Last Updated : 2022-08-08
  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 7.1

    Bumungad kay Hope ang seryosong mukha ni Zeke nang pumasok siya sa kanilang dinning room."Where have you been? Nag-order na ako ng mga pagkain kasi ang tagal mo," nakasimangot na sabi sa kaniya ni Zeke.Bagama't sobrang sama na ng pakiramdam niya matapos masaksihan ang inihahandang proposal ni Isaac para kay Angenette, pinilit pa rin niyang pasiglahin ang anyo at nginitian si Zeke. Ayaw niyang masira ang inihanda nitong dinner para sa kaniya lalo pa't sobra-sobra ang effort na ginagawa nito para pagaanin ang loob niya."I'm sorry, naligaw kasi ako," sabi niya na may bahid din naman ng katotohanan. Kung hindi nga naman siya naligaw edi sana hindi niya nakita si Isaac. Ang totoong dahilan kung bakit siya natagalan, dumaan muna siya sa restroom at doon umiyak nang umiyak. Mabuti na lang at lagi siyang may dalang make-up kung kaya't naikubli niya ang namumugto niyang mga mata.Tumayo si Zeke at hinila ang bakanteng upuan para sa kaniya. Pinasalamatan niya naman ito nang nakaupo na siya."

    Last Updated : 2022-08-09
  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 7.2

    "Nakikiramay kami, Angenette."Maraming mga tao ang naglalabas-masok sa chapel kung saan nakalagak ang labi ng Lola Esme ni Angenette. Ang karamihan sa mga ito ay mga kaklase ni Angenette noon at mga katrabaho niya sa Duncan Mills Hospital.Hindi maawat sa pag-agos ang mga luha ni Angenette. Hindi niya matanggap na wala na ang taong nagpalaki at nag-aruga sa kaniya. Dahil sa nangyari nang gabing iyon ay inatake sa puso ang kaniyang Lola at sa kasamaang palad ay hindi na ito umabot pa nang buhay sa ospital. Ang lalo pang mas nakapagpapabigat sa kalooban niya ay ang katotohanan na siya ang naging dahilan ng pagkamatay nito.Nakayuko si Angenette habang nakaupo sa mahabang upuan sa tabi ng kabaong ng kaniyang Lola. Nag-angat lamang siya ng mukha nang lumitaw sa kaniyang harapan ang isang kamay na may hawak na isang cup ng tubig.Mas lalong bumigat ang nararamdaman niya anang makilala kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na iyon. Si Isaac. Seryosong nakatayo sa kan'yang harapan si Isaac.

    Last Updated : 2022-08-14
  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 8

    Pauwi na mula sa maghapong taping si Hope nang makita niya sa parking lot ang ina ni Isaac na si Lorna at inimbitahan siyang kumain sa kalapit na restaurant. Bagama't pagod ay pinaunlakan niya ang imbitasyon nito dahil nahihiya siyang tanggihan ito.Sa kalagitnaan ng kanilang pagkain, muntik nang maibuga ni Hope ang iniinom na juice nang bigla na namang binanggit ni Lorna ang tungkol sa inaalok nito na pakasalan niya si Isaac."Will you reconsider it, my dear?" malambing na pakiusap sa kaniya ng ginang.Pinunasan niya ng napkin ang basang labi, saka nahihiyang nginitian ito."Sa totoo lang po, I feel so honored na nagustuhan niyo ako ni Tito Roland para kay Isaac..." saglit siyang huminto sa pagsasalita at tumitig pansamantala sa kaniyang baso na halos wala ng laman. Nakangiti namang tumango ang kaniyang Tita Lorna sa kan'ya. Tumikhim muna siya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Pero kasi Tita hindi po talaga natin pwedeng pilitin si Isaac about this kasi magiging unfair tayo sa kanila n

    Last Updated : 2022-08-14
  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 9

    "What exactly happened to you, Isaac?" pabulong na tanong ni Hope habang pinagmamasdan ang mukha ng tulog na si Isaac. Nakahiga ito ngayon sa mahabang sofa sa salas ng kan'yang condo unit.Matapos siyang alukin ng kasal ni Isaac ay nawalan na ito ng malay dahil sa labis na kalasingan samantalang siya naman ay naiwang gulat na gulat at hindi alam kung paniniwalaan ba ang mga narinig.Sinubukan niyang hawakan ang mga hibla ng buhok nito subalit natigilan siya nang umungol ito at nalulungkot na tinawag ang pangalan ni Angenette. Napabuntong-hininga siya.Malinaw pa sa alaala ni Hope ang hitsura ni Isaac habang naghahanda ito sa gagawing marriage proposal para kay Angenette no'ng nakita niya ito sa restaurant. Sobrang saya at excited nito nang gabing iyon.Tumingin siya sa kan'yang kamay at pinagmasdan ang singsing na isinuot ni Isaac sa kaniya kanina. Simple lang ang disenyo ng singsing subalit napakaganda pa rin nitong tingnan sa kan'yang daliri. Pangarap niya lang noon ang maranasan na

    Last Updated : 2022-08-14
  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 10

    Ilang minuto nang nakatitig si Zeke sa sariling repleksyon sa malaking salamin sa banyo ng hotel kung saan idadaos ang kasalan nina Hope at Isaac. Bahagya siyang natawa sa sarili nang mapansin ang pangingitim ng ilalim ng kaniyang mga mata. Magmula kasi nang ibalita sa kaniya ni Hope na magpapakasal na ito kay Isaac ay hindi na siya nagkaroon ng maayos na tulog."Kasalan mo rin naman kung bakit napunta siya sa iba kaya wala kang karapatang magmukmok ngayon na akala mo katapusan na ng mundo. You deserve it, as**h**e," nakangisi niyang sabi sa sarili habang nakatitig pa rin sa kaniyang repleksyon.Nang lumabas ng banyo, dumeretso kaagad siya sa silid kung saan naghihintay si Hope bago magsimula ang kasal. Pagbukas niya ng pinto ay sakto namang may lumabas na mga bisita na marahil ay pinuntahan si Hope upang batiin."Zeke! Kanina pa kita hinihintay!" sabi ni Hope sa kaniya nang makapasok na siya.He came to a halt when he saw the breathtaking view of Hope. On the large white couch, Hope

    Last Updated : 2022-08-18

Latest chapter

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 50

    Tahimik na naupo si Isaac sa hapag-kainan habang si Hope naman ay nauna na sa kaniyang kumain ng agahan. Pagkatapos ng nakita niya kagabi ay hindi niya nagawang makatulog nang mahimbing. Hanggang sa panaginip ay dala-dala niya ang imahe ni Hope na nakahalik sa pisngi ni Doc Kevin."Isaac, hindi mo ba gusto ang breakfast? Pwede kitang ipaghanda ng bago," wika ni Hope nang mapansin na hindi niya man lang ginagalaw ang pagkain.Tinitigan niya si Hope. Gusto niya itong tanungin ng tungkol sa nakita niya subalit nag-aalangan siya. Baka kasi kung saan mapunta ang usapan nila kung uusisain niya ito tungkol do'n. Bukod do'n, pakiramdam niya'y wala siyang karapatang husgahan ito pagkatapos ng mga kasalanan niya rito noon."May dumi ba ako sa mukha? Bakit mo ako tinititigan nang ganiyan?" naiilang ang tawa na sabi pa ni Hope.Pilit at tipid niya na lamang itong nginitian, saka umiling. Nagpasya siyang huwag na lamang itong tanungin sa nakita. Maaari rin kasing wala namang ibang ibig sabihin iyo

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 49

    "I'm home," matipid ang ngiti na bati ni Hope kay Isaac nang datnan niya ito sa kanilang living room. Sa halip na batiin siya pabalik ay nanatili lamang na tahimik si Isaac habang seryoso ang tingin sa kaniya. Tumayo ito sa pagkakaupo sa sofa at hinarap siya. "Honey?""You're with him again. Bakit parang napapadalas naman yata masyado ang pagkikita ninyo?" Bakas ang disappointment sa mukha at tono ng pananalita nito.Sakay ng wheelchair, nilapitan niya ito. "Isaac, alam mo naman na friends na kami ni Kevin, so normal lang naman na magkita kami paminsan-minsan. Isa pa, wala ka naman dapat ipag-alala. You guys are colleagues.""Wala nga ba dapat akong ipag-alala?"Naniningkit ang mga mata na tiningala niya ang asawa. "What are you trying to imply?"Marahas na bumuntonghininga si Isaac, saka umiling-iling. "Wala," matipid at walang gana nitong sagot, saka naglakad na paakyat sa kanilang silid. "I'm tired. Magpapahinga na ako."Walang kaemo-emosyon namang sinundan ng tingin ni Hope si Isa

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 48

    Walang paglagyan ang tuwa ni Doc Kevin nang makatanggap ng tawag mula kay Hope. Hindi malinaw sa kaniya ang dahilan kung bakit gusto nitong makipagkita sa kaniya ngayon subalit hindi niya na iniisip iyon; ang mahalaga makikita at makakasama niya ulit si Hope ngayon. Dali-dali siyang nag-out sa trabaho at nakipagkita na kay Hope. Sinundo niya ito sa isang bus stop. "I'm glad you called. Alam mo, I had so many patients today, sobrang nakakapagod. Mabuti na nga lang, e, puro out patient lang. Kung nagkantaon na mayroon akong surgery today, naku, baka hindi ko nagawang makipagkita sa 'yo ngayon," kwento niya habang nagmamaneho. "Doc Kevin." Nilingon niya si Hope sa shotgun seat. "Yes?" balik niya rito. Napansin niya na tila nag-aalangan ito. Medyo kinabahan siya sa hindi niya malamang dahilan. "Are you stalking me?" biglang tanong nito. Nagulat siya at bahagyang bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib. Napalunok siya. Nagpasya siyang itabi ang minamanehong sasakyan pagkatapos, alangani

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 47

    "So, what you're trying to say is itong number one fan kong ito at si Doctor Kevin ay iisa? Hmmm, hindi kaya nagkataon lang na bumili rin si Doc Kevin ng pink roses para sa girlfriend niya?" Naihilamos ni Zeke ang palad sa mukha pagkatapos ng sinabi ni Hope. Sa kabila kasi ng mga ebidensiya na inilalatag niya rito ay hanap pa rin ito nang hanap ng posibleng rason para luminis ang imahe ng Doctor Kevin na iyon. "What about their handwriting? Are you still just going to shrugged it off kahit obvious naman na pareho nilang sulat-kamay 'yan?" May bahid na ng inis sa boses ni Zeke. Nakanguso namang napatangu-tango si Hope habang pinagkukumpara ang mga sulat ng fan niya sa sulat ni Doctor Kevin doon sa table napkin. "Yeah, they do look similar... Pero—" "Hope, please, stop... Alam ko na nakikita mo rin kung ano ang nakikita ko." "Okay, let's say na si Doc Kevin nga itong fan ko? So what? What's wrong with being my fan?" Napaawang ang bibig ni Zeke sa narinig. "You're joking, right?" "

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 46

    "Should I tell her? Pero paano kung lumayo siya kapag sinabi ko na alam ko na ang totoo?" natutulirong tanong ni Zeke sa sarili. Nasa coffee shop siya ngayon. Nakaugalian niya nang dumaan doon upang bumili ng kape bago siya pumasok sa trabaho. Halos ilang gabi na siyang napupuyat kaiisip sa dahilan kung bakit kailangang magsinungaling ni Hope sa kaniya at sa pamilya nito tungkol sa pagkakaroon nito ng amnesia. Isa lamang kasi ang naiisip niyang posibleng dahilan kaya ginagawa nito iyon, walang iba kundi dahil sa may pinaplano ito laban sa asawa nitong si Isaac. Hindi maiwasan ni Zeke ang ma-guilty dahil pinag-iisipan niya nang ganoon si Hope. Kilalang-kilala niya kasi ito at wala sa personalidad nito ang gumanti sa kapwa. Pero iba kasi ang sitwasyon nito ngayon. Masyado itong nasaktan sa mga nangyari noon at kahit sinumang makaranas ng naranasan nito noon ay talagang makakaisip gumawa ng masama laban sa mga nanakit dito. Bukod do'n, para kay Zeke ay sapat na rin ang mga nakita ni

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 45

    "Hope honey, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang mapagtaasan ka ng boses kanina. Sobra lang talaga kasi akong nag-alala," sinserong paghingi ng tawad ni Isaac kay Hope. Nasa loob sila ngayon ng kanilang silid at magkahiwalay na nakaupo sa magkabilang gilid ng kama. Patuloy pa rin sa paghikbi si Hope at hindi pinapansin si Isaac. Maingat na sumampa sa kama si Isaac at umusog palapit kay Hope. Niyakap niya ito mula sa likuran. "Sorry na, please?" malambing niyang bulong sa asawa pagkatapos, ipinatong niya ang baba sa balikat nito. "I wasn't able to take your calls kasi nasa operating room ako." Umiiyak na umismid si Hope. "Hindi mo ba nabasa ang text ko?" Naguluhan naman si Isaac dahil wala siyang naaalalang text message na natanggap mula rito. Hinugot niya mula sa bulsa ng pantalon ang kaniyang cell phone at nakumpirma na wala talaga siyang natanggap na text. Ipinakita niya ang cell phone kay Hope. Napahinto naman agad sa pag-iyak si Hope at nagtatakang kinuha sa kaniya ang cell phone

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 44

    "Baka mauna pa akong matunaw dito sa ice cream ko sa katititig mo," puna kay Zeke ni Hope sa gitna ng pagnanamnam nito sa kinakaing strawberry ice cream. Nasa isa silang sikat na ice cream shop, malapit sa agency nina Zeke. Saka lamang huminto sa pagtitig si Zeke kay Hope nang punahin nito. Bumaling siya sa kaniyang mint chocolate ice cream na halos hindi man lang niya nagalaw dahil sa malalim na pag-iisip. Inaalala pa rin kasi niya iyong natuklasan niya kay Hope. Matipid na nginitian ni Zeke si Hope. "Masama na ba ngayon na tingnan ko ang best friend ko?" Ikinunot ni Hope ang ilong pagkatapos, pabiro siyang inismiran. "Hindi naman basta lang tingin ang ginagawa mo eh." Tumawa nang mahina si Zeke, saka sumandal sa kaniyang upuan. "Did I made you feel uncomfortable?" "Hindi naman, just curious kung ano'ng tumatakbo sa isip mo habang nakatitig ka sa mukha ko. Did I became a lot more beautiful over time, huh, Zeke?" may bahid pagbibiro na tugon naman ni Hope. Nangingiti namang dinam

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 43

    Karamihan sa mga bisita sa resort ay nagpasya nang umalis pagkatapos ng insidenteng pagkahulog ni Hope sa swimming pool. Nasa likod pa rin ng bahay si Zeke, nakaupo sa isang tabi habang malalim ang iniisip. "Bakit uwi na sila? Marami pa foods o," sabi ni Timmy kay Zeke nang mapansin din nito na nagsisialisan na ang mga tao. "Stop talking to me, young man, I'm thinking," seryosong sabi ni Zeke kay Timmy. Napanguso naman ang bata at napaismid sa lamig ng pakikitungo niya rito. Kanina habang nag-uusap sina Hope at Angenette ay pinanonood niya ang mga ito. Kitang-kita niya ang buong pangyayari. Habang wala kay Hope ang tingin ni Angenette, nakita ni Zeke na sinadya ni Hope na magpatihulog sa swimming pool. Kung ano ang dahilan kung bakit nito ginawa iyon ay kutob niyang dahil iyon sa naghihiganti ito kay Angenette. Gusto nitong siraan ito sa mga taon roon sa party. Malinaw na ngayon kay Zeke na walang amnesia si Hope. Naguguluhan siya kung bakit nito kailangan magsinungaling sa kanil

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 42.2

    "Natulala ka na diyan. First time seeing me feeding a child?" natatawang tanong kay Zeke ni Hope. Sinusubuan na ngayon nito si Timmy para hindi na ito maging makalat sa pagkain. Saka lang natauhan si Zeke nang bumaling na ulit sa kaniya si Hope at kinausap siya. Ginawa niya ang lahat upang magmukhang natural sa harapan nito at pilit na isinantabi muna ang mga gumugulo sa isip. Nginitian niya si Hope at tinanguan. "Yeah, I think wala pa talagang instance na nakita kita with a kid." Bahagyang kumunot ang noo ni Hope subalit nakangiti pa rin. "Really? Not even once?" Tumango ulit siya. "As far as I remember." Tumangu-tango din naman si Hope. Napansin ni Zeke na tila biglang tumamlay at lumungkot ang ngiti nito. "What's wrong?" tanong niya, saka nilapitan ito. "I know masama ang mainggit pero I can't helped it, Zeke. Naiinggit ako kay Angenette kasi may Timmy na siya. Matagal na kaming mag-asawa ni Isaac pero kami wala pa rin," bagsak ang mga balikat na paliwanag sa kaniya ni Hope s

DMCA.com Protection Status