Nakangising ibinaba ni Gilbert ang cell phone matapos pagbantaan si Angenette.
Maraming problema ngayon si Gilbert at isa na roon ang pagkalubog sa utang. Subalit nang malaman na medyo nakakaangat-angat na si Angenette sa buhay ay naisip niyang marahil ito na ang sagot sa kan'yang mga problema."Mukhang masaya ka yata ngayon, Gilbert ah," puna sa kan'ya ng isa sa mga mekanikong katrabaho niya sa talyer.Tumawa siya at saka tiningnan ang mga larawan nila ni Angenette sa kan'yang cell phone. "Oo, talagang masaya ako kasi mukhang tumama na ako sa wakas sa jackpot ngayon."*****Nasa loob ngayon si Angenette sa kanilang banyo. Nanginginig ang kan'yang mga kamay habang mahigpit na hawak ang kan'yang pregnancy test kit. Hindi pa man niya nakikita ang resulta ay nagsisimula na naman siyang umiyak.Unti-unti niyang pinihit paharap ang pregnancy test at mas napaiyak nang makitang mayroon itong dalawang guhit."Hindi." Tinakpan niya ang kan'yang bibig upang pigilin ang sarili na humagulhol.Biglang kumatok sa pintuan ang kan'yang Lola Esme dahilan para mabilis niyang itago sa kan'yang bulsa ang pregnancy test. "Ano po iyon, Lola?""Lumabas ka na riyan at mag-aagahan na tayo," wika ng kan'yang Lola.Pinahid niya ang kan'yang luha at pilit na ngumiti bago lumabas ng banyo."Ang bango naman n'yan, Lola," sabi niya nang datnan niya sa maliit na hapag-kainan ang matanda. "Mukhang ang sarap pa.""Ikaw talagang bata ka, hotdog lang naman itong niluto ko."Naupo na rin siya at sinaluhan na ang matanda sa pagkain."S'ya nga pala, may pinadala sa'yo si Isaac," biglang sabi ng Lola niya sa kalagitnaan ng kanilang pag-aagahan.Nagtataka namang tiningnan ni Angenette ang Lola. May itinuturo ito sa kan'yang bandang likuran. Nang lingunin niya kung ano iyon ay nakita niya ang isang bouquet ng mga pulang rosas."Angenette, wala pa ba kayong planong magpakasal ni Isaac?" tanong ni Lola Esme. "Hindi naman sa minamadali kita pero nasa tamang edad na rin naman kayong dalawa ni Isaac. Ayaw niyo pa rin ba?"Gusto ni Lola Esme si Isaac para sa kan'yang apong si Angenette subalit lingid sa kan'yang kaalaman na ayaw ng mga magulang ni Isaac dito."Darating din po kami riyan Lola." Nginitian niya nang pilit si Lola Esme.Hindi naman napigilan ni Lola Esme ang mapanguso. "Kailan pa? Gusto ko rin namang maabutan pa ang magiging apo ko sa tuhod."Parang babaliktad ang sikmura ni Angenette nang banggitin ng kan'yang Lola Esme ang tungkol sa pagkakaroon ng apo. Dahil do'n, hindi niya na ito matingnan nang deretso sa mga mata."Tapos na po akong kumain. Magbibihis na po ako. Baka mahuli na ako sa trabaho," paalam niya na lamang, saka nagmamadaling pumasok na sa kan'yang silid.Nang maisara ang pinto ng kuwarto ay muli na namang pumatak ang mga luha niya. Hindi niya na alam kung ano ang dapat gawin. Tiningnan niya ang kan'yang tiyan at dinama iyon."This can't be happening."Nagitla siya nang biglang nag-ring ang kan'yang cell phone. Tumatawag si Isaac.Nag-aalangan niyang sinagot ito. "H-hello?"["Good morning, babe!"] masiglang bati ni Isaac sa kan'ya."Good morning." Bigo siyang maitago rito ang pananamlay ng kaniyang tinig.["Hey, bakit ang tamlay mo yata? Is there something wrong? Are you not feeling well?"] sunod-sunod na tanong nito sa kan'ya."No, I'm okay. I'm just a little bit tired."["Tired? At this hour?"] tila naguguluhang tanong ni Isaac dahil alas siete na ng umaga. ["Anyway, I'm on my way out of my house. I'll be there to pick you up."]"Huwag na, Isaac. I'm already on my way to the hospital," pagsisinungaling niya.["Gano'n ba? Sige, magkita na lang tayo sa ospital. I love you,"] masayang wika ni Isaac bago siya binabaan.Nanghihinang ibinagsak ni Angenette ang sarili sa kama. Hindi niya na alam kung paano pa haharapin si Isaac. Sobra na siyang nakokonsensya.Pilit niya munang pinalis sa kan'yang isipan ang kan'yang mga problema. Bumangon na siya at nagbihis.Nang lumabas na siya ng silid ay hindi niya na naabutan ang kan'yang Lola Esme sa kusina. Sigurado siyang naroroon na ito sa silid nito at marahil ay nananahi na."Lola, mauna na po ako! Ang gamot niyo huwag niyo pong kalimutang inumin!" bilin niya.Dumukwang naman ang kan'yang Lola sa pintuan ng kwarto nito at nakangiti siyang kinawayan. "Sige na, mag-iingat ka sa daan," sabi nito bago bumalik sa kung anuman ang ginagawa nito sa loob ng kwarto.Bago lumabas ay napadako ang mga mata niya sa mga pulang rosas na padala ni Isaac. Kinuha niya iyon at inamoy. Napansin niya ang isang malaking sobre roon. Nang tingnan niya ang laman niyon, napagtanto niyang hindi iyon galing kay Isaac.Laman ng sobre ang isa sa mga malalaswang larawan nila ni Gilbert.Puno nang galit na pinagpupunit niya ang larawan. Bitbit niya rin paglabas ang bouquet ng rosas at itinapon iyon sa basurahan.Mas lalo pang tumindi ang galit na nararamdaman ni Angenette kay Gilbert nang may nadatnan na naman siyang isang malaking bouquet ng pulang rosas na nakapangalan sa kan'ya sa nurse's station. Walang pag-iingat niyang hinablot iyon at itinapon sa basurahan."You don't like my surprise?"Nagulat siya nang biglang nagsalita si Isaac mula sa kan'yang likuran."T-this is from you?" nauutal niyang tanong habang nakatuon sa kumpol ng rosas na nasa basurahan na ngayon.Tumango naman si Isaac.Naihilamos niya ang kan'yang palad at saka muling pinulot sa basurahan ang mga bulaklak. "I'm sorry, I thought it was from some weird guy."Napakunot-noo si Isaac. Naguguluhan. "Bakit mo naman naisip 'yon? Bukod sa akin, may iba pa bang nagbibigay ng bulaklak sa'yo?"Umiling-iling siya at matamlay na ngumiti."I bought those flowers to cheer you up. Napansin ko kasing medyo matamlay ka nitong mga nakaraan pero mas lalo ka yatang na-stress dahil diyan. Sorry," tila na-gi-guilty namang sabi ni Isaac.Nakonsensya siya sa ginawang pagtapon sa mga bulaklak na bigay ni Isaac. Pinilit niya na pasiglahin ang anyo. "No, nagustuhan ko siya. Thank you."Ilang araw nang naoobserbahan ni Isaac ang kakatwang ikinikilos ni Angenette subalit nananahimik lamang siya. Humahanap lang siya ng pagkakataon para kausapin ito nang masinsinan. Naisip niya rin kasi na baka ang dahilan nito ay ang mga magulang niya kaya gusto niyang maging maingat sa pag-discuss ng tungkol sa bagay na iyon.Bagama't naninibago sa ikinikilos ni Angenette, tumango na lamang siya. "You're always welcome."Agad namang nagliwanag ang mukha niya nang maalala ang kan'yang plano na mag-propose dito mamayang gabi. Sana ay mapagaan ng surpresang ihahanda niya rito ang pakiramdam nito."Nga pala, hindi muna ako makakasabay sa'yo mamayang tanghalian. I have some urgent things to take care of," wika niya kay Angenette.Tumango naman si Angenette. Naisip niya na maigi na rin iyon dahil plano niya rin namang pumunta sa isang OB-GYNE clinic mamayang lunch break, malayo sa kanilang ospital."Let's just meet for dinner, okay?" sabi ni Isaac habang naka-okay sign.Nakangiti itong tinanguan ni Angenette. "Sure, Doc."*****Nakatulala sa kawalan si Angenette habang naglalakad sa tabi ng kalsada matapos niyang makuha ang resulta ng kan'yang check-up. Muli niyang tiningnan ang hawak na larawan ng kan'yang ultrasound. She is indeed pregnant.Napasinghap siya sa pagkagulat nang bigla na lang may humila sa kan'ya."Magpapakamatay ka ba?!" galit na sigaw n'ong humila sa kaniya.Imbes na matuwa at magpasalamat sa lalaking nagligtas sa kan'ya nang wala sa sarili siyang muntik nang tumawid sa kalsada na puno ng mga humaharurot na sasakyan, galit na pinaghahampas niya iyon si dibdib. Tiningnan niya ito sa mukha, it was Gilbert.Napansin ni Gilbert ang hawak niya at kinuha iyon sa kan'ya.Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang picture ng ultrasound. "Buntis ka?!"Mabilis niyang inagaw rito ang larawan. "Leave me alone!" Akmang tatalikuran niya na ito nang hilahin siya nito sa braso at dinala sa isang eskinita.Nakangiting tiningnan ni Gilbert ang tiyan ni Angenette nang huminto na sila. Naisip niyang wala na talaga itong kawala sa kan'ya ngayon. "Magiging tatay na ako?"Nabigla siya nang sinampal siya ni Angenette. "Kahit kailan hindi ka magiging tatay ng batang ito!"Ngumisi siya habang hawak ang namumula niyang pisngi. Marahas niyang hinawakan si Angenette sa magkabilang braso at idiniin sa pader. "Bakit? Plano mo bang ipalaglag 'yang anak mo?!""Nababaliw ka na ba?! Walang kasalanan ang batang ito!" nagpupumiglas at galit na sabi ni Angenette."Eh, ano? Plano mong ipaako sa Isaac na 'yon 'yang dinadala mo? Gan'yan na ba talaga kakapal ang mukha mo? Umamin ka nga Angenette, mahal mo ba talaga ang lalaking 'yon? Baka naman pera lang ang_."Hindi niya na natapos ang sinasabi nang muling dumantay sa kan'yang pisngi ang palad ni Angenette."Don't you dare accuse me, Gilbert!"Napasabunot siya sa sarili. Nagpipigil na pagbuhatan ng kamay si Angenette. "Angenette, huwag mo nang palakihin ang problema! Hiwalayan mo na ang Isaac na 'yon at sumama ka na sa akin. Pananagutan ko ang batang 'yan!"Naluluha namang iniiwas ni Angenette ang mga mata kay Gilbert. Gulong-gulo na ang isipan niya ngayon.Naisip niya bigla ang mga magulang ni Isaac. Tiyak niyang mas lalo nang hindi siya matatanggap ng mga ito oras na malaman nila ang sitwasyon niya ngayon."Please don't forget to deliver those flowers to this address. Kailangang makarating ang mga bulaklak na 'yan sa tamang oras," mahigpit na bilin ni Isaac sa babaeng empleyado sa paboritong flowershop ni Angenette. Muli niyang nilingon ang iba't ibang klase ng mga imported na bulaklak na nakalagay sa mga basket, sa tabi ng glass wall. "You see, I'm going to propose to my girlfriend tonight kaya gusto kong maayos ang lahat.""Naku, para pala ito sa isang espesyal na okasyon. Huwag kang mag-alala, Sir, sisiguraduhin kong maayos ang lahat," magiliw na tugon ng babae.Napangiti naman siya at pinasalamatan ito.Nagbabayad na si Isaac ng bill nang may panibagong costumer na pumasok sa loob ng shop. Kitang-kita niya kung paano kumislap ang mga mata ng kaharap niyang empleyado habang nakatingin sa bagong dating. Nilingon niya ang kapwa costumer at napangiti nang makilala niya kung sino ito. Si Zeke."It's you again," wika niya.Alanganin namang ngumiti si Zeke sa kaniya at hinubad ang suot na s
Bumungad kay Hope ang seryosong mukha ni Zeke nang pumasok siya sa kanilang dinning room."Where have you been? Nag-order na ako ng mga pagkain kasi ang tagal mo," nakasimangot na sabi sa kaniya ni Zeke.Bagama't sobrang sama na ng pakiramdam niya matapos masaksihan ang inihahandang proposal ni Isaac para kay Angenette, pinilit pa rin niyang pasiglahin ang anyo at nginitian si Zeke. Ayaw niyang masira ang inihanda nitong dinner para sa kaniya lalo pa't sobra-sobra ang effort na ginagawa nito para pagaanin ang loob niya."I'm sorry, naligaw kasi ako," sabi niya na may bahid din naman ng katotohanan. Kung hindi nga naman siya naligaw edi sana hindi niya nakita si Isaac. Ang totoong dahilan kung bakit siya natagalan, dumaan muna siya sa restroom at doon umiyak nang umiyak. Mabuti na lang at lagi siyang may dalang make-up kung kaya't naikubli niya ang namumugto niyang mga mata.Tumayo si Zeke at hinila ang bakanteng upuan para sa kaniya. Pinasalamatan niya naman ito nang nakaupo na siya."
"Nakikiramay kami, Angenette."Maraming mga tao ang naglalabas-masok sa chapel kung saan nakalagak ang labi ng Lola Esme ni Angenette. Ang karamihan sa mga ito ay mga kaklase ni Angenette noon at mga katrabaho niya sa Duncan Mills Hospital.Hindi maawat sa pag-agos ang mga luha ni Angenette. Hindi niya matanggap na wala na ang taong nagpalaki at nag-aruga sa kaniya. Dahil sa nangyari nang gabing iyon ay inatake sa puso ang kaniyang Lola at sa kasamaang palad ay hindi na ito umabot pa nang buhay sa ospital. Ang lalo pang mas nakapagpapabigat sa kalooban niya ay ang katotohanan na siya ang naging dahilan ng pagkamatay nito.Nakayuko si Angenette habang nakaupo sa mahabang upuan sa tabi ng kabaong ng kaniyang Lola. Nag-angat lamang siya ng mukha nang lumitaw sa kaniyang harapan ang isang kamay na may hawak na isang cup ng tubig.Mas lalong bumigat ang nararamdaman niya anang makilala kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na iyon. Si Isaac. Seryosong nakatayo sa kan'yang harapan si Isaac.
Pauwi na mula sa maghapong taping si Hope nang makita niya sa parking lot ang ina ni Isaac na si Lorna at inimbitahan siyang kumain sa kalapit na restaurant. Bagama't pagod ay pinaunlakan niya ang imbitasyon nito dahil nahihiya siyang tanggihan ito.Sa kalagitnaan ng kanilang pagkain, muntik nang maibuga ni Hope ang iniinom na juice nang bigla na namang binanggit ni Lorna ang tungkol sa inaalok nito na pakasalan niya si Isaac."Will you reconsider it, my dear?" malambing na pakiusap sa kaniya ng ginang.Pinunasan niya ng napkin ang basang labi, saka nahihiyang nginitian ito."Sa totoo lang po, I feel so honored na nagustuhan niyo ako ni Tito Roland para kay Isaac..." saglit siyang huminto sa pagsasalita at tumitig pansamantala sa kaniyang baso na halos wala ng laman. Nakangiti namang tumango ang kaniyang Tita Lorna sa kan'ya. Tumikhim muna siya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Pero kasi Tita hindi po talaga natin pwedeng pilitin si Isaac about this kasi magiging unfair tayo sa kanila n
"What exactly happened to you, Isaac?" pabulong na tanong ni Hope habang pinagmamasdan ang mukha ng tulog na si Isaac. Nakahiga ito ngayon sa mahabang sofa sa salas ng kan'yang condo unit.Matapos siyang alukin ng kasal ni Isaac ay nawalan na ito ng malay dahil sa labis na kalasingan samantalang siya naman ay naiwang gulat na gulat at hindi alam kung paniniwalaan ba ang mga narinig.Sinubukan niyang hawakan ang mga hibla ng buhok nito subalit natigilan siya nang umungol ito at nalulungkot na tinawag ang pangalan ni Angenette. Napabuntong-hininga siya.Malinaw pa sa alaala ni Hope ang hitsura ni Isaac habang naghahanda ito sa gagawing marriage proposal para kay Angenette no'ng nakita niya ito sa restaurant. Sobrang saya at excited nito nang gabing iyon.Tumingin siya sa kan'yang kamay at pinagmasdan ang singsing na isinuot ni Isaac sa kaniya kanina. Simple lang ang disenyo ng singsing subalit napakaganda pa rin nitong tingnan sa kan'yang daliri. Pangarap niya lang noon ang maranasan na
Ilang minuto nang nakatitig si Zeke sa sariling repleksyon sa malaking salamin sa banyo ng hotel kung saan idadaos ang kasalan nina Hope at Isaac. Bahagya siyang natawa sa sarili nang mapansin ang pangingitim ng ilalim ng kaniyang mga mata. Magmula kasi nang ibalita sa kaniya ni Hope na magpapakasal na ito kay Isaac ay hindi na siya nagkaroon ng maayos na tulog."Kasalan mo rin naman kung bakit napunta siya sa iba kaya wala kang karapatang magmukmok ngayon na akala mo katapusan na ng mundo. You deserve it, as**h**e," nakangisi niyang sabi sa sarili habang nakatitig pa rin sa kaniyang repleksyon.Nang lumabas ng banyo, dumeretso kaagad siya sa silid kung saan naghihintay si Hope bago magsimula ang kasal. Pagbukas niya ng pinto ay sakto namang may lumabas na mga bisita na marahil ay pinuntahan si Hope upang batiin."Zeke! Kanina pa kita hinihintay!" sabi ni Hope sa kaniya nang makapasok na siya.He came to a halt when he saw the breathtaking view of Hope. On the large white couch, Hope
"Ano?! Hindi kayo mag-ha-honeymoon?!" dismayadong bulalas ni Lorna kina Hope at Isaac. Pinaypay nito sa mukha ang palad sabay naupo sa mahabang sofa. Excited itong bumisita sa bahay ng bagong mag-asawa upang alamin kung saan ng mga ito plano mag-honeymoon subalit nagulantang siya nang marinig ang tugon ng mga ito.Inilapag ni Hope sa maliit na mesa ang tinimplang juice para sa Mama Lorna ni Isaac na siyang mother-in-law niya na ngayon. Naupo siya sa katapat nitong sofa. "Hindi naman po sa gano'n, Mama Lorna. Napagdesisyunan lang po namin ni Isaac na i-postpone muna iyon kasi pareho kaming busy sa trabaho.""Marami akong naka-schedule na operation sa mga susunod na linggo at may ilan na rin para sa susunod na buwan... Si Hope naman po ay may mga projects na dapat tapusin next month kaya wala talagang malulugaran 'yang sinasabi ninyong honeymoon," segunda naman ni Isaac na kabababa lang mula sa kwarto matapos nitong magbihis upang pumasok na sa trabaho."Pero importante ang honeymoon sa
Hindi umiimik si Hope habang tuwid na tuwid na nakahiga sa kama nila ni Isaac. Mula sa kulay puting kisame, lumipat ang kaniyang tingin sa orasan na nakasabit sa dingding. Pasado alas onse na ng gabi. Bumaling siya kay Isaac na kasalukuyan namang nakaupo pa rin sa couch habang nakatutok ang mga mata sa laptop. Napabuntong-hininga siya habang pinagmamasdan ito. Iniisip kung ganoon ba palagi ang routine nito. Maghapon na kasi ito sa trabaho sa ospital at ngayon namang nasa bahay na ay trabaho pa rin ang inaatupag nito.Mabilis siyang nagbawi nang tingin nang lumipat ang mga mata ni Isaac sa kaniya. Parang tuod siyang napahiga na naman nang tuwid."Gising ka pa rin pala... Am I keeping you awake?" nakangiting tanong nito sa kaniya.Nilingon niya ito at naiilang na nginitian. "Are you still working?"Isinara na ni Isaac ang laptop at tumayo na. "No, I'm done for the day," sagot nito. Tumungo na ito sa switch ng ilaw na nasa dingding at isinara iyon. Kaagad na dumilim ang paligid. Dahil na
Pagdating sa bahay ay kaagad na napansin ni Hope ang isang kulay pink na box sa tapat ng kanilang pintuan. Kinuha niya iyon at ipinasok sa loob ng bahay. Marahil ay galing iyon sa isang tagahanga... o kay Doc Kevin."Where have you been?" tanong sa kaniya ni Isaac nang datnan niya ito sa kusina."Just somewhere," malamig niya namang tugon dito sabay ipinatong sa mesa ang dalang box."You're no longer using your cane," puna pa nito.Pinagalitan ni Hope ang sarili sa loob-loob. Bakit niya ba nakalimutan ang props na iyon?"I don't need it anymore. Kaya ko namang maglakad na nang wala iyon."Tumangu-tango naman si Isaac, saka tumingin sa pink box na dala niya. "From that number one fan again?" tanong nito, subalit hindi na siya sumagot.Binuksan ni Hope ang kahon at nagulat nang bumulaga sa kaniya ang laman nitong kulay pink na teddy bear na punit-punit na ang katawan at may mga mantsa ng tila sariwang dugo. Napalayo siya dahil sa masangsang nitong amoy."What's that smell?" nakasimangot
Ini-locked ni Hope ang pinto ng kanilang silid ni Isaac pagkapasok niya sa loob. Saka niya pa lamang nagawang bitiwan ang hagulhol na kanina pa gustong kumawala sa kaniyang dibdib. Mariin niyang tinakpan ang bibig. Ayaw niyang marinig siya ni Isaac dahil ayaw niyang isipin nito na nasasaktan siya sa desisyon niyang hiwalayan na ito.Nagagalit siya sa sarili. Hindi niya maunawaan ang nararamdaman. Bakit pa rin siya nasasaktan gayong dapat ay masaya na siya dahil sa wakas ay nakaganti na siya kay Isaac? Nasaktan niya na ito. Dapat siyang magdiwang.Paulit-ulit na hinampas nang malakas ni Hope ang dibdib."Tama na! Tama na! Matigas ka na dapat! Hindi mo na dapat siya iniiyakan!"Buong magdamag na umiyak si Hope sa gabing iyon. Kinaumagahan ay nagising siyang nakahiga sa sahig. Hindi niya namalayan na nakatulog na siya roon sa kaiiyak.Pagkalabas niya ng kwarto ay nadatnan niya si Isaac na naghahanda ng agahan sa hapag-kainan. Sandali niyang pinanood ito sa ginagawa hanggang sa napansin n
Naghambalan ang mga kasangkapan sa living room ni Doc Kevin pagkatapos nitong magwala. Nagngingitngit sa galit siyang umuwi pagkatapos ng pagkikita nila nina Hope at Zeke at ang kaniyang mga gamit sa bahay ang kaniyang napagdiskitahan. Pakiramdam niya ay pinaglaruan siya ni Hope. "You can't do this to me, Hope!" gigil at mabigat ang hiningang sigaw ni Doc Kevin habang nakaupo sa nakabalagbag na ngayong sofa. Ngumingisi niyang isinuklay sa magulo nang buhok ang duguan niya nang kamao dahil sa paulit-ulit na pagsuntok sa pader. "Kung akala mong ganito kabilis matatapos ang lahat, nagkakamali ka." Nagmartsa si Doc Kevin patungo sa kaniyang silid. Naupo siya sa harapan ng kaniyang study table at binuksan ang kaniyang laptop. Muli siyang napangisi nang mahanap ang file na kaniyang sadya. Binuksan niya iyon pagkatapos ay bumungad na sa kaniya ang mga hubad na larawan at videos ni Hope habang nasa silid nito ito. Palihim niyang nakuhanan ang mga ito sa pamamagitan ng spy cam na inilagay niy
Inilayo ni Hope ang mukha kay Zeke. "Zeke, what are you doing?!" Mas lalong humigpit ang hawak ni Zeke sa kaniyang batok. Pinipigilan siya nitong lumayo rito. "He's watching." "Ano?" Tinangka niyang lumingon sa likuran, subalit pinigilan siya nito at isinandal siya sa upuan. Natatakot na siya sa ginagawa nito. Inilapit muli ni Zeke ang mukha sa kaniya. Mariin siyang napapikit nang halos maglapat na naman ang mga labi nila. "Isaac's here. Nakikita niya tayo." Napadilat siya nang magsalita ito. Naka pwesto pa rin ito sa kaniyang harapan at halos nakadikit pa rin ang mukha nito sa kaniya. Kung sinuman ang nakakakita sa kanila sa labas ay tiyak iisipin ng mga ito na naghahalikan sila. "How long has he been here?" "He just arrived few minutes ago." Napalunok siya nang bahagyang sumagi sa labi niya ang labi ni Zeke nang nagsalita ito. "Z-Zeke—" "Do we have a deal now?" agaw ni Zeke sa pagsasalita niya. "What?" "Na ako na'ng magiging partner mo sa plano mong paghihiganti kay Isaac
Mag-isa si Hope sa loob ng kotse ni Zeke sa parking lot ng studio. Iniisip pa rin niya ang nangyari sa kanila kanina ni Doc Kevin. Naging bahagi na ng trabaho niya noon pa man ang mahalikan ng kung sinu-sinong lalaking artista, pero ang nangyari kaninang paghahalikan nila ni Doc Kevin ay bukod tanging nakapagpatindig sa kaniyang mga balahibo at nagpakilabot. Gusto niyang masuka. Nandidiri siya sa sarili niya.Umiiyak na isinubsob ni Hope ang mukha sa mga palad habang paulit-ulit na nananariwa sa kaniyang alaala ang ginawa sa kaniya ni Doc Kevin.[Flashback]Halos mapugot na ang hininga ni Hope sa ginagawang paghalik sa kaniya ni Doc Kevin. Sinubukan niya itong itulak palayo sa kaniya, subalit mas lalo lang nitong idinidiin siya sa pader. Nasasaktan na siya at natatakot sa maaari nitong gawin."Kevin, please..." Nanghihina niyang sabi nang lumipat sa kaniyang leeg ang mga halik nito pagkatapos, muli na naman nitong inatake ang kaniyang mga labi.Nahigit niya ang hininga nang nagsimula
Panaka-nakang tinitingnan ni Hope ang cellphone sa ibabaw ng mesa habang kumakain ng tanghalian. Tatlong oras na magmula nang tinext niya si Doc Kevin, pero wala pa rin siyang natatanggap na reply mula rito. Dati naman ay mabilis itong mag-reply sa kaniya. Naglaho si Doc Kevin nang parang bula noong gabi ng house party sa bahay nina Hope at Isaac. Simula noon ay hindi na ito nagparamdam sa kaniya. Noong una'y ipinagpalagay ni Hope na busy lamang ang doktor, subalit pagkatapos ng halos dalawang linggo na wala itong paramdam sa kaniya ay nag-alala na siya. "May nagawa kaya akong ikinagalit niya?" Pilit na inalala ni Hope ang mga ginawa noong house party. Wala siyang maalalang ginawang mali. Nag-alala siya bigla. Paano kung nagbago na ang isip nito? Paano na ang paghihiganti niya kay Isaac? Dinampot ni Hope ang cellphone. Akmang tatawagan niya na si Doc Kevin nang bigla naman siyang tinawagan ni Zeke. "Hi, Zeke. Napatawag ka?" ["Where are you?"] "Home. Why?" ["Get dress. I'm going
Tahimik na naupo si Isaac sa hapag-kainan habang si Hope naman ay nauna na sa kaniyang kumain ng agahan. Pagkatapos ng nakita niya kagabi ay hindi niya nagawang makatulog nang mahimbing. Hanggang sa panaginip ay dala-dala niya ang imahe ni Hope na nakahalik sa pisngi ni Doc Kevin."Isaac, hindi mo ba gusto ang breakfast? Pwede kitang ipaghanda ng bago," wika ni Hope nang mapansin na hindi niya man lang ginagalaw ang pagkain.Tinitigan niya si Hope. Gusto niya itong tanungin ng tungkol sa nakita niya subalit nag-aalangan siya. Baka kasi kung saan mapunta ang usapan nila kung uusisain niya ito tungkol do'n. Bukod do'n, pakiramdam niya'y wala siyang karapatang husgahan ito pagkatapos ng mga kasalanan niya rito noon."May dumi ba ako sa mukha? Bakit mo ako tinititigan nang ganiyan?" naiilang ang tawa na sabi pa ni Hope.Pilit at tipid niya na lamang itong nginitian, saka umiling. Nagpasya siyang huwag na lamang itong tanungin sa nakita. Maaari rin kasing wala namang ibang ibig sabihin iyo
"I'm home," matipid ang ngiti na bati ni Hope kay Isaac nang datnan niya ito sa kanilang living room. Sa halip na batiin siya pabalik ay nanatili lamang na tahimik si Isaac habang seryoso ang tingin sa kaniya. Tumayo ito sa pagkakaupo sa sofa at hinarap siya. "Honey?""You're with him again. Bakit parang napapadalas naman yata masyado ang pagkikita ninyo?" Bakas ang disappointment sa mukha at tono ng pananalita nito.Sakay ng wheelchair, nilapitan niya ito. "Isaac, alam mo naman na friends na kami ni Kevin, so normal lang naman na magkita kami paminsan-minsan. Isa pa, wala ka naman dapat ipag-alala. You guys are colleagues.""Wala nga ba dapat akong ipag-alala?"Naniningkit ang mga mata na tiningala niya ang asawa. "What are you trying to imply?"Marahas na bumuntonghininga si Isaac, saka umiling-iling. "Wala," matipid at walang gana nitong sagot, saka naglakad na paakyat sa kanilang silid. "I'm tired. Magpapahinga na ako."Walang kaemo-emosyon namang sinundan ng tingin ni Hope si Isa
Walang paglagyan ang tuwa ni Doc Kevin nang makatanggap ng tawag mula kay Hope. Hindi malinaw sa kaniya ang dahilan kung bakit gusto nitong makipagkita sa kaniya ngayon subalit hindi niya na iniisip iyon; ang mahalaga makikita at makakasama niya ulit si Hope ngayon. Dali-dali siyang nag-out sa trabaho at nakipagkita na kay Hope. Sinundo niya ito sa isang bus stop. "I'm glad you called. Alam mo, I had so many patients today, sobrang nakakapagod. Mabuti na nga lang, e, puro out patient lang. Kung nagkantaon na mayroon akong surgery today, naku, baka hindi ko nagawang makipagkita sa 'yo ngayon," kwento niya habang nagmamaneho. "Doc Kevin." Nilingon niya si Hope sa shotgun seat. "Yes?" balik niya rito. Napansin niya na tila nag-aalangan ito. Medyo kinabahan siya sa hindi niya malamang dahilan. "Are you stalking me?" biglang tanong nito. Nagulat siya at bahagyang bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib. Napalunok siya. Nagpasya siyang itabi ang minamanehong sasakyan pagkatapos, alangani