Share

Chapter 7.2

Author: Chel Aguirre
last update Huling Na-update: 2022-08-14 10:57:19

"Nakikiramay kami, Angenette."

Maraming mga tao ang naglalabas-masok sa chapel kung saan nakalagak ang labi ng Lola Esme ni Angenette. Ang karamihan sa mga ito ay mga kaklase ni Angenette noon at mga katrabaho niya sa Duncan Mills Hospital.

Hindi maawat sa pag-agos ang mga luha ni Angenette. Hindi niya matanggap na wala na ang taong nagpalaki at nag-aruga sa kaniya.

Dahil sa nangyari nang gabing iyon ay inatake sa puso ang kaniyang Lola at sa kasamaang palad ay hindi na ito umabot pa nang buhay sa ospital. Ang lalo pang mas nakapagpapabigat sa kalooban niya ay ang katotohanan na siya ang naging dahilan ng pagkamatay nito.

Nakayuko si Angenette habang nakaupo sa mahabang upuan sa tabi ng kabaong ng kaniyang Lola. Nag-angat lamang siya ng mukha nang lumitaw sa kaniyang harapan ang isang kamay na may hawak na isang cup ng tubig.

Mas lalong bumigat ang nararamdaman niya anang makilala kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na iyon. Si Isaac.

Seryosong nakatayo sa kan'yang harapan si Isaac. Puro itim ang suot nitong kasuotan magmula sa polo-shirt hanggang sa sapatos.

"You'll end up getting dehydrated if you keep up this way," malamig na pagkakasabi nito sa kan'ya. Hindi man ito kinakakitaan ng kahit na anong emosyon sa mukha ay sigurado siyang masama pa rin ang loob nito sa kaniya.

Tumango siya. Nanginginig ang mga kamay na tinanggap niya ang tubig na iniaabot nito at pilit na ininom iyon.

Naupo sa kaniyang tabi si Isaac subalit hindi ito nagsalita. Seryoso lamang na nakatuon ang mga mata nito sa kabaong ng kaniyang Lola Esme.

"I'm sorry, Isaac," paghingi niya uli ng tawad dito. Hindi siya magsasawa na gawin iyon lalo pa't alam niya kung gaano niya nasaktan ito.

"I don't want to hear your apologies, Angenette." Nilingon siya ni Isaac at sa pagkakataong iyon ay bakas na ang lungkot at sakit sa mga mata nito. "Gusto kong malaman kung bakit mo nagawa iyon pero hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan natin iyon. I went here to pay respect to Lola Esme."

Tumayo na si Isaac at lumakad upang umalis na.

Tinawag pa ulit ni Angenette si Isaac subalit hindi na siya nito nilingon. Tumayo siya upang habulin ito subalit nakakaisang hakbang pa lamang siya nang bigla siyang nahilo. Napakapit siya sa upuan habang sapo ang ulo. Tiningnan niya ulit si Isaac ngunit unti-unti nang nanlalabo at dumidilim ang kaniyang paningin.

Palabas na ng chapel si Isaac nang marinig niya ang komosyon sa kaniyang likuran. Natigilan siya at unti-unting lumingon. Nagulat siya nang makitang nakahandusay na sa sahig si Angenette at wala nang malay.

*****

"I give up!" Nakangusong binitawan ni Hope ang whisk na ginagamit niyang panghalo sa cream. Dahil sa wala naman siyang mga gagawin sa araw na iyon ay sinamantala niyang bumisita sa bahay ng kan'yang Daddy Wilson at Tita Yvette. "Malapit na talaga akong maniwala na cooking and baking isn't really meant for me, Tita."

Naiiling na tumawa ang kan'yang Tita Yvette na siyang nagtuturo sa kan'yang mag-bake. Kinuha nito ang binitawan niyang whisk at ito na ang nagpatuloy sa paghahalo sa cream.

Lumapit naman ang Daddy Wilson ni Hope at tiningnan ang ginagawa ng mga ito. Napailing-iling ito nang makita ang nakangiwing mukha ni Hope habang nakatitig sa malagkit na nitong mga kamay dahil sa harina at iba't iba pang mga sangkap sa pag-be-bake na nakadikit dito.

"Hay, katulad ka talaga ng Mommy mo, masyadong maiksi ang pasensya sa mga bagay-bagay," wika ni Daddy Wilson sabay kurot sa pisngi ni Hope. "Tumabi ka na nga at ako na ang tutulong sa Tita Yvette mo."

Sumunod naman kaagad si Hope sa utos ng kan'yang Daddy. Naupo siya sa stool sa tabi at pinanood na lamang ang mga ito.

Kitang-kita ni Hope ang tuwa sa mga mata ng kan'yang Daddy habang nakikipagtawanan sa kaniyang stepmom na si Yvette.

Sa pagkakaalala niya, gano'n din naman kasaya ang mga magulang niya nang wala pa sa buhay ng Daddy niya si Yvette. Minsan hindi niya mapigilang mapaisip kung bakit humantong sa paghihiwalayan ang kaniyang mga magulang gayong naging masaya naman ang pagsasama ng mga ito noon. Bagama't tanggap na rin naman niya ang nangyari, may mga katanungan pa rin sa kan'yang isipan katulad na lang kung bakit nagawa ng daddy niya ang maghanap ng iba kahit pa naging masaya naman ito sa piling ng kan'yang mommy at kung bakit mas pinili nito si Yvette kaysa rito?

"Natulala ka na yata riyan, Hope," sita sa kan'ya ng Tita Yvette niya.

Nginitian niya ito at inilingan. "Wala po, may naalala lang ako."

"S'ya nga pala, anak. Nabalitaan ko sa Mommy mo na inirereto sa'yo ni Lorna si Isaac," sabi naman ng Daddy Wilson niya habang nagbabati ng itlog.

"Naku, si Mommy talaga! Hindi niya naman na kailangan pang sabihin sa inyo 'yon," nakaismid niyang sabi.

"Ano'ng hindi? Dapat lang na sinabi sa akin 'yon ng Mommy mo." Binitawan ng Daddy niya ang pangbati at tinitigan siya. "Una sa lahat, you are my only baby. Kailan mo balak sabihin sa akin ang tungkol do'n? Kapag ikakasal ka na?"

Naiiling na tinawanan niya ito. "Wala pong kasalanang mangyayari, so, don't worry."

Nagkatinginan naman ang kaniyang Daddy Wilson at Tita Yvette.

"Bakit? Ayaw mo na ba kay Isaac?" nakakunot na tanong sa kaniya ng Daddy niya.

Hindi kasi lingid kay Wilson na may gusto si Hope kay Isaac simula noong bata pa lamang ito. Kahit hindi man sabihin nito sa kaniya ang tungkol sa nararamdaman nito para kay Isaac ay nahahalata niya na noon pa man na may lihim na pagtingin ito sa lalaki. Bukod sa laging bukang-bibig nito si Isaac ay napansin niya rin na iba ang ngiti nito sa tuwing nakikita nito ito o kaya naman kapag napag-uusapan lang nila ito.

Nahihiya namang ngumiti si Hope at nagyuko ng ulo. Itinuon nito ang paningin sa mga kamay na nakapatong sa hita nito. "Hindi naman po sa ayaw."

"Si Isaac ba ang may ayaw?" deretsahang tanong niya sa anak. Bahagyang umarko ang kilay niya nang hindi ito sumagot. Hindi siya makapaniwala na may isang lalaking tatanggi sa anak niya gayong sa mga mata niya ay napakaperpekto nito. Umirap siya at marahas na bumuntong-hininga. "Marami pang ibang lalaki riyan na mas higit sa Isaac na 'yan..." Umismid siya. "Sino siya para tanggihan ang anak ko? Kilala niya ba kung sino ang inaayawan niya?" bubulong-bulong pa niyang sabi na parehong ikinatawa nina Hope at Yvette.

"Eh, si Zeke ba, Hope? Magkaibigan lang ba talaga kayo? Ayaw niyo bang humigit pa roon ang samahan niyo?" tanong naman ni Yvette. "You guys look good together you know."

Tumango naman si Wilson bilang pagsang-ayon. "I kinda like that kid too. Mukha naman siyang responsable. Ang problema nga lang ay masyadong magandang lalaki, sigurado akong maraming babae ang umaali-aligid do'n."

"Hindi naman problema iyon, mahal," sabi naman ni Yvette sa kaniya pagkatapos, tiningnan si Hope. "Maganda rin naman ang anak mo kaya sigurado akong malaki ang laban niya pag nagkataon."

Mabilis namang napailing-iling si Hope nang marinig ang pinag-uusapan ng dalawa. Tinawanan niya ang mga ito.

"Huwag na po kayong mag-isip ng kung anu-ano kasi magkaibigan lang talaga kami. At saka imposible na magustuhan ako ni Zeke, like hello? Ako lagi ang dahilan ng pagsakit ng ulo niya tapos ngayon aasawahin niya pa. Para naman siyang tanga no'n, di ba?"

Napabuntong-hininga bigla ang Daddy at Tita Yvette niya. Umiiling-iling na pinagmasdan siya ng mga ito. May mali ba sa sinabi niya?

"Wala ka pa talagang alam sa pag-ibig," nakangiwing sabi sa kaniya ng kaniyang Daddy Wilson . "You are still indeed my baby girl."

*****

Mabigat ang pakiramdam na dumilat si Angenette. Ilang ulit muna niyang ikinurap ang mga mata upang i-adjust ang kaniyang paningin dahil nanlalabo pa rin iyon at medyo nahihilo pa rin siya dahil sa pagkahimatay kanina. Nang luminaw na ang mga mata, saka niya lamang napagtanto na nasa loob siya ng maliit na silid ng chapel kung saan nakaburol ang lola niya.

"Do you need anything?"

Napalingon siya sa nagsalita. Natagpuan niya si Isaac na nakaupo sa gilid ng silid habang seryosong nakatitig sa kaniya.

Umiling siya bilang tugon at naupo na.

Nakakailang na katahimikan ang pansamantalang namagitan sa kanila bago iyon binasag ni Isaac.

Lumapit sa kaniya si Isaac at naupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kamay niya.

"Pakasalan mo ako. Aakuin ko ang responsibilidad diyan sa batang dinadala mo," walang halong birong sabi nito.

Gulat niyang tiningnan ito.

Totoo, mahal niya si Isaac at gusto niyang manatili sa tabi nito subalit hindi siya ganoon kasakim para ipaako rito ang responsibilidad sa batang dinadala niya. Para sa kaniya ay napaka-unfair n'on kung gagawin niya iyon dito. Isa pa, kilala niya ang mga magulang nito. Kailan man ay hindi matatanggap ng mga ito ang anak niya. Sapat na sa kaniya na siya lang ang apihin ng mga ito. Hindi siya makapapayag na maranasan din ng anak niya ang kaapihang naranasan niya sa mga ito.

Bumitaw na siya kay Isaac. "I can't, Isaac."

Sumimangot si Isaac at muling kinuha ang kan'yang kamay. "Kung iniisip mong hindi buo ang pagtanggap ko sa anak mo, nagkakamali ka. Mamahalin ko siya na parang sa akin talaga siya nanggaling."

Muli, binawi niya ang kamay rito at tumayo na. "Hindi nga pwede, Isaac_."

Natigilan siya nang nagtaas na ng boses si Isaac. Nagulat siya dahil hindi ugali nito ang pagtaasan ng boses ang kahit na sinuman. Nagagawa lamang nito iyon kapag sobrang galit na talaga ito.

"Bakit?!" galit na sigaw sa kaniya ni Isaac. "Ibig mo bang sabihin ay hindi mo na talaga ako mahal kaya mo ako nagawang lokohin?!"

"Isaac, alam mong hindi totoo iyan!" Unti-unti na namang namuo ang mga luha sa kaniyang mga mata.

Dahil sa kanilang pagsisigawan, may mga bisita nang sumilip sa pintuan upang makiusyoso sa kanila.

Mahigpit siyang hinawakan ni Isaac sa magkabilang braso. "Kung gano'n bakit ayaw mo?!"

Bago pa man siya makasagot ay bigla na lang may humatak kay Isaac mula sa likuran nito at bigla itong sinuntok sa mukha dahilan para bumagsak ito sa sahig. Napasigaw siya nang makita ang galit na si Gilbert.

Kararating lamang ni Gilbert at narinig nito ang pagsisigawan nina Angenette ag Isaac. Balak pa sana nitong umamba ng isa pang suntok kay Isaac subalit inawat na ito ni Angenette.

Pinahid ni Isaac ang dugo sa gilid ng labi at naguguluhang nagpalipat-lipat ang tingin kina Angenette at Gilbert.

"Bakit hindi siya pwedeng magpakasal sa 'yo?! Simple lang, kasi akin siya! Sa akin lang si Angenette kaya tantanan mo na siya. Tigilan mo na 'yang kahibangan mo dahil sa akin siya magpapakasal!" nanggagalaiting sigaw sa kaniya ni Gilbert.

Nanginig at nanghina ang buong katawan niya sa mga narinig. Ayaw niyang paniwalaan ang sinasabi ni Gilbert. Siya ang totoong mahal ni Angenette kaya hindi siya naniniwalang magpapakasal ito sa iba.

"He's lying, right?" naluluha niyang tanong kay Angenette.

Sobrang nasasaktan si Angenette na makita si Isaac sa ganoong kalagayan. Gusto niya itong yakapin subalit pinigilan niya ang sarili. Hindi niya na ito dapat paasahin pa. Kailangan niya nang tapusin ang namamagitan sa kanila.

Iniiwas niya ang tingin kay Isaac at kaagad na pinahid ang luhang gumapang sa kaniyang pisngi. "Siya ang pakakasalan ko, Isaac... kaya please... umalis ka na."

Kaugnay na kabanata

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 8

    Pauwi na mula sa maghapong taping si Hope nang makita niya sa parking lot ang ina ni Isaac na si Lorna at inimbitahan siyang kumain sa kalapit na restaurant. Bagama't pagod ay pinaunlakan niya ang imbitasyon nito dahil nahihiya siyang tanggihan ito.Sa kalagitnaan ng kanilang pagkain, muntik nang maibuga ni Hope ang iniinom na juice nang bigla na namang binanggit ni Lorna ang tungkol sa inaalok nito na pakasalan niya si Isaac."Will you reconsider it, my dear?" malambing na pakiusap sa kaniya ng ginang.Pinunasan niya ng napkin ang basang labi, saka nahihiyang nginitian ito."Sa totoo lang po, I feel so honored na nagustuhan niyo ako ni Tito Roland para kay Isaac..." saglit siyang huminto sa pagsasalita at tumitig pansamantala sa kaniyang baso na halos wala ng laman. Nakangiti namang tumango ang kaniyang Tita Lorna sa kan'ya. Tumikhim muna siya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Pero kasi Tita hindi po talaga natin pwedeng pilitin si Isaac about this kasi magiging unfair tayo sa kanila n

    Huling Na-update : 2022-08-14
  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 9

    "What exactly happened to you, Isaac?" pabulong na tanong ni Hope habang pinagmamasdan ang mukha ng tulog na si Isaac. Nakahiga ito ngayon sa mahabang sofa sa salas ng kan'yang condo unit.Matapos siyang alukin ng kasal ni Isaac ay nawalan na ito ng malay dahil sa labis na kalasingan samantalang siya naman ay naiwang gulat na gulat at hindi alam kung paniniwalaan ba ang mga narinig.Sinubukan niyang hawakan ang mga hibla ng buhok nito subalit natigilan siya nang umungol ito at nalulungkot na tinawag ang pangalan ni Angenette. Napabuntong-hininga siya.Malinaw pa sa alaala ni Hope ang hitsura ni Isaac habang naghahanda ito sa gagawing marriage proposal para kay Angenette no'ng nakita niya ito sa restaurant. Sobrang saya at excited nito nang gabing iyon.Tumingin siya sa kan'yang kamay at pinagmasdan ang singsing na isinuot ni Isaac sa kaniya kanina. Simple lang ang disenyo ng singsing subalit napakaganda pa rin nitong tingnan sa kan'yang daliri. Pangarap niya lang noon ang maranasan na

    Huling Na-update : 2022-08-14
  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 10

    Ilang minuto nang nakatitig si Zeke sa sariling repleksyon sa malaking salamin sa banyo ng hotel kung saan idadaos ang kasalan nina Hope at Isaac. Bahagya siyang natawa sa sarili nang mapansin ang pangingitim ng ilalim ng kaniyang mga mata. Magmula kasi nang ibalita sa kaniya ni Hope na magpapakasal na ito kay Isaac ay hindi na siya nagkaroon ng maayos na tulog."Kasalan mo rin naman kung bakit napunta siya sa iba kaya wala kang karapatang magmukmok ngayon na akala mo katapusan na ng mundo. You deserve it, as**h**e," nakangisi niyang sabi sa sarili habang nakatitig pa rin sa kaniyang repleksyon.Nang lumabas ng banyo, dumeretso kaagad siya sa silid kung saan naghihintay si Hope bago magsimula ang kasal. Pagbukas niya ng pinto ay sakto namang may lumabas na mga bisita na marahil ay pinuntahan si Hope upang batiin."Zeke! Kanina pa kita hinihintay!" sabi ni Hope sa kaniya nang makapasok na siya.He came to a halt when he saw the breathtaking view of Hope. On the large white couch, Hope

    Huling Na-update : 2022-08-18
  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 11

    "Ano?! Hindi kayo mag-ha-honeymoon?!" dismayadong bulalas ni Lorna kina Hope at Isaac. Pinaypay nito sa mukha ang palad sabay naupo sa mahabang sofa. Excited itong bumisita sa bahay ng bagong mag-asawa upang alamin kung saan ng mga ito plano mag-honeymoon subalit nagulantang siya nang marinig ang tugon ng mga ito.Inilapag ni Hope sa maliit na mesa ang tinimplang juice para sa Mama Lorna ni Isaac na siyang mother-in-law niya na ngayon. Naupo siya sa katapat nitong sofa. "Hindi naman po sa gano'n, Mama Lorna. Napagdesisyunan lang po namin ni Isaac na i-postpone muna iyon kasi pareho kaming busy sa trabaho.""Marami akong naka-schedule na operation sa mga susunod na linggo at may ilan na rin para sa susunod na buwan... Si Hope naman po ay may mga projects na dapat tapusin next month kaya wala talagang malulugaran 'yang sinasabi ninyong honeymoon," segunda naman ni Isaac na kabababa lang mula sa kwarto matapos nitong magbihis upang pumasok na sa trabaho."Pero importante ang honeymoon sa

    Huling Na-update : 2022-08-27
  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 12

    Hindi umiimik si Hope habang tuwid na tuwid na nakahiga sa kama nila ni Isaac. Mula sa kulay puting kisame, lumipat ang kaniyang tingin sa orasan na nakasabit sa dingding. Pasado alas onse na ng gabi. Bumaling siya kay Isaac na kasalukuyan namang nakaupo pa rin sa couch habang nakatutok ang mga mata sa laptop. Napabuntong-hininga siya habang pinagmamasdan ito. Iniisip kung ganoon ba palagi ang routine nito. Maghapon na kasi ito sa trabaho sa ospital at ngayon namang nasa bahay na ay trabaho pa rin ang inaatupag nito.Mabilis siyang nagbawi nang tingin nang lumipat ang mga mata ni Isaac sa kaniya. Parang tuod siyang napahiga na naman nang tuwid."Gising ka pa rin pala... Am I keeping you awake?" nakangiting tanong nito sa kaniya.Nilingon niya ito at naiilang na nginitian. "Are you still working?"Isinara na ni Isaac ang laptop at tumayo na. "No, I'm done for the day," sagot nito. Tumungo na ito sa switch ng ilaw na nasa dingding at isinara iyon. Kaagad na dumilim ang paligid. Dahil na

    Huling Na-update : 2022-11-05
  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 13

    "How many times do I have to tell you, Hope na huwag na huwag kang tatanggap ng regalo sa fans mo nang hindi dumadaan sa akin?" nakakrus ang mga brasong sabi ni Zeke kay Hope habang seryosong nakatitig sa higanteng teddy bear na nakaupo sa sofa. Bilang parte kasi ng pag-iingat niya sa kaniyang mga artista, mabusisi niya munang sinusuri ang mga regalong ipinapadala ng mga tagahanga nito bago ito ipaabot sa kanila.Iginiya siya ni Hope patungo sa tabi ng teddy bear at pinaupo sa tabi niyon."Ano pa'ng magagawa ko eh dito na mismo sa bahay dineliver si Shasha?" wika naman ni Hope."Shasha? At talagang pinangalanan mo na siya ha," nakasimangot niyang sabi sabay hampas sa mukha n'ong teddy bear.Ngumuso si Hope, saka naupo na rin sa maliit na sofa, sa tapat niya. "Zeke, please huwag na nating pagtalunan ito, okay? Isa pa, Shasha's harmless. Tingnan mo nga kung gaano siya ka-cute! And most importantly, kulay pink siya."Walang kangiti-ngiti niya namang nilingon ulit si Shasha. Sinuri niyang

    Huling Na-update : 2022-11-10
  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 14

    Hindi magawang alisin ni Hope ang mga mata sa mukha ng natutulog na ngayong si Isaac habang nakaunan siya sa braso nito. Naroon pa rin ang matatamis niyang ngiti habang inaalala ang nangyari sa kanila kanina. Hindi pa rin siya lubos makapaniwala na isinuko niya na ang kaniyang sarili rito. Hindi niya rin naman itinatanggi na nagustuhan niya ang nangyari sa pagitan nila dahil ang totoo, matagal niya nang hinihintay na mangyari iyon. Sa kabila ng ligayang nararamdaman, may mga katanungan pa rin na gumugulo sa kaniyang isipan. Hindi niya maiwasang isipin kung ano ang nagtulak kay Isaac para angkinin na siya nito nang gabing iyon. Naakit ba ito sa kaniya dahil sa mga sinabi niya? Mahal na ba siya nito? O baka dahil lang iyon sa pangangailangan nito bilang isang lalaki?Pagkatapos ng ilang sandaling pag-iisip, napabuntong-hininga na lamang siya at nakapikit na napailing. Ano pa man ang dahilan ni Isaac ay wala na siyang pakialam. Ang importante sa kaniya, ito ang unang lalaki na nakakuha n

    Huling Na-update : 2022-11-15
  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 15

    5 years later..."Siguro ang saya-saya mo kasi araw-araw kang nakakakita ng magagandang artista," sabi kay Zeke ng kaniyang ka-blind date na hindi niya na maalala ngayon ang pangalan.Pang-ilang blind date niya na nga ba ito sa buwang iyon? Anim? Walo? Hindi niya na tiyak. Ni hindi niya na nga rin maalala ang mga pangalan at mukha ng ilan sa mga naka-date niya.Kung si Zeke ang masusunod, ayaw niyang pumunta sa mga blind date na iyon ngunit dahil sa ang mga magulang niya ang nag-set niyon, wala siyang ibang magagawa kundi ang sumunod dahil iyon ang hininging kapalit ng mga ito sa kaniya sa hindi niya ginawang pagsunod sa yapak ng papa niya na chairman ng isang malaki at kilalang kompanya. Isa siya sa mga nakahilerang tagapagmana ng kanilang kompanya subalit dahil sa ibang propesyon ang pinili niya ay hindi na siya kabilang sa mga ito."Tingin ko mas bagay sa 'yo na mag-artista kaysa maging manager. Ayaw mo ba?" dagdag na sabi pa ng ka-date ni Zeke.Matipid itong na nginitian ni Zeke ba

    Huling Na-update : 2022-11-22

Pinakabagong kabanata

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 50

    Tahimik na naupo si Isaac sa hapag-kainan habang si Hope naman ay nauna na sa kaniyang kumain ng agahan. Pagkatapos ng nakita niya kagabi ay hindi niya nagawang makatulog nang mahimbing. Hanggang sa panaginip ay dala-dala niya ang imahe ni Hope na nakahalik sa pisngi ni Doc Kevin."Isaac, hindi mo ba gusto ang breakfast? Pwede kitang ipaghanda ng bago," wika ni Hope nang mapansin na hindi niya man lang ginagalaw ang pagkain.Tinitigan niya si Hope. Gusto niya itong tanungin ng tungkol sa nakita niya subalit nag-aalangan siya. Baka kasi kung saan mapunta ang usapan nila kung uusisain niya ito tungkol do'n. Bukod do'n, pakiramdam niya'y wala siyang karapatang husgahan ito pagkatapos ng mga kasalanan niya rito noon."May dumi ba ako sa mukha? Bakit mo ako tinititigan nang ganiyan?" naiilang ang tawa na sabi pa ni Hope.Pilit at tipid niya na lamang itong nginitian, saka umiling. Nagpasya siyang huwag na lamang itong tanungin sa nakita. Maaari rin kasing wala namang ibang ibig sabihin iyo

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 49

    "I'm home," matipid ang ngiti na bati ni Hope kay Isaac nang datnan niya ito sa kanilang living room. Sa halip na batiin siya pabalik ay nanatili lamang na tahimik si Isaac habang seryoso ang tingin sa kaniya. Tumayo ito sa pagkakaupo sa sofa at hinarap siya. "Honey?""You're with him again. Bakit parang napapadalas naman yata masyado ang pagkikita ninyo?" Bakas ang disappointment sa mukha at tono ng pananalita nito.Sakay ng wheelchair, nilapitan niya ito. "Isaac, alam mo naman na friends na kami ni Kevin, so normal lang naman na magkita kami paminsan-minsan. Isa pa, wala ka naman dapat ipag-alala. You guys are colleagues.""Wala nga ba dapat akong ipag-alala?"Naniningkit ang mga mata na tiningala niya ang asawa. "What are you trying to imply?"Marahas na bumuntonghininga si Isaac, saka umiling-iling. "Wala," matipid at walang gana nitong sagot, saka naglakad na paakyat sa kanilang silid. "I'm tired. Magpapahinga na ako."Walang kaemo-emosyon namang sinundan ng tingin ni Hope si Isa

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 48

    Walang paglagyan ang tuwa ni Doc Kevin nang makatanggap ng tawag mula kay Hope. Hindi malinaw sa kaniya ang dahilan kung bakit gusto nitong makipagkita sa kaniya ngayon subalit hindi niya na iniisip iyon; ang mahalaga makikita at makakasama niya ulit si Hope ngayon. Dali-dali siyang nag-out sa trabaho at nakipagkita na kay Hope. Sinundo niya ito sa isang bus stop. "I'm glad you called. Alam mo, I had so many patients today, sobrang nakakapagod. Mabuti na nga lang, e, puro out patient lang. Kung nagkantaon na mayroon akong surgery today, naku, baka hindi ko nagawang makipagkita sa 'yo ngayon," kwento niya habang nagmamaneho. "Doc Kevin." Nilingon niya si Hope sa shotgun seat. "Yes?" balik niya rito. Napansin niya na tila nag-aalangan ito. Medyo kinabahan siya sa hindi niya malamang dahilan. "Are you stalking me?" biglang tanong nito. Nagulat siya at bahagyang bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib. Napalunok siya. Nagpasya siyang itabi ang minamanehong sasakyan pagkatapos, alangani

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 47

    "So, what you're trying to say is itong number one fan kong ito at si Doctor Kevin ay iisa? Hmmm, hindi kaya nagkataon lang na bumili rin si Doc Kevin ng pink roses para sa girlfriend niya?" Naihilamos ni Zeke ang palad sa mukha pagkatapos ng sinabi ni Hope. Sa kabila kasi ng mga ebidensiya na inilalatag niya rito ay hanap pa rin ito nang hanap ng posibleng rason para luminis ang imahe ng Doctor Kevin na iyon. "What about their handwriting? Are you still just going to shrugged it off kahit obvious naman na pareho nilang sulat-kamay 'yan?" May bahid na ng inis sa boses ni Zeke. Nakanguso namang napatangu-tango si Hope habang pinagkukumpara ang mga sulat ng fan niya sa sulat ni Doctor Kevin doon sa table napkin. "Yeah, they do look similar... Pero—" "Hope, please, stop... Alam ko na nakikita mo rin kung ano ang nakikita ko." "Okay, let's say na si Doc Kevin nga itong fan ko? So what? What's wrong with being my fan?" Napaawang ang bibig ni Zeke sa narinig. "You're joking, right?" "

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 46

    "Should I tell her? Pero paano kung lumayo siya kapag sinabi ko na alam ko na ang totoo?" natutulirong tanong ni Zeke sa sarili. Nasa coffee shop siya ngayon. Nakaugalian niya nang dumaan doon upang bumili ng kape bago siya pumasok sa trabaho. Halos ilang gabi na siyang napupuyat kaiisip sa dahilan kung bakit kailangang magsinungaling ni Hope sa kaniya at sa pamilya nito tungkol sa pagkakaroon nito ng amnesia. Isa lamang kasi ang naiisip niyang posibleng dahilan kaya ginagawa nito iyon, walang iba kundi dahil sa may pinaplano ito laban sa asawa nitong si Isaac. Hindi maiwasan ni Zeke ang ma-guilty dahil pinag-iisipan niya nang ganoon si Hope. Kilalang-kilala niya kasi ito at wala sa personalidad nito ang gumanti sa kapwa. Pero iba kasi ang sitwasyon nito ngayon. Masyado itong nasaktan sa mga nangyari noon at kahit sinumang makaranas ng naranasan nito noon ay talagang makakaisip gumawa ng masama laban sa mga nanakit dito. Bukod do'n, para kay Zeke ay sapat na rin ang mga nakita ni

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 45

    "Hope honey, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang mapagtaasan ka ng boses kanina. Sobra lang talaga kasi akong nag-alala," sinserong paghingi ng tawad ni Isaac kay Hope. Nasa loob sila ngayon ng kanilang silid at magkahiwalay na nakaupo sa magkabilang gilid ng kama. Patuloy pa rin sa paghikbi si Hope at hindi pinapansin si Isaac. Maingat na sumampa sa kama si Isaac at umusog palapit kay Hope. Niyakap niya ito mula sa likuran. "Sorry na, please?" malambing niyang bulong sa asawa pagkatapos, ipinatong niya ang baba sa balikat nito. "I wasn't able to take your calls kasi nasa operating room ako." Umiiyak na umismid si Hope. "Hindi mo ba nabasa ang text ko?" Naguluhan naman si Isaac dahil wala siyang naaalalang text message na natanggap mula rito. Hinugot niya mula sa bulsa ng pantalon ang kaniyang cell phone at nakumpirma na wala talaga siyang natanggap na text. Ipinakita niya ang cell phone kay Hope. Napahinto naman agad sa pag-iyak si Hope at nagtatakang kinuha sa kaniya ang cell phone

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 44

    "Baka mauna pa akong matunaw dito sa ice cream ko sa katititig mo," puna kay Zeke ni Hope sa gitna ng pagnanamnam nito sa kinakaing strawberry ice cream. Nasa isa silang sikat na ice cream shop, malapit sa agency nina Zeke. Saka lamang huminto sa pagtitig si Zeke kay Hope nang punahin nito. Bumaling siya sa kaniyang mint chocolate ice cream na halos hindi man lang niya nagalaw dahil sa malalim na pag-iisip. Inaalala pa rin kasi niya iyong natuklasan niya kay Hope. Matipid na nginitian ni Zeke si Hope. "Masama na ba ngayon na tingnan ko ang best friend ko?" Ikinunot ni Hope ang ilong pagkatapos, pabiro siyang inismiran. "Hindi naman basta lang tingin ang ginagawa mo eh." Tumawa nang mahina si Zeke, saka sumandal sa kaniyang upuan. "Did I made you feel uncomfortable?" "Hindi naman, just curious kung ano'ng tumatakbo sa isip mo habang nakatitig ka sa mukha ko. Did I became a lot more beautiful over time, huh, Zeke?" may bahid pagbibiro na tugon naman ni Hope. Nangingiti namang dinam

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 43

    Karamihan sa mga bisita sa resort ay nagpasya nang umalis pagkatapos ng insidenteng pagkahulog ni Hope sa swimming pool. Nasa likod pa rin ng bahay si Zeke, nakaupo sa isang tabi habang malalim ang iniisip. "Bakit uwi na sila? Marami pa foods o," sabi ni Timmy kay Zeke nang mapansin din nito na nagsisialisan na ang mga tao. "Stop talking to me, young man, I'm thinking," seryosong sabi ni Zeke kay Timmy. Napanguso naman ang bata at napaismid sa lamig ng pakikitungo niya rito. Kanina habang nag-uusap sina Hope at Angenette ay pinanonood niya ang mga ito. Kitang-kita niya ang buong pangyayari. Habang wala kay Hope ang tingin ni Angenette, nakita ni Zeke na sinadya ni Hope na magpatihulog sa swimming pool. Kung ano ang dahilan kung bakit nito ginawa iyon ay kutob niyang dahil iyon sa naghihiganti ito kay Angenette. Gusto nitong siraan ito sa mga taon roon sa party. Malinaw na ngayon kay Zeke na walang amnesia si Hope. Naguguluhan siya kung bakit nito kailangan magsinungaling sa kanil

  • My Sweetest Downfall (Tagalog)   Chapter 42.2

    "Natulala ka na diyan. First time seeing me feeding a child?" natatawang tanong kay Zeke ni Hope. Sinusubuan na ngayon nito si Timmy para hindi na ito maging makalat sa pagkain. Saka lang natauhan si Zeke nang bumaling na ulit sa kaniya si Hope at kinausap siya. Ginawa niya ang lahat upang magmukhang natural sa harapan nito at pilit na isinantabi muna ang mga gumugulo sa isip. Nginitian niya si Hope at tinanguan. "Yeah, I think wala pa talagang instance na nakita kita with a kid." Bahagyang kumunot ang noo ni Hope subalit nakangiti pa rin. "Really? Not even once?" Tumango ulit siya. "As far as I remember." Tumangu-tango din naman si Hope. Napansin ni Zeke na tila biglang tumamlay at lumungkot ang ngiti nito. "What's wrong?" tanong niya, saka nilapitan ito. "I know masama ang mainggit pero I can't helped it, Zeke. Naiinggit ako kay Angenette kasi may Timmy na siya. Matagal na kaming mag-asawa ni Isaac pero kami wala pa rin," bagsak ang mga balikat na paliwanag sa kaniya ni Hope s

DMCA.com Protection Status