Chapter 173Binasa ni Belinda ang kanyang labi habang tinititigan si Warren sa pag-alis. Kahit anong gawin ata ni Belinda ay nandoon pa rin ang kaba na nararamdaman niya.Halos ramdam ni Belinda ang panginginig ng kanyang mga kamay dahil sa sobrang kaba at pag-aalala sa magiging kahihinatnan ng lahat. Years ago, she never planned on telling Van about Daviah, kaya nga hindi niya naisip ang mga dapat niyang gawin o sabihin kung dumating ang araw na ito. Ni hindi naisip ni Belinda kung ano man ang magiging reaksyon ng kanyang anak, dahil sa hindi naman niya inisip na darating ang araw na sasabihin niya kay Daviah ang tungkol kay Van. Belinda knows that Daviah is not an ordinary child—oo, at halos maglilimang taon pa lang siya, pero alam din ni Belinda na matalino ang kanyang anak, dahilan kung bakit mas lalo siyang kinakabahan. Nang tuluyang mawala sa paningin ni Belinda si Warren, saka lang niya tiningnan sina Daviah at Van. Kabado man, pinatatag ni Belinda ang kanyang sarili para lap
“Davia—” Natigilan si Belinda nang buksan niya ang pinto ng kwarto, pati ang pagtawag niya sa anak ay hindi naituloy. Sobrang handa na si Belinda na kausapin si Daviah tungkol kay Van. Handa na siyang kausapin ito at ipaintindi sa kanya ang lahat at sabihin sa kanya ang lahat, nasa isip na niya ang mga sasabihin niya, pero dahil sa nadatnan niya ay natigilan siya at lahat ng nasa isip niya ay biglang nawala. Daviah was in bed, nakadapa at umiiyak. Mariing kinagat ni Belinda ang labi at dahan-dahang isinara ang pinto. Pati ang paglalakad niya papunta sa kama, sa tabi ng anak niya, ay sobrang dahan-dahan, takot na baka makagawa siya ng ingay. “Ano 'yong palaging tinuturo ni Mommy?” Mahinahong tanong ni Belinda sa anak ilang minuto pagkatapos hayaan ni Belinda si Daviah na umiyak. Nanghihinang tinignan ni Daviah si Belinda, humihikbi pa ito habang nauupo. pagkaupo ay saka ito yumuko, ipinatong ang noo sa kanyang tuhod. “D-Don't hate someone,” utal na sambit ni Daviah habang nakayuko
Chapter 175“Are you okay? Maghapon ka na lang ba r'yan? Para kang ewan, nag-away ba kayo ni Zy?” Nakatitig lang si Van sa dingding at hindi pinansin ang tanong ni Valerie.Gusto nang sabihin ni Van na hindi naman na sila kasal ni Zy, pero hindi niya magawa dahil sa sobrang daming tumatakbo sa isip niya. Kinakabahan, natatakot at nasasaktan, lahat ng iyon ay nararamdamam ni Van sa ngayon. Pati ang mga katagang sinabi ni Daviah ay talagang paulit ulit pa rin sa isip ni Van. Gusto niyang manisi, pero alam din naman niya na sa lahat, siya ang dapat sisihin.Maggagabi na at hindi pa bumababa si Belinda at Daviah kaya napapatulala na lang si Van sa pag-iisip habang nananatili sa kinauupuan.The pain was still there. Nang maghapunan kanina, narinig niya mula sa kasambahay na nagpapaakyat si Belinda ng makakain. Dahil masyadong okupado si Van sa mga nangyayari, hindi na niya nagawang kumain ng tanghalian kahit ilang beses na siyang tinawag para kumain. At ngayon nga, gagabi na, pero wala pa
Chapter 176"Hmmm. A-Ano kasi..." Napapikit at halos pautal-utal na sambit ni Belinda kay Warren nang maabutan niyang pumasok ito sa kwarto niya.Hindi itinuloy ni Warren ang pagpasok sa loob at hinarap na lang si Belinda."Ano iyon?" tanong ni Warren, sabay taas ng kilay, halatang may halong kuryosidad at pag-aalala ang boses.Kinurot muna ni Belinda ang sarili, halatang nag-aalanganin, pero ilang sandali lang ay huminga siya ng malalim para kumuha ng lakas ng loob. Pagkatapos non, nilakasan niya ang loob para magsalita at sabihin ang sadya."C-Can I get Van's number? A-Ano... May sasabihin lang kasi ako sa kanya... at gusto ko na ring kumustahin kasi may nasabi si Daviah kanina," mahinang ani ni Belinda at hindi nito napigilan ang pag-utal ng paulit ulit."Nagaalala ka?" Tumigil si Warren at tumitig kay Belinda, parang may gustong basahin sa kanyang mga mata.Naitikom ni Belinda ang labi nang marinig ang agarang tanong ni Warren. Alam niyang matalas mag-obserba si Warren kaya hindi
Chapter 177"GOODMOR—" Naputol ang bati ni Daviah nang makita niyang si Van ang nakatayo sa labas ng eroplano na gagamitin nila papuntang Palawan.“Good morning, Daviah! Excited ka na ba?” tanong ni Kaye habang lumapit kay Daviah at hinalikan siya sa pisngi.Alanganing ngumiti si Daviah at tumango, pero napapatingin siya kay Van na tahimik lang sa gilid, katabi si Warren. Napanguso si Daviah at umiwas ng tingin at tinignan na lang ang iba para batiin.Ngumiti si Belinda kay Van nang tumingin siya dito, pero nang umiwas ito ng tingin, kinagat na lang ni Belinda ang labi at ibinaba ang tingin sa maleta na hawak niya. Napatingin siya kay Daviah, umaasang hindi na mauulit ang nangyari kahapon.“So everyone is here? Let's go, then,” sabi ni Edie nang makita niyang kompleto na ang grupo.“Naiinform mo na ba si Cedrick na nandito ka pa ng isang linggo?” tanong ni Yuhan habang umaakyat sila sa eroplano.Naramdaman ni Van ang pangungulit sa tanong na iyon. Hindi pa siya nakakapagtanong, pero a
Chapter 178Hindi maalis ni Van ang simangot sa mukha niya at hanggang sa makarating sila ay nakasimangot siya. He couldn’t believe that. Halos lahat ng nakapalibot sa kanya, they always say how good looking he is, minsan nga ay naiirita na siya kapag may nagsasabi na gwapo siya, but now, para siyang nanliit nang marinig ang sinabi ng anak niya.Mas gwapo raw iyong Cedrick na iyon? Napapikit ng mariin si Van at saka napamura ng mahina dahil hindi niya iyon matanggap. Napapatanong tuloy siya kung gaano ba kagwapo ang lalakeng iyon para sabihin ng sarili niyang anak na mas gwapo ito Daviah even said na gusto niyang maging daddy iyon? Umiigting ang panga ni Van habang iniisip ang naging usapang iyon. Warren is right, sana ay tumahimik na lang siya at hindi na nagsalita at nagtanong ng kung ano ano.“Kumuha na kayo ng mga susi niyo,” nilapag ni Edie ang napakaraming susi sa lamesa sa may lobby ng resort kung saan sila magbabakasyon.Ang tanging pumunta sa resort ay sila Edie, Cylvia, si
“You're so creepy, Kuya. Kanina busangot ka, tapos ngayon, you're smiling like there's no tomorrow. What's happening to you?” Kunot-noong tanong ni Faye kay Van.Van was busy helping the boys cook the barbecues. Ang iba ay agad nang naligo sa dagat habang ang iba naman ay nagpipicture sa paligid at ine-enjoy muna ang view.Nilagay ni Van ang mga gamit niya sa kwarto nila Belinda, and he was really happy—hindi niya talaga kayang itago ang sobrang saya na nararamdaman niya.“Don't mind me. Pumunta ka na nga roon at maligo,” tinuro ni Van sila Gray na nasa dagat na, pero umiling lang si Faye.“Mamaya na. Ayoko umitim,” simpleng ani ni Faye at kumuha ng lutong barbecue.“Hoi! Nagpapakahirap kami rito, mamaya ka kumain!” sabi ni Julious nang makita ang pagkuha ni Faye, pero inirapan lang siya ni Faye.“Bakit kasi kayo ang gumagawa niyan? Kay Kuya Van iyong resort, kaya paniguradong pwede siyang magtawag ng mga empleyado na gagawa niyan,” si Faye.“Ewan ko rito kay Van,” sagot ni Yuhan haba
“Tito Cedrick!” Agad na tinakbo ni Daviah ang pagitan nila ni Cedrick at pagkalapit nga ay agad niya itong niyakap.“Miss me that much, Daviah?” Natatawang tanong ni Cedrick at binuhat pa si Daviah. Masayang tumango si Daviah at humagikgik pa.Nanghihinang tinignan ni Belinda si Van na ngayon ay bumalik sa pagpaypay at pagluluto ng barbecue. Van wasn’t looking at her or anyone; talagang nakatuon na lang siya sa barbecue sa harap niya na animo'y walang ibang nangyayare sa paligid niya at kitang kita din naman ni Belinda na walang ka emosyon emosyon si Van.Hindi alam ni Belinda ang gagawin sa mga pinsan niya na palihim siyang inaasar. They even silently cheered kaya napapakagat na lang si Belinda sa labi, knowing na napapansin iyon ni Van.This is not the first time na inaasar siya ng mga pinsan niya sa isang lalake, but because if what Yuhan told in the airplane, mukhang nagkaroon nanaman ang mga pinsan ni Belinda ng ediya na asarin siya sa boss niya. Sa sarili naman ni Belinda ay al
Nanghihinang naghilamos si Daviah ng mukha at saka tiningnan ang sarili sa salamin. Nagising siya na masama ang pakiramdam niya kahit na maayos naman ang pagtulog niya ngayong gabi, maaga nga siyang nakatulog kaya hinfi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng panghihina.Gusto niyang sumuka, pero wala namang lumalabas sa kanya. Nakaramdam din siya ng pagkahilo, na talaga namang dumagdag pa sa pagpahina sa kanya. Hindi siya sakitin kaya hindi niya mapigilan ang manibago sa pagsama ng kanyang pakiramdam. Binsa ni Daviah ang labi at saka ito huminga ng malalim. Ilang beses niya iyong ginawa, nagbabakasakaling bumuti ang pakiramdam niya.But even though she didn’t feel okay, naligo na siya at bumaba. It was only 7 AM nang tuluyan siyang bumaba. Ayaw niyang maulit ang nangyari kahapon na alas otso na siya nagising, kaya naman galit na galit si Geneva sa kanya. Hindi lang mapigilan ni Daviah anv mapangiti nang unang bumungad sa kanya ay si Azi na nasa sala, nakikipag-usap sa Papa nito
Masaya si Daviah pagkatapos ng araw na iyon kahit sobrang dami ng nangyari. She's happy dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makasama ang mga kapatid ni Azi at mapalapit sa kanila kahit papaano.Pagkatapos nilang kumain, pumasyal pa sila sa ilang bahagi ng probinsya, kaya naman sandaling nakalimutan ni Daviah ang mga pagpapahirap at insulto na nangyari kanina sa kanya.“Look! This is a good one,” sabi ni Vivian habang pauwi na sila, sabay pakita ng kuha sa camera niya. It was a picture of Azi hugging Daviah from the back while both of them were looking ahead. Lumipat si Vivian sa isa pang litrato, at ang isang iyon ay si Daviah na nakatingin sa dagat habang si Azi naman ay nakatingin kay Daviah, animo'y mas maganda pa ang tanawin niya kaysa sa tanawing tinatanaw ni Daviah. “I look so damn crazy in love with you there,” biglang sabi ni Azi na busy sa pagda-drive pero nasulyapan ang ipinakitang litrato ni Vivian. Napangiwi naman si Vivian sa narinig. “Seriously, Kuya Azi? Sobr
“Kumain ka na?” Azi asked nang lumayo si Daviah sa pagkakayakap.“Hindi pa siya kumain, Kuya. What if sa labas na lang tayo kumain? Sa may bulaluhan, I'm sure hindi pa nakakapunta roon si Ate Daviah,” nakangiting sabi ni Vivian sa gilid, and she look so excited.“You want bulalo?” tanong naman ni Azi kay Daviah.Daviah nodded and just smiled. Nanliit ang mata ni Azi at tinitigan si Daviah, hanggang sa mapanguso na lang si Daviah at umiwas ng tingin dahil hindi niya natatagalan ang titig nito.Azi was about to say something, pero hindi niya naituloy nang bumukas ang pinto sa di-kalayuan, and it was Lander.Pati si Lander ay natigilan nang makita sila Azi. Lander looked at Azi, pagkatapos noon ay tinignan naman niya si Daviah.“Wala ka bang sasabihin sa fiancé mo?” mariing tanong ni Lander kay Daviah.“What is it?” tanong naman ni Azi habang hindi mapigilan ang kunot-noo. Si Vivian naman ay natahimik na lang sa tanong ng Kuya Lander niya.“N-nasabi ko kasi kanina na gutom na ako, i-iyon
"Ang dami mong sugat, pero mabuti na lang maliliit lang, but the problem is itong mga napaso, subrang namumula na sila," nag-aalalang ani ni Vivian habang nakatingin sa sugat ni Daviah.Hindi nagawang magsalita ni Daviah dahil hindi niya alam kung anong sasabihin. Ngayon ang unang beses na magkakaroon siya ng interaction sa kapatid ni Azi."Masakit ba?" Tanong nito, pero agad din namang nagsalita agad na animo'y hindi na kailangan ng sagot ni Daviah. "Of course, masakit." Ani nito.Nang may magdala ng first aid, agad at hindi na nag-aksaya si Vivian sa paggamot kay Daviah, she immediately start.“Ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa ni Mama. Sorry, Ate Daviah,” mahinahon at ramdam sa boses ni Vivian ang paghingi ng tawad habang abala siya sa paglalagay ng ointment sa mga paso at sugat ni Daviah. Daviah couldn’t help but stare at Vivian. Parehas sila ng mata ng Kuya Azi niya, and she looked so fragile. “May rumi po ba sa mukha ko?” Dahil sa pagtitig ni Daviah, hindi na napigi
Chapter 71“What the hell is this?” Pinunasan ni Daviah ang luha niya nang pumasok si Lander sa dining table. Kasunod niya si Vivian, ang bunsong kapatid ni Azi. Nakangiti itong pumasok, pero biglang nawala ang ngiti nang makita ang kalat sa sahig. Pareho silang wala kanina nang magising si Daviah, at nabalitaan niyang maaga silang umalis. Mukhang kararating lang nila ngayon. Tinanggal ni Lander ang suot na headphones at kunot-noong tinignan ang mga pagkaing nagkalat sa sahig. Nang walang sumagot mula sa mga kasambahay o kay Daviah, tinignan niya ang mga kasambahay. “Nagtatanong ako kung anong nangyari dito?” seryosong tanong ni Lander sa kanila. Nagtinginan ang mga kasambahay, halatang nagtuturuan kung sino ang unang magsasalita. They all scared reason why Daviah sigh.Nang wala pa ring umimik, lalong kumunot ang noo ni Lander. Samantala, tahimik lang si Vivian, pero ramdam ni Daviah ang tingin nito sa kanya. Hindi tulad ng titig ng kanilang ina, Vivian look at her gentle.“Wa
“Ouch!” Nabitawan ni Daviah ang kutsilyo na hawak niya nang mahiwa ang kanyang kamay. Mangiyak-iyak siyang lumapit sa sink upang hugasan ang sugat. Naghihiwa siya ng karne at hirap siya sa paghiwa dahil iyon ang unang beses na maghihiwa siya ng ganun. Akala niya noong una ay madali lang, pero hindi naman pala ganoon kadali lalo. Kailangan niyang gumawa ng maliliit na hiwa dahil isasahog iyon sa pakbet. Geneva had requested fried fish and pakbet for lunch. However, Daviah really didn’t know how to cook it kaya nag search na lang ito sa internet kung paano ang magluto, hindi lang niya sigurado kung magagawa niya ba iyon ng tama. She couldn’t even manage to slice properly, kaya naman nagkaroon na siya ng maraming sugat sa kamay, maliliit lang naman, pero dahil naparami na ay nararamdaman na ni Daviah ang hapdi. “Sorry, Ma’am Daviah. Gusto po sana namin kayong tulungan, pero baka mapagalitan kami ni Ma’am Geneva,” ani ng isang kasambahay na nakatayo sa gilid. Napangiti si Daviah sa
“Gising na pala ang senyorita,” agad na narinig ni Daviah iyon nang pababa siya sa hagdan. Galing iyon kay Geneva na prenteng nakaupo sa sofa. Hindi tuloy alam ni Daviah kung magpapatuloy siya sa pagbaba o hindi. She suddenly froze at the cold voice of Azi's mother. Bigla siyang natauhan kung nasaan siya at kung ano ang kinakaharap niya. She was too happy about their short conversation with Azi kaninang alauna, kaya talaga namang medyo nakalimutan niya kung gaano siya hindi gusto ng Mama ni Azi.“G-Good morning po.” Kahit natigilan at hindi alam ang gagawin, she still tried to be calm and polite. She tried to smile to Geneva kahit na hindi ito nakangiti, pero ang ngiti nito ay talaga namang nanginginig Binati niya ito at dahan-dahang nagpatuloy sa pagbaba. She tried not to create any noise habang pababa.“Alam mo ba kung anong oras na?” tanong bigla ni Geneva nang hindi tumitingin kay Daviah. “A-Alas otso na po—” “At sa tingin mo, paggising yan ng responsableng babae? At saka,
Noong una ay akala ni Daviah ay panaginip lang na may tumatawag sa kanya kaya hindi niya iyon pinansin, pero nagising si Daviah nang maramdaman ang paghalik sa pisngi niya. Kung hindi niya naamoy agad ang pamilyar na pabango ni Azi, paniguradong sisigaw siya, pero naamoy niya agad iyon at talagang nanuot sa kanyang ilong."Love," muling tawag nito. Inaantok na tinignan ni Daviah ang tao sa tabi niya and there she saw Azi, sitting beside her, nakababa ng kaunti ang katawan dahil sa panggigising sa kanta.“I'm sorry, I woke you up,” malambing na ani ni Azi kay Daviah nang dahan-dahan siyang naupo mula sa pagkakahiga.“Bakit? May problema ba?” tanong ni Daviah habang humihikab.They sleep in separate rooms dahil na rin sa kagustuhan ni Geneva, ang mama ni Azi. Azi said that it's fine if they sleep in one room together dahil ikakasal naman na sila. Pero si Daviah mismo ang tumanggi doon dahil alam niyang mas lalo lang magkakaproblema. Masyado ng mainit ang nangyare sa dinner nila, kaya
Chapter 67Nakahinga ng maluwag si Daviah nang makita niyang pababa na si Azi sa hagdan kasama ang papa nito. Halos isang oras siya sa taas, at hindi mapakali si Daviah habang nakaupo sa sofa kasama ang mama ni Azi at si Zara.Halos hirap siyang gumalaw kanina pa, pero ngayong nakita na niya si Azi ay biglang lumuwag ang dibdib niya.“Mabuti naman at bumaba na kayong mag-ama. Kanina pa naghihintay ang dinner. Let's go, let's have dinner,” ani Geneva habang umiiling nang makita ang dalawa.“Manang, pakitawag si Lander!” Utos pa nito kay Manang.“Sige po, Ma'am!” Si Manang at agad na na tumango at tumungo sa hadgan.Agad na dumiretso si Azi kay Daviah. Ngumiti si Daviah sa kanya, pero seryosong nakatingin lang si Azi rito.“May nangyare ba? Why are you so serious?” Tanong ni Daviah rito, pero imbes na sagutin ay agad namang siyang tinanong ni Azi.“You okay?” Tanong ni Azi na sandaling nagpangiti kay Daviah.Kahit kailan talaga ay alam nito kung kailan hindi okay si Daviah.Tumango si D