“You're so creepy, Kuya. Kanina busangot ka, tapos ngayon, you're smiling like there's no tomorrow. What's happening to you?” Kunot-noong tanong ni Faye kay Van.Van was busy helping the boys cook the barbecues. Ang iba ay agad nang naligo sa dagat habang ang iba naman ay nagpipicture sa paligid at ine-enjoy muna ang view.Nilagay ni Van ang mga gamit niya sa kwarto nila Belinda, and he was really happy—hindi niya talaga kayang itago ang sobrang saya na nararamdaman niya.“Don't mind me. Pumunta ka na nga roon at maligo,” tinuro ni Van sila Gray na nasa dagat na, pero umiling lang si Faye.“Mamaya na. Ayoko umitim,” simpleng ani ni Faye at kumuha ng lutong barbecue.“Hoi! Nagpapakahirap kami rito, mamaya ka kumain!” sabi ni Julious nang makita ang pagkuha ni Faye, pero inirapan lang siya ni Faye.“Bakit kasi kayo ang gumagawa niyan? Kay Kuya Van iyong resort, kaya paniguradong pwede siyang magtawag ng mga empleyado na gagawa niyan,” si Faye.“Ewan ko rito kay Van,” sagot ni Yuhan haba
“Tito Cedrick!” Agad na tinakbo ni Daviah ang pagitan nila ni Cedrick at pagkalapit nga ay agad niya itong niyakap.“Miss me that much, Daviah?” Natatawang tanong ni Cedrick at binuhat pa si Daviah. Masayang tumango si Daviah at humagikgik pa.Nanghihinang tinignan ni Belinda si Van na ngayon ay bumalik sa pagpaypay at pagluluto ng barbecue. Van wasn’t looking at her or anyone; talagang nakatuon na lang siya sa barbecue sa harap niya na animo'y walang ibang nangyayare sa paligid niya at kitang kita din naman ni Belinda na walang ka emosyon emosyon si Van.Hindi alam ni Belinda ang gagawin sa mga pinsan niya na palihim siyang inaasar. They even silently cheered kaya napapakagat na lang si Belinda sa labi, knowing na napapansin iyon ni Van.This is not the first time na inaasar siya ng mga pinsan niya sa isang lalake, but because if what Yuhan told in the airplane, mukhang nagkaroon nanaman ang mga pinsan ni Belinda ng ediya na asarin siya sa boss niya. Sa sarili naman ni Belinda ay al
Chapter 181Belinda and Daviah went to their room a while ago para makaligo at makapagpalit, pero waladoon si Van. Hanggang sa gumabi, hindi na bumalik si Van at hindi alam ni Belinda kung nasaan ito. Tanging si Warren lang ang bumalik nang gumabi.They even ate dinner, pero wala paring Van na bumalik.“So I guess, bukas ulit?” Si Cedrick nang kailangan na niyang umalis.“Mag-iingat ka, and…” Napasulyap si Belinda sa malaking dollhouse na nilalaro ni Daviah. “Salamat sa dollhouse.” Sa huli ay iyon nalang ang nasabi ni Belinda.Ayaw man sana ni Belinda na tanggapin, wala naman siyang magagawa dahil sa nakikitang saya ng kanyang anak.“Welcome. Anything for Daviah.” Pagkatapos magpaalam ni Cedrick ay tuluyan na itong umalis. Halos lahat ay umakyat narin pagkatapos. Walang nagbalak na uminom dahil pinagbawalan sila ni Edie—halos diretso na kasi silang uminom kaya ngayong gabi ay pinagbawalan nasila ni Edie, wala rin namang kaso sa lahat dahil sa pagod.“Mommy, I'm sleepy.” Lalapitan na s
Hindi alam ni Belinda kung anong sumapi sa kanya o anong pumasok sa isip niya, pero talagang hindi niya napigilan ang sarili niyang halikan si Van. Ang lahat ng pag-aalinlangan at pangamba niya ay tila naglaho sa loob ng isang saglit. Ang tanging nararamdaman niya ay ang mainit na labi at katawan ni Van na subrang lapit sa kanya.Hinawakan ni Belinda si Van sa panga, ang mga daliri niya ay marahang dumaan papunta sa batok nito habang patuloy silang naghahalikan. Ang mga kamay ni Van ay unti-unti ring naglakbay sa likuran ni Belinda. Ang bawat galaw at paghaplos ni Van ay nagdadala ng bagong antas ng sensasyon, at sa bawat paghagod kay Belinda, lumalapit sila sa isa't isa nang mas malapit, na animo'y kahit ang hangin ay mahihiya na dumaan sa pagitan nila.“Hmmm,” hindi na napigilan ni Belinda ang mapadaing dahil sa subrang lalim ng paghahalikan nila.Ang init ng kanilang mga labi ay nagpapalakas ng tibok ng puso niya, at tila ang bawat halik ay nagiging mas matindi, mas naglalaban. Sa
Binasa ni Belinda ang labi at napapikit. Sa boses kasi ni Van ay talaga atang hindi niya papayagan si Belinda sa pag-alis hanggat hindi nito sinasagot ang tanong ni Van.“After what you did, you think I’ll let you leave without even explaining why you kissed me?” Naramdaman ni Belinda ang paghaplos ni Van sa likuran niya at gumuhit pa nga ito ng pabilog gamit ang daliri nito."You kissed me, you fvcking kissed, baby, so don't expect na mananahimik ako at hindi magtatanong. Why did you kissed me?" Van desperately asked because he really wanted to hear what she was going to say.“Van—”“Annd that boss of yours has feelings for you,” mariing sambit ni Van nang bumalik sa kanya ang mga tingin at nangyare kanina. Hindi inalis ni Van ang tingin kay Belinda at talaga namang binantayan ang magiging expression nito. Kitang-kita ni Van ang pagkunot ng noo ni Belinda.“What the hell are you talking about? It's impossible. Walang gusto sa akin si Sir Ced. Ikaw, kung ano ano ang sinasabi mo. Sir
Nanghihina si Belinda sa mga nangyari at sa naging usapan nila ni Van, kaya naman hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas para maitulak si Van nang sobrang lakas. Sa sobrang lakas ay muntik na itong matumba at tumama sa vase sa gilid, dahilan kung bakit agad din namang umalis si Belinda sa mesa at lumapit kay Van para hawakan ito.“Sorry,” kagat-kagat ni Belinda ang labi habang sinasabi ito, biglang nahiya sa pagtulak dito."Nagulat lang ako," mahinang ani ni Belinda habang kagat kagat na ang labi.Bahagyang tumawa si Van, gulat din sa lakas ng pagtulak ni Belinda.“What was that, baby?” tanong ni Van, at halos manlaki ang mata ni Belinda dahil hindi niya hininaan ang boses, kaya narinig ito nina Gray at Valerie na ngayon ay laglag ang mga panga sa pagkagulat, rinig na rinig pa ang singhab ng dalawa.Naitakip ni Belinda ang palad sa mukha at malakas na huminga, hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Tinignan niya si Van habang prente lang itong lumapit sa lamesa para pulutin ang
"Hindi kami magkapatid, and we will never be," sambit ni Van na ikinasinghab ni Belinda, Valerie at Gray."Ang dami kong sinabi tapos yan lang talaga ang sasabihin mo? We need an explanation!" Tumaas na ang boses ni Gray dahil magkahalo ang nararamdaman niya. "Belinda!" Mariing ani ni Gray dahil sa alam niyang hindi siya makakuha ng matinong sagot kay Van."Ang daming lalake. Of all people, bakit siya pa—""Then who would you like to be? Iyong mukhang paa na iyon? Gusto niyo bang malahian ng mukhang paa?" Gustong batukan ni Belinda si Van sa biglang sinabi nito.Subrang seryoso ng usapan nila, yet he suddenly said that. "Who's mukhang paa?" Si Valerie na nakakunot na ang noo at nag-isip pa ata kung sino iyon."Sino pa ba? Edi iyong boss ni Belinda. Tsk! Mukhang paa na kalansay, really? Mas gusto niya siya para kay Belinda kaysa sa akin? Mas hamak naman na mas gwapo ako roon," si Van at nakitaan ng inis sa kanya nang mag-iwas ng tingin.Sa kabila ng usapan ay hindi mapigilan ni Van n
Chapter 184“Give me Zy’s number,” mariing sabi ni Gray nang pumasok si Warren at Lia sa opisina ni Van. Nagulat pa si Warren dahil sa biglaang paglapit agad ng kanyang kapatid sa kanya.“Zy's number?Why? Anong gagawin mo sa number ni Zy?” Naguguluhang tanong ni Warren, sinulyapan si Van na busy sa pag-aayos ng gamit sa lamesa.“Don't ask why or what! Just give it to me!” Inis na sagot ni Gray dahil gusto na talaga niyang makausap si Zy ngayon na at maliwanagan na siya sa mga nangyayare.Para kay Gray, masyadong hjndi kapanipaniwala na nag divorced na ang dalawa gayong wala naman silanv nabalitaan, ni wala rin namang sinasabi si Van sa kanila noong mga unang araw, kaya ang malaman at marinig bigla na divorced na sila at may relasyon si Van at si Belinda, talagang hindi niyaa kayang maniwala sa salita lang ni Van at Belinda, lalo na at ayaw naman ni Gray na maging kabit ang pinsan niya.Naguguluhang kinuha ni Warren ang cellphone at talaga namang kunot-noo habang mabagal na binuksan an
Napaayos si Cheska sa pagkakaupo nang mapansing malapit na sila at dahil naka kotse si Azrael, hindi naman pwedeng ipasok niya ito at ayaw din ni Cheska na makakuha ng attention gayong paniguradong makakarating ito sa mama niya kaya naman sa kanto pa lang ay agad na niyang sinabihan si Azrael na itigil na ang kotse.Tatanggalin sana ni Cheska ang Office coat ni Azrael na suot niya para isauli na, pero bago pa matanggal ni Cheska ay agad nang nagsalita si Azrael."What? Balak mong maglakad pauwi na ganyan ang damit? Sinuot ko yan sayo para may pantakip ka ng katawan tapos tatanggalin mo?"Napanguso si Cheska sa narinig."Kung sana kasi hindi mo ako initusang magpalit, diba? Tapos ngayon ayaw mong maglakad ako ng ganoon ang damit. Talaga lang, ha?" Sarkastikong ani ni Cheska at hindi na tinuloy ang pagtanggal sa office coat ni Azrael."Why don' you just do everything I said without saying anything? ha?" Napairap si Cheska.“Salamat sa paghatid—” Sambit na lang nito, pero natigilan si Che
Chapter 17 “Bitawan mo nga ako!” Inis na ani ni Cheska kay Azrael nang patuloy siya nitong hinila papalabas at papunta sa parking lot. And Cheska successfully pulled her hand. Nang tignan siya ni Azrael, tinignan niya ito ng masama. “Ano bang problema mo at ang init-init ng ulo mo?” Umigting ang panga ni Azrael at saka pumikit ng mariin. "You!" "Me?" Takang tanong ni Cheska. Hindi niya lubos alam kung bakit subrang init ng ulo ni Azrael. Oo at inaasar niya ito kanina, pero tama na bang rason iyon para maging ganito kagalit? "Yes, you! because you have a plan on drinking that alcohol!" Umawang ang labi ni Cheska. "Seryoso ka ba? Doon ka talaga nagagalit ng ganyan?" Hindi makapaniwalang tanong no Cheska. Pinanood ni Cheska kung paano hinilot ni Azrael ang sintido niya bago magsalita. “I told you not to get that drink, pero plano mo paring kunin—” “Malamang! Anong gusto mo? Pahirapan ko pa iyong waiter? Tapos ano? Mawawalan siya ng trabaho dahil lang sa hindi ko tinanggap
Chapter 16Hindi makapaniwalang tinitigan ni Cheska si Azrael, ang isang kilay niya ay bahagyang nakataas habang pilit niyang inuunawa ang ikinikilos nito. Kanina lang ay nakaupo ito sa kabilang dulo ng sofa, pero ngayon ay nasa tabi na niya—nakaakbay pa na parang walang pakialam sa mundo. Hindi niya maiwasang magtaka sa biglaang pagbabago ng mood nito.“Problema mo?” tanong ni Cheska, at sa hindi mawaring dahilan, halos matawa na siya sa inasal ng binata.“Hindi kita pinapasweldo para magtanong. Just stay quiet and sit beside me,” mariin at masungit na sabi ni Azrael.Napanguwi si Cheska sa narinig dahil kailan ay subrang sungit nito, pero hindi maintindihan ni Cheska ang sarili kung bakit niya tinanggal ang kamay ni Azrael.Kung ibang lalaki siguro ang lumapit sa kanya nang ganito kalapit, malamang ay siniko na niya ito, o kaya’y nasapatusan. Pero sa halip na gawin iyon, napahinga lang siya nang malalim at pinagmasdan ang iritadong ekspresyon ni Azrael—ang nakakunot nitong noo, ang
Chapter 15Gusto pang magmatigas ni Cheska dahil para sa kanya ay hassle ang magpalit pa ng damit gayong para sa kanya ay maayos naman na ang damit na suot, pero wala naman siyang magagawa gayong boss naman niya ang nagsabi at nag-utos. At saka kahit naman binabara bara niya iyon at sinsagotsagot ay takot pa rin ito na baka biglang magbago ang isip nito. Plano din kasi ni Cheska na kausapin si Azrael tungkol sa pagpapagamot ng kapatid niya kaya talagang hindi niya maipagkakailang masaya siya sa pagtawag nito.Matapos ang ilang minutong paghihintay, dumating na ang damit na ipinadala ni Azrael. Walang nagawa si Cheska kundi isuot ito, kahit pa ramdam niyang hindi niya ito kailanman isusuot kung siya ang masusunod.Paglabas niya mula sa restroom, agad niyang naramdaman ang kakaibang pakiramdam ng telang bumabalot sa katawan niya. Isang itim na fitted dress ang suot niya—hapit na hapit ito sa kanyang katawan, dinidikitan ang bawat hubog niya sa paraang hindi siya sanay. Ang tela ay manipi
Chapter 14Hindi na nagpalit si Cheska ng damit. Kung ano ang suot niya kanina habang nasa kalsada kasama si Cris, iyon na rin ang dinala niya sa mamahaling bar kung saan siya pinatawag ni Azrael. Naka-itim siyang t-shirt na kupas at maluwag sa kanya, halos mahulog na sa balikat. Ang suot niyang shorts ay mukhang hiniram niya pa sa kung sinong lalaki—lampas tuhod at luma na rin. Naka-black cap siya, pero hindi nito tuluyang natakpan ang mahaba niyang buhok na nakalugay, bumabagay sa overall niyang pormang parang tambay sa kanto.At ngayon, habang naglalakad siya sa loob ng bar, hindi niya maipinta ang mga tingin na ipinupukol sa kanya ng mga tao roon. Napapailing si Cheska dahil parang nanliliit ang mga matang nakatingin sa kanya, na animo’y sa tingin pa lang ay sinasabi nang hindi siya bagay sa lugar na iyon.Napapalatak si Cheska. “Ano bang problema ng mga ‘to? Saka ano namang pake nila?” bulong niya sa sarili at medyo nakaramdam ng inis.Ang mga babae sa paligid ay nakasuot ng mga f
“Huhulaan ko, nag-away na naman kayo ng Mama mo, no?”Hindi tinignan ni Cheska si Cris nang marinig niya ang boses nito. Sa halip tignan ito, nanatili siyang nakatitig sa kalsada, pinagmamasdan ang walang-humpay na daloy ng mga sasakyan. Ang ilaw mula sa mga headlight ay sumasalamin sa kanyang mga mata, pero hindi iyon sapat para tabunan ang lungkot na nararamdaman niya sa lahat ng masasakit na salita mula sa kanyang ina.“Wala siya ngayon, pero kahapon, oo. Ano pa nga ba? Wala namang bago doon. Himala na lang siguro kung hindi kami mag-aaway o magtatalo ng isang araw. Palagi naman kasing mainit ang ulo niya.” Mahina at sarkastikong sagot ni Cheska, kasabay ng mapait na ngiti.Napabuntong-hininga si Cris at umiling. "Masyado ka kasing mabait sa Mama mo. Halos ikaw na lahat ang gumagawa ng pera para kapatid mo at pati sa pagsusugal ni Tita. Huwag mo namang hayaang abusuhin ka niya, Cheska.""Hindi ko naman kayang maging matigas, Cris. Mama ko iyon, eh. Kahit ganoon iyon, mama ko pa r
Chapter 12Zara. Iyon ang pangalan ng kanilang ina.Palaging ganoon ang ina ni Cheska sa kanilang magkapatid. Sa kabila ng pagsusumikap ni Cheska na makatulong sa gastusin, puro masasakit na salita lang ang natatanggap nila mula sa kanilang ina at paulit ulit na panunumbat na walang katapusan.Paulit-ulit na binabanggit ng kanyang ina kung paano siya nagsisisi na sumama sa ama nila noong maayos pa ang buhay nito. Para bang isang pagkakamali ang kanilang pagdating sa mundo. Palagi nitong pinaparamdam na sila ang mismong sumira sa buhay nito.Alam din ni Cheska na dating guro ang kanyang ina sa kanilang probinsya. Lagi nitong sinasabi na may ibang lalaking gusto sana niyang pakasalan noon—at kung siya raw ang nasunod, hindi sana naging ganito ang buhay niya. Isang masakit na katotohanang palaging itinatanim sa isip ni Cheska, na para bang kasalanan nilang magkapatid kung bakit ganoon ang sinapit ng kanilang ina.“A-Ate, magpapagamot na po ako?”Kitang-kita ni Cheska ang pagningning ng mg
Chapter 11“Gwapo sana, kaso ang gago-gago niya.”Napabuntong-hininga si Cheska habang nakatitig sa hawak niyang cellphone. Napapailing na lang siya sa inis at halo halong nararamdaman niya. Hindi niya alam kung bubuksan ba niya ito o hindi—baka kasi may makita na naman siyang hindi niya magugustuhan. Kahit pa pilit niyang iwaksi sa isip ang nakita niya, patuloy itong bumabalik, paulit-ulit, na parang isang sirang plaka ang narinig niya kanina na talaga namang paulit ulit na lang sa isip ni Cheska.“Nagbibigay ng cellphone, tapos may nagbebembangan? Kinikilabutan pa rin ako. Ang gandang cellphone tapos may b0ld. Tanga na, gago pa. Paano na lang kung si Tita Daviah ang nakakuha at nagbukas ng phone? Ang tanga niya, sobra.”Napapailing siya habang kinakausap ang sarili at alam din naman niya na mukha na siyang tanga habang kausap ang sarili, pero talagang hindi niya mapigilan ang sarili. Hindi lang inis ang nararamdaman niya—may halong kilamot talaga. Hindi niya inakalang makakakita siya
Chapter 10"Iha, pasensya na kung marami kami ngayon dito. I am really just happy that my son already has a girlfriend, kaya talagang sinabihan ko ang lahat tungkol sayo. Mas marami pa sana ito kung hindi lang nasa ibang bansa at busy ang iba. And also, my husband is not here dahil may dinaluhang meeting, kaya hindi mo siya makikilala ngayon."Halos nawala lahat ng tapang ni Cheska nang makita niya kung gaano karami ang pamilya ni Azrael. Mukhang alam na ni Cheska kung bakit ganito kalaki at kalawak ang condo ni Azrael—dahil kung maliit ito, hindi sila magkakasya lahat."O-Okay lang po at saka m-masaya naman po akong makilala kayo," sinubukan ni Cheska na ngumiti at maging normal ang kilos, pero halos hindi niya magawa nang mabuti dahil alam naman niya sa sarili niya na hindi totoo ang lahat ng ito.Nang matapos sabihin ni Cheska iyon, agad siyang dinumog at nagpakilala isa-isa. Ang iba ay sabay-sabay pa nga sa pagsasabi ng pangalan, kaya halos wala nang matandaan si Cheska sa mga pang