CHAPTER 82Sumapit na nga ang kaarawan ng ama ni Aira. Maaga silang dumating na mag asawa sa bahay ng mga magulang ni Aira dahil doon gaganapin ang naturang party. Malaki at malawak din naman kasi ang bakuran ng bahay ng mga magulang ni Aira kaya doon na lamang ginusto ng kanyang ama na idaos ang party neto."Happy birthday dad," bati ni Aira sa kanyang ama ng makalapit sila sa pwesto neto. Kasama pa neto ang kanyang ina. Humalik din muna sya sa pisngi ng kanyang mga magulang "Salamat hija," sagot ni Ramon."Happy birthday dad," bati rin ni Vin sa ama ni Aira saka sya nagmano sa mga magulang ni Aira."Salamat hijo," sagot naman ni Ramon."Nasaan pala ang mommy mo Dave? Hindi ko pa sila nakikita?" tanong ni Cheska kay Dave."Baka po parating na rin po sila mommy," sagot ni Dave. Tumango tango naman si Cheska rito."O sya sige dito na muna kami ha. Mag iikot ikot. Enjoy the party," sabi ni Ramon saka sila umalis na mag asawa para puntahan ang iba pa nilang bisita. Naiwan naman sa pwest
CHAPTER 83Sa lamesa naman nila Aira ay naghihintay si Dave sa pagbalik ni Aira. Nagtataka pa si Dave dahil ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin bumabalik ang kanyang asawa. Tatayo na sana sya pero biglang dumating si Trina."O nasaan si ate?" tanong ni Trina kay Dave."Nag CR lang. Pabalik na rin yun," sagot ni Dave at hindi man lang nya tiningnan si Trina."Kumusta ka naman? Masaya ka na ba ngayon?" tanong ni Trina rito."Trina please. Let's move on. Wag mo ng ungkatin pa ang nakaraan at maging masaya na lamang tayo ngayon sa buhay natin," sagot ni Dave. Napipilan naman si Trina at naikuyom na lamang nya ang kamay nya sa ilalim ng lamesa."Sorry. Gusto lang naman kitang kumustahin," sagot ni Trina. Hindi naman na sya pinansin pa ni Dave.Ilang minuto pa ang nakalipas ay hindi pa rin bumabalik si Aira kaya nagpapalinga linga si Dave dahil baka may kausap lang ang kanyang asawa kaya hindi eto kaagad nakabalik pero hindi nya eto nakita kaya hindi na rin sya nakatiis at tumayo
CHAPTER 84Lihim naman na napapangiti si Trina dahil sa mga nangyayare ngayon dahil umaayon ang lahat sa plano nya.FLASHBACKAgad naman na linapitan ni Paulo ang walang malay na si Aira. Winahi pa nya ang buhok na nakatabon sa mukha neto saka nya eto pinakatitigan."Maganda rin etong kapatid mo na to ha. Makinis rin kagaya mo," sabi ni Paulo at hinaplos pa nya ang pisngi ni Aira. Nahampas naman ni Trina ang braso ni Paulo dahil sa ginagawa neto kay Aira."Tsk. Tumigil ka nga dyan. Sige na maghubad ka na at tumabi ka na sa kanya," utos ni Trina kay Paulo. "Ako na ang bahalang maghubad kay ate," sabi pa ni Trina at dali dali na nyang hinubaran ang ate Aira nya. Wala syang itinira kahit isang saplot sa katawan neto. Kinumutan din naman nya kaagad ang ate Aira nya. Tumabi na rin naman si Paulo kay Aira at hubo't hubad na rin eto."Wag kang aalis dyan ha. Hintayin mong makabalik ako," sabi ni Trina. "Binabalaan kita Paulo wag mong gagalawin yang si ate Aira kung ayaw mong magalit ako say
CHAPTER 85Nang maiwan naman sila Aira sa silid ay galit na binalingan ni Aira ang lalakeng hindi naman nya talaga kilala."Sino ka ba talaga ha? Bakit mo ginagawa eto? Hindi mo ba alam na nakakasira ka na ng buhay ng ibang tao? Anong dahilan mo bakit mo ginagawa eto?" sunod sunod na tanong ni Aira sa lalake at hindi na nya napigilan pa na paghahampasin eto. Hindi naman nagsasalita ang lalake at nanatiling tahimik pa rin."Magsalita ka. Anong relasyon mo sa anak ko? Bakit ka narito sa pamamahay ko?" sabat na ni Ramon."Pareho naman nating ginusto eto Aira diba? Bakit ngayon nagagalit ka sa akin," sabi ng lalake. Nanlaki naman ang mata ni Aira dahil sa sinabi ng lalake."Anong pinagsasabi mo dyan? Ni hindi nga kita kilala tapos sasabohin mong ginusto. Baliw ka ba?," sigaw pa ni Aira. Napapahilot na lamang sa sintido nya si Ramon dahil imbes na magsaya sila ngayong kaarawan nya ay ganito pa ang nangyayare mabuti na lamang talaga at hindi sila naririnig ng mga nasa labas at tuloy pa rin
CHAPTER 86Pagkalabas ni Dave ng bahay ng mga magulang ni Aira ay dali dali syang pumunta sa kanyang kotse. Napansin pa nya na nakasunod si Trina sa kanya."Bumalik ka na roon Trina," utos ni Dave kay Trina."No. Sasamahan kita dahil baka kung ano pa ang gawin mo," sagot ni Trina at kusa na etong sumakay sa kotse ni Dave. Wala naman ng nagawa pa si Dave at hinayaan na lamang nya si Trina dahil wala syang balak na makipagtalo pa rito.Agad na dumiretso sa isang bar si Dave. Sinusundan pa rin sya ni Trina pero hindi nya eto kinakausap. Napaparami na ng inom si Dave kaya inaawat na eto ni Trina. Hindinnaman nagpaka inom si Trina sadyang sinamahan nya lang si Dave rito dahil alam nyang magpapakalasing eto dhil sa mga nangyare kanina."Dave tama na yan. Masyado ng marami ang naiinom mo," saway ni Trina kay Dave."Bitawan mo akooo. Kaya ko paaa. At gusto kong magpakalashing ngayon," sagot ni Dave na lasing na lasing na dahil sa dami ng nainom neto."Dave please tama na yan," sabi ni Trina s
CHAPTER 87Kinabukasan ay nagising si Dave na masakit ang kanyang ulo. Inilibot pa nya ang kanyang paningin dahil hindi pamilyar sa kanya ang lugar kung nasaan sya ngayon. Nagulat pa sya ng pagtingin nya sa tabi nya ay naroon si Trina at mahimbing pa na natutulog.Ipinikit pa nya ng mariin ang mata nya saka sya napabangon."Gising ka na pala," sabi ni Trina. Hindi naman nag abala si Dave na lingunin si Trina."Nasaan ako? Paano ako napapunta rito?" tanong ni Dave habang hawak nya ang kanyang ulo dahil nasakit iyon."Nasa hotel tayo. Lasing na lasing ka na kasi kagabe at alam ko na baka magtalo lamang kayo ni ate Aira kaya hindi na muna kita inuwi sa inyo," pagdadahilan naman ni Trina."Ganon ba. Pasensya na naabala pa ata kita," sagot ni Dave."Hindi naman Dave kahit kailan hindi ka magiging abala sa akin," sagot ni Trina saka sya umupo sa tabi neto at hinawakan ang isang kamay ni Dave. "Trina," saway ni Dave sa dalaga."Dave kitang kita mo naman siguro kung paano ka niloko ni ate Ai
CHAPTER 88Pagkahatid naman ni Dave kay Trina ay agad na nyang pinaharurot ang kanyang sasakyan pauwi sa kanilang bahay. Gustong gusto na nyang makauwi upang makaharap na nya ang kanyang asawa na nagtaksil sa kanya.Pagkarating nya sa kanilang bahay ay agad syang pumasok doon at hinanap ang kanyang asawa.Si Aira naman ay halos magdamag na naghintay sa pag uwi ni Dave. Mugto na ang mata nya kakaiyak dahil sa mga nangyare at hindi nya alam kung saan nagpunta ang kanyang asawa."Dave," agad na sabi ni Aira ng pumasok si Dave sa kanilang kwarto. Linapitan pa nya eto kaagad at akma nya sanang hahawakan ang kamay neto pero iniiwas ni Dave ang kamay nya rito."Dave makinig ka naman sa akin oh. Hindi ko talaga kilala ang lalake na yun. Maniwala ka sa akin. Hinding hindi ko kayang gawin ang bagay na yun sayo," humahagulohol na sabi ni Aira kay Dave."Hindi mo kayang gawin? Talaga ba Aira? Paano mo maipapaliwanag sa akin ngayon ang mga nakita ko? Paano kita paniniwalaan kung nakita mismo ng da
CHAPTER 89Pagkalabas naman ni Dave ng silid nilang mag asawa ay hindi na nya liningon pa si Aira kahit narinig nya na isinigaw neto ang kanyang pangalan. Hilam ng luha ang kanyang mata ng lumabas sya ng kanilang bahay at saka sumakay sa kanyang kotse. "AHHHHHHH," sigaw ni Dave sa loob ng kanyang sasakyan habang hinahampas ang manibela neto. Hindi na nya maintindihan ang nararamdaman nya ngayon dahil sa mga nangyayare sa kanilang mag asawa. Pinahupa nya muna ang kanyang galit bago sya nagpasya na umalis.Sa loob naman ng bahay nila Aira ay naiwang nakasalampak sa sahig si Aira habang walang tigil sa pag iyak. Hindi na nya alam ang gagawin nya dahil ayaw maniwala sa kanya ni Dave. Nang mahimasmasan si Aira ay lumabas na sya ng kwarto nila at saktong pagbaba nya ng hagdan nila ay dumating ang ina ni Dave. Nagulat pa sya ng bigla syang sampalin neto ng malakas kaya tigagal syang napatitig rito habang hawak ang pisngi na nasaktan."Paano mo nagawa eto sa anak ko Aira? Nagtiwala ako sayo
CHAPTER 537"Wag kang mag alala Amara dahil hinding hindi ko sasaktan o papaiyakin man lang si Charmaine," sabi ni Zeus kay Amara at saka nga nya inakbayan ang kanyang nobya na si Charmaine."Mahal na mahal ko ang babae na ito. Kaya naman wala akong balak na paiyakin sya. At kapag nangyare nga na umiyak si Charmaine ng dahil sa akin ay malugod kong tatanggapin ang parusa mo sa akin," dagdag pa ni Zeus habang nanatiling nakatingin sa mga mata ni Charmaine.Agad naman na napangiti si Amara dahil sa sinabi na iyon ni Zeus. Kilalang kilala na kasi talaga nya si Zeus at siguro nga rin ay nadala na ito sa nangyare sa kanilang relasyon noon kaya alam nya na hindi nito sasaktan si Charmaine."Aasahan ko yan Zeus. At sana nga ay maging masata kayo ni ate Charmaine," nakangiti pa na sabi ni Maara kay Zeus.Habang nag uusap usap naman silang tatlo roon at sakto naman na bumaba ang ina ni Amara na si Bianca."Charmaine narito ka na pala hija," nakangiti pa na sabi ni Bianca kay Charmaine at hindi
CHAPTER 536Mabilis naman na lumipas ang mga araw at buwan at naasikaso naman ni Amara ang lahat ng kakailanganin nila sa kasal nila ni Dylan.Talagang sya ang naging punong abala sa kanilang kasal ni Dylan dahil gusto nya na maging perfect talaga ang kasal nila ni Dylan dahil minsan nga lamang naman daw ikasal kaya gusto nya na maging maayos nga talaga ito.Tatlong araw na nga lamang din at araw na nga ng kasal nila Dylan at Amara at halos hindi pa nga rin makapaniwala si Amara na ikakasal na nga talaga sila ni Dylan dahil parang kelan lang ay pinapangarap nga lang nya ang lalaking ito at ngayon nga ay magiging asawa na nya ito sa wakas.Ngayong araw nga ay nakatakdang dumating ng bansa ang pinsan ni Amara na si Charmaine na nakasama nya noon sa London kaya naman ipinasundo nya na lamang nga nya ito sa airport at nagpahanda na rin talaga sya ng makakain nga nila pagdating ni Charmaine.Habang abala nga si Amara na tumuling da paghahanda ng lamesa ay lumapit nga ang isang kadambahay n
CHAPTER 535Mabilis naman na lumipas ang mga araw at namanhikan na rin nga kaagad sila Dylan sa pamilya ni Amara at napagkasunduan nga nila sa limang buwan mula ngayon magaganap ang kasal nila Dylan at Amara.Madalas naman na abala nga nagyon si Amara sa pag aasikaso pra sa kanilang kasal ni Dylan. Inuna na rin nga muna nya ito kesa sa maghanap na muna ng trabaho dahil gusto rin naman nya kasi na maging maayos nga ang kanilang kasal at oinili rin talaga nya na sya ang mag aasikaso rito kaya naman abalang abala talaga sya palagi.Ngayon nga ay pupunta sila Amara at Dylan sa isang reataurant para sa kanilang food tasting at pagkatapos nga nila rito ay puounta naman nga sila sq boutique kung saan nga sila nagpagawa ng kanilang susuotin para sa kanilang kasal.Nasa byahe naman na nga sila ngayon na dalawa at papunta na nga sila sa reataurant pero dahil nga sa traffic ay narito pa nga rin sila sa daan hanggang ngayon at late na nga silang dalawa."Tsk. Ano ba naman yan? Bakit palagi na lam
CHAPTER 534"Salamat Amara. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Mahal na mahal na mahal kita Amara at ikaw lang at wala ng iba pa ang mamahalin ko habang buhay," sabi ni Dylan habang yakap yakap nga nya si Amara."Mahal na mahal din kita Dylan," sagot naman ni Amara habang yakap yakap nga rin niya si Dylan.Ilang minuto rin silang nanatili na magkayakap na dalawa bago nga tuluyang humiwalay sa pagkakayakap nya si Amara."S-saglit lang Dylan. Baka magalit sa atin sila mommy neto dahil kelan lang naman naging tayo diba? Hindi ba masyado naman yata tayong mabilis?" sabi ni Amara at nag aalala nga sya sa magiging reaksyon ng kanyang ina.Ngumiti naman si Dylan kay Amara at saka nga nya ito kinabig sa bewang at saka nya ito hinalikan sa noo."Wag mo ng alalahanin pa sila tito Gino at tita Bianca dahil alam ko naman na magiging masaya rin sila para sa ating dalawa," sagot ni Dylan kay Amara dahil kampanteng kampante talaga sya ngayon.Nito kasing mga nakaraang araw ay lingid sa kaal
CHAPTER 533Hindi naman maalis alis ang ngiti sa labi ni Amara habang titig na titig nga sya sa gwapong mukha ni Dylan habang nagsasayaw nga silang dalawa."Dylan hindi ko akalain na darating tayo sa punto na ganito. Ang buong akala ko kasi ay wala na talagang pag asa dahil ayaw mo nga sa akin. Pero tingnan mo naman ngayon at ikaw na ang nag aaya sa akin na makipag date na dati rati ay ako pa ang namimilit sa'yo na samahan ako sa pamamasyal," sabi ni Amara kay Dylan. Bigla nga kasi nyang naalala ang kanilang mga nakaraan na palagi nga nyang pinipilit ang binata na samahan siya da pamamasyal at pagdoshopping. At alam naman nya na napipilitan nga lamang ang binata ng mga panahon na yun na samahan nga siya.Napangiti naman si Dylan kay Amara dahil sa sinabi nito at naalala nga nya bigla ang pangungulit ng dalaga noon sa kanya "Sorry kung late ko na narealize ang halaga mo sa akin Amara. Hindi ko rin naman kasi akalain na mamahalin kita ng ganito dahil nga parang kapatid na ang turing k
CHAPTER 532Nagpalipas pa naman ng ilang oras doon sila Dylan at Amara bago nga sila nagpasya na pumunta sa restaurant na pinareserve ni Dylan para sa kanilang dinner date ni Amara ngayon.Nagpalit na lamang nga din muna ng damit si Amara bago nga sila pumunta sa restaurant dahil kanina pa nga nya talaga suot ang damit na iyon. At ganon din naman ang ginawa ni Dylan dahil may baon din nga itong damit na pamalit.Matapos nga nilang makapagpalit ng damit na dalawa ay agad na rin naman silang pumunta sa restaurant na hindi naman kalayuan doon sa amusement park na pinuntahan nila kaya saglit lamang din naman ang naging byahe nilang dalawa at agad na nga silang nakarating doon.Pagkarating nga nila roon sa restaurant ay nagtataka naman si Amara dahil halos wala ngang katao tao sa restaurant na iyon."Dylan sigurado ka ba na nagpareserve ka rito? Bakit parang wala yatang katao tao?" hindi na napigilang tanong ni Amara kay Dylan."Oo naman. Baka wala lang talaga masyadong tao ngayon kaya gan
CHAPTER 531Pagkababa ni Amara ng kanilang hagdan ay agad nga niyang nakita si Dylan na napakagwapo habang nakangiti sa kanya. Tumayo naman na si Dylan at agad na nga niyang sinalubong si Amara."Namiss mo ba ako kaagad?" biro pa ni Amara kay Dylan."Of course. Lagi kitang namimiss," nakangiti naman na sagot ni Dylan sa dalaga."Hello po tita Bianca," bati naman ni Dylan sa ina ni Amara at saka nga sya humalik sa pisngi nito."Mag iingat kayo sa lakad nyo ha. Dahan dahan sa pagdadrive Dylan," sabi naman ni Bianca."Opo tita. Mag iingat po kami," nakangiti naman na sagot ni Dylan."Sige po mom. Aalis na rin po kami ni Dylan," pagpapaalam.naman na ni Amara sa kanyang ina."O sige na. Lumakad na kayo para naman mas maenjoy nyo ang date nyo na iyan," sagot naman ni Bianca.Agad na rin naman na umalis sila Amara at Dylan doon at agad na nga dilang dumiretso sa isang amusement park sa Tagaytay.Mahigit isang oras lang naman ang naging byahe nilang dalawa bago silan nakarating ng Tagaytay.
CHAPTER 530Mabilis naman na lumipas ang isang linggo at sa loob nga ng isang linggo na iyon ay wala ngang palya si Dylan sa pagbisita kay Amara sa mansyon ng mga ito.Habang si Amara naman ay tuluyan ng nakarecover ang kanyang katawan kaya naman nagsisimula na nga rin syang maghanap ng trabaho dito sa bansa dahil wala na rin naman syang balak pa na bumalik ng London.Ang totoo nyan ay gusto nga sana ng kanyang ama na si Gino na sa kumpanya na lamang nila magtrabaho si Amara dahil marunong naman din talaga si Amara sa mga office work kaso nga lang ay ayaw nga ni Amara doon dahil mas gusto na nga lamang nya na maging nurse at ayaw rin kasi nya na maging boss dahil nga hindi talaga sya sanay sa ganoong pagtrato kaya naman hinayaan na lamang din sya ng kanyang mga magulang sa gusto nya.Ngayong araw nga ay mayroong date sila Amara at Dylan kaya naman maaga pa lamang ay naghahanda na si Amara ng kanyang sarili dahil excited na nga siyang lumabas kasama si Dylan.Habang nag aayos nga ng ka
CHAPTER 529"Hay naku. Sige na nga," sumusukong sagot ni Aira sa mga ito. "Basta Bianca si Amara ay para na kay Dylan ha," sabi pa ni Aira."Oo naman. Kayo pa ba? E mas kampante na ako sa inyong pamilya," sagot ni Bianca sa kanyang matalik na kaibigan.Maya maya nga habang nag uusap usap nga sila roon ay bumaba naman na si Amara mula sa kanyang kwarto at nagulat pa nga sya ng makita nga nya na naroon na nga rin si Dylan."Tita Aira narito po pala kayo," sabi ni Amara at saka nga sya lumapit sa tita Aira nya at saka sya humalik sa pisngi nito."Yes hija narito ako dahil namimiss na kita. Kumusta ka naman na? At bakit ilang araw ka ng hindi nagpapakita sa akin?" sagot ni Aira kay Amara."P-pasensya na po t-tita Aira. M-masama po kasi ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw," pagdadahilan ni Amara sa tita Aira nya."Sumama ang pakiramdam? O masama ang loob?" nakataas pa ang kilay na tanong ni Aira sa dalaga.Nagulat naman si Amara sa sinabi ng tita Aira nya at para ngang bigla syang