CHAPTER 90Samantala naman pagkaalis ni Dave sa kanilang bahay ay dumiretso sya sa bahay ng kaibigan nyang si Gino."Ano ba kasing nangyare?" tanong ni Gino sa kaibigan dahil pagkarating neto ay nag aya na kaagad eto na mag inom kahit na mataas pa ang araw. Wala rin syang kaalam alam sa nangyare sa kaibigan. Ikinuwento naman ni Dave ang mga nangyare doon sa party. Gulat na gulat naman si Gino sa ikinuwento ni Dave."Sobrang sakit Gino ako pa mismo ang nakakita sa kababuyan nila ng lalake nya. Sana nagsabi na lamang sya na may iba na sya na hindi na nya ako mahal. Hindi yung ganito na napamahal na sya sa akin saka nya gagawin ang bagay na eto," sagot ni Dave matapos sumimsim ng alak."Ano ng plano mo ngayon?" tanong ni Gino."Hindi ko alam. Siguro mas mabuti na maghiwalay na lamang kami," sagot ni Dave kasabay ng pagpatak ng luha nya.. Napabuntong hininga naman si Gino dahil naaawa sya sa kaibigan dahil ngayon nya lang eto nakita na magkaganito. Ngayon nya lang nakita na umiyak eto ng
CHAPTER 91AIRA POV"A-ano ito?" kandautal ko pa na tanong kay Gino saka ko dahan dahan na binuksan ang iniabot nya sa akin."A-annulment?" basa ko pa sa papel na hawak ko kasabay ng pagpatak ng aking mga luha. Kung gayon ay tinotoo nga talaga ni Dave na makikipaghiwalay eto sa akin."Pianapabigay lamang yan ni Dave kaya ako naparito. Aalis na rin ako Aira," rinig ko pa na sabi ni Gino bago eto umalis.Tigagal namang akong naiwan doon habang titig na titig ako sa hawak kong annulment paper. Tuloy tuloy rin ang pagpatak ng mga luha ko at parang biglang nanghina ang mga tuhod ko buti na lamang at mabilis na nakalapit sa akin si manang Hellen at saka nya ako inalalayan na makapasok sa loob ng bahay namin."Manang makikipaghiwalay na po sa akin si Dave. Manang hindi ko po kaya. Mahal na mahal ko po ang asawa ko," umiiyak na sabi ko kay manag Hellen na naging karamay ko ngayon."Kumalma ka muna hija," pag aalo ni manang Hellen sa akin."Manang gusto ko na po munang pumunta sa kwarto," sab
CHAPTER 92DAVE POVNaririto ako ngayon sa bahay ng kaibigan kong si Gino. Ilang araw na rin akong narito dahil mas kampante akong kasama ang kaibigan ko na eto ngayon. Ayaw ko namang umuwi sa bahay ng mga magulang ko dahil ayoko na makita nila ako sa ganitong sitwasyon.Ayaw ko rin munang umuwi sa bahay namin ni Aira dahil nasasaktan pa rin ako sa mga nangyayare sa aming dalawa dahil hindi ko lubos maisip na magagawa iyon ni Aira sa akin. Mahal na mahal ko si Aira kaya napakasakit makita na may kasama syang lalake sa iisang kama at parehas pa silang nakahubad. Hindi ko lubos maisip na magagawa iyon sa akin ng asawa ko. Sa sobrang sama ng loob ko ay agad na akong nagpalakad sa attorney ko ng annulment paper naming mag asawa at hindi naman ako binigo ng attorney ko at agad nya rin iyong naisaayos at ibinigay sa akin.Hinihintay ko ngayon si Gino dahil inutusan ko etong puntahan si Aira at ibigay ang annulment paper. Balak ko rin umuwi bukas upang maka usap ko si Aira dahil kailangan di
CHAPTER 93THIRD PERSON POVPagkaalis ni Aira sa kanilang bahay ay dumiretso muna sya sa bangko para iwithdraw ang lahat ng pera nya dahil kailangan nya iyon para sa pagsisimula nya muli ng panibagong buhay. Mabuti na lamang talaga at may pera pa sya sa bangko na inipon nya noong hindi pa sila kasal ni Dave.Napag isip isip na kasi ni Aira na magpakalayo layo na muna sa pamilya nya dahil sa kahihiyan na idinulot ng lalakeng hindi naman nya talaga kilala.Pagkagaling ni Aira sa bangko ay agad na syang dumiretso sa bus terminal. Hindi pa nya alam kung saan sya pupunta kaya nagtingin tingin pa sya kung saan ang byahe ng mga bus na naroon. "Baguio," basa ni Aira sa nakapaskil sa isa sa mga bus na naroon. Yun ang unang pumukaw sa atensyon nya na bus kaya dun na lamang sya sumakay."Bahala na pagdating doon," sabi ni Aira sa kanyang isipan saka sya tuluyang sumakay sa bus na byaheng Baguio. Tanging isang maleta at isang hand bag lamang ang dala nya.Hindi naman nagtagal at umalis na rin an
CHAPTER 94Kinabukasan ay maaga namang nag ayos ng sarili nya si Dave. Balak na nyang umuwi sa bahay nila ni Aira. Gusto na nyang makausap ng ayos ang kanyang asawa. Pipilitin nyang intindihin ang mga sasabihin neto sa kanya. Mahal naman nya si Aira sadyang masakit lamang sa kanya ang mga nasaksihan nya kaya sya nagpalipas muna ng sama ng loob at hindi muna eto kinausap."Uuwi ka na sa inyo?" agad na tanong ni Gino kay Dave ng makababa eto ng hagdan. Tumango tango naman si Dave rito."Oo. Uuwi na ako. Siguro ay tama ka nga Gino na kailangan kong kausapin ang asawa ko. Napag isip isip ko kagabe na mahal ko si Aira kaya dapat ko rin naman syang pakinggan," sagot ni Dave."Mabuti naman at napag isip isip mo ang bagay na yan. Ramdam ko naman na mahal ka rin ni Aira dahil hindi ka rin naman nya ipaglalaban kung hindi ka nya mahal. Sige good luck sana ay maayos nyo pang mag asawa ang problema nyo na iyan," sabi ni Gino at tinapik tapik pa nya sa balikat si Dave."Salamat sa pagpatuloy sa ak
CHAPTER 95Pagkarating ng bus na sinasakyan ni Aira sa terminal neto sa Baguio ay agad na rin syang bumaba. Ilang oras din ang byinahe ni Aira at halos natulog lamang sya buong byahe.Pagkababa nya ay naglakad lakad pa sya at nagtingin tingin sa paligid dahil balak nyang maghanap muna ng bahay na pwede nyang matirhan dito.Habang naglalakad lakad si Aira ay bigla syang natakam sa nagtitinda ng singkamas sa tabi tabi roon kaya agad syang napabili. Kakainin na sana nya iyon pero naalala nya ay wala pa palang laman ang tyan nya. Iniisip nya na baka samain ang tyan nya kaya pinigilan na muna nya ang sarili nya na kainin iyon kahit na parang naglalaway na sya sa singkamas.Naghanap na rin muna sya ng pwede nyang makainan para naman may lakas sya sa paghahanap ng pwede nyang matuluyan. Hindi pa sya pamilyar sa lugar kaya mahaba habang lakaran ang kailangan nyang gawin ngayon. Ramdam na rin nya kasi ang panghihina ng katawan nya dahil na rin siguro sa ilang araw syang hindi nagkakakain. Naka
CHAPTER 96Kinabukasan ay mataas na ang araw ng magising si Aira. Dahil siguro sa pagod nya ay napasarap talaga ang tulog nya at kung hindi pa sya nakaramdam ng gutom ay hindi pa sana sya babangon. Napatingin naman sya sa mga pinamili nya kahapon dahil hindi pa nya iyon naaayos at itinabi na lang nya muna iyon lahat kagabe."Hay. Kailangan ko ng kumilos. Walang mangyayare sa akin kung tutunganga lang ako rito," kausap ni Aira sa kanyang sarili. Nag inat inat pa sya ng kanyang katawan bago sya nagpunta sa CR para makapagligo dahil binabanas sya kahit na malamig naman ang klima roon sa Baguio.Pagkatapos ni Aira na makapagligo at makapag ayos ng kanyang sarili ay nagpasya na muna syang lumabas para maghanap ng makakain dahil hindi pa sya nakakabili ng lutuan kaya no choice sya kundi ang lumabas upang humanap ng maaaring makainan. Agad na rin naman na bumalik si Aira sa kanyang tinutuluyan pagkatapos nyang kumain. Inayos na rin nya kaagad ang mga gamit na pinamili nya. Halos maghapon na
CHAPTER 97"May balita ka na ba kung nasaan ang asawa mo?" tanong ni Gino kay Dave. Andito sila ngayon sa bahay ni Gino. Pumunta si Dave roon para may makausap naman sya."Wala pa nga e. May initusan akong maghanap sa kanya pero wala pa ring balita. Siguro hayaan ko na lamang muna si Aira dahil baka nagpapalamig lamang sya at uuwi rin sa akin o di kaya ay sa mga magulang nya," sagot naman ni Dave saka sya uminom ng alak. Tumango tango naman si Gino dahil sa sinabi ni Dave."Sana nga bumalik na si Aira para magkausap na kayo," sagot ni Gino. "Nga pala balita ko madalas na raw kayong magkasama ni Trina ngayon ah. Anong balita sa inyong dalawa?" tanong pa ni Gino."Oo madalas na kaming magkasama ngayon ni Trina at minsan nga ay sa bahay pa sya natutulog. Pinapauwi ko naman kaso ay ayaw naman makinig sa akin," sagot ni Dave."Tsk. Mukhang malakas pa ang tama ng isang yon sayo ah. Anong balak mo ngayon?" sagot ni Gino."Hindi ko pa alam Gino. Naguguluhan pa rin ako. Hindi ko alam kung nas
CHAPTER 521Titig na titiig naman si Amara kay Dylan at nagtataka nga siya sa sinasabi nito. Ang alam nya kasi ngayon ay ikakasal na ito sa iba kaya bakit nga ito mag aalala pa sa kanya ng ganito."Bakit? Para saan pa?" tanong ni Amara kay Dylan. "Ang mabuti pa ay pabayaan mo na lamang ako Dylan. Wag mo na akong alalahanin dahil lilipas din naman ito at makakalimutan din naman kita. Sadyang nagpapalipas lamang ako ng nararamdaman kong ito at darating ang araw na makakalimutan ko na rin ang nararamdaman ko para sa'yo dahil siguro nga ay hindi talaga tayo para sa isa't isa," dagdag pa ni Amara kasabay ng pagpatak ng kanyang luha dahil sa sobra talaga syang nasasaktan sa mga nangyayare sa kanila ni Dylan. Agad din naman ng pinunansan ni Mara ang kanyang luha dahil ayaw nyang makita ni Dylan na umiiyak sya ng dahil dito."Hindi ko maaatim na pabayaan ka na lamang ng ganyan Amara," sagot ni Dylan at saka sya naupo sa kama ni Amara para magpantay sila ng dalaga at saka nga nya hinawakan ang
CHAPTER 520Pagkabukas nga ni Bianca ng pintuan ng silid ni Amara ay medyo madilim nga roon dahil dim light lamang ang nakabuhay na ilaw nito at sarado pa nga ang nga bintana nito kahit na mataas na ang araw pero agad din naman nilang nakita na nakahiga nga si Amara sa kama nito at nakakumot pa."Mom mamaya na lamang po ako kakain," mahinang sabi ni Amara ng marinig nga nya na nagbukas ang pinto ng kanyang silid. Wala naman kasing ibang pumapasok roon ng basta basta na lamang kundi ang kanyang ina at si Amanda lamang pero sa mga oras nga na ito ay alam nyang wala ang kanyang kapatid kaya alam nyang ang kanyang ina ang nagbukas noon. Alam nya rin na hindi naman puounta ng ganoong oras ang kanyang ama dahil alam nya na nasa opisina nga ito.Magsasalita na nga sana si Bianca ng bigla nga syang pigilan ni Dylan at sinenyasan sya nito na wag sasagot kaya hindi nga sya nagsalita at tumango na nga lamang sya kay Dylan. Nagpasya na rin si Bianca na lumabas na muna at hayaan na lamang muna nya
CHAPTER 519"Nasa kanilang mansyon lamang si Amara sabi ng tita Bianca mo at ilang araw na daw itong nagmumukmok doon simula ng malaman nga nito na ipagkakasundo ka namin sa ibang babae. Mukhang nasaktan natin ang damdamin ni Amara anak," malungkot pa na sagot ni Aira kay Dylan."Mom gusto ko po syang puntahan. Kailangan ko po syang makausap para malaman nya ang totoo. Kailangan nyang malaman na hindi nyo po ako ipinagkasundo at hindi ako ikakasal sa ibang babae," sabi ni Dylan sa kanyang ina at hindi na nga nya napansin pa ang pagpatak ng kanyang luha at luha ito sa sobrang saya dahil sa mga nalaman nya."Gusto ko pong sabibin kay Amara ngayon kung gaano ko po sya kamahal mom," dagdag pa ni Dylan.Agad naman na napangiti si Aira dahil sa sinabi ni Dylan at pinunasan pa nga nya ang luha ni Dylan na lumandas sa pisngi nito gamit ang kanyang kamay."Alam ko naman kung gaano mo kamahal si Amara anak kaya hinding hindi kita pipigilan na kausapin sya ngayon," nakangiti pa na sbai ni Aira a
CHAPTER 518Pagkarating ni Aira sa kanilang mansyon ay agad na nga nyang hinanap muna ang kanyang asawa na si Dave upang sabihn dito ang mga napag usapan nila ni Bianca at kahit ito nga ay nagulat din sa mga sinabi ni Aira.Matapos nilang mag usap na mag asawa ay agad naman ng pinuntahan ni Aira ang kanyang anak na si Dylan sa silid nito dahil hindi pa nga ito pumapasok sa opisina pero nagulat na lamang sya ng pagpasok nya sa silid nito ay nakasuot na nga ito ng pang opisina nitong damit at mukhang paalis na nga ito."Anak saan ka pupunta? Papasok ka ba sa opisina ngayon kahit tanghali na?" kunot noo pa na tanong ni Aira kay Dylan.Lumapit naman si Dylan sa kanyang ina at saka sya humalik sa pisngi nito at bago nga sya magsalita ay bumuntong hininga pa nga muna ito."Yes mom. Kailangan ko po kasing pumunta sa opisina ngayon dahil may mga kailangan po akong pirmahan na mga dokumento," sagot ni Dylan at halata mo nga sa kilos nito na para bang ayaw pa nitong pumasok sa opisina.Bumunyo
CHAPTER 517"Kung ganon ay talagang ipinagkasundo nyo na nga talaga si Dylan sa ibang babae?" tanong pa ni Bianca at labis nga syang nalulungkot sa isipin na iyon at nalulungkot nga sya para sa kanyang anak na si Amara.Dahan dahan naman na tumango si Aira kay Bianca habang may mapait na ngiti sa kanyang labi."Oo Bianca. Hindi ko kasi kaya na makita na nagkakaganoon si Dylan. Kaya kahit na ayaw ko sana sa mga arrange marriage na yan ay napilitan na lang din ako kung yun ang makabubuti para sa anak ko," sagot ni Aira.Napabuntong hininga naman si Bianca dahil sa sinabi ni Aira at saka sya dahan dahan na tumango dahil naiintindihan naman nya kung bakita nga ito nagawa ng kanyang kaibigan."Kung gayon ay ikakasal na pala talaga si Dylan," malungkot na sabi ni Bianca."Hindi pa Bianca. Hindi pa naman talaga sigurado iyon. Dahil nung nanggaling si Amara sa amin ay parang bigla akong nagdalawang isip kaya ang sabi ko sa mga Asuncion ay mas maganda na magkakilanlan na nga muna ang dalawa. k
CHAPTER 516"Nagpaubaya na lamang kasi si Zeus. Sya na rin ang kusang lumapit sa amin noon at kinausap nga nya si Amara tungkol sa kanilang relasyon. At doon nga ay maayos na nilang tinapos na dalawa ang kanilang relasyon. Ramdam ko na mahal na mahal ni Zeus ang anak ko pero sabi nga nya ay gusto nyang maging masaya si Amara kaya magpapaubaya na lamang sya dahil alam nya na hindi na nga siya ang mahal ng anak ko. Nakakahanga ang ginawa na iyon ni Zeus at bihira sa lalaki ang ganoon katapang na papakawalan ang taong mahal nya para lamang lumigaya ito," pagkukwento pa ni Bianca."A-anong ibig mong sabihin Bianca?" nauutal pa na tanong ni Aira sa kanyang kaibigan at tila ba hindi sya makapaniwala sa mga sinabi ng kanyang kaibigan."Hiwalay na sila Zeus at Amara. Gusto ni Zeus na maging masaya si Amara kaya pinalaya na nya ang anak ko," sagot ni Bianca. "Matapos ng araw na iyon ay masayang masaya nga ang anak ko at excited na excited na nga syang makaharap muli si Dylan dahil alam nga nya
CHAPTER 515Hindi naman kaagad nakasagot si Bianca dahil pinag iisipan nga nya kung tama ba na sabihin nya kay Aira ang tungkol sa pinagdaraanan ng kanyang anak na si Amara."Bianca sabihin mo na sa akin iyan dahil alam ko na may problema kayo. Parang anak na rin ang turing ko kay Amara at alam mo yan. Kaya naman sabihin mo na kung ano yan dahil hindi talaga ako mapapakali neto," sabi pa ni Aira ng hindi pa rin nagsasalita ang kanyang kaibigan."H-hindi na kasi matutuloy ap ang kasal nila Amara at Zeus," sabi ni Bianca.Napakunot naman kaagad ang noo ni Aira at nagtataka sya sa sinasabi ng kanyang kaibigan ngayon."Hindi matutuloy? Bakit? Anong nangyare? Akala ko ay abala sya sa pag aasikaso sa kanyang kasal kaya hindi sya napunta ulit sa akin," sunod sunod pa na tanong ni Aira kay Bianca.Bumuntong hininga naman si Bianca at saka nga nya sinimulan ng magkwento sa kangang kaibigan."Oo hindi na matutuloy pa ang kasal nila Amara at Zeus. Nagdadalawang isip kasi talaga si Amara sa pagpa
CHAPTER 514Habang abalang abala naman si Bianca sa kanyang mga halaman ay lumapit nga sa kanya ang kanilang kasambahay kaya naman napatingin nga sya rito."Ma'm Bianca may bisita po kayo," sabi ng kasamabhay kay Bianca."Sinong bisita ko?" kunot noo na tanong ni Amara sa kanilang kasambahay dahil wala naman siyang inaasahang bisita na darating ngayong araw."Si ma'm Aira po," sagot ng kanilang kasambahay.Nagulat naman si Bianca sa sinabi ng kanilang kasambahay dahil hindi nya inaasahan ang pagdating ng kanyang kaibigang si Aira ngayon. Matagal tagal na rin kasing hindi nya nga ito nakakausap man lang."Sige papasukin mo na lamang sya at ihatid mo rito sa garden," nakangiti naman na sagot ni Bianca.Tanging pagtango lamang naman ang naging tugon ng kanilang kasambahay. At ng tuluyan na nga na umalis ito ay isa isa na nga na tinanggal ni Bianca ang kanyang suot na gloves at itinabi na rin muna nya ang gunting na ginagamit nga niya kanina."Kumusta ka naman? Bakit hindi ka na man lang
CHAPTER 513Ilang araw na rin ang nakalilipas simula ng malaman ni Amara ang tungkol kay Dylan na ipapakasal na nga ito sa ibang babae.Sa nakalipas na mga araw na iyon ay wala namang ibang ginawa si Amara kundi ang magmukmok sa kanyang silis.Ilang beses na syang inaya ng kanyang kapatid na mamasyal pero lagi nga itong tinatanggihan ni Amara at ang lagi nga nitong sagot ay wala pa syang gana na lumabas ng kanilang bahay.Kagaya nga ngayon ay pinuntahan nga ni Amanda ang ate Aira nya upang ayain na pumunta sa mall."Ate Amara ilang araw ka ng nagmumukmok dito. Lumabas ka naman kahit ngayon lang. Ni hindi ka na nga ata nasisikatan man lang ng araw," pangungulit ni Amanda sa ate Amara nya. "Hindi ako sanay na ganyan ka ate. Kaya sige na sumama ka na sa akin na mamasyal kahit ngayon lang ate. Please," dagdag pa ni Amara.Ilang araw na rin talaga kasing hinahatiran lamang ng pagkain si Amara sa kanyang silid dahil hindi talaga ito lumalabas doon. Palagi lamang nga itong nakahiga at umiiya