CHAPTER 41Patuloy naman na nagaganap ang party ni Divina. Hindi naman mabura bura ang ngiti neto sa kanyang labi."Sobrang saya mo yata ngayon sa party mo a," saad ni Clint sa kanyang asawa dahil kanina pa nya napapansin na parang kakaiba ang ngiti neto."Of course. Sobrang saya ko talaga ngayon," sagot ni Divina sa kanyang asawa."I see. Pero parang may iba talaga sa iyo e," sabi ni Clint na napapakamot pa sa kanyang ulo."Masayang masaya lamang ako ngayong gabi dahil baka matupad na ang aking wish ngayong birthday ko," sagot ni Divina."Ano ba kasi ang wish mo?" Tanong ni Clint sabay sumimsim ng wine."Simple lang naman ang hiling ko. At yun ay ang magka apo na sana tayo," sagot ni Divina. Kamuntik naman na maibuga ni Clint ang kanyang nainom na wine buti na lamang at napigilan nya iyon. " Nagsisimula pa lang magkakilanlan sila Dave at Aira. Wag mo munang ipressure yung dalawa. Alam ko naman na excited ka ng magka apo kahit naman ako gusto ko ng magka apo pero hintayin na lamang
CHAPTER 42 Kinaumagahan naman ay nagising si Aira na tila ba sobrang sakit ng katawan nya. Pagdilat ng mata nya ay nagulat pa sya dahil magkayakap pa sila ni Dave habang mahimbing pa etong natutulog kaya naitulak nya eto sa dahil sa gulat."Aray! Ano ba? Bakit ka ba nanunulak?" Sabi ni Dave na nanatling nakapikit ng itulak sya ni Aira dahil malakas pa iyon."Anong ginawa mo sa akin. Ahh--" sabi ni Aira at napadáîng pa sya dahil ng kumilos sya ay naramdaman nyang kumikirot ang nasa pagitan ng kanyang mga hita. Napadilat naman si Dave nang marinig nya na dumàîng si Aira."Why?" tanong ni Dave at napakunot pa ang noo dahil nakita nya na nakapikit si Aira na tila ba nasasaktan.Bigla naman parang natauhan si Aira ng maalala nya na nakayakap sya kay Dave kanina. Bigla syang nagdilat ng mata at unti unting sumilip sa loob ng kumot at ganoon na lamang ang panlalaki ng mata nya ng makita nya na wala syang suot na pang ibaba napansin pa nya na malaki ang suot niyang t shirt at alam nyang hind
CHAPTER 43Inuna naman na dalhin ni Dave ang mga gamit nila sa kanyang sasakyan bago nya binalikan si Aira para alalayan eto. Pagkababa nila nang hagdanan ni Aira ay lalabas na sana sila ngunit may biglang nagsalita sa likuran nila kaya natigilan sila."O saan kayo pupunta? Hindi pa tayo nag aagahan aalis na kaagad kayo?" Sabi ni Divina kila Dave at Aira. Napalingon naman ang dalawa kay Divina."Good morning mom," halos magkapanabay na sabi nila Aira at Dave at lumapit pa sila rito para makipagbeso. Pinilit naman ni Aira na makapaglakad ng ayos para hindi mahalata ni mommy Di ina nya na iika ika syang lumakad "Aalis na kaagad kayo?" tanong pa ulit ni Divina."Yes mom. Uuwi na po sana kami dahil medyo masama po ang pakiramdam ni Aira," sagot ni Dave sa ina dahil wala na syang maisip na idahilan dito pra maka alis na sila."Bakit? Anong nangyare sayo hija?" tanong ni Divina kay Aira at sinalat pa nya ang ulo neto. Pero sa isip isip nya ay alam nya ang totoong dahilan ng dalawa kung ba
CHAPTER 44Pagkasgising ni Aira ay akala nya ay magiging ayos na ang pakiramdam nya ngunit nagkamali pala sya dahil lalo lamang sumama ang pakiramdam nya. Halos hindi nya maigalaw ang buong katawan nya at nanginginig na sya sa lamig.Naramdaman naman ni Dave ang paggalaw ni Aira kaya napamulat na sya at nakita nya si Aira na nanginginig na."Aira anong nangyayare sayo? Ayos ka lang ba?" tanong ni Dave rito at napabangon pa sya para makita nya ng maayos si Aira."A-ang la-lamig Dave," sagot ni Aira na nanginginig na rin ang boses. Sinalat naman agad ni Dave ang noo ni Aira at nanlaki ang mata nya dahil sobrang init ni Aira."Aira ang init mo. Inaapoy ka ng lagnat. Sandali lang at dadalhin kita sa ospital," sabi ni Dave at tumayo na eto at nagpalit ng damit. Kinuhaan naman nya ng jacket si Aira at isinuot eto rito.Hindi naman na nagsalita pa si Aira at hinayaan na lamang nya si Dave sa ginagawa neto. Isa pa ay lamig na lamig na talaga sya at parang hirap nyang maigalaw ang buo nyang ka
CHAPTER 45"Ahhhh," irit ni Aira ng bigla na lamang syang binuhat ni Dave. Napakapit naman sya rito ng maglakad eto at dinala sya sa kanilang kama."Anong gagawin mo sa akin?" tanong ni Aira kay Dave ng maibaba na sya neto sa kanilang kama nayakap pa nya ang kanyang sarili. Iiling iling naman si Dave rito at natatawa pa sya dahil sa itsura ni Aira ngayon."E di tutulungan ka maglagay ng gamot," sagot ni Dave at kinuha na nya ang ointment na ipapahid sa pagkababae ni Aira. Nanlaki naman ang mata ni Aira dahil sa sinabi ni Dave dahil paanong tutulungan ang pinagsasabi neto."Kaya ko na sabi. Ako na lang ang mag---- ahhh," hindi na natapos pa ni Aira ang sasabihin nya at napairit na lamang sya ng hilahin ni Dave ang kanyang paa dahilan para mapahiga sya."Dave ano ba? Sinabing ako na lang kaya ko na yan," inis na sabi ni Aira dahil hawak pa rin ni Dave ang kanyang paa. Nagpupumiglas naman sya rito pero nanatiling hawak pa rin ni Dave ang paa nya."Tsk. Wag ka na ngang matigas ang ulo dy
CHAPTER 46"O ano na naman ang problema mo at nakasimangot ka na naman dyan?" tanong ni Karen kay Trina. Bigla kasing dumating etong si Trina sa kanilang bahay at nakasimangot na naman eto na akala mo ay pasan na naman ang mundo."Tsk. Nakakainis kasi. Ayaw makipagkita sa akin ni Dave ngayon dahil hindi raw nya pwedeng iwanan si ate Aira dahil may sakit daw," iirap irap na sagot ni Trina sa kaibigan nya."Ano ka ba naman. Syempre asawa nya yun. Hindi nya talaga pwedeng pabayaan yun lalo na kung may sakit," sagot ni Karen."Talaga ba Karen? Baka nakakalimutan mo na ako ng girlfriend ni Dave," singhal ni Trina sa kanyang kaibigan."At baka nakakalimutan mo rin na asawa na ni Dave si ate Aira at kabet ka na lang ngayon," pagpapa alala ni Karen sa kaibigan. Sinamaan naman ng tingin ni Trina si Karen."Ikaw hindi ko malaman kung kaibigan ba talaga kita o ano eh. Kanino ka ba kampi?" inis na sabi ni Trina."Kaibigan kita Trina. Nagsasabi lamang ako ng totoo sayo. Alam ko naman na masakit pe
CHAPTER 47"Sigurado ka ba na okay na ang pakiramdam mo at kaya mo ng bumalik sa trabaho?" tanong ni Dave kay Aira habang sila ay kumakain ng agahan. Ilang araw na rin kasi ang nakalipas mula ng magkasakit si Aira at ilang araw rin na hindi nakakapasok ng opisina ang mag asawa dahil inaalagaan ni Dave si Aira."Oo ayos na ako. Kaya ko ng pumasok ulet sa trabaho," sagot naman ni Aira."Sige kung kaya mo na pero tawagan mo ako kung sumama ang pakiramdam mo para masundo kaagad kita," sagot ni Dave kay Aira."Opo," tipid na sagot ni Aira kay Dave.Ilang araw na palaging magkabuntot si Dave at Aira. Ayaw kasing iwanan ni Dave si Aira dahil kakagaling lamang neto sa sakit at isa pa ay iniisip nya na sya ang dahilan ng pagkakasakit neto."Hindi ka ba hinahanap ni Trina? Ilang araw ka ng nakabuntot sa akin e. Pwede mo naman akong iwan dahil kaya ko naman ang sarili ko," sabi pa ni Aira kay Dave. Natigilan naman si Dave sa sinabi ni Aira dahil naalala nya na ilang beses na syang tinatawagan ni
CHAPTER 48Pagdating naman ni Dave sa kanyang opisina ay naabutan na nya ang kanyang kaibigan na si Gino roon."Anong ginagawa mo rito?" agad na tanong ni Dave sa kanyang kaibigan habang diretso syang pumunta sa kanyang office table."Grabe bro. Dinayo na nga kita rito para kumustahin pero bakit parang ang sungit mo yata ngayon. Hindi ka ba naka iskor kaya ka ganyan," nang aasar na sagot ni Gino kay Dave. Sinamaan naman ng tingin ni Dave si Gino dahil nang aasar na naman eto."Tumigil ka nga dyan. Kung wala kang matinong sasabihin ay umalis ka na lamang. Wala akong oras sa mga kalokohan mo," seryosong saad ni Dave at binuksan na nya ang kanyamg laptop."Woah. Chill lang bro. Bakit ba kasi ang init ng ulo mo ngayon e ang aga aga pa naman," sagot ni Gino. Napabuntong hininga naman si Dave at naalala nya ang mga sinabi nya kay Aira kanina. Tumayo naman na si Dave at pumunta sa sofa kung saan nakaupo si Gino at humarap sya rito."Bro naguguluhan kasi ako," sabi ni Dave. Napakunot naman a
CHAPTER 408Kinabukasan naman ay maaga ngang nagising si Joey at nagpaluto nga sya ng masarap na agahan sa kanilang mga kasambahay para sa kanila ni Jenny.Nagulat naman si Jenny na pagkababa nya ng kanilang hagdan ay natanaw na nga nya ang kanyang ama na nasa kanilang dining table at mukhang hinihintay nga sya nito dahil hindi pa nagagalaw ang mga pagkain doon. Kaya naman agad na nyang linapitan ito."Good morning dad," bati kaagad ni Jenny sa kanyang ama saka sya humalik sa pisngi nito. "Wala po ba kayong pasok sa opisina ngayon dad?" tanong pa ni Jenny sa kanyang ama."Meron pero pwede naman akong magpalate dahil kumpanya naman natin iyon kaya hawak ko naman ang oras ko," sagot ni Joey kay Jenny. "At isa pa ay gusto kitang makasabay kumain ng agahan dahil matagal tagal na rin yung huling kain natin na magkasabay. Kaya maupo ka na para makakain na tayo," dagdag pa ni Joey at saka nya ipinaghila ng upuan si Jenny."Salamat dad," sabi namna ni Jenny matapos syang maupo.Napangiti nama
CHAPTER 407"Don't worry dad. Hindi naman na po ako magagalit at naiintindihan ko na po kayo kaya okay lang po na bumawi kayo sa kanila. At ang tungkol naman po sa amin ni Shiela ay hindi ko naman po maipapangako na agad agad kaming magkakapalagayan ng loob dahil alam nyo naman po kung ano ang sitwasyon naming dalawa ngayon pero pipilitin ko po na makapag move on na para na lamang po sa ikatatahimik ng lahat," sagot naman ni Jenny sa kanyang ama.Nagulat naman si Joey sa sinabi ni Jenny at napangiti na nga lamang sya dahil doon dahil ang buong akala nya ay mahaba habang paliwanagan na naman ang mangyayare sa kanilang mag ama ngayon."T-totoo ba yang sinasabi mo anak? S-seryoso ka ba na ayos na sa'yo na bumawi ako sa mga kapatid mo?" hindi pa rin makapaniwala na tanong ni Joey kay Jenny.Napangiti naman si Jenny sa kanyang ama dahil kita nya ang gulat na gulat na reaksyon nito dahil sa kanyang sinabi."Yes dad. Seryoso po ako sa sinabi ko," nakangiti pa na sagot ni Jenny sa kanyang ama
CHAPTER 406Napangiti naman si manang Lina dahil sa sinabi ni Joey. Masaya sya dahil kahit papaano ay ngumingiti na ulit si Joey nito kasing mga nakalipas na mga araw ay palagi itong balisa at halata mo na sa mukha nito ang stress. Alam nya naman kasi ang pinagdaraanan nito ngayon dahil nga naikwento na nito sa kanya ang mga nangyari noon kaya naiintindihan nya rin naman talaga ang mga anak ni Joey kay Nelia dahil napabayaan nya nga talaga ang mga ito."Masaya ako at nakausap mo na pala ang isa sa mga anak mo. Sana nga ay magkaayos ayos na kayo para naman maging masaya na kayo muli," sagot ni Manang Lina kay Joey dahil kita nga nya na napapabayaan na rin ni Joey ang kanyang sarili dahil sa kaiisip nito sa mga problema nito sa kanyang mga anak."Salamat po manang," nakangiti pa na sagot ni Joey sa matanda."Subukan mo ring kausapin ngayon si Jenny at baka ngayon ay magkaintindihan na nga kayong dalawa. Basta habaan mo na lamang ang pasensya sa anak mo na yan dahil alam mo naman ang uga
CHAPTER 405Napabuntong hininga na lamang sila Ashley at Sherwin dahil sa sinabi ng kanilang nakababatang kapatid. Alam nila na hindi na nito masyado nakasama pa ang kanilang ama noon dahil napakaliit pa nito ng iwan sila ng kanilang ama noon."Sorry April. Pasensya ka na kung hindi ka man lang namin naisip. Alam naman namin na sabik ka na kay tatay. Pasensya ka na kung pinangunahan kami ng nararamdaman dahil totoo naman na nakakasama ng loob ang ginawa ni tatay dahil pinaasa nga nya si nanay," sagot ni Ashley kay April saka nya ito linapitan at agad na yinakap.Agad naman na gumanti ng yakap si April sa kanyang ate Ashley at hindi na nga nya napigilan pa na mapaiyak. Hindi na nga rin napigilan ni Sherwin ang kanyamg sarili at agad na nga rin syang napalapit kay April at saka nya ito yinakap din."Sorry April. Hayaan mo at pipilitin namin ang aming mga sarili na tanggapin at patawarin muli si tatay. Dahil tama ka wala na nga si nanay dapat ay hindi na rin tayo pumayag na pati si tatay
CHAPTER 404"Ate ano pong pag uusapan natin? May problema po ba?" agad ng tanong ni Ashley sa kanyang ate Shiela.Napabuntong hininga naman na muna si Shiela saka sya naupo na rin sa tabi ng kanyang mga kapatid."Gusto ko kasi kayong makausap tungkol kay tatay," sagot ni Shiela sa mga kapatid nya at kita pa nya na natigilan bigla ang kanyang mga kapatid lalo na si Sherwin ng marinig nito ang salitang tatay."Bakit ate? Kinausap ka ba nya kanina para kumbinsihin na sumama tayo sa kanya? Ate naman alam mo naman ang ginawa nya noon diba? Pinabayaan nya tayo noon kaya nangyare kay nanay yun," naiinis ng sagot ni Ashley sa ate Shiela nya."Hindi nya ako kinausap para sa bagay na yun. Makining na muna kayo sa akin," sagot ni Shiela."E ano ate? Anong sinabi nya sa'yo?" sabat naman na ni Sherwin.Napabuntong hininga naman si Shiela dahil inaasahan naman na nya kanina pa na ganito ang magiging reaksyon ng mga kapatid nya kapag kinausap nya ang nga ito ng tungkol sa kanilang ama."Please makin
CHAPTER 403"Okay fine," sagot naman ni Rayver sa dalaga at saka nya muling hinigpitan ang pagkakahawak nya sa bewang nito. "Last kiss. Please," pakiusap pa ni Rayver sa dalaga kaya naman natawa na lamang si Shiela at mabilis nya na ngang dinampian ng magaan na halik sa labi ang binata."Okay na. Sige na. Bitawan mo na ako," sabi pa ni Shiela habang hawak nya ang kamay ng binata na nakahawak sa kanyang bewang."Yun na yun? Hindi pwede yun," nakanguso pa na sabi ni Rayver sa dalaga. Akmang magsasalita pa sana si Shiela ng bigla na ngang sakupin muli ni Rayver ang kanyang labi at ang magaan na halik ni Rayver sa dalaga ay unti unti na ngang nagiging mapusok at mapaghanap at napapangiti na lamang din ang binata ng maramdaman nya na tinutugon na ng dalaga ang kanyang paghalik dito.Napakapit pa nga si Shiela sa batok ng binata at napapapikit na lamang ang kanyang mata habang tinutugon nya ang paghalik ng kanyang nobyo sa kanya at pakiramdam nya ay ang sarap sarap halikan ng labi ng binat
CHAPTER 402"Shiela anak sana ay ikaw na rin ang bahalang umintindi muna sa kapatid mong si Jenny. Alam ko na hindi ko dapat ito sinasabi sa'yo pero ayaw ko naman na dumating ang panahon na hindi na talaga kayo magkaayos o magpansinan man lang. Wala naman akong pinapaboran sa inyo pero gusto ko rin sana na magkaayos man lang kayo. Alam ko na unfair na talaga ako sa inyo pero kasi hindi ko alam kung paano ko ba sisimulan na bumawi sa inyong magkakapatid kung ayaw nyo naman akong makita o makausap man lang sinabayan pa ni Jenny na hindi matanggap na mayroon pa akong ibang anak. Kaya sana hinihiling ko rin anak na ikaw na ang bahalang magpasensya sa kanya. Pero wag kang mag alala anak dahil hindi ko naman hahayaan na masira kayo ni Rayver ng dahil lamang kay Jenny. Alam ko kung gaano kabait ang pamilya ni Rayver kaya nga panatag ako na narito kayo ng mfa kapatid mo kaya masaya ako na nasa tamang tao ka anak," mahabang sentimyento ni Joey kay Shiela dah totoong sumasakit na nga ang ulo ny
CHAPTER 401"Kung ako lamang naman po tay ay handa naman po akong magpatawad sa inyo kaagad pero iniisip ko rin po ang mga kapatid ko. May mga isip na rin po sila at alam ko po na sobra rin po silang nasaktan sa mga nangyare kaya sana po tay bigyan nyo na lamang po muna sila ng panahon pa. Alam ko naman po na hindi rin nila kayo matitiis sadyang sariwa pa lamang po sa kanila ang nangyare kay nanay," sagot ni Shiela sa kanyang ama.Dahan dahan naman naman na tumango si Joey at saka sya nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga."Naiintindihan ko anak. Alam ko naman na nasaktan talaga kayo sa mga ginawa ko. At umaasa ako na sana ay mapatawad nyo na ako dahil gustong gusto ko ng makabawi sa inyo anak. Gusto ko ng makabawi sa ilang taon na hindi ko kayo nakasama," sagot ni Joey. "Kung maibabalik ko nga lang sana ang panahon sana ay binalikan ko kaagad kayo noon pero wala na nanguare na ang nangyare at ilang taon nga akong wala man lang paramdam sa inyo. Gustuhin ko man na balikan ka
CHAPTER 400Sa mansyon naman nila Aira at Dave ay naabutan naman nila Shiela at Rayver na nagkakasayahan ang mga ito."Anong meron?" tanong ni Rayver sa mga naroon sa mansyon dahil nadatnan nga nila na parang may party doon."Ang tagal nyo kasi kuya kaya inumpisahan na namin ang gender reveal ni baby," si Reign na nga ang sumagot sa tanong ni Rayver habang hawak nito ang medyo may kalakihan na nitong tyan.Agad naman na nagsilapit ang mga kapatid ni Shiela sa kanya. At agad pa nga na yumakap ang mga ito kay Shiela. Nagtataka naman si Shiela sa inaasal ng kanyang mga kapatid kaya naman hindi na nya naiwasang tanungin ang mga ito."Himala at may pagyakap kayo sa akin ngayon. Anong meron?" biro pa nga ni Shiela sa kanyang mga kapatid at napatingin pa nga sya kay Rayver.Bigla namang natahimik ang lahat ng mga naroon. Kaya pati si Rayver ay nagtaka na rin sa ikinikilos ng mga ito."A-ate andyan po si tatay," halos pabulong na sabi ni Ashley kay Shiela. Nagulat naman si Shiela sa sinabi n