CHAPTER 48Pagdating naman ni Dave sa kanyang opisina ay naabutan na nya ang kanyang kaibigan na si Gino roon."Anong ginagawa mo rito?" agad na tanong ni Dave sa kanyang kaibigan habang diretso syang pumunta sa kanyang office table."Grabe bro. Dinayo na nga kita rito para kumustahin pero bakit parang ang sungit mo yata ngayon. Hindi ka ba naka iskor kaya ka ganyan," nang aasar na sagot ni Gino kay Dave. Sinamaan naman ng tingin ni Dave si Gino dahil nang aasar na naman eto."Tumigil ka nga dyan. Kung wala kang matinong sasabihin ay umalis ka na lamang. Wala akong oras sa mga kalokohan mo," seryosong saad ni Dave at binuksan na nya ang kanyamg laptop."Woah. Chill lang bro. Bakit ba kasi ang init ng ulo mo ngayon e ang aga aga pa naman," sagot ni Gino. Napabuntong hininga naman si Dave at naalala nya ang mga sinabi nya kay Aira kanina. Tumayo naman na si Dave at pumunta sa sofa kung saan nakaupo si Gino at humarap sya rito."Bro naguguluhan kasi ako," sabi ni Dave. Napakunot naman a
CHAPTER 49Magising naman si Trina na masakit ang ulo nya. Nasapo pa nya ang kanyang ulo dahil biglang kumirot iyon."Aray! Shit. Naparami pa ata ang inom ko kagabi ah," kausap ni Trina sa kanyang sarili. Muli naman siyang humiga dahil biglang umikot ang kanyang paningin.Bigla naman nagbukas ang pinto ng kwarto ni Trina kaya napamulat sya ng kanyang mata at nakita nya ang mommy nya na pumasok."Mabuti naman at gising ka na. Bumangon ka na dyan dahil tanghali na," sabi ni Cheska kay Trina ng makita nya na gising na eto. Naka ilang balik na kasi sya sa kwarto neto pero tulog na tulog pa rin eto dahil sa kalasingan."Mom mamaya na lamang po. Masakit pa po ang ulo ko," sagot ni Trina at muli na syang pumukit."Trina ano ba ang problema mo at nagpapakalasing ka ng ganyan? Hindi ka naman dating ganyan ah. Pano na lamang pala kung hindi mo kasama si Karen? E di hindi ka nakauwi rito at baka napagtripan ka pa doon sa bar. Kahit kelan ka talaga Trina," iiling iling na sermon ni Cheska sa kany
CHAPTER 50"Aira tapos ka na ba sa ginagawa mo?" tanong ni Dave kay Aira ng makapasok sya sa opisina neto."Malapit na akong matapos Dave. Saglit n lang eto," sagot ni Aira habang nanatiling nakatitig sya sa kanyang laptop.Umupo naman na muna si Dave sa sofa na nasa opisina ni Aira. Napatitig naman si Dave kay Aira hindi naman sya napapansin neto. Hindi maintindihan ni Dave pero sa tuwing kasama o kaharap nya si Aira ay ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Napapaisip tuloy sya kung talaga ba na may nararamdaman na sya para kay Aira."Tapos na ako. Let's go," sabi ni Aira at kinuha na nya ang kanyang bag at tumayo. Nagulat naman sya na nakatitig pala si Dave sa kanyang pwesto kanina at hindi man lamang eto kumukurap dahil nakatulala na lamng eto doon."Hey Dave. Are you okay?" tanong ni Aira kay Dave at kinaway kaway pa nya ang kanyang kamay sa harap ni Dave. Bigla naman bumalik sa wisyo si Dave at nagulat pa sya na nasa harapan na nya si Aira."Tapos ka na ba?" tanong nya n alamang
CHAPTER 51"No Trina. Hindi si Aira ang dahilan kung bakit ako nakikipaghiwalay sayo ngayon," sagot ni Dave."Pwes anong dahilan mo Dave. Bakit gusto mo ng makipaghiwalay sa akin ngayon? Bigyan mo ako ng magandang dahilan," tanong pa ulet ni Trina kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha."Dahil ayokong makita na nasasaktan ka Trina. Minahal kita Trina totoo yun minahal kita ng sobra sobra. Pero siguro hanggang dito na lamang talaga tayo. Mas mabuti pa na tapusin na natin to ngayon pa lang kesa masaktan ka pa lalo," sagot ni Dave."Yan ba talaga ang dahilan mo Dave o meron pang iba? Netong mga nakaraan ay pansin ko na ang panlalamig mo sa akin. Bakit Dave? Bakit?" tanong pa ni Trina rito."Totoo ang sinasabi ko Trina. Ayoko lang na makita kang nasasaktan. Kaya mabuti pang tapusin na natin eto ngayon pa lang. Alam ko na makakahanap ka pa ng ibang lalaki na mamahalin ka ng higit sa pagmamahal na binigay ko sayo," sagot ni Dave."Ayoko Dave. Hindi ako papayag. Hindi ako makikipaghiwalay s
CHAPTER 52Nang umalis naman si Trina ay naiwan naman na mag isa si Dave roon. Hinayaan na lamang nya si Trina na umalis. Nagi guilty din naman kasi sya. Totoo naman na minahal nya si Trina ng sobra sobra noon pero hindi na kasi nya maintindihan ang sarili nya ngayon dahil parang nawala na ang dati nyang nararamdaman para kay Trina. Parang hindi na sya sabik na makita eto. Alam nyang masyado na syang naging unfair kay Trina dahil sa ginawa nya pero totoo rin nman talaga ang sinabi nya na baka mas lalong masaktan pa eto kung patatagalin pa nila ang kanilang relasyon gayong kasal na sya.Napabuga na lamang sya ng hangin sa kanyang bibig dahil sa kanyang mga iniisip bago sya nagpasya na umuwi na lamang para si Aira naman ang kanyang kausapin.Pagkarating nya sa kanilang bahay ay agad nyang hinanap si Aira."Manang si Aira po nasaan?" tanong ni Dave s kanilang kasambahag ng hindi nya makita si Aira. "Ay baka po nasa garden. Kanina po ay nakaupo lamang sya dyan sa may pool pagkatapos nam
CHAPTER 53Pagkatapos nilang kumain ay hindi pa muna umalis si Divina sa bahay nila Dave. Tumambay na muna sya sa garden ng bahay ng mga eto. Sumunod na lamang din sila Dave at Aira rito at tumambay na lang din sila roon."Kumusta naman kayo rito?" tanong ni Divina sa dalawa ng makaupos na ang mga eto."Ayos naman po kami dito mom," sagot ni Dave."Ikaw hija okay ka lang ba dito? Hindi ka ba inaaway ng mabait kong anak?" baling ni Divina kay Aira."Po? Okay naman po ako mom. Mabait naman po si Dave sa akin," nakangiti pang sagot ni Aira kay Divina."Mabuti naman kung ganon. Basta hija wag kang mahihiyang magsabi sa akin kapag may ginawang kalokohan yang anak ko ha. Ako ang bahala dyan," sabi ni Divina kay Aira."Mommy naman. Ang bait bait ko kaya," sabat ni Dave na kakamot kamot pa sa kanyang ulo."Tsk. Kilala kita Dave dahil anak kita. At minsan mo na rin nagawang suwayin ako kaya binabalaan na kita ngayon pa lang magtino ka na. Ayusin mo na lamang ang pamilya na meron ka. Bumuo kayo
CHAPTER 54"Aira pwede na ba tayong mag usap," sabi ni Dave pagkasara nya ng pintuan ng kanilang kwarto. Napatigil naman si Aira sa kanyang ginagawa at tiningnan nya si Dave mula sa salamin."Tungkol ba saan yang kanina mo pa gustong pag usapan natin Dave. Kanina ka pa kasi seryoso dyan at hindi mapakali," sagot ni Aira. Napabuntong hininga naman si Dave at dahan dahan na syang lumapit sa pwesto ni Aira. Nakatitig lamang naman si Aira kay Dave mula sa salamin."Pwede ba na ayusin na lamang natin to? Aira gusto ko ng maging totoo etong pagsasama natin. I mean gusto ko ng bumuo tayo ng sarili nating pamilya," sabi ni Dave at hinawakan na nya sa balikat si Aira para iharap sa kanya. Awang naman ang bibig ni Aira at hindi makapagsalita dahil sa sinabi ni Dave. Tila ba parang nabingi sya bigla dahil doon."Aira please. Pwede ba na pagbigyan naman natin ang kasal natin na eto. Totohanin na natin to tutal kasal naman na tayo talaga bakit hindi na lamang tayo bumuo ng sarili nating pamilya?,"
CHAPTER 55Muli ay hinalikan ni Dave si Aira. Banayad lamang ang paghalik ni Dave kay Aira. Dahan dahan naman na tinutugon ni Aira ang paghalik sa kanya ni Dave. Nang maramdaman ni Dave na tinutugon na ni Aira ang kanyang halik ay unti unti ng nagiging mapaghanap ang kanyang paghalik rito. Ipinasok pa nya ang dila nya sa loob ng bibig ni Aira na animoy may hinahanap doon. Hindi naman malaman ni Aira kung paano ba nya tutugunin ang ginagawa ni Dave kaya hinayaan na lamang nya eto sa kanyang ginagawa.Ramdam na ramdam naman na ni Dave ang pag iinit ng kanyang katawan at alam nya na buhay na buhay na naman ang kanyang pagkalalake. Dahan dahan naman nyang binuhat si Aira papunta sa kanilang higaan habang magkahinang pa rin ang kanilang mga labi napahawak naman si Aira sa batok ni Dave.Dahan dahan na rin nyang ibinababa si Aira sa kanilang higaan habang patuloy pa rin sya sa paghalik rito. Binitawan lamang nya ang labi ni Aira ng halos parehas na silang kapusin ng hininga. Nanatili nam