CHAPTER 45"Ahhhh," irit ni Aira ng bigla na lamang syang binuhat ni Dave. Napakapit naman sya rito ng maglakad eto at dinala sya sa kanilang kama."Anong gagawin mo sa akin?" tanong ni Aira kay Dave ng maibaba na sya neto sa kanilang kama nayakap pa nya ang kanyang sarili. Iiling iling naman si Dave rito at natatawa pa sya dahil sa itsura ni Aira ngayon."E di tutulungan ka maglagay ng gamot," sagot ni Dave at kinuha na nya ang ointment na ipapahid sa pagkababae ni Aira. Nanlaki naman ang mata ni Aira dahil sa sinabi ni Dave dahil paanong tutulungan ang pinagsasabi neto."Kaya ko na sabi. Ako na lang ang mag---- ahhh," hindi na natapos pa ni Aira ang sasabihin nya at napairit na lamang sya ng hilahin ni Dave ang kanyang paa dahilan para mapahiga sya."Dave ano ba? Sinabing ako na lang kaya ko na yan," inis na sabi ni Aira dahil hawak pa rin ni Dave ang kanyang paa. Nagpupumiglas naman sya rito pero nanatiling hawak pa rin ni Dave ang paa nya."Tsk. Wag ka na ngang matigas ang ulo dy
CHAPTER 46"O ano na naman ang problema mo at nakasimangot ka na naman dyan?" tanong ni Karen kay Trina. Bigla kasing dumating etong si Trina sa kanilang bahay at nakasimangot na naman eto na akala mo ay pasan na naman ang mundo."Tsk. Nakakainis kasi. Ayaw makipagkita sa akin ni Dave ngayon dahil hindi raw nya pwedeng iwanan si ate Aira dahil may sakit daw," iirap irap na sagot ni Trina sa kaibigan nya."Ano ka ba naman. Syempre asawa nya yun. Hindi nya talaga pwedeng pabayaan yun lalo na kung may sakit," sagot ni Karen."Talaga ba Karen? Baka nakakalimutan mo na ako ng girlfriend ni Dave," singhal ni Trina sa kanyang kaibigan."At baka nakakalimutan mo rin na asawa na ni Dave si ate Aira at kabet ka na lang ngayon," pagpapa alala ni Karen sa kaibigan. Sinamaan naman ng tingin ni Trina si Karen."Ikaw hindi ko malaman kung kaibigan ba talaga kita o ano eh. Kanino ka ba kampi?" inis na sabi ni Trina."Kaibigan kita Trina. Nagsasabi lamang ako ng totoo sayo. Alam ko naman na masakit pe
CHAPTER 47"Sigurado ka ba na okay na ang pakiramdam mo at kaya mo ng bumalik sa trabaho?" tanong ni Dave kay Aira habang sila ay kumakain ng agahan. Ilang araw na rin kasi ang nakalipas mula ng magkasakit si Aira at ilang araw rin na hindi nakakapasok ng opisina ang mag asawa dahil inaalagaan ni Dave si Aira."Oo ayos na ako. Kaya ko ng pumasok ulet sa trabaho," sagot naman ni Aira."Sige kung kaya mo na pero tawagan mo ako kung sumama ang pakiramdam mo para masundo kaagad kita," sagot ni Dave kay Aira."Opo," tipid na sagot ni Aira kay Dave.Ilang araw na palaging magkabuntot si Dave at Aira. Ayaw kasing iwanan ni Dave si Aira dahil kakagaling lamang neto sa sakit at isa pa ay iniisip nya na sya ang dahilan ng pagkakasakit neto."Hindi ka ba hinahanap ni Trina? Ilang araw ka ng nakabuntot sa akin e. Pwede mo naman akong iwan dahil kaya ko naman ang sarili ko," sabi pa ni Aira kay Dave. Natigilan naman si Dave sa sinabi ni Aira dahil naalala nya na ilang beses na syang tinatawagan ni
CHAPTER 48Pagdating naman ni Dave sa kanyang opisina ay naabutan na nya ang kanyang kaibigan na si Gino roon."Anong ginagawa mo rito?" agad na tanong ni Dave sa kanyang kaibigan habang diretso syang pumunta sa kanyang office table."Grabe bro. Dinayo na nga kita rito para kumustahin pero bakit parang ang sungit mo yata ngayon. Hindi ka ba naka iskor kaya ka ganyan," nang aasar na sagot ni Gino kay Dave. Sinamaan naman ng tingin ni Dave si Gino dahil nang aasar na naman eto."Tumigil ka nga dyan. Kung wala kang matinong sasabihin ay umalis ka na lamang. Wala akong oras sa mga kalokohan mo," seryosong saad ni Dave at binuksan na nya ang kanyamg laptop."Woah. Chill lang bro. Bakit ba kasi ang init ng ulo mo ngayon e ang aga aga pa naman," sagot ni Gino. Napabuntong hininga naman si Dave at naalala nya ang mga sinabi nya kay Aira kanina. Tumayo naman na si Dave at pumunta sa sofa kung saan nakaupo si Gino at humarap sya rito."Bro naguguluhan kasi ako," sabi ni Dave. Napakunot naman a
CHAPTER 49Magising naman si Trina na masakit ang ulo nya. Nasapo pa nya ang kanyang ulo dahil biglang kumirot iyon."Aray! Shit. Naparami pa ata ang inom ko kagabi ah," kausap ni Trina sa kanyang sarili. Muli naman siyang humiga dahil biglang umikot ang kanyang paningin.Bigla naman nagbukas ang pinto ng kwarto ni Trina kaya napamulat sya ng kanyang mata at nakita nya ang mommy nya na pumasok."Mabuti naman at gising ka na. Bumangon ka na dyan dahil tanghali na," sabi ni Cheska kay Trina ng makita nya na gising na eto. Naka ilang balik na kasi sya sa kwarto neto pero tulog na tulog pa rin eto dahil sa kalasingan."Mom mamaya na lamang po. Masakit pa po ang ulo ko," sagot ni Trina at muli na syang pumukit."Trina ano ba ang problema mo at nagpapakalasing ka ng ganyan? Hindi ka naman dating ganyan ah. Pano na lamang pala kung hindi mo kasama si Karen? E di hindi ka nakauwi rito at baka napagtripan ka pa doon sa bar. Kahit kelan ka talaga Trina," iiling iling na sermon ni Cheska sa kany
CHAPTER 50"Aira tapos ka na ba sa ginagawa mo?" tanong ni Dave kay Aira ng makapasok sya sa opisina neto."Malapit na akong matapos Dave. Saglit n lang eto," sagot ni Aira habang nanatiling nakatitig sya sa kanyang laptop.Umupo naman na muna si Dave sa sofa na nasa opisina ni Aira. Napatitig naman si Dave kay Aira hindi naman sya napapansin neto. Hindi maintindihan ni Dave pero sa tuwing kasama o kaharap nya si Aira ay ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Napapaisip tuloy sya kung talaga ba na may nararamdaman na sya para kay Aira."Tapos na ako. Let's go," sabi ni Aira at kinuha na nya ang kanyang bag at tumayo. Nagulat naman sya na nakatitig pala si Dave sa kanyang pwesto kanina at hindi man lamang eto kumukurap dahil nakatulala na lamng eto doon."Hey Dave. Are you okay?" tanong ni Aira kay Dave at kinaway kaway pa nya ang kanyang kamay sa harap ni Dave. Bigla naman bumalik sa wisyo si Dave at nagulat pa sya na nasa harapan na nya si Aira."Tapos ka na ba?" tanong nya n alamang
CHAPTER 51"No Trina. Hindi si Aira ang dahilan kung bakit ako nakikipaghiwalay sayo ngayon," sagot ni Dave."Pwes anong dahilan mo Dave. Bakit gusto mo ng makipaghiwalay sa akin ngayon? Bigyan mo ako ng magandang dahilan," tanong pa ulet ni Trina kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha."Dahil ayokong makita na nasasaktan ka Trina. Minahal kita Trina totoo yun minahal kita ng sobra sobra. Pero siguro hanggang dito na lamang talaga tayo. Mas mabuti pa na tapusin na natin to ngayon pa lang kesa masaktan ka pa lalo," sagot ni Dave."Yan ba talaga ang dahilan mo Dave o meron pang iba? Netong mga nakaraan ay pansin ko na ang panlalamig mo sa akin. Bakit Dave? Bakit?" tanong pa ni Trina rito."Totoo ang sinasabi ko Trina. Ayoko lang na makita kang nasasaktan. Kaya mabuti pang tapusin na natin eto ngayon pa lang. Alam ko na makakahanap ka pa ng ibang lalaki na mamahalin ka ng higit sa pagmamahal na binigay ko sayo," sagot ni Dave."Ayoko Dave. Hindi ako papayag. Hindi ako makikipaghiwalay s
CHAPTER 52Nang umalis naman si Trina ay naiwan naman na mag isa si Dave roon. Hinayaan na lamang nya si Trina na umalis. Nagi guilty din naman kasi sya. Totoo naman na minahal nya si Trina ng sobra sobra noon pero hindi na kasi nya maintindihan ang sarili nya ngayon dahil parang nawala na ang dati nyang nararamdaman para kay Trina. Parang hindi na sya sabik na makita eto. Alam nyang masyado na syang naging unfair kay Trina dahil sa ginawa nya pero totoo rin nman talaga ang sinabi nya na baka mas lalong masaktan pa eto kung patatagalin pa nila ang kanilang relasyon gayong kasal na sya.Napabuga na lamang sya ng hangin sa kanyang bibig dahil sa kanyang mga iniisip bago sya nagpasya na umuwi na lamang para si Aira naman ang kanyang kausapin.Pagkarating nya sa kanilang bahay ay agad nyang hinanap si Aira."Manang si Aira po nasaan?" tanong ni Dave s kanilang kasambahag ng hindi nya makita si Aira. "Ay baka po nasa garden. Kanina po ay nakaupo lamang sya dyan sa may pool pagkatapos nam
CHAPTER 414"Bakit po manang?" agad na tanong ni Jenny kay manang Lina na syang kumatok sa kanyang silid."Napakaganda mo naman hija," puri kaagad ni manang Lina kay Jenny dahil gandang ganda talaga sya sa dalaga kapag ganitong simple lamang ang ayos nito."Salamat po manang," nakangiti pa na sgaot ni Jenny."Ayy. Oo nga pala nar'yan na sa baba yung bisita mo kanina hija hinihintay ka na nya at kausap sya ngayon ng iyong ama sa baba," sabi pa ni manang Lina kay Jenny."Sige po manang tapos na rin naman po ako. Bababa na rin po ako," sagot ni Jenny kay manang kaya naman agad ng bumaba si manang.Muli namang pumasok si Jenny sa loob ng kanyang silid at muli ay humarap sya sa malaking salamin na naroon at pinakatitigan nya ang kanyang sarili at napapangiti na lamang sya dahil bagay naman pala sa kanya ang simpleng ayos lamang dahil dati ay ang kapal nga nyang mag make up lalo na kapag sa mga bar ang punta nila ng mga kaibigan nya.Pagkababa ni Jenny ng kanilang hagdan ay agad nyang napan
CHAPTER 413"Anong klaseng tingin yan dad?" iiling iling na tanong ni Jenny sa kanyang ama."Sus. Ako yata ang dapat na magtanong nyan sa'yo anak. Anong klaseng ngiti yan?" balik tanong ni Joey kay Jenny habang may nakakalokong ngiti sa labi nya."Dad naman," nakanguso ng sagot ni Jenny sa kanyang ama kaya naman natawa na lamang si Joey sa kanyang anak."Bakit anak? Wala naman akong sinasabi ah," tatawa tawa na sagot ni Joey kay Jenny saka nya ito linapitan at inakbayan. "Anak matuto ka sanang buksan ang puso mo para sa iba. Anong malay mo nasa paligid mo na lang pala ang taong nagmamahal sa'yo ng totoo at pahahalagahan ka. Si Greg gusto ko sya para sa'yo anak. Alam mo ba na nanggaling sya sa aking opisina kanina at pormal syang nagpaalam sa akin na gusto ka nga raw nyang ligawan at matagal na syang nay pagtingin sa'yo," nakangiti at seryosong sabi pa ni Joey kay Jenny.Nagulat naman si Jenny sa sinabi ng kanyang ama kaya napatitig sya sa kanyang ama kung seryoso ba ang sinasabi nito
CHAPTER 412"Ayos lang naman ako. Medyo nagkaroon lang ng problema sa pamilya kaya don't worry i'm fine," nakangiti pa na sagot ni Jenny sa binata. "Ikaw ano nga pala ang ginagawa mo rito? Bakit napadalaw ka yata," tanong pa ni Jenny kay Greg dahil nagulat talaga sya sa biglang pagsulpot ng binata sa kanilang bahay. Nakakasama naman nya ito minsan kapag nalabas silang magkakaibigan pero ilang nga sya rito dahil umamin nga ito sa kanya noon pa na may gusto ito sa kanya."Ahm. Wala lang. Gusto lamang kitang kumustahin at bisitahin na rin dahil hindi na nga kita nakikita," sagot naman ni Greg kay Jenny.Tumango tango lang naman si Jenny sa binata at saka nya inamoy ang bulaklak na ibinigay ni Greg sa kanya at napapapikit na lamang sya dahil sa mabangong amoy ng mga bulaklak.Napangiti naman si Greg ng mapansin nya na mukhang good mood ngayon si Jenny at hinahayaan lamang sya nito na mag stay sa tabi nito. Dati kasi ay umiiwas talaga ito sa kanya kaya nakuntento na lamang sya sa pasulyap
CHAPTER 411Pagkagaling ni Joey sa opisina ay agad naman na rin syang dumiretso ng uwi sa kanilang mansyo at nagulat pa nga sya ng pagkarating nya sa kanilang bahay ay nay magarang sasakyan na nakaparada sa labas ng kanilang gate kaya naman napakunot na lang ang noo nya dahil may iba yatang tao sa kanilang bahay kaya naman dali dali na nyang ipinark ang kanyang sasakyan.Pagkapasok nya sa kanilang bahay ay agad nyang nakita ni manang Lina kaya naman agad na nya itong linapitan."Manang kanino po yung sasakyan na nasa labas ng mansyon?" agad na tanong ni Joey kay manang Lina."Joey nar'yan ka na pala," gulat pa na sabi ni Manang Lina kay Joey dahil hindi nga nya napansin ang paglapit nito sa kanya."Kanino po ang sasakyan na nasa labas manang?" muli ay tanong ni Joey rito."Ah yun bang sasakyan sa labas? Sa bisita iyon ni Jenny," sagot ni manang Lina."Kaibigan ni Jenny? Sino? Nasaan sila?" sunod sunod pa na tanong ni Joey kay manang Lina."G-Greg? Oo tama Greg ang rinig ko kanina na
CHAPTER 410Matapos makapag usap nila Rayver at ng ama ni Shiela ay agad na rin naman na umalis si Joey sa opisina ng binata dahil may mga kailangan pa rin syang asikasuhin sa kanyang sariling kumpanya.Habang papaalis pa nga si Joey sa kumpanya ni Rayver ay hindi na maalis alis pa ang ngiti sa kanyang labi dahil parang nakahinga na sya ng maluwang ngayon dahil sa mga nangyayare ngayon sa pagitan nya at ng kanyang mga anak.Ito lamang naman talaga ang tangi nyang hiling sa ngayon ang magkaayos sila ng kanyang mga anak kay Lina at magkaayos din ang mga ito at si Jenny. Alam nya na medyo mahihirapan talaga si Jenny lalo na at ang lalaking pinakamamahal nito ay nobyo ng kanyang kapatid pero umaasa sya na makakapag move on kaagad ang kanyang anak na si Jenny.Pagkarating ni Joey sa kanyang kumpanya ay maraming paper works kaagad ang tumambad sa kanya sa loob ng kanyang opisina. Natambak kadi itong mga trabaho nya noong mga nakaraang araw pa dahul nga hindi sya makapag focus sa kanyang gin
CHAPTER 409"Good morning anak. Ahm. Narito ako dahil gusto ko sanang sabihin sa'yo na nakausap ko na rin nga pala ang kapatid mong si Jenny at nagkaayos na rin kami at gusto ka nga raw nya sanang makausap. P-pwede ka ba anak?" sabi ni Joey kay Shiela. Nagulat naman si Shiela sa sinabi ng kanyang ama at napabuntong hininga na lamang nga sya saka sya dahan dahan na tumango rito."S-Sige po tay. Sabihan nyo na lamang po ako kung kailan at saan po kami mag uusap ni Jenny," sagot ni Shiela sa kanyang ama kahit na ang totoo ay nag aalangan sya dahil hindi pa naman nya lubos na kilala si Jenny at ayon na nga rin sa sinabi ni Reign noon ay iba nga ang ugali ng kapatid nya na yon."Salamat anak. Sige sasabihan na lamang kita kung kailan nya gusto na magkita kayong dalawa. Salamat anak at pumayag ka na magkausap kayong dalawa. Sana ay maging maayos na rin kayong dalawa labis ko talagang ikakatuwa kapag nangyari nga ang bagay na yun," nakangiti pa na sagot ni Joey kay Shiela.Tanging pagngiti
CHAPTER 408Kinabukasan naman ay maaga ngang nagising si Joey at nagpaluto nga sya ng masarap na agahan sa kanilang mga kasambahay para sa kanila ni Jenny.Nagulat naman si Jenny na pagkababa nya ng kanilang hagdan ay natanaw na nga nya ang kanyang ama na nasa kanilang dining table at mukhang hinihintay nga sya nito dahil hindi pa nagagalaw ang mga pagkain doon. Kaya naman agad na nyang linapitan ito."Good morning dad," bati kaagad ni Jenny sa kanyang ama saka sya humalik sa pisngi nito. "Wala po ba kayong pasok sa opisina ngayon dad?" tanong pa ni Jenny sa kanyang ama."Meron pero pwede naman akong magpalate dahil kumpanya naman natin iyon kaya hawak ko naman ang oras ko," sagot ni Joey kay Jenny. "At isa pa ay gusto kitang makasabay kumain ng agahan dahil matagal tagal na rin yung huling kain natin na magkasabay. Kaya maupo ka na para makakain na tayo," dagdag pa ni Joey at saka nya ipinaghila ng upuan si Jenny."Salamat dad," sabi namna ni Jenny matapos syang maupo.Napangiti nama
CHAPTER 407"Don't worry dad. Hindi naman na po ako magagalit at naiintindihan ko na po kayo kaya okay lang po na bumawi kayo sa kanila. At ang tungkol naman po sa amin ni Shiela ay hindi ko naman po maipapangako na agad agad kaming magkakapalagayan ng loob dahil alam nyo naman po kung ano ang sitwasyon naming dalawa ngayon pero pipilitin ko po na makapag move on na para na lamang po sa ikatatahimik ng lahat," sagot naman ni Jenny sa kanyang ama.Nagulat naman si Joey sa sinabi ni Jenny at napangiti na nga lamang sya dahil doon dahil ang buong akala nya ay mahaba habang paliwanagan na naman ang mangyayare sa kanilang mag ama ngayon."T-totoo ba yang sinasabi mo anak? S-seryoso ka ba na ayos na sa'yo na bumawi ako sa mga kapatid mo?" hindi pa rin makapaniwala na tanong ni Joey kay Jenny.Napangiti naman si Jenny sa kanyang ama dahil kita nya ang gulat na gulat na reaksyon nito dahil sa kanyang sinabi."Yes dad. Seryoso po ako sa sinabi ko," nakangiti pa na sagot ni Jenny sa kanyang ama
CHAPTER 406Napangiti naman si manang Lina dahil sa sinabi ni Joey. Masaya sya dahil kahit papaano ay ngumingiti na ulit si Joey nito kasing mga nakalipas na mga araw ay palagi itong balisa at halata mo na sa mukha nito ang stress. Alam nya naman kasi ang pinagdaraanan nito ngayon dahil nga naikwento na nito sa kanya ang mga nangyari noon kaya naiintindihan nya rin naman talaga ang mga anak ni Joey kay Nelia dahil napabayaan nya nga talaga ang mga ito."Masaya ako at nakausap mo na pala ang isa sa mga anak mo. Sana nga ay magkaayos ayos na kayo para naman maging masaya na kayo muli," sagot ni Manang Lina kay Joey dahil kita nga nya na napapabayaan na rin ni Joey ang kanyang sarili dahil sa kaiisip nito sa mga problema nito sa kanyang mga anak."Salamat po manang," nakangiti pa na sagot ni Joey sa matanda."Subukan mo ring kausapin ngayon si Jenny at baka ngayon ay magkaintindihan na nga kayong dalawa. Basta habaan mo na lamang ang pasensya sa anak mo na yan dahil alam mo naman ang uga