CHAPTER 309 Special Chapter Pagkatapos ng kasal nila Reign at Kenneth ay agad na silang dumiretso sa Korea upang maghoneymoon. Nakabook na kasi ang ticket nila ng araw na yun papunta Korea kaya naman pagkatapos ng receotion ay nagpalit lamang sila ng damit at agad ng dumiretso sa airport. "Matulog ka na muna. Alam kong pagod ka," sabi ni Kenneth kay Rdign habang hawak hawak nya ang kamay ng asawa. Narito na sila ngayon sa eroplano at ilang oras din ang byahe nila bago makarating ng Korea. "Oo. Ikaw rin matulog ka na lamang din muna. Sa ating dalawa ay ikaw ang mas pagod dahil alam kong abala ka rin sa opisina mo," nakanhiti tin namang sabi ni Reign sa asawa. Tumango naman dito si Rayver. "I love you mahal," sabi ni Kenneth. "I love you too mahal," sagot naman ni Reign saka sya dinampian ng magaan na halik ni Kennetg sa labi saka sila parehas na natulog. Halos buong byahe ata nila Reign at Kenneth ay natulog lamang sila dahil ngayon nila ramdam ang pagod nila matapos ang kanil
CHAPTER 310Rayver & ShielaPagkatapos ng kasal nila Kenneth at Reign ay agad na silang dumiretso sa kanilang honeymoon sa Korea. Ginamit na kaagad nila ang regalong trip to Korea ng mommy Aira nila at halos isang linggo rin sila na mag stay doon kaya naman iniwanan muna nila sa pangangalaga ng magulang ni Reign na si Aira si Kurt at syempre kasama nito ang nana Shiela nya.Sa isang condo unit na kasi nakatira sila Reign at Kurt dahil nasanay nga sila na nakabukod kaya kumuha si Reign ng unit kung saan sila tumutuloy na mag ina ngayon pati na rin si Shiela. Hindi na rin talaga binitawan ni Reign si Shiela at ito pa rin ang nag aalaga sa anak nya dahil kampante talaga sya na si Shiela ang nag aalaga sa anak nya dahil talagang mapagkakatiwalaan na nya ito kay Kurt.Pagkatapos ng kasal ay dumiretso na sila Aira ng uwi sa mansyon kasama si Kurt at habang nasa byahe na sila ay nakatulog na nga ang bata habang nakakandong kay Shiela.Pagkarating nila sa mansyon ay tulog pa rin si Kurt kaya
CHAPTER 311Nang makatulog na muli si Kurt ay napabuntong hininga na lamang si Shiela at muli ay hinawakan nya ang labi nya at muli nyang naalala ang ginawang paghalik sa kanya ni Rayver kanina. Napapikit na lamang sya ng mariin dahil first kiss nya iyon at hindi nya inaasahan na sa kakambal pa mismo ng kanyang amo nya ito makukuha at parang gusto na lamang nyang maiyak sa isipin na iyon dahil hindi pa nga sya nagkakaroon ng nobyo ay nahalikan na sya.Matagal naman na nya rin kasing napapansin na madalas syang titigan ni Rayver at binabalewala nya na lamang iyon dahil ang akala nya ay kinikilala lamang sya nito pero alam naman nya na alam nito na apo sya ng dating kasambahay ng mga ito na si Manang Hellen.Kahit na may gumugulo sa isipan nya ay tumayo na lamang din si Shiela upang asikasuhin ang mga ilang gamit na dala nila ni Kurt dahil isang linggo rin sila maglalagi roon at bukas nga ay kailangan nyang bumalik sa tinitirhan nilang unit para kumuha pa ng mga gamit nila ni Kurt dahil
CHAPTER 312"P-pasensya ka na nga pala sa nagawa ko kahapon. Hindi ko intensyon na matakot ka sa akin," hinging paumanhin na ni Rayver kay Shiela dahil sa ginawa nyang paghalik dito kahapon. Tatakutin lamang sana nya kasi sana ang dalaga pero hindi na nya napigilan pa ang kanyang sarili at nahalikan nga nya ito."P-po? A-ayos lang po yun. K-kalimutan na lamang po natin yun," kandautal pa na sagot ni Shiela sa binata saka sya nag iwas ng tingin dito pero ang totoo ay halos hindi sya nakatulog ng maayos kagabe dahil sa ginawang paghalik sa kanya ng binata at hanggang ngayon nga ay parang pakiramdam nya ay parang nakalapat pa rin ang malambot na labi ng binata sa labi nya.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Rayver saka nya binitawan ang baba ni Shiela bago sya naupo sa upuan na naroon. Nasundan na lamang ni Shiela ng tingin si Rayver."A-ano po ba ang gusto nyong pag usapan natin? K-kung wala naman na po kayong sasabihin ay baka po pwede na po tayong bumalik ng ma
CHAPTER 313Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Dave bago nya seryosong tinitigan si Dave."Wala namang problema sa amin ng mommy mo anak kung wala ka pang nobya. Pero kasi kinausap kami ni Mr. Garcia at mayroon sana syang hinihiling sa amin," sagot ni Dave."Mr. Garcia? At ano naman po ang kinalaman ko roon?" kunot noo na tanong ni Rayver sa kanyang ama."Yes si Mr. Garcia. Gusto nya sanang hilingin na maikasal sa iyo ang kanyang anak na si Jenny," sagot ni Dave."What? Arrange marriage? Uso pa po ba tan ngayon dad?" sagot naman ni Rayver na parang biglang nainis dahil sa sinabi ng kanyang ama."Alam mo naman na isa sa mga kasosyo natin sa negosyo si Mr. Garcia at hindi ko talaga alam kung anong isasagot ko sa kanya nung kinausap nya ako dahil hindi naman talaga namin pinapakialaman ang love life ninyong magkakapatid," sagot naman ni Dave."No dad. Ngayon pa lang ay sabihin nyo na sa kanilang wala silang maaasahan sa akin dahil hindi ako magpapakasal sa kanilang
CHAPTER 314Sa mansyon naman nila Aira at Dave ay seryoso naman na nag uusap sa garden ang mag asawa."Alam mo sa totoo lang ay hindi ako pabor sa gustong mangyare ni Mr. Garcia. Ayokong pakialamanan ang personal na buhay ng mga anak natin lalo na ngayon na nasa tamang edad na nga sila," sabi ni Aira kay Dave habang nagpapahangin sila sa garden na dalawa. Napagdaanan na kasi nilang mag asawa ang ganoong set up na arrange marriage at alam nilang mahirap talaga iyon at nagpapasalamat na lamang talaga sila dahil matapos ng maraming pagsubok na pinagdaanan nila ay naging matatag silang dalawa kaya ngayon ay masaya na silang dalawa kasama ang kanilang mga anak. Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Dave."Kahit naman ako ay ayoko rin talaga sanang pakialaman ang mga bata lalo na sa usapin pag ibig nila dahil gusto ko rin naman na sila ang pipili ng mapapangasawa nila pero subukan na lang din natin tutal ay wala pa namang nobya ang ating anak. Nakausap ko na kasi si Rayv
CHAPTER 315Pagkarating ni Rayver sa kanilang mansyon ay nagulat pa sya dahil pagkaasok nya sa loob ay nadatnan nya ang kanyang ama sa kanilang sala na mukhang hinihintay sya dahil pagkarating nya ay agad itong tumayo at lumapit sa kanya. "Hi dad," bati ni Rayver sa kanyang ama ng mapansin nya na palapit ito sa kanya."Mabuti naman at dumating ka na. Gusto sana kitang makausap ulit anak," sagot ni Dave."Tungkol po saan dad? May problema po ba?" tanong agad ni Rayver."Anak nakausap ko na ulit si Mr. Garcia. Anak baka naman pwedeng kahit kilalanin mo na muna ang kanyang anak. Baka pwedeng bigyan mo naman sila ng pagkakataon at magkakilanlan muna kayo ni Jenny. Malay mo naman ay madevelop ang feelings mo sa kanya at baka magustuhan mo na rin si Jenny," sagot ni Dave."Dad kilala ko na po si Jenny noon pa dahil naging kaklase namin sya ni Reign noon at alam kong spoiled sya ng kanyang ama at hindi ko gusto ang ugali na meron sya," deretsahan na sagot ni Rayver."Anak please kahit isang
CHAPTER 316Pagkapasok naman ni Rayver sa kanyang kwarto ay agad na syang napasalampak ng higa sa kanyang kama. Excited pa naman sya kanina na umuwi dahil makikita na nya muli si Shiela pero ang sumalubong naman sa kanya ay sakit ng ulo.Sa totoo lang ay hindi nya talaga maintindihan noong una ang nararamdaman nya para kay Shiela. Noong una nya kasi itong makita ay bigla syang natorete at natulala na lamang sya sa dalaga. Hindi nya maintindihan pero mukhang na love at first sight sya rito pero natotorpe syang umamin sa dalaga sa tunay nyang nararamdaman para rito. Pinangungunahan kasi sya ng hiya na umamin sa dalaga kaya naman nakuntento na lamang sya sa pasulyap sulyap rito kaya naman ngayin na narito ito sa mansyon ay balak nya sanang unti unti ay kunin ang loob nito.Napabangon naman si Rayver mula sa pagkakahiga at agad na syang naghubad ng kanyang suot na damit at agad na dumiretso sa CR upang maglinis ng katawan at para na rin makapagpalit ng damit. Pagkatapos magligo at makapa
CHAPTER 527Kinaumagahan ay nagising nga si Dylan ng pasado alas syete na ng umaga. Pupungas pungas pa nga siya na bumangon siya pero ng maalala nga niya na pupuntahan nga pala niya ang pinakamamahal niyang si Amara ay parang biglang nabuhay ang dugo niya.Agad na nga syang naligo at nag ayos ng kanyang sarili at agad na naghanda upang umalis. Nakasuot na nga rin sya ng pang opisina dahil balak nya munang sumaglit sa kanyang opisina bago sya pumunta sa mansyon nila Amara. Pagkababa nga nya ng hagdan ay naabutan naman nya ang kanyang ina sa sala ng kanilang mansyon habang nagbabasa ng mga magazine."Dylan anak gising ka na pala. Hindi ko na namalayan pa ang pag uwi mo kahapon. Kumusta pala si Amara?" agad na sabi ni Aira kay Dylan ng makita nga nya ito na papalapit sa kanya."Good morning po mom," bati ni Dylan sa kanyang ina at saka nga sya humalik sa pisngi nito. "Gabing gabi na rin po kasi ako nakauwi kagabi mom dahil dinala ko po si Amara sa ospital kahapon pero ayos naman na po sy
CHAPTER 526Pagkalabas naman ni Dylan ng silid ni Amara ay agad na nga syang bumaba ng hagdan at pagkababa nga niya ay agad nga niyang nakita ang mga magulang ni Amara sa sala na mukhang seryosong nag uusap."Ahm... Excuse mo po Tito Gino, tita Amara uuwi na po muna ako at babalik na lamang po ako mamaya," pagpapaalam na ni Dylan sa magulang ni Amara pagkababa nya ng hagdan.Agad naman na napatingin sila Gino at Bianca kay Dylan na nakayuko na ang ulo.."Sabi ng tita Bianca mo ay may gusto ka raw sabihin sa akin hijo. Ano ba yun?" tanong ni Gino kay Dylan.Bigla namang napalunok ng sarili nyang laway si Dylan at saka sya huminga ng malalim at saka sya nag angat ng kanyang tingin."Opp tito. G-gusto ko po sanang magpaalam sa inyo dahil gusto ko ong ligawan si Amara. At gusto ko po sanang hingin ang basbas nyo na pumapayag po kayo," magalang na sabi ni Dylan sa ama ni Amara at talagang tumingin siya sa mata nito para maramdaman nito na seryoso sya sa kanyang sinasabi rito.Titig na titi
CHAPTER 525Ilang oras nga rin na namalagi si Amara sa ospital at talagang pinaubos nga rito ang laman ng kanyang dextrose. At talaga rin namang pinanindigan ni Dylan na hindi sya aalis diin at talagang binantayan nga nya si Amara roon.Halos gabi na nga rin talaga bago nga nakalabas ng ospital si Amara at rinesetahan na lang din naman sya ng kanyang doktor ng ilang gamot para nga muling bumalik ang kanyang lakas. Ayaw na rin naman kasi talaga nilang magtagal pa roon si Amara dahil nga mas gusto rin nila na nasa bahay nga nila ito.Pagkarating nga nila sa mansyon ng mga Dela Cueva ay agad na nga na inihatid muna ni Dylan si Amara sa silid nito."Salamat nga pala sa pagbabantay sa akin doon sa ospital," sabi ni Amara kay Dylan."Wala iyon. Sabi ko naman sa'yo ay hindi ako aalis sa tabi mo hindi ba?" nakangiti pa na sagot ni Dylan kay Amara. "Kumusta pala ang pakiramdam mo? Nahihilo ka pa ba?" tanong pa ni Dylan sa dalaga."Hindi naman na. Medyo okay oaky naman na ang pakiramdam ko hind
CHAPTER 524Nang tuluyan na ngang nakaalis ang doktor ay agad na nga ring lumapit si Dylan kay Amara at saka nya nga ito matamis na nginitian."Magpahinga ka na muna dahil hindi ka pa maaaring lumabas dito dahil kailangan mong ubusin ang laman ng dextrose na yan," sabi ni Dylan. "Wag kang mag alala dahil dito lamang ako at hindi ako aalis dito," sabi ni Dylan kay Amara at saka nya nga ito hinalikan sa ulo nito.Agad naman na napangiti si Amara kay Dylan dahil sa sinabi nito."Salamat Dylan ha," sabi ni Amara. "Pasensya ka na kung naabala ka pa namin. Pwede mo naman akong iwan na muna dito dahil nar'yan naman sila mommy," dagdag pa nya."Hindi Amara. Dito lang ako hanggang sa makauwi ka na. Hayaan mong makabawi ako sa'yo kahit papaano," sagot ni Dylan sa dalaga at saka nga sya naupo sa may tabi ni Amara.Napangiti na nga lamamg talaga si Amara at hindi na nga sya nagsalita pa. Hinayaan na lamang din nya si Dylan doon dahil mukhang hindi talaga magpapaawat ang isang ito at talagang mag
CHAPTER 523"Bakit? May problema ba?" puno ng pag aalala na tanong ni Dylan kay Amara ng maupo nga ulit ito at nakita nga nya na nakapikit nga ito."W-wala lamang ito. Nahilo lang ako bigla marahil ay dahil ito sa madalas akong nakahiga lamang," mahinang sagot ni Amara sa binata.Napabuntong hininga naman si Dylan at saka nya naaawang tiningnan si Amara."Ang mabuti pa siguro ay dalhin na muna kita sa ospital. Alam ko na dahil nga siguro yan sa pagmumukmok mo rito ng ilang araw pero kasi baka dehydrated ka na kaya ka nagkakaganyan," sabi ni Dylan at saka sya tumingin sa tita Bianca nya para magpasaklolo na pumayag ito sa gusto nya.Agad naman na napansin ni Bianca na nakatingin nga sa kanya si Dylan kaya naman napabuntong hininga na lamang din sya dahil mukhang tama nga ito. Pansin nya na rin kasi na medyo bumagsak nga ang katawan ni Amara at mukhang kailangan nga muna nila itong dalhin sa ospital."Sa tingin ko ay tama ka r'yan Dylan. Dapat nga siguro nating dalhin si Amara sa ospita
CHAPTER 522Ilang sandali pa nga silang nanatiling magkayakap habang parehas nga rin silang hilam ng luha ang mga mata.Unti unti naman na bumitaw si Dylan sa pagkakayakap nya kay Amara at saka nya nga pinunasan ang luha ng dalaga gamit ang kanyang daliri at saka sya matamis na ngumiti rito."Mahal na mahal kita Amara. Wag mo ng uulitin pa ito ha. Ayokong nakikita kang nahihirapan at nasasaktan ng ganyan kaya ingatan mo palagi ang sarili mo," sabi ni Dylan kay Amara. Agad naman na tumango si Amara rito."Oo. Hindi ko na ito uulitin at wala na rin namang dahilan para gawin ko pa ulit ang bagay na ito," sagot ni Amara at saka nya matamis na nginitian ang binata. "Mahal na mahal din kita Dylan at alam mo naman na yan noon pa man kaya naman sobrang saya ko ngayon dahil sa wakas ay nasuklian mo na rin ang pagmamahal ko sa'yo," dagdag pa ni Amara at muli nga ay tumulo na naman ang luha nya."Sorry kung nasaktan kita," sabi ni Dylan at saka nya hinalikan sa noo si Amara. "Mahal na mahal kita
CHAPTER 521Titig na titiig naman si Amara kay Dylan at nagtataka nga siya sa sinasabi nito. Ang alam nya kasi ngayon ay ikakasal na ito sa iba kaya bakit nga ito mag aalala pa sa kanya ng ganito."Bakit? Para saan pa?" tanong ni Amara kay Dylan. "Ang mabuti pa ay pabayaan mo na lamang ako Dylan. Wag mo na akong alalahanin dahil lilipas din naman ito at makakalimutan din naman kita. Sadyang nagpapalipas lamang ako ng nararamdaman kong ito at darating ang araw na makakalimutan ko na rin ang nararamdaman ko para sa'yo dahil siguro nga ay hindi talaga tayo para sa isa't isa," dagdag pa ni Amara kasabay ng pagpatak ng kanyang luha dahil sa sobra talaga syang nasasaktan sa mga nangyayare sa kanila ni Dylan. Agad din naman ng pinunansan ni Mara ang kanyang luha dahil ayaw nyang makita ni Dylan na umiiyak sya ng dahil dito."Hindi ko maaatim na pabayaan ka na lamang ng ganyan Amara," sagot ni Dylan at saka sya naupo sa kama ni Amara para magpantay sila ng dalaga at saka nga nya hinawakan ang
CHAPTER 520Pagkabukas nga ni Bianca ng pintuan ng silid ni Amara ay medyo madilim nga roon dahil dim light lamang ang nakabuhay na ilaw nito at sarado pa nga ang nga bintana nito kahit na mataas na ang araw pero agad din naman nilang nakita na nakahiga nga si Amara sa kama nito at nakakumot pa."Mom mamaya na lamang po ako kakain," mahinang sabi ni Amara ng marinig nga nya na nagbukas ang pinto ng kanyang silid. Wala naman kasing ibang pumapasok roon ng basta basta na lamang kundi ang kanyang ina at si Amanda lamang pero sa mga oras nga na ito ay alam nyang wala ang kanyang kapatid kaya alam nyang ang kanyang ina ang nagbukas noon. Alam nya rin na hindi naman puounta ng ganoong oras ang kanyang ama dahil alam nya na nasa opisina nga ito.Magsasalita na nga sana si Bianca ng bigla nga syang pigilan ni Dylan at sinenyasan sya nito na wag sasagot kaya hindi nga sya nagsalita at tumango na nga lamang sya kay Dylan. Nagpasya na rin si Bianca na lumabas na muna at hayaan na lamang muna nya
CHAPTER 519"Nasa kanilang mansyon lamang si Amara sabi ng tita Bianca mo at ilang araw na daw itong nagmumukmok doon simula ng malaman nga nito na ipagkakasundo ka namin sa ibang babae. Mukhang nasaktan natin ang damdamin ni Amara anak," malungkot pa na sagot ni Aira kay Dylan."Mom gusto ko po syang puntahan. Kailangan ko po syang makausap para malaman nya ang totoo. Kailangan nyang malaman na hindi nyo po ako ipinagkasundo at hindi ako ikakasal sa ibang babae," sabi ni Dylan sa kanyang ina at hindi na nga nya napansin pa ang pagpatak ng kanyang luha at luha ito sa sobrang saya dahil sa mga nalaman nya."Gusto ko pong sabibin kay Amara ngayon kung gaano ko po sya kamahal mom," dagdag pa ni Dylan.Agad naman na napangiti si Aira dahil sa sinabi ni Dylan at pinunasan pa nga nya ang luha ni Dylan na lumandas sa pisngi nito gamit ang kanyang kamay."Alam ko naman kung gaano mo kamahal si Amara anak kaya hinding hindi kita pipigilan na kausapin sya ngayon," nakangiti pa na sbai ni Aira a