CHAPTER 316Pagkapasok naman ni Rayver sa kanyang kwarto ay agad na syang napasalampak ng higa sa kanyang kama. Excited pa naman sya kanina na umuwi dahil makikita na nya muli si Shiela pero ang sumalubong naman sa kanya ay sakit ng ulo.Sa totoo lang ay hindi nya talaga maintindihan noong una ang nararamdaman nya para kay Shiela. Noong una nya kasi itong makita ay bigla syang natorete at natulala na lamang sya sa dalaga. Hindi nya maintindihan pero mukhang na love at first sight sya rito pero natotorpe syang umamin sa dalaga sa tunay nyang nararamdaman para rito. Pinangungunahan kasi sya ng hiya na umamin sa dalaga kaya naman nakuntento na lamang sya sa pasulyap sulyap rito kaya naman ngayin na narito ito sa mansyon ay balak nya sanang unti unti ay kunin ang loob nito.Napabangon naman si Rayver mula sa pagkakahiga at agad na syang naghubad ng kanyang suot na damit at agad na dumiretso sa CR upang maglinis ng katawan at para na rin makapagpalit ng damit. Pagkatapos magligo at makapa
CHAPTER 317"Ano ba yang iniisip mo at parang napakalalim naman yata nyan?" agad na tanong ni Rayver dahil parang malungkot talaga ang dalaga ngayon."Ahm. Iniisip ko lamang si nanay. May sakit kasi sya ngayon at kahit gusto ko mang puntahan sya ay hindi maaari dahil kailangan namin ng pera," malungkot na sagot ni Shiela sa binata."Bakit hindi mo subukang magpaalam kay Reign. Maiintindihan ka naman noon at baka nga tulungan ka pa non," sagot naman ni Rayver. Napabuntong hininga naman si Shiela."Sa totoo lang pwedeng pwede ko naman talaga yung gawin kaso ay nahihiya na ako kay Reign dahil andami na nyang naitulong sa akin kahit noong nasa ibang bansa pa kami. Ayoko namang abusuhin ang kabaitan nya," sagot naman ni Shiela."Pero baka kailangan ka talaga ng nanay mo ngayon. Ano ba ang dakit ng nanay mo?," sagot ni Rayver."May cancer si nanay at ilang taon na rin syang nakikipaglaban sa sakit nyang iyon. Oo alam ko na kailangan nya ako roon pero magpapadala na lamang siguro ako ng pera
CHAPTER 318Kinabukasan ay maaga naman na nagising si Rayver dahil kailangan nyang pumasok ng maaga ngayon sa kanyang opisina dahil nga sa marami syang kailangang tapusin na trabaho ngayon. Ipinagkatiwala na kasi sa kanya ng kanyang ama ang isa nilang kumpanya kaya naman naging abala na talaga sya sa trabaho nitong mga nakaraang mga araw.Pagkababa nya ng hagdan ay agad nyang nakita si Shiela kasama ang kanyang pamangkin na si Kurt sa kanilang garden at doon ito pinapakin ni Shiela kadabay na rin ng pagpapaaraw nito. Kaya naman agad na muna syang lumapit sa mga ito."Tito," agad na sigaw ni Kurt kay Rayver at lumapit pa ito rito at yumakap."Hi baby," sagot naman ni Rayver saka sya gumanti ng yakap sa pamangkin nya. Laking tuwa nga ni Rayver dahil nawala na ang takot sa kanya ng kanyang pamangkin dahil noong una talaga ay ieas ito sa kanya at palaging seryoso ang mukha kung makatingin sa kanya pero ngayon ay mukhang nasanay na sa kanya ang kanyang pamangkin at palagi na utong nakangit
CHAPTER 319Nang mapag isa na si Rayver sa kanyang opisina ay napabuga na lamang sya ng hangin sa kanyang bibig para pakalmahin ang kanyang sarili. Naiinis kasi sya kay Jenny dahil ayaw talaga syang tantanan nito. Ang buong akala nya ay titigil na talaga ito ng manahimik na ito ng ilang taon sa pangungulit sa kanya pero nagkamali pala sya at naging mas malala pa nga ata ito ngayon dahil ang gusto ay pakasalan nya ito agad agad. Naipilig na lamang nya ang kanyang ulo at muli ay itinuon na nya ang kanyang atensyon sa kanyang ginagawa.Hindi naman sya nakapagconcentrate sa kanyang ginagawa kaya naman minabuti na lamang nyang umuwi dahil hindi rin naman sya makakapagtrabaho ng maayos. Gusto nya na munang makausap ang kanyang nga magulang tungkol sa dinner date na sinasabi ni Jenny dahil wala naman syang natatandaan na pumayag na sya sa date na yun.Pagkarating nya sa kanilang mansyon ay katahimikan ang sumalubong sa kanya kaya tinawag na nya ang isa nilang kasambahay upang itanong kung
CHAPTER 320Kinabukasan ay maaga naman na ulit syang pumasok sa opisina at pinaalalahan pa sya ng kanyang ina tungkol sa dinner party mamayang gabi bago sya umalis ng bahay at tanging pagtango lamang naman ang naging sagot nya rito.Abala naman si Rayver sa ginagawa nya ng bigla na lamang bumukas ang pinto ng kanyang opisina at iniluwa noon ang kanyang dalawang kaibigan na sila Carlo at Theo."Bro kumusta na? Nakalimutan mo na ata kami ah at wala ka man lang paramdam sa amin," agad na sabi ni Theo. "Masyado ka na atang subsob sa trabaho mo Bro baka hindi ka na makapag asawa nyan. Naiintinfihan pa namin si Kenneth dahil nasa honeymoon stage pa sila ni Reign pero ikaw. Tsk. Anong nangyayare sa'yo?" biro naman ni Carlo. "Tsk. Anong meron at naligaw kayong dalawa rito?" balewalang tanong ni Rayver sa dalawa at muli nyang itinuon ang paningin nya sa kanyang laptop."Bro dinayo ka namin dito para kumustahin tapos hindi mo kami papansinin. Nakakatampo ka naman," sabi ni Theo at tonong nagt
CHAPTER 321Bigla namang napaisip si Rayver dahil sa sinabi ni Carlo. Naisip na rin nya kasi ito noong nakaraan at isang babae lang ang pumapasok sa isipan ni Rayver at yun ay walang iba kundi si Shiela.Nito lang din nya napagtanto ang tunay nyang nararamdaman para sa dalaga at nahihiya pa rin syang umamin dito dahil natatakot sya na baka mailang ito sa kanya.Isang malalim na bunting hininga naman ang pinakawalan ni Rayver saka nya muling hinarap ang dalawa nyang kaibigan na kanina pa nakatingin da kanya."Sa tingin nyo ba ay gagana iyon kay Jenny kung sakali?" tanong pa nya kila Carlo at Theo. Nagkibit balikat naman ang dalawa."Wala namang mawawala kung susubukan mo. Annong malay natin baka sakaling tantanan ka na nga nya," sagot ni Carlo."Pero teka sandali lang. Ang tanong may napupusuan ka na ba ngayon? Alam mo bro sa tinagal tagal na nating magkakaibigan wala ka pang napapakilala da amin na naging nobya mo o kahit man lang nagugustuhan mo. Umamin ka nga bri bakla ka ba?" sabat
CHAPTER 322Hindi naman na nagpaabot ng hapon si Rayver sa kanyang opisina at maaga nga syang umuwi ng kanilang bahay para makausap nya ang kanyang mga magulang tungkol sa balak nyang pagsama kay Shiela sa party. Pagkarating nya sa kanilang mansyon ay agad na dinabi ng kanilang kasambahay na nasa library ang kanyang mga magulang kasama si Reign at Kenneth kaya naman dali dali na syang nagpunta roon.Kumatok pa muna sya bago nya binukdan ang pinto ng library at nadatnan nya na seryosong nag uusap ang kanyang mga magulang pati na rin sila Reign at Kenneth."Mukhang seryoso ang pinag uusapan nyo a," agad na sabi ni Rayver saka sya lumapit sa mga ito. Humalik pa muna sya sa pisngi ng kanyang mommy pati na rin kay Reign. Nagbless na rin sya sa kanyang ama at nakipag bro hug naman siya kay Kenneth."Nag uusap lamang kami tungkol sa kung saan titira sila Reign. Ikaw kumusta ang kumpanya bakit ang aga mo atang umuwi ngayon? Mukhang excited ka sa dinner party mamaya a," sabi ni Aira kay Rayve
CHAPTER 323Pagkatapos nilang mag usap usap sa library ay agad naman na dumiretso si Rayver sa kanilang garden para lumanghap ng sariwang hangin. Pakiramdam nya kasi ay parang stress na stress na sya sa mga nangyayari ngayon ng dahil kay Jenny. Naupo na lamang muna sya sa isa sa mga upuan na naroon at naisandal na lamang nya ang likod nya saka nya ipinikit ng mariin ang kanyang mga mata.Nakita naman ni Reign na sa garden dumiretso ang kanyang kuya Rayver kaya naman pinauna na muna nya ang kanyang asawa na si Kenneth sa kanilang silid doon sa mansyon."Kumusta ka kuya? Bakit parang stress na stress ka naman yata ngayon?" natatawa naman na tanong ni Reign sa kanyang kuya Rayver ng makalapit sya sa pwesto nito.Napamulat naman ng mata nya si Rayver saka sya umayos ng pagkakaupo nya at hinarap ang kanyang kakambal."Sinungaling ako kapag sinabi kong ayos lang ako dahil ang totoo ay sumasakit na talaga ang ulo ko sa dami ko ng iniisip. Ang dami kong trabaho sa opisina at dumagdag pa yang