CHAPTER 319Nang mapag isa na si Rayver sa kanyang opisina ay napabuga na lamang sya ng hangin sa kanyang bibig para pakalmahin ang kanyang sarili. Naiinis kasi sya kay Jenny dahil ayaw talaga syang tantanan nito. Ang buong akala nya ay titigil na talaga ito ng manahimik na ito ng ilang taon sa pangungulit sa kanya pero nagkamali pala sya at naging mas malala pa nga ata ito ngayon dahil ang gusto ay pakasalan nya ito agad agad. Naipilig na lamang nya ang kanyang ulo at muli ay itinuon na nya ang kanyang atensyon sa kanyang ginagawa.Hindi naman sya nakapagconcentrate sa kanyang ginagawa kaya naman minabuti na lamang nyang umuwi dahil hindi rin naman sya makakapagtrabaho ng maayos. Gusto nya na munang makausap ang kanyang nga magulang tungkol sa dinner date na sinasabi ni Jenny dahil wala naman syang natatandaan na pumayag na sya sa date na yun.Pagkarating nya sa kanilang mansyon ay katahimikan ang sumalubong sa kanya kaya tinawag na nya ang isa nilang kasambahay upang itanong kung
CHAPTER 320Kinabukasan ay maaga naman na ulit syang pumasok sa opisina at pinaalalahan pa sya ng kanyang ina tungkol sa dinner party mamayang gabi bago sya umalis ng bahay at tanging pagtango lamang naman ang naging sagot nya rito.Abala naman si Rayver sa ginagawa nya ng bigla na lamang bumukas ang pinto ng kanyang opisina at iniluwa noon ang kanyang dalawang kaibigan na sila Carlo at Theo."Bro kumusta na? Nakalimutan mo na ata kami ah at wala ka man lang paramdam sa amin," agad na sabi ni Theo. "Masyado ka na atang subsob sa trabaho mo Bro baka hindi ka na makapag asawa nyan. Naiintinfihan pa namin si Kenneth dahil nasa honeymoon stage pa sila ni Reign pero ikaw. Tsk. Anong nangyayare sa'yo?" biro naman ni Carlo. "Tsk. Anong meron at naligaw kayong dalawa rito?" balewalang tanong ni Rayver sa dalawa at muli nyang itinuon ang paningin nya sa kanyang laptop."Bro dinayo ka namin dito para kumustahin tapos hindi mo kami papansinin. Nakakatampo ka naman," sabi ni Theo at tonong nagt
CHAPTER 321Bigla namang napaisip si Rayver dahil sa sinabi ni Carlo. Naisip na rin nya kasi ito noong nakaraan at isang babae lang ang pumapasok sa isipan ni Rayver at yun ay walang iba kundi si Shiela.Nito lang din nya napagtanto ang tunay nyang nararamdaman para sa dalaga at nahihiya pa rin syang umamin dito dahil natatakot sya na baka mailang ito sa kanya.Isang malalim na bunting hininga naman ang pinakawalan ni Rayver saka nya muling hinarap ang dalawa nyang kaibigan na kanina pa nakatingin da kanya."Sa tingin nyo ba ay gagana iyon kay Jenny kung sakali?" tanong pa nya kila Carlo at Theo. Nagkibit balikat naman ang dalawa."Wala namang mawawala kung susubukan mo. Annong malay natin baka sakaling tantanan ka na nga nya," sagot ni Carlo."Pero teka sandali lang. Ang tanong may napupusuan ka na ba ngayon? Alam mo bro sa tinagal tagal na nating magkakaibigan wala ka pang napapakilala da amin na naging nobya mo o kahit man lang nagugustuhan mo. Umamin ka nga bri bakla ka ba?" sabat
CHAPTER 322Hindi naman na nagpaabot ng hapon si Rayver sa kanyang opisina at maaga nga syang umuwi ng kanilang bahay para makausap nya ang kanyang mga magulang tungkol sa balak nyang pagsama kay Shiela sa party. Pagkarating nya sa kanilang mansyon ay agad na dinabi ng kanilang kasambahay na nasa library ang kanyang mga magulang kasama si Reign at Kenneth kaya naman dali dali na syang nagpunta roon.Kumatok pa muna sya bago nya binukdan ang pinto ng library at nadatnan nya na seryosong nag uusap ang kanyang mga magulang pati na rin sila Reign at Kenneth."Mukhang seryoso ang pinag uusapan nyo a," agad na sabi ni Rayver saka sya lumapit sa mga ito. Humalik pa muna sya sa pisngi ng kanyang mommy pati na rin kay Reign. Nagbless na rin sya sa kanyang ama at nakipag bro hug naman siya kay Kenneth."Nag uusap lamang kami tungkol sa kung saan titira sila Reign. Ikaw kumusta ang kumpanya bakit ang aga mo atang umuwi ngayon? Mukhang excited ka sa dinner party mamaya a," sabi ni Aira kay Rayve
CHAPTER 323Pagkatapos nilang mag usap usap sa library ay agad naman na dumiretso si Rayver sa kanilang garden para lumanghap ng sariwang hangin. Pakiramdam nya kasi ay parang stress na stress na sya sa mga nangyayari ngayon ng dahil kay Jenny. Naupo na lamang muna sya sa isa sa mga upuan na naroon at naisandal na lamang nya ang likod nya saka nya ipinikit ng mariin ang kanyang mga mata.Nakita naman ni Reign na sa garden dumiretso ang kanyang kuya Rayver kaya naman pinauna na muna nya ang kanyang asawa na si Kenneth sa kanilang silid doon sa mansyon."Kumusta ka kuya? Bakit parang stress na stress ka naman yata ngayon?" natatawa naman na tanong ni Reign sa kanyang kuya Rayver ng makalapit sya sa pwesto nito.Napamulat naman ng mata nya si Rayver saka sya umayos ng pagkakaupo nya at hinarap ang kanyang kakambal."Sinungaling ako kapag sinabi kong ayos lang ako dahil ang totoo ay sumasakit na talaga ang ulo ko sa dami ko ng iniisip. Ang dami kong trabaho sa opisina at dumagdag pa yang
CHAPTER 324Pagkatapos na magbihis ni Rayver ay pahintamad naman na syang lumabas ng kanyang silid at balak nyang hintayin na lamang ang kanyang mga magulang sa kanilang sala. Wala talaga syang kagana gana na umattend sa naturang party pero wala naman syang magawa kundi ang pagbigyan na lamang muna ang mga ito.Habang naghihintay sya sa kanyang mga magulang ay nakita naman nya si Shiela sa garden na mayroong kausap sa phone kaya naman dahan dahan syang lumapit dito."Opo nay. Susubukan ko po na magpadala sa inyo next week. Kauuwi lamang po ni Reign at nahihiya naman po akong mag advance ng sahod sa kanila," sabi ni Shiela sa kausap nya sa phone.Tahimik naman na nkikinig si Rayver sa mga sinasabi ni Shiela habang nakatayo sya sa may likuran ng dalaga at ni hindi man lang sya napapansin nito dahil mukhang seryoso talaga ito sa pakipag usap sa ina nito."Sige na po nay. Mag iingat po kayo r'yan. Uminom din po kayo ng gamot nyo ha. Baka po hinahanap na po ako ng alaga ko nay. Sige na po
CHAPTER 325Pagkapasok naman ni Shiela sa loob ng silid kung saan sila nag stay ni Kurt ay nakahinga na sya ng maluwag. Ramdam nya kasi ang malakas na pagkabog ng dibdib nya kanina ng hawakan ni Rayver ang kamay nya.Hindi nya rin kasi maintindihan ang sarili nya nitong nga nakaraang araw. Pakiramdam nya kasi simula ng magkausap sila ni Rayver noon at magkwento sya rito ay parang biglang gumaan ang pakiramdam nya sa binata. Pakiramdam nya ay parang gusto nya laging nakikita ang gwapong mukha nito. Sa isipin na yun ay naipilug na lamang ni Shiela ang kanyang ulo."Shiela mali yan ha. Maling mali iyan. Tandaan mo na amo mo sila at sadyang mababait lamang talaga sila sa'yo. At kung ano man yang nararamdaman mo para kay Rayver ay mali yan. Hindi yan tama dahil mayaman sila at mahirap ka lamang tandaan mo yan at hindi ka nababagay sa kanila," kausap pa ni Shiela sa kanyang sarili habang nakaharap sya sa salamin ng CR na naroon lang din sa silid nila ni Kurt. Napabuga na lamang sya ng hangi
CHAPTER 326Nagulat naman si Shiela sa tinanong ni Reign kaya naman agad syang nag iwas ng tingin dito."Ha? B-bat naman nadamay dito si R-Rayver?" Balik tanong ni Shiela kay Reign."Tsk. Oo at hindi lang naman ang isasagot mo dyan e. So ano nga pogi ba si kuya? Bet mo ba sya?" pangungulit pa ni Reign habang nakangisi pa kay Shiela."Hay naku Reign. Matulog ka na. Hinihintay ka na ng asawa mo sa kabilang silid. Sige na pumunta ka na roon," pagtataboy na lamang ni Shiela kay Reign dahil alam nya na mangungulit pa ito dahil sa paraan ng pagkakatinhin nito sa kanya at saka sya tumayo at naglakad palapit kay Kurt at kunwari ay tinitingnan nya kung nagising ba ito. Natatawa naman si Reign habang pinagmamasdan nya ang kinikilos ni Shiela dahil parang nararamdaman nya na may feelings din ito para sa kakambal nya. At alam nyang nahihiya lamang itong umamin sa kanya."Mukhang alam ko na ang sagot mo sa tanong ko," natatawang sabi ni Reign. "Alam mo Shiela kung may gusto ka kay kuya Rayver ay
CHAPTER 499Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Amara. At saka sya muling tumingin sa kanyang ina na naging blangko bigla ang mukha at alam naman nya ang dahilan noon at ito ay dahil sa isasagot nya sa tanong ng tita Aira nya."Ahm. T-tita Aira ang totoo po nyan. Ahm.." hindi naman maituloy ni Amara ang kanyang sasabihin dahil alam nya na hindi matutuwa ang tita Aira nya rito. Pagtingin naman nya sa gawi ni Dylan ay prentr nga itong nakaupo sa sofa na naroon at halatang hinihintay nga rin nito ang kanyang magiging sagot."Bakit hija? Ano ba yang sasabihin mo?" tila hindi na makapaghintay na tanong ni Aira kay Amara.Napatingin naman muli si Amara sa tita Aira nya at saka sya muling bumuntong hininga dahil no choice naman talaga sya kundi sabihin ang totoo sa tita Aira nya dahil ayaw naman nya na magalit o magtampo pa ito sa kanya."Ahm. Tita Aira i-ikakasal na po kasi ako," mahinang sagot ni Amara. "K-kaya po ako umuwi ng bansa ay dahil sa mag aasikaso po ako ng
CHAPTER 498"Narito lang pala kayong dalawa. Kanina ko pa kayo hinahanap narito lang pala kayo. Mukhang nagkamustahan na kayong dalawa a," nakangiti pa na sabi ni Aira habang naglalakad nga sya palapit kila Amara at Dylan.Kanina pa kasi nya hinahanap si Amara dahil matagal na nga itong hindi bumabalik gayong nagpaalam lamang naman ito na mag CR kaya naman agad na nga nya itong hinanap at dito lang pala nya ito makikita sa tabing dagat kasama ang kanyang anak na si Dylan."Ahm. O-opo tita. Nagkita po kasi kami kanina r'yan kaya nagkayayaan po na pumunta rito para magpahangin at nagkamustahan na rin po," nakangiti pa na sagot ni Amara kay Aira. "Diba Dylan?" baling naman ni Amara kay Dylan at siniko pa nga nya ito dahil hindi nga ito nagsasalita man lang at nanatiling nakatitig pa nga ito sa kanya.Bumuntong hininga naman si Dylan at ang itsura nito ay para ngang nalugi dahil nga hindi pa nya tapos kausapin si Amara ay dumating na nga ang kanyang ina."Yes mom. Nagkamustahan lamang po
CHAPTER 497"Hindi ako nagbibiro Dylan. Totoo ang sinasabi ko sa'yo. Ikakasal na talaga ako. At kaya ako nagbalik ng bansa ay para mag asikaso ng nga kailangan namin sa kasal ng nobyo ko," seryoso na sagot ni Amara kay Dylan at bakas nga sa mata nito ang lungkot.Napaawang naman ang bibig ni Dylan dahil sa sinabi ni Amara at napakurap kurap pa nga sya kasabay ng paglandas ng luha sa pisngi nya dahil parang hindi talaga sya makapaniwala sa kanyang narinig."H-hindi. H-hindi totoo yan," sabi ni Dylan kasabay ng pag iling nya. "Nagbibiro ka lang Amara. Hindi yan totoo diba?" dagdag pa ni Dylan at hindu talaga sya naniniwala sa sinabi ni Amara.Napabuntong hininga naman si Amara at saka nya hinawakan sa kamay si Dylan at saka nya muling tinitigan sa mga mata ang binata."Nagsasabi ako ng totoo Dylan. Ikakasal na talaga ako," sabi ni Amara kay Dylan. "Oo mianahal kita kaya nga nagawa kong umalis para naman walang maging sagabal sa pag abot ng nga pangarap mo. Gusto kong maging masaya ka ka
CHAPTER 496Napaawang naman ang bibig ni Amara dahil sa kanyang mga narinig at tila ba parang bigla syang naestatwa sa kanyang kinatatayuan at hindi alam ang gagawin. Totoong hindi talaga sya makapaniwala sa kanyang mga narinig na sinabi ni Dylan."D-Dylan b-bakit mo to sinasabi ngayon?" kandautal pa na sabi ni Amara. "Nagbibiro—" hindi naman na naituloy pa ni Amara ang kanyang sasabihin ng bigla nga syang kabigin ni Dylan sa kanyang bewang at agad na naglapat ang kanilang mga labi.Naging banayad naman ang paghalik ni Dylan kay Amara at napapapikit pa nga ito na wari mo ay ninanamnam ang mga labi ni Amara.Nanlaki na lamang talaga ang mga mata ni Amara dahil sa ginawa ni Dylan na paghalik sa kanya. Hindi nya talaga ito inaasahan at hindi nga nya malaman kung tutugon ba sya o hindi sa ginagawa nitong paghalik sa kanya.At dahil nga nabitin sa pagsasalita si Amara kanina ay nakaawang nga ang kanyang bibig kaya naman malayang naipasok ni Dylan ang kanyang dila sa loob ng bibig ni Amara
CHAPTER 495"Nakabubuti? Paano mo nasabing nakabubuti para sa atin iyon?" kunot noo pa na tanong ni Dylan kay Amara.Bumuntong hininga naman si Amara at saka sya pumunta sa harapan ni Dylan at saka sya humarap dito at seryosong tiningnan ang binata."Oo mas nakabubuti yun para sa atin kaya ko iyon ginawa. Diba sabi mo noon sa akin ay magiging abala ka na sa kumpanya nyo. Ayoko naman na maging sagabal sa pagtupad ng mga pangarap mo kaya mas minabuti ko na lamang na lumayo sa'yo dahil alam mo naman kung gaano kita kagusto noon diba? Kaya nga palagi akong pumupunta sa'yo kaya naisip ko na kung lalayo ako ay makakapag focus ka sa mga ginagawa mo," paliwanag ni Amara kay Dylan."Tingin mo tama ang ginawa mo? Parang bigla mo na lang akong kinalimutan Amara. Limang taon Amara. Limang taon na wala kang paramdam. Hinihintay ko na ikaw ang unang tatawag man lang sa akin dahil ikaw ang umalis ng basta na lang pero ni ho ni ha ay wala akong narinig sa'yo," tila naiinis ng sabi ni Dylan kay Amara
CHAPTER 494Habang abala naman ang lahat sa panonood sa palabas ng clown at sa mga palaro roon ay tahimik lamang naman na nakatanaw si Dylan sa gawi ni Amara. Katabi nga nito ang kanyang ina na halos ayaw ng bitawan pa ang dalaga Hindi nya nga talaga ito nalapitan man lang kanina dahil nga tinawag na sila kanina dahil magsisimula na nga ang party ng kanyang pamangkin. Kaya ngayon ay hanggang tanaw tanaw na lamang talaga muna sya kay Amara at maghihintay na lamang sya ng tamang tyempo na malapitan at makausap nya nga ito.Nang mapansin nga ni Dylan na tumayo si Amara at nagmamadaling umalis sa tabi ng kanyang ina ay halos humaba naman ang leeg nya at tinanaw nya nga kung saan pupunta si Amara at ng makita nga nya kung saan ito pumunta ay agad naman na syang tumayo at pasimpleng umalis sa kanyang pwesto at dahan dahan na sinundan si Amara kung saang gawi ito nagpunta.Pagkatapos naman na umihi ni Amara ay saglit pa nga syang tumingin sa salamin na naroon din sa loob ng Cr at saglit pa
CHAPTER 493Agad naman na napatingin sila Aira sa gawi ng pinto kung saan naroon ang nagsalita na iyon. At maging si Dylan ay biglang natigilan ng marinig nga nya ang boses na iyon dahil kilalang kilala nya kung kaninong boses nga iyon."Oh my god Amara," sigaw ni Aira at agad pa nga itong tumayo at agad na linapitan si Amara at yinakap ng mahigpit.Agad naman na ginantihan ng yakap ni Amara ang tita Aira nya dahil namiss nya nga rin talaga ito.Nakangiti naman si Bianca habang pinapanood ang anak nya at ang kaibigan nya. Alam nyang sobrang saya ni Aira ngayon na makita muli si Amara dahil parang anak na nga rin ang turing nito kay Amara."Bakit naman kasi ngayon ka lang bumalik hija? Ayaw mo na ba sa amin kaya ka umalis ng ganon ganon na lamang?" himig nagtatampo na sabi ni Aira ng bumitaw sya sa pagkakayakap nya kay Amara."Sorry po talaga tita Aira kung umalis po ako noon ng biglaan at hindi nagpapaalam. Gusto ko po kasing subukang mamuhay ng hindi umaasa kila mommy at daddy kaya k
CHAPTER 492Pagkatapat sa silid kung saan naroon si Aira ay tumigil naman na muna si Bianca at saka nya liningon si Amara at saka nya ito matamis na nginitian. Nang ngumiti naman pabalik si Amara ay saka naman kumatok si Bianca sa pintuan ng naturang silid at saka nya nga ito binuksan."Isurprise natin ang tita Aira mo anak. Dyan ka na muna ha. Tatawagin na lamang kita o kaya naman ay humanap ka ng tyempo na papasok ka roon ng hindi napapansin ng tita Aira mo," nakangiti pa na sabi ni Bianca kay Amara dahil naisian nga nya na isurprise ang kanyang kaibigan nya dahil alam nga nya na miss na miss na nito si Amara at tiyak na matutuwa nga ito kapag nakita nito na kasama nga nya si Amara ngayon.Pagkabukas nga ni Bianca ay agad nga nyang nakita si Aira at ang buong pamilya nito sa silid na iyon. Agad naman na napangiti si Aira ng makita nga nya na si Bianca ang nagbukas ng pintuan kasama ang asawa at anak nitong si Amanda."Mabuti naman at narito ka na. Akala ko talaga ay hindi na kayo
CHAPTER 491"Grabe anak sobrang tagal mo naman. Kanina pa kaya kami naghihintay sa'yo rito ng daddy mo," sabi ni Bianca ng makita nga nya na pababa na ng hagdan si Amara habang bitibitnga nito ang maliit na bag na naglalaman ng damit nito dahil baka mag over night na nga rin sila roon sa resort na iyon."Sorry mom. Hindi po kasi ako makapag decide kung ano poang susuotin ko," sagot ni Amara at tila ba bigla syang nahiya sa magulang nya dahil napatagal talaga sya sa pagpili ng isusuot nya.Tumayo naman na si Bianca at saka sya lumapit kay Amara at saka sya bumuntong hininga at hinaplos ang buhok ni Amara at saka nay ito nginitian."Alam ko na kinakabahan ka na makaharap sila muli. Wag kang mag alala at hindi naman galit sa'yo ang tita Aira mo dahil naipaliwanag ko naman na sa kanya ang lahat at naiintindihan ka naman nya noon pa," nakangiti pa na sabi ni Bianca kay Amara."Alam ko naman po na mabait si tita Aira pero nahihiya pa rin po ako mom," sagot ni Amara sa kanyang ina."Wag mo