Hello po sa akingbmga reader's. Dito ko na po tatapusin ang love story nila Aira at Dave at maraming maraming salamat po sa inyong pagsubaybay sa kanilang love story. Isusunod ko na po rito ang love story ng isa sa kambal kaya sana po ay suportahan nyo pa rin po ang story ko na ito. Muli po maraming maraming salamat po sa inyo. ANNE^_^
CHAPTER 264. KENNETH & REIGN10 YEARS LATER.....Matulin naman na lumipas ang mga taon at ngayon nga ay malapit na ang ikalabing walong kaarawan nila Rayver at Reign. Sa beach resort ng kanilang ina idadaos ang kanilang party dahil debut party nga rin ito ni Reign at magiging ganap na dalaga na nga talaga siya."Bro wag nyong kakalimutan ha. Birthday namin ng kambal ko sa isang araw dapat ay naroon kayo," sabi ni Rayver sa kanyang mga kaibigan na sila Kenneth, Carlo at Theo. Nasa eskwelahan sila ngayon at pauwi na rin dahil tapos na ang kanilang klase."Oo bro pupunta kami wag kang mag alala," sagot ni Carlo rito."Ikaw Kenneth baka hindi ka pumunta ha. Tatahitahimik ka r'yan," baling ni Rayver kay Kenneth."Tsk. Oo na pupunta na ako. Akala ko nga ay wala kang balak na imbitahan ako e. Ayaw mo kasi akong payagan na pormahan ko si Reign," sagot ni Kenneth."Bro kapatid ko yun. Sa iba mo na lamang ibaling yang pagmamahal mong puchu puchu. Nag aaral pa iyon at balak pang magin
CHAPTER 265"Bro anong oras kayo pupunta ng Batangas bukas?" tanong ni Carlo kila Kenneth at Theo. Narito kasi sila ngayon sa bahay nila Kenneth dahil nag aya umano ito na tumambay sa kanila."Kahit siguro mga patanghali na lamang ako pupunta roon. Gabi pa naman ang party. Kayo ba?"sagot ni Theo."Magsabay sabay na lang kaya tayo papunta roon. Ano sa tingin nyo?" sabi naman ni Carlo."Pwede rin naman. Ano sa tingin mo Kenneth? Bakit ba tahimik ka na naman dyan?" baling naman ni Theo kay Kenneth dahil nananahimik na naman ito.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Kenneth saka nya binalingan ng tingin ang dalawa nyang kaibigan."Bro wag mo na kasing pakaisipin pa si Reign. Saka mo na lamang kasi sya pormahan kapag nakatapos na sya ng pag aaral nya. Wag mo namang hayaan na masira ang pagkakaibigan natin nila Rayver," sabi pa ni Theo."Tama si Theo bro. Ikalma mo muna yang puso mo," sabat naman ni Carlo."Tsk. Palibhasa kasi hindi nyo pa nararanasan na magmahal kaya n
CHAPTER 266Hindi naman nagtagal at nagsimula na rin ang party nila Rayver at Reign. Si Rayver na lamang muna ang naging escort ni Reign sa simula ng kanilang party.Lahat naman ay napapangiti ng makita nila ang kambal dahil parang mga prinsesa at prinsipe talaga ang mga ito dahil talaga namang napakagwapo ni Rayver habang si Reign naman ay napakaganda rin at litaw na lita pa ang kasexyhan nito dahil sa suot nitong gown."Bro tikom mo bibig mo. Baka may pumasok na langaw," pagbibiro ni Carlo kay Kenneth dahil napanganga na lamang ito ng lumabas sila Reign.Napakamot naman ng ulo nya si Kenneth at agad na itinikom ang bibig. Natulala na lamang kasi sya ng makita nya si Reign."Ang ganda talaga nya bro," sabi ni Kenneth."Tsk. Maganda naman talaga si Reign. Inlove ka lang talaga," sagot naman ni Theo.Inuna na muna nilang iselebra ang kaarawan nila Rayver at Reign ng magkasama at maya maya ay sisimulan naman nila ang kutilyon para sa debut party ni Reign. Saglit namang umalis na muna r
CHAPTER 267Hindi naman na nagtagal at tinawag na rin sila Reign ng coordinator ng party nila. Agad naman na inalalayan ni Kenneth si Reign sa paglabas nito at saka nito hinawakan sa kamay si Reign at inilagay sa braso nya ang mga ito sa kanyang braso.Napatingin naman si Reign kay Kenneth dahil naramdaman nya ang panlalamig at panginginig ng kamay nito ng hawakan nito ang kanyang kamay."Hey. Kinakabahan ka ba? Bakit ang lamig ng kamay mo at parang nangangatal pa?" tanong na ni Rwign kay Kenneth."Ha? W-wag mo na lamang akong pansinin ayos lang ako," nauutal pa na sagot ni Kenneth."Sigurado ka? Baka kung mapaano ka nyan ha. Parang anmumutla ka rin," sabi pa ni Reign at sandali pa silang tumigil sa paghakbang."Ha? Hindi ah. Ayos lang talaga ako. Let's go naghihintay na sa paglabas mo ang mga bisita," sagot ni Kenneth at pilit nyang pinigilan na mautal. Kinakabahan kasi sya at napakalakas ng kabog ng dibdib nya ngayong kasama nya si Reign at nahawakan pa nya ang kamay nito.Hindi na
CHAPTER 268Pagkatapos ng party ng kambal ay balik na muli sa dati ang kanilang daily routine aral at bahay lamang kasi talaga ang kambal at madalang lang talaga maglalabas ang mga ito sa kanilang bahay kapag walang pasok. Si Rayver naman ay kung lalabas man ay nasa bahay lang din ng mga kaibigan nya. Samantalang si Reign naman ay pinapapunta na lamang ang kanyang kaibigan sa kanilang bahay dahil hindi nga ito sanay maglalabas sa kanila."Bro nasaan si Reign? Hindi ko ata sya nakikita?" tanong na ni Kenneth kay Rayver dahil nung nakaraang araw pa nya hindi nakikita ang dalaga. Nasa school kasi sila ngayon at kapag ganitong may pasok sila ay saka lamang din naman nagkakaroon ng pagkakataon si Kenneth na makita si Reign."Busy si Reign ngayon kaya wag mo na munang guluhin. Saka diba sabi ko sayo pagtapusin mo muna ng pag aaral ang kapatid ko at mga magulang muna namin ang ligawan mo," sagot ni Rayver sa kaibigan nya."Oo na. Gusto ko lang naman syang makita," sagot ni Kenneth."Tsk. Mar
CHAPTER 269Araw ng sabado ngayon at narito sa bahay nila Reign si Shaina para tapusin ang kanilang project dahil kailangan na nila itong matapos ngayong araw "Girl bakit ba tulala ka na naman dyan? May problema ka ba? Kanina pa ako nagdadaldal dito pero hindi ka naman pala nakikinig sa mga sinasabi ko," nakasimangot ng sabi ni Shaina sa kaibigan.Kanina pa kasi sya nagsasalita pero itong kaibigan nya parang nag day dreaming pa rin habang nakatingin sa kawalan at hindi sya naririnig man lang."Ha? Sorry. May sinasabi ka ba?" biglang natauhan na tanong ni Reign sa kanyang kaibigan ng sikuhin sya nito. Napapailing naman si Shaina at sandaling hinarap ang kaibigan."Tsk. Reign may problema ka ba? Napapansin ko madalas ka ng tulala nitong mga nakaraang araw simula ng mag debut ka," nag aalala ng tanong ni Shaina rito."Girl may sasabihin ako sa'yo," sabi ni Reign. Naghihintay naman si Shaina sa sasabihin ng kanyang kaibigan. Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Reign
CHAPTER 270"Bro mukhang seryoso na talaga tayo ah," sabi ni Rayver kay Kenneth pagkababa nya ng hagdan.Agad naman na tumayo si Kenneth ng makalapit sa kanya si Rayver saka sya nakipag bro hug dito."Diba sinabi ko naman sa'yo na seryoso ako," sagot ni Kenneth."Good luck talaga sa'yo bro," sabi ni Rayver dito.Nagtataka naman na nagpalipat lipat ng tingin si Reign sa kanyang kapatid at kay Kenneth dahil hindi nya talaga alam kung bakit ba ito naroon sa kanila."Ano bang meron? Bakit nya kakausapin sila mommy at daddy?" hindi na napigilang tanong ni Reign."Malalaman mo rin mamaya. Sa ngayon mabuti pa ay doon ka na lamang muna sa kwarto mo," sagot ni Rayver sa kanyang kakambal."Pero kuya---""Sige na Reign. Mamaya na lamang. Wag ka ng makulit pa. Malalaman mo rin naman iyon mamaya," pagpuputol ni Rayver sa sasabihin ng kanyang kakambal.Napasimangot naman si Reign dahil ayaw pang sabihin sa kanya kung ano ba ang dahilan kung bakit naroon si Kenneth at bakit kailangan nitong kausapin
CHAPTER 271Nagkatinginan naman ang mag asawang Aira at Dave at tumikhim na muna si Dave saka nya muling binalingan ng tingin si Kenneth."Hijo seryoso ka ba talaga sa anak namin? Hindi ba masyado pa kayong mga bata? Bakit hindi nyo na lamang muna ienjoy ang mga sarili nyo bilang magkaibigan," sagot ni Dave rito."Oo nga naman hijo. Bakit hindi na muna kayo magtapos ng pag aaral nyo bago mo sya ligawan," sabat naman na ni Aira.Bigla namang nalungkot si Kenneth dahil ngayon pa lang ay ramdam na nya na hindi pa nya maaaring ligawan si Reign base na rin sa sagot ng mga magulang nito."Ahm. Tita tito malinis naman po ang hangarin ko kay Reign at wag po kayong mag alala dahil hindi ko rin naman po pababayaan ang pag aaral ko at lalong hinding hindi rin naman po ako magiging hadlang sa pag aaral ni Reign," magalang pa na sagot ni Kenneth sa mga magulang ni Reign."Hijo alam ko naman na malinis ang hangarin mo para sa anak namin pero kasi gusto sana muna namin na makapagtapos ng pag aaral s
CHAPTER 497"Hindi ako nagbibiro Dylan. Totoo ang sinasabi ko sa'yo. Ikakasal na talaga ako. At kaya ako nagbalik ng bansa ay para mag asikaso ng nga kailangan namin sa kasal ng nobyo ko," seryoso na sagot ni Amara kay Dylan at bakas nga sa mata nito ang lungkot.Napaawang naman ang bibig ni Dylan dahil sa sinabi ni Amara at napakurap kurap pa nga sya kasabay ng paglandas ng luha sa pisngi nya dahil parang hindi talaga sya makapaniwala sa kanyang narinig."H-hindi. H-hindi totoo yan," sabi ni Dylan kasabay ng pag iling nya. "Nagbibiro ka lang Amara. Hindi yan totoo diba?" dagdag pa ni Dylan at hindu talaga sya naniniwala sa sinabi ni Amara.Napabuntong hininga naman si Amara at saka nya hinawakan sa kamay si Dylan at saka nya muling tinitigan sa mga mata ang binata."Nagsasabi ako ng totoo Dylan. Ikakasal na talaga ako," sabi ni Amara kay Dylan. "Oo mianahal kita kaya nga nagawa kong umalis para naman walang maging sagabal sa pag abot ng nga pangarap mo. Gusto kong maging masaya ka ka
CHAPTER 496Napaawang naman ang bibig ni Amara dahil sa kanyang mga narinig at tila ba parang bigla syang naestatwa sa kanyang kinatatayuan at hindi alam ang gagawin. Totoong hindi talaga sya makapaniwala sa kanyang mga narinig na sinabi ni Dylan."D-Dylan b-bakit mo to sinasabi ngayon?" kandautal pa na sabi ni Amara. "Nagbibiro—" hindi naman na naituloy pa ni Amara ang kanyang sasabihin ng bigla nga syang kabigin ni Dylan sa kanyang bewang at agad na naglapat ang kanilang mga labi.Naging banayad naman ang paghalik ni Dylan kay Amara at napapapikit pa nga ito na wari mo ay ninanamnam ang mga labi ni Amara.Nanlaki na lamang talaga ang mga mata ni Amara dahil sa ginawa ni Dylan na paghalik sa kanya. Hindi nya talaga ito inaasahan at hindi nga nya malaman kung tutugon ba sya o hindi sa ginagawa nitong paghalik sa kanya.At dahil nga nabitin sa pagsasalita si Amara kanina ay nakaawang nga ang kanyang bibig kaya naman malayang naipasok ni Dylan ang kanyang dila sa loob ng bibig ni Amara
CHAPTER 495"Nakabubuti? Paano mo nasabing nakabubuti para sa atin iyon?" kunot noo pa na tanong ni Dylan kay Amara.Bumuntong hininga naman si Amara at saka sya pumunta sa harapan ni Dylan at saka sya humarap dito at seryosong tiningnan ang binata."Oo mas nakabubuti yun para sa atin kaya ko iyon ginawa. Diba sabi mo noon sa akin ay magiging abala ka na sa kumpanya nyo. Ayoko naman na maging sagabal sa pagtupad ng mga pangarap mo kaya mas minabuti ko na lamang na lumayo sa'yo dahil alam mo naman kung gaano kita kagusto noon diba? Kaya nga palagi akong pumupunta sa'yo kaya naisip ko na kung lalayo ako ay makakapag focus ka sa mga ginagawa mo," paliwanag ni Amara kay Dylan."Tingin mo tama ang ginawa mo? Parang bigla mo na lang akong kinalimutan Amara. Limang taon Amara. Limang taon na wala kang paramdam. Hinihintay ko na ikaw ang unang tatawag man lang sa akin dahil ikaw ang umalis ng basta na lang pero ni ho ni ha ay wala akong narinig sa'yo," tila naiinis ng sabi ni Dylan kay Amara
CHAPTER 494Habang abala naman ang lahat sa panonood sa palabas ng clown at sa mga palaro roon ay tahimik lamang naman na nakatanaw si Dylan sa gawi ni Amara. Katabi nga nito ang kanyang ina na halos ayaw ng bitawan pa ang dalaga Hindi nya nga talaga ito nalapitan man lang kanina dahil nga tinawag na sila kanina dahil magsisimula na nga ang party ng kanyang pamangkin. Kaya ngayon ay hanggang tanaw tanaw na lamang talaga muna sya kay Amara at maghihintay na lamang sya ng tamang tyempo na malapitan at makausap nya nga ito.Nang mapansin nga ni Dylan na tumayo si Amara at nagmamadaling umalis sa tabi ng kanyang ina ay halos humaba naman ang leeg nya at tinanaw nya nga kung saan pupunta si Amara at ng makita nga nya kung saan ito pumunta ay agad naman na syang tumayo at pasimpleng umalis sa kanyang pwesto at dahan dahan na sinundan si Amara kung saang gawi ito nagpunta.Pagkatapos naman na umihi ni Amara ay saglit pa nga syang tumingin sa salamin na naroon din sa loob ng Cr at saglit pa
CHAPTER 493Agad naman na napatingin sila Aira sa gawi ng pinto kung saan naroon ang nagsalita na iyon. At maging si Dylan ay biglang natigilan ng marinig nga nya ang boses na iyon dahil kilalang kilala nya kung kaninong boses nga iyon."Oh my god Amara," sigaw ni Aira at agad pa nga itong tumayo at agad na linapitan si Amara at yinakap ng mahigpit.Agad naman na ginantihan ng yakap ni Amara ang tita Aira nya dahil namiss nya nga rin talaga ito.Nakangiti naman si Bianca habang pinapanood ang anak nya at ang kaibigan nya. Alam nyang sobrang saya ni Aira ngayon na makita muli si Amara dahil parang anak na nga rin ang turing nito kay Amara."Bakit naman kasi ngayon ka lang bumalik hija? Ayaw mo na ba sa amin kaya ka umalis ng ganon ganon na lamang?" himig nagtatampo na sabi ni Aira ng bumitaw sya sa pagkakayakap nya kay Amara."Sorry po talaga tita Aira kung umalis po ako noon ng biglaan at hindi nagpapaalam. Gusto ko po kasing subukang mamuhay ng hindi umaasa kila mommy at daddy kaya k
CHAPTER 492Pagkatapat sa silid kung saan naroon si Aira ay tumigil naman na muna si Bianca at saka nya liningon si Amara at saka nya ito matamis na nginitian. Nang ngumiti naman pabalik si Amara ay saka naman kumatok si Bianca sa pintuan ng naturang silid at saka nya nga ito binuksan."Isurprise natin ang tita Aira mo anak. Dyan ka na muna ha. Tatawagin na lamang kita o kaya naman ay humanap ka ng tyempo na papasok ka roon ng hindi napapansin ng tita Aira mo," nakangiti pa na sabi ni Bianca kay Amara dahil naisian nga nya na isurprise ang kanyang kaibigan nya dahil alam nga nya na miss na miss na nito si Amara at tiyak na matutuwa nga ito kapag nakita nito na kasama nga nya si Amara ngayon.Pagkabukas nga ni Bianca ay agad nga nyang nakita si Aira at ang buong pamilya nito sa silid na iyon. Agad naman na napangiti si Aira ng makita nga nya na si Bianca ang nagbukas ng pintuan kasama ang asawa at anak nitong si Amanda."Mabuti naman at narito ka na. Akala ko talaga ay hindi na kayo
CHAPTER 491"Grabe anak sobrang tagal mo naman. Kanina pa kaya kami naghihintay sa'yo rito ng daddy mo," sabi ni Bianca ng makita nga nya na pababa na ng hagdan si Amara habang bitibitnga nito ang maliit na bag na naglalaman ng damit nito dahil baka mag over night na nga rin sila roon sa resort na iyon."Sorry mom. Hindi po kasi ako makapag decide kung ano poang susuotin ko," sagot ni Amara at tila ba bigla syang nahiya sa magulang nya dahil napatagal talaga sya sa pagpili ng isusuot nya.Tumayo naman na si Bianca at saka sya lumapit kay Amara at saka sya bumuntong hininga at hinaplos ang buhok ni Amara at saka nay ito nginitian."Alam ko na kinakabahan ka na makaharap sila muli. Wag kang mag alala at hindi naman galit sa'yo ang tita Aira mo dahil naipaliwanag ko naman na sa kanya ang lahat at naiintindihan ka naman nya noon pa," nakangiti pa na sabi ni Bianca kay Amara."Alam ko naman po na mabait si tita Aira pero nahihiya pa rin po ako mom," sagot ni Amara sa kanyang ina."Wag mo
CHAPTER 490Mabilis naman na lumipas ang mga araw at talaga namang sinulit ni Amara ang pagbabalik bansa nya. Palagi nga nyang inaaya ang kanyang kapatid na si Amanda na gumala at mamasyal at maging magshopping na rin ng damit dahil kaunti lang din talaga ang dala nyang damit ng bumalik sya ng pinas.Sa nakalipas din na mga araw ay hindi na nga muna kinokontak man lang ni Amara ang kanyang fiance na si Zeus dahil talagang nainis sya rito noong huling beses nga sila na mag usap dahil pakiramdam nya ay nasasakal na nga rin sya sa ginagawa nito sa kanya. Hinayaan na lamang talaga nya muna si Zeus na magpalamig ng kanyang ulo at kahit nga tinatawagan sya nito minsan ay hindi nya nga muna ito sinasagot at tinetext na lamang nya ito na mayroon syang ginagawa kaya hindi masagot ang tawag nito. Kahit papaano rin naman kasi ay ayaw nya nga sanang baliwalain si Zeus dahil nga fiance pa rin naman nya ito at may pinagsamahan na rin naman silang dalawa. Gusto lamang din nyang magpalamig na muna a
CHAPTER 489"Bakit ka ba nagkakaganyan na bata ka ha? Napapansin kong nagiving mainitin na ang iyong ulo nitong mga nakaraang araw," sabi ni Walter sa kanyang anak at saka sya naglakad papalapit sa table nito at saka naupo sa upuan na nasa harapan ng kanyang anak."Sorry dad," mahinang sagot ni Zeus sa kanyang ama."May problema ka ba anak? Pwede mo naman iyong sabihin sa amin ng mommy mo. Kung may problema dito sa kumpanya ay maaari ka naman naming tulungan," sabi pa ng ama ni Zeus sa kanya.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Zeus at saka nya seryosong tumingin sa ka yang ama."Si Amara po kasi dad. Napag usapan naman na po namin na sya ang mag aasikaso ng mga kakailanganin namin sa kasal tutal ay gusto nyang magpakasal kami ay sa Pilipinas. Pero tumawag po ako sa kanya ang sagot nya sa akin ngayon ay magpapahinga raw po muna sya bago nya iyon asikasuhin," sagot ni Zeus sa kanyang ama at ang tono pa ng pananalita nya ay parang nagpapaawa sa kanyang ama."Si Ama