CHAPTER 271Nagkatinginan naman ang mag asawang Aira at Dave at tumikhim na muna si Dave saka nya muling binalingan ng tingin si Kenneth."Hijo seryoso ka ba talaga sa anak namin? Hindi ba masyado pa kayong mga bata? Bakit hindi nyo na lamang muna ienjoy ang mga sarili nyo bilang magkaibigan," sagot ni Dave rito."Oo nga naman hijo. Bakit hindi na muna kayo magtapos ng pag aaral nyo bago mo sya ligawan," sabat naman na ni Aira.Bigla namang nalungkot si Kenneth dahil ngayon pa lang ay ramdam na nya na hindi pa nya maaaring ligawan si Reign base na rin sa sagot ng mga magulang nito."Ahm. Tita tito malinis naman po ang hangarin ko kay Reign at wag po kayong mag alala dahil hindi ko rin naman po pababayaan ang pag aaral ko at lalong hinding hindi rin naman po ako magiging hadlang sa pag aaral ni Reign," magalang pa na sagot ni Kenneth sa mga magulang ni Reign."Hijo alam ko naman na malinis ang hangarin mo para sa anak namin pero kasi gusto sana muna namin na makapagtapos ng pag aaral s
CHAPTER 272"Ha? Wala iyon. May tinanong lamang ako sa kanila," maang na sagot ni Kenneth saka sya nag iwas ng tingin kay Reign. Inirapan naman ni Reign ang binata dahil halata mong parang may itinatago ito sa kanya dahil nag iwas bigla ng tingin sa kanya."Tsk. Ano nga yun? Hindi naman ako magsusumbong kila mommy at daddy kapag sinabi mo sa akin eh," pangungulit pa ni Reign."Wala nga," sagot ni Kenneth. "Bakit nga pala hindi ka pa magpahinga? Gabi na eh," pag iiba ni Kenneth sa usapan."Tsk. Iniiba mo lang ang usapan," sagot ni Reign saka nya inirapan ito. "Maaga pa naman kaya mamaya na lamang ako magpapahinga," dagdag pa nya. Tumango tango naman si Kenneth."Reign pwede ba tayong mahing magkaibigan? I mean close friend ganon," tanong na ni Kenneth kay Reign "Oo naman. Bakit naman hindj mabait ka naman at kaibigan ka rin naman ki kuya," sagot ni Reign dito."So magkaibigan na rin tayo?" muli tanong ni Kenneth. "Tsk. Ewan ko sa'yo," pairap pa na sagot ni Reign."Nga pala may lakad
CHAPTER 273Pagkauwi naman ni Kenneth ng gabi na yun sa kanilang bahay ay napasalampak na lamang sya ng upo sa kanilang sofa saka sya napabuga ng hangin sa kanyang bibig."May problema ba anak?" tanong ng ina ni Kenneth na si Beth.Nagulat naman si Kenneth sa biglang pagsulpot ng kanyang ina dahil akala nya ay tulog na ang mga tao sa kanilang bahay. Hindi nya rin talaga napansin na naroon pa pala ang kanyang ina."Mom bakit gising pa po kayo?" balik tanong din ni Kenneth sa kanyang ina saka sya lumapit dito saka humalik sa pisngi nito."Tsk. Tinatanong kita pero tanong din ang sinagot mo sa akin na bata ka," sagot ni Beth sa kanyang anak. Napakamot na lamang sa kanyang ulo si Kenneth kahit na hindi naman iyon makati."May problema ka ba hijo? Pwede mo naman sabihin sa akin baka sakaling may maitulong ako sa'yo," muli ay tanong ni Beth sa kanyang anak. Napabuntong hininga naman si Kenneth saka sya bumalik sa sofa upang umupo. Sumunod din naman si Beth sa kanyang anak ata tumabi na sya
CHAPTER 274"Kuya bakit ba hindi ka sasama sa amin? Sumama ka na kasi. Kasama naman namin ang mga kaibigan mo ah," pangungulit pa ni Reign sa kanyang kuya Rayver. Kanina pa nya kasi ito pinipilit na sumama sa kanila pero ayaw talaga nito."Reign masama nga ang pakiramdam ko at gusto ko munang magpahinga ngayong araw. Kaya nyo na yan. Kayo na lamang ang mamasyal. Bawi na lamang ako next time kapag okay na ang pakiramdam ko," sqgot ni Rayver kay Reign habang sya ay nakadapa sa kanyang kama at hindi na ralaga sya nag abala pa na magmulat ng kanyang mata."Kuya naman eh. Baka hindi ako payagan nila mommy at daddy kapag hindi kita kasama. Sige na kuya. Please," maktol pa ni Reign habang yinuyugyog pa nya si Rayver para bumangon na ito. Natatakot kasi sya na hindi sya payagan ng magulang nila dahil nga kasama nila sila Kenneth."Kasama mo naman si Shaina kaya papayagan ka nila mommy nyan. At hindi ka rin naman papabayaan ni Kenneth kaya kampante naman ako na hindi sumama sa inyo," sagot ni
CHAPTER 275Pagkarating ni Reign sa lugar na sinabi ni Kenneth ay nadatnan na nya ang binata na nakaupo sa isang bench doon kaya naman agad na syang lumapit dito."Kenneth kanina ka pa ba? Pasensya ka na ha nalate ako si kuya kasi ayaw magpapilit," sagot ni Reign sa binata. Napatingin naman sa may likuran ni Reign si Kenneth at hinahanao ng mata nya si Rayver."Nasaan si Rayver? Hindi ba sya sumama?" tanong na ni Kenneth."Hindi eh. Ayaw daw nyang lumabas ng mansyon. Gusto raw muna nyang magpahinga dahil napagod daw sya sa mga ginawa nyo lastweek," sagot ni Reign. Napatango tango naman si Kenneth dahil naiintindihan nya si Rayver dahil kahit sya ay grabe din ang pagod pero binalewala na lamang nya iyon dahil makakasama nya ngayon si Reign."Buti pinayagan ka nila tita na makasama kami kahit wala si Rayver?" tanong pa ni Kenneth."Ah. Oo naman may mga kasama naman tayo diba," sagot ni Reign. "Nasaan nga pala sila Carli at Theo?" tanong pa ni Reign. Napakamot naman ng ulo nya si Kenneth
CHAPTER 276Matulin naman na lumipas ang mga araw at naging maayos naman ang lahat sa pagitan nila Reign at Kenneth. Naging magkaibigan na rin sila at madalas ay kasa kasama na rin nila Rayver si Reign at Shaina."Himala ata at wala ang mga bantay mo?" sabi ni Xander kay Reign ng lapitan nya ito dahil napansin nya na hindi nito kasama ang kakambal nito.Dating crush kasi ni Reign itong si Xander pero simula ng hindi ito sumipot noong debut nya at si Kenneth ang nakapartner nya ay nabaling na ang atensyon ng dalaga kay Kennneth. Matagal na rin kasing pinagsasabihan ni Shaina si Reign na parang gustong gusto nitong si Xander na naghahabol sa kanya si Reign kaya naman nitong mga nakaraang araw ay hindi na ito pinapansin ng dalaga at ngayon naman ay ito ang naglalalapit sa kanya kaso ay hindi naman makaporma dahil nga laging kasama nito ang kanyang kakambal."Tsk. Anong kailangan mo?" mataray na tanong ni Reign dito."Ang sungit naman ng bebe girl ko. Nagtatampo ka ba dahil hindi ako sumi
CHAPTER 277Araw na ngayon ng debut ni Jenny at gaya nga ng napag usapan ay sumabay na si Shaina kila Reign at Rayver. Ang magkakaibigan naman na Carlo at Theo ay magkakasabay na rin sa kabilang sasakyan habang si Kenneth ay nagdala na lamang din ng sarili nyang kotse dahil nauna ng umalis ang mga kaibigan nya dahil may kinailangan pa syang gawin at humabol na lamang din sya sa mga ito.Pagkarating nila sa venue ng party ay marami rami na rin ang mga bisita at dahil nga nasa mundo rin ng pagnenegosyo ang pamilya ni Jenny ay karamihan sa mga bisita nito ay mga business partner ng kanyang mga magulang."Happy birthday Jenny," bati ni Reign kay Shaina ng lapitan nila ito. "Reign mabuti at nakarating kayo," nakangiti naman na sagot ni Jenny kay Reign at lalo pang lumawak ang pagkakangiti nito ng makita na kasama nito ang kakambal nitong si Rayver."Syempre naman. Debut mo ito kaya hindi naman pwede na hindi kami pupunta. Diba Shaina?" sagot ni Reign ta saka nya binalingan ng tingin si Sh
CHAPTER 278Pagkapasok ni Xander sa silid na iyon ay agad nyang inihiga na muna sa kama si Reign na namumungay na ang mata dahil sa inilagay nyang drugs sa inumin nito."Ang init naman," sabi ni Reign habang nagpapayay na ng sarili nyang palad sa kanyang mukha dahil parang init na init na ito at hindi na nya maintindihan ang kanyang sarili.Napapangisi naman si Xander ng makita nya na tumatalab na ang inihalo nya sa inumin ni Reign kanina. Akmang lalapit na sana muna sya sa pintuan ng silid na iyon upang ilock ang pinto ng bigla itong bumukas at agad na pumasok si Kenneth."Anong ginawa mo kay Reign?" galit na sabi ni Kenneth dito at agad nya itong sinuntok sa mukha. Parang biglang nawala ang tama ng alak sa sistema nya ng makita nya si Reign na nakahiga sa kama at parang gusto ng maghubad.Kamuntik naman na matumba si Xander dahil sa lakas ng pagkakasuntok sa kanya ni Kenneth buti na lamang at napahawak sya sa lamesa kaya hindi sya tuluyang natumba."Ikaw ang anong ginagawa rito na g