CHAPTER 174"A-ate?" hindi makapaniwala na sambit ni Trina pagkakita nya kay Aira."Oh hi little sissy. Namiss mo ba ako?" Nakangiti pa na sabi ni Aira sa kapatid. Awang naman ang bibig ni Trina at hindi sya makapaniwala na nasa harapan na nya ang ate Aira nya."O bakit hindi ka na nakapagsalita r'yan? Hindi ka ba masaya na makita muli ako?" tanong pa ni Aira sa kapatid nya na nakatulala na lamang sa kanya. "Ako kasi excited na excited na ako na makita kang muli mahal kong kapatid. Limang taon din tayong hindi nagkita. Kumusta ka mahal kong kapatid?" dagdag pa nya habang may mapang asar na ngiti sa labi nya."N-nagbalik ka? K-kelan? B-bakit?" utal utal pa na tanong ni Trina nakakunot pa ang noo nya habang titig na titig sa mukha ng kanyang kapatid."Yes i'm back little sister. Hindi ka ba masaya na nagbalik na ako ngayon?" sagot ni Aira sa kapatid nya.Hindi naman makaimik si Trina at nanatili na lamang sya na titig na titig kay Aira.Naupo naman na si Aira sa tabi ni Dave ng hindi
CHAPTER 175"Actually hindi naman ako guilty noong time na yun Trina. Sadyang nagpakalayo layo lamang ako para makaiwas sa mga taong masyado ng toxic. Lam mo yung gusto ko lamang ng katahimikan at malayo sa mga magugulo at makasariling tao," sagot ni Aira sa kapatid at may diin pa ang pagkakasabi nya sa huling salita na kanyang binitiwan."Talaga lang ha. O baka naman sumama ka na sa lalake mo tapos ngayon hiwalay na kayo kaya ka nagbalik dito para guluhin ulet kami," sagot ni Trina habang nakangisi pa. Kung kanina ay hindi maipinta ang mukha nito dahil sa gulat ngayon naman ay biglang naging palaban na ito."Tsk. Paano naman ako sasama sa lalake na yun e hindi ko nga yun kilala ni hindi ko nga alam ang pangalan non at tanging ang mukha lamang nya ang natatandaan ko," sagot ni Aira. "Ikaw baka kilala mo ang lalake na yun?" nakataas pa ang kilay na tanong ni Aira.Bigla namang natigilan si Trina dahil sa sinabi ni Aira at napaiwàs na lamang sya ng tingin dito.. Pakiramdam nya ay may na
CHAPTER 176"Akala ko ba ay hinaharang mo ang mga tao na inutusan ni Dave para maghanap kay ate Aira? Bakit ngayon ay magkasama silang dalawa at parang nagkabalikan na nga ata sila," galit na bulyaw ni Trina kay Paulo pagkapasok nya sa opisina neto sa bar."Hey. Relax. Ano ba ang problema mo? Kararating mo pa lamang ay ang init init na kaagad ng ulo mo," tanong ni Paulo sa dalaga na nagngingitngit na sa galit."Relax relax ka pa na nalalaman dyan. Akala ko ba may binayaran ka na tao para pigilan ang mga tauhan ni Dave na naghahanap kay ate Aira? Linoloko mo lang ba ako? Kasama sa usapan natin ang tungkol sa bagay na yun kaya naman hinahayaan kitang gawin ang anumang gusto mong gawin sa akin," galit pa na sigaw ni Trina sa binata na prente naman nakaupo sa swivel chair nito."Tsk. Hindi kita linoloko Trina. Totoong may binayaran akong tao para magbantay sa mga binabayarang tao ni Dave para maghanap kay Aira. Malay ko ba kung may pasikreto pa pala syang binayaran diba. Saka ano ba kasi
CHAPTER 177Pagkarating naman nila Dave at Aira sa condo unit na tinitirhan nila Aira at ng mga bata ay masayang masaya naman silang sinalubong ng kambal nilang anak.Ngiting ngiti rin naman sila Aira at Dave na sinalubong ang mga anak nila. Ibinigay na rin kaagad nila ang pasalubong na binili nila para sa mga bata."Daddy saan po kayo galing ni mommy?" tanong ni Rayver sa ama."Nagdate po ba kayo ni mommy?" tanong naman ni Reign.Nagulat naman sila Dave at Aira dahil sa tanong ng kambal at nagkatinginan pa silang dalawa dahil doon."Ha? Saan nyo naman nalaman ang mga salita na yan ha?" tanong ni Aira sa mga bata dahil nagulat sya na sa edad ng mga ito ngayon ay alam na ang mga ganong salita."Basta po mommy. Narinig lang po namin yun," sagot ni Reign. "Kayo talaga. Kung ano ano na ang nalalaman nyo ha," sabi ni Aira."Kids hindi kami nagdate ng mommy nyo. May pinuntahan lamang kami kanina kaya kami magkasama ngayon," paliwanag na lamang ni Dave sa mga bata."Ah ganon po ba daddy. Ak
CHAPTER 178Napatingin naman si Aira kay Dave ng mapansin nya na kanina pa sya nito tinititigan."Bakit? May problema ba?" hindi na nakatiis na tanong ni Aira kay Dave.. Liningon naman ni Dave ang mga bata at ng mapansin nya na abala na ang mga ito sa kanilang linalaro ay lumapit na sya sa pwesto ni Aira."Mommy mo ang tumawag kanina sa akin. Kinukumusta ka nya. Naibalita na kasi kaagad ni Trina na nagbalik ka na," sabi ni Dave kay Aira. Tumango tango naman si Aira."Ang sabi pa nya ay kung pwede raw sana ay dumalaw ka sa inyong bahay," dagdag pa ni Dave. Napabuntong hininga naman si Aira at hindi makapagsalita. Dahil iniisip nya kung dapat na ba nyang harapin ang kanyang mga magulang pero sa tingin nya ay wala na rin naman syang magagawa dahi alam na ng mga ito na narito na syang muli."Handa ka na ba na harapin sila?" tanong pa ni Dave."Siguro panahon na rin para harapin ko muli ang mga magulang ko. Oo may kaunting sama pa ako ng loob sa kanila pero magulang ko pa rin sila at hin
CHAPTER 179"Woah. At talagang nagpunta ka pa rito ha," sabi ni Trina habang bumababa sya ng hagdan."Bakit hindi? Bahay pa rin naman ito ng magulang ko," sagot ni Aira. "Trina bakit ba kahapon pa ata mainit ang dugo mo sa akin? Mukhang hindi ka masaya sa bumalik ako a," dagdag pa ni Aira."Tsk. Hindi talaga," nakairap pa na sagot ni Trina sa kanyang kapatid. " Okay naman na kami noong wala ka. Sana hindi ka na lamang bumalik pa," dagdag pa ni Trina. "Trina ano ba yang pinagsasasabi mo? Dapat ay maging masaya ka at bumalik na ang ate Aira mo," sabat na ni Cheska sa kanyang mga anak."Tsk. Sana hindi na lamang yan bumalik," may diin na sabi ni Trina.Isang malakas na sampal naman ang pinatikim ni Cheska kay Trina dahil hindi nya inaasahan na magsasalita ito ng ganon. Nahawakan naman ni Trina ang pisngi nya na sinampal ng kanyang ina."Umayos ka nga Trina. Walang ginagawang masama sa'yo ang ate Aira mo para sabihin mo yan," sabi pa ni Cheska. Hindi rin sya makapaniwala sa inaasta ngayo
CHAPTER 180"Aira mahal na mahal kita at hinding hindi kita iiwanan sa laban mo na ito. Alam ko na isa ako sa dahilan kung bakit nangyayare to sa'yo kaya humihingi ako ng tawad pinapangako ko na hinding hindi na kita hahayaang masaktan muli," seryosong sabi ni Dave saka nya hinawakan ang kamay ni Aira. "Please Aira give me another chance. Hayaan mo sana akong patunayan sa'yo na nagsisisi na ako sa mga nagawa ko noom sa'yo. Ayusin na natin ang pamilya natin please," dagdag pa ni Dave. "Dave diba napag usapan na natin ang tungkol sa bagay na yan," sabi ni Aira."Oo alam ko. Pero gustong gusto ko na kasi kayong makasama ng mga bata Aira. Hindi ako mapalagay kapag malayo kayo sa akin dahil baka kung ano na naman ang maisipan na gawin ng kapatid mo sa'yo,," sagot ni Dave."Naiintindihan naman kita Dave na nag aalala ka sa amin ng mga bata. Wag kang mag alala dahil mag iingat naman ako sa bawat gagawin ko at iingatan ko rin ang mga anak natin. Kaya sana naman ay maintindihan mo rin ako n
CHAPTER 181Matulin naman na lumipas ang mga araw. At sa mga araw na iyon ay laking pasalamat naman ni Aira dahil hindi naman sila ginugulo ng kapatid nyang si Trina. Hinayaan na lang din muna nya ang kapatid nya dahil naiinis din sya na makaharap ito.Nagtrabaho na rin muna si Aira dahil ayaw naman nyang iasa ang lahat ng pangangailangan nila kay Dave gayong kayang kaya naman nyang magtrabaho. Kahit tutol si Dave sa gusto ni Aira na pagtatrabaho ay pinayagan na lamang din nya ito basta sa opisina nya ito magtatrabaho at hindi sa ibang kumpanya dahil natatakot din naman kasi sya para sa kaligtasan ni Aira.Ngayon nga ay nasa daan na sila pauwi galing opisina at ihahatid na muna ni Dave si Aira sa unit nito."Ahm. Aira naalala ko nga pala may party kasi sila Mr. Mendez next week at kailangan kong pumunta roon. Maaari ba kitang isama Aira?" nahihiya pa na sabi ni Dave kay Aira. Napalingon naman si Aira rito."Ha? Bakit ako? Iba na lang. Alam mo naman na hindi ako mahilig sa mga ganyang
CHAPTER 411Pagkagaling ni Joey sa opisina ay agad naman na rin syang dumiretso ng uwi sa kanilang mansyo at nagulat pa nga sya ng pagkarating nya sa kanilang bahay ay nay magarang sasakyan na nakaparada sa labas ng kanilang gate kaya naman napakunot na lang ang noo nya dahil may iba yatang tao sa kanilang bahay kaya naman dali dali na nyang ipinark ang kanyang sasakyan.Pagkapasok nya sa kanilang bahay ay agad nyang nakita ni manang Lina kaya naman agad na nya itong linapitan."Manang kanino po yung sasakyan na nasa labas ng mansyon?" agad na tanong ni Joey kay manang Lina."Joey nar'yan ka na pala," gulat pa na sabi ni Manang Lina kay Joey dahil hindi nga nya napansin ang paglapit nito sa kanya."Kanino po ang sasakyan na nasa labas manang?" muli ay tanong ni Joey rito."Ah yun bang sasakyan sa labas? Sa bisita iyon ni Jenny," sagot ni manang Lina."Kaibigan ni Jenny? Sino? Nasaan sila?" sunod sunod pa na tanong ni Joey kay manang Lina."G-Greg? Oo tama Greg ang rinig ko kanina na
CHAPTER 410Matapos makapag usap nila Rayver at ng ama ni Shiela ay agad na rin naman na umalis si Joey sa opisina ng binata dahil may mga kailangan pa rin syang asikasuhin sa kanyang sariling kumpanya.Habang papaalis pa nga si Joey sa kumpanya ni Rayver ay hindi na maalis alis pa ang ngiti sa kanyang labi dahil parang nakahinga na sya ng maluwang ngayon dahil sa mga nangyayare ngayon sa pagitan nya at ng kanyang mga anak.Ito lamang naman talaga ang tangi nyang hiling sa ngayon ang magkaayos sila ng kanyang mga anak kay Lina at magkaayos din ang mga ito at si Jenny. Alam nya na medyo mahihirapan talaga si Jenny lalo na at ang lalaking pinakamamahal nito ay nobyo ng kanyang kapatid pero umaasa sya na makakapag move on kaagad ang kanyang anak na si Jenny.Pagkarating ni Joey sa kanyang kumpanya ay maraming paper works kaagad ang tumambad sa kanya sa loob ng kanyang opisina. Natambak kadi itong mga trabaho nya noong mga nakaraang araw pa dahul nga hindi sya makapag focus sa kanyang gin
CHAPTER 409"Good morning anak. Ahm. Narito ako dahil gusto ko sanang sabihin sa'yo na nakausap ko na rin nga pala ang kapatid mong si Jenny at nagkaayos na rin kami at gusto ka nga raw nya sanang makausap. P-pwede ka ba anak?" sabi ni Joey kay Shiela. Nagulat naman si Shiela sa sinabi ng kanyang ama at napabuntong hininga na lamang nga sya saka sya dahan dahan na tumango rito."S-Sige po tay. Sabihan nyo na lamang po ako kung kailan at saan po kami mag uusap ni Jenny," sagot ni Shiela sa kanyang ama kahit na ang totoo ay nag aalangan sya dahil hindi pa naman nya lubos na kilala si Jenny at ayon na nga rin sa sinabi ni Reign noon ay iba nga ang ugali ng kapatid nya na yon."Salamat anak. Sige sasabihan na lamang kita kung kailan nya gusto na magkita kayong dalawa. Salamat anak at pumayag ka na magkausap kayong dalawa. Sana ay maging maayos na rin kayong dalawa labis ko talagang ikakatuwa kapag nangyari nga ang bagay na yun," nakangiti pa na sagot ni Joey kay Shiela.Tanging pagngiti
CHAPTER 408Kinabukasan naman ay maaga ngang nagising si Joey at nagpaluto nga sya ng masarap na agahan sa kanilang mga kasambahay para sa kanila ni Jenny.Nagulat naman si Jenny na pagkababa nya ng kanilang hagdan ay natanaw na nga nya ang kanyang ama na nasa kanilang dining table at mukhang hinihintay nga sya nito dahil hindi pa nagagalaw ang mga pagkain doon. Kaya naman agad na nyang linapitan ito."Good morning dad," bati kaagad ni Jenny sa kanyang ama saka sya humalik sa pisngi nito. "Wala po ba kayong pasok sa opisina ngayon dad?" tanong pa ni Jenny sa kanyang ama."Meron pero pwede naman akong magpalate dahil kumpanya naman natin iyon kaya hawak ko naman ang oras ko," sagot ni Joey kay Jenny. "At isa pa ay gusto kitang makasabay kumain ng agahan dahil matagal tagal na rin yung huling kain natin na magkasabay. Kaya maupo ka na para makakain na tayo," dagdag pa ni Joey at saka nya ipinaghila ng upuan si Jenny."Salamat dad," sabi namna ni Jenny matapos syang maupo.Napangiti nama
CHAPTER 407"Don't worry dad. Hindi naman na po ako magagalit at naiintindihan ko na po kayo kaya okay lang po na bumawi kayo sa kanila. At ang tungkol naman po sa amin ni Shiela ay hindi ko naman po maipapangako na agad agad kaming magkakapalagayan ng loob dahil alam nyo naman po kung ano ang sitwasyon naming dalawa ngayon pero pipilitin ko po na makapag move on na para na lamang po sa ikatatahimik ng lahat," sagot naman ni Jenny sa kanyang ama.Nagulat naman si Joey sa sinabi ni Jenny at napangiti na nga lamang sya dahil doon dahil ang buong akala nya ay mahaba habang paliwanagan na naman ang mangyayare sa kanilang mag ama ngayon."T-totoo ba yang sinasabi mo anak? S-seryoso ka ba na ayos na sa'yo na bumawi ako sa mga kapatid mo?" hindi pa rin makapaniwala na tanong ni Joey kay Jenny.Napangiti naman si Jenny sa kanyang ama dahil kita nya ang gulat na gulat na reaksyon nito dahil sa kanyang sinabi."Yes dad. Seryoso po ako sa sinabi ko," nakangiti pa na sagot ni Jenny sa kanyang ama
CHAPTER 406Napangiti naman si manang Lina dahil sa sinabi ni Joey. Masaya sya dahil kahit papaano ay ngumingiti na ulit si Joey nito kasing mga nakalipas na mga araw ay palagi itong balisa at halata mo na sa mukha nito ang stress. Alam nya naman kasi ang pinagdaraanan nito ngayon dahil nga naikwento na nito sa kanya ang mga nangyari noon kaya naiintindihan nya rin naman talaga ang mga anak ni Joey kay Nelia dahil napabayaan nya nga talaga ang mga ito."Masaya ako at nakausap mo na pala ang isa sa mga anak mo. Sana nga ay magkaayos ayos na kayo para naman maging masaya na kayo muli," sagot ni Manang Lina kay Joey dahil kita nga nya na napapabayaan na rin ni Joey ang kanyang sarili dahil sa kaiisip nito sa mga problema nito sa kanyang mga anak."Salamat po manang," nakangiti pa na sagot ni Joey sa matanda."Subukan mo ring kausapin ngayon si Jenny at baka ngayon ay magkaintindihan na nga kayong dalawa. Basta habaan mo na lamang ang pasensya sa anak mo na yan dahil alam mo naman ang uga
CHAPTER 405Napabuntong hininga na lamang sila Ashley at Sherwin dahil sa sinabi ng kanilang nakababatang kapatid. Alam nila na hindi na nito masyado nakasama pa ang kanilang ama noon dahil napakaliit pa nito ng iwan sila ng kanilang ama noon."Sorry April. Pasensya ka na kung hindi ka man lang namin naisip. Alam naman namin na sabik ka na kay tatay. Pasensya ka na kung pinangunahan kami ng nararamdaman dahil totoo naman na nakakasama ng loob ang ginawa ni tatay dahil pinaasa nga nya si nanay," sagot ni Ashley kay April saka nya ito linapitan at agad na yinakap.Agad naman na gumanti ng yakap si April sa kanyang ate Ashley at hindi na nga nya napigilan pa na mapaiyak. Hindi na nga rin napigilan ni Sherwin ang kanyamg sarili at agad na nga rin syang napalapit kay April at saka nya ito yinakap din."Sorry April. Hayaan mo at pipilitin namin ang aming mga sarili na tanggapin at patawarin muli si tatay. Dahil tama ka wala na nga si nanay dapat ay hindi na rin tayo pumayag na pati si tatay
CHAPTER 404"Ate ano pong pag uusapan natin? May problema po ba?" agad ng tanong ni Ashley sa kanyang ate Shiela.Napabuntong hininga naman na muna si Shiela saka sya naupo na rin sa tabi ng kanyang mga kapatid."Gusto ko kasi kayong makausap tungkol kay tatay," sagot ni Shiela sa mga kapatid nya at kita pa nya na natigilan bigla ang kanyang mga kapatid lalo na si Sherwin ng marinig nito ang salitang tatay."Bakit ate? Kinausap ka ba nya kanina para kumbinsihin na sumama tayo sa kanya? Ate naman alam mo naman ang ginawa nya noon diba? Pinabayaan nya tayo noon kaya nangyare kay nanay yun," naiinis ng sagot ni Ashley sa ate Shiela nya."Hindi nya ako kinausap para sa bagay na yun. Makining na muna kayo sa akin," sagot ni Shiela."E ano ate? Anong sinabi nya sa'yo?" sabat naman na ni Sherwin.Napabuntong hininga naman si Shiela dahil inaasahan naman na nya kanina pa na ganito ang magiging reaksyon ng mga kapatid nya kapag kinausap nya ang nga ito ng tungkol sa kanilang ama."Please makin
CHAPTER 403"Okay fine," sagot naman ni Rayver sa dalaga at saka nya muling hinigpitan ang pagkakahawak nya sa bewang nito. "Last kiss. Please," pakiusap pa ni Rayver sa dalaga kaya naman natawa na lamang si Shiela at mabilis nya na ngang dinampian ng magaan na halik sa labi ang binata."Okay na. Sige na. Bitawan mo na ako," sabi pa ni Shiela habang hawak nya ang kamay ng binata na nakahawak sa kanyang bewang."Yun na yun? Hindi pwede yun," nakanguso pa na sabi ni Rayver sa dalaga. Akmang magsasalita pa sana si Shiela ng bigla na ngang sakupin muli ni Rayver ang kanyang labi at ang magaan na halik ni Rayver sa dalaga ay unti unti na ngang nagiging mapusok at mapaghanap at napapangiti na lamang din ang binata ng maramdaman nya na tinutugon na ng dalaga ang kanyang paghalik dito.Napakapit pa nga si Shiela sa batok ng binata at napapapikit na lamang ang kanyang mata habang tinutugon nya ang paghalik ng kanyang nobyo sa kanya at pakiramdam nya ay ang sarap sarap halikan ng labi ng binat