CHAPTER 179"Woah. At talagang nagpunta ka pa rito ha," sabi ni Trina habang bumababa sya ng hagdan."Bakit hindi? Bahay pa rin naman ito ng magulang ko," sagot ni Aira. "Trina bakit ba kahapon pa ata mainit ang dugo mo sa akin? Mukhang hindi ka masaya sa bumalik ako a," dagdag pa ni Aira."Tsk. Hindi talaga," nakairap pa na sagot ni Trina sa kanyang kapatid. " Okay naman na kami noong wala ka. Sana hindi ka na lamang bumalik pa," dagdag pa ni Trina. "Trina ano ba yang pinagsasasabi mo? Dapat ay maging masaya ka at bumalik na ang ate Aira mo," sabat na ni Cheska sa kanyang mga anak."Tsk. Sana hindi na lamang yan bumalik," may diin na sabi ni Trina.Isang malakas na sampal naman ang pinatikim ni Cheska kay Trina dahil hindi nya inaasahan na magsasalita ito ng ganon. Nahawakan naman ni Trina ang pisngi nya na sinampal ng kanyang ina."Umayos ka nga Trina. Walang ginagawang masama sa'yo ang ate Aira mo para sabihin mo yan," sabi pa ni Cheska. Hindi rin sya makapaniwala sa inaasta ngayo
CHAPTER 180"Aira mahal na mahal kita at hinding hindi kita iiwanan sa laban mo na ito. Alam ko na isa ako sa dahilan kung bakit nangyayare to sa'yo kaya humihingi ako ng tawad pinapangako ko na hinding hindi na kita hahayaang masaktan muli," seryosong sabi ni Dave saka nya hinawakan ang kamay ni Aira. "Please Aira give me another chance. Hayaan mo sana akong patunayan sa'yo na nagsisisi na ako sa mga nagawa ko noom sa'yo. Ayusin na natin ang pamilya natin please," dagdag pa ni Dave. "Dave diba napag usapan na natin ang tungkol sa bagay na yan," sabi ni Aira."Oo alam ko. Pero gustong gusto ko na kasi kayong makasama ng mga bata Aira. Hindi ako mapalagay kapag malayo kayo sa akin dahil baka kung ano na naman ang maisipan na gawin ng kapatid mo sa'yo,," sagot ni Dave."Naiintindihan naman kita Dave na nag aalala ka sa amin ng mga bata. Wag kang mag alala dahil mag iingat naman ako sa bawat gagawin ko at iingatan ko rin ang mga anak natin. Kaya sana naman ay maintindihan mo rin ako n
CHAPTER 181Matulin naman na lumipas ang mga araw. At sa mga araw na iyon ay laking pasalamat naman ni Aira dahil hindi naman sila ginugulo ng kapatid nyang si Trina. Hinayaan na lang din muna nya ang kapatid nya dahil naiinis din sya na makaharap ito.Nagtrabaho na rin muna si Aira dahil ayaw naman nyang iasa ang lahat ng pangangailangan nila kay Dave gayong kayang kaya naman nyang magtrabaho. Kahit tutol si Dave sa gusto ni Aira na pagtatrabaho ay pinayagan na lamang din nya ito basta sa opisina nya ito magtatrabaho at hindi sa ibang kumpanya dahil natatakot din naman kasi sya para sa kaligtasan ni Aira.Ngayon nga ay nasa daan na sila pauwi galing opisina at ihahatid na muna ni Dave si Aira sa unit nito."Ahm. Aira naalala ko nga pala may party kasi sila Mr. Mendez next week at kailangan kong pumunta roon. Maaari ba kitang isama Aira?" nahihiya pa na sabi ni Dave kay Aira. Napalingon naman si Aira rito."Ha? Bakit ako? Iba na lang. Alam mo naman na hindi ako mahilig sa mga ganyang
CHAPTER 182Matulin naman na lumipas ang mga araw at ngayon nga ang araw ng party ni Mr. Mendez. Sa isang hotel gaganapin ang party na yun at tanging mga kakilala at kasosyo lamang sa negosyo ng pamilya Mendez ang mga inimbitahan sa naturang event.Maaga naman na naghanda si Aira at sya na lamang din ang nag ayos sa kanyang sarili dahil sanay naman na syang mag ayos ng sarili nya at gusto nya rin kasi ay mga light make up lamang. Ang kanyang susuotin naman ay naipadala na rin ni Dave sa kanyang unit.Sakto naman na natapos si Aira na mag ayos ay dumating na si Dave para sunduin sya.Pagkalabas ni Aira ng kanyang silid ay nakita nya si Dave na nakatulala na lamang na nakatingin sa kanya."Hey aalis ba tayo o tutunganga ka na lamang dyan?" pukaw na ni Aira kay Dave ng hindi pa rin ito kumikilos mula sa pagkakaupo nito at nanatiling nakatulala lamang sa kanya."Wow mommy your so pretty," manghang mangha na sabi ni Rayver sa kanyang ina."Kuya is right. Your so pretty mommy like me," saba
CHAPTER 183"Trina? Si Trina ba yun?" Hindi na maiwasang sabi ni Aira kaya naman napalingon si Dave sa kanya."Ha? May problema ba?" kunot noo na tanong ni Dave kay Aira."Para kasing si Trina yung babae roon," sagot ni Aira at bigla pa syang napaisip. "Oo mukhang si Trina nga yun. Pero anong ginagawa nya rito," dagdag pa ni Aira."Si Trina? Nandito? Nasaan?" tanong na ni Dave saka sya nagpalinga linga upang hanapin kung nasaan si Trina."Ayun oh,"sagot ni Aira at inginuso pa nya ang pwesto kung nasaan ang kanyang kapatid. "Hindi ako pwedeng magkamali. Si Trina talaga ang nakita ko na yun," dagdag pa ni Aira. Napalingon naman si Dave sa inginunguso ni Aira. At ganon na lamang ang gulat nya ng makita nga nya si Trina na mayroong kasamang lalake. Pinakatitigan pa nya ang mga ito at ng humarap ang kasama ni Trina ay ganon na lamang ang panglalake ng kanyang mata ng makita nya kung sino ang kasama ni Trina."P-Paulo? Oo tama si Paulo yun at kasama nya si Trina ngayon," hindi makapaniwal
CHAPTER 184"Mukhang nagmamadali ang kapatid mo a," sabi ni Dave kay Aira. Tumango tango naman si Aira rito."Mukha nga. Iniiwasan nya talaga ako ngayon," sagot ni Aira. "Tara sundan natin sya," sabi pa ni Aira saka nya hinila sa kamay si Dave papunta sa gawi kung saan nagpunta ang kanyang kapatid. Nagpatianod na lamang din si Dave sa paghila sa kanya ni Aira. Napatigil na lamang din sila ng matanaw nila kung nasaan si Trina."Tsk. Tingnan mo. Magkasama pa talaga sila," inis na sabi ni Aira ng makita nya ang kanyang kapatid na lumapit kay Paulo. "Tara lapitan natin," sabi pa ni Aira saka nya inayos ang pagkakahawak nya kay Dave."Sigurado ka ba na gusto mo silang lapitan?" nag aalangan na tanong ni Dave kay Aira dahil ayaw naman nya na sila ang pagmulan ng komusyon sa party na iyon. Hindi naman na umimik si Aira at diretso na syang naglakad papalapit kila Trina habang nakahawak sya sa braso ni Dave."Hi!" nakangiti pa na bati ni Aira kay Paulo ng makalapit sya sa pwesto ng mga ito.
CHAPTER 185 Naikuyom naman ni Trina ang kanyang kamao dahil sa inis. Naiinis syang makita na mukhang nagkakaayos na nga talaga sila Dave at Aira at tuluyan na ngang mababalewala ang lahat ng mga pinaghirapan nya. Si Paulo naman ay napalunok na lamang ng sariling laway dahil sa mga naririnig nya at pakiramdam nya ay sya ang pianparinggan ng mga ito. Napatikhim na lamang sya dahil pakiramdam nya ay may nakabarang kung ano sa kanyang lalamunan. "W-well. Congratulations to both of you kung nagsisimula na pala kayong ayusin muli ang pagsasama nyong dalawa," sabi na lamang ni Paulo. Nang makita nya kasi ang itsura ni Trina ay mukhang napipikon na ito kaya sumabat na lamang sya sa pag uusap ng mga ito. "Thanks bro," sagot ni Dave kay Paulo. "Kayo ng kapatid ko kumusta? Mukhang nagkakamabutihan na kayo a. Infairness bagay kayong dalawa," sabat naman ni Aira. "Wala kaming relasyon ni Paulo. Kaya pwede ba ate Aira tumigil ka na r'yan," inis na sabat ni Trina. "Why? Totoo naman ang
CHAPTER 186"Nakakainis. Bakit ba palagi na lamang epal itong Aira na to," inis na sabi ni Trina pakasakay nya sa kanyang sasakyan. Agad na rin nya itong pinaandar at diretsong pumunta sa bar na pag aari ni Paulo. Kahit na wala naman doon ang binata ay kilala naman na sya ng staff ni Paulo kaya malaya syang maglabas pasok doon.Pagkapasok nya sa bar ay agad na syang umorder ng maiinom at pinadala nya ito sa opisina ni Paulo dahil doon nya napagpasyahan na maglabas ng sama ng loob at dadaanin na lamang nya ito sa pag inom ng alak.Grabe kasi ang inis na nararamdaman nya kanina. Pinili na nga lang nya muna na wag pakialaman ang ate Aira nya dahil naiinis sya sa tuwing nakikita nya ito. Pero sadyang mapaglaro nga naman ang tadhana at talagang pinagkikita silang dalawa ng hindi inaasahan.Pagkarating ng kanyang order na mga alak ay agad na nya itong dinampot at saka uminom. Naging sunod sunod na ang pag inom nya hanggang sa datnan na sya ni Paulo na langong lango sa alak."Hey. Hindi mo