CHAPTER 185 Naikuyom naman ni Trina ang kanyang kamao dahil sa inis. Naiinis syang makita na mukhang nagkakaayos na nga talaga sila Dave at Aira at tuluyan na ngang mababalewala ang lahat ng mga pinaghirapan nya. Si Paulo naman ay napalunok na lamang ng sariling laway dahil sa mga naririnig nya at pakiramdam nya ay sya ang pianparinggan ng mga ito. Napatikhim na lamang sya dahil pakiramdam nya ay may nakabarang kung ano sa kanyang lalamunan. "W-well. Congratulations to both of you kung nagsisimula na pala kayong ayusin muli ang pagsasama nyong dalawa," sabi na lamang ni Paulo. Nang makita nya kasi ang itsura ni Trina ay mukhang napipikon na ito kaya sumabat na lamang sya sa pag uusap ng mga ito. "Thanks bro," sagot ni Dave kay Paulo. "Kayo ng kapatid ko kumusta? Mukhang nagkakamabutihan na kayo a. Infairness bagay kayong dalawa," sabat naman ni Aira. "Wala kaming relasyon ni Paulo. Kaya pwede ba ate Aira tumigil ka na r'yan," inis na sabat ni Trina. "Why? Totoo naman ang
CHAPTER 186"Nakakainis. Bakit ba palagi na lamang epal itong Aira na to," inis na sabi ni Trina pakasakay nya sa kanyang sasakyan. Agad na rin nya itong pinaandar at diretsong pumunta sa bar na pag aari ni Paulo. Kahit na wala naman doon ang binata ay kilala naman na sya ng staff ni Paulo kaya malaya syang maglabas pasok doon.Pagkapasok nya sa bar ay agad na syang umorder ng maiinom at pinadala nya ito sa opisina ni Paulo dahil doon nya napagpasyahan na maglabas ng sama ng loob at dadaanin na lamang nya ito sa pag inom ng alak.Grabe kasi ang inis na nararamdaman nya kanina. Pinili na nga lang nya muna na wag pakialaman ang ate Aira nya dahil naiinis sya sa tuwing nakikita nya ito. Pero sadyang mapaglaro nga naman ang tadhana at talagang pinagkikita silang dalawa ng hindi inaasahan.Pagkarating ng kanyang order na mga alak ay agad na nya itong dinampot at saka uminom. Naging sunod sunod na ang pag inom nya hanggang sa datnan na sya ni Paulo na langong lango sa alak."Hey. Hindi mo
CHAPTER 187Pagkaalis naman nila Aira at Dave sa event na iyon ay agad ng hinatid ni Dave si Aira sa unit ng mga ito. Nadatnan na rin nilang tulog na ang mga bata dahil gabing gabi na rin naman."Grabe ang laki na talaga ng pinagbago ni Trina. Ibang iba sya sa pagkakakilala ko noon sa kanya," hindi na napigilan pang sambit ni Dave ng maupo sya sa sofa na naroon sa bahay nila Aira."Kahit ako hindi ko akalain na kaya nya akong ganon ganonin sa harap ng maraming tao. Alam ko naman na may pagkamaldita ang kapatid ko na yun dati pa pero hindi naman ganyan kagrabe ang ugali nya noon," hindi rin makapaniwala na sabi ni Aira kay Dave. "Sadya atang nabulag ang kapatid ko na yon sa pagmamahal nya sa'yo kaya sya nagkaganyan," dagdag pa ni Aira."Tsk. Hindi ko naman hiniling sa kanya na mahalin nya ako ng ganoon. At isa pa ay sobrang tagal na naming walang relasyon dapat ay nakapag move on na sya sa akin," sagot naman ni Dave."E sa mahal na mahal ka ng kapatid ko e. Bakit ba kasi hindi mo na la
CHAPTER 188Tinutugon na rin naman ni Aira ang bawat paghalik ni Dave sa kanya. Nang maramdaman nya na ipinasok ni Dave ang dila nito sa bibig nya ay agad nya iyong s******p kaya naman bahagya ng napaungol si Dave dahil sa ginawa ni Aira. Nakipag espadahan na rin ng dila nya si Aira kay Dave dahilan para lalong maging mapusok ang binata sa ginagawa nito sa kanya.Muli ay bumaba ang halik ni Dave sa dibdib ni Aira na nagbigay muli ng ibayong kiliti kay Aira."Ahhh. Dave," ungol ni Aira kasabay ng pagliyad ng kanyang katawan.Mula sa dibdib ay bumaba pa si Dave sa bandang puson ni Aira hanggang sa makarating sya sa pagitan ng mga hita ni Aira. Tinitigan pa nya ito at bigla syang natakam ng masilayan nya ang mamasa masa ng pagkababae ni Aira.Napaawang na lamang ang labi ni Aira ng bigla na lamang sunggaban ni Dave ang kanyang perlas at saka nito dinilaan ito."Ughhh... Dave. Ughhhh," ungol pa ni Aira habang nakasabunot sya sa buhok ni Dave.Tila naman musika sa pandinig ni Dave ang pag
CHAPTER 189Kinabukasan ay nagising na lamang sila Aira at Dave dahil sa sikat ng araw na nagmumula sa bintana ng silid na iyon.Kahit na masakit pa ang kanilang katawan lalo na si Aira ay pinilit nilang kumilos na dahil baka maabutan pa sila ng kambal na hubo't hubad.Agad naman ng pumunta sa CR si Aira na naroon lamang din sa loob ng silid na iyon dahil ramdam na nya ang panlalagkit ng kanyang katawan. Iika ika pa nga sya na naglakad papuntang CR dahil ramdam na ramdam nya ang pananakit ng kanyang buong katawan dahil sa ginawa nila ni Dave kagabe. Walang kasawaan kasi syang inangkin ni Dave hanggang sa parehas na lamang silang nakatulog na dalawa. Sinundan naman sya kaagad ni Dave at akmang sasarhan na sana nya ang pinto ng CR ng biglang humarang si Dave roon."Sabay na tayong maligo," sabi ni Dave sabay kindat kay Aira."Dave tumigil ka nga. Tanghali na oh. Baka biglang pumasok ang mga bata rito sa kwarto," saway ni Aira kay Dave dahil alam nyang may binabalak na naman ito sa loob
CHAPTER 190"Mommy? Daddy?" gulat na sabi ni Reign ng makita nya na lumabas ng kabilang silid ang kanilang magulang. Napalingon naman sila Reign at Nay Wanda at agad nilang nakita sila Dave at Aira na lumabas ng silid na iyon."Dave? Aira? Nariyan pala kayong dalawa? Ang akala ko ay hindi kayo nakauwi kagabe," gulat din na sbi ni nay Wanda sa dalawa. Hindi kasi nila alam na nakauwi pala si Aira kagabe dahil wala naman ito sa tabi ng mga bata kaninang umaga. Doon kasi ito natutulog kaya hindi na sila nag abala pa na tingnan ang isa pang silid na naroon dahil hindi naman natutulog doon si Aira kaya ang kala nila ay hindi ito umuwi kagabe.Nagkatinginan naman sila Aira at Dave."Ahm. G-gabing gabi na rin po kasi kami naka uwi nay. K-kaya dito ko na lamang po p-pinatulog si D-Dave," kandautal pa na sagot ni Aira saka sya nag iwas ng tingin kay nay Wanda."Ah ganon ba. Mabuti naman at hindi mo na pinaalis si Dave ng dis iras ng gabi," sagot ni nay Wanda. "Ang mabuti pa ay kumain na muna k
CHAPTER 191"Daddy pwede po ba tayong mamasyal?" tanong ni Reign sa kanyang ama habang kumakain sila. "Oo nga po daddy. Hindi pa po kasi kami nakakapasyal ni Reign," sabi rin naman ni Rayver. Simula kasi ng dumating sila ng Manila ay hindi pa talaga sila nakakapasyal na magkapatid. Tanging sa loob ng unit nila at sa labas lamang ng condo unit nila sila nakakapunta. Hindi pa kasi sila inilalabas nila Aira at Dave dahil ayaw pa sana nilang ipaalam ang tungkol sa kambal dahil baka madamay pa ang mga ito sa gulo nila Aira at ng kapatid nito."Ahm. Saan mo ba gustong pumunta anak?" tanong ni Dave."Kahit saang pasyalan po dad. Kahit saglit lang po. Please," sagot na ni Reign sa ama. Nagkatinginan naman sila Dave at Aira saka sila sabay na napabuntong hininga. Kahit na ayaw pa sana nila otong ilabas pero naaawa na rin sila sa mga ito dahil hindi man lang makapamasyal ang kambal."Sige anak. Mamamasyal tayo ngayon. Pero promise nyo muna sa akin na magbebehave kayo ha at makikinig sa amin,
CHAPTER 192Sa isang Zoo naman dinala ni Dave at Aira ang kambal kasama na rin sila nay Wanda at Janella. "Wow daddy. Ang ganda naman po rito," manghang mangha na sabi ni Reign habang nagpapalibot libot ang tingin nito sa paligid."Oo nga po daddy," pag sang ayon naman ni Rayver sa kanyang kakambal na si Reign.Nakangiti naman na pinagmamasdan ni Aira at Dave ang kambal nilang anak dahil hawak kamay pa ang mga ito habang nauunang maglakad sa kanila."Hayaan nyo mga anak. Dadalasan na natin ang pamamasyal natin," sabi naman ni Dave kaya naman napalingon ang kambal sa kanilang ama."Talaga po Daddy? Madalas na po tayong mamamasyal?" pagkukumpirma pa ni Reign sa ama. Tumango tango naman si Dave sa kanyang anak bilang sagot."Yehey!" tuwang tuwa na sabi nila Reign at Rayver dahil gustong gusto na sana talaga nilang mamasyal simula ng dumating sila ng Manila kaso ay hindi naman sila makapamasyal dahil busy ang kanilang magulang."Basta ba palagi kayong magbabait at susunod sa mommy nyo ay
CHAPTER 423Pagkatapos nilang kumain ay sandali pa naman silang nanatili sa restaurant. At dahil nga nasa VIP room naman sila ay pwede naman silang magstay muna roon at isa pa ay malaya rin silang makapag kwentuhan doon.Nagkwentuhan pa rin muna sila roon na magkakapatid at unti unti nga ay nagiging palagay na rin ang loob nila Ashley, Sherwin at April kay Jenny. Nakikipag kwentuhan na kasi sila rito at nakikipagtawanan na rin."Nga pala Shiela nabanggit mo na ba kay daddy na magkaka ayos na tayo?" tanong ni Jenny kay Shiela."Hindi pa ate. Hindi ko pa naman din sya ulet nakakausap," sagot naman ni Shiela habang kumakain naman sila ngayon ng dessert.Dahan dahan naman na tumango si Jenny at may bigla nga syang naisip."Hindi ko pa rin naman ito nababanggit kay daddy. What if isurprise natin sya? Malapit na rin kasi ang birthday ni daddy at parang mas magandang birthday gift ito sa kanya. Surprise birthday party ano sa tingin nyo?" suhestyon ni Jenny sa kanyang mga kapatid. Hindi pa ri
CHAPTER 422Pagkapasok nga nila sa restaurant ay agad na nga silang inassist ng isang staff doon upang dalhin sila sa isang VIP room ng naturang restaurant."Wow ate Shiela. Mukhang mayaman talaga si ate Jenny dahil naka VIP pa talaga tayo rito sa restaurant samantalang kakain lang naman tayo rito," daldal ni April kay Shiela."Oo mayaman talaga si ate Jenny dahil mula sa mayamang pamilya ang kanyang ina. At siguro kaya gusto nya sa VIP room para naman magkaroon rayo ng privacy dahil marami ring kumakain dito," paliwanag naman ni Shiela sa kanyang nakababatang kapatid.Agad naman na tumango si April sa kanyang ate Shiela at deretso na nga silang sa VIP room at agad na nga silang pinapasok ng staff doon.Pagkapasok nila roon ay agad ngang nakita ni Shiela si Jenny na naghihintay na nga sa kanila. Nakita pa nya na napangiti ito ng makitang pumasok silang magkakapatid."Hi ate Jenny," agad na bati ni Shiela kay Jenny at saka sya lumapit dito at agad na nakipagbeso.Nakangiti naman na nak
CHAPTER 421Matapos makausap ni Shiela ang kanyang nga kapatid ay masaya nya naman iyong ibinalita kay Rayver at kagaya nya ay masaya ito dahil doon. Kasunod naman nyang pinagsabihan noon ay ang ate Jenny nya at yes natawagan nya ito kaagad dahil nagpalitan sila ng cellphone number para matawagan nga nila ang isa't isa. At masaya nya ngang ibinalita ang tungkol sa pag uusap nila ng kanyang mga kapatid kaya agad na nga itong nagpaset ng petsa kung kelan sila pwedeng magkita kita na magkakapatid at napagpasyahan nga nila na sa araw ng Sabado ay magkikita kita nga silang magkakapatid.Mabilis naman na lumipas ang nga araw at araw na nga ng sabado ngayon. Pinayagan na rin muna ni Rayver na hindi pumasok ngayong araw si Shiela. Hindi na rin sya sumama sa mga ito dahil lakad iyon ng magkakapatid at hahayaan na lamang nya na magbonding ang mga ito."Mag iingat kayo mamaya ha. Hindi na ako sasama para naman makapag bonding kayong magkakapatid. Papasamahan ko na lang sa inyo ang dalawang bo
CHAPTER 420Kinagabihan noon ay kinausap nga muli ni Shiela ang kanyang mga kapatid at ngayon nga ay nasa silid silang lahat ni Shiela."Kumusta kayo? Napag isip isip nyo na ba ang tungkol kay tatay?" tanong na ni Shiela sa kanyang mga kapatid dahil noong huli nilang pag uusap ayy mukhang alanganin pa nga ang nga ito na patawarin ang kanilang ama.Nagkatinginan naman si Ashley at Sherwin dahil sa naging tanong ng ate Shiela nya. Sa kanilang apat na magkakapatid kasi ay halos silang dalawa na lamang talaga ang hindi naka move on sa ginawa ng kanilang ama. At naiintindihan naman sila ng ate Shiela nila kaya nga binigyan sila ng pagkakataon nito na makapag isip isip pa rin.Napabuntong hininga naman si Ashley saka nya seryosong tiningnan ang ate Shiela nya."Ate napagtanto namin ni Sherwin na siguro nga ay tama ka. Siguro ay dapat na rin kaming magpatawad ni Sherwin. Kagaya nyo ni April ay miss na rin naman namin si tatay at tama ka ate wala na nga si nanay pati ba naman si tatay ay haha
CHAPTER 419Muli ay napatingin si Rayver kay Shiela at saka sya nginitian nito."Naiintidihan kita Rayver kung hindi mo pa mapapatawad ang kapatid ko dahil sa ating dalawa alam ko na ikaw ang mas ginulo nya. Pero sana bigyan mo pa rin sya ng pagkakataon. Sana mapatawad mo pa rin ang kapatid ko dahil mas masaya ang buhay kung wala tayong mga kagalit. Mas tatahimik ang buhay natin diba," sabat na ni Shiela.Napabuntong hininga naman si Rayver at saka nya muling binalingan ng tingin si Jenny."Talaga ba na seryoso ka r'yan? Baka mamaya ay linoloko mo lamang kami at binibilog mo lamang ang ulo namin ha," sabi pa ni Rayver kay Jenny dahil hirap na talaga syang magtiwala ngayon sa dalaga."Oo naman seryoso ako sa sinasabi ko. At hindi naman ako mag aaksaya ng panahon para lang makipag usap sa inyo kung hindi ako seryoso sa pagpunta at paghingi ko ng tawad sa inyo. Naiintindihan din naman kita Rayver. Alam kong galit ka sa akin at walang tiwala pero sana ay mapatawad at pagkatiwalaan mo ako
CHAPTER 418Pagkarating nila Jenny at Shiela sa may opisina ni Rayver ay agad nga nilang natanaw ang binata na nakatayo sa may pintuan ng opisina nito habang nakakunot ang noon. Kaya naman nagkatinginan pa silang dalawa at sabay na nga silang naglakad palapit dito.Agad naman na napansin ni Rayver na may papalapit sa kanya at ng makita nga nya na si Shiela iyon kasama si Jenny ay inilang hakbang nga lang nya ang pagitan nila at agad na linapitan si Shiela."Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap hindi ka man lang nagsabi sa akin bago ka umalis. Huwag mo ng uulitin ito ha. Hindi mo alam kung gaano ako nag aalala sa'yo kanina pa," puno ng pag aalala na sabi ni Rayver sa kanyang nobya at agad na nga nya itong yinakap. Nagulat man sa inasta ni Rayver ay napangiti na lamang din si Shiela dahil bakas sa gwapong mukha ng kanyang nobyo na nag aalala iyo sa kanya."Hey! Wala naman akong balak na dukutin ang kapatid ko. Gusto ko lamang syang makausap kaya ko sya isinama saglit," paliwanag
CHAPTER 417 "Ahm. S-Shiela gusto ko sanang humingi ng tawad sa mga nagawa ko sa inyo ni Rayver noon. I'm sorry sa panggugulo ko sa inyo," lakas loob na sabi ni Jenny kay Shiela. Nagulat naman si Shiela sa sinabi ni Jenny dahil totoo nga talaga ang sabi ng kanilang ama na nagsisisi na nga ito sa panggugulo sa kanila noon ni Rayver. Hindi naman na muna nagsalita pa si Shiela at hinintay nga nya ang kasunod na sasabihin pa ni Jenny. "A-alam ko na mali ako dahil sa ipinipilit ko ang sarili ko kay Rayver kahit na alam ko naman na wala syang pagtingin sa akim. Sorry Shiela kung ginulo ko kayo. Kelan ko lang din naman na narealize na mali pala ang mga pinaggagawa ko. At umaasa ako ngayon na sana ay hindi pa huli ang lahat para sa atin. Sana ay magkaayos pa tayo. Alam ko rin naman na magiging masaya si dad kung makikita nya na magkakasundo tayo. Alam kong hindi madali yun pero umaasa pa rin ako Shiela na sana ay mapatawad nyo ako ni Rayver," seryoso pa na sabi ni Jenny kay Shiela. Napa
CHAPTER 416Kinabukasan ay maaga nga na nagising si Jenny dahil balak nga nya na pumunta ngayong araw sa opisina ni Rayver para makausap nya ang kapatid nyang si Shiela at maging si Rayver na rin.Matapos nya kasi na makausap ang kanyang ama ay napagtanto nya na tama naman ito. Wala naman din syang magagawa kung tututulan nya ang pagmamahalan nila Rayver at Shiela dahil pare pareho lamang din silang mahihirapan non. Kaya mas pinili na lamang nya na pabayaan na lamang ang mga ito tutal ay mukhang wala naman talagang makakapaigil pa sa pagmamahalan ng dalawa. Masaya rin sya ngayon dahil sa kabila ng desisyon nyang iyon ay dumating naman si Greg na pursigido na ligawan siya. Kaya naman bibigyan na lamang nya ito ng pagkakataon dahil naisip nya na mas magiging masaya siguro sya kung wala syang sinasaktan na ibang tao. Pagkababa nga nya ng hagdan ay naabutan pa nya ang kanyang ama na naghahanda ng pumasok sa opisina."Good morning dad," bati ni Jenny sa kanyang ama."Good morning din ana
CHAPTER 415"Ha? Ahm. Oo galing ako sa opisina nya kanina dahil gusto kong pormal na magpaalam sa kanya na liligawan nga kita," deretsahan ng sagot ni Greg sa dalaga. Napangiti naman si Jenny dahil sa sinabi ng binata."Greg seryoso ka ba talaga sa akin? Seryoso ka ba talaga na liligawan mo ako?" seryosong tanong na ni Jenny kay Greg."Oo Jenny. Seryoso ako sa sinabi ko sa iyong ama na gusto kitang ligawan. Jenny noon pa man ay mahal na kita sadyang pinapangunahan lamang ako ng kaba dahil alam ko na may mahal ka ng iba pero ngayon ay buo na ang desisyon ko at gusto kong ipaglaban ang kung ano man ang nararamdaman ko para sa'yo. Mahal kita Jenny at handa akong maghintay kung kelan mo ako matututunang mahalin. Handa akong maghintay sa'yo," seryoso naman na sagot ni Greg sa dalaga habang nakatitig sya sa mga mata nito.Bigla namang nakaramdam ng galak sa puso nya si Jenny dahil sa sinabi ng binata. Ramdam nya na seryoso ito sa sinasabi sa kanya at masayang masaya sya ngayon dahil meron p