CHAPTER 172"Paulo ano ba? Nasasaktan ako," inis na pagpupumiglas ni Trina kay Paulo dahil hawak hawak nito ang kanyang kamay habang nasa ibabaw nya ang binata.Narito na naman kasi sya sa bar ni Paulo ngayon at katanghaliang tapat ay pinapunta sya ng binata rito. Hindi naman nya kasi magawang tumanggi sa gusto nitong mangyare dahil palagi na lamang ipinapanakot ni Paulo sa kanya na isusumbong nya lahat ng ginawa nito kay Aira. Ayaw naman nya na malaman ni Dave yun kaya wala syang magawa kundi maging sunud sunuran na lamang muna sa gustong mangyare ni Paulo."Tsk. Pwede ba. Wag ka na lamang maarte dyan. Kung bakit kasi ayaw mo pang tigilan yang Dave na yan e," inis na sagot ni Paulo kay Trina."E bakit ba kasi pinipilit mo pa rin ang sarili mo sa akin kahit na alam mo na si Dave lang ang gusto ko," sagot naman ni Trina sa binata na nagpainit lalo ng ulo ni Paulo."Akin ka lang Trina. At walang ibang pwedeng umangkin sa'yo kundi ako lang. At wala rin akong pakialam kung ang Dave na yun
CHAPTER 173"Hello Dave. Napatawag ka," masiglang bati ni Trina kay Dave na nasa kabilang linya."Trina pasensya na kung naistorbo kita. Tatanungin ko lamang kung hindi ka ba busy bukas," sagot ni Dave."Ha? H-hindi naman ako busy. Bakit?" tanong ni Trina."Ahm. Aayain sana kitang mag lunch bukas kung pwede ka," sagot ni Dave."Sure. Sure. Sige pupunta ako. Send mo na lamang sa akin kung saan tayo mag lunch at pupunta ako," excited na sagot ni Trina habang ngiting ngiti pa ito. Ngayon na lamang kasi sya ulet tinawagan ni Dave kaya naman walang pagsidlan ang saya na nararamdaman nya ngayon."Sige. Isesend ko na lamang sa'yo ang address kung saan tayo maglunch bukas. May surpresa rin kasi ako sa'yo bukas. See you tomorrow. Sige na magpahinga ka na ulet," sagot naman ni Dave saka nya pinutol ang tawag nila ni Trina.Hindi naman na pinansin ni Trina ang pagputol agad ni Dave ng tawag nila dahil sobrang saya nya ngayon dahil tinawagan syang muli ni Dave at inaya pa sya na maglunch.Kinabuk
CHAPTER 174"A-ate?" hindi makapaniwala na sambit ni Trina pagkakita nya kay Aira."Oh hi little sissy. Namiss mo ba ako?" Nakangiti pa na sabi ni Aira sa kapatid. Awang naman ang bibig ni Trina at hindi sya makapaniwala na nasa harapan na nya ang ate Aira nya."O bakit hindi ka na nakapagsalita r'yan? Hindi ka ba masaya na makita muli ako?" tanong pa ni Aira sa kapatid nya na nakatulala na lamang sa kanya. "Ako kasi excited na excited na ako na makita kang muli mahal kong kapatid. Limang taon din tayong hindi nagkita. Kumusta ka mahal kong kapatid?" dagdag pa nya habang may mapang asar na ngiti sa labi nya."N-nagbalik ka? K-kelan? B-bakit?" utal utal pa na tanong ni Trina nakakunot pa ang noo nya habang titig na titig sa mukha ng kanyang kapatid."Yes i'm back little sister. Hindi ka ba masaya na nagbalik na ako ngayon?" sagot ni Aira sa kapatid nya.Hindi naman makaimik si Trina at nanatili na lamang sya na titig na titig kay Aira.Naupo naman na si Aira sa tabi ni Dave ng hindi
CHAPTER 175"Actually hindi naman ako guilty noong time na yun Trina. Sadyang nagpakalayo layo lamang ako para makaiwas sa mga taong masyado ng toxic. Lam mo yung gusto ko lamang ng katahimikan at malayo sa mga magugulo at makasariling tao," sagot ni Aira sa kapatid at may diin pa ang pagkakasabi nya sa huling salita na kanyang binitiwan."Talaga lang ha. O baka naman sumama ka na sa lalake mo tapos ngayon hiwalay na kayo kaya ka nagbalik dito para guluhin ulet kami," sagot ni Trina habang nakangisi pa. Kung kanina ay hindi maipinta ang mukha nito dahil sa gulat ngayon naman ay biglang naging palaban na ito."Tsk. Paano naman ako sasama sa lalake na yun e hindi ko nga yun kilala ni hindi ko nga alam ang pangalan non at tanging ang mukha lamang nya ang natatandaan ko," sagot ni Aira. "Ikaw baka kilala mo ang lalake na yun?" nakataas pa ang kilay na tanong ni Aira.Bigla namang natigilan si Trina dahil sa sinabi ni Aira at napaiwàs na lamang sya ng tingin dito.. Pakiramdam nya ay may na
CHAPTER 176"Akala ko ba ay hinaharang mo ang mga tao na inutusan ni Dave para maghanap kay ate Aira? Bakit ngayon ay magkasama silang dalawa at parang nagkabalikan na nga ata sila," galit na bulyaw ni Trina kay Paulo pagkapasok nya sa opisina neto sa bar."Hey. Relax. Ano ba ang problema mo? Kararating mo pa lamang ay ang init init na kaagad ng ulo mo," tanong ni Paulo sa dalaga na nagngingitngit na sa galit."Relax relax ka pa na nalalaman dyan. Akala ko ba may binayaran ka na tao para pigilan ang mga tauhan ni Dave na naghahanap kay ate Aira? Linoloko mo lang ba ako? Kasama sa usapan natin ang tungkol sa bagay na yun kaya naman hinahayaan kitang gawin ang anumang gusto mong gawin sa akin," galit pa na sigaw ni Trina sa binata na prente naman nakaupo sa swivel chair nito."Tsk. Hindi kita linoloko Trina. Totoong may binayaran akong tao para magbantay sa mga binabayarang tao ni Dave para maghanap kay Aira. Malay ko ba kung may pasikreto pa pala syang binayaran diba. Saka ano ba kasi
CHAPTER 177Pagkarating naman nila Dave at Aira sa condo unit na tinitirhan nila Aira at ng mga bata ay masayang masaya naman silang sinalubong ng kambal nilang anak.Ngiting ngiti rin naman sila Aira at Dave na sinalubong ang mga anak nila. Ibinigay na rin kaagad nila ang pasalubong na binili nila para sa mga bata."Daddy saan po kayo galing ni mommy?" tanong ni Rayver sa ama."Nagdate po ba kayo ni mommy?" tanong naman ni Reign.Nagulat naman sila Dave at Aira dahil sa tanong ng kambal at nagkatinginan pa silang dalawa dahil doon."Ha? Saan nyo naman nalaman ang mga salita na yan ha?" tanong ni Aira sa mga bata dahil nagulat sya na sa edad ng mga ito ngayon ay alam na ang mga ganong salita."Basta po mommy. Narinig lang po namin yun," sagot ni Reign. "Kayo talaga. Kung ano ano na ang nalalaman nyo ha," sabi ni Aira."Kids hindi kami nagdate ng mommy nyo. May pinuntahan lamang kami kanina kaya kami magkasama ngayon," paliwanag na lamang ni Dave sa mga bata."Ah ganon po ba daddy. Ak
CHAPTER 178Napatingin naman si Aira kay Dave ng mapansin nya na kanina pa sya nito tinititigan."Bakit? May problema ba?" hindi na nakatiis na tanong ni Aira kay Dave.. Liningon naman ni Dave ang mga bata at ng mapansin nya na abala na ang mga ito sa kanilang linalaro ay lumapit na sya sa pwesto ni Aira."Mommy mo ang tumawag kanina sa akin. Kinukumusta ka nya. Naibalita na kasi kaagad ni Trina na nagbalik ka na," sabi ni Dave kay Aira. Tumango tango naman si Aira."Ang sabi pa nya ay kung pwede raw sana ay dumalaw ka sa inyong bahay," dagdag pa ni Dave. Napabuntong hininga naman si Aira at hindi makapagsalita. Dahil iniisip nya kung dapat na ba nyang harapin ang kanyang mga magulang pero sa tingin nya ay wala na rin naman syang magagawa dahi alam na ng mga ito na narito na syang muli."Handa ka na ba na harapin sila?" tanong pa ni Dave."Siguro panahon na rin para harapin ko muli ang mga magulang ko. Oo may kaunting sama pa ako ng loob sa kanila pero magulang ko pa rin sila at hin
CHAPTER 179"Woah. At talagang nagpunta ka pa rito ha," sabi ni Trina habang bumababa sya ng hagdan."Bakit hindi? Bahay pa rin naman ito ng magulang ko," sagot ni Aira. "Trina bakit ba kahapon pa ata mainit ang dugo mo sa akin? Mukhang hindi ka masaya sa bumalik ako a," dagdag pa ni Aira."Tsk. Hindi talaga," nakairap pa na sagot ni Trina sa kanyang kapatid. " Okay naman na kami noong wala ka. Sana hindi ka na lamang bumalik pa," dagdag pa ni Trina. "Trina ano ba yang pinagsasasabi mo? Dapat ay maging masaya ka at bumalik na ang ate Aira mo," sabat na ni Cheska sa kanyang mga anak."Tsk. Sana hindi na lamang yan bumalik," may diin na sabi ni Trina.Isang malakas na sampal naman ang pinatikim ni Cheska kay Trina dahil hindi nya inaasahan na magsasalita ito ng ganon. Nahawakan naman ni Trina ang pisngi nya na sinampal ng kanyang ina."Umayos ka nga Trina. Walang ginagawang masama sa'yo ang ate Aira mo para sabihin mo yan," sabi pa ni Cheska. Hindi rin sya makapaniwala sa inaasta ngayo
CHAPTER 478"O sige na. Aalis na rin ako at sadyang kinamusta lamang kita rito. Hindi ko naman akalain na iba pala ang problema mo," natatawa pa na sabi ni Rayver at saka sya naglakad papunta sa pintuan ng opisina ni Dylan pero bago nga sya lumabas ay saglit pa nga muna syang tumigil at humarap sa gawi ng kanyang kapatid."Kung ako sa'yo ay tatawagan ko na sya. Maganda si Amara at hindi malabo na maraming magkagusto sa kanya at baka sa huli ay ikaw naman ang masaktan kapag may mahal na si Amara na iba," makahulugan pa na sabi ni Rayver kay Dylan at saka sya tuluyang lumabas ng opisina ng kanyang kapatid.Pagkaalis nga ng kuya Rayver ni Dylan ay muli nga nyang tinitigan ang kanyang phone at nag iisip pa rin sya kung tatawagan ba nya o hindi si Amara.Pero naisip nga rin nya na dapat ang dalaga ang tumawag sa kanya dahil ito ang kusang umalis ng bansa at kung may balak talaga ito na kausapin sya para magpaliwanag ay tatawag naman ito sa kanya.Napabuntong hininga naman si Dylan at sa hu
CHAPTER 477Habang nasa opisina naman ngayon si Dylan at abala sa kanyang ginagawa ay hindi naman sya mapakali dahil talagang gumugulo sa isipan nya si Amara.Simula pa kasi kagabi ng nalaman nga nya mula sa tita Bianca nya na umalis na pala ng bansa si Amara ay hindi na talaga sya mapakali pa at hindi nga nya maintindihan ang kanyang sarili dahil doon.Nakailang bunting hininga na nga rin sya at ilang beses na nga rin nyang tiningnan ang phone nya dahil hindi nya alam kung tatawagan ba nya o hindi si Amara.Habang nasa malalim na pag iisip naman si Dylan ay bigla ngang bumukas ang pinto ng kanyang opisina kaya naman agad nga syang napatingin doon."Kumusta ang kapatid ko? Mukhang ayos naman yata ang nga naituro ko sa'yo a," nakangiti pa na sabi ni Rayver sa kanyang bunsong kapatid pagkapasok nya sa opisina nito.Hindi naman naka imik kaagad si Dylan at nanatili lamang syang nakatitig sa kanyang kuya Rayver.Napakunot naman ang noo ni Rayver dahil sa itsura ni Dylan at ni hindi nga ma
CHAPTER 476Bago nga matulog si Amara ay napagpasyahan nga nya na tawagan na muna ang kanyang ina para kamustahin ang mga ito at para na rin ibalita ang pagside line nya ngayon bilang modelo. Tamang tama naman at umaga na roon sa Pilipinas ngayon habang sila sa London ay patulog naman na.Naka ilang ring pa naman nga ang tawag ni Amara bago nga ito sinagot ng kanyang ina."Hi mom," bati kaagad ni Amara sa kanyang ina."Amara pasensya ka na at kakagising ko pa lamang. Kumusta ka r'yan?" namamaos pa ang boses na sagot ni Bianca sa kanyang anak at halata mo nga talaga na bagong gising ito."Ayy. Sorry po mom. Naistorbo ko po yata ang tulog nyo," sagot naman ni Amara."It's okay baby. Kumusta ka r'yan?" sagot ni Bianca sa kanyang anak."Ayos lang naman po ako rito mom," sagot ni Amara sa kanyang ina. "Oo nga po pala mom gusto ko lang pong sabihin sa inyo na sumama po ako aky ate Charmaine sa pagmomodel nya at sumide line po ako roon kanina," pagbabalita pa ni Amara sa kanyang ina."Talag
CHAPTER 475Halos isang buwan na nga na namamalagi si Amara sa London at nag eenjoy naman sya ngayon sa kanyang mga ginagawa kaya naman nakakalimutan na nya ang nararamdaman nyang lungkot simula ng umalis sya ng Pinas.Pagkarating nya kasi noon sa London ay agad nga syang naaliw sa kakagala nila ng ate Charmaine nya. Matagal na kasi na naninirahan sa London ang pinsan nyang si Charmaine doon na kasi ito nagtatrabaho at paminsan minsan nga ay sumaside line nga ito ng pagmomodel. Kagaya kasi ni Amara ay maganda nga rin ang pinsan nyang ito at marami rin talaga ang nagkakagusto rito kaso ay pihikan nga ito sa lalaki kaya hanggang ngayon ay wala pa rin itong nobyo. Matanda lamang naman ito ng limang taon kay Amara kaya ate ang tawag nya rito."Amara gusto mo ba mag side line sa pag momodel? Alam ko kasi na gusto mo yun e. Baka gusto mo lang naman kulang kasi kami ng isa at naisip nga kita," sabi ni Charmaine kay Amara habang kumakain nga sila ng kanilang agahan.Agad naman na kumislap ang
CHAPTER 474"Tita Bianca si Amara po nasaan?" hindi na nakatiis na tanong ni Dylan sa ina ni Amara.Napakunot naman ang noo ni Bianca dahil sa tanong ni Dylan at napatingin pa nga sya sa kanyang asawa na tahimik lamang na nakikinig sa kanila. "Wag mong sabihin sa akin na hindi mo rin alam Dylan na umalis na si Amara," sagot ni Bianca sa binata."Po? Umalis po si Amara?" kunot noo naman na tanong ni Dylan."Yes hijo. Umalis na si Amara halos mag iisang buwan na nga ng siya ay umalis papuntang London. Ang akala ko ay nagpaalam sya sa'yo noon bago sya umalis ng bansa," sagot naman ni Bianca kay Dylan.Gulat na gulat naman si Dylan sa sinabi ng tita Bianca nya dahil hindi nya talaga alam na umalis si Amara ng bansa at wala rin naman syang natatandaan na nagpaalam ito sa kanya noong huli nilang pagkikita. Ngayon nya napagtanto na kaya pala walang Amara na nangungulit sa kanya dahil umalis na pala ito ng bansa at wala nga syang kaalam alam doon. Ang buong akala nya kasi ay abala lamang it
CHAPTER 473Kinabukasan ay maaga naman ngang hinatid si Amara ng kanyang pamilya sa airport."Mag iingat ka roon anak ha. Nandoon naman ang ate Charmaine mo kaya hindi ka naman malulungkot doon. Saka bibisitahin naman kita roon paminsan minsan kaya wag kang mag alala ha," sabi ni Bianca kay Amara at naiyak pa nga ito habang sinasabi iyon sa kanyang anak dahil nalulungkot pa rin sya sa pag alis nito."Opo mom mag iingat po ako roon. Mamimiss ko po kayo," nakangiti pa na sagot ni Amara sa kanyang ina at pigil nya talaga ang kanyang sarili na wag maiyak sa pag alis nya.Agad naman na yinakap ni Bianca si Amara at ganon din naman ang ginawa ni Gino at hinalikan pa nga nya sa noo si Amara."Mag iingat ka palagi doon anak ha. Pupuntahan ka namin doon kapag hindi ako busy sa opisina," sabi pa ni Gino kay Amara."Opo dad," nakangiti naman na sagot ni Amara sa kanyang ama."Ate mamimiss kita," umiiyak naman na sabi ng bunsong kapatid ni Amara na si Amanda at agad na nga rin itong yumakap sa ka
CHAPTER 472Kinabukasan ay nagising naman si Amara na maliwanag na sa labas ng kanyang silid. Dahan dahan pa nga syang bumangon at agad nga nyang napansin ang mga paper bag sa tabi ng kanyang kama at naipikit na nga lamang nya ng nariin ang kanyang mga mata dahil wala nga syang nagawa man lang sa mga balak nya kagabi dahil napasarap nga ang kanyang tulog.Bumuntong hininga naman na muna si Amara bago sya nagpasya na tumayo na at saka sya dumiretso sa CR na nasa kanyang silid lamang at agad na nga nyang ginawa ang kanyang morning routine. Medyo binilisan na nga lamang din nya ang kanyang ginagawa dahil ramdam na nya ang pagkalam ng kanyang tyan dahil hindi nga pala sya nakakain ng dinner kagabi.Agad naman ng lumabas ng kanyang silid si Amara at agad na nga syang pumunta sa kusina para kumuha ng makakain nya ngayong umaga.Pagkapasok naman ni Amara sa kusina ay nadatnan naman nya ang kanya ina roon na kumakain pa nga lamang ng agahan."Good morning mom," bati ni Amara sa kanyang anak.
CHAPTER 471Pagkapasok ni Amara sa kanyang silid ay agad nga nya na inilock ang pinto at saka nya ibinaba na muna sa tabi ng kanyang kama ang kanyang mga dala at saka sya pasalampak na dumapa sa kanyang kama at doon na nga nya hindi napigilan ang pag alpas ng masagana nyang luha sa kanyang mga mata."Sana sa pagbabalik ko ay hindi ka pa rin magbago Dylan. Mahal na mahal kita pero kailangan ko nga sigurong gawin ito para sa pangarap mo at para na rin sa pangarap ko. Siguro hanggang pagiging magkaibigan na lamang talaga tayo. Kahit na masakit ay pipilitin ko na lamang na tanggapin ang katotohanan na hindi mo ako kayang mahalin Dylan," usal ni Amara sa kanyang isipan habang patuloy nga sa pag agos ang kanyang masaganang luha na kanina pa nya pinipigilan.Iniyak naman muna ng iniyak ni Amara ang kanyang nararamdamang lungkot. Dahil sa totoo lang ay ayaw nya sanang umalis ng bansa pero naisip nya na siguro ay tama naman ang kanyang nga magulang kaya susundin na lamang nya ang mga ito.Dahi
CHAPTER 470"Yayakap lang e. May problema ba dun?" nakanguso pa na sagot ni Amara at pilit nyang pinipigilan na mahalata sya ni Dylan dahil ang totoo ay gusto na nya talagang maiyak ngayon pa lang sa isipin na ito na ang huling beses na mayayakap nya si Dylan dahil pagkatapos nga nito ay papayag na sya sa gustong mangyare ng kanyang mga magulang.Bumuntong hininga na nga lamang si Dylan at saka sya napapailing na lamang dahil sa kakulitan ng kangyang kaibigan. Hindi naman na nagsalita pa si Dyla at ibinuka na lamang nya ang kanyang braso upang pagbigyan si Amara.Ngiting ngiti naman si Amara na agad na yumakap kay Dylan at habang yakap nya nga ito ng mahigpit ay hindi na nga nya napigilan ang pagpatak ng kanyang luha pero agad din naman nya iyong pinunasan."Dylan mamimiss kita," mahinang sabi ni Amara habang yakap yakap pa rin nya si Dylan.Napakunot naman ang noo ni Dylan dahil malinaw na malinaw nga nyang narinig ang sinabi ni Amara kahit na mahina nga lamang iyon."Ha? Bakit mo na