CHAPTER 160Nagulat naman si Trina sa ginawa ni Paulo dahil kahit malambot ang higaan na yun ay nasaktan pa rin sya sa lakas ng pagkakatulak sa kanya ng binata."Ahh," daing ni Trina."Akin ka lang Trina. Akin ka lang at walang ibang pwedeng magmay ari sa'yo kundi ako lang," gigil na sabi ni Paulo saka sya dumagan kay Trina."Ano ba Paulo? Umalis ka nga dyan. Wala ako sa mood ngayon. Kaya pwede ba tumigil ka," inis na sabi ni Trina habang pilit nyang itinutulak si Paulo."Tsk. Wala akong pakialam kung wala ka sa mood ngayon dahil akin ka lang Trina. Akin ka lang," gigil na sabi ni Paulo saka nya sinibasib ng halik si Trina."Hmpft.... A-ano ba? Hmpft...," pagpupumiglas pa ni Trina. Nag angat naman ng ulo nya si Paulo at parehas pa silang naghahabol ng hininga ni Trina."Tumigil ka na Paulo. Tama na please," habol ang hininga na sabi ni Trina."Akin ka lang tandaan mo yan," sabi ni Paulo saka nya pinunit ang damit ni Trina. Nagulat naman si Trina sa ginawa ni Paulo. Natakot pa sya dahi
CHAPTER 161"Ano na naman ba ang ginawa mo at ganyan ang itsura mo? Diba sinabi ko naman na sa'yo na pabayaan mo na lamang si Dave," tanong ni Karen kay Trina. Napansin nya kasi na ang gulo gulo ng buhok ni Trina at hindi pa ayos ang damit nito.Agad naman na ikinuwento naman ni Trina kay Karen ang mga nangyare kanina sa pagitan nila ni Paulo. Hindi na rin nya napigilan pa na mapahagulhol sa harap ng kanyang kaibigan."Nagawa sa'yo ni Paulo yun? Jusko Trina mag ingat ingat ka nga baka sa susunod ay hindi lamang iyan ang gawin sa'yo ng lalake na yun," hinri makapaniwalang sabi ni Karen sa kaibigan."Pero ano ang gagawin ko? Alam nya ang sikreto ko. Alam nya ang ginawa ko kay ate Aira noon. Baka kapag iniwasan ko si Paulo ay isumbong nya ako kay Dave. Natatakot ako Karen. Hindi ko na alam ang gagawin ko," umiiyak na sabi ni Trina. Naaawa namang tinitigan ni Karen si Trina. Naaawa sya sa kaibigan pero inisip nya na kasalanan din naman nito kaya ito nangyayare ngayon sa kaibigan nya."I
CHAPTER 162Lumipas pa ang mga araw at nagpatuloy pa rin si Dave sa pagpapaimbestiga kay Trina at kay Paulo. At sa mga nakalipas na mga araw na iyon ay unti unti ng nagiging malinaw ang lahat kay Dave na si Trina nga ang may pakana ng lahat nang nangyare ng gabi na yun. "Aira kilala mo ba ang lalaki na ito?" tanong ni Dave kay Aira sabay abot ng kanyang phone dito upang ipakita ang larawan ng isang lalake. Narito kasi ngayon si Dave sa Baguio at abala ang kanyang mga anak sa paglalaro kaya nakakausap nya si Aira ngayon. Agad naman tiningnan ni Aira ang larawan na nasa phone ni Dave. Tinitigan pa nya ito dahil hinding hindi nya makakalimutan ang mukha ng lalake na ito."Kilala mo ba sya?" muling tanong ni Dave."Hindi ko alam ang pangalan ng lalake na yan. Pero hinding hindi ko makakalimutan ang mukha na yan dahil yan ang lalaking katabi ko sa kama ng magising ako ng gabi na yun," sagot ni Aira at hindi na nya namalayan na napalakas pala ang boses nya kaya napalingon ang kambal sa g
CHAPTER 163Lumipas pa ang ilang araw at nauna ng bumalik ng Manila si Dave. Hindi kasi maaari na sabay sila ni Aira na babalik ng Manila dahil baka may makakita pa sa kanila.Ngayong araw nga ay ang araw na babalik ng Manila si Aira kasama ang mga bata. Napagkasunduan nila ni Dave na bumili ng bagong condo kung saan tutuloy ang mag iina habang nasa Manila ang mga ito. Isinama rin nila sila nay Wanda at Janella sa kanilang pagluwas sa Manila para may makakasama ang kambal kapag kailangang umalis ni Aira dahil hindi naman maaari na isama nya ang mga ito sa tuwing aalis sya."Mommy excited na po akong makarating ng Manila," daldal ni Reign sa ina."Ako rin po mommy excited na rin po ako," sabi rin ni Rayver. Nginitian naman ni Aira ang kanyang mga anak dahil kitang kita mo talaga sa mukha ng kambal na excited na talaga ang mga ito na makarating ng Manila dahil ito ang unang beses na makakarating sila rito.Nasa byahe na sila ngayon papuntang Manila at gamit nila ang bagong bili ni Dave
CHAPTER 164"Wow mommy ang laki naman po rito," manghang sabi ni Reign sa kanyang ina habang iginagala ang kanyang paningin sa paligid ng kanilang magiging tirahan."Oo nga po mommy. Ang laki laki po nito," daldal din ni Rayver sa ina.Manghang mangha kasi talaga ang kambal dahil malaki talaga ang kanilang titirhan. Kahit sila nay Wanda ay nagulat din sa laki ng kanilang titirhan at kumpleto pa talaga ito sa gamit. Sinadya talaga ni Dave na malaki ang kunin na unit. Mayroon din itong tatlong kwarto dahil alam nya na kasama sila nay Wanda at Janella sa pagluwas ng Manila. Binigyan din nga pala ni Dave ng scholar si Janella para makapag aral pa rin ito kahit nasa Manila na ito titira. Malaki kasi ang pasasalamat ni Dave sa mag inang Wanda at Janella dahil hindi nito pinabayaan ang kanyang mag iina at itinuring talaga ng mga ito na sariling kapamilya sila Aira at ang nga bata. Kaya ngayon ay gusto rin naman nyang makabawi sa mga ito."Totoo ngang mayaman ang dati mong asawa hija. Napaka
CHAPTER 165Napabuntong hininga naman si Aira saka nya tinitigan sa mata si Dave."Hindi mo ako masisisi Dave kung mayroon pa rin akong sama ng loob sa'yo hanggang ngayon. Sobra akong nasaktan sa ginawa mo dahil hindi ka nagtiwala sa akin ng mga panahon na yon ni hindi mo ako pinakinggan noon. Kaya pasensya ka na kung hirap akong ibalik ang tiwala ko sa'yo," sagot ni Aira kay Dave."Naiintindihan kita Aira dahil alam kong naging tanga ako ng mga panahon na yun at talagang pinagsisisihan ko na ang pagiging tanga ko noon. Sana ay mapatawad mo pa rin ako Aira dahil gusto kong makabawi sa lahat ng pagkakamali at pagkukulang ko sa'yo at sa mga anak natin sa ilang taon ko kayong hindi nakasama," sagot ni Dave. Hindi naman na sumagot pa si Aira at katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa."Hindi naman kita pipilitan ngayon Aira na patawarin mo ako pero handa akong maghintay kung kelan mo ako mapapatawad. At handa rin akong maghintay kung kelan mo ako muling papapasukin dyan sa puso mo. Wa
CHAPTER 166"Bianca eto nga pala ang kambal kong anak. Si Rayver at si Reign," pagpapakilala ni Aira sa kanyang kambal na anak."Mommy kilala na po namin si tita Bianca. Pinakilala na po sya sa amin ni tito Gino kanina," daldal ni Rayver sa kanyang ina."Oo nga po mommy. Kilala na po namin si tita Bianca. Ang pretty pretty nga po nya like me," daldal din naman ni Reign sa ina habang nagpapacute."Ay gusto ko tong mga anak mo Aira. Bata palang magaling ng mambola," natatawang sabi ni Bianca kay Aira. "Kids anong gusto nyo? Bibilhan kayo ni tita Bianca. Just tell me," baling ni Bianca sa kambal.Natatawa na lamang si Aira sa kaibigan nya. Inaya na rin nya muna ito na lumayo sa mga bata na abalang nanonood kasama si Gino. Gusto nya kasing masolo muna ang kaibigan."Kumusta ka na? Namiss kita mas lalo kang gumanda ngayon," agad na sabi ni Bianca kay Aira ng makalayo na sila sa pwesto ng mga bata."Ayos naman ako kasama ang mga anak ko. Tahimik naman ang buhay namin sa Baguio sa nakalipas
CHAPTER 167Napabuntong hininga naman si Aira at napa isip dahil sa mga sinabi ni Bianca. Mung ganon ay totoo nga pala na pinapahanap sya ni Dave noon pa. Hindi kasi sya naniniwala sa mga sinasabi nito noon na matagal na syang hinahanap nito dahil imposibleng hindi sya makita kung pinapahanap pala sya dahil hindi nga naman sya nagtago talagang lumayo lamang sya at sa Baguio nga sya napadpad sa nakalipas na limang taon.Nanatili pa roon si Bianca pati na rin si Gino at nakipagkulitan nga ang mga ito sa kambal. Tuwang tuwa rin naman ang kambal sa pikikipagkulitan kila Bianca at Gino.Pinakilala na rin ni Aira sila nay Wanda at Janella kay Bianca. Malaki kasi ang paggalang nya sa matanda dahil itinuring na talaga sya na anak nito dahil hindi talaga sila pinabayaan ni nay Wanda simula noong doon sya nanirahan sa Baguio kaya naman hindi na rin iba sa kanya ang mag ina at itinuring na rin nya itong kapamilya.Sumapit nga ang hapon at nagulat pa si Dave ng madatnan nya na naglalaro si Gino
CHAPTER 411Pagkagaling ni Joey sa opisina ay agad naman na rin syang dumiretso ng uwi sa kanilang mansyo at nagulat pa nga sya ng pagkarating nya sa kanilang bahay ay nay magarang sasakyan na nakaparada sa labas ng kanilang gate kaya naman napakunot na lang ang noo nya dahil may iba yatang tao sa kanilang bahay kaya naman dali dali na nyang ipinark ang kanyang sasakyan.Pagkapasok nya sa kanilang bahay ay agad nyang nakita ni manang Lina kaya naman agad na nya itong linapitan."Manang kanino po yung sasakyan na nasa labas ng mansyon?" agad na tanong ni Joey kay manang Lina."Joey nar'yan ka na pala," gulat pa na sabi ni Manang Lina kay Joey dahil hindi nga nya napansin ang paglapit nito sa kanya."Kanino po ang sasakyan na nasa labas manang?" muli ay tanong ni Joey rito."Ah yun bang sasakyan sa labas? Sa bisita iyon ni Jenny," sagot ni manang Lina."Kaibigan ni Jenny? Sino? Nasaan sila?" sunod sunod pa na tanong ni Joey kay manang Lina."G-Greg? Oo tama Greg ang rinig ko kanina na
CHAPTER 410Matapos makapag usap nila Rayver at ng ama ni Shiela ay agad na rin naman na umalis si Joey sa opisina ng binata dahil may mga kailangan pa rin syang asikasuhin sa kanyang sariling kumpanya.Habang papaalis pa nga si Joey sa kumpanya ni Rayver ay hindi na maalis alis pa ang ngiti sa kanyang labi dahil parang nakahinga na sya ng maluwang ngayon dahil sa mga nangyayare ngayon sa pagitan nya at ng kanyang mga anak.Ito lamang naman talaga ang tangi nyang hiling sa ngayon ang magkaayos sila ng kanyang mga anak kay Lina at magkaayos din ang mga ito at si Jenny. Alam nya na medyo mahihirapan talaga si Jenny lalo na at ang lalaking pinakamamahal nito ay nobyo ng kanyang kapatid pero umaasa sya na makakapag move on kaagad ang kanyang anak na si Jenny.Pagkarating ni Joey sa kanyang kumpanya ay maraming paper works kaagad ang tumambad sa kanya sa loob ng kanyang opisina. Natambak kadi itong mga trabaho nya noong mga nakaraang araw pa dahul nga hindi sya makapag focus sa kanyang gin
CHAPTER 409"Good morning anak. Ahm. Narito ako dahil gusto ko sanang sabihin sa'yo na nakausap ko na rin nga pala ang kapatid mong si Jenny at nagkaayos na rin kami at gusto ka nga raw nya sanang makausap. P-pwede ka ba anak?" sabi ni Joey kay Shiela. Nagulat naman si Shiela sa sinabi ng kanyang ama at napabuntong hininga na lamang nga sya saka sya dahan dahan na tumango rito."S-Sige po tay. Sabihan nyo na lamang po ako kung kailan at saan po kami mag uusap ni Jenny," sagot ni Shiela sa kanyang ama kahit na ang totoo ay nag aalangan sya dahil hindi pa naman nya lubos na kilala si Jenny at ayon na nga rin sa sinabi ni Reign noon ay iba nga ang ugali ng kapatid nya na yon."Salamat anak. Sige sasabihan na lamang kita kung kailan nya gusto na magkita kayong dalawa. Salamat anak at pumayag ka na magkausap kayong dalawa. Sana ay maging maayos na rin kayong dalawa labis ko talagang ikakatuwa kapag nangyari nga ang bagay na yun," nakangiti pa na sagot ni Joey kay Shiela.Tanging pagngiti
CHAPTER 408Kinabukasan naman ay maaga ngang nagising si Joey at nagpaluto nga sya ng masarap na agahan sa kanilang mga kasambahay para sa kanila ni Jenny.Nagulat naman si Jenny na pagkababa nya ng kanilang hagdan ay natanaw na nga nya ang kanyang ama na nasa kanilang dining table at mukhang hinihintay nga sya nito dahil hindi pa nagagalaw ang mga pagkain doon. Kaya naman agad na nyang linapitan ito."Good morning dad," bati kaagad ni Jenny sa kanyang ama saka sya humalik sa pisngi nito. "Wala po ba kayong pasok sa opisina ngayon dad?" tanong pa ni Jenny sa kanyang ama."Meron pero pwede naman akong magpalate dahil kumpanya naman natin iyon kaya hawak ko naman ang oras ko," sagot ni Joey kay Jenny. "At isa pa ay gusto kitang makasabay kumain ng agahan dahil matagal tagal na rin yung huling kain natin na magkasabay. Kaya maupo ka na para makakain na tayo," dagdag pa ni Joey at saka nya ipinaghila ng upuan si Jenny."Salamat dad," sabi namna ni Jenny matapos syang maupo.Napangiti nama
CHAPTER 407"Don't worry dad. Hindi naman na po ako magagalit at naiintindihan ko na po kayo kaya okay lang po na bumawi kayo sa kanila. At ang tungkol naman po sa amin ni Shiela ay hindi ko naman po maipapangako na agad agad kaming magkakapalagayan ng loob dahil alam nyo naman po kung ano ang sitwasyon naming dalawa ngayon pero pipilitin ko po na makapag move on na para na lamang po sa ikatatahimik ng lahat," sagot naman ni Jenny sa kanyang ama.Nagulat naman si Joey sa sinabi ni Jenny at napangiti na nga lamang sya dahil doon dahil ang buong akala nya ay mahaba habang paliwanagan na naman ang mangyayare sa kanilang mag ama ngayon."T-totoo ba yang sinasabi mo anak? S-seryoso ka ba na ayos na sa'yo na bumawi ako sa mga kapatid mo?" hindi pa rin makapaniwala na tanong ni Joey kay Jenny.Napangiti naman si Jenny sa kanyang ama dahil kita nya ang gulat na gulat na reaksyon nito dahil sa kanyang sinabi."Yes dad. Seryoso po ako sa sinabi ko," nakangiti pa na sagot ni Jenny sa kanyang ama
CHAPTER 406Napangiti naman si manang Lina dahil sa sinabi ni Joey. Masaya sya dahil kahit papaano ay ngumingiti na ulit si Joey nito kasing mga nakalipas na mga araw ay palagi itong balisa at halata mo na sa mukha nito ang stress. Alam nya naman kasi ang pinagdaraanan nito ngayon dahil nga naikwento na nito sa kanya ang mga nangyari noon kaya naiintindihan nya rin naman talaga ang mga anak ni Joey kay Nelia dahil napabayaan nya nga talaga ang mga ito."Masaya ako at nakausap mo na pala ang isa sa mga anak mo. Sana nga ay magkaayos ayos na kayo para naman maging masaya na kayo muli," sagot ni Manang Lina kay Joey dahil kita nga nya na napapabayaan na rin ni Joey ang kanyang sarili dahil sa kaiisip nito sa mga problema nito sa kanyang mga anak."Salamat po manang," nakangiti pa na sagot ni Joey sa matanda."Subukan mo ring kausapin ngayon si Jenny at baka ngayon ay magkaintindihan na nga kayong dalawa. Basta habaan mo na lamang ang pasensya sa anak mo na yan dahil alam mo naman ang uga
CHAPTER 405Napabuntong hininga na lamang sila Ashley at Sherwin dahil sa sinabi ng kanilang nakababatang kapatid. Alam nila na hindi na nito masyado nakasama pa ang kanilang ama noon dahil napakaliit pa nito ng iwan sila ng kanilang ama noon."Sorry April. Pasensya ka na kung hindi ka man lang namin naisip. Alam naman namin na sabik ka na kay tatay. Pasensya ka na kung pinangunahan kami ng nararamdaman dahil totoo naman na nakakasama ng loob ang ginawa ni tatay dahil pinaasa nga nya si nanay," sagot ni Ashley kay April saka nya ito linapitan at agad na yinakap.Agad naman na gumanti ng yakap si April sa kanyang ate Ashley at hindi na nga nya napigilan pa na mapaiyak. Hindi na nga rin napigilan ni Sherwin ang kanyamg sarili at agad na nga rin syang napalapit kay April at saka nya ito yinakap din."Sorry April. Hayaan mo at pipilitin namin ang aming mga sarili na tanggapin at patawarin muli si tatay. Dahil tama ka wala na nga si nanay dapat ay hindi na rin tayo pumayag na pati si tatay
CHAPTER 404"Ate ano pong pag uusapan natin? May problema po ba?" agad ng tanong ni Ashley sa kanyang ate Shiela.Napabuntong hininga naman na muna si Shiela saka sya naupo na rin sa tabi ng kanyang mga kapatid."Gusto ko kasi kayong makausap tungkol kay tatay," sagot ni Shiela sa mga kapatid nya at kita pa nya na natigilan bigla ang kanyang mga kapatid lalo na si Sherwin ng marinig nito ang salitang tatay."Bakit ate? Kinausap ka ba nya kanina para kumbinsihin na sumama tayo sa kanya? Ate naman alam mo naman ang ginawa nya noon diba? Pinabayaan nya tayo noon kaya nangyare kay nanay yun," naiinis ng sagot ni Ashley sa ate Shiela nya."Hindi nya ako kinausap para sa bagay na yun. Makining na muna kayo sa akin," sagot ni Shiela."E ano ate? Anong sinabi nya sa'yo?" sabat naman na ni Sherwin.Napabuntong hininga naman si Shiela dahil inaasahan naman na nya kanina pa na ganito ang magiging reaksyon ng mga kapatid nya kapag kinausap nya ang nga ito ng tungkol sa kanilang ama."Please makin
CHAPTER 403"Okay fine," sagot naman ni Rayver sa dalaga at saka nya muling hinigpitan ang pagkakahawak nya sa bewang nito. "Last kiss. Please," pakiusap pa ni Rayver sa dalaga kaya naman natawa na lamang si Shiela at mabilis nya na ngang dinampian ng magaan na halik sa labi ang binata."Okay na. Sige na. Bitawan mo na ako," sabi pa ni Shiela habang hawak nya ang kamay ng binata na nakahawak sa kanyang bewang."Yun na yun? Hindi pwede yun," nakanguso pa na sabi ni Rayver sa dalaga. Akmang magsasalita pa sana si Shiela ng bigla na ngang sakupin muli ni Rayver ang kanyang labi at ang magaan na halik ni Rayver sa dalaga ay unti unti na ngang nagiging mapusok at mapaghanap at napapangiti na lamang din ang binata ng maramdaman nya na tinutugon na ng dalaga ang kanyang paghalik dito.Napakapit pa nga si Shiela sa batok ng binata at napapapikit na lamang ang kanyang mata habang tinutugon nya ang paghalik ng kanyang nobyo sa kanya at pakiramdam nya ay ang sarap sarap halikan ng labi ng binat