CHAPTER 166"Bianca eto nga pala ang kambal kong anak. Si Rayver at si Reign," pagpapakilala ni Aira sa kanyang kambal na anak."Mommy kilala na po namin si tita Bianca. Pinakilala na po sya sa amin ni tito Gino kanina," daldal ni Rayver sa kanyang ina."Oo nga po mommy. Kilala na po namin si tita Bianca. Ang pretty pretty nga po nya like me," daldal din naman ni Reign sa ina habang nagpapacute."Ay gusto ko tong mga anak mo Aira. Bata palang magaling ng mambola," natatawang sabi ni Bianca kay Aira. "Kids anong gusto nyo? Bibilhan kayo ni tita Bianca. Just tell me," baling ni Bianca sa kambal.Natatawa na lamang si Aira sa kaibigan nya. Inaya na rin nya muna ito na lumayo sa mga bata na abalang nanonood kasama si Gino. Gusto nya kasing masolo muna ang kaibigan."Kumusta ka na? Namiss kita mas lalo kang gumanda ngayon," agad na sabi ni Bianca kay Aira ng makalayo na sila sa pwesto ng mga bata."Ayos naman ako kasama ang mga anak ko. Tahimik naman ang buhay namin sa Baguio sa nakalipas
CHAPTER 167Napabuntong hininga naman si Aira at napa isip dahil sa mga sinabi ni Bianca. Mung ganon ay totoo nga pala na pinapahanap sya ni Dave noon pa. Hindi kasi sya naniniwala sa mga sinasabi nito noon na matagal na syang hinahanap nito dahil imposibleng hindi sya makita kung pinapahanap pala sya dahil hindi nga naman sya nagtago talagang lumayo lamang sya at sa Baguio nga sya napadpad sa nakalipas na limang taon.Nanatili pa roon si Bianca pati na rin si Gino at nakipagkulitan nga ang mga ito sa kambal. Tuwang tuwa rin naman ang kambal sa pikikipagkulitan kila Bianca at Gino.Pinakilala na rin ni Aira sila nay Wanda at Janella kay Bianca. Malaki kasi ang paggalang nya sa matanda dahil itinuring na talaga sya na anak nito dahil hindi talaga sila pinabayaan ni nay Wanda simula noong doon sya nanirahan sa Baguio kaya naman hindi na rin iba sa kanya ang mag ina at itinuring na rin nya itong kapamilya.Sumapit nga ang hapon at nagulat pa si Dave ng madatnan nya na naglalaro si Gino
CHAPTER 168Hindi na nila namalayan na napaparami na pala ang inom ni Bianca at totoong nalasing na nga ito. Mabuti na lamang at medyo matino pa si Gino at hindi pa naman tinatamaan ng alak kaya naman naihatid pa nito si Bianca pauwi sa kanila.Si Aira naman ay sinadyang hindi uminom ng marami dahil nga may mga kailangan syang asikasuhin kinabukasan. Ayaw naman nya na hilo syang aalis ng kanilang tinitirhan. Si Dave naman ay medyo naparami rin ang inom pero kaya pa naman daw nito kaya hinayaan na lamang din ni Aira.Habang abala naman si Aira sa kanyang phone ay nagulat na lamang sya ng biglang nagsalita si Dave sa tabi nya at mataman syang tinititigan nito."I love you Aira," sambit ni Dave kay Aira habang titig na titig sya sa magandang mukha ng dating asawa."Tsk. Matulog ka na muna dyan Dave. Lasing ka lang. Pwede mo naman gamitin ang isang kwarto dyan kung gusto mo dahil wala namang nagamit non. Sa kwarto kasi ng kambal ako natutulog," sabi ni Aira kay Dave saka nya muling ibinal
CHAPTER 169Kinabukasan ng magising si Aira ay agad na syang bumangon at nagpunta ng CR para maligo dahil may mga kailangan syang gawin at puntahan ngayong araw.Tulog pa ang kambal kaya naman hinayaan na muna nya ang mga ito at hindi na sya nag abala pa na gisingin ang mga bata.Pagkalabas ni Aira ng silid nila ng nga bata ay napalingon naman sya sa kabilang kwarto kung saan nya iniwan si Dave kagabe."Tulog pa kaya sya? Gigisingin ko ba sya?" kausap ni Aira sa kanyang sarili sa kanyang isipan lamang. Napabalik lamang sya sa wisyo ng magsalita si nay Wanda."Hija gising ka na pala. Halika na rito ng makakain ka na muna ng almusal bago ka umalis," sabi ni nay Wanda ng makita nya si Aira."N-nay Wanda si Dave po ba gising na?" hindi na nya naiwasang tanong sa matanda."Ah. Si Dave ba hija? Naku kanina pa iyon nakaalis. Sinabihan ko nga na hintayin ng magising ka at dito na rin sya kumain ng agahan kaso ay nagmamadali ata sya," sagot ni nay Wanda habang nag aayos ng lamesa.Bigla naman
CHAPTER 170Pagkarating ni Aira sa malapit sa bahay ng kanyang mga magulang ay halo halo ang emosyon na kanyang nararamdaman ngayon. Masaya sya na muli syang nakarating sa bahay na kinagisnan nya pero may part din ng puso nya na malungkot dahil sa dito rin mismo sa bahay na ito nangyare ang pagseset up sa kanya ng sarili nyang kapatid na naging dahilan ng paghihiwalay nila ng kanyang asawa."Ma'm Aira ayos lang po ba kayo?" tanong ni Aldrin kay Aira ng mapansin nya na lumuluha na ito. Liningon naman sya ni Aira at nagpahid na rin ito ng kanyang luha dahil hindi na nya namalayan na tumulo na pala ang kanyang mga luha."Ha? O-oo ayos lang ako. Wag mo na lamang akong pansinin," sagot ni Aira.Muli ay liningon ni Aira ang bahay ng kanyang mga magulang saka sya napabuntong hininga na lamang. Ilang oras din syang nagmasid masid sa labas ng kanilang bahay. Gusto nya sanang makita ang mga magulang nya dahil miss na miss na nya ang mga ito lalo na ang kanyang ina dahil kahit na may tampo sy
CHAPTER 171Ilang araw na rin ang matulin na lumipas at hindi nga muna nagpapakita si Dave kay Aira dahil hindi nya alam kung paano ba nya muling haharapin ang dating asawa matapos ng gabi na kamuntik ng may mangyare sa kanila. Binibisita naman nya ang mga bata pero tinityempo nya na wala si Aira roon sa unit nila."Himala ata at narito ka ngayon?" gulat na tanong ni Gino kay Dave dahil tinawagan sya nito at pinapapunta sya sa condo nito. "Tsk. Nanggaling na ako kanina sa mga anak ko," sagot naman ni Dave."Ahh. Bakit hindi ka ata nagpagabi doon?" tanong pa muli ni Gino."Bakit ba ang dami mong tanong? Ang dami mo pang paligoy ligoy. Ano ba kasi ibig mong tumbukin," naiinis ng sagot ni Dave sa kaibigan."Ang sungit naman neto," kakamot kamot sa ulo na sabi ni Gino sa kaibigan dahil sya pa ata ang mapagbuntonan ng inis ng kaibigan nya ngayon. "May problema ba kayo ni Aira bro?" tanong na nya rito."I miss her bro at ramdam ko na ganon din sya sa akin pero bakit ba parang pinipigilan
CHAPTER 172"Paulo ano ba? Nasasaktan ako," inis na pagpupumiglas ni Trina kay Paulo dahil hawak hawak nito ang kanyang kamay habang nasa ibabaw nya ang binata.Narito na naman kasi sya sa bar ni Paulo ngayon at katanghaliang tapat ay pinapunta sya ng binata rito. Hindi naman nya kasi magawang tumanggi sa gusto nitong mangyare dahil palagi na lamang ipinapanakot ni Paulo sa kanya na isusumbong nya lahat ng ginawa nito kay Aira. Ayaw naman nya na malaman ni Dave yun kaya wala syang magawa kundi maging sunud sunuran na lamang muna sa gustong mangyare ni Paulo."Tsk. Pwede ba. Wag ka na lamang maarte dyan. Kung bakit kasi ayaw mo pang tigilan yang Dave na yan e," inis na sagot ni Paulo kay Trina."E bakit ba kasi pinipilit mo pa rin ang sarili mo sa akin kahit na alam mo na si Dave lang ang gusto ko," sagot naman ni Trina sa binata na nagpainit lalo ng ulo ni Paulo."Akin ka lang Trina. At walang ibang pwedeng umangkin sa'yo kundi ako lang. At wala rin akong pakialam kung ang Dave na yun
CHAPTER 173"Hello Dave. Napatawag ka," masiglang bati ni Trina kay Dave na nasa kabilang linya."Trina pasensya na kung naistorbo kita. Tatanungin ko lamang kung hindi ka ba busy bukas," sagot ni Dave."Ha? H-hindi naman ako busy. Bakit?" tanong ni Trina."Ahm. Aayain sana kitang mag lunch bukas kung pwede ka," sagot ni Dave."Sure. Sure. Sige pupunta ako. Send mo na lamang sa akin kung saan tayo mag lunch at pupunta ako," excited na sagot ni Trina habang ngiting ngiti pa ito. Ngayon na lamang kasi sya ulet tinawagan ni Dave kaya naman walang pagsidlan ang saya na nararamdaman nya ngayon."Sige. Isesend ko na lamang sa'yo ang address kung saan tayo maglunch bukas. May surpresa rin kasi ako sa'yo bukas. See you tomorrow. Sige na magpahinga ka na ulet," sagot naman ni Dave saka nya pinutol ang tawag nila ni Trina.Hindi naman na pinansin ni Trina ang pagputol agad ni Dave ng tawag nila dahil sobrang saya nya ngayon dahil tinawagan syang muli ni Dave at inaya pa sya na maglunch.Kinabuk
CHAPTER 411Pagkagaling ni Joey sa opisina ay agad naman na rin syang dumiretso ng uwi sa kanilang mansyo at nagulat pa nga sya ng pagkarating nya sa kanilang bahay ay nay magarang sasakyan na nakaparada sa labas ng kanilang gate kaya naman napakunot na lang ang noo nya dahil may iba yatang tao sa kanilang bahay kaya naman dali dali na nyang ipinark ang kanyang sasakyan.Pagkapasok nya sa kanilang bahay ay agad nyang nakita ni manang Lina kaya naman agad na nya itong linapitan."Manang kanino po yung sasakyan na nasa labas ng mansyon?" agad na tanong ni Joey kay manang Lina."Joey nar'yan ka na pala," gulat pa na sabi ni Manang Lina kay Joey dahil hindi nga nya napansin ang paglapit nito sa kanya."Kanino po ang sasakyan na nasa labas manang?" muli ay tanong ni Joey rito."Ah yun bang sasakyan sa labas? Sa bisita iyon ni Jenny," sagot ni manang Lina."Kaibigan ni Jenny? Sino? Nasaan sila?" sunod sunod pa na tanong ni Joey kay manang Lina."G-Greg? Oo tama Greg ang rinig ko kanina na
CHAPTER 410Matapos makapag usap nila Rayver at ng ama ni Shiela ay agad na rin naman na umalis si Joey sa opisina ng binata dahil may mga kailangan pa rin syang asikasuhin sa kanyang sariling kumpanya.Habang papaalis pa nga si Joey sa kumpanya ni Rayver ay hindi na maalis alis pa ang ngiti sa kanyang labi dahil parang nakahinga na sya ng maluwang ngayon dahil sa mga nangyayare ngayon sa pagitan nya at ng kanyang mga anak.Ito lamang naman talaga ang tangi nyang hiling sa ngayon ang magkaayos sila ng kanyang mga anak kay Lina at magkaayos din ang mga ito at si Jenny. Alam nya na medyo mahihirapan talaga si Jenny lalo na at ang lalaking pinakamamahal nito ay nobyo ng kanyang kapatid pero umaasa sya na makakapag move on kaagad ang kanyang anak na si Jenny.Pagkarating ni Joey sa kanyang kumpanya ay maraming paper works kaagad ang tumambad sa kanya sa loob ng kanyang opisina. Natambak kadi itong mga trabaho nya noong mga nakaraang araw pa dahul nga hindi sya makapag focus sa kanyang gin
CHAPTER 409"Good morning anak. Ahm. Narito ako dahil gusto ko sanang sabihin sa'yo na nakausap ko na rin nga pala ang kapatid mong si Jenny at nagkaayos na rin kami at gusto ka nga raw nya sanang makausap. P-pwede ka ba anak?" sabi ni Joey kay Shiela. Nagulat naman si Shiela sa sinabi ng kanyang ama at napabuntong hininga na lamang nga sya saka sya dahan dahan na tumango rito."S-Sige po tay. Sabihan nyo na lamang po ako kung kailan at saan po kami mag uusap ni Jenny," sagot ni Shiela sa kanyang ama kahit na ang totoo ay nag aalangan sya dahil hindi pa naman nya lubos na kilala si Jenny at ayon na nga rin sa sinabi ni Reign noon ay iba nga ang ugali ng kapatid nya na yon."Salamat anak. Sige sasabihan na lamang kita kung kailan nya gusto na magkita kayong dalawa. Salamat anak at pumayag ka na magkausap kayong dalawa. Sana ay maging maayos na rin kayong dalawa labis ko talagang ikakatuwa kapag nangyari nga ang bagay na yun," nakangiti pa na sagot ni Joey kay Shiela.Tanging pagngiti
CHAPTER 408Kinabukasan naman ay maaga ngang nagising si Joey at nagpaluto nga sya ng masarap na agahan sa kanilang mga kasambahay para sa kanila ni Jenny.Nagulat naman si Jenny na pagkababa nya ng kanilang hagdan ay natanaw na nga nya ang kanyang ama na nasa kanilang dining table at mukhang hinihintay nga sya nito dahil hindi pa nagagalaw ang mga pagkain doon. Kaya naman agad na nyang linapitan ito."Good morning dad," bati kaagad ni Jenny sa kanyang ama saka sya humalik sa pisngi nito. "Wala po ba kayong pasok sa opisina ngayon dad?" tanong pa ni Jenny sa kanyang ama."Meron pero pwede naman akong magpalate dahil kumpanya naman natin iyon kaya hawak ko naman ang oras ko," sagot ni Joey kay Jenny. "At isa pa ay gusto kitang makasabay kumain ng agahan dahil matagal tagal na rin yung huling kain natin na magkasabay. Kaya maupo ka na para makakain na tayo," dagdag pa ni Joey at saka nya ipinaghila ng upuan si Jenny."Salamat dad," sabi namna ni Jenny matapos syang maupo.Napangiti nama
CHAPTER 407"Don't worry dad. Hindi naman na po ako magagalit at naiintindihan ko na po kayo kaya okay lang po na bumawi kayo sa kanila. At ang tungkol naman po sa amin ni Shiela ay hindi ko naman po maipapangako na agad agad kaming magkakapalagayan ng loob dahil alam nyo naman po kung ano ang sitwasyon naming dalawa ngayon pero pipilitin ko po na makapag move on na para na lamang po sa ikatatahimik ng lahat," sagot naman ni Jenny sa kanyang ama.Nagulat naman si Joey sa sinabi ni Jenny at napangiti na nga lamang sya dahil doon dahil ang buong akala nya ay mahaba habang paliwanagan na naman ang mangyayare sa kanilang mag ama ngayon."T-totoo ba yang sinasabi mo anak? S-seryoso ka ba na ayos na sa'yo na bumawi ako sa mga kapatid mo?" hindi pa rin makapaniwala na tanong ni Joey kay Jenny.Napangiti naman si Jenny sa kanyang ama dahil kita nya ang gulat na gulat na reaksyon nito dahil sa kanyang sinabi."Yes dad. Seryoso po ako sa sinabi ko," nakangiti pa na sagot ni Jenny sa kanyang ama
CHAPTER 406Napangiti naman si manang Lina dahil sa sinabi ni Joey. Masaya sya dahil kahit papaano ay ngumingiti na ulit si Joey nito kasing mga nakalipas na mga araw ay palagi itong balisa at halata mo na sa mukha nito ang stress. Alam nya naman kasi ang pinagdaraanan nito ngayon dahil nga naikwento na nito sa kanya ang mga nangyari noon kaya naiintindihan nya rin naman talaga ang mga anak ni Joey kay Nelia dahil napabayaan nya nga talaga ang mga ito."Masaya ako at nakausap mo na pala ang isa sa mga anak mo. Sana nga ay magkaayos ayos na kayo para naman maging masaya na kayo muli," sagot ni Manang Lina kay Joey dahil kita nga nya na napapabayaan na rin ni Joey ang kanyang sarili dahil sa kaiisip nito sa mga problema nito sa kanyang mga anak."Salamat po manang," nakangiti pa na sagot ni Joey sa matanda."Subukan mo ring kausapin ngayon si Jenny at baka ngayon ay magkaintindihan na nga kayong dalawa. Basta habaan mo na lamang ang pasensya sa anak mo na yan dahil alam mo naman ang uga
CHAPTER 405Napabuntong hininga na lamang sila Ashley at Sherwin dahil sa sinabi ng kanilang nakababatang kapatid. Alam nila na hindi na nito masyado nakasama pa ang kanilang ama noon dahil napakaliit pa nito ng iwan sila ng kanilang ama noon."Sorry April. Pasensya ka na kung hindi ka man lang namin naisip. Alam naman namin na sabik ka na kay tatay. Pasensya ka na kung pinangunahan kami ng nararamdaman dahil totoo naman na nakakasama ng loob ang ginawa ni tatay dahil pinaasa nga nya si nanay," sagot ni Ashley kay April saka nya ito linapitan at agad na yinakap.Agad naman na gumanti ng yakap si April sa kanyang ate Ashley at hindi na nga nya napigilan pa na mapaiyak. Hindi na nga rin napigilan ni Sherwin ang kanyamg sarili at agad na nga rin syang napalapit kay April at saka nya ito yinakap din."Sorry April. Hayaan mo at pipilitin namin ang aming mga sarili na tanggapin at patawarin muli si tatay. Dahil tama ka wala na nga si nanay dapat ay hindi na rin tayo pumayag na pati si tatay
CHAPTER 404"Ate ano pong pag uusapan natin? May problema po ba?" agad ng tanong ni Ashley sa kanyang ate Shiela.Napabuntong hininga naman na muna si Shiela saka sya naupo na rin sa tabi ng kanyang mga kapatid."Gusto ko kasi kayong makausap tungkol kay tatay," sagot ni Shiela sa mga kapatid nya at kita pa nya na natigilan bigla ang kanyang mga kapatid lalo na si Sherwin ng marinig nito ang salitang tatay."Bakit ate? Kinausap ka ba nya kanina para kumbinsihin na sumama tayo sa kanya? Ate naman alam mo naman ang ginawa nya noon diba? Pinabayaan nya tayo noon kaya nangyare kay nanay yun," naiinis ng sagot ni Ashley sa ate Shiela nya."Hindi nya ako kinausap para sa bagay na yun. Makining na muna kayo sa akin," sagot ni Shiela."E ano ate? Anong sinabi nya sa'yo?" sabat naman na ni Sherwin.Napabuntong hininga naman si Shiela dahil inaasahan naman na nya kanina pa na ganito ang magiging reaksyon ng mga kapatid nya kapag kinausap nya ang nga ito ng tungkol sa kanilang ama."Please makin
CHAPTER 403"Okay fine," sagot naman ni Rayver sa dalaga at saka nya muling hinigpitan ang pagkakahawak nya sa bewang nito. "Last kiss. Please," pakiusap pa ni Rayver sa dalaga kaya naman natawa na lamang si Shiela at mabilis nya na ngang dinampian ng magaan na halik sa labi ang binata."Okay na. Sige na. Bitawan mo na ako," sabi pa ni Shiela habang hawak nya ang kamay ng binata na nakahawak sa kanyang bewang."Yun na yun? Hindi pwede yun," nakanguso pa na sabi ni Rayver sa dalaga. Akmang magsasalita pa sana si Shiela ng bigla na ngang sakupin muli ni Rayver ang kanyang labi at ang magaan na halik ni Rayver sa dalaga ay unti unti na ngang nagiging mapusok at mapaghanap at napapangiti na lamang din ang binata ng maramdaman nya na tinutugon na ng dalaga ang kanyang paghalik dito.Napakapit pa nga si Shiela sa batok ng binata at napapapikit na lamang ang kanyang mata habang tinutugon nya ang paghalik ng kanyang nobyo sa kanya at pakiramdam nya ay ang sarap sarap halikan ng labi ng binat