CHAPTER 159"Si Trina? Seryoso ka ba sa sinasabi mong yan Dave? Hindi magandang biro yan Dave dahil hindi yun magagawa ni Trina sa akin dahil nung mga panahon na yun ay nagkaayos naman na kami," kunot noo na sagot ni Aira kay Dave. Hindi kasi sya makapaniwala sa sinabi nito."Hindi ako nagbibiro Aira. Nagpaimbestiga kasi ako noong mga nakaraang buwan at isa yun sa mga dahilan kaya kailangan kong bumalik kaagad ng Manila. Hindi ko na muna sinabi pa sa iyo dahil gusto ko na malaman muna kung sino ba talaga ang may pakana ng pagset up sa'yo," sagot ni Dave."Pero paanong....." hindi na maituloy ni Aira ang sasabihin nya dahil totoong mabigla sya sa sinabi ni Dave."Kahit ako ay hindi makapaniwala dahil kapatid ka nya. Hindi ko akalain na kaya nya iyong gawin sa'yo," sabi pa ni Dave. "Hanggang ngayon ay pinapaimbestigahan ko pa rin si Trina. Pinapasundan ko pa rin sya sa tao ko ngayon. At wala pa rin akong ibang pinagsasabihan bukod kay Gino na alam ko na kung nasaan ka dahil baka mapaha
CHAPTER 160Nagulat naman si Trina sa ginawa ni Paulo dahil kahit malambot ang higaan na yun ay nasaktan pa rin sya sa lakas ng pagkakatulak sa kanya ng binata."Ahh," daing ni Trina."Akin ka lang Trina. Akin ka lang at walang ibang pwedeng magmay ari sa'yo kundi ako lang," gigil na sabi ni Paulo saka sya dumagan kay Trina."Ano ba Paulo? Umalis ka nga dyan. Wala ako sa mood ngayon. Kaya pwede ba tumigil ka," inis na sabi ni Trina habang pilit nyang itinutulak si Paulo."Tsk. Wala akong pakialam kung wala ka sa mood ngayon dahil akin ka lang Trina. Akin ka lang," gigil na sabi ni Paulo saka nya sinibasib ng halik si Trina."Hmpft.... A-ano ba? Hmpft...," pagpupumiglas pa ni Trina. Nag angat naman ng ulo nya si Paulo at parehas pa silang naghahabol ng hininga ni Trina."Tumigil ka na Paulo. Tama na please," habol ang hininga na sabi ni Trina."Akin ka lang tandaan mo yan," sabi ni Paulo saka nya pinunit ang damit ni Trina. Nagulat naman si Trina sa ginawa ni Paulo. Natakot pa sya dahi
CHAPTER 161"Ano na naman ba ang ginawa mo at ganyan ang itsura mo? Diba sinabi ko naman na sa'yo na pabayaan mo na lamang si Dave," tanong ni Karen kay Trina. Napansin nya kasi na ang gulo gulo ng buhok ni Trina at hindi pa ayos ang damit nito.Agad naman na ikinuwento naman ni Trina kay Karen ang mga nangyare kanina sa pagitan nila ni Paulo. Hindi na rin nya napigilan pa na mapahagulhol sa harap ng kanyang kaibigan."Nagawa sa'yo ni Paulo yun? Jusko Trina mag ingat ingat ka nga baka sa susunod ay hindi lamang iyan ang gawin sa'yo ng lalake na yun," hinri makapaniwalang sabi ni Karen sa kaibigan."Pero ano ang gagawin ko? Alam nya ang sikreto ko. Alam nya ang ginawa ko kay ate Aira noon. Baka kapag iniwasan ko si Paulo ay isumbong nya ako kay Dave. Natatakot ako Karen. Hindi ko na alam ang gagawin ko," umiiyak na sabi ni Trina. Naaawa namang tinitigan ni Karen si Trina. Naaawa sya sa kaibigan pero inisip nya na kasalanan din naman nito kaya ito nangyayare ngayon sa kaibigan nya."I
CHAPTER 162Lumipas pa ang mga araw at nagpatuloy pa rin si Dave sa pagpapaimbestiga kay Trina at kay Paulo. At sa mga nakalipas na mga araw na iyon ay unti unti ng nagiging malinaw ang lahat kay Dave na si Trina nga ang may pakana ng lahat nang nangyare ng gabi na yun. "Aira kilala mo ba ang lalaki na ito?" tanong ni Dave kay Aira sabay abot ng kanyang phone dito upang ipakita ang larawan ng isang lalake. Narito kasi ngayon si Dave sa Baguio at abala ang kanyang mga anak sa paglalaro kaya nakakausap nya si Aira ngayon. Agad naman tiningnan ni Aira ang larawan na nasa phone ni Dave. Tinitigan pa nya ito dahil hinding hindi nya makakalimutan ang mukha ng lalake na ito."Kilala mo ba sya?" muling tanong ni Dave."Hindi ko alam ang pangalan ng lalake na yan. Pero hinding hindi ko makakalimutan ang mukha na yan dahil yan ang lalaking katabi ko sa kama ng magising ako ng gabi na yun," sagot ni Aira at hindi na nya namalayan na napalakas pala ang boses nya kaya napalingon ang kambal sa g
CHAPTER 163Lumipas pa ang ilang araw at nauna ng bumalik ng Manila si Dave. Hindi kasi maaari na sabay sila ni Aira na babalik ng Manila dahil baka may makakita pa sa kanila.Ngayong araw nga ay ang araw na babalik ng Manila si Aira kasama ang mga bata. Napagkasunduan nila ni Dave na bumili ng bagong condo kung saan tutuloy ang mag iina habang nasa Manila ang mga ito. Isinama rin nila sila nay Wanda at Janella sa kanilang pagluwas sa Manila para may makakasama ang kambal kapag kailangang umalis ni Aira dahil hindi naman maaari na isama nya ang mga ito sa tuwing aalis sya."Mommy excited na po akong makarating ng Manila," daldal ni Reign sa ina."Ako rin po mommy excited na rin po ako," sabi rin ni Rayver. Nginitian naman ni Aira ang kanyang mga anak dahil kitang kita mo talaga sa mukha ng kambal na excited na talaga ang mga ito na makarating ng Manila dahil ito ang unang beses na makakarating sila rito.Nasa byahe na sila ngayon papuntang Manila at gamit nila ang bagong bili ni Dave
CHAPTER 164"Wow mommy ang laki naman po rito," manghang sabi ni Reign sa kanyang ina habang iginagala ang kanyang paningin sa paligid ng kanilang magiging tirahan."Oo nga po mommy. Ang laki laki po nito," daldal din ni Rayver sa ina.Manghang mangha kasi talaga ang kambal dahil malaki talaga ang kanilang titirhan. Kahit sila nay Wanda ay nagulat din sa laki ng kanilang titirhan at kumpleto pa talaga ito sa gamit. Sinadya talaga ni Dave na malaki ang kunin na unit. Mayroon din itong tatlong kwarto dahil alam nya na kasama sila nay Wanda at Janella sa pagluwas ng Manila. Binigyan din nga pala ni Dave ng scholar si Janella para makapag aral pa rin ito kahit nasa Manila na ito titira. Malaki kasi ang pasasalamat ni Dave sa mag inang Wanda at Janella dahil hindi nito pinabayaan ang kanyang mag iina at itinuring talaga ng mga ito na sariling kapamilya sila Aira at ang nga bata. Kaya ngayon ay gusto rin naman nyang makabawi sa mga ito."Totoo ngang mayaman ang dati mong asawa hija. Napaka
CHAPTER 165Napabuntong hininga naman si Aira saka nya tinitigan sa mata si Dave."Hindi mo ako masisisi Dave kung mayroon pa rin akong sama ng loob sa'yo hanggang ngayon. Sobra akong nasaktan sa ginawa mo dahil hindi ka nagtiwala sa akin ng mga panahon na yon ni hindi mo ako pinakinggan noon. Kaya pasensya ka na kung hirap akong ibalik ang tiwala ko sa'yo," sagot ni Aira kay Dave."Naiintindihan kita Aira dahil alam kong naging tanga ako ng mga panahon na yun at talagang pinagsisisihan ko na ang pagiging tanga ko noon. Sana ay mapatawad mo pa rin ako Aira dahil gusto kong makabawi sa lahat ng pagkakamali at pagkukulang ko sa'yo at sa mga anak natin sa ilang taon ko kayong hindi nakasama," sagot ni Dave. Hindi naman na sumagot pa si Aira at katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa."Hindi naman kita pipilitan ngayon Aira na patawarin mo ako pero handa akong maghintay kung kelan mo ako mapapatawad. At handa rin akong maghintay kung kelan mo ako muling papapasukin dyan sa puso mo. Wa
CHAPTER 166"Bianca eto nga pala ang kambal kong anak. Si Rayver at si Reign," pagpapakilala ni Aira sa kanyang kambal na anak."Mommy kilala na po namin si tita Bianca. Pinakilala na po sya sa amin ni tito Gino kanina," daldal ni Rayver sa kanyang ina."Oo nga po mommy. Kilala na po namin si tita Bianca. Ang pretty pretty nga po nya like me," daldal din naman ni Reign sa ina habang nagpapacute."Ay gusto ko tong mga anak mo Aira. Bata palang magaling ng mambola," natatawang sabi ni Bianca kay Aira. "Kids anong gusto nyo? Bibilhan kayo ni tita Bianca. Just tell me," baling ni Bianca sa kambal.Natatawa na lamang si Aira sa kaibigan nya. Inaya na rin nya muna ito na lumayo sa mga bata na abalang nanonood kasama si Gino. Gusto nya kasing masolo muna ang kaibigan."Kumusta ka na? Namiss kita mas lalo kang gumanda ngayon," agad na sabi ni Bianca kay Aira ng makalayo na sila sa pwesto ng mga bata."Ayos naman ako kasama ang mga anak ko. Tahimik naman ang buhay namin sa Baguio sa nakalipas
CHAPTER 477Habang nasa opisina naman ngayon si Dylan at abala sa kanyang ginagawa ay hindi naman sya mapakali dahil talagang gumugulo sa isipan nya si Amara.Simula pa kasi kagabi ng nalaman nga nya mula sa tita Bianca nya na umalis na pala ng bansa si Amara ay hindi na talaga sya mapakali pa at hindi nga nya maintindihan ang kanyang sarili dahil doon.Nakailang bunting hininga na nga rin sya at ilang beses na nga rin nyang tiningnan ang phone nya dahil hindi nya alam kung tatawagan ba nya o hindi si Amara.Habang nasa malalim na pag iisip naman si Dylan ay bigla ngang bumukas ang pinto ng kanyang opisina kaya naman agad nga syang napatingin doon."Kumusta ang kapatid ko? Mukhang ayos naman yata ang nga naituro ko sa'yo a," nakangiti pa na sabi ni Rayver sa kanyang bunsong kapatid pagkapasok nya sa opisina nito.Hindi naman naka imik kaagad si Dylan at nanatili lamang syang nakatitig sa kanyang kuya Rayver.Napakunot naman ang noo ni Rayver dahil sa itsura ni Dylan at ni hindi nga ma
CHAPTER 476Bago nga matulog si Amara ay napagpasyahan nga nya na tawagan na muna ang kanyang ina para kamustahin ang mga ito at para na rin ibalita ang pagside line nya ngayon bilang modelo. Tamang tama naman at umaga na roon sa Pilipinas ngayon habang sila sa London ay patulog naman na.Naka ilang ring pa naman nga ang tawag ni Amara bago nga ito sinagot ng kanyang ina."Hi mom," bati kaagad ni Amara sa kanyang ina."Amara pasensya ka na at kakagising ko pa lamang. Kumusta ka r'yan?" namamaos pa ang boses na sagot ni Bianca sa kanyang anak at halata mo nga talaga na bagong gising ito."Ayy. Sorry po mom. Naistorbo ko po yata ang tulog nyo," sagot naman ni Amara."It's okay baby. Kumusta ka r'yan?" sagot ni Bianca sa kanyang anak."Ayos lang naman po ako rito mom," sagot ni Amara sa kanyang ina. "Oo nga po pala mom gusto ko lang pong sabihin sa inyo na sumama po ako aky ate Charmaine sa pagmomodel nya at sumide line po ako roon kanina," pagbabalita pa ni Amara sa kanyang ina."Talag
CHAPTER 475Halos isang buwan na nga na namamalagi si Amara sa London at nag eenjoy naman sya ngayon sa kanyang mga ginagawa kaya naman nakakalimutan na nya ang nararamdaman nyang lungkot simula ng umalis sya ng Pinas.Pagkarating nya kasi noon sa London ay agad nga syang naaliw sa kakagala nila ng ate Charmaine nya. Matagal na kasi na naninirahan sa London ang pinsan nyang si Charmaine doon na kasi ito nagtatrabaho at paminsan minsan nga ay sumaside line nga ito ng pagmomodel. Kagaya kasi ni Amara ay maganda nga rin ang pinsan nyang ito at marami rin talaga ang nagkakagusto rito kaso ay pihikan nga ito sa lalaki kaya hanggang ngayon ay wala pa rin itong nobyo. Matanda lamang naman ito ng limang taon kay Amara kaya ate ang tawag nya rito."Amara gusto mo ba mag side line sa pag momodel? Alam ko kasi na gusto mo yun e. Baka gusto mo lang naman kulang kasi kami ng isa at naisip nga kita," sabi ni Charmaine kay Amara habang kumakain nga sila ng kanilang agahan.Agad naman na kumislap ang
CHAPTER 474"Tita Bianca si Amara po nasaan?" hindi na nakatiis na tanong ni Dylan sa ina ni Amara.Napakunot naman ang noo ni Bianca dahil sa tanong ni Dylan at napatingin pa nga sya sa kanyang asawa na tahimik lamang na nakikinig sa kanila. "Wag mong sabihin sa akin na hindi mo rin alam Dylan na umalis na si Amara," sagot ni Bianca sa binata."Po? Umalis po si Amara?" kunot noo naman na tanong ni Dylan."Yes hijo. Umalis na si Amara halos mag iisang buwan na nga ng siya ay umalis papuntang London. Ang akala ko ay nagpaalam sya sa'yo noon bago sya umalis ng bansa," sagot naman ni Bianca kay Dylan.Gulat na gulat naman si Dylan sa sinabi ng tita Bianca nya dahil hindi nya talaga alam na umalis si Amara ng bansa at wala rin naman syang natatandaan na nagpaalam ito sa kanya noong huli nilang pagkikita. Ngayon nya napagtanto na kaya pala walang Amara na nangungulit sa kanya dahil umalis na pala ito ng bansa at wala nga syang kaalam alam doon. Ang buong akala nya kasi ay abala lamang it
CHAPTER 473Kinabukasan ay maaga naman ngang hinatid si Amara ng kanyang pamilya sa airport."Mag iingat ka roon anak ha. Nandoon naman ang ate Charmaine mo kaya hindi ka naman malulungkot doon. Saka bibisitahin naman kita roon paminsan minsan kaya wag kang mag alala ha," sabi ni Bianca kay Amara at naiyak pa nga ito habang sinasabi iyon sa kanyang anak dahil nalulungkot pa rin sya sa pag alis nito."Opo mom mag iingat po ako roon. Mamimiss ko po kayo," nakangiti pa na sagot ni Amara sa kanyang ina at pigil nya talaga ang kanyang sarili na wag maiyak sa pag alis nya.Agad naman na yinakap ni Bianca si Amara at ganon din naman ang ginawa ni Gino at hinalikan pa nga nya sa noo si Amara."Mag iingat ka palagi doon anak ha. Pupuntahan ka namin doon kapag hindi ako busy sa opisina," sabi pa ni Gino kay Amara."Opo dad," nakangiti naman na sagot ni Amara sa kanyang ama."Ate mamimiss kita," umiiyak naman na sabi ng bunsong kapatid ni Amara na si Amanda at agad na nga rin itong yumakap sa ka
CHAPTER 472Kinabukasan ay nagising naman si Amara na maliwanag na sa labas ng kanyang silid. Dahan dahan pa nga syang bumangon at agad nga nyang napansin ang mga paper bag sa tabi ng kanyang kama at naipikit na nga lamang nya ng nariin ang kanyang mga mata dahil wala nga syang nagawa man lang sa mga balak nya kagabi dahil napasarap nga ang kanyang tulog.Bumuntong hininga naman na muna si Amara bago sya nagpasya na tumayo na at saka sya dumiretso sa CR na nasa kanyang silid lamang at agad na nga nyang ginawa ang kanyang morning routine. Medyo binilisan na nga lamang din nya ang kanyang ginagawa dahil ramdam na nya ang pagkalam ng kanyang tyan dahil hindi nga pala sya nakakain ng dinner kagabi.Agad naman ng lumabas ng kanyang silid si Amara at agad na nga syang pumunta sa kusina para kumuha ng makakain nya ngayong umaga.Pagkapasok naman ni Amara sa kusina ay nadatnan naman nya ang kanya ina roon na kumakain pa nga lamang ng agahan."Good morning mom," bati ni Amara sa kanyang anak.
CHAPTER 471Pagkapasok ni Amara sa kanyang silid ay agad nga nya na inilock ang pinto at saka nya ibinaba na muna sa tabi ng kanyang kama ang kanyang mga dala at saka sya pasalampak na dumapa sa kanyang kama at doon na nga nya hindi napigilan ang pag alpas ng masagana nyang luha sa kanyang mga mata."Sana sa pagbabalik ko ay hindi ka pa rin magbago Dylan. Mahal na mahal kita pero kailangan ko nga sigurong gawin ito para sa pangarap mo at para na rin sa pangarap ko. Siguro hanggang pagiging magkaibigan na lamang talaga tayo. Kahit na masakit ay pipilitin ko na lamang na tanggapin ang katotohanan na hindi mo ako kayang mahalin Dylan," usal ni Amara sa kanyang isipan habang patuloy nga sa pag agos ang kanyang masaganang luha na kanina pa nya pinipigilan.Iniyak naman muna ng iniyak ni Amara ang kanyang nararamdamang lungkot. Dahil sa totoo lang ay ayaw nya sanang umalis ng bansa pero naisip nya na siguro ay tama naman ang kanyang nga magulang kaya susundin na lamang nya ang mga ito.Dahi
CHAPTER 470"Yayakap lang e. May problema ba dun?" nakanguso pa na sagot ni Amara at pilit nyang pinipigilan na mahalata sya ni Dylan dahil ang totoo ay gusto na nya talagang maiyak ngayon pa lang sa isipin na ito na ang huling beses na mayayakap nya si Dylan dahil pagkatapos nga nito ay papayag na sya sa gustong mangyare ng kanyang mga magulang.Bumuntong hininga na nga lamang si Dylan at saka sya napapailing na lamang dahil sa kakulitan ng kangyang kaibigan. Hindi naman na nagsalita pa si Dyla at ibinuka na lamang nya ang kanyang braso upang pagbigyan si Amara.Ngiting ngiti naman si Amara na agad na yumakap kay Dylan at habang yakap nya nga ito ng mahigpit ay hindi na nga nya napigilan ang pagpatak ng kanyang luha pero agad din naman nya iyong pinunasan."Dylan mamimiss kita," mahinang sabi ni Amara habang yakap yakap pa rin nya si Dylan.Napakunot naman ang noo ni Dylan dahil malinaw na malinaw nga nyang narinig ang sinabi ni Amara kahit na mahina nga lamang iyon."Ha? Bakit mo na
CHAPTER 469Parang bigla namang nakunsenya si Dylan dahil sa inaasta ni Amara ngayon sa kanya. Mahalaga pa rin naman sa kanya ang dalaga pero hindi naman kasi pupwede na palagi na lamang silang magkabuntot na dalawa."Masasanay ka rin naman. Sadyang kailangan ko lamang talaga na mag focus sa kumpanya namin. At ikaw maaari mo ring gawin ang mga gusto mong gawin na hindi ako kasama. Magkikita at magkikita pa rin naman tayo pero hindi na nga lang kagaya ng dati," sabi ni Dylan kay AmaraDahan dahan naman na tumango si Amara at saka sya nag angat na ng kanyang ulo at pasimple pa nga nyang pinunasan ang luha na hindu na nya namalayan pa na tumulo na pala."Oo. Masasanay din naman ako na hindi ka palaging kasama. Galingan mo sa pagtatrabaho mo ha. Sana maging successful ka rin kagaya ng iyong ama at kapatid. Kapag nangyare yun ako ang unang una na magiging masaya para sa'yo," ilit ang ngiti na sabi ni Amara kay Dylan."Teka nga umiiyak ka ba?" tanong ni Dylan ng may makita dyang butil ng lu