CHAPTER 131"Dave sa totoo lang ay sobra akong nasaktan noon dahil hindi mo ako pinakinggan noong mga panahon na yun," naluluha ng sabi ni Aira kaya naman napatingala na sya para pigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. "Sobrang sakit na wala ni isa man sa inyo ang nakinig sa akin. Wala ni isa man sa inyo ang nagtiwala sa akin kaya mas pinili ko na lamang na lumayo dahil mukhang kahihiyan lang naman ako para sa inyo dahil sa mas pinaniwalaan nyo yung lalake na yun na hindi ko naman talaga kilala," pagpapatuloy pa ni Aira.Napayuko naman ng ulo nya si Dave dahil totoo naman talaga ang sinasabi ni Aira ngayon."Hindi ko naman akalain na buntis pala ako ng umalis ako noon. Nung una hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba na buhayin na mag isa ang mga anak ko pero laking pasalamat ko dahil nakahanap ako ng bagong pamilya ko rito. Na kahit hindi ko sila tunay na kadugo ay naniniwala sila sa akin. Kaya kahit na lumayo ako sa inyo naging masaya at maayos
CHAPTER 132Pinahupa muna nila Dave at Aira ang kanilang mga sarili matapos nilang maglabas ng sama ng loob sa isa't isa. Ilang minuto rin silang nanatili roon at parehas silang tahimik na umiiyak."Kelan mo gustong makita at makilala ang mga bata?" tanong na ni Aira kay Dave habang nagpupunas sga ng kanyang luha. Napalingon naman si Dave kay Aira."S-sigurado ka na ba sa desisyon mo Aira?" tanong pa ni Dave kay Aira. Tumango tango naman si Aira rito."Oo Dave sigurado na ako. Ikaw ano ba ang desisyon mo? Gusto mo pa bang makilala ang mga bata o hindi na? Ayos lang naman sa akin kung ayaw mo na silang makilala pa," diretsahang sagot ni Aira kay Dave. Napabuntong hininga naman si Dave. Napag isip isip nya na hahayaan na lamang muna niya si Aira sa desisyon nito."Syempre gustong gusto ko na silang makilala. Gustong gusto ko na silang mayakap na dalawa," sagot ni Dave. Tumango tango naman si Aira rito."Gusto mo ba silang makita ngayon? Pwede naman kitang ipakilala sa kanila ngayon," s
CHAPTER 133"Mga anak ipapakilala ko na ang daddy nyo sa inyo. Pero promise nyo muna kay mommy na magbebehave kayo ha at hindi nyo sa kukulitin. Maliwanag ba yun?" sabi pa ni Aira. Bigla namang nangislap ang mga mata ng kambal dahil sa sinabi ni Aira at nagkatinginan pa ang mga ito at sabay pang napangiti ang kambal."Opo mommy," sabay pa na sagot ng kambal."Sige. Dito lang muna kayo ha. Hintayin nyo na bumalik si mommy tatawagin ko lamang ang daddy nyo," sabi ni Aira sa kambal. Tumango tango naman ang kambal sa kanya bilang sagot.Tumayo naman na si Aira upang sunduin si Dave. Bago sya lumabas ng kanilang bahay ay liningon nya muli ang kambal at parehas pa itong nakatingin sa kanya at parehas pa na nakangiti sa kanya kaya nginitian nya na muna ang mga ito bago sya tuluyang lumabas ng kanilang bahay.Agad naman na pumunta si Aira sa kotse ni Dave para tawagin ito. Nakangiti naman na sumunod si Dave kay Aira. Nakasunod din si Gino sa kanila dahil bitibit nito ang mga binili ni Dave n
CHAPTER 134Masaya namang pinagmamasdan ni Aira ang kanyang mag aama. Nakita naman sya ni nay Wanda na ankatayo lamang sa may pintuan kaya linapitan na nya ito."Mabuti naman at napag isip isip mo na ipakilala na sa mga bata ang kanilang ama. Tingnan mo ang saya saya nilang tingnan diba?" sabi ni nay Wanda. Nagulat naman si Aira sa biglang pagsasalita ni nay Wanda sa kanyang tabi."Nay kayo po pala," sabi ni Aira saka nya nginitian ang matanda. Muli ay liningon nya ang kanyang mag aama na masayang naglalaro."Napag isip isip ko po nay na ayokong maging makasarili. Oo may sama ako ng loob sa ama ng mga bata pero hindi naman yata tama na pati sila ay madamay kaya napagpasyahan ko po na ipakilala na sa kanila ang kanilang ama. At sana lang po talaga nay ay hindi ako nagkamali sa desisyon kong ito," sabi pa ni Aira. "Sa tingin ko naman ay tama ang naging desisyon mo dahil tingnan mo ang kambal ngayon. Sobrang saya nila," nakangiti pa na sabi ni nay Wanda habang nakatingin sa mga bata at
CHAPTER 135Ilang oras din na nanatili si Dave sa bahay nila Aira bago sya nagpasya na umuwi na dahil anong oras na rin naman at kailangan ng matulog ng mga bata."Mga anak kailangan ko ng umalis dahil kailangan nyo ng matulog," pagpapaalam na ni Dave sa mga bata."Daddy kelan ka po babalik dito?" tanong na ni Reign sa kanilang ama."Daddy hindi po ba pwede na dito ka na lang po matulog?" sabat naman ni Rayver.Napatingin naman si Dave kay Aira. At napabuntong hininga na lamang sya ng mag iwas ng tingin si Aira sa kanya."Mga anak hindi pwedeng mag stay si daddy dito. Pero pangako babalik ako rito ha," sagot ni Dave sa kambal."Kelan ka po babalik?" tanong na ni Rayver at pinalungkot pa nito ang kanyang mukha.Hindi naman malaman ni Dave kung ano ba ang isasagot nya dahil hindi pa nya nakakausap si Aira kung kelan ba nya pwedeng bisitahin ulet ang mga bata."Susubukan kong makabalik dito bukas mga anak kung papayag ang mommy nyo," sagot ni Dave saka nya muling tiningnan si Aira. Pati
CHAPTER 136Nang mapag isa na si Dave ay muli syang napaisip kung ano nga ba ang dapat nyang gawin ngayon na nakaharap na nya ang kanyang mag iina. Naisip nya na okay naman na sya sa mga bata at sobrang saya nya dahil kahit na ngayon lamang sya nakilala ng mga ito ay naging maayos ang pagtanggap sa kanya ng kambal. Walang pagsidlan ang saya nya kanina ng mayakap nya ang kambal at tanggap na tanggap sya ng mga ito kaya naman talagang babawi sya sa mga ito.Muli naman nyang naalala si Aira at ang mga sinabi nito. Iniisip nya na siguro nga ay tama ang kaibigan nya na dapat ay ligawan nya muna si Aira na hindi nya nagawa noon dahil sa ipinagkasundo lamang sila ng kanilang mga magulang kaya sila nakasal na dalawa. Kaya pinag iisipan nya ngayon kung ano ba ang dapat nyang gawin para muling bumalik sa kanya si Aira.Nasa malalim na pag iisip si Dave ng biglang tumunog ang kanyang phone kaya sinagot na nya kaagad ito ng makita kung sino ang tumatawag."Hello. Anong balita?" agad na tanong ni
CHAPTER 137"O bakit nakasimangot ka na naman dyan? Ang aga aga pa e," sabi ni Gino sa kaibigan ng mapansin nya na nakasimangot ito na lumabas sa silid nito."Tsk. Ang aga aga kasi mambwisit ni Trina. Ewan ko ba sa babae na yun hindi pa rin tumitigil. Matagal naman na kaming wala pero bakit hindi pa rin nya ako tinitigilan," inis na sagot ni Dave."Woah. Kalma Dave. Patay na patay kasi yun sa'yo noon pa man kaya siguro hindi pa rin sya maka move on sa'yo at hindi nya kayang tanggapin na hindi na sya ang mahal mo," sagot ni Gino. "Oo nga pala tumawag sa akin ang daddy mo hinahanap ka hindi ka raw nya makontak" pag iiba ni Gino sa usapan."Anong sabi mo?" tanong ni Dave."Syempre hindi ko sinabi kung nasaan tayo. Basta ang sabi ko lang ay sasabihin ko sa'yo na tumawag sya. Tinatanong nya kasi kung kelan ka raw ba babalik sa opisina mo dahil tambak na raw ang trabaho na iniwan mo," sagot naman ni Gino.Napabuntong hininga naman si Dave dahil parang ayaw pa nyang bumalik sa Maynila dahil
CHAPTER 138Halos buong maghapon naman na nanatili si Dave sa bahay nila Aira kasama ang kambal. Sinisilip silip na lamang sila ni nay Wanda roon at hinahayaan na lamang din sila na mag aama na maglaro roon maghapon.Kasama rin naman ni Dave si Gino at ito ang inuutos utusan ni Dave kapag may gusto syang ipabili para sa kambal. Dahil nga hindi naman sanay si Dave sa bahay nila Aira ay nagpapabili na lamang sya kay Gino ng makakain nila roon.Pagdating naman ng hapon ay nadatnan ni Aira na nagkukulitan pa rin ang mag aama. Ni hindi na nga sya napansin ng kambal nung dumating sya kaya naman napatikhim na lamang sya para maagaw ang atensyon ng mag aama."Ehem," sabi ni Aira. Agad naman na napalingon ang mag aama sa gawi ng pintuan."MOMMY," sabay pa na sigaw ng kambal at agad na lumapit ang mga ito sa kanilang ina na bagong dating."Kumusta ang mga babies ko?" tanong ni Aira sa kambal saka nya ito hinalikan sa pisngi."Happy po kami mommy kasi po kanina pa po namin kasama si daddy dito,"
CHAPTER 475Halos isang buwan na nga na namamalagi si Amara sa London at nag eenjoy naman sya ngayon sa kanyang mga ginagawa kaya naman nakakalimutan na nya ang nararamdaman nyang lungkot simula ng umalis sya ng Pinas.Pagkarating nya kasi noon sa London ay agad nga syang naaliw sa kakagala nila ng ate Charmaine nya. Matagal na kasi na naninirahan sa London ang pinsan nyang si Charmaine doon na kasi ito nagtatrabaho at paminsan minsan nga ay sumaside line nga ito ng pagmomodel. Kagaya kasi ni Amara ay maganda nga rin ang pinsan nyang ito at marami rin talaga ang nagkakagusto rito kaso ay pihikan nga ito sa lalaki kaya hanggang ngayon ay wala pa rin itong nobyo. Matanda lamang naman ito ng limang taon kay Amara kaya ate ang tawag nya rito."Amara gusto mo ba mag side line sa pag momodel? Alam ko kasi na gusto mo yun e. Baka gusto mo lang naman kulang kasi kami ng isa at naisip nga kita," sabi ni Charmaine kay Amara habang kumakain nga sila ng kanilang agahan.Agad naman na kumislap ang
CHAPTER 474"Tita Bianca si Amara po nasaan?" hindi na nakatiis na tanong ni Dylan sa ina ni Amara.Napakunot naman ang noo ni Bianca dahil sa tanong ni Dylan at napatingin pa nga sya sa kanyang asawa na tahimik lamang na nakikinig sa kanila. "Wag mong sabihin sa akin na hindi mo rin alam Dylan na umalis na si Amara," sagot ni Bianca sa binata."Po? Umalis po si Amara?" kunot noo naman na tanong ni Dylan."Yes hijo. Umalis na si Amara halos mag iisang buwan na nga ng siya ay umalis papuntang London. Ang akala ko ay nagpaalam sya sa'yo noon bago sya umalis ng bansa," sagot naman ni Bianca kay Dylan.Gulat na gulat naman si Dylan sa sinabi ng tita Bianca nya dahil hindi nya talaga alam na umalis si Amara ng bansa at wala rin naman syang natatandaan na nagpaalam ito sa kanya noong huli nilang pagkikita. Ngayon nya napagtanto na kaya pala walang Amara na nangungulit sa kanya dahil umalis na pala ito ng bansa at wala nga syang kaalam alam doon. Ang buong akala nya kasi ay abala lamang it
CHAPTER 473Kinabukasan ay maaga naman ngang hinatid si Amara ng kanyang pamilya sa airport."Mag iingat ka roon anak ha. Nandoon naman ang ate Charmaine mo kaya hindi ka naman malulungkot doon. Saka bibisitahin naman kita roon paminsan minsan kaya wag kang mag alala ha," sabi ni Bianca kay Amara at naiyak pa nga ito habang sinasabi iyon sa kanyang anak dahil nalulungkot pa rin sya sa pag alis nito."Opo mom mag iingat po ako roon. Mamimiss ko po kayo," nakangiti pa na sagot ni Amara sa kanyang ina at pigil nya talaga ang kanyang sarili na wag maiyak sa pag alis nya.Agad naman na yinakap ni Bianca si Amara at ganon din naman ang ginawa ni Gino at hinalikan pa nga nya sa noo si Amara."Mag iingat ka palagi doon anak ha. Pupuntahan ka namin doon kapag hindi ako busy sa opisina," sabi pa ni Gino kay Amara."Opo dad," nakangiti naman na sagot ni Amara sa kanyang ama."Ate mamimiss kita," umiiyak naman na sabi ng bunsong kapatid ni Amara na si Amanda at agad na nga rin itong yumakap sa ka
CHAPTER 472Kinabukasan ay nagising naman si Amara na maliwanag na sa labas ng kanyang silid. Dahan dahan pa nga syang bumangon at agad nga nyang napansin ang mga paper bag sa tabi ng kanyang kama at naipikit na nga lamang nya ng nariin ang kanyang mga mata dahil wala nga syang nagawa man lang sa mga balak nya kagabi dahil napasarap nga ang kanyang tulog.Bumuntong hininga naman na muna si Amara bago sya nagpasya na tumayo na at saka sya dumiretso sa CR na nasa kanyang silid lamang at agad na nga nyang ginawa ang kanyang morning routine. Medyo binilisan na nga lamang din nya ang kanyang ginagawa dahil ramdam na nya ang pagkalam ng kanyang tyan dahil hindi nga pala sya nakakain ng dinner kagabi.Agad naman ng lumabas ng kanyang silid si Amara at agad na nga syang pumunta sa kusina para kumuha ng makakain nya ngayong umaga.Pagkapasok naman ni Amara sa kusina ay nadatnan naman nya ang kanya ina roon na kumakain pa nga lamang ng agahan."Good morning mom," bati ni Amara sa kanyang anak.
CHAPTER 471Pagkapasok ni Amara sa kanyang silid ay agad nga nya na inilock ang pinto at saka nya ibinaba na muna sa tabi ng kanyang kama ang kanyang mga dala at saka sya pasalampak na dumapa sa kanyang kama at doon na nga nya hindi napigilan ang pag alpas ng masagana nyang luha sa kanyang mga mata."Sana sa pagbabalik ko ay hindi ka pa rin magbago Dylan. Mahal na mahal kita pero kailangan ko nga sigurong gawin ito para sa pangarap mo at para na rin sa pangarap ko. Siguro hanggang pagiging magkaibigan na lamang talaga tayo. Kahit na masakit ay pipilitin ko na lamang na tanggapin ang katotohanan na hindi mo ako kayang mahalin Dylan," usal ni Amara sa kanyang isipan habang patuloy nga sa pag agos ang kanyang masaganang luha na kanina pa nya pinipigilan.Iniyak naman muna ng iniyak ni Amara ang kanyang nararamdamang lungkot. Dahil sa totoo lang ay ayaw nya sanang umalis ng bansa pero naisip nya na siguro ay tama naman ang kanyang nga magulang kaya susundin na lamang nya ang mga ito.Dahi
CHAPTER 470"Yayakap lang e. May problema ba dun?" nakanguso pa na sagot ni Amara at pilit nyang pinipigilan na mahalata sya ni Dylan dahil ang totoo ay gusto na nya talagang maiyak ngayon pa lang sa isipin na ito na ang huling beses na mayayakap nya si Dylan dahil pagkatapos nga nito ay papayag na sya sa gustong mangyare ng kanyang mga magulang.Bumuntong hininga na nga lamang si Dylan at saka sya napapailing na lamang dahil sa kakulitan ng kangyang kaibigan. Hindi naman na nagsalita pa si Dyla at ibinuka na lamang nya ang kanyang braso upang pagbigyan si Amara.Ngiting ngiti naman si Amara na agad na yumakap kay Dylan at habang yakap nya nga ito ng mahigpit ay hindi na nga nya napigilan ang pagpatak ng kanyang luha pero agad din naman nya iyong pinunasan."Dylan mamimiss kita," mahinang sabi ni Amara habang yakap yakap pa rin nya si Dylan.Napakunot naman ang noo ni Dylan dahil malinaw na malinaw nga nyang narinig ang sinabi ni Amara kahit na mahina nga lamang iyon."Ha? Bakit mo na
CHAPTER 469Parang bigla namang nakunsenya si Dylan dahil sa inaasta ni Amara ngayon sa kanya. Mahalaga pa rin naman sa kanya ang dalaga pero hindi naman kasi pupwede na palagi na lamang silang magkabuntot na dalawa."Masasanay ka rin naman. Sadyang kailangan ko lamang talaga na mag focus sa kumpanya namin. At ikaw maaari mo ring gawin ang mga gusto mong gawin na hindi ako kasama. Magkikita at magkikita pa rin naman tayo pero hindi na nga lang kagaya ng dati," sabi ni Dylan kay AmaraDahan dahan naman na tumango si Amara at saka sya nag angat na ng kanyang ulo at pasimple pa nga nyang pinunasan ang luha na hindu na nya namalayan pa na tumulo na pala."Oo. Masasanay din naman ako na hindi ka palaging kasama. Galingan mo sa pagtatrabaho mo ha. Sana maging successful ka rin kagaya ng iyong ama at kapatid. Kapag nangyare yun ako ang unang una na magiging masaya para sa'yo," ilit ang ngiti na sabi ni Amara kay Dylan."Teka nga umiiyak ka ba?" tanong ni Dylan ng may makita dyang butil ng lu
CHAPTER 468Agad naman na dumiretso sila Dylan at Amara sa mall. Ngiting ngiti naman si Amara habang nakakapit sa braso ni Dylan habang sila ay naglalakad papasok sa loob ng mall. Dumiretso na nga rin muna sila sa isang kainan doon dahil kanina pa rin talaga hindi kumakain si Amara kaya nag aya na nga muna sya na kumain at agad naman iyong pinagbigyan ni Dylan.Pagkatapos nilang kumain na dalawa ay dumiretso naman na sila shop roon para makapamili na nga di Amara at nakasunod nga lamang si Dylan sa kanya gaya ng dati na nitong ginagawa sa tuwing nagpapasama si Amara sa kanya.Wala kasing magawa si Dylan noon kundi ang pagbigyan na lamang palagi si Amara kapag gusto nitong magpasama sa kanya dahil kapag hindi nya nga ito napapagbigyan ay ang tita Bianca nga nya ang tumatawag sa kanya para samahan nga ito. Pero ngayon ay mayroon na nga syang idadahilan dito dahil totoo naman na kailangan nyang mag focus sa kanilang kumpanya.Pagkatapos mamili ni Amara ay inaya naman na nya si Dylan sa i
CHAPTER 467Nasa ganoong senaryo nga sila ng bigla ngang bumukas ang pinto ng opisina ni Dylan at nagulat pa nga si Rayver sa nakita nya.Sumenyas naman si Dylan sa kanyang kuya Rayver na wag itong maingay kaya naman hindi na nagsalita pa si Rayver at saka nya dahan dahan na isinara ang pinto ng opisina ni Dylan.Naglakad naman na sila pareho papunta sa table ni Dylan at saka sila naupo na roon."Anong ginagawa ni Amara rito? Binabantayan ka ba nya?" nakangisi pa na tanong ni Rayver kay Dylan."Tsk. As usual kinukulit na naman ako ng isa na yan," naiiling pa na sagot ni Dylan sa kanyang kuya Rayver.Napalingon naman si Rayver sa gawi ni Amara na natutulog pa nga rin at saka sya napapailing na lamang talaga dahil mukhang tinamaan na ang dalaga sa kanyang kapatid."So ano ba talaga ang balak mo sa kanya?" tanong pa muli ni Rayver sa kanyang kapatid. "Alam mo wala ka pa naman yatang napupusuan na babae bakit hindi mo na lang pag aralan na mahalin si Amara. Tutal kilalang kilala mo naman