CHAPTER 133"Mga anak ipapakilala ko na ang daddy nyo sa inyo. Pero promise nyo muna kay mommy na magbebehave kayo ha at hindi nyo sa kukulitin. Maliwanag ba yun?" sabi pa ni Aira. Bigla namang nangislap ang mga mata ng kambal dahil sa sinabi ni Aira at nagkatinginan pa ang mga ito at sabay pang napangiti ang kambal."Opo mommy," sabay pa na sagot ng kambal."Sige. Dito lang muna kayo ha. Hintayin nyo na bumalik si mommy tatawagin ko lamang ang daddy nyo," sabi ni Aira sa kambal. Tumango tango naman ang kambal sa kanya bilang sagot.Tumayo naman na si Aira upang sunduin si Dave. Bago sya lumabas ng kanilang bahay ay liningon nya muli ang kambal at parehas pa itong nakatingin sa kanya at parehas pa na nakangiti sa kanya kaya nginitian nya na muna ang mga ito bago sya tuluyang lumabas ng kanilang bahay.Agad naman na pumunta si Aira sa kotse ni Dave para tawagin ito. Nakangiti naman na sumunod si Dave kay Aira. Nakasunod din si Gino sa kanila dahil bitibit nito ang mga binili ni Dave n
CHAPTER 134Masaya namang pinagmamasdan ni Aira ang kanyang mag aama. Nakita naman sya ni nay Wanda na ankatayo lamang sa may pintuan kaya linapitan na nya ito."Mabuti naman at napag isip isip mo na ipakilala na sa mga bata ang kanilang ama. Tingnan mo ang saya saya nilang tingnan diba?" sabi ni nay Wanda. Nagulat naman si Aira sa biglang pagsasalita ni nay Wanda sa kanyang tabi."Nay kayo po pala," sabi ni Aira saka nya nginitian ang matanda. Muli ay liningon nya ang kanyang mag aama na masayang naglalaro."Napag isip isip ko po nay na ayokong maging makasarili. Oo may sama ako ng loob sa ama ng mga bata pero hindi naman yata tama na pati sila ay madamay kaya napagpasyahan ko po na ipakilala na sa kanila ang kanilang ama. At sana lang po talaga nay ay hindi ako nagkamali sa desisyon kong ito," sabi pa ni Aira. "Sa tingin ko naman ay tama ang naging desisyon mo dahil tingnan mo ang kambal ngayon. Sobrang saya nila," nakangiti pa na sabi ni nay Wanda habang nakatingin sa mga bata at
CHAPTER 135Ilang oras din na nanatili si Dave sa bahay nila Aira bago sya nagpasya na umuwi na dahil anong oras na rin naman at kailangan ng matulog ng mga bata."Mga anak kailangan ko ng umalis dahil kailangan nyo ng matulog," pagpapaalam na ni Dave sa mga bata."Daddy kelan ka po babalik dito?" tanong na ni Reign sa kanilang ama."Daddy hindi po ba pwede na dito ka na lang po matulog?" sabat naman ni Rayver.Napatingin naman si Dave kay Aira. At napabuntong hininga na lamang sya ng mag iwas ng tingin si Aira sa kanya."Mga anak hindi pwedeng mag stay si daddy dito. Pero pangako babalik ako rito ha," sagot ni Dave sa kambal."Kelan ka po babalik?" tanong na ni Rayver at pinalungkot pa nito ang kanyang mukha.Hindi naman malaman ni Dave kung ano ba ang isasagot nya dahil hindi pa nya nakakausap si Aira kung kelan ba nya pwedeng bisitahin ulet ang mga bata."Susubukan kong makabalik dito bukas mga anak kung papayag ang mommy nyo," sagot ni Dave saka nya muling tiningnan si Aira. Pati
CHAPTER 136Nang mapag isa na si Dave ay muli syang napaisip kung ano nga ba ang dapat nyang gawin ngayon na nakaharap na nya ang kanyang mag iina. Naisip nya na okay naman na sya sa mga bata at sobrang saya nya dahil kahit na ngayon lamang sya nakilala ng mga ito ay naging maayos ang pagtanggap sa kanya ng kambal. Walang pagsidlan ang saya nya kanina ng mayakap nya ang kambal at tanggap na tanggap sya ng mga ito kaya naman talagang babawi sya sa mga ito.Muli naman nyang naalala si Aira at ang mga sinabi nito. Iniisip nya na siguro nga ay tama ang kaibigan nya na dapat ay ligawan nya muna si Aira na hindi nya nagawa noon dahil sa ipinagkasundo lamang sila ng kanilang mga magulang kaya sila nakasal na dalawa. Kaya pinag iisipan nya ngayon kung ano ba ang dapat nyang gawin para muling bumalik sa kanya si Aira.Nasa malalim na pag iisip si Dave ng biglang tumunog ang kanyang phone kaya sinagot na nya kaagad ito ng makita kung sino ang tumatawag."Hello. Anong balita?" agad na tanong ni
CHAPTER 137"O bakit nakasimangot ka na naman dyan? Ang aga aga pa e," sabi ni Gino sa kaibigan ng mapansin nya na nakasimangot ito na lumabas sa silid nito."Tsk. Ang aga aga kasi mambwisit ni Trina. Ewan ko ba sa babae na yun hindi pa rin tumitigil. Matagal naman na kaming wala pero bakit hindi pa rin nya ako tinitigilan," inis na sagot ni Dave."Woah. Kalma Dave. Patay na patay kasi yun sa'yo noon pa man kaya siguro hindi pa rin sya maka move on sa'yo at hindi nya kayang tanggapin na hindi na sya ang mahal mo," sagot ni Gino. "Oo nga pala tumawag sa akin ang daddy mo hinahanap ka hindi ka raw nya makontak" pag iiba ni Gino sa usapan."Anong sabi mo?" tanong ni Dave."Syempre hindi ko sinabi kung nasaan tayo. Basta ang sabi ko lang ay sasabihin ko sa'yo na tumawag sya. Tinatanong nya kasi kung kelan ka raw ba babalik sa opisina mo dahil tambak na raw ang trabaho na iniwan mo," sagot naman ni Gino.Napabuntong hininga naman si Dave dahil parang ayaw pa nyang bumalik sa Maynila dahil
CHAPTER 138Halos buong maghapon naman na nanatili si Dave sa bahay nila Aira kasama ang kambal. Sinisilip silip na lamang sila ni nay Wanda roon at hinahayaan na lamang din sila na mag aama na maglaro roon maghapon.Kasama rin naman ni Dave si Gino at ito ang inuutos utusan ni Dave kapag may gusto syang ipabili para sa kambal. Dahil nga hindi naman sanay si Dave sa bahay nila Aira ay nagpapabili na lamang sya kay Gino ng makakain nila roon.Pagdating naman ng hapon ay nadatnan ni Aira na nagkukulitan pa rin ang mag aama. Ni hindi na nga sya napansin ng kambal nung dumating sya kaya naman napatikhim na lamang sya para maagaw ang atensyon ng mag aama."Ehem," sabi ni Aira. Agad naman na napalingon ang mag aama sa gawi ng pintuan."MOMMY," sabay pa na sigaw ng kambal at agad na lumapit ang mga ito sa kanilang ina na bagong dating."Kumusta ang mga babies ko?" tanong ni Aira sa kambal saka nya ito hinalikan sa pisngi."Happy po kami mommy kasi po kanina pa po namin kasama si daddy dito,"
CHAPTER 139"Mga babies kailangan ng umalis ni daddy kasi gabi na," pagpapaalam na ni Dave sa kambal."Daddy hindi po ba pwede na dito na lang po kayo matulog. Please," nagpapaawa pa na sabi ni Reign sa ama."Sige na po daddy. Gusto po namin kayo makatabi na matulog," sabat din naman ni Rayver.Tumingin naman na muna si Dave kay Aira at nang mag iwas ng tingin si Aira ay napabuntong hininga na lamang sya.Umupo naman na muna si Dave para magpantay sila ng kambal."Mga anak hindi pwedeng matulog si daddy dito kasi may kailangan pang gawin si daddy. Sa susunod na lamang mga babies kapag pwede na ha. Pero sa ngayon hindi muna pwedeng matulog si daddy dito. Naiintindihan nyo ba si daddy?" pagpapaliwanag naman ni Dave sa mga bata.Malungkot naman na tumango tango ang kambal. "Opo," magkapanabay pa na sagot ng dalawa.Muli ay napabuntong hininga na lamang si Dave dahil kahit gusto nya na pagbigyan ang kambal ay alam naman nya na hindi papayag si Aira sa gustong mangyare ng kambal. At ayaw r
CHAPTER 140"Gusto ko na magkaliwanagan tayo ng tungkol sa mga bata kaya gusto kitang makausap ng masinsinan," sabi ni Aira. Tumango tango naman si Dave at hindu nagsalita. Hinintay na lamang nya ang susunod na sasabihin ni Aira."Pumayag naman ako na makasama mo ang mga bata. Kagaya ng nauna kong sinabi hindi mo sila maaaring dalhin kung saan saan ng hindi ako kasama o kahit na sila nay Wanda. Hindi naman sa wala akong tiwala sa'yo nag iingat lamang ako. Sana ay naiintindihan mo ako Dave," seryosong sabi ni Aira kay Dave."Oo naiintindihan naman kita Aira," tumatango tango pa na sagot ni Dave."Please lang Dave wag kang mangangako sa mga bata kung hindi mo gagawin. Ayokong makita silang nasasaktan dahil pinaasa mo lamang sila," sabi pa ni Aira. Tumango tango naman ulit si Dave bilang sagot nya."Isa pa sanang pakiusap ko wag mo na sanang mabanggit sa mga magulang ko kung nasaan ako. Masaya naman na kami ng mga bata rito kaya hindi naman na siguro kailangan pa na malaman kung nasaan
CHAPTER 422Pagkapasok nga nila sa restaurant ay agad na nga silang inassist ng isang staff doon upang dalhin sila sa isang VIP room ng naturang restaurant."Wow ate Shiela. Mukhang mayaman talaga si ate Jenny dahil naka VIP pa talaga tayo rito sa restaurant samantalang kakain lang naman tayo rito," daldal ni April kay Shiela."Oo mayaman talaga si ate Jenny dahil mula sa mayamang pamilya ang kanyang ina. At siguro kaya gusto nya sa VIP room para naman magkaroon rayo ng privacy dahil marami ring kumakain dito," paliwanag naman ni Shiela sa kanyang nakababatang kapatid.Agad naman na tumango si April sa kanyang ate Shiela at deretso na nga silang sa VIP room at agad na nga silang pinapasok ng staff doon.Pagkapasok nila roon ay agad ngang nakita ni Shiela si Jenny na naghihintay na nga sa kanila. Nakita pa nya na napangiti ito ng makitang pumasok silang magkakapatid."Hi ate Jenny," agad na bati ni Shiela kay Jenny at saka sya lumapit dito at agad na nakipagbeso.Nakangiti naman na nak
CHAPTER 421Matapos makausap ni Shiela ang kanyang nga kapatid ay masaya nya naman iyong ibinalita kay Rayver at kagaya nya ay masaya ito dahil doon. Kasunod naman nyang pinagsabihan noon ay ang ate Jenny nya at yes natawagan nya ito kaagad dahil nagpalitan sila ng cellphone number para matawagan nga nila ang isa't isa. At masaya nya ngang ibinalita ang tungkol sa pag uusap nila ng kanyang mga kapatid kaya agad na nga itong nagpaset ng petsa kung kelan sila pwedeng magkita kita na magkakapatid at napagpasyahan nga nila na sa araw ng Sabado ay magkikita kita nga silang magkakapatid.Mabilis naman na lumipas ang nga araw at araw na nga ng sabado ngayon. Pinayagan na rin muna ni Rayver na hindi pumasok ngayong araw si Shiela. Hindi na rin sya sumama sa mga ito dahil lakad iyon ng magkakapatid at hahayaan na lamang nya na magbonding ang mga ito."Mag iingat kayo mamaya ha. Hindi na ako sasama para naman makapag bonding kayong magkakapatid. Papasamahan ko na lang sa inyo ang dalawang bo
CHAPTER 420Kinagabihan noon ay kinausap nga muli ni Shiela ang kanyang mga kapatid at ngayon nga ay nasa silid silang lahat ni Shiela."Kumusta kayo? Napag isip isip nyo na ba ang tungkol kay tatay?" tanong na ni Shiela sa kanyang mga kapatid dahil noong huli nilang pag uusap ayy mukhang alanganin pa nga ang nga ito na patawarin ang kanilang ama.Nagkatinginan naman si Ashley at Sherwin dahil sa naging tanong ng ate Shiela nya. Sa kanilang apat na magkakapatid kasi ay halos silang dalawa na lamang talaga ang hindi naka move on sa ginawa ng kanilang ama. At naiintindihan naman sila ng ate Shiela nila kaya nga binigyan sila ng pagkakataon nito na makapag isip isip pa rin.Napabuntong hininga naman si Ashley saka nya seryosong tiningnan ang ate Shiela nya."Ate napagtanto namin ni Sherwin na siguro nga ay tama ka. Siguro ay dapat na rin kaming magpatawad ni Sherwin. Kagaya nyo ni April ay miss na rin naman namin si tatay at tama ka ate wala na nga si nanay pati ba naman si tatay ay haha
CHAPTER 419Muli ay napatingin si Rayver kay Shiela at saka sya nginitian nito."Naiintidihan kita Rayver kung hindi mo pa mapapatawad ang kapatid ko dahil sa ating dalawa alam ko na ikaw ang mas ginulo nya. Pero sana bigyan mo pa rin sya ng pagkakataon. Sana mapatawad mo pa rin ang kapatid ko dahil mas masaya ang buhay kung wala tayong mga kagalit. Mas tatahimik ang buhay natin diba," sabat na ni Shiela.Napabuntong hininga naman si Rayver at saka nya muling binalingan ng tingin si Jenny."Talaga ba na seryoso ka r'yan? Baka mamaya ay linoloko mo lamang kami at binibilog mo lamang ang ulo namin ha," sabi pa ni Rayver kay Jenny dahil hirap na talaga syang magtiwala ngayon sa dalaga."Oo naman seryoso ako sa sinasabi ko. At hindi naman ako mag aaksaya ng panahon para lang makipag usap sa inyo kung hindi ako seryoso sa pagpunta at paghingi ko ng tawad sa inyo. Naiintindihan din naman kita Rayver. Alam kong galit ka sa akin at walang tiwala pero sana ay mapatawad at pagkatiwalaan mo ako
CHAPTER 418Pagkarating nila Jenny at Shiela sa may opisina ni Rayver ay agad nga nilang natanaw ang binata na nakatayo sa may pintuan ng opisina nito habang nakakunot ang noon. Kaya naman nagkatinginan pa silang dalawa at sabay na nga silang naglakad palapit dito.Agad naman na napansin ni Rayver na may papalapit sa kanya at ng makita nga nya na si Shiela iyon kasama si Jenny ay inilang hakbang nga lang nya ang pagitan nila at agad na linapitan si Shiela."Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap hindi ka man lang nagsabi sa akin bago ka umalis. Huwag mo ng uulitin ito ha. Hindi mo alam kung gaano ako nag aalala sa'yo kanina pa," puno ng pag aalala na sabi ni Rayver sa kanyang nobya at agad na nga nya itong yinakap. Nagulat man sa inasta ni Rayver ay napangiti na lamang din si Shiela dahil bakas sa gwapong mukha ng kanyang nobyo na nag aalala iyo sa kanya."Hey! Wala naman akong balak na dukutin ang kapatid ko. Gusto ko lamang syang makausap kaya ko sya isinama saglit," paliwanag
CHAPTER 417 "Ahm. S-Shiela gusto ko sanang humingi ng tawad sa mga nagawa ko sa inyo ni Rayver noon. I'm sorry sa panggugulo ko sa inyo," lakas loob na sabi ni Jenny kay Shiela. Nagulat naman si Shiela sa sinabi ni Jenny dahil totoo nga talaga ang sabi ng kanilang ama na nagsisisi na nga ito sa panggugulo sa kanila noon ni Rayver. Hindi naman na muna nagsalita pa si Shiela at hinintay nga nya ang kasunod na sasabihin pa ni Jenny. "A-alam ko na mali ako dahil sa ipinipilit ko ang sarili ko kay Rayver kahit na alam ko naman na wala syang pagtingin sa akim. Sorry Shiela kung ginulo ko kayo. Kelan ko lang din naman na narealize na mali pala ang mga pinaggagawa ko. At umaasa ako ngayon na sana ay hindi pa huli ang lahat para sa atin. Sana ay magkaayos pa tayo. Alam ko rin naman na magiging masaya si dad kung makikita nya na magkakasundo tayo. Alam kong hindi madali yun pero umaasa pa rin ako Shiela na sana ay mapatawad nyo ako ni Rayver," seryoso pa na sabi ni Jenny kay Shiela. Napa
CHAPTER 416Kinabukasan ay maaga nga na nagising si Jenny dahil balak nga nya na pumunta ngayong araw sa opisina ni Rayver para makausap nya ang kapatid nyang si Shiela at maging si Rayver na rin.Matapos nya kasi na makausap ang kanyang ama ay napagtanto nya na tama naman ito. Wala naman din syang magagawa kung tututulan nya ang pagmamahalan nila Rayver at Shiela dahil pare pareho lamang din silang mahihirapan non. Kaya mas pinili na lamang nya na pabayaan na lamang ang mga ito tutal ay mukhang wala naman talagang makakapaigil pa sa pagmamahalan ng dalawa. Masaya rin sya ngayon dahil sa kabila ng desisyon nyang iyon ay dumating naman si Greg na pursigido na ligawan siya. Kaya naman bibigyan na lamang nya ito ng pagkakataon dahil naisip nya na mas magiging masaya siguro sya kung wala syang sinasaktan na ibang tao. Pagkababa nga nya ng hagdan ay naabutan pa nya ang kanyang ama na naghahanda ng pumasok sa opisina."Good morning dad," bati ni Jenny sa kanyang ama."Good morning din ana
CHAPTER 415"Ha? Ahm. Oo galing ako sa opisina nya kanina dahil gusto kong pormal na magpaalam sa kanya na liligawan nga kita," deretsahan ng sagot ni Greg sa dalaga. Napangiti naman si Jenny dahil sa sinabi ng binata."Greg seryoso ka ba talaga sa akin? Seryoso ka ba talaga na liligawan mo ako?" seryosong tanong na ni Jenny kay Greg."Oo Jenny. Seryoso ako sa sinabi ko sa iyong ama na gusto kitang ligawan. Jenny noon pa man ay mahal na kita sadyang pinapangunahan lamang ako ng kaba dahil alam ko na may mahal ka ng iba pero ngayon ay buo na ang desisyon ko at gusto kong ipaglaban ang kung ano man ang nararamdaman ko para sa'yo. Mahal kita Jenny at handa akong maghintay kung kelan mo ako matututunang mahalin. Handa akong maghintay sa'yo," seryoso naman na sagot ni Greg sa dalaga habang nakatitig sya sa mga mata nito.Bigla namang nakaramdam ng galak sa puso nya si Jenny dahil sa sinabi ng binata. Ramdam nya na seryoso ito sa sinasabi sa kanya at masayang masaya sya ngayon dahil meron p
CHAPTER 414"Bakit po manang?" agad na tanong ni Jenny kay manang Lina na syang kumatok sa kanyang silid."Napakaganda mo naman hija," puri kaagad ni manang Lina kay Jenny dahil gandang ganda talaga sya sa dalaga kapag ganitong simple lamang ang ayos nito."Salamat po manang," nakangiti pa na sgaot ni Jenny."Ayy. Oo nga pala nar'yan na sa baba yung bisita mo kanina hija hinihintay ka na nya at kausap sya ngayon ng iyong ama sa baba," sabi pa ni manang Lina kay Jenny."Sige po manang tapos na rin naman po ako. Bababa na rin po ako," sagot ni Jenny kay manang kaya naman agad ng bumaba si manang.Muli namang pumasok si Jenny sa loob ng kanyang silid at muli ay humarap sya sa malaking salamin na naroon at pinakatitigan nya ang kanyang sarili at napapangiti na lamang sya dahil bagay naman pala sa kanya ang simpleng ayos lamang dahil dati ay ang kapal nga nyang mag make up lalo na kapag sa mga bar ang punta nila ng mga kaibigan nya.Pagkababa ni Jenny ng kanilang hagdan ay agad nyang napan