CHAPTER 139"Mga babies kailangan ng umalis ni daddy kasi gabi na," pagpapaalam na ni Dave sa kambal."Daddy hindi po ba pwede na dito na lang po kayo matulog. Please," nagpapaawa pa na sabi ni Reign sa ama."Sige na po daddy. Gusto po namin kayo makatabi na matulog," sabat din naman ni Rayver.Tumingin naman na muna si Dave kay Aira at nang mag iwas ng tingin si Aira ay napabuntong hininga na lamang sya.Umupo naman na muna si Dave para magpantay sila ng kambal."Mga anak hindi pwedeng matulog si daddy dito kasi may kailangan pang gawin si daddy. Sa susunod na lamang mga babies kapag pwede na ha. Pero sa ngayon hindi muna pwedeng matulog si daddy dito. Naiintindihan nyo ba si daddy?" pagpapaliwanag naman ni Dave sa mga bata.Malungkot naman na tumango tango ang kambal. "Opo," magkapanabay pa na sagot ng dalawa.Muli ay napabuntong hininga na lamang si Dave dahil kahit gusto nya na pagbigyan ang kambal ay alam naman nya na hindi papayag si Aira sa gustong mangyare ng kambal. At ayaw r
CHAPTER 140"Gusto ko na magkaliwanagan tayo ng tungkol sa mga bata kaya gusto kitang makausap ng masinsinan," sabi ni Aira. Tumango tango naman si Dave at hindu nagsalita. Hinintay na lamang nya ang susunod na sasabihin ni Aira."Pumayag naman ako na makasama mo ang mga bata. Kagaya ng nauna kong sinabi hindi mo sila maaaring dalhin kung saan saan ng hindi ako kasama o kahit na sila nay Wanda. Hindi naman sa wala akong tiwala sa'yo nag iingat lamang ako. Sana ay naiintindihan mo ako Dave," seryosong sabi ni Aira kay Dave."Oo naiintindihan naman kita Aira," tumatango tango pa na sagot ni Dave."Please lang Dave wag kang mangangako sa mga bata kung hindi mo gagawin. Ayokong makita silang nasasaktan dahil pinaasa mo lamang sila," sabi pa ni Aira. Tumango tango naman ulit si Dave bilang sagot nya."Isa pa sanang pakiusap ko wag mo na sanang mabanggit sa mga magulang ko kung nasaan ako. Masaya naman na kami ng mga bata rito kaya hindi naman na siguro kailangan pa na malaman kung nasaan
CHAPTER 141Sumapit na nga araw ng linggo at maaga naman na dumating si Dave sa bahay nila Aira para sunduin ang mag iina dahil naipangako na nga niya sa mga bata na mamamasyal sila ngayong araw."Ang aga mo naman yata," sabi ni Aira kay Dave ng dumating ito sa kanilang bahay dahil ang usapan nila ay bago magtanghalian sila aalis."Oo. Excited na kasi ako kaya inagahan ko na ang pagpunta rito," sagot ni Dave."DADDY," sigaw ng kambal ng makita nila ang kanilang ama. Agad na rin nagsilapit ang mga ito sa kanilang ama at kaagad na yumakap dito."Hi babies," sabi naman ni Dave saka nya pinupog ng halik ang kambal. "Daddy ang aga nyo pa po. Hindi pa po kami nakakapagbihis nila mommy," sabi ni Reign sa kanilang ama."Okay lang yan baby. Hihintayin ko na lamang kayo. Excited na kasi si daddy na maipasyal kayo e," sagot naman ni Dave."Kami rin po daddy excited na rin po kami ni Reign na makasama kayong mamasyal," masiglang sagot ni Rayver sa ama."Oo nga po daddy. Finally makakapamasyal n
CHAPTER 142"Eto na po ang mga pictures nyo ma'm sir," nakangiti pa na sabi ng photographer kila Aira at Dave sabay abot ng mga picture nila."Ang ganda po ng mga kuha nyo. Bagay na bagay po kayong dalawa. At ang mga bata po sobrang cu-cute," daldal pa ng photographer."Thank you po," sabay na sabi ng kambal.Nagkatinginan naman sila Aira at Dave. Pero si Aira na rin ang unang nagbawi ng tingin kay Dave."Salamat," sabi na lamang ni Dave sa kumuha ng litrato nila. Hindi na rin naman sila nagtagal doon dahil mahamog na kaya kailangan na rin nilang umalis talaga roon. Dumiretso naman sila sa mall at talaga namang nangingislap ang mga mata ng kambal pagkapasok pa lang sa mall."Mga anak ang bilin ko ha. Hindi kayo magtuturo ng magtuturo ng mga toys ngayon. Ang dami nyo ng laruan sa bahay," pagpapaalala ni Aira sa mga anak nya dahil kabisado na nya ang nga ito kapag ganitong nasa mall sila talagang magpapabili ang mga ito ng laruan. Dagdagan pa na kasama nila si Dave na talaga namang hin
CHAPTER 143Pagkatapos mamili ng mga laruan nila Reign at Rayver ay umalis na rin naman sila sa mall dahil gabi na nga at halata mo na sa mukha ng kambal ang pagod dahil sa maghapon na pamamasyal.Ngayon nga ay kararating lamang nila sa kanilang bahay at dali dali naman na tumakbo ang kambal sa bahay nila nay Wanda upang dalhin ang pasalubong nila sa mga ito. Naiwan naman na magkasama sila Aira at Dave na bitbit ang mga pinamili ng kambal."Aira magpapaalam na muna ako sa mga bata dahil baka hindi muna ako makadalaw sa kanila rito sa susunod na linggo. Kailangan ko kasi talagang bumalik ng Manila," sabi ni Dave kay Aira."Sige. Mas mabuti pa na magpaalam ka sa kanila ng maayos para hindi ka nila hintayin araw araw. Maiintindihan ka naman ng kambal basta ipaliwanag mo lamang sa kanila ang dahilan mo," sagot ni Aira kay Dave."Sige. Ipapaliwanag ko na lamang sa kanila ng maayos," sagot ni Dave. Sakto naman na bumalik na ang kambal habang ngiting ngiti pa ang mga ito. Nahihirapan tuloy
CHAPTER 144Pagkalabas nila Dave at Aira ay lumayo layo naman muna sila sa bahay nila Aira para hindi marinig ng nga bata ang pag uusap nilang dalawa."Mag iingat kayo rito. Pangako babalik kaagad ako pagkatapos kong gawin ang mga dapat kong gawin sa Manila," sabi ni Dave kay Aira."Sige lang. Wag kang mag alala sanay naman na kami na wala ka. Kaya masasanay din ang mga bata sa ganitong set up natin. Naninibago lang sila ngayon dahil masyado silang sabik sa ama at ngayong nakasama ka na nga nila ay kailangan mo namang umalis. Don't worry papaliwanagan ko rin naman sila ng maayos para maintindihan nilang mabuti," sagot ni Aira kay Dave. Lalo namang nalungkot si Dave dahil sa sinabi ni Aira."Mamimiss ko kayo," sabi ni Dave kay Aira at hahawakan pa sana nya ang kamay ni Aira pero iniiwas ni Aira ang kanyang kamay dito."Sana ay malinaw pa rin sa'yo na dahil na lamang sa mga bata kaya tayo may ugnayan ngayon. At sana rin ay walang ibang makakaalam kung nasaan ako at lalong lalo na ang mg
CHAPTER 145Pagkagaling naman nila Dave sa bahay nila Aira ay agad na silang bumalik sa hotel room nila dahil kailangan na nilang magcheck out ni Gino dahil ngayong gabi na sila babyahe ni Gino pabalik ng Manila."Pano pre handa ka na ba na iwanan muna ang mag iina mo rito?" tanong ni Gino sa kaibigan habang nag aayos sila ng mga gamit nila. Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Dave."Oo kakayanin ko ito dahil kailangan kong gawin ito. Una ay dahil sa trabaho kaya kailangan kong bumalik ng Manila at pangalawa ay may kailangan akong asikasuhin tungkol sa pagpapaimbestiga ko sa nangyare limang taon na ang nakararaan sa bahay ng pamilya ni Aira," sagot ni Dave. "Bakit? May balita na ba tungkol doon?" kunot noo pa na tanong ni Gino sa kaibigan."Oo tumawag sa akin ang binayaran kong mag imbestiga tungkol doon at may nakuha silang ilang CCTV footage ng gabi na yun. At base sa mga nakita nila ay may sumalubong sa lalake na yun para makapasok sa bahay ng mga Saavedra. K
CHAPTER 146Mabilis lamang naman ang naging byahe nila Dave at Gino pabalik ng Manila. Dumiretso naman na muna si Dave sa kanyang condo at pagkarating na pagkarating nya roon ay saglit lamang syang natulog at agad na rin syang pumasok sa kanyang opisina upang masimulan na nya kaagad ang tambak nyang paper works na naiwanan.Bigla namang pumasok si Michelle sa opisina ni Dave upang maglinis doon at ayusin na rin ang mga papeles na kailangang pirmahan ni Dave pero laking gulat nya dahil naroon na pala ang kanyang boss na abala na sa mga paper works na inilagay nya sa table nito."G-Good morning po sir. P-pasensya na po kung bigla akong pumasok. Hindi ko po alam na narito na po pala kayo," kandautal pa na sabi ni Michelle sa kanyang boss."It's okay, " sagot ni Dave. "Pakilagay mo na lamang dito ang mga kailangan ko pang tapusin na mga papeles," utos pa nya sa kanyang sekretarya."Okay po sir," sagot naman ni Michelle saka ito lumabas ng opisina ng kanyang boss.Agad na rin naman kumilo
CHAPTER 475Halos isang buwan na nga na namamalagi si Amara sa London at nag eenjoy naman sya ngayon sa kanyang mga ginagawa kaya naman nakakalimutan na nya ang nararamdaman nyang lungkot simula ng umalis sya ng Pinas.Pagkarating nya kasi noon sa London ay agad nga syang naaliw sa kakagala nila ng ate Charmaine nya. Matagal na kasi na naninirahan sa London ang pinsan nyang si Charmaine doon na kasi ito nagtatrabaho at paminsan minsan nga ay sumaside line nga ito ng pagmomodel. Kagaya kasi ni Amara ay maganda nga rin ang pinsan nyang ito at marami rin talaga ang nagkakagusto rito kaso ay pihikan nga ito sa lalaki kaya hanggang ngayon ay wala pa rin itong nobyo. Matanda lamang naman ito ng limang taon kay Amara kaya ate ang tawag nya rito."Amara gusto mo ba mag side line sa pag momodel? Alam ko kasi na gusto mo yun e. Baka gusto mo lang naman kulang kasi kami ng isa at naisip nga kita," sabi ni Charmaine kay Amara habang kumakain nga sila ng kanilang agahan.Agad naman na kumislap ang
CHAPTER 474"Tita Bianca si Amara po nasaan?" hindi na nakatiis na tanong ni Dylan sa ina ni Amara.Napakunot naman ang noo ni Bianca dahil sa tanong ni Dylan at napatingin pa nga sya sa kanyang asawa na tahimik lamang na nakikinig sa kanila. "Wag mong sabihin sa akin na hindi mo rin alam Dylan na umalis na si Amara," sagot ni Bianca sa binata."Po? Umalis po si Amara?" kunot noo naman na tanong ni Dylan."Yes hijo. Umalis na si Amara halos mag iisang buwan na nga ng siya ay umalis papuntang London. Ang akala ko ay nagpaalam sya sa'yo noon bago sya umalis ng bansa," sagot naman ni Bianca kay Dylan.Gulat na gulat naman si Dylan sa sinabi ng tita Bianca nya dahil hindi nya talaga alam na umalis si Amara ng bansa at wala rin naman syang natatandaan na nagpaalam ito sa kanya noong huli nilang pagkikita. Ngayon nya napagtanto na kaya pala walang Amara na nangungulit sa kanya dahil umalis na pala ito ng bansa at wala nga syang kaalam alam doon. Ang buong akala nya kasi ay abala lamang it
CHAPTER 473Kinabukasan ay maaga naman ngang hinatid si Amara ng kanyang pamilya sa airport."Mag iingat ka roon anak ha. Nandoon naman ang ate Charmaine mo kaya hindi ka naman malulungkot doon. Saka bibisitahin naman kita roon paminsan minsan kaya wag kang mag alala ha," sabi ni Bianca kay Amara at naiyak pa nga ito habang sinasabi iyon sa kanyang anak dahil nalulungkot pa rin sya sa pag alis nito."Opo mom mag iingat po ako roon. Mamimiss ko po kayo," nakangiti pa na sagot ni Amara sa kanyang ina at pigil nya talaga ang kanyang sarili na wag maiyak sa pag alis nya.Agad naman na yinakap ni Bianca si Amara at ganon din naman ang ginawa ni Gino at hinalikan pa nga nya sa noo si Amara."Mag iingat ka palagi doon anak ha. Pupuntahan ka namin doon kapag hindi ako busy sa opisina," sabi pa ni Gino kay Amara."Opo dad," nakangiti naman na sagot ni Amara sa kanyang ama."Ate mamimiss kita," umiiyak naman na sabi ng bunsong kapatid ni Amara na si Amanda at agad na nga rin itong yumakap sa ka
CHAPTER 472Kinabukasan ay nagising naman si Amara na maliwanag na sa labas ng kanyang silid. Dahan dahan pa nga syang bumangon at agad nga nyang napansin ang mga paper bag sa tabi ng kanyang kama at naipikit na nga lamang nya ng nariin ang kanyang mga mata dahil wala nga syang nagawa man lang sa mga balak nya kagabi dahil napasarap nga ang kanyang tulog.Bumuntong hininga naman na muna si Amara bago sya nagpasya na tumayo na at saka sya dumiretso sa CR na nasa kanyang silid lamang at agad na nga nyang ginawa ang kanyang morning routine. Medyo binilisan na nga lamang din nya ang kanyang ginagawa dahil ramdam na nya ang pagkalam ng kanyang tyan dahil hindi nga pala sya nakakain ng dinner kagabi.Agad naman ng lumabas ng kanyang silid si Amara at agad na nga syang pumunta sa kusina para kumuha ng makakain nya ngayong umaga.Pagkapasok naman ni Amara sa kusina ay nadatnan naman nya ang kanya ina roon na kumakain pa nga lamang ng agahan."Good morning mom," bati ni Amara sa kanyang anak.
CHAPTER 471Pagkapasok ni Amara sa kanyang silid ay agad nga nya na inilock ang pinto at saka nya ibinaba na muna sa tabi ng kanyang kama ang kanyang mga dala at saka sya pasalampak na dumapa sa kanyang kama at doon na nga nya hindi napigilan ang pag alpas ng masagana nyang luha sa kanyang mga mata."Sana sa pagbabalik ko ay hindi ka pa rin magbago Dylan. Mahal na mahal kita pero kailangan ko nga sigurong gawin ito para sa pangarap mo at para na rin sa pangarap ko. Siguro hanggang pagiging magkaibigan na lamang talaga tayo. Kahit na masakit ay pipilitin ko na lamang na tanggapin ang katotohanan na hindi mo ako kayang mahalin Dylan," usal ni Amara sa kanyang isipan habang patuloy nga sa pag agos ang kanyang masaganang luha na kanina pa nya pinipigilan.Iniyak naman muna ng iniyak ni Amara ang kanyang nararamdamang lungkot. Dahil sa totoo lang ay ayaw nya sanang umalis ng bansa pero naisip nya na siguro ay tama naman ang kanyang nga magulang kaya susundin na lamang nya ang mga ito.Dahi
CHAPTER 470"Yayakap lang e. May problema ba dun?" nakanguso pa na sagot ni Amara at pilit nyang pinipigilan na mahalata sya ni Dylan dahil ang totoo ay gusto na nya talagang maiyak ngayon pa lang sa isipin na ito na ang huling beses na mayayakap nya si Dylan dahil pagkatapos nga nito ay papayag na sya sa gustong mangyare ng kanyang mga magulang.Bumuntong hininga na nga lamang si Dylan at saka sya napapailing na lamang dahil sa kakulitan ng kangyang kaibigan. Hindi naman na nagsalita pa si Dyla at ibinuka na lamang nya ang kanyang braso upang pagbigyan si Amara.Ngiting ngiti naman si Amara na agad na yumakap kay Dylan at habang yakap nya nga ito ng mahigpit ay hindi na nga nya napigilan ang pagpatak ng kanyang luha pero agad din naman nya iyong pinunasan."Dylan mamimiss kita," mahinang sabi ni Amara habang yakap yakap pa rin nya si Dylan.Napakunot naman ang noo ni Dylan dahil malinaw na malinaw nga nyang narinig ang sinabi ni Amara kahit na mahina nga lamang iyon."Ha? Bakit mo na
CHAPTER 469Parang bigla namang nakunsenya si Dylan dahil sa inaasta ni Amara ngayon sa kanya. Mahalaga pa rin naman sa kanya ang dalaga pero hindi naman kasi pupwede na palagi na lamang silang magkabuntot na dalawa."Masasanay ka rin naman. Sadyang kailangan ko lamang talaga na mag focus sa kumpanya namin. At ikaw maaari mo ring gawin ang mga gusto mong gawin na hindi ako kasama. Magkikita at magkikita pa rin naman tayo pero hindi na nga lang kagaya ng dati," sabi ni Dylan kay AmaraDahan dahan naman na tumango si Amara at saka sya nag angat na ng kanyang ulo at pasimple pa nga nyang pinunasan ang luha na hindu na nya namalayan pa na tumulo na pala."Oo. Masasanay din naman ako na hindi ka palaging kasama. Galingan mo sa pagtatrabaho mo ha. Sana maging successful ka rin kagaya ng iyong ama at kapatid. Kapag nangyare yun ako ang unang una na magiging masaya para sa'yo," ilit ang ngiti na sabi ni Amara kay Dylan."Teka nga umiiyak ka ba?" tanong ni Dylan ng may makita dyang butil ng lu
CHAPTER 468Agad naman na dumiretso sila Dylan at Amara sa mall. Ngiting ngiti naman si Amara habang nakakapit sa braso ni Dylan habang sila ay naglalakad papasok sa loob ng mall. Dumiretso na nga rin muna sila sa isang kainan doon dahil kanina pa rin talaga hindi kumakain si Amara kaya nag aya na nga muna sya na kumain at agad naman iyong pinagbigyan ni Dylan.Pagkatapos nilang kumain na dalawa ay dumiretso naman na sila shop roon para makapamili na nga di Amara at nakasunod nga lamang si Dylan sa kanya gaya ng dati na nitong ginagawa sa tuwing nagpapasama si Amara sa kanya.Wala kasing magawa si Dylan noon kundi ang pagbigyan na lamang palagi si Amara kapag gusto nitong magpasama sa kanya dahil kapag hindi nya nga ito napapagbigyan ay ang tita Bianca nga nya ang tumatawag sa kanya para samahan nga ito. Pero ngayon ay mayroon na nga syang idadahilan dito dahil totoo naman na kailangan nyang mag focus sa kanilang kumpanya.Pagkatapos mamili ni Amara ay inaya naman na nya si Dylan sa i
CHAPTER 467Nasa ganoong senaryo nga sila ng bigla ngang bumukas ang pinto ng opisina ni Dylan at nagulat pa nga si Rayver sa nakita nya.Sumenyas naman si Dylan sa kanyang kuya Rayver na wag itong maingay kaya naman hindi na nagsalita pa si Rayver at saka nya dahan dahan na isinara ang pinto ng opisina ni Dylan.Naglakad naman na sila pareho papunta sa table ni Dylan at saka sila naupo na roon."Anong ginagawa ni Amara rito? Binabantayan ka ba nya?" nakangisi pa na tanong ni Rayver kay Dylan."Tsk. As usual kinukulit na naman ako ng isa na yan," naiiling pa na sagot ni Dylan sa kanyang kuya Rayver.Napalingon naman si Rayver sa gawi ni Amara na natutulog pa nga rin at saka sya napapailing na lamang talaga dahil mukhang tinamaan na ang dalaga sa kanyang kapatid."So ano ba talaga ang balak mo sa kanya?" tanong pa muli ni Rayver sa kanyang kapatid. "Alam mo wala ka pa naman yatang napupusuan na babae bakit hindi mo na lang pag aralan na mahalin si Amara. Tutal kilalang kilala mo naman