CHAPTER 142"Eto na po ang mga pictures nyo ma'm sir," nakangiti pa na sabi ng photographer kila Aira at Dave sabay abot ng mga picture nila."Ang ganda po ng mga kuha nyo. Bagay na bagay po kayong dalawa. At ang mga bata po sobrang cu-cute," daldal pa ng photographer."Thank you po," sabay na sabi ng kambal.Nagkatinginan naman sila Aira at Dave. Pero si Aira na rin ang unang nagbawi ng tingin kay Dave."Salamat," sabi na lamang ni Dave sa kumuha ng litrato nila. Hindi na rin naman sila nagtagal doon dahil mahamog na kaya kailangan na rin nilang umalis talaga roon. Dumiretso naman sila sa mall at talaga namang nangingislap ang mga mata ng kambal pagkapasok pa lang sa mall."Mga anak ang bilin ko ha. Hindi kayo magtuturo ng magtuturo ng mga toys ngayon. Ang dami nyo ng laruan sa bahay," pagpapaalala ni Aira sa mga anak nya dahil kabisado na nya ang nga ito kapag ganitong nasa mall sila talagang magpapabili ang mga ito ng laruan. Dagdagan pa na kasama nila si Dave na talaga namang hin
CHAPTER 143Pagkatapos mamili ng mga laruan nila Reign at Rayver ay umalis na rin naman sila sa mall dahil gabi na nga at halata mo na sa mukha ng kambal ang pagod dahil sa maghapon na pamamasyal.Ngayon nga ay kararating lamang nila sa kanilang bahay at dali dali naman na tumakbo ang kambal sa bahay nila nay Wanda upang dalhin ang pasalubong nila sa mga ito. Naiwan naman na magkasama sila Aira at Dave na bitbit ang mga pinamili ng kambal."Aira magpapaalam na muna ako sa mga bata dahil baka hindi muna ako makadalaw sa kanila rito sa susunod na linggo. Kailangan ko kasi talagang bumalik ng Manila," sabi ni Dave kay Aira."Sige. Mas mabuti pa na magpaalam ka sa kanila ng maayos para hindi ka nila hintayin araw araw. Maiintindihan ka naman ng kambal basta ipaliwanag mo lamang sa kanila ang dahilan mo," sagot ni Aira kay Dave."Sige. Ipapaliwanag ko na lamang sa kanila ng maayos," sagot ni Dave. Sakto naman na bumalik na ang kambal habang ngiting ngiti pa ang mga ito. Nahihirapan tuloy
CHAPTER 144Pagkalabas nila Dave at Aira ay lumayo layo naman muna sila sa bahay nila Aira para hindi marinig ng nga bata ang pag uusap nilang dalawa."Mag iingat kayo rito. Pangako babalik kaagad ako pagkatapos kong gawin ang mga dapat kong gawin sa Manila," sabi ni Dave kay Aira."Sige lang. Wag kang mag alala sanay naman na kami na wala ka. Kaya masasanay din ang mga bata sa ganitong set up natin. Naninibago lang sila ngayon dahil masyado silang sabik sa ama at ngayong nakasama ka na nga nila ay kailangan mo namang umalis. Don't worry papaliwanagan ko rin naman sila ng maayos para maintindihan nilang mabuti," sagot ni Aira kay Dave. Lalo namang nalungkot si Dave dahil sa sinabi ni Aira."Mamimiss ko kayo," sabi ni Dave kay Aira at hahawakan pa sana nya ang kamay ni Aira pero iniiwas ni Aira ang kanyang kamay dito."Sana ay malinaw pa rin sa'yo na dahil na lamang sa mga bata kaya tayo may ugnayan ngayon. At sana rin ay walang ibang makakaalam kung nasaan ako at lalong lalo na ang mg
CHAPTER 145Pagkagaling naman nila Dave sa bahay nila Aira ay agad na silang bumalik sa hotel room nila dahil kailangan na nilang magcheck out ni Gino dahil ngayong gabi na sila babyahe ni Gino pabalik ng Manila."Pano pre handa ka na ba na iwanan muna ang mag iina mo rito?" tanong ni Gino sa kaibigan habang nag aayos sila ng mga gamit nila. Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Dave."Oo kakayanin ko ito dahil kailangan kong gawin ito. Una ay dahil sa trabaho kaya kailangan kong bumalik ng Manila at pangalawa ay may kailangan akong asikasuhin tungkol sa pagpapaimbestiga ko sa nangyare limang taon na ang nakararaan sa bahay ng pamilya ni Aira," sagot ni Dave. "Bakit? May balita na ba tungkol doon?" kunot noo pa na tanong ni Gino sa kaibigan."Oo tumawag sa akin ang binayaran kong mag imbestiga tungkol doon at may nakuha silang ilang CCTV footage ng gabi na yun. At base sa mga nakita nila ay may sumalubong sa lalake na yun para makapasok sa bahay ng mga Saavedra. K
CHAPTER 146Mabilis lamang naman ang naging byahe nila Dave at Gino pabalik ng Manila. Dumiretso naman na muna si Dave sa kanyang condo at pagkarating na pagkarating nya roon ay saglit lamang syang natulog at agad na rin syang pumasok sa kanyang opisina upang masimulan na nya kaagad ang tambak nyang paper works na naiwanan.Bigla namang pumasok si Michelle sa opisina ni Dave upang maglinis doon at ayusin na rin ang mga papeles na kailangang pirmahan ni Dave pero laking gulat nya dahil naroon na pala ang kanyang boss na abala na sa mga paper works na inilagay nya sa table nito."G-Good morning po sir. P-pasensya na po kung bigla akong pumasok. Hindi ko po alam na narito na po pala kayo," kandautal pa na sabi ni Michelle sa kanyang boss."It's okay, " sagot ni Dave. "Pakilagay mo na lamang dito ang mga kailangan ko pang tapusin na mga papeles," utos pa nya sa kanyang sekretarya."Okay po sir," sagot naman ni Michelle saka ito lumabas ng opisina ng kanyang boss.Agad na rin naman kumilo
CHAPTER 147Agad naman ng natapos ni Dave ang kanyang mga dapat gawin sa kanyang opisina kaya naman nakahinga na sya ng maluwag luwag. Halos ilang araw din syang nasubsob sa trabaho nya sa opisina upang matapos na nya kaagad ito dahil excited na syang bumalik ng Baguio upang makita ang mga anak nya.Sakto rin naman na tumawag sa kanya si Nathan dahil may ipapakita raw ito sa kanya kaya naman agad na rin syang nakipagkita rito."Good afternoon sir," agad na bati ni Nathan kay Dave ng dumating ito sa restaurant na napag usapan nila kung saan sila magkikita."Anong ipapakita mo sa akin?" agad na tanong ni Dave kay Nathan pagkaupo nya sa upuan."Sir ito po," sabi ni Nathan at agad na iniharap kay Dave ang kanyang laptop. "Ito po ang ilan sa mga kuha ng CCTV na nakalap namin. Baka po nakikilala nyo ang babae na ito," sabi pa ni Nathan at itinuro pa nito ang babae sa screen.Pinakatitigan naman ni Dave ang imahe ng babae dahil parang pamilyar sa kanya ang babae na ito. Hindi kasi masyadong
CHAPTER 148Halos hindi makatulog si Dave magdamag dahil sa kakaisip sa babae na nasa video na yun. Isang babae lang ang nakikinita nya na parang katulad na katulad ng babae sa video at walang iba kundi si Trina. Pero napapaisip sya dahil makakaya ba na gawin ni Trina ang bagay na yun sa sarili nitong kapatid. At isa pa na gumugulo sa isipan nya ay bakit naman iyon gagawin ni Trina kay Aira dahil sa naaalala nya ay ayos naman na silang tatlo ng mga panahon na yon.Sa sobrang pag iisip naman ni Dave ay hindi na nya namalayan pa na nakatulog na pala sya.Kinabukasan ay nagpasya na lamang si Dave na kausapin muli si Nathan dahil may panibago syang ipapagawa rito.Nauna naman na dumating si Nathan sa restaurant at hinintay na lamang nya roon si Dave."Good morning sir," bati ni Nathan kay Dave pagkarating nito."May bago akong ipapagawa sa'yo. Gusto ko sana na imbestigahan mo ang babae na ito," sabi ni Dave saka nya iniabot ang larawan ni Trina. Agad naman na kinuha ni Nathan ang larawan
CHAPTER 149Nang mapag isa na si Dave ay napabuntong hininga na lamang sya. Napaisip sya muli na sana ay matapos na itong mga iniisip nya at sana ay malaman na nya kung sino ang nasa likod ng pangseset-up sa dati nyang asawa na si Aira para naman makapag focus na sya sa kanyang mag iina.Muli ay napatingin sya sa mga papeles na dapat nyang gawin ngayong araw at napansin nya na kaunti na lamang ito kaya tinawag na nya si Michelle at pinapakuha nya ang mga kailangan nyang gawin ngayong araw na ito."Sir yan na lamang po ang dapat nyong tapusin ngayon araw dahil tapos na po ang lahat ng tambak po na trabaho nyo," magalang na sabi ni Michelle kay Dave."Ganon ba. O sige salamat," sagot ni Dave.Lumabas naman na si Michelle sa opisina ng kanyang amo. Maya maya ay lumabas naman na si Dave sa kanyang opisina dala ang kanyang laptop. Nagtataka naman na tiningnan ni Michella si Dave dahil wala pa namang tanghali pero parang paalis na naman ang amo nya."Michelle mawawala ulit ako ng ilang ara
CHAPTER 423Pagkatapos nilang kumain ay sandali pa naman silang nanatili sa restaurant. At dahil nga nasa VIP room naman sila ay pwede naman silang magstay muna roon at isa pa ay malaya rin silang makapag kwentuhan doon.Nagkwentuhan pa rin muna sila roon na magkakapatid at unti unti nga ay nagiging palagay na rin ang loob nila Ashley, Sherwin at April kay Jenny. Nakikipag kwentuhan na kasi sila rito at nakikipagtawanan na rin."Nga pala Shiela nabanggit mo na ba kay daddy na magkaka ayos na tayo?" tanong ni Jenny kay Shiela."Hindi pa ate. Hindi ko pa naman din sya ulet nakakausap," sagot naman ni Shiela habang kumakain naman sila ngayon ng dessert.Dahan dahan naman na tumango si Jenny at may bigla nga syang naisip."Hindi ko pa rin naman ito nababanggit kay daddy. What if isurprise natin sya? Malapit na rin kasi ang birthday ni daddy at parang mas magandang birthday gift ito sa kanya. Surprise birthday party ano sa tingin nyo?" suhestyon ni Jenny sa kanyang mga kapatid. Hindi pa ri
CHAPTER 422Pagkapasok nga nila sa restaurant ay agad na nga silang inassist ng isang staff doon upang dalhin sila sa isang VIP room ng naturang restaurant."Wow ate Shiela. Mukhang mayaman talaga si ate Jenny dahil naka VIP pa talaga tayo rito sa restaurant samantalang kakain lang naman tayo rito," daldal ni April kay Shiela."Oo mayaman talaga si ate Jenny dahil mula sa mayamang pamilya ang kanyang ina. At siguro kaya gusto nya sa VIP room para naman magkaroon rayo ng privacy dahil marami ring kumakain dito," paliwanag naman ni Shiela sa kanyang nakababatang kapatid.Agad naman na tumango si April sa kanyang ate Shiela at deretso na nga silang sa VIP room at agad na nga silang pinapasok ng staff doon.Pagkapasok nila roon ay agad ngang nakita ni Shiela si Jenny na naghihintay na nga sa kanila. Nakita pa nya na napangiti ito ng makitang pumasok silang magkakapatid."Hi ate Jenny," agad na bati ni Shiela kay Jenny at saka sya lumapit dito at agad na nakipagbeso.Nakangiti naman na nak
CHAPTER 421Matapos makausap ni Shiela ang kanyang nga kapatid ay masaya nya naman iyong ibinalita kay Rayver at kagaya nya ay masaya ito dahil doon. Kasunod naman nyang pinagsabihan noon ay ang ate Jenny nya at yes natawagan nya ito kaagad dahil nagpalitan sila ng cellphone number para matawagan nga nila ang isa't isa. At masaya nya ngang ibinalita ang tungkol sa pag uusap nila ng kanyang mga kapatid kaya agad na nga itong nagpaset ng petsa kung kelan sila pwedeng magkita kita na magkakapatid at napagpasyahan nga nila na sa araw ng Sabado ay magkikita kita nga silang magkakapatid.Mabilis naman na lumipas ang nga araw at araw na nga ng sabado ngayon. Pinayagan na rin muna ni Rayver na hindi pumasok ngayong araw si Shiela. Hindi na rin sya sumama sa mga ito dahil lakad iyon ng magkakapatid at hahayaan na lamang nya na magbonding ang mga ito."Mag iingat kayo mamaya ha. Hindi na ako sasama para naman makapag bonding kayong magkakapatid. Papasamahan ko na lang sa inyo ang dalawang bo
CHAPTER 420Kinagabihan noon ay kinausap nga muli ni Shiela ang kanyang mga kapatid at ngayon nga ay nasa silid silang lahat ni Shiela."Kumusta kayo? Napag isip isip nyo na ba ang tungkol kay tatay?" tanong na ni Shiela sa kanyang mga kapatid dahil noong huli nilang pag uusap ayy mukhang alanganin pa nga ang nga ito na patawarin ang kanilang ama.Nagkatinginan naman si Ashley at Sherwin dahil sa naging tanong ng ate Shiela nya. Sa kanilang apat na magkakapatid kasi ay halos silang dalawa na lamang talaga ang hindi naka move on sa ginawa ng kanilang ama. At naiintindihan naman sila ng ate Shiela nila kaya nga binigyan sila ng pagkakataon nito na makapag isip isip pa rin.Napabuntong hininga naman si Ashley saka nya seryosong tiningnan ang ate Shiela nya."Ate napagtanto namin ni Sherwin na siguro nga ay tama ka. Siguro ay dapat na rin kaming magpatawad ni Sherwin. Kagaya nyo ni April ay miss na rin naman namin si tatay at tama ka ate wala na nga si nanay pati ba naman si tatay ay haha
CHAPTER 419Muli ay napatingin si Rayver kay Shiela at saka sya nginitian nito."Naiintidihan kita Rayver kung hindi mo pa mapapatawad ang kapatid ko dahil sa ating dalawa alam ko na ikaw ang mas ginulo nya. Pero sana bigyan mo pa rin sya ng pagkakataon. Sana mapatawad mo pa rin ang kapatid ko dahil mas masaya ang buhay kung wala tayong mga kagalit. Mas tatahimik ang buhay natin diba," sabat na ni Shiela.Napabuntong hininga naman si Rayver at saka nya muling binalingan ng tingin si Jenny."Talaga ba na seryoso ka r'yan? Baka mamaya ay linoloko mo lamang kami at binibilog mo lamang ang ulo namin ha," sabi pa ni Rayver kay Jenny dahil hirap na talaga syang magtiwala ngayon sa dalaga."Oo naman seryoso ako sa sinasabi ko. At hindi naman ako mag aaksaya ng panahon para lang makipag usap sa inyo kung hindi ako seryoso sa pagpunta at paghingi ko ng tawad sa inyo. Naiintindihan din naman kita Rayver. Alam kong galit ka sa akin at walang tiwala pero sana ay mapatawad at pagkatiwalaan mo ako
CHAPTER 418Pagkarating nila Jenny at Shiela sa may opisina ni Rayver ay agad nga nilang natanaw ang binata na nakatayo sa may pintuan ng opisina nito habang nakakunot ang noon. Kaya naman nagkatinginan pa silang dalawa at sabay na nga silang naglakad palapit dito.Agad naman na napansin ni Rayver na may papalapit sa kanya at ng makita nga nya na si Shiela iyon kasama si Jenny ay inilang hakbang nga lang nya ang pagitan nila at agad na linapitan si Shiela."Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap hindi ka man lang nagsabi sa akin bago ka umalis. Huwag mo ng uulitin ito ha. Hindi mo alam kung gaano ako nag aalala sa'yo kanina pa," puno ng pag aalala na sabi ni Rayver sa kanyang nobya at agad na nga nya itong yinakap. Nagulat man sa inasta ni Rayver ay napangiti na lamang din si Shiela dahil bakas sa gwapong mukha ng kanyang nobyo na nag aalala iyo sa kanya."Hey! Wala naman akong balak na dukutin ang kapatid ko. Gusto ko lamang syang makausap kaya ko sya isinama saglit," paliwanag
CHAPTER 417 "Ahm. S-Shiela gusto ko sanang humingi ng tawad sa mga nagawa ko sa inyo ni Rayver noon. I'm sorry sa panggugulo ko sa inyo," lakas loob na sabi ni Jenny kay Shiela. Nagulat naman si Shiela sa sinabi ni Jenny dahil totoo nga talaga ang sabi ng kanilang ama na nagsisisi na nga ito sa panggugulo sa kanila noon ni Rayver. Hindi naman na muna nagsalita pa si Shiela at hinintay nga nya ang kasunod na sasabihin pa ni Jenny. "A-alam ko na mali ako dahil sa ipinipilit ko ang sarili ko kay Rayver kahit na alam ko naman na wala syang pagtingin sa akim. Sorry Shiela kung ginulo ko kayo. Kelan ko lang din naman na narealize na mali pala ang mga pinaggagawa ko. At umaasa ako ngayon na sana ay hindi pa huli ang lahat para sa atin. Sana ay magkaayos pa tayo. Alam ko rin naman na magiging masaya si dad kung makikita nya na magkakasundo tayo. Alam kong hindi madali yun pero umaasa pa rin ako Shiela na sana ay mapatawad nyo ako ni Rayver," seryoso pa na sabi ni Jenny kay Shiela. Napa
CHAPTER 416Kinabukasan ay maaga nga na nagising si Jenny dahil balak nga nya na pumunta ngayong araw sa opisina ni Rayver para makausap nya ang kapatid nyang si Shiela at maging si Rayver na rin.Matapos nya kasi na makausap ang kanyang ama ay napagtanto nya na tama naman ito. Wala naman din syang magagawa kung tututulan nya ang pagmamahalan nila Rayver at Shiela dahil pare pareho lamang din silang mahihirapan non. Kaya mas pinili na lamang nya na pabayaan na lamang ang mga ito tutal ay mukhang wala naman talagang makakapaigil pa sa pagmamahalan ng dalawa. Masaya rin sya ngayon dahil sa kabila ng desisyon nyang iyon ay dumating naman si Greg na pursigido na ligawan siya. Kaya naman bibigyan na lamang nya ito ng pagkakataon dahil naisip nya na mas magiging masaya siguro sya kung wala syang sinasaktan na ibang tao. Pagkababa nga nya ng hagdan ay naabutan pa nya ang kanyang ama na naghahanda ng pumasok sa opisina."Good morning dad," bati ni Jenny sa kanyang ama."Good morning din ana
CHAPTER 415"Ha? Ahm. Oo galing ako sa opisina nya kanina dahil gusto kong pormal na magpaalam sa kanya na liligawan nga kita," deretsahan ng sagot ni Greg sa dalaga. Napangiti naman si Jenny dahil sa sinabi ng binata."Greg seryoso ka ba talaga sa akin? Seryoso ka ba talaga na liligawan mo ako?" seryosong tanong na ni Jenny kay Greg."Oo Jenny. Seryoso ako sa sinabi ko sa iyong ama na gusto kitang ligawan. Jenny noon pa man ay mahal na kita sadyang pinapangunahan lamang ako ng kaba dahil alam ko na may mahal ka ng iba pero ngayon ay buo na ang desisyon ko at gusto kong ipaglaban ang kung ano man ang nararamdaman ko para sa'yo. Mahal kita Jenny at handa akong maghintay kung kelan mo ako matututunang mahalin. Handa akong maghintay sa'yo," seryoso naman na sagot ni Greg sa dalaga habang nakatitig sya sa mga mata nito.Bigla namang nakaramdam ng galak sa puso nya si Jenny dahil sa sinabi ng binata. Ramdam nya na seryoso ito sa sinasabi sa kanya at masayang masaya sya ngayon dahil meron p