CHAPTER 150 Nang makarating sila Dave at Gino sa Baguio ay agad naman na muna silang naghanap ng maaari nilang matuluyan ng ilang araw habang naroon sila. Sa malapit lamang din sa bahay nila Aira sila naghanap para agad agad na nyang mapuntahan ang kambal. Sobrang aga pa nilang nakarating sa Baguio kaya naman natulog na muna silang dalawa upang makapagpahinga na rin dahil sa mahabang byahe papuntang Baguio. Nang magising si Dave ay agad na syang nag-intindi ng kanyang sarili dahil gusto na nyang puntahan ang kambal at para na tin surpresahin ang mga ito dahil hindi nya sinabi sa mga ito na nakabalik na sga ng Baguio. "O aalis ka na?" tanong ni Gino kay Dave ng makita nya ito na nakabihis na at sya naman ay kagigising pa lamang. "Oo. Excited na akong makita ang kambal at gusto ko silang masurpresa ngayong umaga," sagot ni Dave sa kaibigan. "Sandali maliligo lamang ako," sagot ni Gino. "Hindi na. Kahit hindi mo na ako samahan Gino dahil nasa kabilang kanto lamang naman ang
CHAPTER 151"Daddy?" gulat na sabi ni Reign pagkagising nya. Napakusot pa sya ng mata nya dahil baka namalikmata lamang sya. Napangiti naman si Dave dahil sa pagtawag sa kanya ni Reign."Hi baby. Good morning," bati ni Dave sa bata. Agad naman na nanlaki ang mata ni Reign dahil hindi nga sya namamalikmata lamang dahil nagsalita ang kanyang ama. Si Rayver naman ay biglang nagising ng marinig ang tinig ng ama."Daddy?" sabi naman ni Rayver saka ito dali daling bumangon mula sa pagkakahiga."Yes baby. Ako nga ito. Surprise," nakangiti pa na sabi ni Dave sa kambal. Agad naman na tumayo ang kambal at nag unahan pa na makalapit sa kanilang ama."Daddy," sabay pa na sabi ng kambal saka ito yumakap kay Dave. Ginantihan din naman ni Dave ng mahigpit na yakap ang kambal nyang anak."Namiss ko kayo mga anak," sabi ni Dave habang yakap yakap pa nya ang kambal. Bumitaw naman na ang kambal sa pagkakayakap sa kanilang ama at humarap dito."Daddy kelan ka po bumalik? Bakit po hindi nyo kaagad sinabi
CHAPTER 152Matulin naman na lumipas ang mga araw at isang linggo rin na namalagi sila Dave at Gino sa Baguio.Walang araw naman na hindi pumupunta si Dave sa mga anak nya. At halos sa buong linggo na yun ay si Dave ang nagbabantay sa mga bata sa tuwing kailangan ng pumasok ni Aira sa trabaho.Sobrang saya naman ng kambal dahil palagi nilang nakakasama ang kanilang ama. Ganon din naman si Dave at talaga namang bumawi sya sa mga bata dahil sa ilang araw nya itong hindi nakasama noong bumalik sya ng Manila.Si Aira naman ay masaya sa nakikitang nyang bonding ng kanyang mag aama pero pinipigilan nya ang sarili nya na mapalapit muli kay Dave dahil natatakot sya na baka tuluyan na naman syang mahulog sa dating asawa.At ngayon nga ay kailangan na naman magpaalam ni Dave sa kanyang mga anak dahil sa kailangan nya na muling bumalik sa Manila dahil natambak na naman ang kanyang trabaho roon at isa pa ay tumawag sa kanya si Nathan at may mahalaga raw itong sasabihin sa kanya.Isang malalim na
CHAPTER 153Pagkarating nga ni Dave sa Manila ay agad na syang dumiretso sa kanyang opisina kahit na pagod pa sya dahil sa mahabang byahe nila mula Baguio habang si Gino naman ay umuwi na sa kanila.Tambak na paperworks ang naabutan ni Dave sa kanyang opisina kaya naman napapabuga na lamang sya ng hangin sa kanyang bibig."Sir narito na po pala kayo," sabi ni Michelle ng makita nya na nakatayo si Dave sa harap ng lamesa nito."Eto na ba lahat ng kailangan kong gawin?" tanong ni Dave sa kanyang sekretarya."Yes sir yan na po lahat. Nakaayos na rin po ang lahat ng iyan," sagot ni Michelle. "At sir meron po pala kayong importanteng meeting bukas," dagdag pa ni Michelle."Sige ipaalala mo na lamang sa akin yan bukas. Maaari mo na akong iwan," sagot ni Dave saka ito umupo sa kanyang upuan at nag umpisa ng tingnan ang mga papeles na nasa lamesa nya. Agad naman ng Lumabas si Michelle ng opisina ni Dave.Ilang araw ding nasubsob si Dave sa kanyang trabaho dahil gustong gusto na nyang matapos
CHAPTER 154Pagkarating ni Dave sa kanyang condo ay naabutam na nya roon ang kanyang kaibigan. May mga alak na itong dala gaya ng bilin nya dito dahil gusto nya munang makalimot kahit saglit dahil talaga namang sumasakit na ang kanyang ulo sa kakaisip na kung sino ba talaga ang nasa likod ng lahat ng nangyayare na ito sa kanila ni Aira."Bro kumusta? Ayan na ang mga pinabili mo. Anong balak mo ngayon? Magpapakalasing ka ba?" tanong na ni Gino kay Dave pagkakita nya rito. Napabuntong hininga naman si Dave."Gusto ko lamang makalimot kahit ngayong gabi lang. Sumasakit na talaga ang ulo ko sa dami ng iniisip ko. Kailangan ko rin kasi ng kausap kaya kita pinapunta rito," sagot ni Dave kay Gino. "Kumusta pala ang pagpapaimbestiga mo kay Trina? May balita na ba?" tanong na ni Gino. Kumuha naman na muna ng alak si Dave at isinalin sa baso. "May kinakatagpo raw si Trina na lalake pero hindi ko naman yun kilala. Palagi raw si Trina pumupunta sa bar na pag aari ng lalaki na yun. Ang pinagtat
CHAPTER 155Pagkagising naman ni Dave kinabukasan ay napahawak na lamang sya sa kanyang ulo dahil sa bigla na lamang itong kumirot. Nagising sya na nasa sala pa rin at sa sofa na sya nakatulog kagabe. Ang kanyang kaibigan na si Gino ay nakatulog na rin sa isa pang sofa marahil ay dahil na rin sa kalasingan nigo kaya doon na lamang din ito nakatulog. Nakita pa nya ang nakakalat na mga bote ng alak na ininom nilang dalawa kagabe.Nagpasya na lamang si Dave na maligo na muna para mapreskuhan sya dahil pakiramdam nya ay init na init at nanlalagkit sya.Pagkatapos maligo ni Dave ay naabutan na nya si Gino na linilinis na ang mga kalat nilang dalawa."May lakad ka ba ngayon?" tanong ni Dave kay Gino."Meron. May date kami ngayon ni Bianca," sagot ni Gino."Alam na ba nya ang tungkol kay Aira?" tanong ni Dave dahil si Bianca ang matalik na kaibigan ni Aira."Hindi pa nya alam. Hindi ko pa masabi dahil baka magalit si Aira kapag ipinagsabi ko kung nasaan sya," sagot ni Gino."Ano sa tingin m
CHAPTER 156"Saan ba tayo pupunta ngayon?" tanong na ni Trina kay Dave matapos syang sunduin nito sa kanilang bahay. Kilig na kilig pa sya dahil ngayon na lamang sya ulit sinundo ni Dave sa kanilang bahay matapos ang maraming taon."Basta magliliwaliw lang tayo," sagot naman ni Dave habang tutok na tutok ito sa daan.Pagkarating nila sa kanilang pupuntahan ay napaawang naman ang bibig ni Trina at gulat na gulat sya dahil hindi nya alam kung bakit doon sya dinala ni Dave."S-Sandali anong g-ginagawa natin dito?" kandautal na tanong ni Trina kay Dave dahil sa bar lang naman ni Paulo sya dinala ni Dave."Diba sabi ko magliliwaliw tayo. Let's go," nakangisi pa na sabi ni Dave saka sya bumaba ng kanyang sasakyan. Pinagbuksan pa nya ng pinto si Trina dahil hindi ito bumababa ng kanyang sasakyan."Tara na. Bumaba ka na r'yan," sabi ni Dave kay Trina. Hindi naman mapakali si Trina dahil hindi nya alam ang gagawin nya. Kilalang kilala na kadi sya ng mga staff ni Paulo at hindi malabo na batii
CHAPTER 157Akmang bubuhatin na sana ni Dave si Trina ay bigla syang pinigilan ng lalakeng kaharap nya kaya nagtataka nya itong tinitigan."Saan mo sya dadalhin?" Seryosong tanong ni Paulo." Wala ka ng pakialam doon. At isa pa ay bakit ba nangingialam ka? Sino ka ba ha?" naiinis naman sagot ni Dave. Pero ang totoo ay gusto lamang nyang subukan talaga ang lalakeng kaharap dahil may gusto syang alamin dito."Ako ang may ng bar na ito. At yang babae na kasama mo ay matagal ko ng gus---" biglang natigilan si Paulo sa pagsasalita ng bigla nyang narealise kung sino ang kausap nya ngayon."So kilala mo ang babaeng ito. Ano mo sya?" tanong ni Dave sa lalakeng biglang natigilan. Tumayo pa sya ng tuwid para makaharap ng maayos ang kausap."Ha? W-Wala. H-hindi ko sya kilala," pagkakaila na ni Paulo."Tsk. Umamin ka nga sa akin. May relasyon ba kayo ng babaeng ito? Masyado ka kasing apektado sa kanya e," nang aasar na tanong ni Dave."Hindi ko sya kilala," sagot ni Paulo saka sya nag iwas ng tin
CHAPTER 476Bago nga matulog si Amara ay napagpasyahan nga nya na tawagan na muna ang kanyang ina para kamustahin ang mga ito at para na rin ibalita ang pagside line nya ngayon bilang modelo. Tamang tama naman at umaga na roon sa Pilipinas ngayon habang sila sa London ay patulog naman na.Naka ilang ring pa naman nga ang tawag ni Amara bago nga ito sinagot ng kanyang ina."Hi mom," bati kaagad ni Amara sa kanyang ina."Amara pasensya ka na at kakagising ko pa lamang. Kumusta ka r'yan?" namamaos pa ang boses na sagot ni Bianca sa kanyang anak at halata mo nga talaga na bagong gising ito."Ayy. Sorry po mom. Naistorbo ko po yata ang tulog nyo," sagot naman ni Amara."It's okay baby. Kumusta ka r'yan?" sagot ni Bianca sa kanyang anak."Ayos lang naman po ako rito mom," sagot ni Amara sa kanyang ina. "Oo nga po pala mom gusto ko lang pong sabihin sa inyo na sumama po ako aky ate Charmaine sa pagmomodel nya at sumide line po ako roon kanina," pagbabalita pa ni Amara sa kanyang ina."Talag
CHAPTER 475Halos isang buwan na nga na namamalagi si Amara sa London at nag eenjoy naman sya ngayon sa kanyang mga ginagawa kaya naman nakakalimutan na nya ang nararamdaman nyang lungkot simula ng umalis sya ng Pinas.Pagkarating nya kasi noon sa London ay agad nga syang naaliw sa kakagala nila ng ate Charmaine nya. Matagal na kasi na naninirahan sa London ang pinsan nyang si Charmaine doon na kasi ito nagtatrabaho at paminsan minsan nga ay sumaside line nga ito ng pagmomodel. Kagaya kasi ni Amara ay maganda nga rin ang pinsan nyang ito at marami rin talaga ang nagkakagusto rito kaso ay pihikan nga ito sa lalaki kaya hanggang ngayon ay wala pa rin itong nobyo. Matanda lamang naman ito ng limang taon kay Amara kaya ate ang tawag nya rito."Amara gusto mo ba mag side line sa pag momodel? Alam ko kasi na gusto mo yun e. Baka gusto mo lang naman kulang kasi kami ng isa at naisip nga kita," sabi ni Charmaine kay Amara habang kumakain nga sila ng kanilang agahan.Agad naman na kumislap ang
CHAPTER 474"Tita Bianca si Amara po nasaan?" hindi na nakatiis na tanong ni Dylan sa ina ni Amara.Napakunot naman ang noo ni Bianca dahil sa tanong ni Dylan at napatingin pa nga sya sa kanyang asawa na tahimik lamang na nakikinig sa kanila. "Wag mong sabihin sa akin na hindi mo rin alam Dylan na umalis na si Amara," sagot ni Bianca sa binata."Po? Umalis po si Amara?" kunot noo naman na tanong ni Dylan."Yes hijo. Umalis na si Amara halos mag iisang buwan na nga ng siya ay umalis papuntang London. Ang akala ko ay nagpaalam sya sa'yo noon bago sya umalis ng bansa," sagot naman ni Bianca kay Dylan.Gulat na gulat naman si Dylan sa sinabi ng tita Bianca nya dahil hindi nya talaga alam na umalis si Amara ng bansa at wala rin naman syang natatandaan na nagpaalam ito sa kanya noong huli nilang pagkikita. Ngayon nya napagtanto na kaya pala walang Amara na nangungulit sa kanya dahil umalis na pala ito ng bansa at wala nga syang kaalam alam doon. Ang buong akala nya kasi ay abala lamang it
CHAPTER 473Kinabukasan ay maaga naman ngang hinatid si Amara ng kanyang pamilya sa airport."Mag iingat ka roon anak ha. Nandoon naman ang ate Charmaine mo kaya hindi ka naman malulungkot doon. Saka bibisitahin naman kita roon paminsan minsan kaya wag kang mag alala ha," sabi ni Bianca kay Amara at naiyak pa nga ito habang sinasabi iyon sa kanyang anak dahil nalulungkot pa rin sya sa pag alis nito."Opo mom mag iingat po ako roon. Mamimiss ko po kayo," nakangiti pa na sagot ni Amara sa kanyang ina at pigil nya talaga ang kanyang sarili na wag maiyak sa pag alis nya.Agad naman na yinakap ni Bianca si Amara at ganon din naman ang ginawa ni Gino at hinalikan pa nga nya sa noo si Amara."Mag iingat ka palagi doon anak ha. Pupuntahan ka namin doon kapag hindi ako busy sa opisina," sabi pa ni Gino kay Amara."Opo dad," nakangiti naman na sagot ni Amara sa kanyang ama."Ate mamimiss kita," umiiyak naman na sabi ng bunsong kapatid ni Amara na si Amanda at agad na nga rin itong yumakap sa ka
CHAPTER 472Kinabukasan ay nagising naman si Amara na maliwanag na sa labas ng kanyang silid. Dahan dahan pa nga syang bumangon at agad nga nyang napansin ang mga paper bag sa tabi ng kanyang kama at naipikit na nga lamang nya ng nariin ang kanyang mga mata dahil wala nga syang nagawa man lang sa mga balak nya kagabi dahil napasarap nga ang kanyang tulog.Bumuntong hininga naman na muna si Amara bago sya nagpasya na tumayo na at saka sya dumiretso sa CR na nasa kanyang silid lamang at agad na nga nyang ginawa ang kanyang morning routine. Medyo binilisan na nga lamang din nya ang kanyang ginagawa dahil ramdam na nya ang pagkalam ng kanyang tyan dahil hindi nga pala sya nakakain ng dinner kagabi.Agad naman ng lumabas ng kanyang silid si Amara at agad na nga syang pumunta sa kusina para kumuha ng makakain nya ngayong umaga.Pagkapasok naman ni Amara sa kusina ay nadatnan naman nya ang kanya ina roon na kumakain pa nga lamang ng agahan."Good morning mom," bati ni Amara sa kanyang anak.
CHAPTER 471Pagkapasok ni Amara sa kanyang silid ay agad nga nya na inilock ang pinto at saka nya ibinaba na muna sa tabi ng kanyang kama ang kanyang mga dala at saka sya pasalampak na dumapa sa kanyang kama at doon na nga nya hindi napigilan ang pag alpas ng masagana nyang luha sa kanyang mga mata."Sana sa pagbabalik ko ay hindi ka pa rin magbago Dylan. Mahal na mahal kita pero kailangan ko nga sigurong gawin ito para sa pangarap mo at para na rin sa pangarap ko. Siguro hanggang pagiging magkaibigan na lamang talaga tayo. Kahit na masakit ay pipilitin ko na lamang na tanggapin ang katotohanan na hindi mo ako kayang mahalin Dylan," usal ni Amara sa kanyang isipan habang patuloy nga sa pag agos ang kanyang masaganang luha na kanina pa nya pinipigilan.Iniyak naman muna ng iniyak ni Amara ang kanyang nararamdamang lungkot. Dahil sa totoo lang ay ayaw nya sanang umalis ng bansa pero naisip nya na siguro ay tama naman ang kanyang nga magulang kaya susundin na lamang nya ang mga ito.Dahi
CHAPTER 470"Yayakap lang e. May problema ba dun?" nakanguso pa na sagot ni Amara at pilit nyang pinipigilan na mahalata sya ni Dylan dahil ang totoo ay gusto na nya talagang maiyak ngayon pa lang sa isipin na ito na ang huling beses na mayayakap nya si Dylan dahil pagkatapos nga nito ay papayag na sya sa gustong mangyare ng kanyang mga magulang.Bumuntong hininga na nga lamang si Dylan at saka sya napapailing na lamang dahil sa kakulitan ng kangyang kaibigan. Hindi naman na nagsalita pa si Dyla at ibinuka na lamang nya ang kanyang braso upang pagbigyan si Amara.Ngiting ngiti naman si Amara na agad na yumakap kay Dylan at habang yakap nya nga ito ng mahigpit ay hindi na nga nya napigilan ang pagpatak ng kanyang luha pero agad din naman nya iyong pinunasan."Dylan mamimiss kita," mahinang sabi ni Amara habang yakap yakap pa rin nya si Dylan.Napakunot naman ang noo ni Dylan dahil malinaw na malinaw nga nyang narinig ang sinabi ni Amara kahit na mahina nga lamang iyon."Ha? Bakit mo na
CHAPTER 469Parang bigla namang nakunsenya si Dylan dahil sa inaasta ni Amara ngayon sa kanya. Mahalaga pa rin naman sa kanya ang dalaga pero hindi naman kasi pupwede na palagi na lamang silang magkabuntot na dalawa."Masasanay ka rin naman. Sadyang kailangan ko lamang talaga na mag focus sa kumpanya namin. At ikaw maaari mo ring gawin ang mga gusto mong gawin na hindi ako kasama. Magkikita at magkikita pa rin naman tayo pero hindi na nga lang kagaya ng dati," sabi ni Dylan kay AmaraDahan dahan naman na tumango si Amara at saka sya nag angat na ng kanyang ulo at pasimple pa nga nyang pinunasan ang luha na hindu na nya namalayan pa na tumulo na pala."Oo. Masasanay din naman ako na hindi ka palaging kasama. Galingan mo sa pagtatrabaho mo ha. Sana maging successful ka rin kagaya ng iyong ama at kapatid. Kapag nangyare yun ako ang unang una na magiging masaya para sa'yo," ilit ang ngiti na sabi ni Amara kay Dylan."Teka nga umiiyak ka ba?" tanong ni Dylan ng may makita dyang butil ng lu
CHAPTER 468Agad naman na dumiretso sila Dylan at Amara sa mall. Ngiting ngiti naman si Amara habang nakakapit sa braso ni Dylan habang sila ay naglalakad papasok sa loob ng mall. Dumiretso na nga rin muna sila sa isang kainan doon dahil kanina pa rin talaga hindi kumakain si Amara kaya nag aya na nga muna sya na kumain at agad naman iyong pinagbigyan ni Dylan.Pagkatapos nilang kumain na dalawa ay dumiretso naman na sila shop roon para makapamili na nga di Amara at nakasunod nga lamang si Dylan sa kanya gaya ng dati na nitong ginagawa sa tuwing nagpapasama si Amara sa kanya.Wala kasing magawa si Dylan noon kundi ang pagbigyan na lamang palagi si Amara kapag gusto nitong magpasama sa kanya dahil kapag hindi nya nga ito napapagbigyan ay ang tita Bianca nga nya ang tumatawag sa kanya para samahan nga ito. Pero ngayon ay mayroon na nga syang idadahilan dito dahil totoo naman na kailangan nyang mag focus sa kanilang kumpanya.Pagkatapos mamili ni Amara ay inaya naman na nya si Dylan sa i