Andi's POVLALONG nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. And what does he mean by that? Sinasabi ba niya na kaya siya nagloloko dahil ex-wife niya ako? Na parang rason iyon para gawin niya ang ginawa niya noong gabing iyon?"Ang kapal mo!" Hindi ko napigilan ang sarili ko at nabigyan siya ng isang sampal. "Hindi mo na ako nirespeto at ang relasyon n'yo ni Melody! Gagamitin mo pa ako para sa kakatihan mo!"Mariin siyang pumikit. "Andi, it's not like that.""Anong plano mo, huh? Gawin akong sidechick? Option? Kabit? O parausan?""No! Fuck! Andi, no!""E, ano?!"Natigilan ako nang bigla niya akong hinawakan sa magkabilang pisngi at siniil ng halik sa mga labi. Sa sobrang gulat ay hindi ako nakagalaw agad. I was about to close my eyes when I remember Melody.Gumapang ang guilt sa buong katawan ko kaya sinubukan kong kumawala sa mga labi niya. Pero bigla niya akong niyakap at mas nilaliman ang mga halik namin. Napaatras kami hanggang sa naabot namin ang aking desk table.Napaupo ako sa d
Andi's POVNAGMAMADALI akong lumabas ng elevator at naglakad papunta sa unit ko. Pagdating doon, naroon na at naghihintay si Melody dala ang mga gamit niya."You should've called me earlier. Naghintay ka pa tuloy.""No worries, Andi. I just got here. Ayaw ko nang istorbohin si Sven, and I want us to bond."Excited siyang pumasok sa loob ng condo ko nang mabuksan ang pinto. Kusa na rin itong nagtungo sa kusina at kumuha ng maiinom."I hope you don't mind, uhaw na uhaw na ako. Kayo naman kasi, umalis kayo agad ng hacienda. First it was Sven, then you."Hindi ko na pinansin ang mga sinabi niya at binuksan na lang ang spare room na tutulugan niya habang nasa unit ko siya. I'm supposed to be at the bar right now, drinking and partying. Naglalabas ng sama ng loob, but here I am, eight o'clock and I'm already at home.Nag-order na ako ng makakain dahil walang laman ang fridge ko kundi mga alak at tubig. At isa pa, I don't know how to cook. Pagkapasok ko sa kuwarto ni Melody para ayain siyang
Andi's POV"I look like a shit."Naiiling ako habang nakatingin sa rearview mirror ng kotse ko. Nasa parking lot ako ng isang hotel at nag-aayos ng sarili. Hindi kasi ako nakatulog agad kagabi kaya ngayon, mukha akong panda."Gosh, screw these dark circles under my eyes." Sanay naman akong mapuyat dahil madalas akong mag-party, pero ibang usapan iyon. Napupuyat ako pero masaya ako, samantalang kagabi, hindi ako makatulog sa kakaisip.Marahas akong umiling. "Why am I even thinking of them? What's the matter with me?"Inis na ibinalik ko ang face powder sa loob ng aking bag at umibis nt sasakyan. I'm here for my meeting meeting with a client. Usually, I don't go outside for a client's request. Madalas kasi itong ginagamit ng mga lalaking gusto akong i-date. Bibili ng alahas pero makikipagkita sa labas, and then pipilitin na akong makipag-date sa kanila.But this one is special. This guy I'm meeting is getting married, at gusto niyang magpagawa sa amin ng promise ring, engagement ring, a
Andi's POVMALALIM na buntonghininga ang pinakawalan ko habang nakatingin sa mga portfolio na nasa harap ko. Kailangan namin mag-hire ng mga bagong jewelry designer at maglabas ng mga edition ng jewelries. Pero ni isa, wala akong mapili dahil wala akong magustuhan.Pabagsak kong binitiwan ang hawak ko at isinandal ang aking likod sa backrest ng upuan. I'm having a headache. Ilang araw na rin akong hindi makatulog dahil sa ingay ni Melody sa kabilang kuwarto. Idagdag pa si Sven at ang kabaliwan niya."What did he say? Magkasala kasama siya? Sinasabi niya na gumawa kami ng kasalanan?" Nailing ako sa mga naisip. "What an idiot."Inis na inabot ko ang cellphone ko sa ibabaw ng table. Hindi pa tumatawag si Ares. At wala rin akong ibang tawag maliban kina Eli at Gabby, at sa ilang kakilala na hindi naman importante.Ilang araw na, wala na akong balita kay Sven mula nang iwan ko siya sa parking lot ng hotel. Mas mabuti na rin ang ganito. I told him to fuck off and to never talk to me again.
Andi's POVNAKAUPO ako sa silya ko habang nakatingin kay Sven. He sat across from me, his eyes holding me captive. I decided to stay here in my office na lang, tutal, isa lang naman ang gusto kong mangyari. Ang hindi matuloy ang pagkikita nina Sven at Melody."Where's your phone?"Inilibas niya mula sa bulsa ng pantalon niya ang kaniyang cellphone.Muli akong ngumiti. "Turn it off."He stayed silent for a few seconds. "Maraming importanteng tao ang tumatawag sa akin oras-oras. I can't turn my phone off.""Then you may go." Inarkuhan ko siya ng mga kilay.Hindi siya nakaimik. But after some time, ipinakita niya sa akin kung paano niya pinatay ang cellphone niya.I smiled wildly. Tumayo ako at kumuha ng alak na maiinom para sa aming dalawa. Melody needs to be more humble, lalo na kung ang pinagmamalaki niya ay tira-tira ko lang."Bakit ba tayo nandito? What is it that you want to tell me?"I shrugged my shoulders before handing him a glass of alcohol. "Wala lang, gusto lang kitang makas
Andi's POVMAKAHULUGAN ang ngiti sa mga labi ko nang makapasok sa unit ko. Nadatnan ko si Melody, umiinom ng kape sa kitchen at hawak ang cellphone niya. Halata na hindi maganda ang timpla ng mood nito dahil sa nakasimangot niyang mukha."Oh, somebody must have woken up on the wrong side of the bed this morning." Lumapit ako sa fridge at binuksan ito para kumuha ng maiinom.Malakas niyang ibinaba ang cellphone niya. "Ito kasing si Sven, e. Hindi sumasagot sa tawag ko.""Oh, talaga? Akala ko ba, magkikita kayo kagabi?" Nilapag ko ang baso sa ibabaw ng kitchen table at nakangiting tumingin sa kaniya.Hindi siya nakapagsalita agad. Ilan segundo siyang natahimik at hindi makatingin sa akin. "Y-yeah, nagkita kami. We ate outside sa isang fine dining, and I stayed at his house for a couple of hourse."Gusto kong matawa habang nakikinig sa kaniya. Kahit hindi kami magkasama ni Sven kagabi, halata naman na nagsisinungaling lang siya. She can't even look at me while talking."How about you? Wh
Andi's POVNAULIT ang pagkikita namin ni Sven, hanggang sa naulit, at naulit, at naulit pa. I WAS drawn to him like a moth to a flame. Hanggang sa ang plano kong panandalian na pakikipagkita sa kaniya upang bigyan ng leksyon si Melody, ay hindi na nahinto pa."Andi, hindi ka umuwi?"Nagkasalubong kami ni Judith sa harap ng pinto. Natigilan pa ako dahil sa gulat. Mabuti na lang pala at pinauna ko na si Sven, kung hindi ay baka nagsalubong pa sila."Pauwi pa lang, may tinapos akong trabaho." Pasimple kong inayos ang buhok ko na medyo magulo. "Anyway, ang perang ibinayad ng mga Santiban, ikaw mismo ang magdala kay Mommy sa hacienda.""Hindi ka sasama?""Hindi na. Marami akong gagawin."Nilagpasan ko na ito at dumiretso sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse ko. Pagdating ko sa unit ko, si Melody agad ang hinanap ng mga mata ko."Nakakainis!"Natigilan ako sa paglalakad nang bumagsak sa sahig na dinadaanan ko ang cellphone na mula sa kuwarto ni Melody. Sumilip ako sa loob at nakita
Andi's POVHINDI ko alam kung anong isasagot kaya nagkunwari na lang akong naiinis sa ginawa niya. Hinablot ko ang cellphone ko at masama itong tiningnan."I don't know!""You don't know? You don't know why my fiancé is calling you?"I let out a breath with an irritating look on my face. "Why are you asking me stupid questions? Maybe it's about work. Alam mo naman na business partners na ang Mocelli at Santiban, di ba? And what's with the attitude?"May ilang segundo siyang natigilan. Matapos kong ipatong sa ibabaw ng cabinet ang cellphone ko, bumalik ako sa loob ng shower at nagpatuloy sa pagligo."Bakit parang excited siyang magkita kayo? Nagkikita ba kayo, Andi?"Nang matapos sa pagbanlaw, pinatay ko ang shower at huminga nang malalim. I turned to her after wrapping myself with white towel."Bakit? Sa tingin mo ba, nagkikita kami? Ikaw ang tatanungin ko. Tingin mo ba, nagloloko ang fiancé mo?"Matagal siyang natahimik bago umiling. "Hindi niya magagawa iyon.""Ganoon naman pala, e!
Andi's POVNAKATUTOK ang paningin ko sa mga puting bulaklak na hawak ko sa aking mga kamay. Nasa loob ako ng bridal car at naghihintay ng tamang oras para lumabas.I turned my head to the church in front of me. Malaki at luma na ang simbahan, pero saksi ito sa napakaraming kasal na nagdaan. Sa loob no'n ay nakatayo at naghihintay sa harap ng altar si Ares. Ang aking groom, ang lalaking hindi ko mahal.Siguro maraming tao ang tatawa kapag sinabi ko na hindi ko mahal ang lalaking nasa loob ng simbahan na iyan, pero pinili ko siya kaysa sa taong mahal ko na limampung ulit na tumawag sa akin kagabi para pigilan ako sa kasal. Tatanggapin ko ang lahat ng pangungutya nila, dahil kung ako man ang nasa kanilang kalagayan... iyon din ang gagawin ko.Huminga ako nang malalim bago umibis ng bridal car at marahan na naglakad papunta sa lumang pinto ng simbahan. Nababalot iyon ng mga puting bulaklak. Maging ang buong loob ng simbahan ay punong-puno ng bulaklak, white lamp, butterflies, at marami pa
Andi's POVIBINABA ko ang tawag matapos kaming senyasan ng private nurse ni Mommy na handa na ito. Si Ares ang kausap ko at nagbigay lang ako ng update sa kaniya na nandito na kami ni Sven sa hacienda. He wanted to come, but after I told him about everything, he respected my decision to go here with Sven.Nilingon ko si Sven sa tabi ko at tinanguan ito. Sabay kaming pumasok sa silid ni Mommy. Nakasandal siya sa headboard ng kama, malamlam ang mga mata na nakatingin sa amin. Magkatabi kaming naupo sa sofa na malapit sa kama nito."I hope you're doing well," Sven started. "I'm sorry to come here without notice, but I want to know what happened. Why did you do it? Why did you... killed my child?"Napatingin ako kay Sven nang mag-crack ang boses niya. I can see how his face turned red. Hinfi ko alam kung dahil sa galit o sa matinding emosyon."Is it because you hate me so much? You killed your own grandchild because you don't like me? Because I wasn't rich back then?"Napalunok ako. Ramda
Andi's POV"Andi?!" narinig kong gulat na sambit ni Melody sa pangalan ko.Hindi ko siya binigyan ng pansin at itinuon lang ang paningin ko sa babaeng tinatawag niyang Pauline. Now I remember it, she told me her name back then. Nagmamalaki niyang sinabi kung sino siya at kung ano siya ni Sven noon."Kasinungalingan lang pala ang lahat? All this time, I thought Sven cheated on me."Napaatras si Pauline nang marinig ang sinabi ko. Kabadong nilingon nito si Melody.Mariin kong kinuyom ang mga kamay ko. "Magkasabwat kayo?""Hindi! Mali ka nang narinig, Andi—""Huwag ka nang magsinungaling, Melody! Narinig ko na ang lahat! Buking ka na!""Tanga! Mali ka nga ng pagkaintindi! At saka, bakit nandito ka pa? Sinong may sabi sa iyo na puwede kang pumasok? Pamamahay ko ito!"Tumango ako. Hindi makapaniwala na pagkatapos niya kaming sirain ni Sven, may kapal pa siya ng mukhang magmatapang sa akin."Inggitera!" bulyaw ko na ikinatigil nito. "Noon pa man, inggit ka na sa akin. Hindi ka na nakuntento
Andi's POVKALALABAS ko lang mula sa shower at kasalukuyan akong nagpapatuyo ng buhok ko gamit ang towel. Napatingin ako sa aking cellphone na nasa ibabaw ng sidetable. Kanina pa iyon ring nang ring pero hindi ko pinapansin.Sigurado ako na kung hindi si Sven ang tumatawag, si Melody ito. I don't know why she keeps on calling me. I told her I'm not seeing Sven anymore, but she doesn't seem to believe me.Matapos kong makapagpalit ng damit na pantulog, nakatanggap na naman ako ng tawag. But this time, it wasn't from Sven or Melody. Galing sa guard sa baba. Sinagot ko ang tawag at nagtaka sa narinig."May babaeng naghahanap sa inyo dito sa baba, ma'am.""Bakit hindi mo pinaakyat?""E, lasing na lasing ho. Nagwawala."Nalukot ang noo ko sa narinig. Mukhang kilala ko na kung sino ang tinutukoy nito. "Is that Melody? I mean, iyong babaeng kasama ko dati?""Opo."Bumuntonghininga ako at napailing. "Sandali, lasing siya?""Oo, ma'am. Lasing na lasing."Ibinaba ko agad ang tawag at nagmamadal
Andi's POVNARAMDAMAN ko ang dalawang maskulado at mabalahibong braso na yumakap sa akin mula sa likuran. Ares sniffed my neck before giving me small kisses on my cheeks."Everything is ready."Bumuntonghininga ako bago pilit na ngumiti. "Okay.""Bakit parang hindi ka yata masaya? Are you still thinking about him?""Ares, pagod lang ako.""Oh, really?" Nag-iba ang tono ng boses niya kaya nilingon ko ito."Ikakasal na tayo, di ba?"Mataman niya akong tinitigan gamit ang seryosong mga mata. "Ikakasal ka nga sa akin, ibang lalaki naman ang iniisip mo."Umikot ang mga mata ko. Babalik sana ako sa desk ko pero mahigpit niya akong pinigilan sa braso."Let go of me, Ares. Masakit.""Umamin ka nga sa akin, Andi. Are you still in love with you ex-husband?"Mariin akong lumunok. Naalala ko ang nangyari kahapon, kung paano ko inamin sa sarili ko na mahal ko pa rin si Sven, only to discover that Melody is pregnant with his child."Hindi na."Nginisian niya ako. "And what about me? Do you love me?
Sven's POVHINDI ako mapakali habang paulit-ulit na tinatawagan ang numero ni Andi. Nang mawalan ng malay si Melody, wala akong magawa kundi dalhin ito sa loob ng bahay ko. Pero pagbalik ko, wala na si Andi sa kitchen. Wala na rin ang mga damit niya."Hiwalayan mo siya, please."Natigilan ako nang marinig ang mahina at malungkot na boses ni Melody. Tiningnan ko ito at labis na awa ang naramdaman ko.I know I'm such a jerk for using her. And if I could only take her pain away, I would do it. Pero ang masaktan siya ang kapalit ng katuparan ng pangarap kong muling makasama si Andi. Mahirap man sa loob ko, wala akong magagawa para sa kaniya."Sven, nagmamakaawa ako."I put my phone away and walked slowly to the couch where she was sitting. Umaagos ang luha sa mga pisngi niya habang nagsusumamo ang mga matang nakatingin sa akin.I took her hand and gently squeezed it. "I can't, Melody.""Why not? Why?""I love her so much."Mariin siyang pumikit. "Hindi ba puwedeng ako na lang? Ako na lang
Andi's POVNATIGILAN ako nang tuluyan humarap sa akin si Sven at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Kitang-kita ang kalituhan sa mga mata niya. Bakit parang totoo? Bakit parang wala talaga siyang alam?"Hindi ko maalala ang pangalan niya, pero sinabi niya sa akin na girlfriend mo siya.""What? No, that's not true. Mag-isa ko lang noon, Andi. Wala akong kasamang ibang tao nang umalis ka at bumalik sa inyo."Napatayo na ako sa puntong iyon. "I saw her kissing you! I talked to her! Sinagot-sagot niya ako at matapang niyang ipinamukha sa akin na niloloko mo lang ako!"Paulit-ulit na umiling si Sven. Napatayo na rin siya. "Wala akong iba, Andi. Ikaw lang ang babae sa buhay ko no'n.""You're lying!""No. Andi. Maniwala ka, inaamin ko, nagsinungaling ako, pero wala akong ibang babaeng minahal, ikaw lang. Mula noon hanggang ngayon, Andi, ikaw lang."Muling umagos ang masaganang luha sa magkabila kong pisngi."Then who is that woman? Sino ang babaeng nakayakap sa iyo noong gabing iyon? Sino
Andi's POVSven stared at my face for a long time. Shock and disbelief were evident in his eyes. Nagbaba ako ng paningin dahil kahit namumuhi ako kina Mommy, nahihiya rin ako sa ginawa nila."Andi, ang ibig mong sabihin... "Malungkot ko siyang tinanguan.Mariin niyang ipinikit ang mga mata pagkatapos ihampas ang kamao sa ibabaw ng mesa. "Fuck! All this time, akala ko, nagpa-abort ka dahil sa akin.""Kaya umalis ako noon sa amin. Hindi ko sila kayang patawarin, at hindi ko rin kayang patawarin ang sarili ko. Wala akong nagawa para sa anak ko. Wala akong nagawa."Tumingin siya sa akin, maagap akong hinila sa baywang para yakapin. "It's not your fault, wala kang kasalanan, Andi. Ako, kasalanan ko ang lahat. Kung hindi ko ginawa iyon... kung hindi kita—""Bakit ka nagsinungaling?"Napakalas siya ng yakap sa akin nang itanong ko iyon. Pulang-pula ang mga mata niya."Talaga bang... pinakasalan mo lang ako para sa pera? Para sa yaman ng mga magulang ko? I want to know the truth, Sven. Pleas
Andi's POVLUMABAS ako mula sa cafe shop kung saan kami nag-usap ni Hayate. Nangingilid ang luha sa mga mata ko, kung saan-saan ko ibinabaling ang ulo ko dahil hindi ko alam kung saan titingin, saan pupunta o maski ano ang iisipin.Natagpuan ko na lang ang sarili ko, halos kalahating oras ang nakalipas, na naglalakad sa gilid ng kalsada. Nang marating ko ang mataas na gate, sa halip na mag-doorbell, sumandal ako roon at piniling maghintay.Nandito ako sa labas ng bahay ni Sven. Dito ako dinala ng mga paa ko matapos ng mga nalaman. I wanted to talk to him, but I'm afraid. Takot ako na baka kasama niya si Melody, takot ako na malamang inaayos na nila ang relasyon nila. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin, basta ang sigurado lang ako, siya ang gusto kong makita sa mga sandaling ito.Makaraan ang dalawang oras, tumigil sa tabi ang isang itim na sasakyan. Kotse iyon ni Sven. Umibis siya ng sasakyan niya, at hindi ko na inisip kung kasama ba niya si Melody o hindi. Patakbo akong lumap