Share

Kabanata 18: Thank you

EURY POV

Nagmamadali akong bumalik sa cottage namin at nang makita ko na wala ni kahit na sino man ang naroroon ay agad na akong pumasok sa kwarto ko.

Nang maisarado ko na ang pintuan ay agad akong napasandal doon. Wala sa sariling pinakiramdaman ko ang tibok ng puso ko. Sobrang bilis non na para bang kakapusin na ako sa aking paghinga.

Naalala ko ang mga sinabi ni Zandro kanina.

'You need to get change. The smell of other guy is lingering on you. It's disgusting!'

'I don't want you dirtying yourself with that stench.'

What the hell was that?

Napasapo ako sa aking mukha at agad na pumasok sa banyo. Bakit ba bigla-bigla na lang sumusulpot si Zandro sa kung saan? Pero mas mabuti na rin iyon at natulungan niya ako kanina. Kung hindi ay baka kung ano na ang nangyari sa akin.

Nagbabad ako ng ilang minuto sa banyo at nang matapos na ako ay kaagad na akong nagbihis ng damit. Hindi na ako nagsuot pa muli ng swim wear at baka mabastos pa ako ulit sa dalampasigan.

Nang lumabas ako sa aking sil
Chapitre verrouillé
Continuer à lire ce livre sur l'application

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status