Share

Kabanata 19: Back to School

EURY POV

Maaga akong nagising ngayon kaya maaga rin akong pumasok sa eskwelahan. Naglalakad ako ngayon sa hallway habang panay ang paghikab ko.

Pagod na pagod ako sa naging lakad namin at pakiramdam ko ay ang bigat-bigat ng katawan ko na gusto ko na lang matulog buong araw. Pero hindi pwede dahil may pasok nga ako.

Paliko na sana ako sa hallway nang makarinig ako ng isang ingay sa likod ng eskwelahan. At dahil sa kaisipan na baka si Zandro na naman ang gumagawa ng gulo ay nagmamadali akong tumakbo patungo doon.

Tangina! Huwag niyang sasabihin na nakikipag suntukan na naman siya ngayon?

Marahas kong binuksan ang pintuan dito sa likod at humahangos na lumabas.

"TUMIGIL KA!!!" malakas na sigaw ko habang nakapikit.

Narinig ko ang biglaang katahimikan sa paligid kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nagulat ako nang makita ko ang walong lalaki na naririto. Nakatingin sila sa akin na para bang nagtatanong sila kung sino ba ako at kung ano man ang ginagawa ko dito.

Nilibot ko ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status