KYLIE POVHanggang sa matapos ang klase namin sa ikatlong subject namin ngayong hapon ay wala pa ring Zandro na nagpakita.Hindi na tama ito. Talagang iba na ang nararamdaman kong kaba patungkol sa kanyang naging reaksiyon kanina.Mabilis akong tumayo at akma na sanang lalabas ng classroom nang bigla na lamang akong tinawag ni Lanie."Eury, saan ka pupunta? Baka dumating na si Sir ngayon," sabi ni Lanie sa akin."Sandali lang naman ako, Lanie. Titingnan ko lang saglit sa rooftop si Zandro at baka kasi ay natutulog na naman ulit iyon doon sa itaas," sagot ko sa kanya at hindi na hinintay pa ang mga magiging sagot niya.Agad akong lumabas ng classroom at tinahak ang daan papunta sa rooftop. Pumasok ako sa isang nakasaradong pintuan at agad na umakyat sa paikot at mataas na hagdanan. Halos takbuhin ko na nga ang hagdanan para lang makarating ako sa itaas. At nang nasa itaas na ako ay halos pahangos ko nang binuksan ang nakasarang pintuan doon."Zandro!" hinihingal na tawag ko agad sa pan
EURY POVPumasok ako sa gate ng bahay namin at halos mapatalon na ako sa sobrang gulat nang makita ko si Mama na nakaabang sa balcony. Mas lalo lamang tuloy akong kinabahan dahil sa uri ng kanyang masamang tingin sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang mapalunok nang mariin. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ginabi ako sa aking pag-uwi galing sa school."M-mama, pasensya na po at natagalan ako sa pag-uwi," kinakabahang anas ko habang papalapit na sa kanya.Halos manlaki ang mga mata ko at halos mapatili pa ako sa sobrang sakit nang bigla na lamang niya akong piningot sa aking tenga."Ikaw bata ka! Anong oras na at ngayon ka lang nakauwi! Bakit ka natagalan ha?! Anong ginawa mo?! Aba! Hindi pwede sa akin ang ganyan Eury at baka masanay ka nang gawin iyan palagi!" galit na sabi niya sa akin habang hawak pa rin ako sa tenga."Aray! Aray! Ma! Magpapaliwanag po ako!" pakiusap ko sa kanya.Nakita ko naman ang paglabas ni Daddy sa double doors ng bahay namin. At base sa itsura niya ay mukhang k
ZANDRO POV"What if I declined to that? What are you going to do? Are you gonna force me? Even if I don't agree to it?" malamig na anas ko na ikinagulat nilang lahat.Pumaibabaw sa aming lahat ang isang mahabang katahimikan dahil sa sinabi kong iyon."B-but, Young master. The Consigliere is right. Ikaw lang ang pwedeng humalili sa namayapa mong ama. After all ito ang pinakadahilan kung bakit hanggang ngayon ay binibigyan ka ng iyong ama ng mga trabaho. Para pagdating sa takdang panahon ay alam mo na ang mga maaari mong gawin. At ito na ang panahon na iyon," mahabang utal ni butler Leonard sa akin."You are our underboss, young master. You are our second in command. You are being groomed and trained to take over the family businesses." Vodka added.Hindi ko tuloy naiwasang mapaismid sa mga sinasabi nila.How funny is this.Noong buhay pa ang tatay ko ay wala silang pakialam sa akin. Hinayaan nila akong malayo sa aking ina at ngayon na wala na ang aking ama ay lahat sila lumalapit na ng
ZANDRO POV"Young master, are you okay?" nag-aalalang tanong ni butler Leonard sa akin matapos nang naging pag-uusap naming lahat kanina.Matalim ko lamang siyang tiningnan na agad niyang ikinayuko ng kanyang ulo sa akin."What was that all about? Bakit ngayon mo lang sa akin sinabi ang lahat ng tungkol sa mga kaguluhang nangyari noon?" pigil ang galit kong tanong sa kanya.Kami na lamang dalawa ngayon ang naiwan dito sa underground. Nang natapos kasi ang usapan kanina ay agad nang umalis sina Piper, Lucas at Lexius."Ipagpaumanhin po ninyo young master pero sinusunod ko lang naman po ang kung ano mang iniuutos sa akin ng iyong namayapang ama," nakayukong sabi niya.Sa ikalawang pagkakataon ay muli akong napapikit. At tsaka pagod na napasandal sa aking upuan.Nalilito ako sa kung ano nga ba ang dapat kung gawin ngayon. Marahan kung hinihilot ang aking sentido dahil sa biglaang problema na nangyayari ngayon sa akin.Ngunit ganoon na lamang ang pagmulat na ginawa ko nang marinig ko ang
EURY POV"P-po? A-ano pong sinabi niyo lola?" gulat na tanong ko sa kanya at wala sa sariling napalingon sa itim na nakasarang gate nila Zandro."Oo hija. Nakita ko kaninang madaling araw na umalis silang lahat. Grabe, sobrang yaman pala ng kaibigan mo hija. Akalain mo ba naman na halos apat na nagmamahalan at nagkikintabang sasakyan ang lumabas dito sa mansyon na ito. Pawang mga itim na sasakyan at sa tantiya ko ay nasa mga bandang alas dos na yata iyon ng madaling araw. Hindi naman sa nagiging chismosa ako hija ha. Pero talagang lahat kami dito sa subdivision na ito ay talagang nagtataka sa pamilya ng nakatira sa mansion na ito. Kasi naman, sino ba ang hindi magtataka ehh sa daig pa ang presidente sa dami ng mga security guards na nagbabantay sa mansion na ito. Sobrang higpit ng siguridad ehh hindi naman madaling pasukin itong bahay nila. Bukod sa marami na ang security nila ay sobrang taas pa nitong pader nila na kahit hanggang doon sa ikalawang palapag ng bahay ko ay hindi ko mas
ZANDRO POV"As you wish my boss. I will now take my leave," sagot ni Vodka sa akin at tsaka marahan na yumuko bago siya tuluyang umalis para gawin ang iniuutos ko.Nilingon ko ang tahimik lang na si Tequila at mukhang nakuha naman niya agad ang ibig kong iparating dahil agad naman siyang lumapit sa akin."What is it my boss?" agad na tanong niya ng tuluyan na siyang nakalapit."Prepare the proper burial of my late father and make it very exclusive. I don't want any pest to enter the whole perimeter of this house," malamig na utos ko sa kanya na ikinatitig niya sa akin."Right away boss!" igting ang mga panga niyang sagot at tsaka sumunod na umalis kay Vodka.TEQUILA POVNang nakalabas na ako ng silid na iyon ay wala sa sarili akong muling napalingon sa nakasarang pintuan.Kanina nang matitigan ko ang mga mata ng batang underboss na namin ay muli kong nakita at naramdaman ang presensya ng aming godfather.Sa uri ng aura, tingin at maging sa mga kilos niya ay talagang hindi maipagkakail
THIRD PERSON POV"What is the meaning of this, Vodka? You must explain yourself to all of us right this instance!" sabog na galit ni Mr. Vlademir kay Vodka.Ipinapakita lamang nito na talagang hindi siya sang-ayon sa anumang anunsyong naganap ngayon-ngayon lang.Tuluyan namang nakalapit si Zandro sa tabi ni Vodka at gamit ang matatalas na mga mata ay binalingan niya ng tingin isa-isa ang apat na mga opisyal. Dumako ang mga mata niya sa panghuling opisyales na siyang si Mr. Vlademir. Bakas na bakas sa buong mukha nito ang sobrang galit."This young boy is our new godfather? Huh! You got to be kidding me. How can this mere child can handle our big organization?" Mr. Vlademir spat in so much mockery in his voice.Dumilim naman ang mukha ni Zandro sa kanyang narinig at halos kumuyom ang kamao niya sa sobrang galit ng maalala na ito pala ang matandang sinasabi nina Vodka at Tequila na siyang may pakana sa pagkamatay ng kanyang ama. Pero talagang hindi lang nila ito magalaw galaw dahil sa w
AMETHYST POV"What happened at the dark underground?" tanong ko kay Vodka habang ang mga mata ay nakasunod sa papaakyat na pigura ng aking anak sa itaas ng hagdan.At nang nawala na ito sa aking paningin ay tsaka ko lang nilingon si Vodka na tahimik lang sa aking tabi at nakatingin rin pala sa direksiyon ni Zandro."Ang masasabi ko lang ay hindi siya nalalayo sa kanyang namayapang ama, Madame Amethyst," sagot ni Vodka sa akin na ikinakunot ng aking noo."What do you mean?" litong tanong ko sa kanya.May nangyari ba na hindi maganda sa naging meeting nilang lahat kanina sa dark underground? Tumutol ba ang lahat ng mga opisyales na maging leader ang aking nag-iisang anak?"Huwag po kayong mag-alala, Madame. Magiging mas mahusay at mas makapangyarihan pa ang anak niyo kumpara sa kanyang namayapang ama," ani ni Vodka sa akin at tsaka marahang yumuko sa akin."Ipagpaumanhin po ninyo pero may mga aasikasuhin pa po akong mga bagay sa magiging study room ng ating bagong godfather. If you may
EURY POVNang makita ko si Zandro na may kausap na iba ay nakaramdam ako nang pag-aalangang lumapit sa kanila. Para kasing hindi tama na istorbohin ko silang dalawa sa kung ano man ang pinag-uusapan nilang dalawa. Kaya minabuti ko na lamang ang umalis na lang nang sa ganoon ay magkaroon pa sila nang mahabang oras na mag-usap dalawa. Pwede ko namang itext na lang si Zandro mamaya na sa office na lang muna ako kakain ngayon.Saktong palabas na ako nang pintuan nitong restaurant nang maramdaman ko ang biglaang paghawak sa aking palapulsuhan ng kung sino man. Mabilis pa sa alas kwatro ko iyong nilingon at halos manlaki na ang mga mata ko nang makita ko si Zandro na seryosong nakatitig sa akin."Z-Zandro?" nauutal na tanong ko sa kanya sa medyo gulat ko pang boses.Bakit hindi ko napansin ang naging paglapit niya sa akin? Nalita niya pala ako?"Where are you going? I thought we were having our lunch together Eury," bruskong tanong niya sa akin.I was taken a back by what he just said and m
EURY POV "I'm sorry kung dahil sa akin ay nawalan ka ng isang mahusay at magaling na secretary hija." "It's ok Mr. Kho. Mahusay rin naman si Lindy kahit papaano at malaki rin ang tiwala ko sa kanya na hinding hindi niya ako pagtataksilan. Weve been working together for almost a year now and I must say na talagang mapagkakatiwalan siya at hindi madaling masilaw sa pera," I said na muling ikinayuko ni Mr. Kho. Isang mahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa bago siya muling humugot ng lakas ng loob para muling magsalita. "I'm here to say sorry to you hija. At pati na rin sa nagawa sa daddy mo," panimula niya na ikinaliwanag ng mukha ko. "Matapos kong makita ang video record na ibinigay mo sa akin ay buong magdamag akong hindi nakatulog nang maayos. Napagtanto ko na hindi talaga maganda at mabuti ang lahat ng mga nagawa ko. Pasensya na talaga sa mga maling nagawa ko sa pamilya mo lalong lalo na sa papa mo. Sa kagustuhan kong mas mapalago ang kompanya ay hinangad ko ang posisy
EURY POVKinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa kinakailangan ko ngang maging maaga sa pagpasok sa kompanya. Kahit na mabigat pa rin ang katawan ko dahil sa walang sawa akong paulit ulit na inangkin ni Zandro kagabi ay dapat pa rin talaga akong bumangon nang maaga.Suot ang isang casual na kasuotan ay taas noo akong naglakad papasok sa nakasarang pintuan ng opisina ni daddy. Nakita ko pa nga si Lindy na nasa secretary table. Nakayuko siya sa akin habang magalang rin na bumabati.Siya kasi ang ipinalit ni Zandro sa secretarya ni daddy na sinisante ko kahapon. Hindi naman na ako umangal dahil sa mas pabor sa akin na si Lindy pa rin ang maging secretary ko dito.Nang tuluyang makapasok ay agad na akong naupo sa aking upuan at hindi pa nga nagtatagal ay narinig ko ang marahan pagkatok ni Lindy mula sa labas ng pintuan. At kagaya nang palagi niyang ginagawa noon ay hindi na niya hinintay pa ang sagot ko dahil sa kusa na siyang pumasok. May dala siyang isang tasa ng kape at habang ini
EURY POV"Ahh...ah..." I moaned while Zandro keep on rocking to my core.Wala sa sarili naman akong napasabunot sa kanya. Mas lalo lang akong nabaliw sa sensasyong ipinapadama niya sa akin ngayon nang mula sa pagkakahiga ay ibinangon niya ako at ipinaupo sa kanyang kandungan.Mahigpit ang hawak niya sa akin habang sabay naming sinasayaw ang ritmo nang kamunduhan."Ughh!" Another moaned escaped from me because of the so much desire and pleasure that I am feeling right now."Ahh..fuck your still so tight baby. Ughhh!!" He moaned while leading my hips to move back and forth.Bawat pagbabayo at pagsasalpakan ng aming katawan ay rinig na rinig ko ang tunog na idinudulot non sa amin.Nasa sahig kaming dalawa ngayon nang mismong opisina ni daddy at pareho na kaming hubo't hubad. Nagkalat sa paligid ng sahig ang mga saplot namin habang nakapatay naman ang ilaw dito sa loob. Rinig na rinig sa buong sulok nitong opisina ang bawat halinghing at ungol naming dalawa. At kung papaano ito nangyari a
EURY POV Hinawakan niya ang baywang ko at agad ulit akong inataki ng halik sa aking labi pababa sa aking dibdib. Habang ang isa pa niyang kamay ay marahang hinihimas ang ilalim ng aking suot na damit. Halos ramdam ko na nga ang init ng kanyang magaspang at malaking kamay sa aking mga hita. Napasinghap pa ako at mahigpit na napakapit sa kanyang balikat nang matunton ng kamay niya ang gitna ng suot suot kong panty. "N-no, it can't. We can't do this right here, Zandro. Hindi ba makapaghihintay iyan sa condo?" nababahalang pigil ko sa kanyang ginagawa sa akin at tsaka ko binawi ang postura ko. Ngunit naramdaman ko na lamang ang mas paghigpit ng hawak niya sa akin. Gulat na tinitigan ko siya at sa nanalalaking mga matang sinamaan ng tingin. Pero mukhang ayaw niya talagang magpaawat. Dahil kita ko iyon sa kanyang mga mata. "I can't wait anymore longer baby. Damn it! Your making me so crazy right now," sabay ataki niya muli sa akin nang halik na mabilis ko namang pinigilan. "Hinihintay n
EURY POV "M-ma'am.." nauutal na anas niya sa akin gamit ang hindi makapaniwalang boses niya. "Huwag na huwag mo akong matawag tawag na ma'am! Ang akala mo ba ay palalampasin ko ang ginawa mong pagtratraydor sa ama ko! Lumayas ka at sinisisanti na kita!" malakas na sigaw ko sa kanya habang mariing nakaturo sa naiiyak niyang mukha. Kung si Mr. Kho ay napatawad ko sa mga ginawa niya ang babaeng ito ay ibang usapan na. Papaano naging iba? Dahil si Mr. Kho ay naiintindihan ko ang kagustuhan niyang maupo sa posisyon ni daddy dahil sa gusto niya pang palaguin ang kompanya sa mali niyang paraan. Alam kong masama pa rin iyon pero para rin naman sa kompanya. Pero ang babaeng ito! Hindi ko siya mapapatawad dahil sa wala siyang dangal! Pumayag siyang lasunin ang daddy ko kapalit ang isang kakarampot na halaga. Kung nasilaw na siya sa pera papaano ko pa siya mapagkakatiwalaan sa susunod? Naniniwala pa naman ako sa kasabihang walang tapat na tao kung madali lang itong masisilaw sa salapi. "M-ma'
EURY POV "W-wala kang ebidensya-" Sa naging pahayag na niyang iyon ako tuluyang sumabog. Kaya naman ay hindi ko na hinintay pa na matapos pa niya ang kanyang mga salitang ibig na sasabihin. "I have all of the evidence! We have all of the evidence Mr. Kho! Alam mo? Gustong gusto ka naming mapahiya sa lahat dahil nang sa ganoon ay malaman nang lahat kung gaano ka kasama! Pero hindi namin ginawa! Hindi namin ginawa ni mommy na siyang mas na nasaktan sa mga ginawa mo sa daddy ko! Alam mo kung bakit? Dahil para sa akin ay batid kong nagawa mo lang ang lahat ng iyon dahil sa pagmamahal mo sa kompanya. Kita kong tapat ka sa trabaho mo at ang tanging gusto mo lang ay mas maitaas pa ang kompanyang ito. Pero Mr. Kho maraming paraan para maitaas mo pa ang negosyo natin. Maraming paraan para mapanatili natin ang magandang estado nito. Alam mo bang galit na galit ako sa ginawa mo sa ama ko pero mas nanaig pa rin sa akin ang kaisipang matagal ka na niyang nakasama sa trabaho at alam ko rin na mal
THIRD PERSON POINT OF VIEW "So that is all about. Meeting is adjourned," anunsyo ni Mrs. Solarte sa lahat na mga kasamahan na agad namang nagsitayuan. "Ipinagkakatiwala na namin sa iyo ang kompanya hija at sana naman ay mapanatili mo ang maayos na nasimulan ng iyong ama," nakangiting utal ng mga board members kay Eury na siyang ikinangiti niya nang husto. "Don't worry po. I will try my very best to maintain the high status of the company. Hinding hindi ko po kayo bibiguin lalong lalo na po ang ama ko," sabi niya sa mga ito na siyang ikinangiti ng mga matanda. "Talagang anak ka nga ni Mr. Chairman. Kuhang kuha mo ang pagiging positibo at mabait niyang ugali. Ang akala ko pa naman ay mataray ka hija ahahaha pasensya na. Iyon kasi ang first impression ko sa iyo," biro ng matatanda sa kanya bago ito nagsilabasan ng conference room. Nilingon niya si Zandro at nakita niya na pinipigilan nito ang pagtatangkang paglabas ni Mr. Kho. Kaya naman habang wala pang nakakapansin mula sa iba pan
THIRD PERSON POINT OF VIEW "Titigan at basahin niyo nang mabuti ang bawat mga salitang nakasulat at nakasaad diyan sa papel na nasa harapan niyo!" "Birth certificate? May anak kayo Mrs. Chairwoman?" gulat na pakli mula sa isa sa mga board members. "Ngayon mo sabihin sa akin na wala kaming tagapagmanang anak na pwedeng humalili sa pwesto ng aking asawa Mr. Kho?" naghahamon na anas ni Mrs. Solarte sa matandang lalaki at tsaka biglaang tumayo. "Ngayon ay napag-usapan na natin ang tungkol sa bagay na ito ay nais kong pormal na ipakikilala sa inyong lahat ang nag-iisa kong anak. Ang anak namin ni Luis na matagal na naming itinago sa publiko at maging sa inyo na rin. Everyone, i want you all to meet my daughter Eurydice Valdez Solarte," anunsyo ni Mrs. Solarte sa lahat at hinawakan ang kamay ni Eury dahilan para agad siyang tumayo sa harapan ng lahat. Isang mahabang katahimikan ang namayani sa apat na sulok ng conference room. Bakas sa mukha ng lahat na sobra silang nabigla sa kanilang