Tumayo na ako at nagtungo sa entablado kasama ko si Sebastian na umakyat sa stage bago ako nagsimulang mag salita. "Hi everyone! Una sa lahat ay nagpapasalamat kaming mag-asawa sa pagdalo ninyo sa ika 10 kaarawan nila Lindsay and Joshua (tinawag ko din ang kambal sa stage) come here Lindsay, Joshua . (umakyat na nga din ang kambal sa stage) Gusto ko lang pong kuhain ang oportunidad na ito para magpasalamat sa lahat ng taong tumulong at naglaan ng kanilang panahon para tulungan ako ng mga panahong na down ako (napapaluha na ako sa puntong ito, gumagaralgal na ang aking boses sa pagsasalita) Hindi niyo po alam na kayo ang naging lakas ko, sa mga kaibigan ko Colton, Nicholai (bumaling ako ng tingin sa kinauupuan nilang dalawa). Salamat sa pagsakripisyo pati na ng propesyon niyo para lang mabantayan kami sa America, kay Yaya Editha (turo ko naman sa pwesto ni Yaya Editha) na halos limang taong nagtiiis na hindi umuwi ng Pilipinas para mabantayan kaming mag iina at siguraduhing maayos a
NATALIE POV Ilang araw ng hindi maayos ang pakiramdam ko. Siguro ay dala ito ng matinding pagod nitong nakaraang araw sa pag-asikaso sa birthday ng kambal. Sabay sabay din kasi ang ginawa kong pag-iintindi dito pati na ang pag-momonitor sa Sta. Barbara at sa The Ligthen-Er. "Hon siguro magpahinga ka na muna, wag ka muna kayang pumasok sa office mo ngayong araw. Baka na o-over fatigue ka na. Mag leave ka na lang muna kahit 3 days pero kung hanggang mamaya hindi pa rin magiging ok ang kondisyon mo ay magpatingin ka na siguro muna sa doctor. Mahirap na baka lumala pa iyan Hon, ilang araw ka na din nilalagnat lagnat” sabi sa akin ni Sebastian. Nakasandal lang ako sa head board ng aming kama, Hinang hina talaga ang buong katawan ko, hindi ko maintindihan kung ano ba ang nararamdaman ko. Parang binibiyak ang ulo ko sa sakit, umiikot din ang buong paligid ko. Bumabaliktad din ang sikmura ko ngayong umaga. Natatakot akong baka bumalik na naman ang aking sakit kaya ako nagkakaganito. Hin
“Hintayin na lang natin si Sebastian gusto ko din siyang kasama sa pagapaptingin namin sa Doctor” Sagot ko kay Michelle.“Sige may kaibigan akong OB-GYNE na magaling. Recommended talaga itong si Doctor Paulina, ito ang numero niya pero kung gusto mo tatawagan ko na siya para makakuha ka na ng appointment mahirap kasing maka kuha ng slot sa kanya para makapag patingin. Madami kasi siyang kliyente na mga malalaking tao.” Sabi pa sakin ni Michelle“Sige ikaw ng bahala Michelle, kuhaan mo na ako ng appointment para pagdating ni Sebastian ay maakaalis na tayo. Salamat.” Nakangiti kong sabi sa kanya. Tila biglang nagbago ang mood ko sa aking nalaman. Kung kanina ay nanghihina ako ngayon naman ay tila biglang lakas ng aking pangangatawan. Na excite din ako sa aking nalaman, makalipas ang sampung taon ay masusundan na din ang kambal. “Sige dito na muna ako sa may Sala niyo , mag prepare ka na para pagdating ni Sebastian ay diretso na tayo kay Doctor Paulina. Ako ng bahala sa schedule mo” Sab
CELESTINE POV Bigla akong sinamaan ng pakiramdam ng makita ko sa news ang tungkol sa pagdadalang tao ni Natalie. Hindi ko inaasahan na magbubuntis na naman ito kay Sebastian. Nanakbo ako diretso sa aming banyo dahil sa pagbaliktad ng aking sikmura. Nang matapos ako sa aking pagsusuka ay napaisip akong bigla. Hindi nga din pala ako dinadatnan pa. Delayed na ako ng mahigit sa dalawang linggo. “Suzette! (Sigaw ko sa aking kapatid) halika nga dito. Bilisan mo. bumili ka nga muna sa pharmacy ng Pregnancy Kit” pag uutos ko dito Bumulhak ng kakatawa naman itong si Suzette sa akin “hahahha bakit sis don’t tell me buntis ka din? Inggitera ka talaga. Sinabayan mo pa talaga kung sakali si Natalie. Baka mamaya sabihin mo saming si Sebastian din ang tatay niyan . Hahaha” Tawa ng tawa niyang sabi sa akin. “Puny*ta ka puro ka kalokohan. Basta bumili ka na! Mang aasar ka pa” sagot ko sa kanya. “Nasan ba si bunso siya na lang utusan mo para may motor ako pa uutusan mo magbabyahe pa ko wala n
KIM POVNapabalikwas ako ng bangon sa lakas ng pagkakakatok ni Tikya sa labas ng pintuan ng kwartong tinutuluyan ko nagbalik naman ako sa pagkakahiga at hindi inintindi ang pagwawala nito . Wala siyang tigil sa kakasigaw sa pangalan ko, sa tinis ng boses nito ay rinding rindi na ako kahit pa takpan ko ng unan ang tainga ko kaya naman tumayo na ako ng tuluyan at pinagbuksan ito ng pintuan.*puts* naman Tikya ang aga aga pa napaka-ingay mo na.” Pagmamaktol kong angal kay Tikya“Aba ang diput* siya pa ang may ganang magreklamo (sigaw nito sa akin habang namamaypayan siya ng kanyang abanikong pamaypay. Sinasadya nitong marinig ng lahat ang kanyang sinasabi kaya naman nagtitingan ang mga pokpok nitong alaga na naghihintay ng mga parokyano nila sakin) HOY KIM! Ilang buwan na ng hindi nakakapag bigay sakin. Palalayasin na talaga kita kapag hindi ka pa nakapag bigay sakin ngayong buwan sinasabi ko sayo.” Malakas na hiyaw nito sa akin“Aba tikya wag mong sabihin na naubos mo na ang perang bini
NATALIE POV Dahil sa tagal din ng panahon ng huli kong nabisita si Charles sa US ay binalitaan naman ako nila Colton na malapit na daw itong ikasal sa kanyang naging girlfriend na nakilala niya sa Greece. Kaya naman tinawagan ko ito upang batiin siya sa kanyang naging engagement. "Hello Charles! Si Natalie ito. Ang tagal na nating hindi nakapag usap aah. (masaya kong bati dito) mmfff ikaw aah magtatampo na ako sayo niyan, hindi ka na nga pumupunta sa mga okasyunan namin tapos ngayon malalaman ko kila Colton na ikakasal ka na pala." pabiro kong sabi dito "hahaha! ikaw talaga Natalie, pagpasensyahan mo na alam mo namang ang tagal ko bago naka move on sa pam-bu-busted mo sa akin. Umiwas lang din talaga ako kasi hindi ko kayang pigilan ang sarili ko kung hindi ako iiwas. Tatawagan na din sana kita kaya lang naunahan mo na akong tumawag. Last week lang ako na engage kaya lang kailangan naming makasal kagad ni Liz dahil babalik na ito ng Greece. Dun kasi siya naka settle down. Mag 6
AFter 5 yearsTIMOTHY POVAng bilis ng panahon . Parang isang iglap lang ngayon ay Malapit ng makapag tapos sina Penelope at Aurora. Hindi ko naman sila pinilit na mag abogarsya. Hinayaan ko silang mamili ng gusto nilang kurso. Hindi man nila napili ang landas naming mag-asawa ay atleast nagkaruon ito ng interes sa pagnenegosyo kagaya ng kanilang Auntie Natalie. Masaya ako sa tinatahak nila. Nabanggit nga sakin ni Natalie na talagang nag-e-exceed ang dalawa sa kanilang ginagampanang trabaho sa Sta. Barbara, gusto nila ang kanilang ginagawa kaya naman hindi na kami tumutol ni Emily. Nakakalungkot nga lamang at hindi na makikita ni Daddy ang achievement ng kanyang mga apo dahil pumanaw na din ito 6 na taon makalipas ang pagpanaw ni Mommy. Dala na rin ng katandaan niya. Si Manang Luming naman ay tuluyan ng nagpaalam sa amin at nais na niyang magpahinga kasama ang kanyang mga kapatid at pamangkin.Nag ring naman ang aking telepono. Si Natalie ang tumatawag sa akin.“Yes Natalie napatawag
NATALIE POVPinagmamasdan ko ang aking pamilya habang nagtatawanan ang mga ito sa aming sala. Alam kong hindi ako perpekto pero masaya ako sa kung ano mang ngyari sa buhay naming mag-asawa. Marami man naging pagsubok ay naging maayos din naman ang lahat sa pagtutulungan naming mag-asawa naging matatag kami dahil sa pananalig namin at pagmamahal na mayroon kami para sa isa't isa . Ang hindi namin pagbitiw sa isa't isa ang naging dahilan ng lahat ng mayroon kami ngayon. Ang pagtitiwala namin sa Panginoon at pagbibigay niya ng liwanag sa aming mga kaisipan sa panahong nasa loob kami ng madilim na kabanata ng aming pagsasama. Sa bilis ng panahon ay hindi ko na nalayan na ngayon ay paalis na din si Joshua para sa kaniyang pagpasok sa University sa Amerika. Masaya ito dahil napili siya bilang varisity player sa eskwelahan na kanyang papasukan. Masaya din kaming mag asawa sa mga bagay na gustong gawin ng aming mga anak. Samantalang si Lindsay ay napili ang pagpapatuloy ng kaniyang karera bi