“Si Doctor Patricia maari ko siyang kausapin, pero makakabuti sana kung may nurse siyang mapapagkatiwalaan niyo talaga. Iba ang kondisyon ni Natalie, at sa impluwensya ng mga Eduardo mahirap tayong makasiguro kung dadami pa ang mga madadagdag na taong titingin sa kanya mula sa labas?! Wala ka bang kilalang nurse na pwede nating kuhain?” Tanong sakin ng Doctor “Meron ako doc naiisip na maaring kuhain pero kakailanganin ko ang pahintulot ni Natalie tungkol dito. Meron siyang dalawang matalik na kaibigan mula sa UK na magagaling na nurse.” Sagot naman ni Charles “Sige Charles, mas okay iyon . Mas makakatulong iyon sa mabilis na paggaling ni Natalie.” Sagot naman nito “maraming salamat Doc maasahan talaga kita. (Nakita ko mula sa siwang ng pinto na nag abot ng makapal na sobre si Charles sa Doctor marahil ay bayad niya ito.) “ “Salamat Charles, andiyan na din pala ang chopper na maghahatid sa akin sa ibaba.” Sagot naman ng doctor. “Kakausapin ko na si Dra.Patricia para kasama ko na
Hindi ko naman na ito iniintindi , ang hirap ng pagkatiwalaan ng mga palabas nito sa media. Kahit na masakit sa aking kalooban ay pinilit ko sila Colton na wag ipaalam sa aking pamilya ang nangyayari sa akin. Matatanda na ang aking mga magulang , mas mainam na lang na isipin nilang wala na ako. Hindi din tumitigil si Andrew ng kakabanta sa akin pati na sa buhay ng aking pamilya. Kaya naman buong tapang kong hinarap mag-isa ang aking pinagdaraanan minabuti kong mawala na lang ng parang bula sa lahat. Nagpapasalamat ako at tinulungan ako ni Charles sa naging desisyon kong ito. Mabuti na lang din kahit papano ay may kaibigan akong nasasandalan, nandiyan sila Colton at Nicholai, matinding sakripisyo din ang ginawa ng mga ito para sa akin, nagtiis silang hindi umuwi sa kanilang mga pamilya at i-give up ang kanilang mga laboy para asikasuhin ako lalo na kapag inaatake ako ng aking sakit . Ganun din ang pagsisinungaling na kanilang ginagawa sa tuwing magtatanong ang aking pamilya sa kanila.
“Naiintindihan ko ang risk ng pag -uwi namin. Kaya nga kailangan ko ng tulong mo para mabigyan mo pa ako ng kaunting panahon pa bago ko harapin silang lahat. Aayusin ko muna ang mga sinirang buhay ng mga taong umapi sakin nuon. At hindi ko din naman ipagdadamot na malaman nila Lindsay at Joshua kung sino ang totoo nilang ama. Tamang panahon lang ang hinihintay ko, para masabi ko sa kanila lahat, masyado pa din silang bata ngayon para maintindihan nila ang mga bagay-bagay. Marami na akong pinagdaanan na sakit at hirap Charles, wag kang mag-alala alam ko ang aking ginagawa.” Sagot ko naman dito. Hinawakan ko ang kanyang kamay para bigyan siya ng assurance na hindi ako nagkakamali sa aking desisyon. “Sige Natalie! Kung desidido ka na talagang gawin iyan ay susuportahan kita. Basta mag-iingat ka lang sa gagawin mong ito. Alam mo kung gaano kadelikado ang mga Eduardo. Lalo na si Andrew. Alam mo din ang kayang gawin nito kapag nalaman nilang ikaw ang may ari ng The Lighten-Er Corporation.
Si Charles naman ay nauna ng nagpaalam sa amin na babalik ng US para asikasuhin din ang kanyang mga negosyo. Madami na din kasi siyang na pending na gawain mula ng bumalik kami ng Pilipinas. "Natalie , sigurado kang kaya mo ng magpaiwan dito? kasi kung gusto mo mag-extend pa ako ng pag-stay ko dito sa Pilipinas hanggat maging maayos ka na muna!" sabi ni Charles sakin "ok lang Charles! kaya ko na ito. maraming salamat sa iyo, madami ka na ding napepending na trabaho ng dahil sa aming mag-iina." sagot ko naman dito "ano ka ba naman alam mo namang handa kong gawin ang lahat para sa inyo . Ikaw ee, hanggang ngayon si Sebastian pa rin . (pabiro nitong sabi na may halong laman.) hahahha. Joke lang. sige basta kung kakailanganin mo ng tulong ko andito lang ako palagi, tawagan mo lang ako." sabi pa nito sakin "MMM Charles diba napag-usapan na natin ang tungkol sa bagay na yan?!(malambing kong sabi). Si Sebastian pa rin ang tatay nila Lindsay at Joshua." sagot ko pa sa kanya "joke l
Binaba ko na ang tawag na mula kay Michelle. Nagka-halakhakan naman kami ni Colton ng marinig namin iyon. Natatawa ako kasi hindi ko inaasahan na ganito kabilis ang magiging paglapit sa akin ni Kim para humingi ng tulong para maibangon ang Sta.Barbara. “Sis akalain mo yun pagdating ng oras ikaw pa din pala ang hihingan ng tulong ni Kim!? Hahaha “may pang aasar na sabi ni Colton “Haha sis to tell you frankly, alam kong darating ang araw na ito pero hindi ko inaasahan na magiging ganito kabilis ang paghingi niya ng tulong sa atin.” Sagot ko naman sa kanya “Ibig sabihin sis ganuon na talaga siya kadesperada. Hindi man lang siya naghintay ng months bago siya tumawag sa atin. Kawawang Kim.” Sabi pa ni Colton , napasandal ito sa kanyang inuupuan at napapailing sa kakatawa. “So anong plano mo ngayon?! Tutulungan mo siya?” Tanong pa niya sa akin. Sumandal din muna ako sa aking swivel chair. "nag-iisip pa ako sis, ayokong ganuon na lang kadaling ibigay ang aking pag-oo sa lahat ng paghih
Bumitiw na siya sa pagkakayapos sa akin at nagsimula na kaming magkamustahan . Umupo na siya sa tapat ng aking desk at nagpahatid ng kanyang mga luha. Ganun din ako, naiyak ako sa pagtatagpo naming iyon Makalipas ang higit na limang taon ngayon na lang ulit ako nakipag-usap sa mga dating tao sa aking buhay.Madami siyang nakuwentong panget na karanasan ng siya ay nasa Sta, Barbara pa magbuhat ng ako ay nawala."hindi ko inaasahan na magkikita pa tayong muli Mam Natalie!' sabi sakin ni Maria,"kahit ako Maria hindi ko inaakalang gugustuhin ko pang bumalik dito sa Pilipinas matapos ang lahat ng nangyaring mapapait na bagay sa akin." sagot ko dito"Mam, pasensya na po pero alam niyo po bang simula ng umalis ako yung asawa niyo si Sir Sebastian naging aburido, pati kompanya niya napabayaan na niya buti na nga lang po at inaalalayan siya ni Sir Adrian. " sabi nito sakin, malapit sa akin si Maria lahat ng lihim ko ay alam nito. Kaya hindi siya nangingilag na magkwento sakin tungkol sa mga g
Naging seryoso naman bigla ang mukha nitong si Maria. "Pero Natalie masaya ako at nalaman kong buhay ka. Lahat kami ang buong akala namin ay wala ka na. Tanging si Sebastian at kuya Timothy mo lang ang naniniwalang buhay ka pa." sabi nito sa akin"masaya din akong makita ka ulit, may mga ilang bagay lang akong gustong ayusin, kapag natapos ko na lahat ng ito magpapakita na ako sa lahat pati na kila mommy, aayusin ko din ang gusot naming mag-asawa lalo ngayong nalaman kong walang naging kasalanan sakin si Sebastian" sabi ko pa ditoSinimulan ko ng ilatag kay Maria lahat ng tunay kong pakay kung bakit ako napauwi dito sa Pinas."Maria alam mong hindi nakikipag-usap ang owner / CEO ng The Lighten-Er Corporation kahit kanino lalo na para lamang sa isang job interview" sabi ko dito"oo Natalie kaya nga nagulat ako ng malaman kong ang CEO mismo ang mag-interview sa akin, grabe ang kaba ko lalo na at hindi ka pa humaharap sakin." sagot nito sakin"Ngayon alam mo na ang dahilan sa pagtatago k
Lumabas na din ako at nagpaalam na kay Michelle matapos ang naging meeting namin ni Maria, pupuntahan ko pa kasi ang kambal dahil nakapangako na akong lalabas kami ngayong araw. Dinaanan ko na din sila Colton at Nicholai sa kanilang opisina, napagkasunduan na kasi naming sasama sila sakin mag shopping ngayong araw kasama ang mga bagets. Sabay-sabay na kaming pumunta sa parking lot naikwento ko sa kanila ang naging pagtatagpo namin ni Maria. Naikwento ko din sa mga ito ang ikinuwento sa akin ni Maria tungkol sa aking asawa at kay Kuya Timothy. Pagbaba naman namin ay naghihintay na sa amin ang aking driver at kasama na nito ang yaya ng kambal."sis , alam mo una pa lang naman talaga duda na ako sa sinasabi mo tungkol kay Sebastian, alam naman nating hindi talaga yan papatol kay Celestine, diba nga ilang beses na siyang nilandi niyan nung nasa mansyon ka pa nakatira. Saka knowing Sebastian at sa pagmamahal niya sayo, hindi ka nun kayang saktan. Hindi mo muna kasi kinausap ang asawa mo.
ANDREW POVHindi ko inaasahan ang pagbisita sa akin ni Sebastian sa kulungan. Ang buong akala ko ay nakalimutan na ako ng aking pamilya. Pumunta ang jail guard sa aking selda. Simula ng hindi na ako saluhin ni Daddy at hindi ako bigyan ng pera ay nawala na din ang aking mga galamay. Habang naglalakad ay nag-iisip ako kung sino ang nakaalalang dalawin ako. Hanggang sa marating ko na ang visitors area. Madaming dalang grocery, pagkain at damit ang aking kapatid na si Sebastian.Lumapit ako sa kaniya na punong puno ng pagsisisi. Nakayuko ako habang humihingi ng tawad. "Bro, patawarin mo sana ako sa lahat ng kasalanang ginawa ko sayo. Alam ko huli na ang lahat pero sana ay mapatawad mo pa rin ako bago ko lisanin ang mundong ito." sabi ko sa kaniya"ano ka ba Bro wag kang magsalita ng ganyan makakalabas ka pa dito. Isa pa matagal na kitang napatawad. Busy lang ako palagi kaya ako hindi nakakadalaw sayo. Ito oh para sayo." inabot niya ang kanyang mga dala sa akin. Nag abot din siya ng Cash
NATALIE POV Nang sabihin sa akin ni Joshua ang tungkol kay Julie ay talagang nabigla ako. Kung ganoon ay kawawa naman ang batang ito. Hindi na iniintindi ng kanyang mga magulang. Nakakaawa pa dahil tinakwil siya ng dahil lang sa panliligaw ng aking anak. Gaano ba kasama ang ideyang nanliligaw si Joshua sa kaniya. Napapabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko lubos maisip na may magulang na haharang sa kaligayahan ng kaniyang anak. Pinahanda ko na kay Manang ang silid na tutuluyan ni Julie . Alam kong masamang masama ang loob niya sa ngyaring gulo ngayong araw. “Joshua dumiretso na kayo kagad dito sa bahay para makapagpahinga na din si Julie.” Sabi pa niyan sa akin “Mommy malapit na din po kami nandito na ko sa subdivision natin. “Okay sige mag iingat kayo!” Sagot ko naman sa kaniya. Ilang minuto lang ang nakalipas at narinig ko na din ang pagparada ng sasakyan ni Joshua. Bukas palad naming tinanggap si Julie sa aming tahanan. JOSHUA POV “Okay lang yan sige na wag kang mah
JULIE POVAlam ko at malinaw sa akin ang nais na mangyari nila Mommy at Tita Scarlette. Hindi ko din maipaliwanag sa aking sarili kung bakit ako ang nahuhulog kay Joshua imbis na siya ang pasakayin ko sa mga gustong mangyari nila Mommy ngunit ngayon ay sigurado ako sa aking sarili na hulog na hulog na ako sa kaniya. Nais kong tulungan siyang maghiganti sa mga magulang nitong sumira sa buhay namin. Ang taong dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nagtatago kami dito sa US at hindi man lang makita ang aking ama na nasa kulungan sa Pilipina. Sila ang dahilan ng lahat ng paghihirap na inabot namin dito. Nanumbalik na naman tuloy ang pagkapoot ko dahil sa mga panget na ngyayari noon. Magmula kasi ng makarating kami dito ni Mommy at mailuwal niya ako dito sa US ay puro kamalasan at matinding paghihirap ang aming inabot. Naalala ko pa ng mga sandaling iniiwan ako ni Mommy noong bata ako para mag 3-4 na trabaho para lang may maipambayad kami sa bayad at maipang gastos sa akin. Binabarat din ng
AT BEVERLY MANSIONJULIE POVMalaking ngiti ang sinalubong sa akin ni Joshua ng matapos ang aming practice. Huling 2 linggo na lang din kasi at matatapos na ang aming klase. Finally makakapagtapos na din kami sa kolehiyo. Kasabay ng aming pagtatapos ang pag alis ko bilang cheer leader. Masaya na nalulungkot kong tinuturuan ang mga bagong sibol.“Joshua what is that smile for?!” tanong ko sa kaniya habang pinupunasan ko ang pawis ang aking sarili.“Mmm kasi Julie dumating sila Mommy dito para sa graduation natin, nasa bahay sila at gusto ka sana nilang invite. Nabanggit ko kasi sa kakila ang tungkol sa panliligaw ko sayo. Syempre gusto makilala mo din ang mahahalagang tao sa buhay ko para makilala mo din sila pero ayon ay kung okay lang naman sayo. No pressure!?” Nahihiyang tanong ni JoshuaIlang minuto din akong nag isip kung papayag ako sa kahilingan nito. Hindi ko kasi alam kila Mommy kung okay lang ba sa kanila. Hindi man ako umaamin sa kanila sa totoong nararamdaman ko para kay Jo
JOSHUA POV Mabilis na lumipas ang panahon. 4 na taon na kaagad ang nagdaan magmula ng lumipad ako patungo dito sa Amerika para mag-aral. Ilang buwan na lang at mag-gagraduation na kami. Magmula ng huling insidenteng ngayari kay Julie ay hindi ko na siya hinayaang magbyahe papasok at pauwi mula sa eskwelahan, nakiusap ako sa kaniya na pumayag siyang araw-araw ko siyang dadaanan papasok at ihahatid ko siyang pauwi. Nagpapasalamat naman ako at pumayag siya sa aking kahilingan. Binakuran ko na din si Julie, wala ng makapangulit pa sa kaniya dahil araw-araw na nakikita kami ng lahat na magkasama sa tuwing puampasok kami sa eskwelahan. Wala na ding kababaihang lumalapit sa akin ngunit madami pa din ang laging nakatingin at kinikilig ng pasimple sa tuwing dumadating kami sa campus. Pumayag din siyang ligawan ko siya. Kahit na hindi niya ako pinapakilala sa Mommy niya ay naiitnidihan ko siya. Matiyaga kong hinintay na matapos ang practice ni Julie, nakaupo lang ako sa bench ng gymnasium sa
Binaba naman ni Kevin at mayabang na pinuntahan ang sasakyang humarang sa aming harapan. Kinatok niya ang salamin ng sasakyang iyon. Laking gulat niya ng lumabas mula sa driver seat si Joshua. Maski ako ay nagulat sa kanyang pagsulpot. Hindi ko inaasahang darating ito sa oras na kakailanganin ko siya. "anong ginagawa mo dito Joshua?" natatarantang tanong ni Kevin. Kita sa mukha nito ang takot ng makita si Joshua. Hindi niya maintindihan kung babalik ba siya ng sasakyan o mananakbo papalayo. "Hindi pa ba kayo nadadala?! Ibaba niyo na si Julie ng hindi na tayo magkagulo!" matapang pero mahinahon na pagkakasabi ni Joshua kay Kevin. Agad naman napabalik sa sasakyan si Kevin. Gusto pa sana nitong patakbuhin ang sasakyan pero humarang si Joshua sa harapan nito. Walang nagawa sila Kevin kundi ang pababain ako at humarurot papalayo kay Joshua. Kilala niya si Joshua, kaya siyang patumbahin nito at alam na alam niya iyon dahil naranasan na niyang makasuntukan itong si Joshua noon sa campus.
JULIE POV Kasabay ng pag-alis nila Joshua mula sa party na hinanda ni Jameson ay sya din naming pag-alis.. Napagdesisyunan naming umuwi na din dahil sa sobrang kalasingan nila Jameson ay nagiging makulit na ang mga ito. Dumagsa na din ang mga bisita niyang gumagamit ng weeds , naging mapilit din si Joshua na sumabay na kaming umuwi sa kanila kaya naman sabay sabay na din kaming nagpaalam kila Jameson. Pilit man kaming awatin ni Jameson ay nagmatigas si Joshua sa kaniyang uuwi na kaming magkakasabay dahil sa takot din siya sa kayang gawin ni Joshua ay hindi na siya nagpumilit pa. Napapatitig naman ako kay Joshua sa lahat ng pinapakita niyang kabaitan sa akin. Sumabay naman ako sa sasakyan kila Nicole. Kahit na nag insist si Joshua na ihatid ako sa aming bahay ay hindi ako pumayag sa kadahilanang ayokong makita siya ni Mommy. Sinabihan ko siyang kila Nicole na lang ako sasabay. Pagdating sa aming subdivision, hindi naman na ako nagpahatid kay Nicole hanggang sa tapat ng aming bahay p
JULIE POVBalitang balita sa buong campus ang nangyari kila Mizzy, hindi ko inaasahan na ganoon pala kayaman itong si Joshua. Ganun pa man ay hindi iyon ang dahilan kung bakit nais kong magpasalamat sa kaniya. Dahil sa humigit kumulang 2 taon na pagtitiis mula sa pambu-bully nila Mizzy sa akin sa wakas ay magkakaruon na ako ng katahimikan. Ito na ang huling araw nila Mizzy sa campus, kasabay ng kanilang pag-alis ang pag-iimpake ng kaniyang Daddy dahil sa pagkakatanggal nito sa trabaho ng dahil sa pangyayari sa pagitan nila Kevin at Joshua.Mabilis na lumipas ang isang taon. Nagtapos na naman ang aming klase, naging mapayapa na ang eskwelahan sa pagkakaalis nila Mizzy, naging magaan para sa lahat ng estudyanteng tapusin ang school year ng walang iniiwasan. "Julie mamaya yung party sa bahay wag kayong mawawala aah! asahan ko kayo?" sabi ni Jameson sa akin, nagpupumilit ito na papuntahin ako sa kanilang bahay"naku Jameson hindi ako sure, madami pa kasi akong gagawin bukas!" pagdadahila
"Sino ka para ganyanin ang anak ko! lapastangan!" Nakatiim bagang na sabi ni Daddy. "Im sorry Mr. Eduardo pero hindi niyo ata naturuan ng maayos ang anak ninyo, kaya dahil sa pagiging bastos niya ay kailangan na namin siyang i -kick out sa eskwelahang ito. Hindi siya nababagay dito" mayabang na sagot ni Mr. Suarez kay Daddy. Hindi naman sumagot si Daddy bagkus ay humarap siya sa amin at tinanong ang aking kaibigan"Jake ano bang nangyari dito?" "Naku tito ,sila Kevin naman po talaga ang nangunguna, unang beses na sinuntok nila si Joshua hinayaan na nga sila pero hindi pa rin tumigil talagang hinabol pa nila si Joshua kaya nakipag rambulan na po kami. Napaka-bully naman talaga ng grupo niyan pati yan ding si Mizzy" nakakapit si Jake sa kaniyang panga habang nagkukwento kay Daddy. "Have you heard what this student say Mr. Suarez?" seryosong tanong ni Daddy kay Mr. Suarez, kilala ko ang Daddy ko hindi siya mahilig sumuong sa kahit na anong away namin ni Lindsay pero iba na kasi ang si