Sinubukan kong kontakin si Natalie sa mga sandaling lumabas ako sa pintuan ng mansion pero cannot be reach pa rin ito. Tinatawagan ko din ang kaibigan niyang si Kim pero kinakansel niya ang mga calls ko. Kahit alam kong nasa Amerika siya ngayon at kasama ang mga parents niya ay hindi naman ako magkalakas ng loob na matawagan ang kapatid nitong si Timothy dahil napag-alaman kong dumiretso pala si Natalie sa parents niya matapos na makita niya akong kasama si Suzette sa kama nung huling uwi niya sa US. Sigurado akong nabanggit na niya sa kanyang Kuya at Manang ang nangyari tungkol sa amin. Alam kong kaya hindi niya sinasagot ang mga tawag at messages ko dahil masama ang loob niya sakin.Tinawagan ko muna ang mga kaibigan ko para magpatulong sa mga ito sa dapat kong gawin. Nagkita kami sa bar kung saan kami laging nagtatagpo. Hindi ako masyadong nag-inom. Naguguluhan ako kung ano ba ang dapat kong gawin. Kelangan kong makausap ang mga ito. Dumating naman ang mga kaibigan niyang sila Wesl
"okay lang Sebastian! pinapatawad na kita!" sagot nito sa akin. Hinalikan niya ako, kaya naman niyakap ko din siya at ginantihan ng halik. Bumitiw ito ng halik sa akin sabay tumalikod papaalis Ulit. "Natalie, Hon! wag mo kong iwan please" paghahabol ko sa kanya, niyakap ko sya mula sa kanyang likuran at hinila ko siya papunta sa aming kama. Pumatong kami sa ibabaw ng kama, patuloy kaming naghalikan hanggang sa maging mapusok ang mga halik na ito, Habang parehas kaming nakaluhod sa kama ay unti-unti kaming naghubad ng aming damit, Matinding pangroromansa ang ginagagawa nito sa akin, kapit ko naman ang kanyang puw*t , maya-maya ay napahiga kami at bigla na lang akong nakatulog sa sobrang kalasingan, hindi ko na naituloy pa ang gusto naming gawin, ayun lang ang huli kong natatandaan bago ko masilyan ang pagsilip ng araw sa maliit na puwang mula sa aming life size window. Niyakap ko pa ito sa aking paggising sa pag-aakalang si Natalie ang aking kasama ng gabing iyon, ng biglang pumasok
Nagulat naman ako sa sinabi ni Kuya Timothy tungkol sa pagbubuntis ni Natalie. Sa dalawang buwan kong pag stay sa US ay napakadami ng nangyari sa buhay naming mag asawa ng hindi ko nalalaman. "Buntis si Natalie?!" gulat kong tanong kay Kuya Timothy. "oo 14 weeks na daw siyang buntis sabi niya sa amin. Hindi pa pala nasasabi sa iyo ni Natalie?" tanong nito sa akin "hindi pa kuya. simula kasi ng umalis ako para sa business venture ng company namin, naging roller coaster na ang pagsasama namin ni Natalie, inaamin ko ang naging pagkakamali ko kung bakit kami nagkaganito. Nalulungkot ako dahil sa pakikinig ko sa mga sinabi sa akin ay naapektuhan pati ang magandang pagsasama naming mag-asawa. Worst pa niyan hindi ko man lang nalamang buntis na pala si Natalie. Nakadagdag pa ako sa ikaka stress ng aking asawa. Simula ng hindi namin pagkakaintindihan ay hindi na kami nakapag-usap ulit. Nang dahil sa pagpapairal namin sa pride namin ay hindi namin napag usapan ang mga bagay tungkol sa amin.
Balisang-balisa na ako, nagbayad na din ako sa Media upang malabas ng balita ng tungkol sa pagkawala ng aking asawa, pero puro bogus lang ang tumatawag sa akin. Wala ni isang makapagbigay ng totoong kinaruruonan ni Natalie. Naging mainitin na din ang ulo ko maski sa kompanya. "AHHHHRGGG" sigaw ko at hinagis ko lahat ng gamit na nasa ibabaw ng aking lamesa. Nakayuko akong nakakapit sa aking ulo ng pumasok si Adrian. Marahil sa takot ng aking sekretarya ay tinawagan nito si Adrian. "Bro ! mahahanap din natin si Natalie." wika nito , nasa likod naman niya ang aking sekretarya at dinampot nito ang mga gamit na hinagis ko, inayos niya ang mga gamit kong inihagis at lumabas na din kaagad. "Bro hindi ko na maintindihan , hanggang ngayon wala pa rin akong makuhang balita tungkol kay Natalie!, bakit naman ito magtatago sa pamilya niya, maiintindihan ko pa kung sa akin lang sya magtatago. Lahat naman ginagawa ko para lang mapahanap siya, ilang imbestigador at detectives na sa Amerika ang bi
KIM POV "Puny**a puro na lang ba kamalasan ang nangyayari sa kompanyang to?!" sigaw ko sa sekretarya ko "ipatawag mo nga ang head ng HR. Sabihin mo sa conference room 5" sabi ko pa dito "Okay po Mam" sagot naman nito sakin Nagtungo na ako sa conference room ng galit na galit. Dala ko ang files ng report ng listahan ng mga clients na nag-back out . Sa loob ng limang taon na ako na ang namamahala ng Sta. Barbara madami na sa mga clients namin ang bumitaw sa pagtitiwala sa amin. Nanggagaliiti ako sa galit ng mauna pa kong dumating sa conference room kesa sa HR Manager. "Ano ba naman yan Ms. Han, kanina pa ko dito , kaya walang nagiging usad ang kumpanyang ito kasi napakakakukupad ninyo. Pagpunta na lang sa conference room inaabot pa kayo ng siyam siyam?" pasinghal kong sabi dito "Sorry po Mam, may inayos lang po ako tungkol sa mga taong na lay-way natin." sagot nito sakin, naupo na din ito sa tapat ko "Okay tutal nabanggit mo na din naman yan, kailangan kong magbawas ka ulit
NATALIE POV Limang taon na din ang nakalipas buhat ng huli akong nagpakita sa lahat ng tao. Kahit sa sarili kong pamilya ay nakapagtiis akong hindi magpakita. Ikinubli ko ang aking sarili at anak ng matagal na panahon para na din sa kaligtasan naming mag ina. Bago pa kasi ako umalis ng bahay nila mommy ay ilang message na ang nareceive ko mula kay Andrew , matinding pagbabanta ang ginawa niya sakin. Sinabayan pa ito ni Celestine ng ilang mahahabang messages na sinend sa akin na mula ng ako ay umalis ay duon na siya natutulog sa aming kwarto. Nagka-ayos na raw sila ni Sebastian, napagkasunduan ng pamilya nila ang ganuong set up dahil sa kalokohan at pananakit na ginawa ni Andrew sa kanya, tutal hiwalay na ang mga ito at may bago na daw itong kinakasama . Bukod dito ay nagtapat si Sebastian kay Celestine na siya talaga ang mahal nito. Sa tindi ng sakit na aking naramdaman ng dahil sa mga taong nakapaligid sa akin ay napag-desisyunan kong humingi ng tulong sa kababata kong si Charles
“Si Doctor Patricia maari ko siyang kausapin, pero makakabuti sana kung may nurse siyang mapapagkatiwalaan niyo talaga. Iba ang kondisyon ni Natalie, at sa impluwensya ng mga Eduardo mahirap tayong makasiguro kung dadami pa ang mga madadagdag na taong titingin sa kanya mula sa labas?! Wala ka bang kilalang nurse na pwede nating kuhain?” Tanong sakin ng Doctor “Meron ako doc naiisip na maaring kuhain pero kakailanganin ko ang pahintulot ni Natalie tungkol dito. Meron siyang dalawang matalik na kaibigan mula sa UK na magagaling na nurse.” Sagot naman ni Charles “Sige Charles, mas okay iyon . Mas makakatulong iyon sa mabilis na paggaling ni Natalie.” Sagot naman nito “maraming salamat Doc maasahan talaga kita. (Nakita ko mula sa siwang ng pinto na nag abot ng makapal na sobre si Charles sa Doctor marahil ay bayad niya ito.) “ “Salamat Charles, andiyan na din pala ang chopper na maghahatid sa akin sa ibaba.” Sagot naman ng doctor. “Kakausapin ko na si Dra.Patricia para kasama ko na
Hindi ko naman na ito iniintindi , ang hirap ng pagkatiwalaan ng mga palabas nito sa media. Kahit na masakit sa aking kalooban ay pinilit ko sila Colton na wag ipaalam sa aking pamilya ang nangyayari sa akin. Matatanda na ang aking mga magulang , mas mainam na lang na isipin nilang wala na ako. Hindi din tumitigil si Andrew ng kakabanta sa akin pati na sa buhay ng aking pamilya. Kaya naman buong tapang kong hinarap mag-isa ang aking pinagdaraanan minabuti kong mawala na lang ng parang bula sa lahat. Nagpapasalamat ako at tinulungan ako ni Charles sa naging desisyon kong ito. Mabuti na lang din kahit papano ay may kaibigan akong nasasandalan, nandiyan sila Colton at Nicholai, matinding sakripisyo din ang ginawa ng mga ito para sa akin, nagtiis silang hindi umuwi sa kanilang mga pamilya at i-give up ang kanilang mga laboy para asikasuhin ako lalo na kapag inaatake ako ng aking sakit . Ganun din ang pagsisinungaling na kanilang ginagawa sa tuwing magtatanong ang aking pamilya sa kanila.