Naputol ang pagmumuni-muni ko sa lahat ng nangyari ngayong buwan ng tumawag sakin si Ethan.“Bro! Si Aaron at Bella, nadisgrasya” malungkot ang boses ni Ethan na nagbalita sakin.“Bakit bro anong nangyari?” Tanong ko naman sa kanya.“Wala na sila bro!” Sagot pa nito sakin. Para namang nanlamig ang buo kong katawan sa binalita sakin ni Ethan. Ang akala ko ay nadisgrasya sila at nasa ospital lang.“Hindi mo ba napanuod sa news yung plane crash na nangyari sa flight 593? Kasama sila Aaron bro sa mga pasahero nun!” Sabi nito sakin. “Makakauwi ka ba bro para sa burol nila?” Tanong pa sakin nito.“Hindi namin bro pwedeng i-cancel ang mga meeting namin dito. Uwing-uwi na din ako kasi ang daming naging problema naming mag asawa ngayon. Dadalaw na lang siguro ko sa puntod nila pag uwi ko ng Pinas “ Sabi ko naman dito. “Kaya pala kami iniiwasan ni Natalie kasama namin siya kanina sa airport dahil makikibalita din siya sa nangyari kay Bella. Kailangan mo ng umuwi talaga bro mukhang malala na na
Kagaya ng una kong ginawa. Kumuha ulit ako ng pera sa company. Nalusutan ko naman ito sa pangalawang pagkakataon, pangatlo habang paulit-ulit ko na itong ginagawa. Sinubukan ko muna ito ng unang beses, gumawa ako ng mga pekeng invoices at pinapirmahan ko kay Natalie. "Natalie! ito yung budget para sa project natin with Mr. Lee. , need ko lang ng sign mo dito." sabi ko dito. Kinakabahan na ako ng iabot ko sa kanya ang papeles. Pero nakahinga naman ako ng maluwag ng pirmahan niya lang ito ng hindi na binabasa. "Meron pa bang ibang pipirmahan?!" tanong niya sakin. Agad ko ng kinuha ang papeles na pinapirmahan ko sa kanya "wala na Natalie. Babalik na muna ako sa office ko." sagot ko dito. patayo pa lang sana ako ng biglang nagsalita si Natalie "ah wait Kim! oo nga pala, baka last week mag leave din muna ako. Pupunta ako kila Mommy, ipa check mo na sa contractors ang mga ipapa-advance nila ng order para ma release na natin ang budget para sa kanila." sabi nito sakin "ok sige Natalie
"Natalie may gusto ka bang sabihin samin anak?" tanong sa akin ng aking mommy Elizabeth Nakatingin lang ako kay mommy habang nag-uunahan ng pumatak ang mga luha ko. Dala na rin siguro ito ng pagbubuntis ko kaya hindi ko mapigilan ang pagiging emosyonal ko."mommy! huhuhu! buntis po ako."sagot ko naman sa kanya. Napabuga si mommy sa iniinom niyang juice at saka humalakhak ng kakatawa. "ang laki naman ng problema mo Natalie!? hahaha. buntis ka ee may asawa ka naman bakit ka umiiyak?""hindi mo naiintindihan mommy. huhuhu!" sagot ko naman kay mommy. nakatingin lang sa akin si kuya. Hindi siya umiimik dahil alam niya ang rason."ano ba talagang problema anak?" tanong nito sakin"mommy! hindi kami ok ni Sebastian last month po nung pumunta ako dito, may nangyari po kasi nun, hindi po totoong busy si Sebastian sa trabaho. May business venture po siya kaya naisipan ko sanang bisitahin siya sa hotel kung saan siya naka stay ng hindi niya alam. Nagulat na lang po ako kasi nakita ko siya sa
Napaisip ako sa lahat ng nalaman ko tungkol sa naging nakaraan ni mommy at daddy. Kasi kahit sinong tanungin ay mai-de-describe sila bilang may perfect relationship ni Daddy. Kahit ako saksi kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa . Ni hindi ko narinig si mommy na sinumbatan niya si daddy mula ng bata ako hanggang sa lumaki na ako tungkol sa naging kasalanan nito sa kanya. hindi mo mararamdaman sa kanila na nagkaroon din sila ng matinding problema noon. Pumasok na muna ko sa aking silid. Gusto kong magpahinga para makapag-isip ng maayos, ilang araw na din kasing hindi maayos tulog ko sa kakaisip sa problema namin ni Sebastian at ang nangyari kay Bella!. Pati ang kompanya ay napapabayaan ko na.Kinabukasan nang ako ay magising nakita kong kompleto ang pamily ko , kasama ni Kuya Timothy ang kanyang mga anak at si Ate Emily na masayang naglalaro sa may veranda area samantalang si Mommy at Daddy ay naghaharutan na akala mo ay mga bata. Siguro nga ay tama si mommy, kailangan kong makipag-us
Nagulat ako sa lahat ng sama ng loob na sinabi sakin ni Kim, sa pagkakaalam ko ay okay naman kami. Hindi naman siya nagsasabi sakin sa kanyang nararamdaman o problema man lang sa tuwing kausap ko siya sa office. Ilang beses ko siyang pinatawag sa office pero hindi niya inopen sakin ang nangyari tungkol sa kanyang ina. Hindi ko inakalang kaya niyang gawin sakin ang ganito katinding bagay."Kim, lugmok ako ngayon! Niloko ako ng asawa ko! pati ng pamilya ng asawa ko! Hindi totoong hindi kita tinuturing na kaibigan, at hindi kita binabaliwala (umiiyak kong sabi sa kanya) kelangan ko lang mapag-isa para makapag-isip ng maayos dahil sa naging problema namin ni Sebastian. Hindi ko akalaing aabot sa puntong magagawa mo sakin ang ganitong bagay. Huhuhu! " madamdamin kong sagot sa kanya!"ANG DAMI MONG DRAMA! sige na at kelangan ko pang umattend sa meeting namin. BYE NATALIE!" nang-aasar pa nitong sabi sakin, naririnig ko pa sa kabilang linya ang mga tawa nito bago niya tuluyang ibaba ang tawag
Nakapag check in na ako ng luggage ko. Hindi na muna ako pumasok sa lounge para maghintay ng boarding ko!, sa labas lang muna ako naglalakad lakad at pumasok ako sa loob ng starbucks coffee.Umorder muna ako ng maiinom bago ako bumyahe. Sa may bandang sulok ng coffee shop ako pumwesto, habang ako ay nagmumuni-muni na umiinom ng aking cold drinks at nakatingin sa labas ng bintana ay bigla na lang sumakit ng sobrang tindi ang aking tiyan!. Namimilipit na ako sa sobrang sakit nito. Nahihiya naman akong magsabi sa mga tao dun, hanggang sa hindi ko na talaga kaya napasigaw ako ng malakas. "AHHHHHHH!" kapit ko ang tiyan ko , tumagaktak naman ang malamig na pawis saking katawan at pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng malay, may nakita akong isang lalaki na lumapit sakin, hindi ko na masyadong nakita ang mukha nito pero alam kong parang ka-edad ko lang ito. Buti na lang nakapitan niya ako bago pa ako himatayin habang papalapit sa akin ang isa pang waitres, narinig ko na lang na nagkakagulo ang
"MOMMY!! CECILLE!" malakas na sigaw ko habang pababa ako ng hagdan."Ano ba yun Sebastian?! ang aga aga mong nag-sisisigaw dyan. Kakadating mo lang hiyaw ka na kagad ng hiyaw?" naiinis na sagot sakin ni Mommy."nasan si Cecille? Bakit wala ang mga gamit ni Natalie sa kwarto namin?" nakasinghal kong sagot sa mommy ko. Nakatingin lang sila Manang at Aiza sa akin , pumasok agad ang mga ito sa kusina at nagbusy-busyhan. Alam kasi nila kapag ako na ang nagalit, halos lahat ng gamit sa bahay ay talagang hahagis. Habang naghihintay ako na lumabas si Cecille ay biglang lumabas din si Celestine sa dating kwarto nila ni Kuya Andrew. Nagulat pa ako ng makita ko siyang sa mansion na nakatira."Ano ba yun kuya?! ang lakas ng boses mo. sigaw ka ng sigaw!" tanong nito sakin "ewan ko ba dyan sa kuya mo nagwawala hinahanap ang asawa niya." sabi pa ni mommy"anong ginagawa dito ni Celestine? at bakit dito na naman siya nakatira"tanong ko sa kanila"aba Sebastian bahay ko to ako ang magdedesisyon kung
Sinubukan kong kontakin si Natalie sa mga sandaling lumabas ako sa pintuan ng mansion pero cannot be reach pa rin ito. Tinatawagan ko din ang kaibigan niyang si Kim pero kinakansel niya ang mga calls ko. Kahit alam kong nasa Amerika siya ngayon at kasama ang mga parents niya ay hindi naman ako magkalakas ng loob na matawagan ang kapatid nitong si Timothy dahil napag-alaman kong dumiretso pala si Natalie sa parents niya matapos na makita niya akong kasama si Suzette sa kama nung huling uwi niya sa US. Sigurado akong nabanggit na niya sa kanyang Kuya at Manang ang nangyari tungkol sa amin. Alam kong kaya hindi niya sinasagot ang mga tawag at messages ko dahil masama ang loob niya sakin.Tinawagan ko muna ang mga kaibigan ko para magpatulong sa mga ito sa dapat kong gawin. Nagkita kami sa bar kung saan kami laging nagtatagpo. Hindi ako masyadong nag-inom. Naguguluhan ako kung ano ba ang dapat kong gawin. Kelangan kong makausap ang mga ito. Dumating naman ang mga kaibigan niyang sila Wesl
ANDREW POVHindi ko inaasahan ang pagbisita sa akin ni Sebastian sa kulungan. Ang buong akala ko ay nakalimutan na ako ng aking pamilya. Pumunta ang jail guard sa aking selda. Simula ng hindi na ako saluhin ni Daddy at hindi ako bigyan ng pera ay nawala na din ang aking mga galamay. Habang naglalakad ay nag-iisip ako kung sino ang nakaalalang dalawin ako. Hanggang sa marating ko na ang visitors area. Madaming dalang grocery, pagkain at damit ang aking kapatid na si Sebastian.Lumapit ako sa kaniya na punong puno ng pagsisisi. Nakayuko ako habang humihingi ng tawad. "Bro, patawarin mo sana ako sa lahat ng kasalanang ginawa ko sayo. Alam ko huli na ang lahat pero sana ay mapatawad mo pa rin ako bago ko lisanin ang mundong ito." sabi ko sa kaniya"ano ka ba Bro wag kang magsalita ng ganyan makakalabas ka pa dito. Isa pa matagal na kitang napatawad. Busy lang ako palagi kaya ako hindi nakakadalaw sayo. Ito oh para sayo." inabot niya ang kanyang mga dala sa akin. Nag abot din siya ng Cash
NATALIE POV Nang sabihin sa akin ni Joshua ang tungkol kay Julie ay talagang nabigla ako. Kung ganoon ay kawawa naman ang batang ito. Hindi na iniintindi ng kanyang mga magulang. Nakakaawa pa dahil tinakwil siya ng dahil lang sa panliligaw ng aking anak. Gaano ba kasama ang ideyang nanliligaw si Joshua sa kaniya. Napapabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko lubos maisip na may magulang na haharang sa kaligayahan ng kaniyang anak. Pinahanda ko na kay Manang ang silid na tutuluyan ni Julie . Alam kong masamang masama ang loob niya sa ngyaring gulo ngayong araw. “Joshua dumiretso na kayo kagad dito sa bahay para makapagpahinga na din si Julie.” Sabi pa niyan sa akin “Mommy malapit na din po kami nandito na ko sa subdivision natin. “Okay sige mag iingat kayo!” Sagot ko naman sa kaniya. Ilang minuto lang ang nakalipas at narinig ko na din ang pagparada ng sasakyan ni Joshua. Bukas palad naming tinanggap si Julie sa aming tahanan. JOSHUA POV “Okay lang yan sige na wag kang mah
JULIE POVAlam ko at malinaw sa akin ang nais na mangyari nila Mommy at Tita Scarlette. Hindi ko din maipaliwanag sa aking sarili kung bakit ako ang nahuhulog kay Joshua imbis na siya ang pasakayin ko sa mga gustong mangyari nila Mommy ngunit ngayon ay sigurado ako sa aking sarili na hulog na hulog na ako sa kaniya. Nais kong tulungan siyang maghiganti sa mga magulang nitong sumira sa buhay namin. Ang taong dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nagtatago kami dito sa US at hindi man lang makita ang aking ama na nasa kulungan sa Pilipina. Sila ang dahilan ng lahat ng paghihirap na inabot namin dito. Nanumbalik na naman tuloy ang pagkapoot ko dahil sa mga panget na ngyayari noon. Magmula kasi ng makarating kami dito ni Mommy at mailuwal niya ako dito sa US ay puro kamalasan at matinding paghihirap ang aming inabot. Naalala ko pa ng mga sandaling iniiwan ako ni Mommy noong bata ako para mag 3-4 na trabaho para lang may maipambayad kami sa bayad at maipang gastos sa akin. Binabarat din ng
AT BEVERLY MANSIONJULIE POVMalaking ngiti ang sinalubong sa akin ni Joshua ng matapos ang aming practice. Huling 2 linggo na lang din kasi at matatapos na ang aming klase. Finally makakapagtapos na din kami sa kolehiyo. Kasabay ng aming pagtatapos ang pag alis ko bilang cheer leader. Masaya na nalulungkot kong tinuturuan ang mga bagong sibol.“Joshua what is that smile for?!” tanong ko sa kaniya habang pinupunasan ko ang pawis ang aking sarili.“Mmm kasi Julie dumating sila Mommy dito para sa graduation natin, nasa bahay sila at gusto ka sana nilang invite. Nabanggit ko kasi sa kakila ang tungkol sa panliligaw ko sayo. Syempre gusto makilala mo din ang mahahalagang tao sa buhay ko para makilala mo din sila pero ayon ay kung okay lang naman sayo. No pressure!?” Nahihiyang tanong ni JoshuaIlang minuto din akong nag isip kung papayag ako sa kahilingan nito. Hindi ko kasi alam kila Mommy kung okay lang ba sa kanila. Hindi man ako umaamin sa kanila sa totoong nararamdaman ko para kay Jo
JOSHUA POV Mabilis na lumipas ang panahon. 4 na taon na kaagad ang nagdaan magmula ng lumipad ako patungo dito sa Amerika para mag-aral. Ilang buwan na lang at mag-gagraduation na kami. Magmula ng huling insidenteng ngayari kay Julie ay hindi ko na siya hinayaang magbyahe papasok at pauwi mula sa eskwelahan, nakiusap ako sa kaniya na pumayag siyang araw-araw ko siyang dadaanan papasok at ihahatid ko siyang pauwi. Nagpapasalamat naman ako at pumayag siya sa aking kahilingan. Binakuran ko na din si Julie, wala ng makapangulit pa sa kaniya dahil araw-araw na nakikita kami ng lahat na magkasama sa tuwing puampasok kami sa eskwelahan. Wala na ding kababaihang lumalapit sa akin ngunit madami pa din ang laging nakatingin at kinikilig ng pasimple sa tuwing dumadating kami sa campus. Pumayag din siyang ligawan ko siya. Kahit na hindi niya ako pinapakilala sa Mommy niya ay naiitnidihan ko siya. Matiyaga kong hinintay na matapos ang practice ni Julie, nakaupo lang ako sa bench ng gymnasium sa
Binaba naman ni Kevin at mayabang na pinuntahan ang sasakyang humarang sa aming harapan. Kinatok niya ang salamin ng sasakyang iyon. Laking gulat niya ng lumabas mula sa driver seat si Joshua. Maski ako ay nagulat sa kanyang pagsulpot. Hindi ko inaasahang darating ito sa oras na kakailanganin ko siya. "anong ginagawa mo dito Joshua?" natatarantang tanong ni Kevin. Kita sa mukha nito ang takot ng makita si Joshua. Hindi niya maintindihan kung babalik ba siya ng sasakyan o mananakbo papalayo. "Hindi pa ba kayo nadadala?! Ibaba niyo na si Julie ng hindi na tayo magkagulo!" matapang pero mahinahon na pagkakasabi ni Joshua kay Kevin. Agad naman napabalik sa sasakyan si Kevin. Gusto pa sana nitong patakbuhin ang sasakyan pero humarang si Joshua sa harapan nito. Walang nagawa sila Kevin kundi ang pababain ako at humarurot papalayo kay Joshua. Kilala niya si Joshua, kaya siyang patumbahin nito at alam na alam niya iyon dahil naranasan na niyang makasuntukan itong si Joshua noon sa campus.
JULIE POV Kasabay ng pag-alis nila Joshua mula sa party na hinanda ni Jameson ay sya din naming pag-alis.. Napagdesisyunan naming umuwi na din dahil sa sobrang kalasingan nila Jameson ay nagiging makulit na ang mga ito. Dumagsa na din ang mga bisita niyang gumagamit ng weeds , naging mapilit din si Joshua na sumabay na kaming umuwi sa kanila kaya naman sabay sabay na din kaming nagpaalam kila Jameson. Pilit man kaming awatin ni Jameson ay nagmatigas si Joshua sa kaniyang uuwi na kaming magkakasabay dahil sa takot din siya sa kayang gawin ni Joshua ay hindi na siya nagpumilit pa. Napapatitig naman ako kay Joshua sa lahat ng pinapakita niyang kabaitan sa akin. Sumabay naman ako sa sasakyan kila Nicole. Kahit na nag insist si Joshua na ihatid ako sa aming bahay ay hindi ako pumayag sa kadahilanang ayokong makita siya ni Mommy. Sinabihan ko siyang kila Nicole na lang ako sasabay. Pagdating sa aming subdivision, hindi naman na ako nagpahatid kay Nicole hanggang sa tapat ng aming bahay p
JULIE POVBalitang balita sa buong campus ang nangyari kila Mizzy, hindi ko inaasahan na ganoon pala kayaman itong si Joshua. Ganun pa man ay hindi iyon ang dahilan kung bakit nais kong magpasalamat sa kaniya. Dahil sa humigit kumulang 2 taon na pagtitiis mula sa pambu-bully nila Mizzy sa akin sa wakas ay magkakaruon na ako ng katahimikan. Ito na ang huling araw nila Mizzy sa campus, kasabay ng kanilang pag-alis ang pag-iimpake ng kaniyang Daddy dahil sa pagkakatanggal nito sa trabaho ng dahil sa pangyayari sa pagitan nila Kevin at Joshua.Mabilis na lumipas ang isang taon. Nagtapos na naman ang aming klase, naging mapayapa na ang eskwelahan sa pagkakaalis nila Mizzy, naging magaan para sa lahat ng estudyanteng tapusin ang school year ng walang iniiwasan. "Julie mamaya yung party sa bahay wag kayong mawawala aah! asahan ko kayo?" sabi ni Jameson sa akin, nagpupumilit ito na papuntahin ako sa kanilang bahay"naku Jameson hindi ako sure, madami pa kasi akong gagawin bukas!" pagdadahila
"Sino ka para ganyanin ang anak ko! lapastangan!" Nakatiim bagang na sabi ni Daddy. "Im sorry Mr. Eduardo pero hindi niyo ata naturuan ng maayos ang anak ninyo, kaya dahil sa pagiging bastos niya ay kailangan na namin siyang i -kick out sa eskwelahang ito. Hindi siya nababagay dito" mayabang na sagot ni Mr. Suarez kay Daddy. Hindi naman sumagot si Daddy bagkus ay humarap siya sa amin at tinanong ang aking kaibigan"Jake ano bang nangyari dito?" "Naku tito ,sila Kevin naman po talaga ang nangunguna, unang beses na sinuntok nila si Joshua hinayaan na nga sila pero hindi pa rin tumigil talagang hinabol pa nila si Joshua kaya nakipag rambulan na po kami. Napaka-bully naman talaga ng grupo niyan pati yan ding si Mizzy" nakakapit si Jake sa kaniyang panga habang nagkukwento kay Daddy. "Have you heard what this student say Mr. Suarez?" seryosong tanong ni Daddy kay Mr. Suarez, kilala ko ang Daddy ko hindi siya mahilig sumuong sa kahit na anong away namin ni Lindsay pero iba na kasi ang si