Animo’y nabunutan ng tinik si Cianne nang sabihin ni Shaun ang magandang balita. Napatunayan na nito na nagsasabi s’ya ng totoo. Hindi pa iyon sapat, pero magandang simula na para makalaya siya sa mga paratang nito.Gusto niya sanang magtampo dito dahil kailangan pa’ng magmula sa ibang tao na nagsasabi s’ya ng totoo pero wala naman patutunguhan kung gagawin n’ya iyon.“Anong plano mo?”Hindi niya alam ang ginawa nitong pag-iimbestiga kaya natatakot siyang baka malaman ni Don Felipe ang ginagawa nito. Mas mainan nang kahit papaano ay may alam s’ya sa bawat galaw nito.“I’ll continue seeking the truth. Kailangan kong malaman ang dahilan ni lolo. Kung bakit n’ya hinayaan si Matt na nakawin ang perang iyon. Kung bakit niya itinuro sa’yong kunin iyon kapalit nang paglayo mo sa amin, pagkatapos ay babawiin n’ya din. Masakit man isipin pero malakas ang kutob ko na may kinalaman s’ya sa malagim na sinapit ng kakambal ko.”Marahan s’yang tumango. Para lang s’yang ginamit ni Don Felipe para mab
“Enjoy po kayo, family!” Kumaway pa si Tere nang ihatid sila sa labas ng mansyon.Tinawagan nga nito ang pest control company, kaya kinabukasan din ay may mga dumating ng tao para patayin ang mga peste sa mansyon ni Shaun. Dahil dito, kailangan muna tuloy nilang umalis kasama ang kambal.Sa likod na s’ya umupo kasama ang dalawang bata habang si Shaun ang nagmamaneho.“Where are we going?” tanong ni Sean na mukhang sabik na sabik nang makalabas ng bahay. Ganoon din naman s’ya.“Mommy, I want mall,” suhestyon naman ni Kean, na alam niyang gusto lang maglaro sa world of fun.Tumingin s’ya kay Shaun na pinagmamasdan na pala silang tatlo mula sa rearview mirror.“It’s a surprise. Fasten your seatbelt now.”Maging siya tuloy ay nasasabik kung saan sila dadalhin ng binata. Mabuti na lang at wala ito’ng trabaho kun’di ay baka hindi ito pumayag na lumabas silang mag-iina nang hindi ito kasama.Maingay ang buong byahe dahil sa dalawang bata. Napangiti siya nang pamilyar na daan ang tinatahak ni
Animo’y mga batang naglalaro ng patintero sa labas si Cianne at Shaun. Umaga’t gabi na nga lang sila magkikita ay hindi pa nila hinayaan. Matinding pag-iwas ang ginawa nila sa bawat isa sa loob ng iisang bubong.Gabi na nang maramdaman ni Cianne ang pagdating ni Shaun. Hindi siya lumabas ng kwarto hanggang marinig ang pag-click ng pinto sa kabilang kwarto, hudyat na pumasok na doon ang binata.Makalipas lamang ang ilang sandali ay lumabas na s’ya. Alam niyang papasok sa kwarto niya ang lalaki para makipag-bonding sandali sa dalawang paslit na gising na gising pa’ng nagkukulitan sa kama.Mabilis s’yang bumaba ng hagdan. Eksaktong pagdating niya sa sala ay natanaw niya na sa itaas si Shaun na pumasok sa kan’yang kwarto. Kasunod nito ang tawanan ng dalawang bata na alam niyang masayang-masaya na makasama ang ama pagkatapos ng isang buong araw.Sa totoo lang, pakiramdam niya ay wala naman saysay ang tampong nadarama n’ya. Ano naman ngayon kung hindi ito nag-sorry sa ginawang pag-kidnap sa
Ang liwanag mula sa sikat ng araw sa labas ang sumalubong kay Cianne nang imulat niya ang mga mata. Umaga na. Napahimbing yata ang tulog niya.Naramdaman niya ang mabigat na brasong nakapatong sa tiyan niya. Hinaplos niya iyon habang nag-a-adjust pa ang mga mata sa liwanag.Alam n’yang braso iyon ng kambal.Sa bigat na iyon braso ba talaga iyon ng kambal?Nanlaki ang kan’yang mga mata habang patuloy na hinahaplos ang brasong iyon. Hindi pa naman mabalahibo ang mga bata at higit sa lahat hindi pa ganoon kalaki ang mga kamay nito.Binaba niya ang tingin.Braso ng lalaki ang nakapulupot sa kan’yang katawan.Iniangat niya ang tingin sa katabi.“Shaun,” mahina niya pa’ng saad na sa kabila nang pagkagulat sa posisyon nila ay maingat pa din s’yang huwag ito’ng magising.Damang-dama niya ang init ng hininga nito na tumatama sa kan’yang noo. Ganoon sila kalapit at mas lalo pa’ng lumiit ang distansya nila nang mas higpitan nito ang yakap sa kan’ya.Mabilis na kumabog ang kan’yang dibdib habang
“Kape ko.”Napalingon ang dalawang katulong kay Cianne nang marinig ang utos nito.“Ano po’ng timpla, ma’am?” alangan na tanong ni Manang Alice sa kan’ya. Palibhasa’y ito ang unang pagkakataon na nag-utos ito na hindi tungkol sa mga bata.Umiling siya dito at binaling ang tingin kay Shaun na nakaupos sa harapan n’ya.Tinaasan s’ya nito nang parehong kilay, tila ba nagtatanong.“My coffee,” aniya sa english na bersyon.Kumunot ang noo nito, tila naninibago sa biglaan n’yang pagpapagawa ng kape dito.Pinandilatan niya pa ito ng mga mata bago tumayo at nagtungo sa kusina.Dinig na dinig niya ang pagboluntaryo ni Manang Alice na gumawa ng kape para sa kan’ya ngunit tinanggihan ito ng binata.Hindi pa nagtatagal ay bumalik na ito bitbit ang kape niya.Sumimsim siya. Nakahanda na ang mga irereklamo niya sa tinimpla nito upang magpabalik-balik ito sa kusina ngunit taliwas ang nangyari.Hindi niya napigilan ang mapapikit nang namnamin ang tamang lasa nito. Kagaya kung paano nito timplahin ang
“Wear it.” Malaki ang ngiting inabot ni Cianne ang uniporme ng mga waiter kay Shaun. Isinama niya ang lalaki sa restaurant. Wala naman ito’ng naging reklamo nang sabihin n’yang samahan siya nito sa isang buong araw, ngunit nag-iba ang timpla ng mukha nito nang dahan-dahan kunin ang uniporme.Hindi na ito nagtanong dahil tila alam na ang nais niyang ipagawa dito. Sa halip ay nakasimangot itong dumiretso sa banyo upang magpalit.Nang mga nagdaang araw ay wala naman ito’ng reklamo sa mga pinapagawa n’ya. Natutuwa s’ya ngunit naiinis din dahil mukhang walang epekto dito ang pang-aasar niya. Sa huli kasi ay siya pa ito’ng napipikon sa mga hirit nito. Pinapahirapan niya na nga ito ngunit tila wala naman epekto.Nakasandal siya sa pader habang hinihintay itong lumabas. Ilang minuto din ito sa banyo kahit magsusuot lang naman ito ng poloshirt na may logo ng kanilang restaurant.Nang lumabas ay hindi niya napigilan ang pasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa.Paano nito nagawang nakaka-p
Malalim na ang gabi ngunit hindi pa din siya dinadapuan ng antok. Sinubukan niya na lahat ng paraan para makatulog ngunit sad’yang hindi mapakali ang pakiramdam niya.Lumabas siya sa terasa upang magpahangin sandali. Kinuha niya ang cellphone at sinubukang tawagan ang telepono sa bahay ng kan’yang ama kahit pa maliit na ang posibilidad na may sumagot pa sa oras na iyon.Kagaya kanina ay wala din sumagot.Bago pa man matapos ang araw ay nakagawian niya nang tawagan ang ama upang kumustahin. May mga pagkakataon na ang nurse nito ang nakakausap niya sa tuwing nagpapahinga ito, ngunit ngayon ‘ni isa ay walang sumasagot.“Hey, gising ka pa.”Nagitla siya nang sumulpot si Shaun sa kan’yang tabi. Mukhang nagising lang ito upang kumuha ng tubig sa baba.“I can’t sleep,” saad niya habang panay ang tingin sa telepono.“Pinag-iisipan mo siguro ang iuutos mo na naman sa akin sa weekend,” akusa nito na kung wala lang bumabagabag sa isipan niya ay papatulan n’ya talaga.“It’s dad. I can’t contact h
“How are you feeling, dad?”Kagaya nang sabi ng doktor ay iniuwi na ni Cianne ang ama kinabukasan. Kasama pa din nila si Shaun na kahit magtatanghali na ay hindi pa rin s’ya iniiwan para pumasok sa trabaho.“Shaun, dito muna ako. I don’t want to leave dad hanggang hindi pa nakakauwi sina ate. I want to personally take care of him.”Natawagan niya na ang dalawang kapatid na gusto na sanang umuwi at hindi na tapusin ang business engagements sa ibang bansa ngunit pinigil niya.Maayos naman na ang kan’yang ama ngunit gusto niyang personal itong maalagaan kahit pa dala-dalawa na ang nurse nito na magbabantay sa buong magdamag.Nakakaintinding sumang-ayon si Shaun. Inaasahan niya na iyon lalo pa’t maayos na silang dalawa.“You want me to send some of your stuffs here?”Sinabi niyang kahit ang laptop na lang para sa trabaho dahil may mga damit naman s’ya sa bahay na iyon.“How about the kids? Gusto mo ba dito sila?”Gusto niyang bigyan ng award si Shaun. Bumalik na nga ang matalik niyang kai
“Wear your smile young gentlemen,” saad ni Christine sa kambal nang magsimula nang magpaso ang mga ito.Ilang minuto pa ang lumipas. Dali-dali nang nilapitan ng organizer ang puting kotseng may bulaklak sa harapan. Kumatok siya sa bintana.Ang kinakabahang si Cianne ang lulan nito. Gayunpaman, hindi mapapansin sa kan’yang mukha ang kaba dahil natatakpan iyon ng puting belo.“Let’s go.”Sa hudyat ng organizer ay bumaba na siya. Huminto siya sa tapat ng nakasarang pintuan. May ilang tao sa paligid niya. Ang iba ay nag-aayos ng kan’yang suot na puting gown, habang ang ilan naman ay kumukuha ng litrato. Panay ang salita ng organizer, subalit wala siyang maintindihan. Panay na lang ang kan’yang pagtango at pagngiti.Samu’t-saring emosyon ang nararamdaman niya. Masaya, kinakabahan, nasasabik, hindi niya na mabatid. Subalit isa lang ang sigurado, panatag ang puso niya.Dahan-dahan na bumukas ang pintuan. Tumambad sa kan’ya ang kulay asul na bulaklak na disenyo sa gitna ng simbahan.“This is
“The kids are fighter! Hindi ko inaasahan na dalawang session pa lang ay bumabalik na ang sigla nila. They still have trauma pero with your guidance, napalaki ng chance na makalimutan nila ang nangyari,” balita ng psychiatrist kay Shaun nang lumabas na ang mga bata sa opisina nito matapos ang counseling.Nang araw ng sana’y kasal nila ni Cianne ay nagising siya sa magandang balita mula sa pribadong imbestigador. Natunton na nito ang kinaroroonan ng mga bata at kasalukuyan nang ni-re-rescue ang kambal. Tandang-tanda niya pa ang galak n’ya ng araw na iyon nang lumabas siya ng kwarto upang ibalita iyon sa kan’yang asawa, subalit ang sayang kan’yang nadama ay mabilis na napalitan ng takot nang mabasa ang note na iniwan nito.Nangako ito’ng babalik kasama ang mga bata.Kinutuban siya nang masama lalo pa nang ibalita ng pribadong imbestigador na hindi nila nakita si Cianne sa lugar kung nasaan ang kan’yang mga anak.Sa tulong ng mga cctv footages ay nasundan niya, kasama ang mga otoridad, a
Higit isang oras pa lang si Cianne na nakahiga sa kama ay dahan-dahan na s’yang bumangon. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa labas. Dapat sana’y hindi siya nakakatulog sa kasabikan ng kasal, hindi dahil sa labis na pag-aalala sa kambal.“Saan ka pupunta?” paos na tanong ni Shaun sa kan’ya na kagaya niya ay hirap din makatulog.Ang totoo’y ayaw pa sana nitong umuwi, pinilit niya lang para magawa niya ang plano.“Magpapahangin lang ako sandali sa labas,” pagsisinungaling niya.Kapag ganoon kasi ang sinasabi niya, alam na kaagad ni Shaun na gusto niyang mapag-isa kahit sandali lang.Mabilis ang ginawa n’yang pagkilos, gayunpaman, hindi niya nakalimutan ang mag-iwan ng note. Anuman ang mangyari, pinapangako n’yang ililigtas niya ang mga anak.Nang makalabas ay agad siyang sumakay sa kotseng kan’yang nabook. Nagpahatid siya sa malapit na pier. Nagpasalamat siyang naabutan niya pa ang unang byahe.Ayaw niyang mag-aksaya kahit kaunting panahon, kaya ang isang oras na byahe ng barko ay napa
“Hindi ba p’wedeng sabay na lang tayong pumunta sa simbahan bukas?” tanong ni Shaun kay Cianne habang inaayos ng huli ang gagamitin ng mga bata bukas sa kasal.Inabot niya kay Manang Alice ang mga sapatos at matapos magbilin ay hinarap niya ang parang batang si Shaun na naghihintay ng atensyon niya.“Hindi nga p’wede. Gusto mo ba’ng tumutol pa bukas si ate sa kasal dahil hindi natin sinunod ang pamahiin ng mga magulang namin noong nabubuhay pa sila?” pagtataray niya. Paano’y kagabi pa ito nangungulit sa kan’ya.Ngumuso ito pagkatapos ay lumapit at niyakap siya mula sa tagiliran.Inamoy nito ang leeg niya at dumampi ng isang mabilis na halik doon. Sa gulat ay siniko niya ang tiyan nito, dahilan para dumaing ito at lumayo.“I-reserve mo nga ‘yang landi mo pagkatapos ng kasal bukas.”Imbes na sumeryoso ay tumawa pa si Shaun. Tila natutuwa pa ito na naaasar siya.Maya pa’y dalawang sunod na busina ang narinig nila sa labas. Tinanaw nila iyon mula sa bintana.Kinuha niya ang kan’yang bag n
“Mommy, I got three stars!” masayang balita ni Sean habang nakataas ang kamay na may tatlong tatak ng stars.“Me too, mommy!” Tinaas din ni Kean ang sa kan’ya.Nakangiting ginulo ni Cianne ang buhok ng dalawang bata. Kahit anong pagod niya talaga sa trabaho ay nawawala sa tuwing sinasalubong siya ng kambal.“Don’t erase it yet. Daddy will be home soon. Show it to him.”Masayang bumalik sa kwarto ang mga ito habang sinusundan n’ya ng tingin. Karaniwan nang sabay nilang sinusundo ni Shaun sa paaralan ang dalawa ngunit naging abala ang huli sa kompanya. Hinahabol din nitong matapos ang mga mahahalagang bagay bago ang araw ng kanilang kasal.“I forgot the papers,” saad niya sa sarili nang makalimutan sa kotse ang mga papeles na kan’yang inuwi upang pirmahan.Nagtungo siya sa garahe upang kunin ang naiwang dokumento nang mapansin ang kotseng nakaparada sa tapat ng kanilang bahay.Naglakad siya palapit sa gate. Takip-silim na ngunit naaaninag niya pa din ang sasakyan, kaya nasabi niyang pa
“Daddy, when are you going home?” nakalabing tanong ng kambal kay Shaun nang tumawag ito kinagabihan.Unang araw nito sa business trip na pinaalam kay Cianne nang nakaraan.“The day after tomorrow my twins,” nakalabing sagot din nito.Natawa si Cianne sa itsura ng asawa. Para itong batang iniwan sa paaralan at gusto nang umuwi.“Akala ko ba isang araw ka lang d’yan?” Sumingit siya sa usapan at seryosong nagtanong. Kunot ang kan’yang noo na tila tutol na um-extend pa ito ng isang araw doon.Gusto n’ya lang takutin ang asawa.Mukhang tagumpay dahil mabilis na naglaho ang ngiti nito sa labi at animo’y naalarma.“Mahal, kasi may event sa kabilang resort. I was invited, I couldn’t say no dahil nandoon din si Alvaro, ‘yong investor na matagal na namin gusto kunin ni dad, remember? But if you want me now beside you, as much as I want you here, I’ll book a ticket now going home.” Tumayo pa ito at nilalagay na ang ilang gamit sa bag.Parang mas nagmukha pa tuloy ito’ng sabik na bumalik sa kani
Wala sa isipan ni Cianne ang engrandeng kasal. Nang sinabi nga ni Shaun na nais nitong ibigay ang pangarap niyang kasal, ay wala siyang ibang maisip kundi isang simpleng seremonya sa simbahan. Ganoon siguro kapag kontento ka na sa buhay. Sapat na sa kan’ya na umuwi sa bahay kasama ang mga anak at asawa pagkatapos nang nakakapagod na araw.Kagaya nang kan’yang nais, simpleng pag-iisang dibdib sa simbahan ay pinaplano niya kasama ang wedding organizer na kinuha ni Shaun.Kahit anong busy ng lalaki ay nagagawa pa din siyang samahan nito sa mga paghahanda.“Hindi kaya maumay nito kaagad ang mga bisita? What do you think, mahal?” tanong sa kan’ya ni Shaun nang mag-food tasting sila.Tumango siya bilang pag-sang-ayon. Nakakailang desert na sila ngunit wala pa din pumapasa sa panlasa ng lalaki.“Okay na ‘to,” saad ni Shaun sa panghuling desert na tinikman nila.Hindi iyon gaanong swak sa panlasa niya kaya bahagya siyang umiling sa asawa.Lumapit ito sa kan’yang tainga ay bumulong.“The visit
Paulit-ulit na nilalagay ni Shaun sa kan’yang isipan ang sinapit ng kan’yang kakambal an si Matt habang pinagmamasdan ang hinang-hina nang si Don Felipe. Tila ba pilit niyang pinapaalala sa sarili na dahil sa nakaratay na matanda ay nawala ang mga mahal niya sa buhay. Subalit tila wala iyong epekto nang tuluyan nang pumatak ang luha mula sa kan’yang mga mata. Unti-unti ay napalitan ang galit ng awa.“Salamat dahil pumunta ka.”Mabilis niyang pinunasan ang luha. Pinapatigas niya ang eskpresyon kahit pa nanlalambot ang kan’yang puso.“Patawarin mo ako sa mga nagawa ko, lalo na kay Matt. Alam kong hindi maiibsan ng paghingi kong ito ng tawad ang sakit na naidulot saiyo nang nangyari pero gusto kong malaman mo na labis akong nagsisisi.” Hindi malinaw ang pananalita nito ngunit dama niya ang sinseridad sa boses nito.Ano pa nga ba ang magiging rason nito para maging masama gayong pisikal na ito’ng nasasaktan dahil sa karamdaman?“Saiyo din Cianne. Patawad kung muntik ko nang mapahamak ang
“Ang kukulit ng mga apo ko, Shaun,” nakangiting reklamo ng ama ni Shaun nang ihatid nito ang mga bata mula sa eskwela.Pinagmasdan niya ang ama na maupo sa sofa habang marahan na hinihilot ang tagiliran. Hindi niya mapigilan ang mas lalong paglawak ng ngiti. Natutuwa siyang makita na kahit papaano ay umaaliwalas na ang mukha ng ama. Paano’y abswelto na ito sa kasong korapsyon. Tanging ang madrasta at lolo niya na lamang ang iniimbestigahan.“Napapayag mo ba si Mr. Chen na mag-invest sa negosyong pinaplano mo?” tanong nito pagkalaon.Tumango siya. “Yes dad, and please say negosyo natin. You’re part of it.”Kagaya ng relasyon nila ni Cianne ay nagsisimula na din siyang buuin ang kan’yang career. Head chef pa din naman siya ng kan’yang nobya, ngunit tuwing sabado o kung may espesyal na okasyon na lamang iyon. Paano’y gumagawa na siya ng pangalan sa larangan ng culinary, dahilan upang maging mas abala siya.Marami na siyang produktong pagkain na naimbento, karaniwang mga ready to eat na p