Ang liwanag mula sa sikat ng araw sa labas ang sumalubong kay Cianne nang imulat niya ang mga mata. Umaga na. Napahimbing yata ang tulog niya.Naramdaman niya ang mabigat na brasong nakapatong sa tiyan niya. Hinaplos niya iyon habang nag-a-adjust pa ang mga mata sa liwanag.Alam n’yang braso iyon ng kambal.Sa bigat na iyon braso ba talaga iyon ng kambal?Nanlaki ang kan’yang mga mata habang patuloy na hinahaplos ang brasong iyon. Hindi pa naman mabalahibo ang mga bata at higit sa lahat hindi pa ganoon kalaki ang mga kamay nito.Binaba niya ang tingin.Braso ng lalaki ang nakapulupot sa kan’yang katawan.Iniangat niya ang tingin sa katabi.“Shaun,” mahina niya pa’ng saad na sa kabila nang pagkagulat sa posisyon nila ay maingat pa din s’yang huwag ito’ng magising.Damang-dama niya ang init ng hininga nito na tumatama sa kan’yang noo. Ganoon sila kalapit at mas lalo pa’ng lumiit ang distansya nila nang mas higpitan nito ang yakap sa kan’ya.Mabilis na kumabog ang kan’yang dibdib habang
“Kape ko.”Napalingon ang dalawang katulong kay Cianne nang marinig ang utos nito.“Ano po’ng timpla, ma’am?” alangan na tanong ni Manang Alice sa kan’ya. Palibhasa’y ito ang unang pagkakataon na nag-utos ito na hindi tungkol sa mga bata.Umiling siya dito at binaling ang tingin kay Shaun na nakaupos sa harapan n’ya.Tinaasan s’ya nito nang parehong kilay, tila ba nagtatanong.“My coffee,” aniya sa english na bersyon.Kumunot ang noo nito, tila naninibago sa biglaan n’yang pagpapagawa ng kape dito.Pinandilatan niya pa ito ng mga mata bago tumayo at nagtungo sa kusina.Dinig na dinig niya ang pagboluntaryo ni Manang Alice na gumawa ng kape para sa kan’ya ngunit tinanggihan ito ng binata.Hindi pa nagtatagal ay bumalik na ito bitbit ang kape niya.Sumimsim siya. Nakahanda na ang mga irereklamo niya sa tinimpla nito upang magpabalik-balik ito sa kusina ngunit taliwas ang nangyari.Hindi niya napigilan ang mapapikit nang namnamin ang tamang lasa nito. Kagaya kung paano nito timplahin ang
“Wear it.” Malaki ang ngiting inabot ni Cianne ang uniporme ng mga waiter kay Shaun. Isinama niya ang lalaki sa restaurant. Wala naman ito’ng naging reklamo nang sabihin n’yang samahan siya nito sa isang buong araw, ngunit nag-iba ang timpla ng mukha nito nang dahan-dahan kunin ang uniporme.Hindi na ito nagtanong dahil tila alam na ang nais niyang ipagawa dito. Sa halip ay nakasimangot itong dumiretso sa banyo upang magpalit.Nang mga nagdaang araw ay wala naman ito’ng reklamo sa mga pinapagawa n’ya. Natutuwa s’ya ngunit naiinis din dahil mukhang walang epekto dito ang pang-aasar niya. Sa huli kasi ay siya pa ito’ng napipikon sa mga hirit nito. Pinapahirapan niya na nga ito ngunit tila wala naman epekto.Nakasandal siya sa pader habang hinihintay itong lumabas. Ilang minuto din ito sa banyo kahit magsusuot lang naman ito ng poloshirt na may logo ng kanilang restaurant.Nang lumabas ay hindi niya napigilan ang pasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa.Paano nito nagawang nakaka-p
Malalim na ang gabi ngunit hindi pa din siya dinadapuan ng antok. Sinubukan niya na lahat ng paraan para makatulog ngunit sad’yang hindi mapakali ang pakiramdam niya.Lumabas siya sa terasa upang magpahangin sandali. Kinuha niya ang cellphone at sinubukang tawagan ang telepono sa bahay ng kan’yang ama kahit pa maliit na ang posibilidad na may sumagot pa sa oras na iyon.Kagaya kanina ay wala din sumagot.Bago pa man matapos ang araw ay nakagawian niya nang tawagan ang ama upang kumustahin. May mga pagkakataon na ang nurse nito ang nakakausap niya sa tuwing nagpapahinga ito, ngunit ngayon ‘ni isa ay walang sumasagot.“Hey, gising ka pa.”Nagitla siya nang sumulpot si Shaun sa kan’yang tabi. Mukhang nagising lang ito upang kumuha ng tubig sa baba.“I can’t sleep,” saad niya habang panay ang tingin sa telepono.“Pinag-iisipan mo siguro ang iuutos mo na naman sa akin sa weekend,” akusa nito na kung wala lang bumabagabag sa isipan niya ay papatulan n’ya talaga.“It’s dad. I can’t contact h
“How are you feeling, dad?”Kagaya nang sabi ng doktor ay iniuwi na ni Cianne ang ama kinabukasan. Kasama pa din nila si Shaun na kahit magtatanghali na ay hindi pa rin s’ya iniiwan para pumasok sa trabaho.“Shaun, dito muna ako. I don’t want to leave dad hanggang hindi pa nakakauwi sina ate. I want to personally take care of him.”Natawagan niya na ang dalawang kapatid na gusto na sanang umuwi at hindi na tapusin ang business engagements sa ibang bansa ngunit pinigil niya.Maayos naman na ang kan’yang ama ngunit gusto niyang personal itong maalagaan kahit pa dala-dalawa na ang nurse nito na magbabantay sa buong magdamag.Nakakaintinding sumang-ayon si Shaun. Inaasahan niya na iyon lalo pa’t maayos na silang dalawa.“You want me to send some of your stuffs here?”Sinabi niyang kahit ang laptop na lang para sa trabaho dahil may mga damit naman s’ya sa bahay na iyon.“How about the kids? Gusto mo ba dito sila?”Gusto niyang bigyan ng award si Shaun. Bumalik na nga ang matalik niyang kai
Mayroong tatlong kwarto sa bahay na iyon. Nagtalo pa sila ni Shaun sa unang gabi dahil gusto nitong sa master’s bedroom na siya kasama ang mga bata dahil mas malaki iyon pero ayaw niya. Katwiran niya ay ito na ang gumastos sa lahat kaya nahihiya siyang siya pa sa mas malaking kwarto.“Ganito na lang. Mamili ka na lang, sa master’s bedroom ka with the kids, o sa master’s bedroom ako kasama kayo ng mga bata?” Nanghahamon pa nitong tanong na pareho naman pabor sa kan’ya ang sagot.Sa huli ay wala s’yang nagawa kun’di sundin ang kagustuhan nito. Hindi rin naman siya nagsisi dahil nagustuhan ng mga bata ang bagong lugar na tinutuluyan nila.Kinabukasan ay sumunod din ang dalawang katulong.Naninibago pa siya dahil halos hindi pa kalahati ng bahay ang mansyon ni Shaun na ilang buwan din nilang tinuluyan. Gayunpaman, mas gusto niya ang bahay na ito ngayon. Mas payapa at panatag ang pakiramdam n’ya.Kagaya nang pangako niya sa ama ay binisita niya ito kasama ang kambal.Humiling pa ang kan’ya
Hindi maikakaila ni Cianne na mas nagugustuhan niya ngayon kung paano sila alagaan at ingatan ni Shaun. Para ba’ng pakiramdam niya ay nararapat lamang na ginagawa iyon sa kanilang mag-iina kahit pa kung iisipin ay sa mga bata lang naman ito may responsibilidad.“Malapit na ang kaarawan ng mga bata,” saad ni Shaun habang nasa hapag sila.Mag-aapat na taon na ang kambal. Napabuntong-hininga s’ya. “Ang bilis ng panahon. Dati naghahanda pa lang kami sa first birthday nila, ngayon mag-four na sila.”Kung pwede lang ihinto muna ang paglaki ng mga bata ay baka gawin n’ya. Hindi niya pa yata kayang turuan itong masanay na gumawa ng mga bagay na mag-isa habang lumalaki kagaya nang pagpasok sa paaralan. Baka s’ya pa ang hindi humiwalay sa mga ito.“Do you have any plans?” tanong nito habang sinasalinan siya ng pagkain sa plato.Tumigil na siya sa pag-utos dito ng kung ano-ano pero ito naman ang kusang nagsisilbi sa kan’ya kahit sa maliit na mga bagay.“I’m actually planning for a simple party.
Lakad-takbo habang nagtitipa sa telepono ang ginawa ni Cianne habang patungo sa parking area ng isang hotel. Kasama niya ang kapatid na si Cindy. May food expo at cooking contest sa kalapit na lungsod at isa siya sa napiling hurado. Matagal na iyong alok sa kan’ya ngunit sa huling minuto pa sya nakapagdesisyon. Ang totoo ay hindi niya alam kung papayag si Shaun lalo pa’t baka mayroong makakita sa kan’ya na tauhan ni Don Felipe.“Sino ba kasi ang tinetext mo d’yan?” pagalit na tanong sa kan’ya ni Cindy. Nakakatawang kahit nasa wastong gulang na s’ya ay pinapagalitan pa din s’ya ng kan’yang mga ate. Lalo pa siguro ngayon na nakikisama siya kay Shaun, na kinakamuhian ng dalawa.“Si Shaun. Baka kasi hanapin ako ng kambal. Hindi kasi sumasagot sa tawag.”Napairap si Cindy. Inutusan muna nito ang driver kung saan sila ihahatid bago bumaling sa kan’ya.“Hindi na ako magtataka kung bakit usap-usapan sa restaurant mo na nag-asawa ka na daw. Hinahatid at sundo ka ni Shaun. Nag-update ka pa sa k
Hello guys!Sadly, on leave na ang mga editors for Chinese New Year. Feb 6 pa ang balik nila, which means pending din ang review and approval ng chapter na naulit, so hindi ko pa ma-upload ang ibang chapters.I promise to upload more chapters (baka hanggang ending na) hahaStay tune!mwa 😘
This note is as of Jan. 26, 2025.Hi!I'll upload Chapter 15 tomorrow. Na-doble ko kasi ang upload ng chapter 113 due to internet connection issue. In-edit ko ang isang Chapter 113 to Chapter 114, pero currently under review, kaya baka malito kayo na nag-unlock kayo ng same chapter. Maybe bukas ay okay na, so refresh n'yo na lang :) Salamat sa pag-unawaThank you na din sa suporta n'yo sa novel na ito. Na-i-inspire ako to write more.
Sa mga sumunod na araw, hinayaan na lang ni Cianne na si Shaun ang maghatid at sundo sa kan’ya sa restaurant. Maasahan n’ya din naman ito sa tuwing nangangailangan ng tulong doon. Minsan naman ay sinasamahan nito ang mga bata na mas lalo n’yang ikinakatuwa. Totoo nga’ng bumabawi ito sa kambal. Kagaya ngayong araw, na pinasyal nito ang dalawa.“Bakit naman biglaan, chef?” halos manlumo siya sa resignation letter na inabot ng kan’yang head chef. Epektibo na iyon kaagad sa susunod na araw.“Nagkasakit po kasi ang nanay ko na nasa Canada. Walang iba’ng p’wedeng mag-alaga sa kan’ya kun’di ako. Pasensya na po ma’am.”Wala na siyang nagawa kundi tanggapin ang biglaang pag-alis nito. May mga assistant chef pa naman s’ya ngunit hindi pa ito kasing-galing. Kaya kailangan niyang makahanap kaagad bago ito umalis.Hinilot n’ya ang sintido habang naglalakad-lakad sa labas ng restaurant at malalim na nag-iisip. Kung tutuusin ay mula naman sa kan’ya ang mga resipe. Maaaring siya na lang muna ang magin
Labis na nagtaka si Cianne sa sagot ni Shaun sa balitang natanggap mula sa ama.Alam niyang galit ito kay Don Felipe, gayon din naman s’ya, pero para sabihin nito na wala ito’ng pakialam kung may malubhang karamdaman ang matanda ay tila ba mas lalong lumalim ang puot nito.“Nandito ka na naman?” nagtatakang tanong n’ya kay Shaun kinabukasan nang maabutan n’ya ito sa kwarto ng mga bata.Malaya na muli ito’ng nakakapasok sa bahay n’ya. Hindi na rin naman nakikialam ang mga kapatid n’ya, dahil masaya ang kambal.Hinalikan n’ya ang dalawang bata na handa nang mag-aral kasama ang tutor ng mga ito.Naramdaman n’ya ang pagsunod ni Shaun sa kan’ya hanggang sa labas. In-unlock n’ya na ang kan’yang kotse nang masuyong kunin ng lalaki ang susi sa kan’yang kamay.Kunot-noo s’yang bumaling dito.“Ihahatid na kita,” anito.Bumaba ang kan’yang tingin sa kaswal nito’ng pananamit. Animo’y wala muli ito’ng balak na pumasok sa trabaho.“You don’t have to. I can drive myself. Akin na ang susi.” Nilahad n
Araw-araw nang muli ang pagdalaw ni Shaun sa mga bata, maging kay Cianne ay ganoon din. Wala siyang ideya kung ano na ang kaganapan sa buhay nito dahil halos ang magdamag nito ay tila ba nakalaan na para sa kanila.“Ma’am, flat po ang gulong ng service vehicle natin,” balita ng staff sa kan’ya.Binigay niya kay Stacy ang ginagawa upang tingnan ang problemang binanggit ng kan’yang staff.Bumagsak ang balikat niya nang makitang dalawang gulong ng sasakyan sa unahan ang flat.“Tumawag na ba kayo ng mag-aayos?” tanong niya sa driver.“Oo na po, kaya lang ay mga 20 minutes pa daw bago sila makarating.”Hinaplos niya ang noo nang marinig ang sinabi nito. Bumuntong-hininga siya. Kailangan na nilang mai-deliver ang mga pagkain. Hindi iyon maaaring mahuli.“Tumawag na lang kayo ng ibang sasakyan,” utos niya habang naglalakad sila papasok ng restaurant. Wala pa’ng customer sa mga oras na iyon dahil maaga pa at kakabukas pa lamang nila, maliban na lang kay Shaun na naroon na naman at tahimik na
Nadatnan ni Cianne si Shaun sa kan’yang bahay nang umuwi siya galing sa restaurant. Kakabalik lang nilang mag-iina kahapon. Nakasabay nila ang lalaki sa byahe ngunit nakakapanibagong hindi ito nangulit sa kan’ya. Marahil ay binigyan din s’ya ng kaunting panahon matapos ang pag-uusap nila.Kaninang umaga ay dumaan na si Shaun sa restaurant upang ipagpaalam na bibisitahin nito ang mga bata, kaya hindi na siya nabigla nang maabutan ito doon.“Nasaan si Sean?” tanong niya nang makitang si Kean lamang ang kasama nito sa sala.“Ayaw po’ng bumaba ma’am,” sagot ng katulong.Napabuntong-hininga siya. Simula nang umuwi sila ay hindi maganda ang mood ng bata. Tahimik din ito at hindi gaanong nakikipaglaro sa kakambal na si Kean. Hindi niya pa ito nakakausap tungkol sa nangyari nang nakaraan.“Puntahan ko lang,” paalam n’ya kay Shaun bago umakyat sa taas.Alam niyang may tampo si Sean sa ama. Hindi niya gustong lumaki ito nang may sama ng loob. Tama nang siya lang ang galit kay Shaun.Dahan-dahan
Matapos makapag-empake para sa maagang byahe pauwi kinabukasan ay bumaba si Cianne sa reception area upang ayusin na ang mga babayaran sa ilang araw na pag-stay sa hotel.“Bayad na po ma’am,” anunsyo ng receptionist na kinakunot ng kan’yang noo.Inulit niya pa ang pagsabi ng room number, at pinakita pa sa kan’ya ang record nito na nagsasabing wala na s’yang kailangan bayaran pa.Hindi niya maalala na may inutusan siyang magbayad doon, hanggang sa lumitaw sa kan’yang harapan si Shaun.Binuksan niya ang wallet at kumuha ng pera doon na katumbas ng bill niya sa hotel.Tumaas ang parehong kilay ni Shaun nang iabot niya ang pera.“I can pay for our hotel bill.”Nilagay nito ang mga kamay sa bulsa pagkatapos ay tinanggihan ang bayad niya.“I’ll just ask my staff to transfer the payment to your account.”“You don’t have to. It’s my responsibility as your husband to provide for you needs and wants,” sagot nito na kinaawang ng bibig n’ya.Husband? Napangisi siya sa sinabi nito, pagkatapos ay u
Nang masigurong tulog na ang dalawang bata sa family room ng hotel na kinuha ni Cianne ay lumabas siya ng terasa. Malamig ang samyo ng hangin na sumalubong sa kan’ya, kaya mas binalot niya pa ang sarili ng roba. Lumapit siya sa railings at sinimsim ang alak sa kopitang kan’yang hawak.Tinanaw niya ang liwanag ng bawat tahanan sa bulubunduking parte ng lugar. Magandang tanawin iyon sa gabi. Nang magsawa ay binaba niya naman ang tingin sa infinity pool sa ibaba. Nasa isang resort sila sa Baguio. Mula sa Romblon ay doon sila dumiretso kasama ang mga anak. Hindi na muna siya sumama sa mga kapatid pauwi dahil kailangan niya pa ng kaunting panahon para sa sarili.Inaasahan niya nang babalik si Shaun dahil sa mga bata. Hindi niya nga lang akalain na makikita pa ito ng kambal na may kasamang ibang babae. Maging siya ay ganoon din. Ano pa nga bang aasahan niya, na siya pa din ang mahal nito? Mas pinili nga nitong magtiis sa piling ni Heria kaysa tumakas kasama siya.“Psst.”Ang kan’yang tahimi
Sa sinapit ng ama ni Shaun, nakaramdam siya ng pangamba. Hindi niya gustong maging kagaya ng kinahinatnan ng pagmamahalan ng kan’yang mga magulang ang sa kanilang dalawa ni Cianne. Ayaw niyang maulit ang nakaraan.Mas lalong lumakas ang loob niya na magpatuloy sa paghahanap sa kan’yang mag-iina, kahit hanggang sa pagputi man ng buhok niya.“Sir, good news. Nakakuha na ako ng record sa airport. Hindi lumabas ng bansa si Cianne. Nasa Baguio sila ng mga bata.”Agad niyang kinancel ang flight patungo sa ibang bansa nang marinig ang magandang balita mula sa private investigator.Nagpatulong siya sa kaibigan na si Josh upang magpahatid sa Baguio gamit ang private plane nito. Ayaw niyang magsayang pa ng panahon.Pagdating doon ay tinungo niya ang hotel na tinuluyan ng kan’yang mag-iina ayon na din sa impormasyon na binigay sa kan’ya.“I’m sorry sir, but we can’t disclose any information to you,” ani babaeng receptionist.Malungkot siyang napangiti.Tinitigan niya ang babae na animo’y ilang