“So hows your honeymoon in Pili?” Mapang-asar na mga kaibigan ang sumalubong kay Shaun matapos ang lunch meeting niya sa bagong supplier ng mga mahogany.Kakauwi lang nila ni Cianne kaninang madaling araw. Sa totoo lang ay napuyat s’ya. Hindi dahil sa hindi siya sanay matulog sa ganoong klaseng hotel, kun’di dahil katabi niya ang ina ng kan’yang mga anak.Hindi siya nakatulog dahil sa lakas ng tibok ng kan’yang puso. Hindi maaaring manumbalik ang nararamdaman n’ya para dito. Hindi sa mabigat na kasalanan nito sa kakambal niya.“We’re stranded. Ano’ng honeymoon pinagsasabi n’yo?”As usual ay dumaldal pa din si Cianne habang nasa byahe sila pauwi kanina. Pinipilit niyang ignorahin ito. Kailangan niyang maglagay ng pader sa pagitan nila.“Come’on bro. You look so fine now.”Naiiling niya na lang na nilagpasan ang mga ito at umakyat na sa opisina. Sa tuwing makikita s’ya ng mga ito ay pang-aasar ang inaabot n’ya.“You’re here, stepson.”Pagpasok ng opisina ay naabutan niyang prenteng naka
Sa isang iglap, nag-iba ang tingin ni Shaun sa kan’yang lolo.Simula nang una niya itong makilala, nakatatak na sa isipan n’ya ang pagiging istrikto nito. Bukal sa loob niyang tinanggap iyon, dahil nais lang nito na mapabuti silang magkapatid. Subalit nang pumasok siya sa kompanya, doon n’ya nakitang wala itong sinasanto, kahit siya pa nga na sariling apo ay nagagawa itong ipahiya sa harap ng mga empleyado sa tuwing nagkakamali. Tinanggap niya iyon sa pag-iisip na parte iyon ng paghubog sa kan’ya bilang tagapagmana.Kaya sa natuklasan na ginawa nito sa pamilya ni Mr. Fuerte, napagtanto niyang hindi basta-basta si Don Felipe. Nang kinausap niya ito kanina, ay para ba’ng sanay na sanay na ito’ng gumawa ng masama pagdating sa negosyo.Pinagmasdan niya ang natutulog na mga anak. Kakauwi n’ya lang galing sa trabaho. Nagpalit lang s’ya ng damit at sa kwarto na ng mag-iina nagtungo.Hindi maalis sa isip niya ang trauma na maaaring naranasan ng mga anak ni Mr. Fuerte. Kaya gagawin n’ya ang la
Magaan ang gising ni Shaun kinabukasan. Itanggi n’ya man ngunit malaking bagay na nasabi niya kay Cianne ang sama ng loob sa kan’yang lolo.Naging mas lalong maalaga ang babae sa kan’ya sa mga lumipas pa’ng araw. Buong akala niya ay may hihilingin lang ito kagaya nang pagbigyan niyang lumabas mag-isa kasama ang kambal, na kahit pa doblehin nito ang pag-aalaga sa kan’ya ay hindi niya papayagan.“Can I join you?”Humabol sa kan’ya si Cianne bago pa man siya makalabas ng pintuan ng mansyon.Tumaas ang pareho niyang kilay. Alam ba nito kung saan s’ya pupunta?“Saan ka papunta?” Iniisip niyang magpupumilit naman ito’ng magtungo sa restaurant na pag-aari nito.Nang mga nakaraan ay palagi niyang naaabutan ito’ng nasa harap ng laptop at abalang pamahalaan ang negosyo kahit pa sa virtual iyon. May mga pagkakataon na namomoblema ito lalo pa kung may mga bagong supplier na kakausapin. Minsan pa’y nagreklamo ito’ng hindi umuusad ang restaurant dahil hindi s’ya makalabas.Naaawa s’ya ngunit pinipi
Kakaibang Shaun ang nakasama ni Cianne nang mga nagdaang araw pagkatapos nilang bumisita sa puntod. Naging mabait na ito sa kan’ya. Hindi pa man nanunumbalik ang dating pakikitungo nito sa kan’ya, kagaya noong matalik pa silang magkaibigan, ngunit sapat na ang pagbabagong ito para magkaroon siya ng pag-asa.Hindi niya akalain na kailangan niya lang pala magpakatotoo sa binata upang pagbigyan siyang paniwalaan nito ang sinasabi niya laban kay Don Felipe.Ang mahalaga na lang sa kan’ya ngayon ay makalaya, hindi lamang sa poder ni Shaun kun’di sa bagsik ng lolo nito.Sa ngayon ay hindi pa s’ya pinapayagan ni Shaun na umuwi sa sarili niyang bahay kasama ang mga bata o kahit ang lumuwas man lang nang mag-isa. Marahil ay dahil hindi naman siya nagtatanong pa.Hindi pa rin kasi siya sigurado sa pinapakita nito. Ayaw niya munang humiling nang humiling dito. Isa pa’y kahit naman bigyan siya ng kalayaan ay iniisip niya pa din na baka bigla na lang siyang makita ni Don Felipe, lalo pa’t marami i
Mariin na pinikit ni Shaun ang mga mata nang makaramdam nang pagkahilo. Hindi niya akalain na malakas uminom ang kan’yang ama. Akala niya pa naman ay siya ang maghahatid dito pauwi dahil una ito’ng malalasing, ngunit nagkakamali s’ya.“Shaun, papahatid ko na lang ito’ng kotse mo sa kompanya bukas.” Narinig niya pa’ng saad ng kan’yang ama bago umarangkada ang kotseng sinasakyan niya.Pinasundo siya nito sa driver na si Jake.Sumama siya sa ama na dumalo sa bagong bukas na bar sa lungsod. Palagi naman s’yang inaaya nito tuwing may dadaluhan na event, ngunit palagi din s’yang tumatanggi. Hindi siya malapit dito. Hindi niya rin maalala ang huling araw na nakakwentuhan n’ya ito nang matagal bukod ngayong gabi.Pumayag s’ya sa pag-aasam na makakakuha dito kahit anuman impormasyon bago mamatay ang kapatid niyang si Matt.Dinilat niya ang mga mata at natulala sa sasakyang nasa unahan. Naalala niya kung paano siyang proud na pinakilala nito sa mga kaibigang negosyante pati na din sa mga puliti
Mabigat pa ang mga mata at masakit pa ang ulo pero bumangon na si Shaun. Gayunpaman ay malinaw pa din sa isipan niya ang paghalik na ginawa kay Cianne kaninang madaling araw.Tumingin siya sa salamin matapos maghilamos. Nakangiti niyang hinaplos ang mga labing dumapo sa labi ng babae, ilang oras pa lang ang nakakalipas.Tandang-tanda niya pa kung paanong sa unang araw nilang pagtatagpo noon ni Cianne ay may kakaiba na s’yang naramdaman para dito. Napangiti siya nang maalala kung paano niya kunwaring nagustuhan ang natitirang isang set ng cookingware sa shop kung saan nag-cross ang landas nila. Alam niyang marami pa’ng stock sa ibang store, pero pinagpilitan n’ya ang sarili sa cookingware na iyon para lang makausap nang matagal ang babae.Akala niya ay susuko ito, ngunit lihim siyang nagdiwang nang mapagkasunduan nilang salitan na lamang ang paggamit ng cookingware. Kung hindi siguro siya tinamaan kay Cianne sa unang beses pa lang ay hindi siya mag-aaksaya nang panahon para lang sa gam
“Jaucian is wearing blue shirt. Nasa ikalawang lamesa siya sa kanan,” mahinang sabi kay Shaun ng lalaking kunwari niyang nabangga papasok ng restaurant.“Sorry,” saad niya bago pumanhik sa loob.Hinanap ng kan’yang mga mata ang lalaking nakasuot ng kulay asul na damit. Kaagad niyang nilapitan iyon at kaswal na umupo sa harapan.Ang lalaking nabangga niya kanina ay ang imbestigador na kinuha niya upang malaman ang katotohanan sa mga sinabi ni Cianne.“Ayokong magtagal dito. Kung may itatanong ka, simulan mo na.” Wala nang inaksaya ang lalaking kaharap niya na nagngangalang Jaucian. Ito ang dating accountant ng kanilang kompanya, na isang araw lang ay natuntunan kaagad ng imbestigador.“Ilang taon ka’ng nanilbihan sa kompanya bilang accountant?”May edad na ang lalaki, kaya sa wari niya ay matagal-tagal na din ito sa kompanya bago umalis.“Higit dalawampu’ng taon. Kaya ko pa sana hanggang sampong taon o higit pa, kung hindi lang ako pina-retire nang biglaan ng lolo mo kapalit ng malakin
Animo’y nabunutan ng tinik si Cianne nang sabihin ni Shaun ang magandang balita. Napatunayan na nito na nagsasabi s’ya ng totoo. Hindi pa iyon sapat, pero magandang simula na para makalaya siya sa mga paratang nito.Gusto niya sanang magtampo dito dahil kailangan pa’ng magmula sa ibang tao na nagsasabi s’ya ng totoo pero wala naman patutunguhan kung gagawin n’ya iyon.“Anong plano mo?”Hindi niya alam ang ginawa nitong pag-iimbestiga kaya natatakot siyang baka malaman ni Don Felipe ang ginagawa nito. Mas mainan nang kahit papaano ay may alam s’ya sa bawat galaw nito.“I’ll continue seeking the truth. Kailangan kong malaman ang dahilan ni lolo. Kung bakit n’ya hinayaan si Matt na nakawin ang perang iyon. Kung bakit niya itinuro sa’yong kunin iyon kapalit nang paglayo mo sa amin, pagkatapos ay babawiin n’ya din. Masakit man isipin pero malakas ang kutob ko na may kinalaman s’ya sa malagim na sinapit ng kakambal ko.”Marahan s’yang tumango. Para lang s’yang ginamit ni Don Felipe para mab
“Sir, baka po sumakit na ang ngipin n’yo.” Halos maubos na ni Shaun ang cookies nang hatiran siya ng tubig ni Manang Alice sa kwarto.Lumalalim na ang gabi ngunit hindi siya makatulog. Makailang-ulit niya na yatang binabasa ang marriage contract nila ni Cianne, na mas lalong nagdadagdag ng mga bagong katanungan sa isip niya.Paano siya naikasal kay Heria gayong kasal na siya kay Cianne?Masaya siya sa nadiskubre, hindi niya iyon ikakaila. Gayunpaman, hindi siya sigurado kung tunay ba ang marriage certificate na hawak niya.Tinawagan niya na kanina ang private investigator upang alamin kung lehitimo pa ang papeles. Panalangin niyang totoo ito.Gayunpaman, totoo man o hindi, alam niyang ang kan’yang kakambal na si Matt ang gumawa ng paraan upang makita nita ang papel na iyon. Sigurado siyang sinasabi nito’ng huwag niyang sukuan ang pagmamahal para kay Cianne.Kailangan niyang maging handa pagkatapos ay pangako niyang ipaglalaban na ang pagmamahalan nila.Kinabukasan din, isang magandang
Tinitigan ni Shaun ang dalawang cookie jar sa pantry na wala pa’ng bawas ‘ni isa. Simula nang ibigay iyon ni Cianne ay hindi niya pa nabubuksan. Samantalang noon ay hindi tumatagal ng isang araw sa kan’ya ang cookies na gawa ng babae.Malungkot siyang napangiti. Paanong ang pagkain na iyon na dati’y nagbibigay ng katahimikan sa puso niya ay simbolo na ngayon ng malungkot na alaala.Sinara n’ya ang pantry at pumanhik na sa taas. Nasa dating bahay siya kung saan noon nanirahan si Cianne at Matt. Madalang na siyang pumasok sa opisina at paminsan-minsan na lang nakikipagkita kay Heria.Bigla ay para siyang nawalan nang gana sa kahit anuman na bagay.Nauunawaan niya ang kagustuhan ni Cianne na lumayo para maging malaya na ang pagmamahalan nila bilang isang pamilya, gayunpaman, hindi iyon ang tipo ng pamumuhay na nais niyang ibigay sa kan’yang mag-iina. Hindi niya gusto ang ideya na habangbuhay silang magtatago kay Don Felipe at Heria.Gusto niyang mabigyan nang malayang buhay ang kambal, k
Sinara nang maayos ni Cianne ang cookie jar pagkatapos ay nilagay sa paper bag. Marami ang laman ng isang jar ngunit alam niyang kayang-kaya iyong ubusin ni Shaun sa isang upuan lang kaya dinagdagan niya pa ng isa.Hindi pa man nagtatagal nang umuwi ang kan’yang mga staff ay dumating na si Shaun sa restaurant. Mayroon ito’ng maliit na ngiti sa labi nang makita s’yang nakaupo sa lamesang pandalawahan sa loob.Siya ang nagpapunta dito sa kan’yang restaurant. Matapos ang nangyari kagabi ay lalong sumidhi ang damdamin niyang magkaroon ng kaliwanagan ang lahat.“Kumain ka na ba?” tanong niya nang umupo ito sa harapan n’ya.Umiling ito.“Me too. Gusto mo ba magluto for our dinner?” Bakas niyang tinatantya nito kung paano siya papakitunguhan kaya nais niyang maging magaan lang ang lahat kahit papaano.“Sige ba.”Sabay silang nagtungo sa kitchen. Naupo lamang siya at hinayaan ito’ng magluto ng sariling recipe ng lasagna at garlic bread.Hindi niya napigilan ang pagsilip ng ngiti sa kan’yang l
Kahit pa ipagtabuyan ni Cianne si Shaun ay hindi pa rin s’ya nito iniwan. Hinintay siya nitong matapos sa ginagawa sa restaurant at umalalay sa kan’yang pagmamaneho pauwi.Umalis lang ito nang masigurong nasa loob na s’ya ng kan’yang bahay.Pagkauwi ay agad niyang tinungo ang kambal. Marami na naman itong mga pasalubong mula sa ama. Halatang bumabawi sa mga oras na sana’y nilaan nito sa kambal imbes na kay Heria.Mariin siyang pumikit nang maisip ang huli. Paano nga kung si Heria na talaga ang makakasama ni Shaun habangbuhay? Wala na siyang magagawa kun’di tanggapin iyon, lalo pa’t kung parte ng buhay ni Shaun ang babae ay magiging parte na din ito ng buhay ng kambal.Pumasok na siya sa sariling kwarto. Nilapag niya ang bag sa kama nang mapansin ang pulonpon ng bulaklak na hyacinth na naroon.Kinuha niya ito at binuksan ang card na nakaipit.Cianne,I know that sorry isn’t enough to justify the days I haven’t connected with you, but please know that I’m not giving up on us. Kung ano
“Ingat kayo. Bukas ulit!”Kumaway si Cianne sa huling mga empleyado na lumabas sa kan’yang restaurant. Alas-nuebe na nang gabi at siya na lang ang naroon.Nagtungo siya sa kitchen area upang ipagpatuloy ang paghahalo ng harina para sa gagawin niyang cookies para sa kan’yang kambal. Ang totoo ay maaari niya naman iyong gawin sa kan’yang bahay ngunit ayaw niya pa’ng umuwi.Paano’y nabalitaan niya kay Yaya Ling na kanina pa naroon si Shaun upang bisitahin ang mga bata. Nang mga nagdaang linggo ay tumatawag at dumadaan-daan lang ito para magpakita sa mga anak, ngunit ngayon ay halos mag-ta-tatlong oras na itong nasa bahay n’ya.Nang tumawag siya sa mga kasambahay ay tila wala pa daw balak na umuwi ang lalaki, kaya napagpasyahan n’yang huwag munang umalis sa restaurant.Matapos ang nangyari nang isang araw, ay mas lalo na siyang nawalan nang gana na makita ito. Tuluyan nang naglaho ang tiwalang hinihingi nito sa kan’ya.Sa ngayon ay hindi na siya sigurado sa plano nito. Baka nga hindi na s
Sa pintuan ng kwarto pa lang ay naririnig na ni Cianne ang malutong na tawa ng kambal. Pumasok s’ya at naabutan ang dalawa na mayroong kinakausap mula sa cellphone ni Yaya Ling.“Yaya, sino ‘yan?” tanong niya nang nagtataka dahil iyon ang unang beses na mayroong katawagan ang katulong habang nag-aalaga ng mga bata, at kausap pa ang mga ito.Bago pa man makasagot ang yaya ay nasilip niya na ang cellphone na hawak ni Kean at nakitang si Shaun iyon.Higit isang linggo na din na hindi bumibisita ang lalaki sa mga bata. Hindi rin ito tumatawag sa kan’ya at ang huling pag-uusap nila ay ‘yong gabi pa na inaya niya itong magpakalayo-layo. Nasasaktan pa din siya sa tuwing naaalala ang pagtanggi nito.“Daddy has to go to back to work na,” bigla ay paalam nito kahit mayroon pa naman oras.Iniiwasan ba siya nito? Mukhang oo, dahil imbes na siya ang tawagan upang makausap ang kambal ay dinaan pa nito sa katulong.“Bye daddy!” nagpaunahan pa ang dalawa sa pagbibigay ng flying kiss.Akala niya ay hi
Alas-otso na nang gabi. Sa oras na iyon dapat ay nasa bahay niya na si Shaun at nakikipagkulitan sa mga bata. Wala siyang natanggap na mensahe mula nang umalis ito kanina. Wala din ito sa sariling bahay nang tawagan niya.Tiningnan n’ya ang dalawang maleta na naglalaman ng mga gamit nila ng kambal. Hinanda niya iyon kanina nang isang desisyon ang nabuo sa isipan niya. Hinihintay niya na lang si Shaun para maisakaturapan iyon.Lumabas siya ng kwarto upang magpahangin sa labas. Narinig niya ang dalawang sunod na busina kaya agad siyang lumingon sa gate. Bumagsak ang kan’yang balikat nang mapagtantong hindi iyon kotse ni Shaun, bagkus ay sa kan’yang ate Cindy.Hindi n’ya na sinalubong ito nang tumunog ang kan’yang cellphone. Tawag mula kay Shaun, na kanina n’ya pa hinihintay.“Cianne.” Walang lambing ang pagtawag nito sa kan’ya, at kahit isang salita lang iyon ay damang-dama niya ang lungkot doon.Marahil ay hindi ito naging tagumpay sa pakikipag-usap kay Heria tungkol sa pagkalat ng lar
Tuluyang lumabas ng kwarto si Shaun at Cianne pagkatapos ay sinara ang pintuan. Ayaw nilang magising ang mga anak sa ganoong senaryo.Handa si Shaun na tanggapin ang susunod pa’ng sampal ni Cindy ngunit pumagitna si Cianne.“Ate, let me explain,” anito.Naramdaman niya ang pag-abot nito sa kan’yang kamay mula sa likod. Hinawakan niya iyon nang mahigpit.“You knew that he’s married?” hindi makapaniwalang tanong ni Christine.Marahan na tumango si Cianne.Hinila niya ito patungo sa kan’yang likod. Kung mayroon man dapat humarap sa mga ate nito, siya dapat iyon.“That’s true, I’m married. But it was an arranged marriage years ago. Ang kapatid n’yo ang mahal ko, kaya inaayos ko na ang lahat. The one I’m married to knows that I don’t have feelings for her eversince. I’m sorry kung nasa ganitong sitwasyon si Cianne dahil sa akin. Pinapangako ko, I’ll make this right para sa mag-iina ko.”Bakas sa mukha ng mga kapatid ni Cianne na wala itong tiwala sa mga sinabi niya.“Then tell us how can y
Paulit-ulit ang pagtingin ni Shaun sa relo. Higit kinse minutos na siyang naghihintay sa western restaurant na sinabi ni Heria. Wala pa ito. Naiinip na s’ya.“I’m sorry, I’m late,” saad nito pagkarating. Lumapit ito sa kan’ya para humalik nang umiwas siya.Nakasimangot tuloy itong umupo sa harapan n’ya.“I said, don’t do that to me in public,” nayayamot nitong sabi sa ikinikilos n’ya.“Then, don’t do that to me also. We’re not into any romantic relationship, Heria,” paglilinaw niya kahit paulit-ulit niya nang sinabi dito noon.Hindi niya maunawaan si Heria. Noon pa man ay marami na ito’ng manliligaw na kagaya niya ay nanggaling din sa kilalang angkan sa pagnenegosyo at pulitika. Kahit ngayon ay mayroon pa rin pumuporma dito, subalit mas pinili nito’ng ipagpilitan ang sarili sa kan’ya.“We’re married.”Pinanghahawakan talaga nito ang kapirasong papel na iyon.“Anyway, finally you ask me on a date. Wala na ba iyong kabit mo? Natakot na ba?” buong kompyansa nitong tanong.“This is not a