Kinabukasan ay bumyahe na sila pabalik sa mansyon. Maayos na iyon kaysa manatili sila ng mga anak sa isa pa’ng bahay ni Shaun, dahil pakiramdam niya ay susulpot bigla si Don Felipe doon ano mang oras.Sa byahe ay hindi niya maiwasan tingnan sa kan’yang tabi ang nagmamanehong si Shaun.Simula nang bumalik siya sa poder nito ay naging magaan na ang itsura nito. Alam niyang hindi pa lubusang nilalamon ng kasamaan ang pagkatao ng lalaki, at malaking ambag doon ang presensya ng mga bata.Sinilip niya sa likod ang kambal na natutulog habang nakakalong sa dalawang katulong. Kapag nagtagumpay siya sa plano ay magagawa niya din maibigay dito ang nakasanayan na nilang gawin sa araw-araw noon.Kailangan niyang mapaniwala si Shaun na wala s’yang kinalaman sa pagkamatay ni Matt, na ang pagkuha niya ng pera nito ay ayon sa inutos sa kan’ya ni Don Felipe. Bago iyon, kailangan niya munang maibalik ang tiwala nito sa kan’ya.Kapag nagtagumpay siya ay papanig na ito sa kan’ya. Hahayaan na s’ya nitong m
“Fine! Pero para na lang sana sa mga bata. Ang totoo kasi n’yan, miss na ni dad ang mga apo n’ya. I’m sure Kean and Sean want to see their grandfather too. Balak ko sana silang dalhin muna kay dad. Siguro naman papayag ka?”Pinalamlam niya pa ang mga mata na parang ang kambal kapag may gustong makuha. Umiwas ng tingin si Shaun at umayos ng upo. Hindi niya alam kung epektibo ba iyon o nandidiri sa ginawa n’ya.Hindi yata bagay sa kan’ya.“If it’s for the kids, papayag ako, basta kasama ako. I won’t cage them there. Ikaw lang naman ang may kasalanan kay Matt.”Sumimangot s’ya sa panghuling sinabi nito.“Wala nga ako’ng kasalanan!”“Kailan ba ‘yan?”Binago nito kaagad ang usapan. Bahala itong marindi sa kan’ya basta hindi siya magsasawang igiit ang totoo dito.“Bukas.”“Then, I’ll drive you.”Hindi niya alam kung ikakatuwa n’ya ba iyon o hindi. Gayunpaman, mas mabuti na iyon kaysa hindi talaga siya makalabas man lang.Hindi na siya makikipagtalo pa.Binasa niya na ang ikalawang kondisyon
Kinabukasan din ay tinupad ni Shaun ang kasunduan na ibabalik na sa kan’ya ang cellphone. Sabik niyang binuksan iyon. Tadtad iyon ng mensahe na hindi naman pinakialamang buksan ng lalaki.Bukod doon ay ginawa din nito ang sinabing sasamahan sila sa pagbisita sa kan’yang ama.Ang totoo ay parang nagdadalawang-isip siya. Hindi naman sa ayaw niya nang bisitahin ang ama ngunit nag-aalala siyang baka naroon ang dalawang nakakatandang kapatid na babae at baka sugurin si Shaun dahil sa galit dito.Hindi niya naman masisisi ang mga ito, ngunit gusto niya lang mag-ingat. Baka mapurnada pa ang kan’yang plano kapag nagkataon.Gayunpaman, natagpuan niya na lang ang sarili na nakaupo na sa harapan ng sasakyan habang kalong-kalong si Kean. Ang isa pa’ng kambal na si Sean ay nasa likod kasama si Tere, na pinasama ni Shaun upang may makatulong daw s’ya sa pag-aalaga sa bata sa byahe, kahit kayang-kaya niya naman na s’ya lang.“Liliko ka d’yan.”Paalis pa lang sila ay sinabi niya na dito ang address n
Sabik si Cianne na makakwentuhan ang ama kagaya nang pagdaldal ng kambal dito, ngunit hindi niya magawang maging komportable sa sariling pamamahay. Naiilang s’ya sa presensya ni Shaun sa harap ng kan’yang ama, kahit pa mabait naman ang pinapakita nito.Maraming pinahandang pagkain para sa pananghalian ang kan’yang ama. Kagabi pa lang kasi ay tinawagan niya na ito para sabihin na bibisita sila ng mga anak. Kahit hirap gumalaw ang kan’yang ama at bahagyang nanghihina na din dahil sa mga komplikasyon dulot nang pagkaka-stroke ay hindi pa din ito pinanghihinaan ng loob. Naroong nag-the-theraphy pa din ito, at palaging nakikihalubilo sa mga kasama sa bahay.Gayunpaman, labis-labis ang pagsisikap nilang magkakapatid na huwag itong mabigyan nang kahit anumang sama ng loob. Kaya kahit maliit na problema sa kompanya ay hindi nila sinasabi dito. Sinisikap nilang resolbahin iyon sa alam nilang paraan.Kaya ang presensya ni Shaun sa pamamahay nila ay labis niyang pinag-aalala. Hindi niya nasabiha
Wala naman masama kung sasabihin na ni Shaun sa kan’yang mga anak na ito ang tunay nilang ama, ngunit abot langit pa din ang kaba ni Cianne nang maiwan silang apat sa playroom ng mga bata.Pagkauwi ni Shaun galing sa trabaho kinabukasan ay inaya na siya nito’ng kausapin ang tatlong gulang na mga anak.Ang totoo ay natatakot siya sa magiging reaksyon ng mga ito. Kung mauunawaan ba ang sasabihin nila? Magtatampo ba o matutuwa?Hindi pa nagtatagal ay tuluyan na ngang sinabi nito na siya ang tunay na ama sa mga bata.Sa lahat ng reaksyon na kagabi niya pa iniisip ay ‘ni isa walang pinakita ang dalawa.Tulala lang ito kay Shaun at pagkaraan ng ilang sandali ay bumalik na sa paglalaro. Tila wala itong naintindihan sa narinig.“Mga anak, si Daddy Shaun ang inyong tunay na ama.” Tinagalog niya pa ang sinabi ni Shaun kahit naturuan niya naman ng basic english ang mga anak.“We know po mom, that’s why we called him dad,” saad ni Sean.“And we looked like him,” dagdag ni Kean.Pareho silang nag
“What’s this?”Umagang-umaga ay nakasimangot na mukha ang sinalubong ni Shaun kay Cianne nang abutan niya ito ng papaitan.“Maganda ‘yan para sa hang-over.”Maaga siyang gumising para lang ipagluto ang binata.Hindi siya concern dito, bagkus ay nagsisimula na siyang isakatuparan na makuha ang loob nito.Naiiling na tinabig ni Shaun ang mangkok. Halata sa mukha na hindi maganda ang gising nito.“Just tell Manang to bring me coffee.”Nakabihis pang-opisina na ito kahit maaga pa sa oras nang alis. Karaniwan kasing hinihintay muna nito ang mga bata bago ito mag-agahan.“Ako na lang ang magtitimpla,” pagboboluntaryo n’ya. Siya naman talaga ang nagtitimpla ng kape para dito hindi niya lang alam kung bakit parang biglang nag-iba ang mood nito.“Do as I say,” maotoridad nitong sabi na nagpatahimik sa kan’ya.Mas lalo niya pa’ng napagtantong seryoso nga ito at hindi lang nagsusungit nang dali-daling kumilos si Manang Alice para sundin ang sinabi nito.Iniwan niya na lamang ang lalaki doon. Say
“I made you lunch!”Nagpaskil ng malaking ngiti si Cianne nang maabutan niya sa hapag-kainan si Shaun kasama ang mga bata na kumakain ng almusal.Maaga siyang gumising para ipaghanda ang lalaki ng pananghalian nito.Kahit pa hindi nito ginalaw ang hinanda niyang pagkain kahapon ay hindi siya nawalan ng pag-asa. Iyon lang naman ang tanging alam niya para mapaamo ang masamang tupa. Pakainin ito.Ang kislap ng mga mata nito ay nawala nang bumaling sa kan’ya ang mga tingin. Bukod sa lunchbox na nilagay niya sa lamesa ay nagdala din siya ng kape para dito.“Sa’yo na ‘yan. May kape na ako.”Saka niya lang napansin ang isang tasa ng kape na nangangalahati na nito.“Mas masarap ‘to kaysa sa timpla ni Manang,” pagbibida niya kahit hindi niya pa man natikman ang timpla ni Manang Alice.Hindi siya nito pinansin bagkus ay tinuon sa mga bata ang atensyon.Hindi na siya nagpumilit na ipaubos dito ang kape dahil baka nerbyusin naman ito. Mas mabuti nga sana iyon para kabahan naman ito sa ginagawa sa
“Wait, baon mo.”Isang linggo na s’yang pinapabaunan ni Cianne, ngunit ‘ni isang beses ay wala siyang sinubukang kainin. Kung saan iyon nilagay ng dalaga sa kotse ay doon din iyon nakalagay hanggang sa pag-uwi. Walang bawas kahit katiting man lang. ‘Ni hindi n’ya nga iyon binuksan man lang.Hinilot niya ang sintido habang binabasa ang mga papeles sa kan’yang desk. Hindi pa nangangalahati ang araw pero sumasakit na ang ulo niya. Paano’y nahihirapan siyang kumbinsihin ang may-ari ng furniture shop sa kabilang lungsod na ibenta ang shop nito sa kanila.Kung siya lang ay susuko na s’ya sa pagkumbinsi dito at maghahanap na lamang ng iba o magtatayo ng bago tutal ay kayang-kaya naman nila iyon, subalit sadyang kakaiba magpatakbo ng negosyo ang kan’yang lolo. Ayaw nitong may kakumpetensya kahit maliit ay tinitira.“Tandaan mo, mas nakakapuwing ang maliit na insekto.”Simula nang bata pa ay binuhay na siya ng ina na puno ng pangaral tungkol sa kabutihan. Pakiramdam niya ay sinusuway n’ya ito
Agad na kumawala si Cianne sa mga bisig ni Shaun nang maunang magising kinabukasan.Dumiretso s’ya sa banyo upang maghilamos. Baka sakaling mahimasmasan s’ya sa nangyari kagabi. Napakapusok n’ya. Bakit s’ya nagpadala sa nararamdaman? Hindi pa nga malinaw ang estado ng kasal ni Shaun kay Heria. Masyado n’ya nang binababa ang sarili para lang pagbigyan ang kan’yang puso.Siguradong sermon ang aabutin n’ya kapag nalaman ng kan’yang mga kapatid ang naging relasyon sa may asawa nang si Shaun.Sa isiping iyon ay dali-dali siyang bumalik sa kama at kahit hindi pa sumisikat ang araw ay pilit n’ya nang ginising ang lalaki.“Shaun, gising na.” Niyugyog n’ya ang katawan nito ngunit umungol lang ito.Sinubukan n’ya pa’ng muli. Hindi p’wedeng malaman ng kan’yang mga kapatid na doon nagpalipas ng gabi si Shaun.Minulat nito ang mga mata ngunit mabilis din na pumikit.“Bumangon ka na at umuwi sa bahay mo.”Muli nitong minulat ang mga mata ngunit pumikit din kaagad na animo’y nasisilaw kahit wala nam
Pinulupot ni Cianne ang kan’yang braso sa beywang ni Shaun upang alalayan ito sa paglalakad patungo sa guestroom. Dala ng kalasingan, nahirapan ito’ng balansehin ang paglalakad kung kaya pati siya ay nadadala sa tuwing nagpapasuray-suray ito.“Gosh! Thank you!” Huminga siya nang malalim nang sa wakas ay tagumpay na nadala sa guestroom si Shaun.Sinilip niya ito nang ibagsak nito ang katawan sa kama. Nakapikit na ito kaya malaya niyang napagmasdan ang mukha.Mag-da-dalawang linggo na rin simula nang umalis siya sa poder ni Shaun. Hindi niya maikakaila sa sarili na namimiss n’ya ito. Kung hindi nga lang masama ang umangkin ng asawa ng iba ay baka ginawa n’ya na, ngunit malinaw pa naman ang isipan n’ya. Kahit pa mayroon silang anak ni Shaun ay sa tama pa din s’ya papanig.Wala sa ayos ang damit nito, na mukhang pagkagaling sa opisina ay dumiretso na sa bar upang uminom.Dumako ang kan’yang mata sa paa nito. Nakasuot pa ito ng sapatos kaya walang pag-aalinlangan n’ya iyong hinubad.Kahit
“Table number 3! 10 minutes na ‘yong order nila, bakit ang tagal?” sigaw ni Cianne sa kitchen staffs na nagpagitla sa mga ito.Nagkatinginan ang mga ito na animo’y nagtataka sa pagtaas ng boses niya.Sinundan s’ya ni Stacy, ang manager ng kan’yang restaurant.“Miss Cianne, nag-change order po kasi ang table number 3 kaya hindi pa na-se-serve,” pagpapaliwanag nito na para ba’ng inaamo ang galit nang amo.“Just tell the staffs to give their best service every single day. Hindi iyon sa una lang. Ano na lang ang sasabihin ng mga customer natin na nangako tayo na mabilis ma-serve ‘yong food pero hindi naman natin tutuparin? Umaasa ‘yong mga customers, tapos bibiguin lang natin? We must be sensitive enough to think that we might hurt them,” puno ng emosyon niyang saad.Umawang ang labi ni Stacy na animo’y ikinabigla ang mahabang litanya ng kan’yang amo, na tila malayo na sa sitwasyon ang pinapatungkulan.“I mean, we might disappoint them, because they’re hungry,” mabilis na pagdugtong ni Ci
Nakatingin si Shaun sa pulang ilaw ng traffic lights nang malalim na nag-iisip. Alam niyang hindi ganoon kadali ang makipaghiwalay kay Heria.Kasabay nang pagkulay berde ng traffic lights ay ang pagtunog ng kan’yang cellphone. Ang kan’yang madrastang si Mina ang tumatawag. Nagdadalawang-isip siya kung sasagutin iyon o hindi. Dis-oras na nang gabi, kinutuban s’yang baka importante iyon tungkol sa kan’yang ama.“Shaun, pwede mo ba kaming sunduin dito sa HighEast Bar?”Malakas ang music sa background at tunog lasing na ang madrasta. Sinabi niya ditong tatawagan na lang ang ama upang s’yang sumundo ngunit mabilis itong tumanggi at sinabing masama ang pakiramdam ng kan’yang ama.Sa huli’y pinuntahan n’ya ito na siyang pinagsisihan niya din kaagad nang makitang kasama nito si Heria na halos wala nang malay sa sobrang kalasingan. Kung maaari lang magmaneho pabalik ay gagawin n’ya ngunit huli na nang makita s’ya at mabilis na sumakay ang dalawa sa kan’yang kotse.Alam n’yang set-up naman muli
Sandaling pinikit ni Shaun ang mga mata habang nakasandal sa headrest ng swivel chair. Kanina pa mahapdi ang kan’yang mga mata. Alam niyang hindi lang iyon dahil sa kakulangan ng tulog kun’di sa mga luhang nais nang tumulo.Puyat, pagod, at lungkot ang pilit niyang nilalabanan.Masakit para sa kan’ya ang paglalayas ng kan’yang mag-iina sa poder niya. Gustuhin n’ya man na pilitin si Cianne na bumalik ay alam n’yang wala s’yang magagawa pa. Kasalanan niya din naman kung bakit ito lumayo sa kan’ya.‘Ni hindi niya na nga nagawang pabulaanan ang mga akusa nitong pagsisinungaling n’ya. Ang totoo’y tinawagan s’ya ng madrasta upang sabihin na mayroong biglaang conference sa ibayong lungsod kaya kinailangan n’yang umalis nang maaga. Hindi n’ya akalain na si-net up lang s’ya nito upang sunduin si Heria.Hindi na s’ya nagtataka na maling impormasyon ang nakarating kay Cianne. Malakas ang kutob n’yang mula iyon kay Heria.Pinagsisisihan n’ya ang pagdalo sa family dinner nila, na kung hindi dahil
Walang tigil ang pag-ring ng cellphone ni Cianne ngunit paulit-ulit n’ya din itong pinapatay.Simula sa bahay ng kan’yang ama, hanggang sa restaurant ay tumatawag na si Shaun, pero ‘ni isa ay wala s’yang sinagot.Alam n’yang kailangan n’ya pa din pakinggan ang paliwanag nito, kahit pa sa tingin n’ya ay hindi na iyon makakabawas pa sa sakit na nadarama niya.Muli n’yang pinasadahan ng tingin ang mga larawang pinadala sa kan’ya ni Heria kaninang madaling araw. Makikita sa larawan si Shaun katabi ang babae. Tila isang dinner set-up iyon kasama ang pamilya ni Shaun. Lahat sila ay may magandang ngiti sa larawan. Taliwas ang kan’yang nakita sa sinabi ng lalaki na investors ang i-memeet nito kasama ang ama.Pinahid niya ang butil ng luhang umalpas sa kan’yang mata. Akala niya ay ubos na ang luha n’ya, mayroon pa pala.Bumaba na s’ya sa restaurant ngunit hindi pa man s’ya nakakapasok ay nakaabang na ang binata sa kan’ya.Nangangalumata ito. Bakas sa itsura nito na wala pa’ng tulog. Ang damit
Biglang nanlamig ang pakiramdam ni Cianne nang magpakilala ang babae. Nilahad nito ang kamay sa kan’yang harapan na makalipas lamang ang ilang segundo ay binawi din nang mapansin na wala siyang balak makipagkamay dito.“You looked shock and confuse. Is it because, you didn’t know that he’s married or you’re surprised that I found where he hides you?”“I’m sorry miss, but I don’t know what you’re saying.” Mas pipiliin niya munang magtiwala kay Shaun kaysa sa sinasabi ng babae na ngayon niya pa lang nakita at nakausap.“Let me guess. He left at four am, right? I am at Chicago for almost two years. Kanina, at 5am was my arrival here the the Philippines. He fetched me. Kumain kami bago n’ya ako ihatid sa bahay. Sayang nga lang dahil may importanteng conference s’ya, because if not, I’m sure we’ll spent the whole day together. Anyway, he promised to date me later tonight.”Nagsalubong ang kan’yang kilay. Gusto niyang isipin na artista ito sa galing umarte. Mukhang totoo ang mga sinasabi, n
Pagmulat pa lang ng mata ni Cianne ay gumuhit na ang ngiti sa kan’yang labi.Tila ayaw n’ya nang bumangon mula sa komportableng posisyon sa kama. Naka-unan s’ya sa dibdib ni Shaun habang nakayakap naman ito sa kan’ya.Matapos ang ilang buwan na puro takot at pangangamba, sa wakas naramdaman n’ya din ang pagiging ligtas sa mga bisig nito. Alam niyang simula sa oras na iyon ay may karamay na sya sa lahat ng pagsubok na kakaharapin.Isang masuyong halik sa kan’yang ulo ang nagpatingala sa kan’ya. Gising na si Shaun at kagaya n’ya ay may magandang ngiti din sa mga labi.“Good morning, mahal.”Dati ay na-ko-kornihan s’ya tuwing nakakarinig nang ganoong tawagan mula sa mga magulang n’ya, pero ngayon naiintindihan n’ya na. Nakakakilig pala talagang pakinggan kapag ikaw ang tinatawag nang gano’n.“Good morning too.”Lumawak ang ngiti nito at hindi kumibo.“Why?” nagtataka n’yang tanong.Bumangon s’ya at kinapa ang mukha kung may muta o dumi ba s’ya sa gilid ng labi. Inayos niya pa ang buhok.
Inaamin ni Cianne na nag-iba ang kulay ng kan’yang mundo nang dumating si Shaun sa buhay n’ya.Sa una ay kaibigan lang ang tingin n’ya dito, ngunit sa paglipas ng mga araw at buwan na nakikilala n’ya ito, unti-unti ay nahulog ang loob n’ya.“P’wede ba’ng ‘wag muna tayong matulog hanggang hindi natin pinag-uusapan ang tungkol kagabi?” pagpigil sa kan’ya ni Shaun papasok sa kwarto.Alam n’yang tiniis lang nitong huwag muna s’yang pansinin kahapon upang makatulog s’ya nang maaga dahil sa hang-over.Nauna s’yang naglakad patungo sa balcony. Wala rin naman patutunguhan kung iiwas siya. Kilala n’ya ito. Hindi rin naman ito titigil hanggang hindi malinaw ang lahat.“Seryoso ako nang sinabi ko na gusto kita, na mahal kita. If it makes you feel awkward, I’m sorry but that’s how I feel towards you,” panimula nito.Kung susundin n’ya lang ang puso baka hindi na ito nahihirapan.“Ang awkward kasi magkaibigan tayo ‘di ba? We’re bestfriends.”Tumingin s’ya sa kawalan habang nakasandal sa upuan. Dam